Tayo Hanggang Huli Chapter 34
Hindi naging tayo kundi tayo talaga dahil hindi naman tayo naghiwalay e. “Huwag ka munang mag-isip loves baka sumakit ang ulo mo. Ang isipin mo tayo na ngayon. Iyon ang mahalaga. I love you!”
“Tama ka nga naman. I love you too.”
Madami pa silang pinuntahan. Madali nilang tinapos ang mga dapat gawin para mabigyan nila ng atensyon ang isa’t isa. Ikaapat na araw pa lang na nanduon sila ay kumpleto na ang mga bagay na sadya nila sa Davao kaya kung tutuusin pwede na silang umuwi pero nagdesisyon silang manatili muna sa hotel at ienjoy ang company ng isa’t isa. Matagal ding hindi sila nagkasama kaya sinulit na lang nila. Kapag bumalik sila ng Cebu ay mapipilitan na naman silang pakisamahan ang mga nakatakdang ikasal sa kanila kahit pa wala na silang balak ituloy ang mga kasal na iyon.
“Gusto ko mag-extend tayo kahit tatlong araw lang loves.” Hiling ni Mon sa kasintahan.
“Ha? Baka magtaka sila.” May pag-aalangang sabi nito.
“Dito muna tayo. Gusto ko kasing andito kasama ka. Kapag bumalik tayo ng Cebu hindi ko alam kailan kita masosolo at makakasama ng ganito muli.”
“Magagawan naman natin ng paraan iyan e.”
“Talaga? Payag ka na magkita tayo ng palihim doon?”
“Oo naman. Bakit naman hindi? Nais din naman kitang makasama e.”
Mas lalo siyang nasiyahan na nais din pala nitong ipagpatuloy ang pagmamahalan nila sa Cebu kaya hindi na lang sila nag-extend. Pumayag na lang siya na umuwi sila para walang maamoy na kakaiba sina Rian at Melet.
Sinalubong sila nina Rian at Melet sa daungan ng barko ng makauwi na sila.
“Hi sweetheart!” Masayang sinalubong ng yakap at halik ni Rian si Micea. Napalingon tuloy si Mon dahil hindi siya payag na nakikipaghalikan ang kasintahan niya sa iba pero wala siyang magagawa kailangan niyang magtimpi.
“Hi hon, kumusta ang byahe niyo?” Tanong ni Melet habang nasa sasakyan silang apat.
“Ok lang naman. Tulad ng gusto mo. Inasikaso namin iyong mga detalye ng kasal. Si Micea na ang maglalahad ng lahat sa’yo.” Walang kangiti-ngiting sagot naman ni Mon.
“Sweetheart may pasalubong ako sa’yo.” Sabi naman ni Micea at ipinakita pa ang mga binili niya kay Rian noong nasa Davao pa sila.
“Wow! Thank you sweetheart. Ang sweet talaga ng sweetheart ko.” Hinalikan na naman siya nito kaya naiinis talaga si Mon sa mga ginagawa panananching ni Rian.
Nakarating na ang sinasakyan nila sa bahay nina Rian kaya nagpaalam na sila sa isa’t isa.
“Micea, kita na lang tayo bukas para sa presentation mo ha. Magpahinga ka na alam kong napagod ka. Thank you very much.” Bineso pa siya ni Melet.
“You’re welcome Melet. Mon, thank you for coming with me, hindi ako masyadong nahirapan dahil sa tulong mo.” Inilahad pa niya ang kamay niya kay Mon. Tinanggap iyon ni Mon at may kahulugan silang nagkatitigan.
“Walang anuman iyon. Para sa’yo walang problema.” I love you! May kahulugan ang sagot na iyon ni Mon.
Umalis na sina Mon at Melet. Hindi niya maiwasang magselos na kasama ni Melet ang lalaking mahal niya samantalang siya ay palihim lang na nagmamahal dito. Gusto na talaga niyang ipagsigawan na mahal niya si Mon pero hindi pa pwede. Hindi pa daw handa si Mon. Kung siya lang ang masusunod hiniwalayan na niya si Rian kaagad.
“Kumusta ang Davao Sweetheart?” Tanong ni Rian sa kanya na yumakap-yakap pa. Naiilang man siya dahil wala na siyang ganang makipaglapit dito ay hindi na lang siya nagreklamo.
“Ok lang naman. Hindi naman ako naglakwatsa kaya wala ako masyadong makukwento.”
“E si Mon, kinulit ka ba?”
“Hindi naman siya nangulit. Actually he is fine. He helped me.” Totoo sa loob na sabi niya. Nagtangis si Rian sa sinabi niya.
“Wala ba siyang kakaibang ipinapakita sa’yo habang nanduon kayo?”
“Wala naman. Kahit magpakita siya ng kung ano, you already know what I would do. I wanna rest now.”
“Ok. Pahinga kang mabuti.”
Nang nasa kwarto na siya ay nakita niyang ang dami palang message sa cellphone niya. Vibrate mode kasi kaya di naririnig ni Rian na madaming text ang pumapasok sa cell niya.
Mon: ‘I love you loves…very much!’
Mon: ‘Gusto na kitang makita ulit… When pwede?’
Si Mon pala ang kanina pa nagtitext sa kanya. Nagtext sila back and forth.
Micea: I love you too. Ewan ko kailan. Ikaw? Kelan mo gusto?
Mon: Pakichange ang name ko sa cell mo to Bed and I will call you Pillow. Para di mahalata sakaling may makakita sa phone mo.
Micea: Alright my Bed… mwaaahhhh!
Mon: Kita tayo mamaya. Pwede ba? Please!
Micea: Hindi ka ba magpapahinga?
Mon: Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ka katabi.
Micea: Kelan mo ba gustong ipagtapat natin sa kanila? Kasi kung ako ang masusunod, hihiwalayan ko na si Rian para magpakasal na tayo kaagad.
Mon: Sorry loves, pinangako ko kasi kay Daddy ito. Hahanap ako ng tiyempo kasi baka masaktan siya di pa naman maganda ang kalagayan niya ngayon.
Micea: Ok (May halong pagtatampo siyang nararamdaman.)
Mon: Huwag kang mag-alala loves wala na sa isip ko ang ituloy pa ang kasal namin ni Melet. Ikaw lang ang idudulog ko sa altar. Pangako iyan.
Micea: Sabi mo e. Sige pahinga na ako. (Nasasaktan siyang baka matuloy ang kasal dahil para pala sa daddy nito kaya niya ginagawa ito. Hindi muna niya ititext back si Mon. Palipas muna siya ng tampo dito.)
Mon: Galit ka ba sa akin? (Ilang minuto ng naghintay siya sa reply ni Micea pero di na talaga ito nagreply sa kanya. Mukhang nagtatampo ito sa kanya.)
Kinagabihan ay nagtungo si Mon sa bahay nina Rian. Hindi nga lang siya pumasok. Nagmasid lang siya. Tinext niya si Micea.
Andito ako sa labas. Kausapin mo naman ako. Sinabayan pa niya ng miss call para siguraduhing open ang cell nito.
Hindi pa din ito nagreply sa kanya. Mukhang nagtatampo talaga. Mahigit nang isang oras siyang nanduon sa labas pero hindi pa din lumalabas ito. Napansin niyang mukhang tahimik na ang paligid ng bahay nina Rian kaya naisip niyang baka tulog na si Micea. Inisip niyang umuwi na dahil mukhang nagtatampo talaga si Micea sa kanya. Tatalikod na sana siya ng bumukas ang gate.
“Loves…” Patakbo itong yumakap sa kanya. Natutuwa naman siyang tinugon ng yakap ito.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


