IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘pinoy blog’

Tayo Hanggang Huli Chapter 31

30.11.2009
00:08

Nagpaalam kaagad siya kay Mon ng makarating sa bahay nila. Napansin kasi niya na nasa labas na ang motorsiklo ni Rian kaya siguradong nakarating na ito. Ayaw niyang may ibang mahalata si Rian.

Naging madalas ang pagkikita nina Mon, Melet, Rian at Micea dahil sa project na hinahandle ni Rian. Palagi kasi siyang isinasama ni Rian kahit pa madalas siyang tumanggi rito ay hindi pa din siya nananalo. Panay din ang meeting nila para sa detalye ng wedding nina Mon at Melet. Inis at selos man ang palagi niyang nararamdaman sa tuwing magkasama silang tatlo ay ipinapakita pa rin niya na professional siya at hindi siya affected sa nakikita.

Hiniling ni Melet isang araw na pumunta si Micea sa Davao para naman maasikaso na niya ang simbahan at reception. Gusto kasi niya na doon na idaos ang kasal nila. Sa lugar ng lalaking mahal na mahal niya.

Ok lang naman Micea di ba?” Pagsisiguro pa nito. Kasalukuyang kumakain silang apat ng dinner.

Magpapaalam lang ako sa trabaho. Sana payagan nila ako. Madami kasi kaming inaasikaso ngayon e. Pero ok lang sa akin.

Sasamahan ka naman ni Mon e.

What?” Halos sabay na napatanong sina Micea, Mon at Rian.

Bakit anong problema doon?” Painosenteng tanong nito.

Bakit kasama ako? Paano na ang inaasikaso nating project dito?” Tutol ni Mon sa gustong ipagawa ni Melet.

Mon, I can manage it. Isang linggo lang naman tapos kailangang may mag-asikaso noong kasal natin. Di ba I gave you the wedding to manage?

Pero Melet. Mahalaga din ang ginagawa nating pagpapatayo ng mall.” Tutol pa din niya.

Mon, katulong ko naman si Rian e. Kailangan ni Micea ng makakatulong doon. Hindi naman pwedeng si Rian ang sumama sa kanya dahil kailangan ko siya dito.

But you never said it before Melet.” Ibinoses na ni Micea ang pagtutol.

I said it now.” Halos kainin na siya sa galit ni Mon. Nakita ni Micea na kinuyom na lang ni Mon ang kanyang kamao at nagtangis ang mga ngipin dahil sa galit.

Excuse me.” Tumayo si Melet. Sinundan siya ni Rian.

Melet at Rian:

Anong ginagawa mo Melet?” Galit na bungad kaagad ni Rian pagkalabas nila ng restaurant. “Anong gusto mong palabasin? Alam mo namang hindi pwedeng pagsamahin ang dalawang iyan di ba? Baka magkabalikan sila.

Rian, relax ka lang. Alam ko ang ginagawa ko. Masakit man sa akin pero kailangan kong gawin ito.

Bakit kailangan mong gawin ito?

Gusto kong masuri kung ano ang damdamin ni Mon sa akin bago pa kami makasal. Kung magkabalikan sila ibig sabihin ni minsan hindi nila tayo minahal. Payag ka bang makasal sa babaeng hindi ka kailanman minahal?

Wala akong pakialam kung mahal niya ako o hindi ang importante akin siya.

Kasakiman iyan Rian. Dahil ilang beses mo mang ilayo si Micea kay Mon kung mahal niya talaga ito wala tayong magagawa. Babalikan at babalikan nila ang isa’t isa.

Hindi ako makakapayag.

Nagtatrabaho sa akin si Micea kaya may obligasyon siya na sundin ang gusto ko payag ka man o hindi. Galit na umalis na lang si Rian sa harapan ni Melet.

Nasasaktan din naman siya ng labis sa ginagawa niyang paglalapit ng dalawa pero kailangan niyang gawin. Hindi siya dapat magbulag-bulagan sa katotohanan. Alam niyang mahal pa rin ng dalawa ang isa’t isa. Handa na siya anuman ang maging bunga ng ginagawa niyang ito.

Mon at Micea:

Micea, I’m sorry sa ginagawa ni Melet.” Hinging paumanhin ni Mon.

It’s alright Mon. Nabigla lang ako kanina. Trabaho lang ito walang personalan kaya ok lang.

Hindi ko alam anong pumasok sa utak niya at ginagawa niya ito.

Well, tama naman siya. Dapat isa sa inyo ang magiging katulong ko sa wedding ninyo.

Pero dapat siya iyon. Siya ang babae.

Ok lang Mon. Huwag na nating gawing problema kasi hindi naman talaga ito problema e. Hindi naman ako tutuloy sa bahay niyo kaya wala naman sigurong masama doon.

Let’s go Micea.” Galit na dumating si Rian sa mesa at hinila siya.

Bye Mon.” Hindi na siya nagtanong. Alam niya kung bakit nagagalit ito.

Rian at Micea:

Nakarating sila sa bahay nina Rian na hindi man lang kumikibo si Rian.

Sweetheart, ok lang iyon. Huwag ka nang magalit. Trabaho lang ito.

Hindi e. Sinasadya ni Melet ito.

Wala naman akong makitang dahilan para sadyain niyang paglapitin kami ng mapapangasawa niya. Anong rason niya?

Mahilig maglaro si Melet Micea. Hindi ako papayag na umalis ka kasama si Mon.

Rian, trabaho ko ito. Promise ikaw at ikaw lang… Matagal na ang relasyon natin nagdududa ka pa din ba sa akin? Na maghahanap ako ng iba?” Naguguluhang tanong niya kay Rian.

Hindi sa ganun Micea. Nagtitiwala ako sa’yo. Kay Mon wala akong tiwala doon.

Rian a relationship is composed of two people. If one doesn’t agree it is not considered a relationship. Kaya kahit anong gawin ni Mon kung ayaw ko wala ding silbi.

Pero Micea, ayokong mawala ka sa akin.

Hindi ako mawawala. Sa’yo lang ako Rian.

Mon at Melet:

Pagdating nila sa hotel na tinutuluyan nila ay kumuha ng isang kwarto si Mon at nagkulong doon. Hindi niya kayang kausapin si Melet. Halatang-halata ang ginagawa nitong paglalaro sa damdamin niya.

Kinabukasan ay kumatok si Melet kaya binuksan na lang niya ito. Kahit naiinis man siya sa ginagawa nito ay naisip niya na pabor sa kanila ni Micea iyon. Baka makaalala pa si Micea kapag madalas silang magkasama.

Hi hon, sorry kung hindi ko pinagpaalam sa’yo ang plano ko. Kung gusto mo ako na lang ang sasama kay Micea?” Pakumbabang sabi nito.

Huwag na. Ok lang kung ako ang sumama sa kanya. Wala na namang namamagitan sa amin e at trabaho lang niya iyon.” Walang ngiti sa labi na sagot niya.

Makalipas ang dalawang linggo ay papunta na sila ng Davao. Pinayagan kasi si Micea ng amo nito ng isang linggong bakasyon kahit hindi pa pagbabakasyon ang pakay nito. Hindi man nilabas ni Mon pero masayang masaya siyang makasamang muli ang kasintahan.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 9

28.11.2009
07:59

“O anak, basta tandaan mo lage ang bilin ko, mag-iingat ka palagi doon. At tatawag ka pagdating na pagdating mo.” Ang bilin ng ina sa anak.

“Opo nay,” sagot niya sa ina.

“Bilisan mo na diyan at mag aalas singko na, baka maipit ka pa sa traffic.”

“Tapos na po ako nay, aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito palagi, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo”, ang bilin din niya sa ina, at humalik na siya sa pisngi nito.

“Huwag mo akong alalahanin dito, kaya kong alagaan ang sarili ko.” Sagot naman ng ina.

“O, siya halika na at ng hindi ka mahuli.” Dugtong pa ng ina.

Palabas na sila ng silid ng may marinig silang katok at nagpapataopo.

“Tao po…!”hiyaw ng nasa labas.

“Sandali,” sagot ng ina ni Mika at tinungo ang pintuan.

“Magandang araw po!” bati ng tao sa labas ng ito’y mapagbuksan.

“Magandang araw din naman! Ano pong maipaglilingkod ko?” magalang na tanong ng matanda.

“Eh, nandiyan po ba si Mika? susunduin ko po sana siya, nang sa gayon ay sabay na kaming pumunta ng airport.” tugon naman nito.

“Nay, sino po iyan?” tanong ni Mika sa ina, bitbit na nito ang mga gamit habang papalapit.

“Hi, Mika! susunduin sana kita.” Bati ng binata sa dalaga pagkakita dito.

“Kilala mo ba ire anak?” paninigurong tanong ng ina niya.

“Eh, opo ‘nay. Siya po iyong sasamahan ko sa probinsiya. Siya po si Axel. Nanay ko.” Pakilala niya sa dalawa.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala” pagbibigay galang ng binata.

“Ganun din ako iho, sana ay pag ingatan mo itong aking anak sa inyong pupuntahan. Huwag mo sana siyang pabayaan.”paghahabilin nito sa anak.

“Makakasa po kayo. At huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po papabayaan si Mika,” saad nito habang ang mga mata’y titig na titig sa dalaga.

Hindi naman mawari ni Mika ang nararamdaman. Dagli niyang binawi ang tingin mula sa pgtititigan nilang iyon ni Axel, para kasi siyang napapaso sa mga titig nito.

“Aasahan ko iyan iho.” Tugon ng matanda.

“O siya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan.” Pagtataboy ng matanda sa kanila.

“Sige po nay, tutuloy na po kami.” At niyakap niya na ang ina bilang pamamaalam.

Kinuha ni Axel mula sa kamay ni Mika ang bag na bitbit nito. Ayaw sana niya itong ibigay ngunit mabilis na itong nakapunta sa kotse.

“Sakay na” pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto katabi ng drivers seat.

“Dito na lang ako sa likod.” Tanggi niya.

“No, i want you to seat beside me.” Sagot naman nito.

Labag man sa loob ay napilitan ang dalaga na sa tabi nito maupo. Nakasimangot ito ng pumasok sa kotse.

“Ok, ready?”tanong ng binata ng makasakay na din

“I ready mong mukha mo?” lukot pa rin ang mukha ng dalaga. Hindi niya talaga mapigilang hindi mainis sa binata.

“Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong ng binata habang nagmamaneho, sa ginawi ng dalaga.

“Tinatanong pa ba iyon? hindi ka tumupad sa usapan natin…hindi ba sabi ko sa iyo sa airport na lang tayo magkita. At isa pa paano mo natunton itong bahay namin?”

“Oooopppss! Sandali, isa-isa lang, mahina ang kalaban” natatawang turan ng lalaki, itinaas pa nito ang isang kamay na animo’y sumusuko.

“Hindi ako nagbibiro kaya huwag mo akong pagtawanan…”naiinis na talaga siya.

“Naisip ko kasing sunduin ka na lang total, sa airport din lang naman pareho ang pupuntahan natin, eh, di mabuti pang sabay na lang tayo, nakakainip din naman kasing magbiyahe mag-isa. In that way, hindi na rin tayo maghahanapan. At isa pa madadaanan ko naman talaga ang bahay niyo di ba?” Paliwanag nito

“Paano mo natunton ang amin?” tanong pa rin niya.

“Sinundan kita kahapon” simpleng sagot nito.

“Ano? Bakit mo naman ako sinundan?”

“Ayaw mo kasing samahan kita.” Nakangising sagot nito.

“Nakakainis ka talaga!” ang nanggigil niyang sabi sa binata.

“Galit ka ba? Sorry na oh, promise hindi ko na uulitin.” Saad ng binata ng mapansin niyang hindi na kumikibo si Mika.

Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang ipinikit na nito ang mga mata tanda na ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Hindi niya alam kung ano talaga ang pumipigil sa dalaga para makipaglapit ito sa kanya. Alam niya meron, nararamdaman niya. Kung anuman iyon sisiguruhin niyang matatanggal ang harang na nakapagitan sa kanilang dalawa.

<Previous <Home> Next Page>


  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 29

27.11.2009
02:20

Micea’s Side:

Gusto nang mawala ng ngiti sa labi niya ng mapagsino ang mga kinatagpong kliyente ni Rian pero hindi niya ginawa. Kailangan niyang magpretend na hindi siya sa apektado sa nakikita niya kahit ang totooy namiss niya ng sobra ang lalaking kaharap niya ng silya ngayon.

Rian, this is Raymond Alda and his fiancée Melet Grace Martinez.” Pagpapakilala ng isang engineer.

Magkakilala na kami. Hindi ko nga akalain e.” Nakangiti pang sabi ni Rian. Alam ni Micea na nagpretend din ito na hindi apektado ng mapagsino ang mga kliyente. Hindi kasi sinabi sa kanya kung sino sino ang kakatagpuin. Hindi na din naman siya nag-usisa basta ginawa na lang niya ang ipinapagawa ng boss niya.

Oh that’s great then. Makakapagtrabaho kayo ng maayos because you knew each other already.” Sabat naman noong isang engineer na boss ni Rian.

By the way, this is my fiancée Micea Jane Castillo.” Pagpapakilala ni Rian kay Micea sa mga kasama niyang engineer at mga partners nito.

Pleasure to meet you.” Saad naman ni Micea habang kinakamayan silang lahat. Kinamayan din siya ni Mon. Talagang gusto na niyang bumagsak sa kinatatayuan pero pinilit niyang maging matatag.

Umupo na sila at napagpasyahan nang mag-order. Pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa kanilang lahat na nag-uusap tungkol sa planong building. Minsan sinusulyapan siya ni Mon pero kadalasan ay masamang titig ni Melet ang nakakasalubong niya.

Hindi pa ba kayo nagpakasal Rian?” Tanong ni Melet ng mapagkasunduan na ng lahat ang mga detalye ng building.

Kimi siyang ngumiti sa mga kasama. “Hindi pa. Hindi naman kami nagmamadali e.” Sagot naman ni Rian na hinawakan pa ang kamay niya.

We are getting married.” Dagdag pa nito. Halos mabulunan si Micea sa sariling laway ng marinig ang balita. Kaya pala kanina pa sweet na sweet ang dalawa dahil sila na pala. Sinasabi ko na nga ba na hindi mahirap ibalik ang nakaraan. Tanging nasabi niya sa sarili.

Talaga? Wow! Alam niyo ba iyan ang trabaho ni Micea ngayon, hotel manager at the same time event organizer. I’m sure she can manage your wedding perfectly.” Pagmamayabang pa ni Rian.

Rian…” Gusto niyang tumutol. Ayaw niyang maging bahagi ng kasal na iyon.

Really Micea? You can help me?” Tanong nito sa kanya na nakataas ang kilay.

Ahmmm…” Tumikhim pa siya. “I don’t know if I am able to make it the way you wanted it.

Well we can plan. Right hon?

Ha?…” Parang nagulat pa si Mon ng tanungin siya ni Melet. Nakatitig lang kasi siya sa babaeng kaharap. Sayang loves, akala ko pa naman tayo hanggang huli. Nasa isip niya lagi habang tinititigan ito. “Sure. Ikaw ang bahala.

So… I am hiring you to be our wedding planner Micea Jane Castillo.” May pang-iinis pa sa boses ni Melet.

Ok.” Maikling sang-ayon niya kahit ang buong pagkatao niya ay tumututol.

Nang papauwi na sila ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Mon. Hindi pa rin nagbabago ang lalaking iyon. Gwapong gwapo pa din. Ilang buwan na ang lumipas ng huli kitang makita pero heto minamahal pa rin kita. Akala ko nakalimutan ko na ang kabaliwan ko sa’yo pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin pala kita Mon.

Mon’s Side:

Hindi niya inakalang makikita si Micea sa meeting na iyon. Wala man lang nagtanong ni isa sa kanila ni Melet kung sino ang engineer na hahawak sa project na iyon. Kung nalaman lang niya ay mapaghahandaan niya ang pagkikita nilang muli ng babaeng laging laman ng isip at puso niya. Kahit pa sinasabing ikakasal na siya ay hindi pa rin mawaglit ni minsan sa diwa niya ang babaeng bumihag ng puso niya at patuloy na nagmamay-ari nito.

Hon, hindi ka pa ba inaantok?” Tanong ni Melet sa kanya dahil nasa maliit na terrace siya ng hotel nakatingin lang sa mga sasakyan at mga building sa ibaba. Nasa 10th floor kasi sila.

Hindi pa e.” Sagot niya na hindi man lang tiningnan si Melet.

Hindi ko inakalang si Rian pala ang hahawak ng project natin…

Ayoko nang pag-usapan pa. Andyan na iyan e. Bakit mo nga pala kinuha si Micea na wedding planner?” Dismayado siya sa naging desisyon ni Melet. Ayaw niyang mapalapit siya kay Micea dahil sigurado siya na hindi niya mapipigilan ang sarili. Baka umurong pa siya sa kasal.

Wala ka na namang damdamin sa kanya di ba?

Wala na pero alam mo naman ang nakaraan namin di ba?

Bakit ba apektado ka?” May halong pagkainis sa boses ni Melet.

Hindi ako apektado. Gusto mo bang matuloy ang kasal na ito?” Mataas na ang boses ni Mon.

Hon, oo naman. Sorry na. Bukas na bukas din ay sasabihin kong nakahanap na tayo ng ibang wedding planner.” Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya.

Huwag na. Baka mag-isip sila na apektado pa rin tayo lalo na si Rian. Ituloy mo na lang, wala na naman akong pakialam e. Sige tulog na ako.” Iniwan na niya ito at patapon na humiga sa kama.

Alam niya na may binabalak si Melet. Baka nga paglaruan pa silang dalawa ni Micea para masigurong hindi na siya apektado dito. Alam niya ang takbo ng utak ni Melet. Mahilig itong maglaro ng mga bagay na hindi nakakatuwa.

Micea’s Side:

Nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Hindi niya akalaing tanghali na pala. Maaga siyang nagigising pero ngayon talagang wala siyang balak bumangon. Sabado kasi at walang pasok sa trabaho. Ngayon napagkasunduan na imemeet niya sina Mon at Melet para pag-usapan ang plano sa gagawing wedding nila. May plano na siyang idrinaft pero talagang ayaw na ayaw niyang si Melet ang bride. Ako dapat ang bride ni Mon. Pabuntung-hiningang sabi niya sa sarili.

Hello.

Hi Micea. Kumusta ka na?

Ok lang naman. Good morning.” Bati niya sa kausap. Alam niyang si Melet ang kausap.

I can’t make it today kaya pwede ba kayo na lang ni Mon ang magkita. Imemeet ko kasi ang friend ko na galing sa States e. Pwede ba?”

Pero… dapat andun ka. Mahalaga na iyong mga pananaw mo ang kukunan ko ng idea because the wedding will be all about you as the bride.

I know Micea. Promise ngayon lang talaga ako hindi makakaattend. Tapos alam na alam naman ni Mon ang gusto ko e. Marunong namang pumili iyang si Mon. Maganda ang taste niyan kahit lalaki pagdating sa mga decorations and such.

Ok.” Sumang-ayon na lang siya kahit gusto niyang magbigay pa ng palusot. Alam niyang hindi siya mananalo magbigay man siya ng isang milyong dahilan.

O sige Micea. Bye.

Bye.

Melet’s Side:

Gusto niyang iset up sina Mon at Micea para bago sila makasal ay masigurado niya na wala nang nararamdaman si Mon sa dating kasintahan. Nasasaktan man siya pero kailangan niyang makita iyon dahil hindi siya patatali kay Mon kung ginagawa lang siyang panakip butas nito.

Hon, kailangan ko talagang imeet si Miriam. Alam mo naman na matagal na kaming hindi nagkita di ba?” Paliwanag niya kay Mon dahil kagaya ni Micea nag-aalangan din itong silang dalawa lang ang magkikita.

Totoo naman na imemeet niya ang kaibigang si Miriam. Barkada nila ito ni Mon na nasa States na nagtatrabaho. Hindi naman talaga niya mamimiss ang meeting. Ginawa lang niyang rason para paglapitin muli ang dalawa at itest ang tunay na damdamin ng mapapangasawa.

Partial pa lang naman ang ipepresent ni Micea e. Kaya mo na iyan.” Patuloy pa din niyang pangungumbinsi.

Melet, why are you doing this?” Pabulyaw na ang pagkakasabi ni Mon.

What do you mean?

E alam mo palang di ka makakarating bakit nagset ka pa ng meeting. Nakakahiya kay Micea na hindi ka pupunta. Ikaw ang babae. Ikaw dapat ang nakikipagmeet sa kanya.

Hon, I trust your taste kaya sigurado ako kahit ikaw man ang maghandle kasama si Micea ay alam kong magiging maganda ang wedding. Please.. For me!” Wala nang nagawa si Mon kundi ang umoo sa kakulitan ni Melet. Padabog siyang nagpunta sa shower at naghanda na para sa pagkikita nila ni Micea.

Lihim ding nasasaktan at humihiling si Melet na sana mali siya. Sana wala na talagang nararamdaman si Mon para kay Micea.

Mon’s Side:

Hello!” Nakangiting salubong ni Micea na inilahad pa ang kamay sa kanya. Naghihintay na ito sa restaurant na pagkikitaan nila.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 8

27.11.2009
02:04

Parang nabingi si Mika sa narinig.

“Gusto niya kasing bisitahin ang mga kaanak niya bago man lang siya bumalik sa America. Tatlong linggo lang ang bakasyon niya. Naisip kong pasamahan siya sa iyo at nang sa ganun ay makapagbakasyon ka na rin. Aba mula ng maggraduate kayo ni Julie ay hindi ka na nakapagpahinga dahil nagtrabaho ka kaagad.” Dugtong pa ng ama ni Julie.

“Eh, Sir, hindi naman po ako nagrereklamo eh, ayos lang po sa akin kahit wala akong bakasyon. Nag-eenjoy naman po ako sa ginagawa ko.” Saad ni Mika.

“Alam ko iha, kaya nga kita pinagbabakasyon dahil you deserve it. Hindi ba sabi mo kanina hindi mo ako bibiguin sa hihilingin ko sa iyo?”

“Opo kaya lang po…di po ba si Julie dapat ang kasama niya sa pagpunta doon?” nag-aalangang tanong ni Mika.

“Hindi pwede si Julie kasi na extend ng limang araw ang stay niya sa Cebu. Pero sabi niya susunod siya sa inyo kaagad, kaya huwag kang mag-alala. O ano? Payag ka na?”

Walang magawa si Mika kung hindi ang pagbigyan ang matanda. Hindi niya pwedeng biguin ito.

“sige po, eh, kailan po ba ang alis namin?” Tanong naman niya

“Mamayang gabi ang alis niyo, kaya pwede ka nang umuwi ngayon ng sa gayon ay makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo.”

Nabigla man dahil agad-agad silang aalis, ay hindi na lang kumibo si Mika. Tumayo na siya at magalang na nagpaalam. Pagtalikod niya ay mas lalo pa siyang nabigla ng makitang nakadekuwatrong upo pa si Axel sa couch. Dere-deretso lang siya sa kanyang pag-alis na tila ba walang nakita. Nang makalabas na ay nagpaalam na din si Axel sa matanda at nagpasalamat. Sinundan niya si Mika hanggang sa pwesto nito.

“O ano, ready ka na? Tayo na at nang makapaghanda na tayo.” Excited na wika nito.

“Mauna ka na. May bibilhin pa ako.” Sagot niya ng hindi man lang ito tinitingnan. Kailangan niya pa kasing mamili ng mga gamit niya at ng grocery para sa kanyang ina.

“Eh di sasamahan kita.”

“Hindi ko kailangan ang chaperon”

“Eh di isipin mong bodyguard mo ako”

“Hindi ako mayaman para magkaroon ng bodyguard”

“Eh di isipin mo na lang na wala kang kasama” pamimilit pa rin nito.

“Pwede ba, pabayaan mo na lang ako.  Hindi pa ba sapat na sasama na ako sa iyo kung saan mang lupalop iyon. Magkita na lang tayo sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala sisiputin kita. Marunong akong tumupad ng usapan.”pagtatapos niya sa usapng iyo.

“O sige kung ayaw mo talagang mgpasama e hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo mamaya. Alas 7 ang biyahe natin.” Sabi nito at umalis na.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 7

26.11.2009
03:18

“Hi” bati kaagad ni Axel pagkakita kay Mika.

“Anong ginagawa mo dito?”tanong naman ni Mika.

“Iimbitahan sana kitang mag lunch” nakangiting saad ni Axel

“Im sorry pero marami pa akong gagawin eh” tanggi ni Mika

“I won’t take no for an answer, fix your things and I’ll wait for you here.” Nakahalukipkip na saad nito.

“Hindi ka rin naman demanding, ano?” nakataas ang kilay na sagot niya.

“Hindi naman masyado,” nakangisi pang sagot ni Axel

“Look Axel, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, hindi talaga ako pwedeng sumamang mag lunch dahil andami kong ginagawa sa taas. Im really sorry, but I have to go back to my work now.” Paalam niya rito.

Naiwang nag-iisa si Axel. Hindi talaga niya lubos maisip kung bakit napaka aloof ni Mika sa kanya.

Baka hindi pa niya ako napapatawad sa nangyari sa amin sa airport? Pero sabi naman niya ay kalimutan na daw namin iyon… naguguluhang tanong ni Axel sa sarili.

Kailangan magkalinawan kami tungkol doon… nang biglang may kumislap na idea sa kanyang isipan.

Samantala, sa kanyang lamesa ay hindi na makapagconcentrate sa kanyang trabaho si Mika. Hindi siya makapag-isip ng mabuti dahil kay Axel.

Bakit kailangan niya pa akong imbitahang mag lunch? Ang tagal naman kasing umuwi ni Julie eh, di sana’y siya ang kasama palagi ni Axel. Hindi iyong ako pa ang ginugulo, pati tuloy pag-iisip ko at lalong lalo na ang puso ko ay nagugulo na rin. Ayokong magkasala sa kaibigan ko. Kailangan kong makausap si Julie. Tatawagan ko siya mamaya pag-uwi ko.

“Mika, pinapatawag ka ni boss,” tawag kay Mika ng sekretarya ng ama ni Julie.

“Ha?, ah, eh sige, susunod na ako.”sagot ni mika.

Bakit kaya ako pinatawag ni tito?

Pagdating niya sa president’s office ay sinenyasan siya ng sekretarya na pumasok na, may kausap kasi ito sa phone. Kumatok muna siya bago pumasok.

“Come in”, narinig niyang wika ng nasa loob.

“Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” Sir ang tawag niya sa ama ni Julie kapag nasa affice sila. Hindi niya napansin na may isang tao pa bukod sa kanila sa opisinang iyon. Nakaupo kasi ito sa couch kaya hindi niya nakita.

“Yes iha, halika, maupo ka.” Anyaya ng matandang Sandoval.

“May hihilingin sana akong pabor sa iyo. Pwede mo ba akong pagbigyan?” tanong ng ama ni Julie.

“Kahit ano po sir, kaya ko pong gawin, hindi po kayo magdadalawang salita sa akin.” Sagot naman ni Mika. Kung anuman ang hihilingin nito lahat ay gagawin niya, gusto niya kasing tumanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong nito sa kanya.

“salamat iha, alam kong hindi mo ako bibiguin” napangiti ang matanda.

“Ano po ba iyon Sir?” tanong naman ni Mika.

“Gusto kong samahan mo si Axel sa Zamboanga.” Saad ni Mr. Sandoval.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 28

26.11.2009
03:03

Naglasing na naman si Mon kinagabihan kaya tinawagan ng mommy niya ang kuya niya. Pinapabayaan lang kasi siya ng kapatid dahil alam niya ang pagdurusa nito sa kasintahan pero sa isip ng kapatid ay kailangan na niyang maging matino ngayon. Nasa di mabuting kalagayan ang daddy nila. Kailangan nilang magtulungan at maging matatag para sa isa’t isa. Hindi itong papasanin pa nila ang isa pang membro ng pamilya.

Mon, gumising ka dyan.” Inalis pa ng kuya Drew niya ang kumot para magising siya at binuksan ang mga bintana.

Ano ba kuya? Ang aga-aga e.” Pagmamaktol niya sa kapatid.

Bakit ka na naman naglasing kagabi?” Pasigaw na tanong nito.

Si Mommy talaga sumbungera.” Iyon lang ang lumabas na sagot sa bibig niya at tinakpan ng unan ang ulo niya.

Mon, bumangon ka dyan. I mean it!” Mataas na ang boses ng kapatid.

Ano bang ikinagagalit mo? Hindi naman ako humingi sa’yo ng pera para pang-inom ko a.” Ipinakita na niya ang inis na kanina pa niya pinipigil sa kapatid.

Kailangan nating magtulungan ngayon lalo na sa kalagayan ni Daddy. Nakikita mo ba ang ginagawa mo? Dinadagdagan mo ang problema sa bahay na ito.

Kuya, hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko.

Bumangon ka na sa pagkalugmok kay Micea. Ikakasal na ang babaeng kinababaliwan mo. Maghanap ka na lang ng iba.

Napakadaling sabihin dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko.

Mon, dumaan din ako dyan. Nasaktan din ako noon pero hindi ko ginawang hadlang iyon para ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan ka nina Mommy at Daddy ngayon. May pamilya na ako kaya pwede maging responsable ka naman para sa kanila. Tulungan mo naman sila o.” Nahahabag siya sa kapatid.

Pero kuya mahal ko si Micea e. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Sa ngayon iyan ang sinasabi mo dahil hindi mo binigyan ng chance ang sarili mo na magmahal ulit. Kung susubukan mo makikita mo makakalimutan mo siya hindi iyong alak lang ang nakakapagpalimot sa’yo.

Wala akong ibang makitang babae na makakapalit kay Micea kuya. Siya lang talaga.” Napaupo na siya sa gilid ng kama.

Bakit di mo balikan si Melet? Nagsasakripisyo iyong tao para damayan ka sa lahat ng bagay.

Hindi ko na siya mahal.

Bakit di mo subukang mahalin siya ulit?

Hindi ko kayang kalimutan si Micea.

Makakaya mo iyan Mon. Alam kong matatag ka. Alam kong kaya mo ‘yan.” Lumabas na ng kwarto niya ang kuya Drew niya. Naiwan si Mon na hindi pa din alam kung ano ang gagawin. Gulung-gulo ang isip niya. Ayaw niyang balikan si Melet dahil lang sa gusto ng lahat. Nais niyang balikan ito dahil mahal niya ito at wala ng iba pa.

Naisip niya na tama ang kapatid niya. Hindi niya binigyan ng chance ang sarili na magmahal ulit. Nilulunod na lang niya ang sarili sa alak para kahit sandali ay makalimutan ang kasintahan.

Hi Melet” Sinundo niya si Melet sa pinagtatrabahuan nito. Napagdesisyonan kasi niya na bigyan ng chance ang sarili para sa kanila ni Melet.

O anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong nito.

Masama bang sunduin kita?

Himala yata. Anong nakain mo?

Ito naman o. Kain tayo sa labas.

Ha? Ok! Kung iyan ang gusto mo.” Inalalayan pa niya si Melet pasakay ng kotse niya.

Nang nasa restaurant na sila ay asikasong-asikaso niya si Melet tuloy nagtataka ang dalaga sa mga kilos niya.

Anong meron Mon?” Hindi na nakatiis at nagtanong ito.

Gusto ko sanang magsimula tayong muli. Gusto kong bigyan ng chance ang sa ating dalawa Melet.

Talaga?” Hindi pa din maalis ang pagtataka sa mukha nito.

Oo Melet. Tulungan mo ako na makalimutan si Micea.” Napangiti si Melet sa sinabi niya. “Gusto ko sanang… magpakasal tayo.” Halos hindi niya masambit ang huling salita. May ibinigay siya na singsing kay Melet at tuwang-tuwang umoo ito.

Mahal na mahal kita Mon. Wala nang sasaya pa sa akin.

Masaya din ako Melet. Salamat at tinanggap mo ang alok ko.

Matagal ko nang hinintay na maging tayo ulit Mon. Maraming salamat.

Nang umuwi sila ng bahay kinagabihan ay tuwang-tuwang ibinalita ni Melet sa mga magulang niya ang pag-alok niya ng kasal. Pilit na ngiting tumango tango siya sa kanilang lahat.

Salamat Mon. Alam kong hindi ka magsisisi sa desisyon mong ito.” Tinapik pa siya sa balikat ng daddy niya habang nakaupo siya sa sofa.

Ginagawa ko po ito para sa amin ni Melet. Masaya po akong masaya din po kayo Dad.

Sa susunod na linggo na ang alis ninyo papuntang Cebu. Kailangan ninyong imeet ang engineer na nakontak namin para siyang magplano sa itatayong mall. Maghanda kayo ni Melet.

I know dad.” Sang-ayon niya sa ama.

Micea’s Side:

Sweetheart, darating sa susunod na linggo ang kliyente namin. Ipapadala daw nila ang siyang magiging managers ng mall na iyon. Sama ka sa amin ha sa dinner na iyon.

Huwag na sweetheart. Business iyon e.

Hindi, ginawa nilang informal iyon kaya pwedeng magdala ng partner.

Ok. Mahihindian ko ba naman ang gwapong boyfriend ko.” Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ni Rian.

Isang linggo ang lumipas. Naghahanda na silang dalawa ni Rian para sa dinner ng kakatagpuing mga managers daw ng mall. Kasama din sa dinner ang dalawa pang engineers na mamamahala sa ipapatayong mall.

Ganda talaga ng sweetheart ko kahit kailan.

Sabi mo e. Tayo na.

I love you sweetheart.

I love you too loves.” Nagulat siya sa nasambit. Bakit loves ang nadugtong niya?I mean sweetheart.” Hinalikan na lang niya ito para di na mag-isip ng iba.

Mon’s Side:

Papasok na kami ni Melet sa restaurant na kakainan namin. Nagmadali na nga kami dahil ayaw din naman naming ma-late. Nang makapasok na kami ay nakita kaagad namin ang dalawang engineers na naghihintay.

Hi, my name is Raymond Alda, this is my fiancée Melet Grace Martinez.” Nagkamayan kaming anim. May mga kasama din kasing partner ang dalawang engineer.

Hinihintay na lang natin ang isa pa naming kasama na siyang may dala ng plano. Maupo kayo.” Pahayag ng isang engineer.

Andito na pala sila.” Sabay kaming napalingon lahat.

Micea…” Tanging nasambit ko sa nakangiting babae na paparating na nakakapit pa sa kasama niya.

<Previous Page <Home> Next Page>

Comments from Other Site:

b0k
Friday, 4. December 2009

..tapos po ba toh?

jhoy
Friday, 4. December 2009

ang ganda kelan po yung karugtong?

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 27

25.11.2009
04:03

Nagawa ko iyon sa’yo? Sorry Melet hindi ko…

Huwag kang mag-alala Mon. Hindi naman kita pipikutin dahil lang may nangyari sa atin.” Tumayo na ito at nagbihis.

Nasapol niya ang kanyang noo sa nagawa niya. Kailangan niyang pangatawanan si Melet pero paano kung kasal na siya kay Micea?

Natapos ang dalawang linggong bakasyon nina Mon at nang barkada niya kaya umuwi na sila sa Davao. Nagpatuloy ang buhay nina Mon at Melet na hindi pinag-uusapan ang nangyari sa kanila isang gabi noong nasa Bohol sila.

Umuwi din ng Cebu si Rian at sinama nito si Micea. Sinabi kasi ng lolo niya na mas maigi na andun siya nang malibang naman siya. Nakakuha ng trabaho si Micea bilang manager ng isang hotel at paminsan-minsan ay naaanyayahang magmanage ng catering kapag may kasal o espesyal na okasyon. Gustung gusto siya ng pamunuan ng hotel dahil napakasipag sa trabaho at talaga namang ipinapamalas niya ang galing sa pag-aayos ng mga events.

Si Rian naman ay nagtatrabaho na bilang isang engineer. Noon kasi ay ang apartment lang nila ang pinamamahalaan niya pero isang araw ay may nakilala siyang engineer na siyang nagtulak sa kanya para naman gamitin niya ang nalalaman. Pinalad naman na makapagtrabaho siya sa isang magandang kompanya.

Ipinagpaliban muna ang kasal nina Rian at Micea dahil nga sa hindi pa makakasal si Micea. Hinihintay pa nila na maexpire ang kasal na iyon kahit lingid sa kaalaman ni Micea.

Sa kabilang banda ay nagpatuloy ang buhay ni Mon na wala si Micea. Ilang beses man niyang binalak na magpakalayo-layo na ay hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya. Malapit na ding itayo ang mall sa Cebu. Nakakita na nga daw sila ng company na maghahandle ng project kaya baka mapilitan siyang magresign at iyon na ang asikasuhin niya. Gabi-gabi pa din siyang umiinom. Naaalala pa din niya si Micea. Ilang beses nang idinikta ni Mon sa isip na kakalimutan na niya si Micea pero ayaw namang sumunod nito lalo ng puso niya.

Hi Sweetheart.” Tumawag si Rian sa kanya habang busyng busy siya sa pagcheck ng mga rooms. Gusto kasi niya na maayos lahat para kung sakaling may magcheck in ay hindi ma rate ng negative ang hotel nila.

O, may problema ba?” Usisa kaagad niya sa kasintahan dahil alam niyang busyng busy din ito.

Wala naman. Namiss ko lang ang boses mo.

Ito talaga. Nasa iisang bahay lang naman tayo a.” Napangiti siya sa sinabi nito.

Kahit isang segundo lang na hindi kita nakikita ay namimiss na kaagad kita.

Ikaw talaga. Kumusta ang trabaho?

Ok lang naman. May bago kaming kliyente. Taga-Davao tapos mall ang pinapatayo.

Talaga. Wow!” Naisip niya na taga-Davao si Mon. Grabeng paglalaro na ng tadhana kung kasama si Mon sa mga kliyente nina Rian. Pahiwatig ng isip niya.

Malaking project ito para sa amin. By the way, labas tayo mamaya ha.

Sure. O sige balik na ako sa trabaho.

I love you sweetheart… Very much!

I love you very much also. Bye

Naisip na naman niya si Mon ng mapag-usapan nila ang Davao. Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging kliyente nina Rian doon pa sila galing sa lugar na gusto kong kalimutan na?

Mon’s Side:

Nasa trabaho siya at iniisip ang expiration date ng contract nila ni Micea ng tumawag ang mommy niya. Isang linggo na lang kasi at maeexpire na ito.

Yes ma.

Mon, andito kami sa hospital. Naaksidente ang daddy mo. Pumunta ka na dito ngayon din kailangan tayo ng daddy mo.

What? What happened?” Hindi na niya hinintay na sumagot ang mommy niya. Ibinaba kaagad niya ang telepono at maagang nagpaalam sa trabaho. Dali-dali siyang nagpunta sa hospital kung saan sinabi ng mommy niya na dinala ang daddy niya. Kahit madalas silang mag-away ng daddy niya ay ayaw pa din niyang mawala ito. Ang daddy niya ang sandalan ng pamilya nila kahit pa sinasabing may kanya kanyang buhay na sila.

Nang makarating siya ng hospital ay sinabi ng mommy niya na isinasalba pa ang daddy niya. Nanduon ang kuya niya at asawa nito. Nanduon din si Melet.

Ano pong nangyari ma?

Nawalan yata ng preno ang kotse ng daddy mo e. Kaya hayun nabangga niya ang kasalubong na trak.

May iba po bang nasaktan?” Lumabas na ang doctor kaya kabadong nakinig ang lahat. Dinadalangin na sana maganda ang balita ng doctor.

Ligtas na po ang pasyente pero may masamang balita ako sa inyo. Napuruhan ang dalawang binti niya kaya baka may posibilidad na hindi na siya makalakad. Gagawin pa din namin ang lahat para hindi na kailangang putulin ang dalawang paa niya.” Hinimatay ang mommy ni Mon ng marinig ang sinabi ng doctor. Hindi din nila matanggap ang balita.

Sinalukluluhan nina Mon at Melet ang mommy niya habang pumunta naman ang kuya niya at asawa nito sa kwarto ng daddy nila. Sobrang nalungkot si Mon sa trahedyang naganap sa pamilya niya. Bakit kailangan pang mangyari ito sa’yo dad? Mabuti naman po kayong tao e. Wala kayong sinasagasaan. Matulungin kayo sa lahat pero bakit?

Nang mahimasmasan ang mommy niya ay pumunta na sila sa kwarto ng daddy niya. Walang tigil ang pag-iyak ng mommy niya sa nakikitang kalagayan ng daddy niya.

Hon, magpagaling ka ha. Huwag mo kaming iiwan. Hindi namin kakayanin.” Habang hawak ang kamay ng daddy niya ay patuloy na sambit nito.

Umuwi muna sina Mon at Melet para kumuha ng mga gamit ng daddy niya.

Mon, I’m sorry.” Napaiyak na siya habang yakap si Melet.

Bakit kailangang mangyari kay Dad ito Melet? Hindi ko alam kung kakayanin ba namin kung mawala siya.

Magpakatatag ka lang Mon. Andito lang kami na dadamay sa inyo.”

Habang kumukuha ng mga dadalhin sa hospital ay naisip niya si Micea. Loves kailangan kita ngayon. Nasaan ka na ba? Namimiss na kita.

Si Micea lang ang makakapagbigay aliw sa kanya ngayon. Iyon ang naisip niya. Kung magkasama lang sana sila ay kaya niyang lampasan lahat. Kung magkasama lang sana sila ay hindi niya madaramang nag-iisa siya sa mga panahong ganito. Mahal na mahal pa rin kita loves.

Makalipas ang dalawang linggo ay nakauwi na ang daddy niya sa bahay nila. Hindi nga pinutol ang mga paa nito pero hindi na daw ito makakalakad pa. Nakawheelchair na lang ito.

Awang-awa siya sa nakikitang kalagayan ng daddy niya. Palagi na lang itong malungkot, hindi kumikibo sa harap ng pagkain, naging bugnutin din at higit sa lahat walang sinasanto kahit pa mommy niya ay parating sinisigawan nito. Gusto niyang makatulong sa sitwasyon pero hindi niya alam paano.

Isang araw ay kinausap niya ito.

Dad, kumusta ka na?” Galing kasi siyang trabaho kaya iyon ang naging pambungad niya. Hindi ito sumagot.

Dad, magpakatatag po kayo. Kaya natin ‘to.” Pampalubag loob na sabi niya.

Mon, inutil na ang daddy mo. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa atin.” Unti-unti na kasing nauubos ang pera nila dahil hindi na ganun kaaktibo ang daddy niya sa negosyo nila.

Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Magagawan naman po natin ng paraan iyon e.

Gusto kong maganda ang buhay mo kapag nag-kaaasawa ka na. Gusto kong magandang buhay pa rin ang tatamasahin ng mga anak niyo ng kuya mo. Kumayod ako ng husto dahil ayokong maghirap kayong magkapatid.

Pinagpapasalamat namin iyon dad kaya ngayon hayaan niyo po kaming suklian iyon.

Kung gusto mong suklian iyon Mon, pakasalan mo si Melet. Kapag nakasal kayo magiging sigurado na ako na magiging maganda din ang buhay mo.

Pero dad…

Mon, naging kayo naman ni Melet di ba? Hindi na ganun kahirap pa na ibalik ang nakaraan niyo.

Dad hindi ko na po mahal si Melet.

Mon, matutunan mo din siyang mahalin ulit. Kapag nagpakasal kayo ni Melet hindi na ako mamomroblema pa sa’yo. Alam kong magiging secure ang future niyo. Pag-isipan mo sana anak.

Pagkatapos kong makausap ang daddy ko ay pumunta na ako ng kwarto. Gulung-gulo ang isip ko. Malaya na akong magpakasal ulit dahil expired na ang marriage contract namin ni Micea pero hindi ko kayang makasal sa iba. Si Micea lang talaga ang gusto kong kasalo sa lahat ng bagay - sa lungkot at saya, sa hirap at sa ligaya. Siya lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Siya lang lahat.

***

Next Chapter:

“Anong meron Mon?” Hindi na nakatiis at nagtanong ito.

“Gusto ko sanang magsimula tayong muli. Gusto kong bigyan ng chance ang sa ating dalawa Melet.”

“Talaga?” Hindi pa din maalis ang pagtataka sa mukha nito.

“Oo Melet. Tulungan mo ako na makalimutan si Micea.” Napangiti si Melet sa sinabi niya. “Gusto ko sanang… magpakasal tayo.” Halos hindi niya masambit ang huling salita. May ibinigay siya na singsing kay Melet at tuwang-tuwang umoo ito.

“Hi, my name is Raymond Alda, this is my fiancée Melet Grace Martinez.” Nagkamayan kaming anim. May mga kasama din kasing partner ang dalawang engineer.

“Hinihintay na lang natin ang isa pa naming kasama na siyang may dala ng plano. Maupo kayo.” Pahayag ng isang engineer.

“Andito na pala sila.” Sabay kaming napalingon lahat.

“Micea…” Tanging nasambit ko sa nakangiting babae na paparating na nakakapit pa sa kasama niya.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 12

25.11.2009
03:45

Nagpunta na kami ni Larry sa Timuga. Nauna na sina Jerick dahil may tinapos pa ako na mga quiz papers.

Hiniram ni Larry ang motor ng kuya niya para hindi na kami magbus. Sabado din at walang pasok sa trabaho ito kaya pumayag na hiramin niya. Naiilang man akong hawakan siya ay ginawa ko na lang. Ayoko namang mahulog sa motor.

Napakabango naman ng lalaking ito. Hindi ko maiwasang maisip ng masinghot ko ang pabango niya.

Paminsan-minsan ay hinahawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa tiyan niya. Nahihiya tuloy ako minsan pero di ko na lang pinansin. Wala dapat akong maramdaman na hiya sa sarili ko dahil hindi ko mahal si Larry. Magkaibigan lang kami pero hindi iyon ang iniisip niya sa pasimpleng mga hawak niya sa akin kaya nalalagyan ko tuloy ng masamang meaning iyon.

Magtatanghali na nang makarating kami ng Timuga. Naliligo na sina Jerick at Erika. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan ni Jerick. Kahit payat siya ay may makikitang muscles sa mga braso niya. Ang sarap siguro kung yakap ako ng mga brasong iyon. Swerte mo naman Erika at ikaw ang mahal niya. Siguro kung ako ang minahal niya ay napakaswerte ko din. May panghihinayang na naisip ko.

Oy andyan na pala kayo. Halikayo dito.” Anyaya ni Erika sa amin sa cottage na inookupa nila. Binalutan pa ni Jerick ng tuwalya si Erika kaya nagseselos ako. Napakamaasikaso naman ni Jerick sa girlfriend niya. Kung sana’y ako na lang Jerick ay hindi ka din magsisisi dahil mamahalin kita ng lubos. May kirot sa dibdib na hiyaw ng isipan ko.

Halika na Kath.” Narinig kong sabi ni Larry. Humawak ito sa baywang ko habang palapit kami sa cottage nina Jerick.

Nagdala din kami ng mga prutas.” Inilapag pa ni Larry ang mga prutas na dala namin sa mesa.

Kumusta ang byahe niyo?” Tanong ni Jerick na nakatingin kay Larry.

Ok lang naman pare. Masaya!” Sagot naman ng nakangiting si Larry.

Sinagot mo na ba itong kaibigan ko Kath?” Bumaling siya ng pagtatanong sa akin. Busyng busy sa pagkain si Erika. Nagugutom na daw kasi siya.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Hindi pa dahil sa’yo. Gusto kong isagot bagkus sinabi ko na lang na darating din ang panahon na magiging kami din. Hindi naman kami nagmamadali at tsaka sa turingan namin ay daig pa namin ang magkasintahan. Sumang-ayon naman si Larry.

Totoo ang sinabi ko sa kanila. Daig pa namin ni Larry ang magkasintahan. Sa ipinapakita niyang concern sa akin at sa madalas naming paglabas na kaming dalawa lang ay hindi mo iisiping hindi kami mag-on. Tanggap siya ng mga magulang ko. Tanggap din naman ako sa bahay nila. Minsan kasi naaanyayahan ako na magpunta sa bahay nila kung may mahalagang okasyon sa kanila ni Larry.

Sinabi pa nga ng mommy niya sa akin na kapag kami daw ang magkakatuluyan ni Larry buong angkan nila ay payag na payag. Nahihiyang ngiti lang ang tinugon ko doon. Hindi ko kasi mahal si Larry pero di ko din siya kayang saktan. Anumang meron kami ngayon ay mahalaga sa akin iyon. Nasanay na din kasi ako na nandyan si Larry sa tabi ko. Matututunan ko din siguro siyang mahalin kagaya ng pagmamahal na inialay ko kay Jerick.

Maligo na tayo Kath.” Anyaya sa akin ni Larry.

Ang ginaw ng tubig.” Pahayag ko sa kanya ng testingin ko iyon sa mga paa ko.

Kapag nasa tubig ka na hindi mo na mararamdaman iyon. Mataas naman ang sikat ng araw.” Sagot naman niya. “Sige ka babasain kita.” Akmang sasabuyan niya ako ng tubig.

Huwag. Ano ba? Kapag ginawa mo iyan hindi na kita kakausapin.” Banta ko sa kanya.

Hindi ko naman gagawin iyon. Binibiro lang kita.” Natawa na lang kaming dalawa. Nasulyapan ko na naman na nakalublob sa tubig si Jerick habang kandong siya ni Erika na nakaupo sa gilid ng pool. Nakasandal ang mga siko niya sa mga hita ni Erika. Ang sakit-sakit ng nadarama ko. Bakit kaya kailangan pang andito ako? Pinapunta lang yata nila ako dito para pagdusahin. Halos maiyak na ako. Dumudugo na ang puso ko.

Lumusong na tayo Kath.” Pangungulit pa din ni Larry.

O sige na nga.” Hinubad ko ang t-shirt ko. Maikling short and suot ko at sleeveless na shirt na maikli. Kita ang pusod ko. Nakita kong napatingin si Jerick sa direksyon ko. Tumitig siya ng mga ilang segundo. Naconcious man ako ay hindi ko na pinansin. Mas pa kaya ang suot ng girlfriend niya na nakashorts at bra lang.

Hindi din naging lingid sa akin ang napapatulalang si Larry. First time na ganito ang suot ko sa harap niya. Pasimple man ang ginawa niyang paghagod ng tingin sa akin ay hindi iyon nakatakas sa pandama ko.

Akala ko ba maliligo na tayo?” Hindi pa din kasi ito kumikibo.

Oo. Halika na.” Lumusong na kami sa pool. Ang ginaw talaga. My gosh! Bakit ba ito ang sinuot ko? Dios ko hindi ko na kaya ang lamig.

Sinabuysabuyan pa ako ni Larry. Nakikipaglaro siya sa tubig. Nag-enjoy na din ako. Nakalimutan ko na ang lamig dahil sa kalikutan namin ni Larry.

Tama na ano ba?” Gumaganti din ako ng pagsaboy sa kanya. “Larry hindi ko na kaya. Tama na.” Pagrereklamo ko sa ginagawa nito na nakangiti naman. Enjoy na enjoy ako sa pagkukulitan namin ni Larry. Hindi namin pansin ang dalawang matang nakatitig sa amin.

Jerick’s Side:

May ipapakita din palang kaseksihan si Kath. Nasabi niya sa sarili habang nakatingin sa dalawa na patuloy pa din ang pagkukulitan. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nasasaktan siya na masaya si Kath na kasama ang bestfriend niya. Iwinaglit niya kaagad sa isipan ang naiisip. May girlfriend na siya at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi na siya dapat tumitingin pa sa ibang babae. Kath is past and Erika is the present and will be his future.

Ingatan mo siya Larry. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa. Iyon ang nahagilap niya na pampalubag loob sa sarili. Kapag pinagpatuloy niya ang pagmamahal kay Kath dalawang tao ang masasaktan niya. Una ay ang bestfriend niya na si Kath lang yata ang nagustuhang babae. Pangalawa ay ang girlfriend niya na sigurado siyang mahal na mahal siya. Titikisin ko na lang ang damdamin ko sa’yo Kath hanggang sa mawala ito.

Hon, bihis na tayo. Giniginaw na ako e.” Narinig niyang nagsalita si Erika kaya tumingala siya dito.

Tingnan mo ang dalawa. Parang mga batang nagkukulitan.” Nakangiti pang sagot niya sa sinabi ni Erika.

Oo nga e. Bagay talaga silang dalawa ano? Enjoy sila sa company ng isa’t isa. Ba’t di pa kaya sagutin ni Kath si Larry e parang mahal naman niya ito?

Hindi natin alam kung anong iniisip ni Kath. I love you.” Dagdag pa niya na ikinangiti ng kasintahan.

I love you too. Tayo na!

Nakita nilang napalingon sina Kath at Larry sa kanilang dalawa. Sumenyas si Jerick kay Larry na tutungo na sila sa kwarto. Tumango lang si Larry.

Larry at Kath:

Nag-enjoy ka bang kasama ako Kath?” Tanong ni Larry sa kanya habang nakahiga sila sa bangko at binibilad sa araw ang sarili para di ginawin.

Enjoy na enjoy akong kasama ka Larry. Maraming salamat!

Mahal na mahal kita Kath.

Nag-isip siya saglit. Ano kaya kung sagutin ko na si Larry? Masaya naman akong kasama siya. Bahala na nga baka maturuan niya akong mahalin siya kung sakali.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 6

25.11.2009
03:32

Tatlong araw ng hindi pumupunta si Mika sa bahay ng mga Sandoval. Kahit pinapupunta siya ng mga magulang ni Julie ay magalang niya itong tinanggihan. Sinabi niyang marami siyang inaasikaso sa opisina na totoo naman. Ayaw niyang isipin ng ibang mga empleyado doon na sinasamantala niya ang kabaitan ng mga amo porke’t matalik niyang kaibigan ang anak ng may ari ng kompanya. Ayaw niyang may masabing masama laban sa kanya.

“Ayoko ring makita si Axel,” wika niya sa sarili.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi maalis sa kanyang isipan ang itsura ng lalake. Alam niyang hindi niya dapat ipagpatuloy kung ano mang damdamin ang unti-unti ng umuusbong sa kanya. Ayaw niyang magkasala sa kaibigan, kaya’t habang maaga pa ay kailangan niyang putulin ang nararamdaman. Kaya iiwas siya dito sa abot ng kanyang makakaya.

“Mika, may naghahanap sa iyo?” pukaw ng isa niyang kasamahan.

“Sino? Takang tanong niya dito. Wala siyang maisip na bibisita sa kanya. Hindi rin naman pumupunta ang nanay niya sa kanyang pinagtatrabahuan.

“Gwapo day!” Kinikilig na sabi nito. Para itong nakakita ng artista sa itsura.

“Axel ang pangalan niya. Ikaw ha! napakamalihim mo, may itinatago ka palang super delicious na fafa. Hindi mo man lang ipinakilala sa amin. Natatakot ka yatang mabaling sa akin ang atensiyon ni papalicious eh,” saad nito.

“Asan siya?” nalilitong tanong niya.
Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon dito…tanong niya sa sarili.

“Andun sa lobby. Pakilala mo naman ako oh, promise hindi ko aagawin ang lovey mo.” Pakiusap nito sa kanya.

“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya boyfriend noh,”sagot naman niya
Namilog ang mata nito sa narinig.

“Talaga? Hindi ka nagbibiro?  Talagang hindi mo siya boyfriend? Kung ganun dapat mo talaga akong ipakilala sa kanya, sandali kailangan ko palang mag retouch” patalikod na sana ito ng magsalita ulit siya.

“Huwag ka ng mag aksaya ng panahon sa pagreretouch, hindi ko nga siya boyfriend pero may nagmamay ari na sa kanya.” Sabi ni Mika

“At sino naman?”nakataas pa ang kilay nito.

“Si Julie lang naman ,” saad niya.

“Si Ma’m Julie? Bakit hindi mo sinabi kaagad. Hindi naman talaga gwapo iyong lalaki eh, kahit hindi mo na ako ipakilala sa kanya, ok, lang hindi ko naman siya type, sige ha babalik na ako sa pwesto ko,at ikaw puntahan mo na iyon.” At nagmamadali na nga itong bumalik sa pwesto nito.

Natatawa na lang si Mika sa ginawi ng officemate. Sino nga ba naman ang kakaribal kay Julie? Sinipat niya muna ang sarili sa salamin. Inayos ang hindi naman nagulo niyang buhok, nagpahid ng face powder, nag apply ng konting lipstick at nagwisik ng pabango.

Iyan ba ang iiwas kay Axel? Eh bakit nagpapaganda ka diyan…kantyaw ng isip niya.

Hindi naman ako nagpapaganda ah, gusto ko lang maging presentable kapag hinarap ko siya…pagtatanggol niya sa sarili.

Pareho lang iyon, gusto mong maging maganda sa paningin niya…patuloy pa rin ng isip niya.
Bahala na nga! At pinuntahan na niya ang lalaking naghihintay sa kanya. Habang papuntang lobby ay hndi niya maiwasang mag-isip.

Ano kayang kailangan ng lalaking iyon?’

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 5

25.11.2009
03:26

Naiinis man ay lumipat na lang si Axel sa passenger seat. Hindi niya ito masisi kung bakit naging ganuon ang pagtrato nito sa kanya. Sukat ba namang hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito kanina sa kanya. Hindi niya kasi napansin na iniabot na pala nito ang kamay, dahil naaliw kasi siyang pagmasdan ang napakaamong mukha nito.

Huli na nang mapansin niya ang kamay nito na nakabitin sa ire, tatanggapin na sana niya ito ngunit pasimple nang ibinulsa ni Mika ang kamay. Alam niyang nainsulto ito sa ginawa niya.

Mas maganda siya sa personal… saad niya sa sarili.

Namukhaan niya agad ito kanina ng lumapit ito sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit ito ang sumundo sa kanya, gayong nang huli silang mag-usap ni Julie ay sinabi nitong ito mismo ang susundo sa kanya. Kilala na niya si Mika base na rin sa mga pagkukuwento ni Julie. Tuwing nagkakausap kasi sila ay hindi pwedeng hindi ito banggitin ni Julie, sa tingin nga niya ay sobrang attached sa isa’t isa ang dalawa. Pati nga mga litrato na ipinapadala ni Julie sa kanya ay palaging nanduon ang larawan ni Mika, laging magkasama ang mga ito.

Ipinikit na lang ni Axel ang mga mata habang nasa byahe, ayaw niya munang makipag-usap kay Mika dahil baka lalo lamang lumaki ang gap sa pagitan nilang dalawa. Ayaw niyang lalo pa itong mainis sa kanya.

Aba’t tingnan mo nga ang lalaking ito, tinulugan pa ako… sambit ni Mika sa sarili ng mapasulyap siya sa salamin ng kotse at nakitang nakapikit na si Axel.

Tingnan natin, gusto mong matulog ha, eh, di sige matulog ka and enjoy the ride… saad niya at bigla na lang pinaharurot ng takbo ang kotse na animo ay nasa isang racing field. Mabuti na lang at wala masyadong mga sasakyan kaya pwede siyang magpatakbo ng mabilis.

Biglang napadilat si Axel dahil naramdaman niyang biglang bumilis ang takbo ng sasakyan.

“Pwede bang dahan-dahan naman sa pagmamaneho.” Sabi niya kay Mika.

”Sorry ha, nagmamadali kasi ako eh, may trabaho pa ako…” sagot naman nito sa kanya.

“At saka huwag kang mag-alala hindi kita ipapahamak, kaya matulog ka na lang ulit diyan.” Seryosong saad ni Mika.

Gusto na niyang matawa sa nakikitang hilatsa ng mukha ng lalake.

“Hindi bale na lang, magmamasid-masid na lang ako sa paligid.” Sagot naman nito.

Eh di nagising ka rin, hehehe… lihim na napapangiti si Mika.

Matiwasay naman silang nakarating sa bahay nina Julie. Sinalubong sila ng ina ng kaibigan, na tuwang-tuwa ng makita si Axel. Pagkatapos bumati dito ay nagpaalam na siya at sinabing may pupuntahan pa siyang iba. Hindi na man siya pinigilan ng butihing ginang at nagpasalamat na din ito sa ginawa niyang pagsundo sa binata. Ngiti at tango lang ang isinagot niya sa ginang na para niya na ring pangalawang ina. Patalikod na siya ng marinig niya ang boses ni Axel…

“Mika, maraming salamat sa pagsundo. I really appreciate it.”Sabi nito sa kanya. At iniabot ang kamay.

Ayaw sana niya iyong tanggapin ngunit nakitingin ang mama ni Julie sa kanila.

Napangiti si Axel ng tanggapin ni Mika ang kamay niya.

“Thank you, and Im so sorry sa nangyari kanina, I didn’t mean to do it.” Sinserong paghingi nito ng paumanhin.

“I’ts ok, just forget about it. Sige, mauna na ako.” Tanggap niya sa paghingi nito ng paumanhin.

“Tita I’ll go ahead.” Paalam niya ulit sa ginang.

“Sige iha, mag iingat ka.” Saad naman nito.

“Ah, Mika, ihatid na kita.”Alok ng binata

“Hindi na, nasa kabilang kalye lang naman ang sa amin, at saka baka kapag ihatid mo ako eh, maligaw ka pa pabalik, magpahinga ka na lang. alam kong napagod ka sa byahe mo.” Saad niya dito.

Napakamot na lang sa kanyang ulo si Axel. Inaya na ito ng ginang na pumasok sa loob ng bahay nang sa gayon ay makapagpahinga.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark
« Older Entries
Powered by WordPress and Artsavius Theme