IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘short stories by filipino writers’

Treasure of Mine Chapter 9

28.11.2009
07:59

“O anak, basta tandaan mo lage ang bilin ko, mag-iingat ka palagi doon. At tatawag ka pagdating na pagdating mo.” Ang bilin ng ina sa anak.

“Opo nay,” sagot niya sa ina.

“Bilisan mo na diyan at mag aalas singko na, baka maipit ka pa sa traffic.”

“Tapos na po ako nay, aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito palagi, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo”, ang bilin din niya sa ina, at humalik na siya sa pisngi nito.

“Huwag mo akong alalahanin dito, kaya kong alagaan ang sarili ko.” Sagot naman ng ina.

“O, siya halika na at ng hindi ka mahuli.” Dugtong pa ng ina.

Palabas na sila ng silid ng may marinig silang katok at nagpapataopo.

“Tao po…!”hiyaw ng nasa labas.

“Sandali,” sagot ng ina ni Mika at tinungo ang pintuan.

“Magandang araw po!” bati ng tao sa labas ng ito’y mapagbuksan.

“Magandang araw din naman! Ano pong maipaglilingkod ko?” magalang na tanong ng matanda.

“Eh, nandiyan po ba si Mika? susunduin ko po sana siya, nang sa gayon ay sabay na kaming pumunta ng airport.” tugon naman nito.

“Nay, sino po iyan?” tanong ni Mika sa ina, bitbit na nito ang mga gamit habang papalapit.

“Hi, Mika! susunduin sana kita.” Bati ng binata sa dalaga pagkakita dito.

“Kilala mo ba ire anak?” paninigurong tanong ng ina niya.

“Eh, opo ‘nay. Siya po iyong sasamahan ko sa probinsiya. Siya po si Axel. Nanay ko.” Pakilala niya sa dalawa.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala” pagbibigay galang ng binata.

“Ganun din ako iho, sana ay pag ingatan mo itong aking anak sa inyong pupuntahan. Huwag mo sana siyang pabayaan.”paghahabilin nito sa anak.

“Makakasa po kayo. At huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po papabayaan si Mika,” saad nito habang ang mga mata’y titig na titig sa dalaga.

Hindi naman mawari ni Mika ang nararamdaman. Dagli niyang binawi ang tingin mula sa pgtititigan nilang iyon ni Axel, para kasi siyang napapaso sa mga titig nito.

“Aasahan ko iyan iho.” Tugon ng matanda.

“O siya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan.” Pagtataboy ng matanda sa kanila.

“Sige po nay, tutuloy na po kami.” At niyakap niya na ang ina bilang pamamaalam.

Kinuha ni Axel mula sa kamay ni Mika ang bag na bitbit nito. Ayaw sana niya itong ibigay ngunit mabilis na itong nakapunta sa kotse.

“Sakay na” pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto katabi ng drivers seat.

“Dito na lang ako sa likod.” Tanggi niya.

“No, i want you to seat beside me.” Sagot naman nito.

Labag man sa loob ay napilitan ang dalaga na sa tabi nito maupo. Nakasimangot ito ng pumasok sa kotse.

“Ok, ready?”tanong ng binata ng makasakay na din

“I ready mong mukha mo?” lukot pa rin ang mukha ng dalaga. Hindi niya talaga mapigilang hindi mainis sa binata.

“Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong ng binata habang nagmamaneho, sa ginawi ng dalaga.

“Tinatanong pa ba iyon? hindi ka tumupad sa usapan natin…hindi ba sabi ko sa iyo sa airport na lang tayo magkita. At isa pa paano mo natunton itong bahay namin?”

“Oooopppss! Sandali, isa-isa lang, mahina ang kalaban” natatawang turan ng lalaki, itinaas pa nito ang isang kamay na animo’y sumusuko.

“Hindi ako nagbibiro kaya huwag mo akong pagtawanan…”naiinis na talaga siya.

“Naisip ko kasing sunduin ka na lang total, sa airport din lang naman pareho ang pupuntahan natin, eh, di mabuti pang sabay na lang tayo, nakakainip din naman kasing magbiyahe mag-isa. In that way, hindi na rin tayo maghahanapan. At isa pa madadaanan ko naman talaga ang bahay niyo di ba?” Paliwanag nito

“Paano mo natunton ang amin?” tanong pa rin niya.

“Sinundan kita kahapon” simpleng sagot nito.

“Ano? Bakit mo naman ako sinundan?”

“Ayaw mo kasing samahan kita.” Nakangising sagot nito.

“Nakakainis ka talaga!” ang nanggigil niyang sabi sa binata.

“Galit ka ba? Sorry na oh, promise hindi ko na uulitin.” Saad ng binata ng mapansin niyang hindi na kumikibo si Mika.

Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang ipinikit na nito ang mga mata tanda na ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Hindi niya alam kung ano talaga ang pumipigil sa dalaga para makipaglapit ito sa kanya. Alam niya meron, nararamdaman niya. Kung anuman iyon sisiguruhin niyang matatanggal ang harang na nakapagitan sa kanilang dalawa.

<Previous <Home> Next Page>


  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 13

28.11.2009
07:45

Larry… Ma…

Larry, Kath nagyayaya si Erika na pumunta daw tayo sa may palengke. Malapit lang naman. Bili tayo ng mga makakain para mamayang gabi.” Naputol ang sasabihin ko na sana kay Larry dahil biglang sumingit si Jerick.

Bihis lang kami. Basang basa pa kami o.” Sagot naman ni Larry. Inalalayan niya akong tumayo at nagtungo na kami sa kwartong inookupa namin.

Sumunod si Jerick sa amin hanggang sa may kwarto. Nahiya ako dahil mga lalaki ang kasama ko sa kwarto tapos magbibihis ako.

Pwedeng labas muna kayo kasi magbibihis lang ako.” Nilakasan ko na lang ang loob ko na sabihin sa kanilang dalawa dahil parang wala talaga silang balak na lumabas.

Habang nagbibihis ako ay iniisip ko na sagutin na si Larry. Kung hindi lang sana sumingit si Jerick nasabi ko na sana. Baka naman ayaw ng tadhana na magkaroon ako ng kasintahan para libre ako sakaling maging libre si Jerick. Pero nakikita ko kung gaano sila kasaya ni Erika. Siguro nalipasan na ako ng panahon hindi pa naghihiwalay ang dalawa.

Kath, tapos ka na ba?” Sabi ni Larry habang kumakatok. Nakalimutan ko na kailangan din pala niyang magbihis. Sigurado akong ginaw na ginaw na siya.

Oo. Pasok ka Larry.” Binuksan na nito ang pinto at pumasok na.

Nagkatitigan kaming dalawa. First time itong nasa loob kami ng isang kwarto na kaming dalawa lang. Nahihiya akong nagbawi ng tingin.

Hintayin na lang kita sa labas.” Tatalikod na sana ako pero pinigil niya ako sabay hawak sa kamay ko.

Mahal kita Kath. Mahal mo rin ba ako?” Tanong niya sa akin na hindi binibitiwan ang kamay ko. Hindi ko alam paano sasabihin. Nakapagdesisyon na naman ako. Kahit hindi pa ako ganuon kasure sa feelings ko sa kanya ay sasagutin ko na lang siya.

Oo Larry. Sinasagot na kita.” Sa tuwa niya ay nabuhat niya ako. Napapasigaw tuloy ako. Nang ibinaba na niya ako ay sinalubong niya ako ng halik. Biglang bumukas ang pinto.

Oppps sorry. May sumigaw kasi.” Nahihiyang isinara niyang muli ang pinto.

Sabay kaming napayuko at nagblush ni Larry. First kiss namin nasaksihan ni Jerick. Para akong kandilang nauupos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam paano ko pa haharapin si Jerick. Ang alam pa naman niya ay hindi pa kami.

Nagpunta na kami sa palengke. Hindi ko matingnan ng diretso si Jerick. Nahihiya pa din ako sa nakita niya kanina.

Hindi naman bumibitiw ng pagkakahawak sa kamay ko si Larry. Napakasaya daw kasi niya na sinagot ko na siya. Sabi pa nga niya na hindi ko daw pagsisisihan ang pagsagot ko sa kanya dahil paliligayahin daw niya ako sa paraang alam niya. Natouch naman ako ng todo.

Kath.” Sabay sina Jerick at Larry na binigyan ako ng mangga. Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa cottage. Kapwa nila alam na may katakawan talaga ako pagdating sa mangga. Nasa bathroom si Erika at hinihintay naming lumabas siya. Binawi na lang ni Jerick ang binigay niya at tinanggap ko ang binigay ni Larry.

Salamat.” Pasasalamat ko kay Larry.

Kinagabihan ay maagang nagyaya si Erika na matulog na dahil napagod daw siya sa kaliligo. Nang nasa kwarto na kaming dalawa ni Larry ay nahihiya na naman akong tumingin sa kanya. First time ko na naman kasing lalaki ang kasama kong matulog sa kwarto.

Hindi ganuon kalakas ang kilig dahil hindi ko naman siya ganun kamahal tulad ng kay Jerick. Kung si Jerick siguro ang kasama ko hihimatayin na ako sa kilig. Pinagalitan ko ang aking sarili. Boyfriend ko na si Larry pero si Jerick pa rin ang iniisip ko.

Salamat Kath.” Narinig kong sabi ni Larry. Nakahiga na siya samantalang ako ay nagsusuklay ng buhok ko. Naniniwala kasi ako na kailangang suklayin ang buhok ng maraming beses para naman shiny at maayos tingnan.

Para saan naman?” Nilingon ko siya.

Dahil sa pagsagot mo sa akin. Dahil sa pagbigay mo ng chance sa akin na mahalin ka at alagaan.

Wala iyon Larry. Karapat-dapat ka namang bigyan ng pagpapahalaga din.

Bumangon siya at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang buhok ko. Kinuha niya ang suklay at sinuklayan niya ako.

Bango naman ng buhok mo Kath. Pwede bang tawagan natin mhine. Para sigurado akong akin ka sa tuwing tinatawag kita.

Ganda naman.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Sure.

Salamat mhine. I love you!” Habang sinusuklayan niya ako ay nagtitigan kami sa salamin.

I love you too mhine.” Para akong kinilabutan sa sinabi ko. Kung si Jerick siguro ang sinabihan ko noon pihadong ang laki ng ngiti ko.

Nagyaya na siyang mahiga kaya parang nag-aalangan ako. First time ko na naman kasing lalaki ang katabi sa pagtulog. Ni minsan hindi pa ako nakatulog na kasama ang isang lalaki kahit kapatid ko pa. Nahalata yata niya na nagdadalawang isip ako.

Huwag kang mag-alala mhine. Mapagkakatiwalaan mong hindi kita gagalawin. Nirerespeto kita.” Assure niya sa akin.

Pasensya ka na ha. First time ko kasing lalaki ang kasama sa kwarto. Hindi ko alam paano kumilos ng tama.” Walang bahid ng kasinungalingang sabi ko sa kanya.

Masaya akong ako ang first mo na makatabi sa pagtulog mhine. Ikaw din ang first ko lahat. First girlfriend, first kiss at first na babaeng katabi ko sa pagtulog sa iisang kama.

Humiga na ako sa tabi ni Larry. Hindi naman ako natakot dahil alam kong wala siyang masamang gagawin. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya nga ako pumayag na sumama sa kanya.

I love you mhine.” Narinig kong sabi niya.

I love you too.” Nilingon ko siya. Siniil na naman niya ako ng halik. Ngayon ay ramdam ko na kung ano ang feeling ng kiss. Kanina kasi natabunan ng hiya dahil nakita kami ni Jerick. Ganito pala ang feeling. Pihadong hahanap-hanapin ko. Pilya akong ngumiti. Mukhang mahuhulog yata ako kay Larry nito a.

Sa kabilang sulok naman ng isip ko ay naisip ko si Jerick. Ano kayang ginagawa nila ni Erika ngayon? Tuloy napaisip ako. Ano kaya kung bulabugin ko sila? Magkunwaring gusto kong makipagkwentuhan? Huwag na lang. Behave na lang muna ako.

Good night mhine.” Narinig kong sabi na naman ni Larry. Inilingkis pa niya ang kamay niya sa tiyan ko at pumikit na.

Good night.” Hinalikan ko pa siya sa noo at pumikit na din ako. Napakacomfortable namang katabi ni Larry sa pagtulog. Sana tuluy-tuloy na ang damdamin kong ito para sa’yo Larry. Nakatulog na ako.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 30

28.11.2009
07:23

Hi Micea.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Madali niyang pinatay ang apoy na dumaloy sa katawan niya dahil sa hawak na iyon.

Have a seat.” Anyaya nito na nauna nang maupo.

Bago sila nagsimulang magdiscuss ay nag-order muna sila. Nakatitig lang siya sa babaeng kaharap. Wala siyang mahagilap na sasabihin. Binuksan na nito ang folder na dala at isa-isang ipinaliwanag ang idea niya sa gaganaping wedding. Patango-tango lang siya. Wala sa isip niya ang mga sinasabi nito kundi sa nakaraan nila. Ang mga araw na masaya silang magkasama. Ang mga araw na kailanman ay hindi na maibabalik pa.

Do you agree with the color? Mon…” Parang ginigising pa siya nito. Nangangarap kasi siya na sana kasal nila ang pinag-uusapan nilang dalawa ngayon. Hindi iyong kasal niya sa ibang babae.

Ha? Sorry. Ano nga iyong tanong mo?” Nagrehistro na din sa utak niya ang kasalukuyan.

Sabi ko okay lang ba ang mga kulay na pinili ko?” Ulit nito sa tanong niya na dinahan-dahan pa ang pagkasabi para siguro maintindihan niya.

Sure. Alam kong magaling kang pumili pagdating sa ganyan.

Thanks! How about the cake?

I like it simple. Hindi iyong masyadong madaming kolorete.

Alright. I will gather pictures of cake para makita niyo ni Melet.

Kumusta ka na?” Hindi mapigilan ni Mon ang sarili na kumustahin ang babaeng minamahal. Kimi itong ngumiti dahil siguro sa hindi nito inaasahan ang tanong niya.

I’m doing great! Ikaw?

Ok lang din naman. Bakit di pa kayo nagpakasal ni Rian?” Usisa niya.

I told them I am not ready yet. Gusto kong maalala muna si Rian bago ako magpatali sa kanya. It’s a bit awkward kasi kung makakasal ako sa lalaking hindi ko pa din lubusang kilala.

Tama nga naman.

Mabuti naman nagkabalikan na kayo ni Melet. Sinasabi ko na nga ba at mahal niyo pa din ang isa’t isa.

Pinilit ko lang ang sarili ko para makalimutan ka loves. “Magkasama ba kayo ni Rian sa iisang bahay?” Hindi niya pinansin ang pahayag ni Micea. Wala siyang mahanap na sagot doon.

Yeah but not in the same room. Baka iniisip mo…

Hindi ako nag-iisip ng ganun.” Putol niya sa sasabihin sana nito.

By the way, gusto mo bang pumunta tayo ng mall? May titingnan lang ako na mga design ng give-aways.” Anyaya nito sa kanya. Tapos na din silang kumain.

Sure.

Nagpunta na sila ng mall. Lagi lang siyang nakatingin kay Micea na enjoy na enjoy sa pagkilatis ng mga give-aways. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa habang busyng-busy pa din sa pagtingin ng mga give-aways. Ang ganda-ganda mo naman loves. Sana maalala mo na ako para hindi matuloy ang kasalang ito.

Micea’s Side:

Pigil na pigil niya ang hininga sa pagkakasama nilang ito ni Mon. Ipinapakita man niyang parang wala lang sa kanya na magkasama sila pero sa loob-loob niya gusto nang bumigay nito. Mabuti naman at gumagana pa rin ang utak niya dahil kung hindi baka nasabi na niya rito na tumututol siya sa kasal nila ni Melet.

Napansin niya na tiningnan siya ni Mon mula ulo hanggang paa. Kaya kahit naconcious siya ay hindi niya ipinakita iyon. Nagpretend na lang siya na napakabusy niya sa ginagawang pagsusuri ng mga give-aways.

Napadaan sila sa department store kaya niyaya niya si Mon na pumasok muna sila doon. Minsan kung may nakikita siyang damit na bagay kay Mon ay itinabi-tabi pa niya ito sa katawan ng binata.

Tingnan mo ito Mon, bagay ito sa’yo.” Itinabi na naman niya ang isang t-shirt sa katawan ni Mon.

Sigurado ka ba?” Wala nang ibang maisip na sasabihin si Mon kaya iyon na lang ang nasabi niya. Sa isip kasi niya kailangan niyang magsalita hindi itong nakatitig lang siya lagi sa kasama. Kita naman niyang bagay sa kanya ang t-shirt at nasabing alam na alam pa din ng kasintahan ang mga tipo niyang damit.

Oo naman. Sigurado ako. Mas lalong maiinlove si Melet sa’yo niyan.” Sabi ni Micea kay Mon. Bagay na ikinasakit ng dibdib niya. Wala nang pag-asa pang maging sila ng lalaking minamahal niya.

Micea, pagkatapos natin dito punta tayo sa tabing-dagat. Kung ok lang sa’yo? Paborito ko kasing manuod ng sunset.

Talaga? That would be fun. Alright.” Masaya siyang sumang-ayon.

Pagkatapos nilang magbayad sa mga napili nila ay sumakay na sila ng taxi at nagtungo sa paborito nilang puntahan noon na tabing-dagat upang manood ng sunset.

This is nice.” Habang nakamasid sa papalubog na araw ay nasabi ni Micea kay Mon. “Thanks.

Bigla siyang inakbayan ni Mon kaya kahit nagulat ay hindi na lang siya tumutol. Wala namang ibang nakakakita.

I know. Kaya nga kita dinala dito e dahil alam ko na magugustuhan mo.” Nakaakbay pa rin si Mon sa kanya hanggang sa naglaho na ang araw at dumilim na ng konti.

Uwi na tayo.” Anyaya niya kay Mon.

Magdinner muna tayo.

Hindi pa ako nagugutom e.” Tanggi niya dahil hindi na niya kayang pigilan ang damdamin kung makakasama pa niya ito kahit ilang minuto lang. Baka bumigay na siya at masabi niya na mahal niya ito.

O sige pero payagan mo akong ihatid ka hanggang sa inyo.” Nais kasi niyang matunton kung saan nakatira ang kasintahan. Baka kasi lumipat sina Rian sa isip ni Mon.

Naku huwag na. Magkasalungat naman ang direksyon ng bahay namin sa hotel na tinutuluyan mo.

Please!” Pamimilit niya rito.

Pero…Sige na nga.” Nginitian niya ito. Ngumiti din ito sa kanya. Ganda mo talagang ngumiti Mon. Hayyyy!

Sumakay na sila ng taxi pauwi sa bahay nila. Magkatabi sila at tahimik lang sa likod na upuan ng taxi. Walang gustong magsalita. Habol ni Micea ang hininga kahit hindi niya nilalabas. Ninais niya na siya makarating na siya sa bahay nila. Napalingon siya sa kasama at bumilis ang pintig ng puso niya ng maramdamang kinapa ni Mon ang mga kamay niya at tahimik lang na hinawakan iyon.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 29

27.11.2009
02:20

Micea’s Side:

Gusto nang mawala ng ngiti sa labi niya ng mapagsino ang mga kinatagpong kliyente ni Rian pero hindi niya ginawa. Kailangan niyang magpretend na hindi siya sa apektado sa nakikita niya kahit ang totooy namiss niya ng sobra ang lalaking kaharap niya ng silya ngayon.

Rian, this is Raymond Alda and his fiancée Melet Grace Martinez.” Pagpapakilala ng isang engineer.

Magkakilala na kami. Hindi ko nga akalain e.” Nakangiti pang sabi ni Rian. Alam ni Micea na nagpretend din ito na hindi apektado ng mapagsino ang mga kliyente. Hindi kasi sinabi sa kanya kung sino sino ang kakatagpuin. Hindi na din naman siya nag-usisa basta ginawa na lang niya ang ipinapagawa ng boss niya.

Oh that’s great then. Makakapagtrabaho kayo ng maayos because you knew each other already.” Sabat naman noong isang engineer na boss ni Rian.

By the way, this is my fiancée Micea Jane Castillo.” Pagpapakilala ni Rian kay Micea sa mga kasama niyang engineer at mga partners nito.

Pleasure to meet you.” Saad naman ni Micea habang kinakamayan silang lahat. Kinamayan din siya ni Mon. Talagang gusto na niyang bumagsak sa kinatatayuan pero pinilit niyang maging matatag.

Umupo na sila at napagpasyahan nang mag-order. Pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa kanilang lahat na nag-uusap tungkol sa planong building. Minsan sinusulyapan siya ni Mon pero kadalasan ay masamang titig ni Melet ang nakakasalubong niya.

Hindi pa ba kayo nagpakasal Rian?” Tanong ni Melet ng mapagkasunduan na ng lahat ang mga detalye ng building.

Kimi siyang ngumiti sa mga kasama. “Hindi pa. Hindi naman kami nagmamadali e.” Sagot naman ni Rian na hinawakan pa ang kamay niya.

We are getting married.” Dagdag pa nito. Halos mabulunan si Micea sa sariling laway ng marinig ang balita. Kaya pala kanina pa sweet na sweet ang dalawa dahil sila na pala. Sinasabi ko na nga ba na hindi mahirap ibalik ang nakaraan. Tanging nasabi niya sa sarili.

Talaga? Wow! Alam niyo ba iyan ang trabaho ni Micea ngayon, hotel manager at the same time event organizer. I’m sure she can manage your wedding perfectly.” Pagmamayabang pa ni Rian.

Rian…” Gusto niyang tumutol. Ayaw niyang maging bahagi ng kasal na iyon.

Really Micea? You can help me?” Tanong nito sa kanya na nakataas ang kilay.

Ahmmm…” Tumikhim pa siya. “I don’t know if I am able to make it the way you wanted it.

Well we can plan. Right hon?

Ha?…” Parang nagulat pa si Mon ng tanungin siya ni Melet. Nakatitig lang kasi siya sa babaeng kaharap. Sayang loves, akala ko pa naman tayo hanggang huli. Nasa isip niya lagi habang tinititigan ito. “Sure. Ikaw ang bahala.

So… I am hiring you to be our wedding planner Micea Jane Castillo.” May pang-iinis pa sa boses ni Melet.

Ok.” Maikling sang-ayon niya kahit ang buong pagkatao niya ay tumututol.

Nang papauwi na sila ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Mon. Hindi pa rin nagbabago ang lalaking iyon. Gwapong gwapo pa din. Ilang buwan na ang lumipas ng huli kitang makita pero heto minamahal pa rin kita. Akala ko nakalimutan ko na ang kabaliwan ko sa’yo pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin pala kita Mon.

Mon’s Side:

Hindi niya inakalang makikita si Micea sa meeting na iyon. Wala man lang nagtanong ni isa sa kanila ni Melet kung sino ang engineer na hahawak sa project na iyon. Kung nalaman lang niya ay mapaghahandaan niya ang pagkikita nilang muli ng babaeng laging laman ng isip at puso niya. Kahit pa sinasabing ikakasal na siya ay hindi pa rin mawaglit ni minsan sa diwa niya ang babaeng bumihag ng puso niya at patuloy na nagmamay-ari nito.

Hon, hindi ka pa ba inaantok?” Tanong ni Melet sa kanya dahil nasa maliit na terrace siya ng hotel nakatingin lang sa mga sasakyan at mga building sa ibaba. Nasa 10th floor kasi sila.

Hindi pa e.” Sagot niya na hindi man lang tiningnan si Melet.

Hindi ko inakalang si Rian pala ang hahawak ng project natin…

Ayoko nang pag-usapan pa. Andyan na iyan e. Bakit mo nga pala kinuha si Micea na wedding planner?” Dismayado siya sa naging desisyon ni Melet. Ayaw niyang mapalapit siya kay Micea dahil sigurado siya na hindi niya mapipigilan ang sarili. Baka umurong pa siya sa kasal.

Wala ka na namang damdamin sa kanya di ba?

Wala na pero alam mo naman ang nakaraan namin di ba?

Bakit ba apektado ka?” May halong pagkainis sa boses ni Melet.

Hindi ako apektado. Gusto mo bang matuloy ang kasal na ito?” Mataas na ang boses ni Mon.

Hon, oo naman. Sorry na. Bukas na bukas din ay sasabihin kong nakahanap na tayo ng ibang wedding planner.” Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya.

Huwag na. Baka mag-isip sila na apektado pa rin tayo lalo na si Rian. Ituloy mo na lang, wala na naman akong pakialam e. Sige tulog na ako.” Iniwan na niya ito at patapon na humiga sa kama.

Alam niya na may binabalak si Melet. Baka nga paglaruan pa silang dalawa ni Micea para masigurong hindi na siya apektado dito. Alam niya ang takbo ng utak ni Melet. Mahilig itong maglaro ng mga bagay na hindi nakakatuwa.

Micea’s Side:

Nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Hindi niya akalaing tanghali na pala. Maaga siyang nagigising pero ngayon talagang wala siyang balak bumangon. Sabado kasi at walang pasok sa trabaho. Ngayon napagkasunduan na imemeet niya sina Mon at Melet para pag-usapan ang plano sa gagawing wedding nila. May plano na siyang idrinaft pero talagang ayaw na ayaw niyang si Melet ang bride. Ako dapat ang bride ni Mon. Pabuntung-hiningang sabi niya sa sarili.

Hello.

Hi Micea. Kumusta ka na?

Ok lang naman. Good morning.” Bati niya sa kausap. Alam niyang si Melet ang kausap.

I can’t make it today kaya pwede ba kayo na lang ni Mon ang magkita. Imemeet ko kasi ang friend ko na galing sa States e. Pwede ba?”

Pero… dapat andun ka. Mahalaga na iyong mga pananaw mo ang kukunan ko ng idea because the wedding will be all about you as the bride.

I know Micea. Promise ngayon lang talaga ako hindi makakaattend. Tapos alam na alam naman ni Mon ang gusto ko e. Marunong namang pumili iyang si Mon. Maganda ang taste niyan kahit lalaki pagdating sa mga decorations and such.

Ok.” Sumang-ayon na lang siya kahit gusto niyang magbigay pa ng palusot. Alam niyang hindi siya mananalo magbigay man siya ng isang milyong dahilan.

O sige Micea. Bye.

Bye.

Melet’s Side:

Gusto niyang iset up sina Mon at Micea para bago sila makasal ay masigurado niya na wala nang nararamdaman si Mon sa dating kasintahan. Nasasaktan man siya pero kailangan niyang makita iyon dahil hindi siya patatali kay Mon kung ginagawa lang siyang panakip butas nito.

Hon, kailangan ko talagang imeet si Miriam. Alam mo naman na matagal na kaming hindi nagkita di ba?” Paliwanag niya kay Mon dahil kagaya ni Micea nag-aalangan din itong silang dalawa lang ang magkikita.

Totoo naman na imemeet niya ang kaibigang si Miriam. Barkada nila ito ni Mon na nasa States na nagtatrabaho. Hindi naman talaga niya mamimiss ang meeting. Ginawa lang niyang rason para paglapitin muli ang dalawa at itest ang tunay na damdamin ng mapapangasawa.

Partial pa lang naman ang ipepresent ni Micea e. Kaya mo na iyan.” Patuloy pa din niyang pangungumbinsi.

Melet, why are you doing this?” Pabulyaw na ang pagkakasabi ni Mon.

What do you mean?

E alam mo palang di ka makakarating bakit nagset ka pa ng meeting. Nakakahiya kay Micea na hindi ka pupunta. Ikaw ang babae. Ikaw dapat ang nakikipagmeet sa kanya.

Hon, I trust your taste kaya sigurado ako kahit ikaw man ang maghandle kasama si Micea ay alam kong magiging maganda ang wedding. Please.. For me!” Wala nang nagawa si Mon kundi ang umoo sa kakulitan ni Melet. Padabog siyang nagpunta sa shower at naghanda na para sa pagkikita nila ni Micea.

Lihim ding nasasaktan at humihiling si Melet na sana mali siya. Sana wala na talagang nararamdaman si Mon para kay Micea.

Mon’s Side:

Hello!” Nakangiting salubong ni Micea na inilahad pa ang kamay sa kanya. Naghihintay na ito sa restaurant na pagkikitaan nila.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 8

27.11.2009
02:04

Parang nabingi si Mika sa narinig.

“Gusto niya kasing bisitahin ang mga kaanak niya bago man lang siya bumalik sa America. Tatlong linggo lang ang bakasyon niya. Naisip kong pasamahan siya sa iyo at nang sa ganun ay makapagbakasyon ka na rin. Aba mula ng maggraduate kayo ni Julie ay hindi ka na nakapagpahinga dahil nagtrabaho ka kaagad.” Dugtong pa ng ama ni Julie.

“Eh, Sir, hindi naman po ako nagrereklamo eh, ayos lang po sa akin kahit wala akong bakasyon. Nag-eenjoy naman po ako sa ginagawa ko.” Saad ni Mika.

“Alam ko iha, kaya nga kita pinagbabakasyon dahil you deserve it. Hindi ba sabi mo kanina hindi mo ako bibiguin sa hihilingin ko sa iyo?”

“Opo kaya lang po…di po ba si Julie dapat ang kasama niya sa pagpunta doon?” nag-aalangang tanong ni Mika.

“Hindi pwede si Julie kasi na extend ng limang araw ang stay niya sa Cebu. Pero sabi niya susunod siya sa inyo kaagad, kaya huwag kang mag-alala. O ano? Payag ka na?”

Walang magawa si Mika kung hindi ang pagbigyan ang matanda. Hindi niya pwedeng biguin ito.

“sige po, eh, kailan po ba ang alis namin?” Tanong naman niya

“Mamayang gabi ang alis niyo, kaya pwede ka nang umuwi ngayon ng sa gayon ay makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo.”

Nabigla man dahil agad-agad silang aalis, ay hindi na lang kumibo si Mika. Tumayo na siya at magalang na nagpaalam. Pagtalikod niya ay mas lalo pa siyang nabigla ng makitang nakadekuwatrong upo pa si Axel sa couch. Dere-deretso lang siya sa kanyang pag-alis na tila ba walang nakita. Nang makalabas na ay nagpaalam na din si Axel sa matanda at nagpasalamat. Sinundan niya si Mika hanggang sa pwesto nito.

“O ano, ready ka na? Tayo na at nang makapaghanda na tayo.” Excited na wika nito.

“Mauna ka na. May bibilhin pa ako.” Sagot niya ng hindi man lang ito tinitingnan. Kailangan niya pa kasing mamili ng mga gamit niya at ng grocery para sa kanyang ina.

“Eh di sasamahan kita.”

“Hindi ko kailangan ang chaperon”

“Eh di isipin mong bodyguard mo ako”

“Hindi ako mayaman para magkaroon ng bodyguard”

“Eh di isipin mo na lang na wala kang kasama” pamimilit pa rin nito.

“Pwede ba, pabayaan mo na lang ako.  Hindi pa ba sapat na sasama na ako sa iyo kung saan mang lupalop iyon. Magkita na lang tayo sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala sisiputin kita. Marunong akong tumupad ng usapan.”pagtatapos niya sa usapng iyo.

“O sige kung ayaw mo talagang mgpasama e hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo mamaya. Alas 7 ang biyahe natin.” Sabi nito at umalis na.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 7

28.10.2009
10:29

Nang pumasok sa school kinabukasan si Jerick ay nakita niya si Kath pero hindi siya nakita nito. Binalak niya na kausapin ito pero nagdalawang-isip siya baka galit ito sa kanya. Iwinaksi na lang niya ang pagdadalawang-isip at akmang lalapitan niya si Kath ng makita niyang lumapit si Larry dito kaya hindi na lang niya tinuloy ang balak.

Kath’s Side:

Malapit na ang acquaintance kaya busyng busy ang lahat sa paghahanda. Hindi ko na muli pang nakita si Jerick pagkatapos noong unang makilala ko siya. Nanghihinayang man ako sa naudlot na pagkakaibigan namin ay pinapasaya naman ako ni Larry. Siya lagi ang kasa-kasama ko. Hindi pa man ito nanliligaw sa akin ay ramdam ko ang balak nito.

Jerick’s Side:

Ilang linggo nang hindi ako tumawag kay Kath. Gustuhin ko man pero parang mas nakakatulong itong ganito para madaling maalis ang anumang nararamdaman ko sa kanya. Pasasaan ba’t makakalimutan ko din siya.

Unti-unting nagkakalapit ang loob namin ni Erika. Gusto kong makalimutan si Kath sa pamamagitan niya. Alam ko na balang-araw matututunan ko din siyang mahalin kagaya ng pagmamahal na ibinigay ko kay Kath.

Kath’s Side:

Acquiantance day na kaya napakabusy ng school. Ang daming mga taga-ibang school ang dumayo sa school namin para makita ang mga pakulo ng school. Iba’t ibang events ang naganap. May iba’t ibang klase ng laro- volleyball, badminton, soccer, at iba pa. Mayroon ding mga quiz b. May computer contests at hunting contests na ang mga kalahok ay talagang takbuhan sa buong school. At higit sa lahat, ang laro nina Jerick mamayang hapon. Naexcite akong makita siya. Dalawang linggo na din ang lumipas mula ng makita ko siya.

Nagsimula na ang laro ng makarating kami sa gym ni Jessa. Pumunta kami sa taas na bahagi ng gym para makita namin ang mga naglalaro. Nakita ko si Jerick. Totoo pala ang sabi niya na number 8 siya. Napangiti ako ng makita ko siya. Gwapong-gwapo nito sa suot na uniform.

Napansin kami ni Larry kaya kumaway ito sa akin. Nakita kong sumulyap lang sa akin si Jerick kaya nainis ako. Parang hindi man lang ako kilala nito. Nakalimutan na nga nito ang tumawag sa akin.

Oyyy, tiningnan siya ni Jerick” Panunukso pa ni Jessa sa akin.

E, ano naman ngayon? Kainis siya talaga.” Naiinis kong sabi kay Jessa.

Simula na ang laro. Sana manalo ang school natin.” Hindi pinansin ni Jessa ang pagkainis ko.

Binging-bingi talaga ako sa sigawan at tilian ng buong gym. Ang galing-galing namang maglaro ni Paul. Three pointer kasi ng school ito kaya ang dami-daming talagang girls na sumisigaw kapag siya ang may hawak ng bola. Madalas ding makashoot sina Jerick at Larry pero hindi mga 3 points.

Ngayon lang ako nagbigay ng atensyon sa mga manlalaro. Noon kasi nanunuod ako dahil lang sa may extra points o kaya hindi pa napipirmahan ang attendance slip ko. Pero ngayon, kakaiba. Excited ako at nakikitili din lalo na kapag si Jerick ang may hawak ng bola. Sumisigaw-sigaw pa nga ako na ‘hoy huwag mong agawin yan’ kapag may kumukuha ng bola kay Jerick.

Miss, pustahan tayo kung mananalo kami date tayo.” Sabi sa akin noong isang lalaking taga-Iligan team.

Ano ka sinuswerte.” Sagot ko naman sa kanya. “May boyfriend na ako. Iyong number 8.” Magpanggap ba naman.

Wala sa akin iyang number 8 mo.” Patuloy pa din nito.

Ikaw ang wala kay number 8. Baka nga paghawak ng bola e hindi mo alam.” Patuloy kong pagtataray sa kanya.

Naiinis siguro kaya umalis silang dalawa ng kasama niya. Hindi ko din inakalang aangkinin kong boyfriend si Jerick. Kahit pagpapanggap lang ay nasiyahan pa rin ako.

Nanalo sina Jerick kaya tuwang-tuwa kami ni Jessa. Parang kami din ang mga kalahok. Gusto ko sanang lapitan si Jerick para icongratulate pero naunahan ako ni Erika. Ang sweet ng dalawa. Parang sila na kaya parang tinutusok ng karayom ang puso ko.

Hi Kath, uwi ka na?Lumapit sa akin si Larry. Hindi ko ipinahalata sa kanila na nagseselos ako sa pagiging sweet nina Erika at Jerick sa isa’t isa.

Oo. Sige, tayo na Jessa.” Hinila ko pa si Jessa.

Samahan na kita.” Humabol ito sa amin ni Jessa.

Huwag na. Alam kong pagod ka kaya umuwi ka na lang at magpahinga na.” Nilingon ko si Jerick. Masayang-masaya pa rin itong nakikipagkwentuhan kay Erika.

Ok lang naman Kath. Gusto ko lang na samahan kang umuwi.” Pilit pa rin nito.

Huwag nang pakipot Kath.” Sabat naman ni Jessa na ikinatawa naming tatlo kaya napalingon ang mga kasama nilang varsity.

Sige na nga.” Tinukso kami ng mga kasama niya liban na lang kay Jerick na parang wala yatang naririnig.

Jerick’s Side:

Narinig ko na tinutukso ng lahat sina Kath at Larry. Binalewala ko na lang sila. Wala na din naman akong pakialam.

Erika, kumain tayo sa labas. Ok lang ba? Tanong ko kay Erika. Gusto ko na kasing manligaw sa kanya.

Sure!Sagot naman nito.

Sunduin na lang kita mamaya sa inyo ha. Uwi muna ako at magbibihis lang.”

Ok Jerick. Anong oras ka pupunta sa bahay?

Mga 8pm.”

Hindi ko na hinatid si Erika sa bahay nila. Umuwi na ako ng bahay at nagbihis. Nang palabas na ako ay nadaanan ko ang telepono. Nakita kong nakapaskil doon sa important numbers ang telephone number nina Kath. Kinuyom ko na lang ang kamao ko ng lapitan ko telepono para hindi ako maingganyong tawagan siya.

Hi Erika! Good evening.” Bati ko kay Erika. Napakaganda nito sa suot niya skyblue dress.

Good evening Jerick. Tayo na! Ganting bati naman ni Erika.

Kumain na kami sa restaurant. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang pakay ko pero wala talagang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit? May dumi ba ako sa mukha?Tanong nito.

Wala naman. May nais lang sana akong sabihin pero hindi ko alam paano sasabihin.” Umpisa ko.

Ano naman iyon? Huwag ka nang mahiya. Hindi ka na iba sa akin.” Diretsong sagot nito.

Erika… Tumigil ako sa pagsasalita at kinuha ko ang kamay niya. “Sakali bang ligawan kita may pag-asa ako sa’yo?

Jerick…

Mahal kita Erika.”

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark
Powered by WordPress and Artsavius Theme