IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘tagalog short stories’

Ikaw Lamang Chapter 38

10.03.2010
21:56

Why do you have to do this Rian? Don’t you get that I don’t love you and I never will?

Hindi ako papayag na maging talunan Micea kaya gagawin ko ang lahat makuha lang kita kay Mon. I hold on to your promise na pakakasalan mo ako.

Because you threatened me. Kung di mo ako binantaan hindi ko sasabihin iyon. That was not a free will.

Free will man o hindi I believed on it.

Baliw ka na talaga.

Baliw na kung baliw basta akin kayo ni Raycea.” Pagtatapos nito at bumaling sa mga kasama na naghihintay sa may pintuan. “Boys” Sumenyas ito na kunin si Raycea.

No. Hindi niyo makukuha ang anak ko. Over my dead body.

At sino naman ang nagsabi sa’yong si Raycea lang ang pakay namin?” Nakangising tanong ni Rian sa kanya at nilagyan nito ng tape ang bibig niya.

No.” Papalag pa sana siya pero mabilis ang kilos ni Rian. Kahit gustong magsalita ni Micea ay wala na siyang mailabas. Nakita niyang may pumasok na dalawang lalaking nakasuot ng uniporme ng doctor at may higaan pa ng pasyente.

No. Please! Sigaw ng isip niya.

Sa kabilang dako ay inip na naghihintay si Mon sa may botika. Madaming bumibili sa mga panahong iyon. Nang siya na ang sumunod para mapagbilhan ng cashier ay bigla siyang kinabahan. Hindi niya malaman kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Huwag naman sanang may nangyaring masama kay Raycea. Usal niya sa sarili.

Halos patakbo siyang bumalik ng ospital. Hindi pa din mawala sa isip niya ang kabang nararamdaman.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan ng kwarto ni Raycea. Ayaw niyang maisturbo ang mag-ina niya kung sakaling natutulog ang mga ito. Laking-gulat niya ng walang tao ang silid na iyon.

Nasaan sina Micea at Raycea Jane? Natanong niya sa sarili. Dali-dali siyang pumunta ng front desk at nagtanong.

Nurse napansin mo ba ang pasyente sa room I-12?” Tanong niya sa mga nagdadaldalan pang mga nurse.

Hindi po sir eh. Baka nadischarge na po.” Sagot ng isa sa mga nurse.

Hindi maaari dahil anak ko ang nandoon. Bumili lang ako ng gamot sandali.” Naalarma ang mga ito sa sinabi niya. Walang order sa kanila ng araw na iyon na may ililipat na pasyente ng kwarto.

Sabay-sabay silang pumunta sa silid na sinasabi ni Mon.

Hindi ko po alam kung nasaan ang pasyente kasi wala naman pong sinabing ililipat siya.” Wika nito ng makompirmang wala nga si Raycea.

Nasaan na kaya sila? Hindi naman maaaring magpadischarge ang asawa ko ng di ako hinihintay. At isa pa di pa pwedeng lumabas ang anak ko, di pa iyon lubusang magaling.

Hindi ko po alam ang sagot sir.

Tumawag si Mon sa bahay nila para itanong kung umuwi ba ang asawa’t anak. Kahit nagdududa siyang di iyon magagawa ng asawa ay gusto pa din niyang makompirma.

Ma, nandyan ba sina Micea?” Tanong kaagad niya ng marinig na ang ina ang nag-angat ng telepono.

Di ba kayo ang magkasama? Nag-away na naman ba kayo?” Naguguluhang tanong nito.

Hindi po kami nag-away Ma. Bumili lang po ako ng gamot sa botika pagbalik ko wala na po sila. Silang dalawa ni Raycea talaga MA ang nawawala.

Pati si Raycea nawawala?” Napatayo na ang mga kasama ng Mommy ni Mon sa narinig. “EH hindi pa magaling ang bata ah.”

Iyon na nga po Ma eh. Hindi po iyon magagawa ni Micea na ilalayo niya si Raycea kung alam niyang ikapapahamak ito ng anak namin. Masama po ang kutob ko.

Sige anak pupunta na kami dyan ngayon din para maidulog na kaagad natin sa presento ang pagkawala ng mag-ina mo.

Salamat po Ma.

Sinalubong ni Mon sa harap ng ospital ang kanyang mga magulang at iba pa. Halos naluluha na siya dahil hindi niya alam kung saan hahanapin ang kanyang mag-ina. Nag-aalala din siya dahil hindi pa ganap na magaling si Raycea para maglaho ng ganun-ganun lang.

Sa ibang dako naman ay nakarating na sina Rian sa isang liblib na lugar. Kung sisipatin mo ang lugar ng mabuti ay parang walang mabubuhay na tao roon.

Tinanggal ni Rian ang tape na nakalagay sa bibig ni Micea.

I hate you!” Bungad kaagad ni Micea kay Rian at umupo siya sa upuan na nasa pinakasulok.

Sweetheart kumain ka muna.

Ayoko. Mas mabuti pang mamatay na lang ako sa gutom kaysa makasama ka.

Gusto mong iwan si Raycea sa akin?” Napalingon si Micea sa tanong ni Rian. Hindi niya maaatim na sa mga kamay ni Rian lumaki ang anak.

Gusto kong puntahan si Raycea.” Sagot na lang niya. Inihatid nila ang anak sa ospital sa may bayan para doon na tuluyang magpagaling.

Hindi pwede. Dito muna tayo.

Ano bang plano mo? Kung gusto mo akong patayin gawin mo na.

Hinding-hindi ko kailanman sasaktan ang aking maybahay.

Hinding-hindi kailanman mangyayari iyan.

Nasa sa iyo na ang desisyon Micea basta hindi mo makikita si Raycea hangga’t hindi ka nagpapakita ng kabutihan sa akin.” Tumalikod na si Rian.

Rian please!” Hinawakan niya ang kamay nito. “Gusto kong makita ang anak ko.

Saka na Micea. Kapag natutunan mo na akong mahalin.

Hindi ko kakayanin kapag di ko nakikita ang anak ko. Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo ipakita mo lang siya sa akin.

Masyado pang maaga para makita mo siya. We’ll see, baka magbago pa ang isip ko. Just be a nice girl.” Hinaplos pa nito ang mukha niya pero lumayo siya.

Mahahanap kami ni Mon.

Kung hahanapin ka niya.” Nakangising sabi nito.

Anong ibig mong sabihin?” Nagkibit-balikat lang ito at umalis na sa harapan niya.

Rian, ano ba?” Pero di na ito nakinig. Tuluyan na itong lumabas.

Sa may hospital naman ay nalulungkot si Mon sa kung anong nangyayari at bakit biglang nawala ang anak at asawa niya.

Ma, di kaya may kumidnap sa kanila?” Tanong ni Mon sa ina na nakayakap pa rito na parang bata. Nasa kwarto sila ni Raycea ng mga panahong iyon para tingnan ang mga bagay na makakapagturo kung nasaan sina Micea at Raycea Jane.

Huwag naman sana.” Sagot lang nito.

Iligpit na natin ang mga gamit at sa bahay na tayo maghintay ng tawag galing sa mga police. Maghihintay pa daw ng 24 hours bago nila simulan ang paghahanap.

Habang nagliligpit ng mga gamit ay may nahulog na papel sa may unan ni Raycea kaya pinulot ito ni Mon at binasa.

‘Loves, I’m sorry! Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip kong may karelasyon ka at siya pa ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Raycea. Huwag mo na kaming hanapin. Saan man kami ngayon isipin mo lang na nasa mabuti kaming kalagayan. Mahal kita pero suko na ako.’

Micea Jane

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sayo Lamang Chapter 3

08.03.2010
18:14

PART 10

Madaling lumipas ang mga araw. At kahit papaano ay unti-unti nang nakakapag-adjust si Gia sa pamumuhay niya ngayon. Laging nakaalalay sa kanya ang kanyang lola at si Louise. Ang tanging walang pakialam lang sa kanya ay si Margie. Tila hindi siya nag-eexist sa paningin nito. Hindi na lang niya binibigyan ng pansin ang pagtrato nito sa kanya dahil baka ito pagmulan ng gulo sa pamilya. Ang mahalaga sa kanya ay hindi siya nito kinakanti.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng araw na iyon. Bigla siyang kinabahan ng sinabi sa kanya ni Louise na ipapakilala siya sa mapapangasawa nito.

Ang tagal naman ng taong iyon!” naiinip na saad ni Louise, habang palinga-linga sa paligid.

Kasalukuyan silang nasa Starbucks, doon na sila dumeretso pagkagaling sa pagpapasukat ng isusuot ni Gia para sa kasal ng kapatid.

Baka na traffic lang. Hayaan mo at darating din iyon. Hindi naman tayo nagmamadali eh.” tugon ni Gia.

Tumawag man lang siya o di kaya’y nag text para alam natin kung hanggang kailan niya tayo paghihintayin dito.” Hindi na talaga maitago ang pagkainis ni Louise.

Sasagot pa sana si Gia ngunit biglang nag ring ang phone ng kapatid. Tiningnan ni Louise kung sino ang caller ng makuha ang cp sa bag niya.

O, asan ka na? Kanina pa kami naghihintay dito ah!” pambungad ni Louise sa kausap.

Nahinuha naman kaagad ni Gia na ang nobyo na nito ang nasa kabilang linya.

Ano? Kung ganun, eh di sa bahay ka na lang pumunta mamaya. Hindi ka na namin mahihintay pa…” sagot ni Louise matapos magsalita ang kausap at ini off na kaagad ang cp nito. “Kainis talaga ang lalaking iyon! mas mahalaga pa sa kanya ang trabaho niya kaysa relasyon namin. Kaya ikaw Gia, kung magmamahal ka rin lang, piliin mo iyong lalaki na mas uunahin ka kaysa sa anupaman. Tara na nga! Naha-highblood ako kay Vince.” Padabog pa itong tumayo.

Vince? Vince ang pangalan ng mapapangasawa mo?” gulat na tanong ni Gia sa kapatid ng malaman ang pangalan ng nobyo nito. Ngayon lang kasi nabanggit ng kapatid ang pangalan nito. Hindi rin naman siya nagtatanong.

Oo… bakit? Teka, hindi ko pa ba nababanggit sa iyo ang pangalan niya?” tanong rin ni Louise sa kanya.

Umiling si Gia bilang tugon sa huling tanong ng kapatid. “Wala lang, may naalala lang ako sa pangalang iyon.

Ganun ba. Akala ko ay kilala mo si Vince eh.

Hindi.” saad ni Gia. Mas lalo kasi siyang kinabahan kanina pagkarinig sa pangalan ni Vince. Imposible namang iisang Vince lang ang tinutukoy namin… saad ng isip niya. hindi na nya tinanong sa kapatid ang buong pangalan nito. Natatakot siya sa posibleng isagot nito.

Tara uwi na tayo…” yaya ulit ni Louise sa kanya.

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sa’yo lamang Chapter 3

07.03.2010
22:14

PART 9

Pagkatapos ng maraming tanong tungkol sa kanyang naging buhay ay nakapagpahinga na rin si Gia sa silid na itinalaga sa kanya. Kaharap lang ito ng silid ni Louise. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng may marinig siyang kumakatok. Dali-dali siyang bumangon at pinagbuksan ang tao sa labas.

Naistorbo ba kita?” Bungad sa kanya ni Louise. Ito pala ang kumakatok.

Hindi naman.” sagot ni Gia sa kapatid. Ayaw niyang sabihin dito na magpapahinga na sana siya. Baka kasi magdamdam ito.

Pwede ba akong pumasok?” tanong ni Louise.

Siyempre naman, halika, doon tayo sa kama maupo.” Yaya ni Gia dito.

“”May sasabihin ka ba?”tanong ni Gia kay Louise nang makasalmpak sila sa kama.

Wala naman. Gusto ko lang makipagkwentuhan sa iyo. Alam mo hindi talaga ako makapaniwala na may kapatid pala ako. May mapagkukwentuhan na ako. At isa pa, tamang-tama ang dating mo kasi, ikakasal na ako, at ngayong nandito ka na gusto ko ikaw ang maid of honor ko.” excited si Louise na kwentuhan ang kapatid tungkol sa kanyang lovelife.

Talaga? Ikakasal ka na?” gulat na tanong ni Gia sa kapatid.

Oo…at ang gwapo-gwapo ng mapapangasawa ko.”kinikilig pa na pagbibida ni Louise.

Natututuwa ako para sa iyo.” saad naman ni Gia at talagang iyon ang nararamdaman niya para sa nakatatandang kapatid.

“”salamat…at lubos akong matutuwa kapag ikaw ang aking maid of honor…” hiling nito sa kanya.

Oo ba…teka, kailangang ipakilala mo muna sa akin ang lalaking iyan ng makilatis ko naman.

May ganun? Siyempre naman ipakikilala kita sa kanya…hamo, one of this days, mamemeet mo rin siya. Ikaw? Kailan mo naman ipakikilala sa akin ang bf mo?” nanunuksong saad ni Louise.

Namula si Gia sa tanong na iyon ng kapatid. “Ha! eh, wala pa akong boyfriend eh.” nahihiyang amin ng dalaga.

What? Sa ganda mong iyan ay wala kang boyfriend? Bakit? Nagkahiwalay ba kayo?

Ha? ah, eh hindi…wala pa talaga akong bf… I mean hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend eversince…” napilitan tuloy siyang umamin dahil sa kakulitan ng kapatid.

Ha? bakit bulag ba iyang mga tao sa inyo at hindi nila nakita ang kagandahan mo? Di bale, ipapakilala kita sa lahat ng gwapong kilala ko. Tingnan ko lang kung hindi sila magkandarapa sa iyo, lalo na pag nalaman nilang isa kang Fuentabella.

Naku, huwag na… ang totoo niyan, ay mayroon na yata akong minamahal…

Yata? Bakit? Hindi ka pa ba sigurado sa nararamdaman mo para sa lalaking ito?” tanong ni Louise sa kapatid.

Sigurado na, kaya lang bigla na lang siyang nawala na parang bula eh, ni hindi nga niya alam na wala na ko doon sa dating bahay namin.” Nalulungkot na pagkukwento ni Gia sa kapatid. Naalala na naman niya si Vince.

Hay naku, sis! Ang mga ganoong klaseng lalake ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Kalimutan mo na lang siya at sigurado ako na mas marami ka pang makikilalang lalaki na higit pa sa kanya. O, siya maiwan na muna kita at ng makapagpahinga ka na. kwentuhan ulit tayo bukas.” sabay tayo ni Louise at humakbang na papunta sa pinto.

Sige…” tipid na sagot ni Gia.

Bago tuluyang lumabas ng kanyang silid ay lumingon pa si Louise sa kanya. “Gia, gusto ko lang malaman mo na natutuwa ako na nandito ka…” pagkatapos ay ngumiti.

Salamat. Ganun din ako, natutuwa ako na nakilala na din kita.” Tugon din ni Gia sa kapatid. At tuluyan na ngang ipininid ni Louise ang pinto ng kanyang silid.

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 36

04.03.2010
12:22

Glenda, umalis ka na lang pwede? Magkakagulo dito eh. Nakikiusap ako sa’yo.” Pakiusap ni Mon kay Glenda dahil nanggalaiti na ang mga babae sa galit. Kung di lang hinawakan ni Jun si Melet ay susugod na din ito. Ang iba pang babae ay hawak-hawak din ng mga barkadang lalaking nandun din.

Tama! Umalis ka na dito.” Sigaw naman ni Melet.

Napatigil sila sa pagbabangayan ng lumabas ang doctor.

Ligtas na sa panganib si Raycea Jane. Ililipat na namin siya sa recovery room.” Wika nito sa mag-asawa.

Talaga po doctor?” Naluluha at hindi makapaniwalang sambit ni Micea.

Yes. She is very brave. Nakaya niyang lampasan ang panganib.

Maraming salamat po Diyos ko.” Nasambit ng Lola ni Micea.

Maraming salamat po doctor.” Pasasalamat ni Mon.

Walang anuman iyon. Ginawa lang namin ang aming tungkulin. Maiwan ko na po kayong lahat.

Hindi na nila pinansin si Glenda. Sumunod na silang lahat patungo sa kung saang kwarto dinala si Raycea.

Salamat naman at okay na si Raycea.” Wika ni Leah na nakahinga pa ng maluwag.

Oo nga eh. Buti na lang talaga.” Sang-ayon naman ni Melet na tinitigan si Glenda.

Loves, kumain na tayo. Okay na naaman si Raycea.” Narinig nilang sabi ni Mon sa asawa.

Kami na lang ang lalabas para bumili ng makakain niyo, tsaka kukuha na din kami ng mga karagdagang gamit.” Sabat naman ng Mommy ni Mon.

O sige po Mom. Dito na lang po kami. Babantayan po namin si Raycea.

Uuwi na din kami. Dadalaw na lang kami dito kapag nagkamalay na si Raycea.” Sabi naman ni Paul.

O sige pare. Maraming salamat sa inyo ah.

Walang anuman iyon.” Nagpaalam na ang lahat. Sina Mon at Micea lang ang naiwan para magbantay sa anak. Napansin ni Micea na nakatayo pa din si Glenda sa gilid ng hallway nang papasok na sila sa kwarto ng anak.

Ano pa bang ginagawa mo dito?” Nagtitimping tanong ni Micea.

Nandito lang naman ako for Mon.” May konting pagtataray na sagot nito.

Pwede ba ilagay mo sa lugar iyang kalandian mo? Napahamak ang anak ko dahil sa’yo.

Hindi ko iyon kasalanan. Siya itong hindi marunong kumatok.

Aba!” Susugod na sana si Micea pero mabilis siyang hinawakan ni Mon.

Glenda, I’m sorry but you have to go. We’ll talk about everything later. Kapag okay na ang anak ko.

But Mon…

Glenda, please! I’m begging you.

Fine, but you are not dumping me for her or you will regret it.” Banta nito at tumalikod na. Sinundan na lang siya ng tingin nina Micea at Mon.

Huwag kang mag-alala Loves. Kaya natin silang labanan lahat basta magkasama tayo.

Oo loves at hindi ako natatakot sa kanya.

Mahal na mahal kita Loves.

Mahal na mahal din kita Loves.” Hinalikan pa ni Mon sa pisngi ang asawa.

Pumasok na sila sa kwarto ng anak. Dahil sa pagod ay kapwa sila nakatulog. Di nila napansin na may lalaking pasilip-silip lang sa kwarto ni Raycea.

Sir Rian, confirmed po. Nandito po sa ospital si Raycea at narinig ko po na ligtas na po siya sa panganib.” May tinawagan ang lalaking iyon.

Mabuti naman. Magmatyag ka lang at pupunta na ako ng Davao bukas na bukas din. Babawiin ko ang anak ko.

Sige po Sir. Hihintayin po namin kayo sa pier.

O sige. Basta huwag mo silang iwawala sa paningin mo lalong lalo na si Micea.

Opo sir.

Papunta ng kwarto ni Raycea ang mama ni Micea ng mabangga niya ang isang lalaki. Nalaglag pa ang dala nitong litrato.

Pasensya na po.” Hinging pasensya ng lalaking nakabangga ng Mama ni Micea at mabilis na umalis sa harap niya pagkapulot ng litrato.

Parang kamukha ni Micea iyong nasa litrato. Nasabi ng Mama ni Micea pero hindi siya sigurado dahil sa saglit lang niya itong nakita. Mabilis din kasing pinulot iyon ng lalaki at parang nagmamadaling umalis.

Anak kumain na kayo.” Ginising silang mag-asawa ng mama ni Micea. “Matulog na lang kayong muli pagkatapos niyong kumain.

Opo Ma. Maraming salamat.” Sagot naman ni Micea na inunat-unat pa ang katawan.

Kumain na silang dalawa.

Pagkatapos niyong kumain ay uuwi na din ako sa bahay nina Mon. Kayo na muna ang bahala dito ah. Sabi kasi ng doctor dapat dalawa lang para di masyadong maingay at makapagpahinga si Raycea ng mabawi niya ang lakas niya.

Opo Ma. Kaya na po namin ni Mon dito. Tatawag na lang po kami kapag nagising na si Baby Girl.

Kinagabihan ay nagising na si Raycea kaya tuwang-tuwa silang mag-asawa.

Baby Girl, anong nararamdaman mo?” Tanong kaagad ni Micea sa anak.

Okay lang po ako Mommy. Masakit po ang ulo ko.

Ganyan daw baby eh kapag nagising ka na pero mawawala din iyan. Mahal na mahal ka ni Mommy at Daddy.” Niyakap pa ni Micea ang anak at hindi napigilan ang mapaluha. Nanduon lang si Mon sa tabi ng asawa at hinihimas ang likod niya.

Huwag kang mag-alala Mommy. Hinding hindi ko kayo iiwan ni Daddy. Pangako iyan!

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

My Cheerleader Princess Phase VI

02.03.2010
14:45

Happy Together

Ikaw talaga Valerie, wala namang ginagawa sa’yo si Lyka ah.

Wala nga pero nagiging kaagaw ko siya sa mga bagay na akin lang. Gusto niyang agawin sa akin lahat.

Hindi naman ganyan si Lyka. She is natural on everything she does. Aminin mo man o hindi magaling talaga si Lyka kaya siya nagugustuhan ng mga tao sa paligid niya.

Sino bang kinakampihan mo? Ako o si Lyka?” Galit na tanong nito sa kanya.

Wala naman akong kinakampihan. I am just telling you the truth. Sige na, may pupuntahan pa ako.

Saan ka na naman maglalakwatsa?

Dyan lang sa tabi-tabi. Sige na.” Tumalikod na si Lance kay Valerie at tinungo ang banyo.

Huwag kang magkakamaling magustuhan si Lyka Lance. Hindi ako papayag. Wika ni Valerie habang sinusundan ito ng tingin.

Kakauwi lang ni Cherry sa bahay nila mula sa pamimili ng mapansin niya ang isang motorsiklo. Kilala niya ang motorsiklong iyon. Ano kayang ginagawa ni Lance dito? Natanong niya sa sarili.

Let, may bisita ka. Nandito si Lance.” Salubong kaagad ng yaya niya. Cherrylet ang tawag nito sa kanya.

Ano daw po ang kailangan niya?” Tanong niya habang iniaabot dito ang mga pinamili.

Hindi sinabi eh. Mga thirty minutes na iyang naghihintay. Puntahan mo na.

Sige po. Salamat yaya!

Walang anuman Let.

Hindi niya naiwasang tumalon ang puso niya at nasabik na makausap ang lalaking dumadalaw sa kanya. Kahit iyon man lang ay sapat na para lumigaya siya. Hay naku! Mahal na mahal pa rin kita kahit si Lyka ang mahal mo. Nasambit niya habang papalapit rito.

Anong kailangan mo?” Tanong kaagad niya rito ng nasa harap na siya nito.

Wala naman. Nangangamusta lang.

Mangangamusta lang naman pala Cherry. Mangangamusta eh naghintay ng 30 minutes? Tanong ng isang bahagi ng utak niya. Huwag umasaness ok? Baka naman nangangamusta lang talaga iyong tao. Iniiba mo kaagad ng meaning. Sagot naman ng isang bahagi ng isip niya.

Ah ganun ba. Mabuti naman ako. Eh ikaw? Kumusta ka na?

Ok lang din ako. Pwede bang magpatulong sa’yo?

Sinasabi ko na nga ba eh. May ibang dahilan pa.Ano naman ang maitutulong ko sa’yo?

Tuklasin mo naman kung ano ang mga gusto ni Lyka. Iyong mga hindi ko pa ginagawa sa kanya.

Ouch! Para pala kay Lyka.Gusto mo bang itanong ko sa kanya?

Ay huwag na. Nahihiya ako.

Bakit ka naman mahihiya?

Baka sabihin niyang hindi ako sincere kasi alam kong iyon ang magugustuhan niya.

Sus, may pahiya-hiya pa ito. Akong bahala!

Talaga?

Oo naman. Tutulungan kita sa kanya.” Nadurog ng pinung-pino ang puso niya sa isinagot kay Lance. Siya ang tutulong para maging maligaya ito at ang kaligayahang iyon ang kasawian ng puso niya.

Salamat Cherry. Kaya naman mahal na mahal kita eh…” Niyakap pa siya nito. “Bilang kaibigan ko.

Aray! Kaibigan lang pala. Huwag ka na kasing umasa kay Lance Cherry. Ipukpok mo na sa pader iyang ulo mo ng matauhan ka na. Alam mo namang patay na patay iyan kay Lyka eh umaasa ka pa. Asanes ka masyado. Wika ng utak niya.

Hindi na nga ako aasa. Pagalitan mo kaya si puso no. Siya itong ayaw makinig. Siya itong ayaw tumigil sa pagtibok para sa lalaking ito. Baliw talaga. Wika naman ng kalooban niya.

Nasa computer si Lyka at naghaharvest sa Farmville niya ng tinawag siya ng kanyang yaya.

Bakit yayz?” Nagtatakang tanong niya.

Andyan si Jeoff.

Nandito na naman iyan? Bakit daw?

Kunwari pa ito eh kinikilig din naman iyan. Tukso ng yaya niya. Ewan ko. Paaakyatin ko ba?

Paakyatin mo na lang kasi naghaharvest ako eh.” Natawa pa siya.

Bumaba na ang yaya niya at tinawag nito si Jeoff.

May kailangan ka ba Jeoff?” Wika ni Lyka ng makapasok na si Jeoff. Ni hindi siya lumingon dito dahil napakabusy niya sa kanyang ginagawa.

Wala naman. Dumadalaw lang. For you nga pala.” Iniabot ni Jeoff sa kanya ang isang milk chocolate at isang pink na rose. Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ito.

Wow! Ang ganda naman ng porma ni Jeoff ngayon. Hindi niya naiwasang humanga rito. Pormal na pormal ang dating. Ibang iba ito sa Jeoff na nasa school o kahit nuong lumalabas sila bago pa ito pumunta ng America.

Saan ang punta mo? Gwapings ka masyado ah.” Naibulalas na niya ang iniisip.

Wala naman. Dito lang sa inyo. Masama bang mag-ayos?

Ay hindi naman. Nakakapanibago lang kasi.

Ano ba iyang ginagawa mo at mukhang busy ka?

Ah hindi naman importante. Libangan ko lang. Gusto mo turuan kita?

Sure.

Tinuruan na ni Lyka si Jeoff at masayang masaya silang dalawa. Kahit kabado si Lyka na ang lapit lang ni Jeoff sa kanya ay hindi niya inisip iyon. Ang saya-saya ng pakiramdam niya. Na para bang kung si Jeoff ang kasama niya ay wala siyang magiging problema. O kung meron man ay kayang-kaya nilang lampasang dalawa iyon. Dalawa? Bakit kayo na ba? Tutol naman ng isip niya sa lahat ng mga bagay na naglalaro sa isip niya. Hindi pa naman pero masaya na akong ganito kami. Wala na akong mahihiling pa.

Nag-enjoy sila sa company ng isa’t isa.

Hindi maitago ni Jeoff ang galak sa kanyang puso. Kahit hindi sila nag-uusap ni Lyka ay ang saya-saya pa rin niya. Parang kahit wala masyado itong sinasabi ay ang haba na ng conversation nila.

Madalas niya itong sinusulyapan. Madalas din siyang humanga sa taglay nitong ganda.

Pasensya na kayong dalawa ha pero kailangan mo nang umuwi Jeoff. May pasok pa kayo bukas. Princess kailangan mo ng matulog.” Pumasok ang yaya ni Lyka. Mag-aalas-dyes na kaya pinapatulog na niya ang alaga.

Hindi ko napansin ang oras ah. Nag-enjoy talaga ako sa pakikipaglaro.” Wika naman ni Jeoff at tumayo na. “Salamat Princess.

Walang anuman. Anytime pwede kang magpunta dito at tuturuan pa kita para tumaas ang level mo.

Dadalasan ko talaga ang pagpunta rito dahil hahabol ako. Malalampasan din kita.

Asa ka pang malalampasan mo ‘ko. Master to.

O siya sige na.” Pagtataboy ng yaya ni Lyka kay Jeoff.

Bye Princess. Bye Yaya.

Bye Jeoff.” Inihatid pa ni Lyka sa may gate si Jeoff at para siyang nakalutang sa alapaap na bumalik sa kwarto niya. Ang gwapo niya talaga. Nasabi niya habang nakatingin sa mga bituin.

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 35

02.03.2010
14:28

Dumating na ang mga magulang ni Micea pati ang Lolo’t Lola niya ay nakarating na din kinagabihan. Galit na galit ang Lolo ni Micea pero pinipigilan ito ng Mama at Papa pati na rin ng Lola niya.

Hayaan mo na muna Bernardo. Si Raycea ang ipagdasal natin ngayon. Hindi makakatulong kung magsisihan tayo. Nangyari na ang hindi dapat mangyari kaya ipagdasal na lang natin na hindi ito lumala. Na hindi mangyari ang bagay na kinatatakutan natin.” Mahabang sabi ng Lola ni Micea.

Pasensya na po talaga Lolo, Lola. Hindi ko po sinasadya. Ma,Pa I’m sorry!” Hindi sumagot ang mga ito. Tantiya ni Mon ay masama pa rin ang loob ng mga ito sa kanya.

Huwag ka munang lumapit sa akin Mon.” Galit na sabi pa din ng Lolo ni Micea.

Pasensya na po talaga Lolo.

Anak, okay ka lang ba? Gusto mo bang kumain?” Wika naman ng Mama ni Micea.

Okay lang po ako Ma. Hindi pa po ako gutom eh.

Loves, kahit konti lang.

Huwag mo akong pakialaman.” Galit na baling niya kay Mon na tinitigan pa ito ng matalim.

Kami na muna ang bahala dito Mon. Umuwi ka na muna’t magpahinga.

Dito lang po ako. Baka gumising po si Raycea, gusto kong andito ako kapag nangyari iyon.

Ikaw ang bahala!

Kinabukasan ay dumating na rin ang mga barkada nila.

Ano bang nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Melet. Hindi sumagot si Micea bagkus ay pumasok ito sa kwarto ng anak.

Mon, ano bang nangyari?” Bumaling ito sa pagtatanong kay Mon.

Hindi ko naman ginusto iyon eh.”

Ano ba talaga ang nangyari? Anong hindi mo ginusto?” Usisa naman ni Jun.

Hinalikan kasi ako ni Glenda. Nakita ni Raycea kaya nagdamdam siya. Ayun tumakbo palabas ng gate. Hinabol ko pero hindi ko na naabutan.

Si Glenda nandito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Paul. “Bakit mo isinama?

Hindi ko naman siya isinama eh. Mukhang sinundan niya ako kaya natunton niya ang bahay namin.

Ewan ko lang kung mapapatawad ka pa ng asawa mo kapag may nangyaring masama sa anak niyo.” Naiiling na sabi ni Rick.

Kaya nga nag-aalala ako ng labis eh. Gusto ko na sanang magkabalikan kami ni Micea pero heto may nangyari pa. Mukhang ayaw talaga ng tadhana na magkasama kami.

Hindi totoo iyan. Baka sinusubok lang talaga ang tatag ng pagmamahal niyo sa isa’t isa. Lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay may rason. Baka kaya nangyari ito para patatagin pa kayong mag-asawa.

Pero kung mawawala naman si Raycea parang balewala na din lahat.

Huwag mong iisiping mawawala si Raycea. Magiging matatag ka lang at manalig ka sa Panginoon.

Salamat Leah.

Nandito lang kaming lahat para sa inyong dalawa.

Salamat sa inyong lahat.

Puntahan mo na si Micea at kausapin.

Opo. Salamat!

Pumasok na si Mon sa kwarto ng anak. Nakita niyang umiiyak na naman ang asawa.

Loves! Okay ka lang ba?

Natatakot ako Mon. Baka mawala sa atin si Raycea. Hinding-hindi ko kakayanin.

Hindi mawawala sa atin si Raycea. Mana iyan kay Mommy eh. Matapang at palaban.

Napangiti si Micea sa sinabi ng asawa.

Ganyan nga loves. Napakaganda mo pa naman kapag ngumingiti ka.” Pinahid pa ni Mon ang luhang pumatak sa pisngi ng asawa. “Alam kong naririnig tayo ni Raycea kaya makakatulong sa kanya na nagmamahalan tayo imbes na nagbabangayan.

Tama ka Loves. Patawarin mo sana ako kung naging matigas ako sa’yo.

No Loves. Ako ang patawarin mo. Hindi kita ipinaglaban kay Rian. Hinayaan kong mamayani ang galit at selos ko kay Rian kaysa sa pagmamahal ko sa inyong dalawa ni Raycea. Nagsisisi na ako sa nagawa kong iyon. Ipinapangako kong ilalaban natin si Raycea kay Rian. Magkasama tayong lalaban sa kanya. Naniniwala akong anak ko si Raycea at atin siya.

Salamat Loves.” Hinaplos ni Mon ang mukha ng asawa at ginawaran ng halik.

Mahal na mahal kita Loves. At alam mong sa simula pa lang ay ikaw lamang ang nag-iisang may-ari nitong puso ko.

Mahal na mahal din kita Loves. Hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko ay aking sasambiting ikaw lamang.

Daddy… Mommy…” Sabay silang napalingon kay Raycea ng magsalita ito.

Baby, nandito kami ni Daddy. Loves, tawagin mo iyong doctor.” Natatarantang utos ni Micea sa asawa. Nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Mon.

Napatayo ang lahat ng makitang parang natataranta si Mon na lumabas ng silid ni Raycea at tumatawag ng Doctor.

Anong nangyayari Mon?” Tanong nila ng makapasok na ang doctor at mga nurse.

Mukhang gising na si Raycea. Sabi ng Doctor kapag nagising siya bago ang 48 hours na critical stage ay may pag-asa siyang makaligtas.” May pag-asa sa boses na wika ni Mon sa kanilang lahat.

Maya-maya pa’y lumabas din si Micea galing sa kwarto ng anak. Palakad-lakad at inip silang naghintay lahat.

Anong ginagawa mo dito?” Galit na sabi kaagad ni Micea ng mapansin niya ang paparating na si Glenda. Napatayo na din ang iba.

Gusto ko lang namang damayan si Mon.

Ang kapal talaga ng mukha mo.” Sumalo si Melet. “Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nadisgrasya iyong bata eh may gana ka pang pumunta dito.

Pupunta ako kung saan ko gusto. Napakapakialamera mo eh hindi ka naman kaanu-ano ni Mon.

Aba’y gusto mo yatang maglakad ng walang buhok ah.

Melet tama na.” Umawat na si Leah.

Umalis ka na dito bago pa dumilim ang paningin ko.” Tiim-bagang na sabi ni Micea. Kundi lang siya hinawakan kaagad ni Mon ay sinugod na niya ito.

Love, hahayaan mo na lang ba sila?” Humihinging-saklolong sabi ni Glenda.

Glenda umalis ka na lang. Nag-aagaw buhay ang anak ko. Respetuhin mo na lang iyon pwede ba?

So pinipili mo iyong asawa mo?

Hoy, makapal ang mukha. Asawa niya iyan. Kasal sila. Ikaw ang walang karapatan dito kaya kung ako ikaw ay aalis na ako bago pa ako lumabas ng hospital na ito na nakabandage.” Nanggigil na sabat naman ng asawa ni Drew. Hinawakan ito ni Drew dahil nahinuha niyang susugod ang asawa.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sa’yo Lamang Chapter 3

01.03.2010
15:15

Part 6

Sa silid naman ng anak ay hindi mapigilan ni Margie ang hindi ilabas ang tunay na saloobin.

“Humanda sa akin ang Giang iyan! Talagang makakatikim siya sa akin!”

“Mom, relax, wala na po tayong magagawa. Andiyan na po iyan e.” sagot ni Louiese sa ina.

“Relax? Papaano ako magrerelax aber? Isipin mo anak ang problemang idudulot sa atin ng bastardang iyon! Magkakaroon ka ng kahati sa lahat ng mamanahin mo! at iyon ang hindi-hindi ko mapapayagan. Sa iyo lang dapat ang lahat ng kayamanan ng mga Fuentabella at wala nang iba pang dapat makinabang nito. Wala!”nangngingitngit na saad ni Margie.

Hindi pa rin maalis sa isipan ni Margie ang sinabi sa kanila ng asawa. Parang sirang plaka sa kanyang pandinig ang boses nito na pabalik-balik lang.

“Una sa lahat, gusto ko munang humingi ng tawad sa anumang malalaman niyo ngayon. Hinihiling ko rin sa inyo na sana ay lawakan niyo ang inyong pang-unawa para maintindihan niyo ako.” pasimula ni Miguel sa kanyang pamilya nang nasa harap niya na ang mga ito.

“Ano ba yang mga pinagsasabi mo Miguel? Kinakabahan na ako diyan ah!” singit ni Margie sa asawa.

“Oo nga naman dad, why are you asking sorry? May nagawa ba kayong mali?” nalilito na ring tanong ni Louise sa ama.

“Tama na ang mga pagtatanong. Pabayaan niyo siyang magsalita.” Awat ng donya sa dalawa. Nararamdaman niyang may mabigat na dinadala ang anak.

Sumulyap si Miguel sa ina tanda ng pasasalamat. At humigit muna ito ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

“May anak ako sa ibang babae.”

Para iyong isang bombang sumabog sa harap ng lahat. Napanganga si Louise, samantalang ang asawang si Margie ay natulala sa narinig. Wala ka namang makikita kahit na anong reaksiyon sa mukha ng matandang donya. Matagal na namayani ang katahimikan sa kanila, ang ina ni Miguel ang bumasag sa katahimikang iyon.

“Gaano katagal mo na itong inililihim sa amin Miguel?”

“Labing-walong taon na po si Gia ngayon, mommy.”

“ 18 yrs? Ganoon katagal mo na akong niloloko? O baka naman higit pa sa taong iyon Miguel?”may bahid panunumbat ang tinig ni Margie ng magsalita.

“Dad, paano mo ito nagawa sa amin?” tanong ni Louise sa ama.

“Bakit nagawa mo ito sa akin Miguel? Anong pagkukulang ko sa iyo, para ganituhin mo ako?” lumuluhang tanong ni Margie sa asawa.

“Aaminin kong nagkasala ako, pero kailan may hindi isang pagkakamali si Gia. Kaya gusto kong sabihin sa inyo ang lahat ng ito ngayon dahil dito ko na patitirahin ang anak ko.” Wika ni Miguel

Lalong natilihan si Margie sa sinabi ng asawa.

“Ano ba ang gusto mong mangyari Miguel? Hindi mo pwedeng iakyat sa pamamahay na ito ang bunga ng iyong kataksilan! Hindi ako makakpapayag!” sigaw nito kay Miguel.

“Wala nang makakasama si Gia sa buhay, kaya gusto ko na dito na siya tumira.”

“Bakit nasaan na ba ang kerida mo at kailangan pang dito tumira ng anak mo sa labas? Sumama na ba sa ibang lalake? Ang galing naman niyang ina?” kutya ni Margie sa ina ni Gia.

“Tumigil ka Margie! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang isang taong matagal nang patay! At isa pa, hindi ganyan ang pagkatao ng ina ni Gia. Disente siyang babae” medyo napalakas na rin ang boses ni Miguel sa asawa. Hindi niya kasi matanggap ang mga pinagsasabi nito sa babaeng pinakamamahal.

“Disente? May babae bang disente na pumayag maging kabit? Ang pumatol sa may asawa’t anak? ‘yan na pala ngayon ang bagong kahulugan ng salitang iyan!”ayaw pa rin tumahimik ni Margie.

“Ako ang pumilit sa kanya na pasukin ang relasyong iyon. Kaya walng ibang dapat sisihin sa gulong ito kundi ako…”

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 34

01.03.2010
13:56

Daddy…” Umiiyak itong tumakbo paalis ng kwarto ni Mon. Nang makita niyang umiiyak ang anak ay hinabol niya ito.

Nagulat sina Micea na nilampasan sila ni Raycea at tuluy-tuloy itong lumabas hanggang sa may gate. Mas lalong nagulat ang lahat ng makita nilang lumabas si Glenda sa kwarto ni Mon.

Raycea. Let me explain baby.” Tawag ni Mon sa anak.

Humabol na din si Micea at nagtatakang napasunod naman ang iba pero may duda na sila na may kinalaman si Glenda kung bakit umiiyak ang bata.

Hindi na napansin pa ni Raycea na nasa gitna na siya ng kalsada. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Labis niyang dinamdam na may ibang hinahalikan ang Daddy niya.

Mas bumilis ang paghabol ni Mon sa anak ng makita niyang may papalapit na motorsiklo. “Raycea…” Sigaw ni Mon.

Kinabahan si Micea dahil nakita din niya ang papalapit na motorsiklo. Mababangga nito ang anak kapag di nakapreno ang nagmamaneho.

Baby…” Napasigaw na rin si Micea. Tama nga ang kanyang hinala. Nabangga nito ang anak.

Hindi napansin ng driver si Raycea kaya kahit nakapreno siya ay huli na. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan.

Baby… Gising!” Umiiyak na sabi ni Micea na niyuyugyog pa ang anak. “Kasalanan mo ito Mon.” Sisi niya kaagad sa asawa. Lumapit na din ang lahat.

Mabilis na kinarga ni Mon ang anak at tinungo ang kotse nila. Sumunod na din si Micea at ang kuya Drew niya at asawa nito.

Pasensya na po Maam, Sir. Hindi ko po napansin ang bata.” Ang mga magulang na ni Mon ang nakipag-usap sa driver.

Halos paliparin ni Mon ang sasakyan. Sising-sisi siya sa nangyari. Kabado din siya dahil alam niyang di siya mapapatawad ng asawa kapag may nangyari sa anak nila. “I’m sorry Loves!” Hinging-pasensya niya habang nasa kotse sila. Patuloy lang ito sa pag-iyak habang kandong ang anak.

Nasa ospital na sina Mon, Micea, Drew at asawa nito. Palakad-lakad lang sila habang hinihintay na lumabas ang doctor na nag-aasikaso kay Raycea.

Kasalanan mo ito Mon. Bakit ba nandito si Glenda? Napapahagulhol na si Micea.

Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako Loves.” Umiiyak na din na sagot ni Mon. Hindi niya inaasahan na mapapahamak ang anak dahil sa kanya. Madami na sana siyang plano para sa mag-ina niya pero mukhang masisira pa yata.

Kapag may nangyaring masama kay Raycea magkalimutan na tayo.” Galit na pahayag ni Micea sa kanya.

Loves huwag ka namang ganyan.” Nagsusumamo si Mon sa asawa. Hinagilap niya ang kamay nito. “Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Alam mo namang mahal na mahal kita di ba?

Magsama kayo ng ‘kabet’ mo.” Iwinaksi ni Micea ang kamay ng asawa at tumayo siya. Naiwan si Mon na nakaupo sa may bangko. Nakayuko lang siya at taimtim na ipinagdarasal na sana walang masamang mangyari sa anak nila.

Lumapit ang kuya Drew niya.

Ano bang nangyari?” Tanong nito sa kanya.

Hindi ko naman po inaasahan na hahalikan ako ni Glenda eh. Nakita iyon ni Raycea kaya nagdamdam siya.

Huwag na huwag mong ipapakita sa akin ang mukha ng babaeng iyan kung ayaw mong masaktan ko siya. Dahil sa kalandian niya napahamak ang anak ko.” Galit na turan kaagad ni Micea pagkarinig ng sinagot ni Mon.

Loves, sorry!” Tumayo na si Mon at nilapitan ang asawa. Inaalo niya ito dahil hindi pa din ito tumitigil sa pag-iyak. Mahigit nang isang oras silang nanduon ay hindi pa din ito tumitigil sa pag-iyak. “Loves tahan na! Baka mapaano ka na niyan. Kanina ka pa umiiyak.

Wala kang pakialam. Kapag may nangyari kay Raycea Mon, huwag na huwag ka ng lumapit o kahit magpakita man lang sa akin.

Loves, ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ‘ko?

Lumayo ka nga sa akin. Nandidiri ako sa’yo.

Napatigil sila ng makitang lumabas na ang doctor na nag-aasikaso kay Raycea.

Sino ang mga magulang ng bata?” Tanong nito pagkalabas.

Kami po.” Sagot ni Mon at lumapit silang apat rito.

Malubha ang kalagayan ng bata. Sa ulo siya napuruhan kaya sana, sana… hindi siya magkaroon ng internal hemorrage na siyang magiging dahilan ng kinatatakutan nating lahat.

Kasalanan mo ito Mon.” Pagsisisi na naman ni Micea sa asawa ng marinig ang sinabi ng doctor.

Dasal at pananalig sa Poong Maykapal ang kailangan natin. Nasa coma stage siya ngayon. Oobserbahan namin ang bata within 48 hours. Kapag may improvement ay may pag-asa pa tayo.

Ano pong mangyayari pagkatapos ng 48 hours?” Tanong ni Drew.

Walang mangyayari Kuya. Matatag si Raycea. Lalaban siya para sa atin.” Salo ni Mon sa tanong ng kuya niya. “Hindi niya tayo maaring iwan. Hindi ako papayag.” Hindi na nahiyang magpakita ng emosyon si Mon sa harap ng doctor. “Alam kong kaya ni Raycea na labanan ito. Kayang-kaya niya. Matapang iyong anak ko Doc. Matapang iyon.

Ang Panginoon lang ang ating malalapitan sa ngayon. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya para mailigtas ang bata.

Salamat po Doc.” Kinamayan ito ng Kuya ni Mon.

Pwede pala kayong pumasok pero tigdadalawa lang. Sige!” Pahabol nito.

Opo. Maraming salamat po ulit.

Pumasok na sina Micea at Mon. Kahit nagagalit si Micea sa asawa ay napayakap siya rito ng makita niya ang kalagayan ng anak.

Baby ko! Lumaban ka. Hindi kakayanin ni Mommy kapag nawala ka. Hindi ako mabubuhay baby.” Nanlulumong sabi ni Micea sa anak.

Big girl iyan ni Daddy eh. Lumaban ka Baby ha. Promise ni Daddy, uuwi na siya sa house para maging buo na ulit tayo.” Lumuluhang sabi naman ni Mon. “Loves patawarin mo ‘ko. Hindi ko sinasadya.” Bumaling naman siya kay Micea.

Ipagdasal na lang natin na maging okay siya Mon at hindi mangyari ang kinatatakutan ko kundi hindi ko alam ang magagawa ko sa inyo ni Glenda.

Hindi makasagot si Mon sa sinabi ng asawa. Naguiguilty siya sa nangyari. Inaamin niyang kasalanan niya kahit pa si Glenda ang may gawa nuon.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

My Cheerleader Princess Phase 5

01.03.2010
06:20

Nasa canteen ang barkada ni Lyka at pasulyap-sulyap lang si Jeoff sa kanya. Si Lyka naman ay gustung-gusto ng sulyapan si Jeoff pero nahihiya siya. Ayaw niyang makita nitong tinitingnan niya ito.

So kumusta naman kayo ni Lance, Star?” Tanong ni Valerie kay Lyka.

Ok lang naman kami.” Nakangiting sagot naman ni Lyka. Kanina pa hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha niya dahil sa quote na ibinigay nito.

Mahilig si Lyka sa mga lalaking idinadaan sa quote, sulat o dedication ang panliligaw. Sa tatlong buwan na panliligaw ni Lance ay ngayon lang ito nagpadala ng quote. Kahit man sabihing badboy si Lance ay may pagkaromantiko pala ito pagdating sa panliligaw.

Sinagot mo na ba?” Tanong naman ni Lizzette na hindi maiwasang mahawa sa kasiyahan ni Lyka.

Hindi pa.

Eh bakit ka masaya dyan?” Napakunot ang noong tanong ni Cherry.

Napakasweet pala talaga niya. Hindi ko aakalain na may itinatago pala siyang kasweetan.

Ano naman ang ginawa niya?

Hindi na nagsalita pa si Lyka. Ipinakita na lang niya sa mga kaibigan ang note na natagpuan niya sa kanyang upuan.

Wow! Ang ganda naman ng quote na iyan.” Wika ni Cherry pagkabasa sa quote. Nasaktan man siya ay hindi niya ipinahalata iyon sa kaibigan.

Oo nga eh. Kilig talaga ako.” Saad naman ni Lyka.

Kinikilig din ako sa inyong dalawa.” Sabi naman ni Lizzette na di maiwasang mapangiti ng malaki.

So may pag-asa na si Lance sa’yo Star?” Sabat naman ni Valerie na ngingiti-ngiti.

Hindi ko naman sinabi sa kanya na wala siyang pag-asa eh. I just want him to prove that he is worth it.” Sagot niya na di pa din maalis ang ngiti sa mga labi.

That’s good! I think you are starting to like him.

I think so.” Parang nangangarap pa na sabi ni Lyka.

Pagkatapos ng klase nila ay sabay na naman silang apat na lumabas ng paaralan.

Hi Princess, kumusta?” Sinalubong sila ni Kenneth sa may gate ng paaralan.

Oh Kenneth. Hi! Anong ginagawa mo dito?” Bati naman ni Lyka rito na nagulat pa ng bahagya. Hindi niya inaasahang makikita niya si Ken doon. Isang beses lang dumalaw si Ken sa school nila. “Siyangapala, mga new friends ko. This is Valerie, Cherry and Lizzette. Stars this is my ‘kababata’, Kenneth, but most people call him Ken.

Nice to meet you!” Sabi ni Ken habang kinakamayan ang mga kaibigan ni Lyka. Halos hindi bitawan ni Valerie ang kamay ni Ken at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito.

Mauuna na kami sa inyo.” Paalam ni Valerie sa kanilang dalawa. “Tayo na! Baling naman nito kina Cherry at Lizzette.

Bye! Kita na lang tayo bukas.” Pagpapaalam ni Lyka sa mga kaibigan.

Bye sa inyo. Ingat!” Nagpaalam din si Kenneth sa mga kaibigan ni Lyka.

Bakit ka nga pala napasyal dito?” Tanong ni Lyka ng makaalis na ang mga kaibigan.

Sinusundo ka. Okay lang ba kung magsnack muna tayo bago ka umuwi?

Sure! Walang problema.

Ako na ang magdadrive ng motorsiklo mo.

Ok. Thanks!

Papalabas ng gate sina Jeoff at Edgar ng biglang huminto si Jeoff sa paglalakad at hinarangan ang kaibigan.

Bakit? May problema ba?” Takang tanong nito.

Tingnan mo. Si Lyka at kasama niya iyong lalaking humalik sa kanya minsan sa CAT office.

Talaga?” Sabik itong napatingin sa direksiyong itinuturo ni Jeoff.

Oy, ang sweet ah.” Nakita kasi nilang inalalayan ni Ken si Lyka sa pagsakay sa motorsiklo at ito na rin ang naglagay ng helmet nito. “Ang dami mo namang dapat bantayan Pre.” Dagdag nito.

Sa tingin mo boyfriend niya kaya iyan?

Hindi ko masabi. Kung boyfriend niya iyan bakit nagpapaligaw pa siya kay Lance?

Kailangang tuklasin ko ang totoo.

Samantala ay dumaan muna sina Valerie sa department store.

Sino iyong Kenneth?” Tanong ni Valerie sa mga kaibigan. Hindi maipaliwanag ni Valerie ang sariling damdamin pero mukhang nagugustuhan niya si Ken.

Ex boyfriend iyon ni Lyka. Dumalaw na iyon minsan sa school eh. Galing daw iyon ng Canada.” Sagot ni Cherry.

Hindi ba nanliligaw iyon muli sa kanya?” Pagsisiguro ni Lizzette.

Oo nanliligaw muli sa kanya pero sabi niya wala na daw siyang feelings doon eh.” Si Cherry ang pinakaclose ni Lyka sa kanilang tatlo kaya alam na alam nito ang nangyayari sa kanya.

Ah ganun ba.” Patango-tangong sagot ni Valerie. Sa tingin niya he already found his Mr. Right!

Maiba ako, kumusta naman iyong practice niyo ni Lyka? Doon sa gagawin niyong sayaw para piliin kung sino ang magpapatuloy na cheerleader the rest of the year?” Pag-iiba ni Cherry ng usapan.

Okay naman.” Nagngingitngit ang kaloobang sagot ni Valerie pero nakangiti pa rin. Hindi niya maiwasang magalit kay Lyka dahil mukhang nagiging kaagaw na niya ito. Simula first year ay siya ang cheerleader. Walang ibang nagtangkang umagaw ng pwesto niya pero heto dumating lang si Lyka ay mukhang mapapalitan na siya. Nakita nga niyang ang daming kaibigan nito sa school at kasundo nito halos lahat ng estudyante.

Habang papauwi ay hindi maipaliwanag ni Jeoff ang sariling damdamin. Sa palagay niya ay nagseselos siya sa lalaking kasama ni Lyka na hinayaan pa nitong siyang magdrive ng motorsiklo niya. Minabuti niyang puntahan ang bahay nina Lyka at kausapin ang yaya nito.

Yaya, matutulungan niyo po ba ako kay Lyka?

Oo. Di ba nangako na ako na tutulungan kita?

Promise iyan yaya ha. Pagsisiguro niya. May boyfriend po ba si Lyka?

Sa pagkakaalam ko wala.” Parang nabunutan si Jeoff ng tinik sa sinabi ng yaya ni Lyka.

May iba pa po bang nanliligaw sa kanya bukod kay Lance?

Oo. Iyong kababata niya at ex-boyfriend niya na si Ken. Mahal na mahal ni Lyka iyon pero umalis kaya parang nawala na ang feelings niya para rito.” Pakiwari ni Jeoff ay gumaan ang pakiramdam niya sa isinagot nito. At least ngayon si Lance na lang ang makakalaban niya pagdating sa puso ni Lyka.

Ya, bukas ng umaga pupunta ako rito ha. Maagang-maaga. Sosorpresahin ko si Lyka.

Ano namang plano mo?

Basta yaya. Maghanda ka lang.

Ok. Hihintayin kita!

Salamat po.

Sa kabilang banda naman ay pinuntahan ni Valerie si Lance para icongratulate.

Hello Lance. Bravo!” Pumapalakpak pa na sabi nito.

Bakit naman parang ang saya mo dyan?” Nagtatakang tanong nito. Kasalukuyang nakahiga si Lance sa sofa at nanunuod ng tv sa kwarto niya.

Kasi mukhang malapit ka ng sagutin ni Lyka. Sabi niya she is starting to like you.

Talaga?” Napabangon si Lance sa sinabi ni Valerie pero binawi din ang excitement sa mukha. Ayaw niyang ipahalata rito na higit pa sa kasunduan nila kaya niya nililigawan si Lyka.

Yes Lance at pagkatapos ka niyang sagutin. I want you to dump her, iyong tipong masasaktan siya ng labis at magmumukmok. Iyong pagsisisihan niyang si Valerie ang kinalaban niya.” Nakataas ang kilay at seryosong saad ni Valerie kay Lance.

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 33

28.02.2010
11:44

Nagpunta na ng Davao sina Micea. Masaya silang sinalubong ng pamilya ni Mon.

Hello po Mommy, Daddy.” Bati Ni Micea sa mga magulang ni Mon.

Hi Lola, hello po Lolo.” Bati naman ni Raycea sa mga ito na nagmano pa’t yumakap sa mga ito.

Halikayo sa loob ng makapagkwentuhan at makapagmeryenda na rin.” Yaya ng Mommy ni Mon sa kanilang lahat. Sumunod naman kaagad sila papasok sa loob ng bahay.

Kumusta kayo ni Baby Girl?” Tanong ng Mommy ni Mon kay Micea ng makaupo na sila sa sala.

Ok lang po kami Mom. Matataas po ang grades ng baby namin. Di ba baby?” Baling ni Micea sa anak na nakakandong pa kay Mon.

Opo” Masayang sagot naman ni Raycea. Nakikinig lang si Mon sa usapan.

Madami ang nagalit kay Mon ng hindi maganda ang ipinakita niyang pagtrato sa bata kaya sa tuwing madaming tao sa paligid ay hindi niya ipinapakita ang damdamin. Nasasaktan pa rin siya sa isiping si Rian ang ama ni Raycea.

Nag-aagaw ang kanyang isip at damdamin kung maniniwala sa resulta ng DNA. Sabi ng puso niya siya ang ama ni Raycea pero base sa narinig si Rian ang ama ni Raycea. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Rian dahil winasak na naman nito ang masaya nilang samahan ng babaeng pinakamamahal niya.

Nakatulala ka dyan. Anong iniisip mo?” Napansin siya ng Kuya Drew niya na parang wala sa sarili at hindi nakikisali sa kwentuhan.

Wala naman kuya.” Pagkakaila niya.

O sige. Ilagay na natin sa silid ni Mon ang mga gamit mo Micea Jane.

Po?” Maang na tanong ni Micea.

Bakit? May problema ba?” Nagtatakang tanong ng Mommy ni Mon.

Wala naman po.

Ah. Akala ko meron. Wala na kasing bakanteng kwarto eh. Dito kasi muna pansamantala sina Drew at mga bata tsaka si Raycea sa kwarto na lang namin matutulog.” Hindi alam nina Mon at Micea na sinadya ng pamilya na pag-isahin sila ng kwarto para makapag-usap sila at maayos ang kanilang pagsasama.

Naiayos na sa kwarto ni Mon ang mga gamit ni Micea kaya lumabas na ang mommy nito. Naiilang si Micea sa mga titig ng asawa.

Labas muna ako, magpapahangin lang.” Kaila ni Micea. Hindi na niya kaya pang salubungin ang nakakapasong tingin ng asawa.

May aircon naman eh. Di mo na kailangang lumabas.” Simpleng pigil ni Mon dahil alam niyang gusto lang umiwas ng asawa sa kanya.

Iba pa rin iyong sariwang hangin ang nalalanghap mo.” Argumento niya.

Eh di sasamahan na kita para makalanghap naman ako ng sariwang hangin.

Huwag na!

Mukhang iiwas ka lang sa akin eh kaya ka lalabas.

Bakit naman kita iiwasan?

Malay ko. Baka di mo kayang tingnan ang matipuno kong katawan at naaakit ka.” Pilyong sagot nito.

Kapal mo naman Loves.” Napakagat-labi siya sa nasambit. “Sige labas na ako.” Mabilis niyang tinungo ang pintuan pero mas mabilis na humarang si Mon.

Hindi ka pwedeng lumabas.

Bakit naman? Kailan naging bawal ang lumabas at magpahangin?

Ngayon lang.” Hinawakan nito ang baba niya at masuyong hinalikan.

I love you!” Sa gitna ng mga halik na iyon ay sinasambit ni Mon.

I love you too!” Gumaganti na din si Micea sa mga halik ng asawa.

Mommy, punta daw tayong grocery sabi ni Lola.” Nagitla at napatigil sila sa sunud-sunod na katok na ginawa ng anak.

Ano iyon baby?” Tanong ni Micea ng pagbuksan ang anak.

Punta daw tayong grocery sabi ni Lola.” Excited na turan ng anak.

O sige baby. Sabihin mo kay Lola susunod na si Mommy.

Opo Mommy.” Tumatakbo itong umalis sa harapan niya.

Alis muna kami.” Pagpapaalam niya. Di sumagot si Mon kaya tumalikod na siya.

Sandali Loves.” Pigil nito kaya napalingon siya. Sinalubong ulit siya ng halik nito. “I love you very much!

Ngumiti lang siya at lumabas na.

Nakaalis na si Micea kaya naisipan ni Mon na humiga at magpahinga. Inisip niya ang mga nangyari at kung ano ang dapat niyang gawin. Naisip niyang makipagbalikan na sa asawa at ipaglaban si Raycea kay Rian. Binalak niya na ituloy na ang appeal na ipinatigil ng asawa para siguraduhin kung tama iyong naging resulta ng DNA. Ihahanda na niya ang sarili anuman ang maging resulta. Ang mahalaga ay mahal at kinikilala siyang ama ng bata. Iyon ang pinakaimportante sa lahat at wala ng iba pa.

Napatayo siya ng may narinig siyang kumatok.

Glenda? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na nasambit ni Mon ng makita si Glenda sa loob ng bahay nila.

Ikaw naman love o para kang nakakita ng multo. Dinadalaw lang naman kita. Huwag kang mag-alala di ako dadalo sa birthday ng anak ni Micea.

Baka makita ka ng Mommy at Daddy ko.

Malaki ka na kaya kayang-kaya mo na akong ipagtanggol.

Glenda, ipinaliwanag ko na sa’yo iyan di ba?

Isang pilyang ngiti lang ang isinagot ni Glenda at tuluyan ng pumasok sa kwarto ni Mon.

Samantala ay nasa supermarket na sina Micea, Mommy ni Mon, asawa ni Drew at Raycea Jane. Nagkukwentuhan sila habang namimili.

Micea, sino ba iyong si Glenda?” Tanong ng Mommy ni Mon.

Sa kasawiang-palad po ay anak siya ng mga amo ko. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Baromeda.” Sagot ni Micea.

Paano sila nagkakilala ng anak ko?

Hindi ko po alam eh. Kasi nung birthday ni Glenda na ako ang umayos ay magkasama iyang dalawa. Di ko na lang po pinakialaman. Desisyon ni Mon iyon kaya malaya siyang gawin anuman ang naisin niya.

Pero natatapakan ka.

Hindi ko na lang po iniisip iyon. Konsensiya na lang po niya iyon.

Sasabunutan ko ang babaeng iyan ‘pag nakita ko.” Sabat naman ng asawa ni Drew.

Huwag na ‘te. Tayo ang lalabas na mababa niyan eh. Bahala na lang siyang magpakacheap at pumapatol sa lalaking may asawa.

Umuwi kaagad sila pagkatapos bilhin ang mga kakailanganin nila sa salu-salong gaganapin kinagabihan. Ganun ang pamilya nila kapag nagpapaang-abot, kahit walang okasyon ay naghahanda ng malaking dinner.

Pagkarating nila ng bahay ay patakbo kaagad na pumunta si Raycea Jane sa kwarto ng ama.

Kabado pa din si Mon na baka maabutan si Glenda ng Mommy niya. Hindi niya alam paano ito paaalisin na hindi nasasaktan ang damdamin nito.

Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Promise di ako gagawa ng eksena.” Paglalambing ni Glenda at hinalikan pa nito ni Mon.

Siyang pagbukas ng pinto at nasaksihan ni Raycea ang halik na iyon.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark
« Older Entries
Powered by WordPress and Artsavius Theme