IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘philippine short stories’

Treasure of Mine Chapter 9

28.11.2009
07:59

“O anak, basta tandaan mo lage ang bilin ko, mag-iingat ka palagi doon. At tatawag ka pagdating na pagdating mo.” Ang bilin ng ina sa anak.

“Opo nay,” sagot niya sa ina.

“Bilisan mo na diyan at mag aalas singko na, baka maipit ka pa sa traffic.”

“Tapos na po ako nay, aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito palagi, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo”, ang bilin din niya sa ina, at humalik na siya sa pisngi nito.

“Huwag mo akong alalahanin dito, kaya kong alagaan ang sarili ko.” Sagot naman ng ina.

“O, siya halika na at ng hindi ka mahuli.” Dugtong pa ng ina.

Palabas na sila ng silid ng may marinig silang katok at nagpapataopo.

“Tao po…!”hiyaw ng nasa labas.

“Sandali,” sagot ng ina ni Mika at tinungo ang pintuan.

“Magandang araw po!” bati ng tao sa labas ng ito’y mapagbuksan.

“Magandang araw din naman! Ano pong maipaglilingkod ko?” magalang na tanong ng matanda.

“Eh, nandiyan po ba si Mika? susunduin ko po sana siya, nang sa gayon ay sabay na kaming pumunta ng airport.” tugon naman nito.

“Nay, sino po iyan?” tanong ni Mika sa ina, bitbit na nito ang mga gamit habang papalapit.

“Hi, Mika! susunduin sana kita.” Bati ng binata sa dalaga pagkakita dito.

“Kilala mo ba ire anak?” paninigurong tanong ng ina niya.

“Eh, opo ‘nay. Siya po iyong sasamahan ko sa probinsiya. Siya po si Axel. Nanay ko.” Pakilala niya sa dalawa.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala” pagbibigay galang ng binata.

“Ganun din ako iho, sana ay pag ingatan mo itong aking anak sa inyong pupuntahan. Huwag mo sana siyang pabayaan.”paghahabilin nito sa anak.

“Makakasa po kayo. At huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po papabayaan si Mika,” saad nito habang ang mga mata’y titig na titig sa dalaga.

Hindi naman mawari ni Mika ang nararamdaman. Dagli niyang binawi ang tingin mula sa pgtititigan nilang iyon ni Axel, para kasi siyang napapaso sa mga titig nito.

“Aasahan ko iyan iho.” Tugon ng matanda.

“O siya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan.” Pagtataboy ng matanda sa kanila.

“Sige po nay, tutuloy na po kami.” At niyakap niya na ang ina bilang pamamaalam.

Kinuha ni Axel mula sa kamay ni Mika ang bag na bitbit nito. Ayaw sana niya itong ibigay ngunit mabilis na itong nakapunta sa kotse.

“Sakay na” pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto katabi ng drivers seat.

“Dito na lang ako sa likod.” Tanggi niya.

“No, i want you to seat beside me.” Sagot naman nito.

Labag man sa loob ay napilitan ang dalaga na sa tabi nito maupo. Nakasimangot ito ng pumasok sa kotse.

“Ok, ready?”tanong ng binata ng makasakay na din

“I ready mong mukha mo?” lukot pa rin ang mukha ng dalaga. Hindi niya talaga mapigilang hindi mainis sa binata.

“Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong ng binata habang nagmamaneho, sa ginawi ng dalaga.

“Tinatanong pa ba iyon? hindi ka tumupad sa usapan natin…hindi ba sabi ko sa iyo sa airport na lang tayo magkita. At isa pa paano mo natunton itong bahay namin?”

“Oooopppss! Sandali, isa-isa lang, mahina ang kalaban” natatawang turan ng lalaki, itinaas pa nito ang isang kamay na animo’y sumusuko.

“Hindi ako nagbibiro kaya huwag mo akong pagtawanan…”naiinis na talaga siya.

“Naisip ko kasing sunduin ka na lang total, sa airport din lang naman pareho ang pupuntahan natin, eh, di mabuti pang sabay na lang tayo, nakakainip din naman kasing magbiyahe mag-isa. In that way, hindi na rin tayo maghahanapan. At isa pa madadaanan ko naman talaga ang bahay niyo di ba?” Paliwanag nito

“Paano mo natunton ang amin?” tanong pa rin niya.

“Sinundan kita kahapon” simpleng sagot nito.

“Ano? Bakit mo naman ako sinundan?”

“Ayaw mo kasing samahan kita.” Nakangising sagot nito.

“Nakakainis ka talaga!” ang nanggigil niyang sabi sa binata.

“Galit ka ba? Sorry na oh, promise hindi ko na uulitin.” Saad ng binata ng mapansin niyang hindi na kumikibo si Mika.

Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang ipinikit na nito ang mga mata tanda na ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Hindi niya alam kung ano talaga ang pumipigil sa dalaga para makipaglapit ito sa kanya. Alam niya meron, nararamdaman niya. Kung anuman iyon sisiguruhin niyang matatanggal ang harang na nakapagitan sa kanilang dalawa.

<Previous <Home> Next Page>


  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 29

27.11.2009
02:20

Micea’s Side:

Gusto nang mawala ng ngiti sa labi niya ng mapagsino ang mga kinatagpong kliyente ni Rian pero hindi niya ginawa. Kailangan niyang magpretend na hindi siya sa apektado sa nakikita niya kahit ang totooy namiss niya ng sobra ang lalaking kaharap niya ng silya ngayon.

Rian, this is Raymond Alda and his fiancée Melet Grace Martinez.” Pagpapakilala ng isang engineer.

Magkakilala na kami. Hindi ko nga akalain e.” Nakangiti pang sabi ni Rian. Alam ni Micea na nagpretend din ito na hindi apektado ng mapagsino ang mga kliyente. Hindi kasi sinabi sa kanya kung sino sino ang kakatagpuin. Hindi na din naman siya nag-usisa basta ginawa na lang niya ang ipinapagawa ng boss niya.

Oh that’s great then. Makakapagtrabaho kayo ng maayos because you knew each other already.” Sabat naman noong isang engineer na boss ni Rian.

By the way, this is my fiancée Micea Jane Castillo.” Pagpapakilala ni Rian kay Micea sa mga kasama niyang engineer at mga partners nito.

Pleasure to meet you.” Saad naman ni Micea habang kinakamayan silang lahat. Kinamayan din siya ni Mon. Talagang gusto na niyang bumagsak sa kinatatayuan pero pinilit niyang maging matatag.

Umupo na sila at napagpasyahan nang mag-order. Pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa kanilang lahat na nag-uusap tungkol sa planong building. Minsan sinusulyapan siya ni Mon pero kadalasan ay masamang titig ni Melet ang nakakasalubong niya.

Hindi pa ba kayo nagpakasal Rian?” Tanong ni Melet ng mapagkasunduan na ng lahat ang mga detalye ng building.

Kimi siyang ngumiti sa mga kasama. “Hindi pa. Hindi naman kami nagmamadali e.” Sagot naman ni Rian na hinawakan pa ang kamay niya.

We are getting married.” Dagdag pa nito. Halos mabulunan si Micea sa sariling laway ng marinig ang balita. Kaya pala kanina pa sweet na sweet ang dalawa dahil sila na pala. Sinasabi ko na nga ba na hindi mahirap ibalik ang nakaraan. Tanging nasabi niya sa sarili.

Talaga? Wow! Alam niyo ba iyan ang trabaho ni Micea ngayon, hotel manager at the same time event organizer. I’m sure she can manage your wedding perfectly.” Pagmamayabang pa ni Rian.

Rian…” Gusto niyang tumutol. Ayaw niyang maging bahagi ng kasal na iyon.

Really Micea? You can help me?” Tanong nito sa kanya na nakataas ang kilay.

Ahmmm…” Tumikhim pa siya. “I don’t know if I am able to make it the way you wanted it.

Well we can plan. Right hon?

Ha?…” Parang nagulat pa si Mon ng tanungin siya ni Melet. Nakatitig lang kasi siya sa babaeng kaharap. Sayang loves, akala ko pa naman tayo hanggang huli. Nasa isip niya lagi habang tinititigan ito. “Sure. Ikaw ang bahala.

So… I am hiring you to be our wedding planner Micea Jane Castillo.” May pang-iinis pa sa boses ni Melet.

Ok.” Maikling sang-ayon niya kahit ang buong pagkatao niya ay tumututol.

Nang papauwi na sila ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Mon. Hindi pa rin nagbabago ang lalaking iyon. Gwapong gwapo pa din. Ilang buwan na ang lumipas ng huli kitang makita pero heto minamahal pa rin kita. Akala ko nakalimutan ko na ang kabaliwan ko sa’yo pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin pala kita Mon.

Mon’s Side:

Hindi niya inakalang makikita si Micea sa meeting na iyon. Wala man lang nagtanong ni isa sa kanila ni Melet kung sino ang engineer na hahawak sa project na iyon. Kung nalaman lang niya ay mapaghahandaan niya ang pagkikita nilang muli ng babaeng laging laman ng isip at puso niya. Kahit pa sinasabing ikakasal na siya ay hindi pa rin mawaglit ni minsan sa diwa niya ang babaeng bumihag ng puso niya at patuloy na nagmamay-ari nito.

Hon, hindi ka pa ba inaantok?” Tanong ni Melet sa kanya dahil nasa maliit na terrace siya ng hotel nakatingin lang sa mga sasakyan at mga building sa ibaba. Nasa 10th floor kasi sila.

Hindi pa e.” Sagot niya na hindi man lang tiningnan si Melet.

Hindi ko inakalang si Rian pala ang hahawak ng project natin…

Ayoko nang pag-usapan pa. Andyan na iyan e. Bakit mo nga pala kinuha si Micea na wedding planner?” Dismayado siya sa naging desisyon ni Melet. Ayaw niyang mapalapit siya kay Micea dahil sigurado siya na hindi niya mapipigilan ang sarili. Baka umurong pa siya sa kasal.

Wala ka na namang damdamin sa kanya di ba?

Wala na pero alam mo naman ang nakaraan namin di ba?

Bakit ba apektado ka?” May halong pagkainis sa boses ni Melet.

Hindi ako apektado. Gusto mo bang matuloy ang kasal na ito?” Mataas na ang boses ni Mon.

Hon, oo naman. Sorry na. Bukas na bukas din ay sasabihin kong nakahanap na tayo ng ibang wedding planner.” Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya.

Huwag na. Baka mag-isip sila na apektado pa rin tayo lalo na si Rian. Ituloy mo na lang, wala na naman akong pakialam e. Sige tulog na ako.” Iniwan na niya ito at patapon na humiga sa kama.

Alam niya na may binabalak si Melet. Baka nga paglaruan pa silang dalawa ni Micea para masigurong hindi na siya apektado dito. Alam niya ang takbo ng utak ni Melet. Mahilig itong maglaro ng mga bagay na hindi nakakatuwa.

Micea’s Side:

Nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Hindi niya akalaing tanghali na pala. Maaga siyang nagigising pero ngayon talagang wala siyang balak bumangon. Sabado kasi at walang pasok sa trabaho. Ngayon napagkasunduan na imemeet niya sina Mon at Melet para pag-usapan ang plano sa gagawing wedding nila. May plano na siyang idrinaft pero talagang ayaw na ayaw niyang si Melet ang bride. Ako dapat ang bride ni Mon. Pabuntung-hiningang sabi niya sa sarili.

Hello.

Hi Micea. Kumusta ka na?

Ok lang naman. Good morning.” Bati niya sa kausap. Alam niyang si Melet ang kausap.

I can’t make it today kaya pwede ba kayo na lang ni Mon ang magkita. Imemeet ko kasi ang friend ko na galing sa States e. Pwede ba?”

Pero… dapat andun ka. Mahalaga na iyong mga pananaw mo ang kukunan ko ng idea because the wedding will be all about you as the bride.

I know Micea. Promise ngayon lang talaga ako hindi makakaattend. Tapos alam na alam naman ni Mon ang gusto ko e. Marunong namang pumili iyang si Mon. Maganda ang taste niyan kahit lalaki pagdating sa mga decorations and such.

Ok.” Sumang-ayon na lang siya kahit gusto niyang magbigay pa ng palusot. Alam niyang hindi siya mananalo magbigay man siya ng isang milyong dahilan.

O sige Micea. Bye.

Bye.

Melet’s Side:

Gusto niyang iset up sina Mon at Micea para bago sila makasal ay masigurado niya na wala nang nararamdaman si Mon sa dating kasintahan. Nasasaktan man siya pero kailangan niyang makita iyon dahil hindi siya patatali kay Mon kung ginagawa lang siyang panakip butas nito.

Hon, kailangan ko talagang imeet si Miriam. Alam mo naman na matagal na kaming hindi nagkita di ba?” Paliwanag niya kay Mon dahil kagaya ni Micea nag-aalangan din itong silang dalawa lang ang magkikita.

Totoo naman na imemeet niya ang kaibigang si Miriam. Barkada nila ito ni Mon na nasa States na nagtatrabaho. Hindi naman talaga niya mamimiss ang meeting. Ginawa lang niyang rason para paglapitin muli ang dalawa at itest ang tunay na damdamin ng mapapangasawa.

Partial pa lang naman ang ipepresent ni Micea e. Kaya mo na iyan.” Patuloy pa din niyang pangungumbinsi.

Melet, why are you doing this?” Pabulyaw na ang pagkakasabi ni Mon.

What do you mean?

E alam mo palang di ka makakarating bakit nagset ka pa ng meeting. Nakakahiya kay Micea na hindi ka pupunta. Ikaw ang babae. Ikaw dapat ang nakikipagmeet sa kanya.

Hon, I trust your taste kaya sigurado ako kahit ikaw man ang maghandle kasama si Micea ay alam kong magiging maganda ang wedding. Please.. For me!” Wala nang nagawa si Mon kundi ang umoo sa kakulitan ni Melet. Padabog siyang nagpunta sa shower at naghanda na para sa pagkikita nila ni Micea.

Lihim ding nasasaktan at humihiling si Melet na sana mali siya. Sana wala na talagang nararamdaman si Mon para kay Micea.

Mon’s Side:

Hello!” Nakangiting salubong ni Micea na inilahad pa ang kamay sa kanya. Naghihintay na ito sa restaurant na pagkikitaan nila.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 8

27.11.2009
02:04

Parang nabingi si Mika sa narinig.

“Gusto niya kasing bisitahin ang mga kaanak niya bago man lang siya bumalik sa America. Tatlong linggo lang ang bakasyon niya. Naisip kong pasamahan siya sa iyo at nang sa ganun ay makapagbakasyon ka na rin. Aba mula ng maggraduate kayo ni Julie ay hindi ka na nakapagpahinga dahil nagtrabaho ka kaagad.” Dugtong pa ng ama ni Julie.

“Eh, Sir, hindi naman po ako nagrereklamo eh, ayos lang po sa akin kahit wala akong bakasyon. Nag-eenjoy naman po ako sa ginagawa ko.” Saad ni Mika.

“Alam ko iha, kaya nga kita pinagbabakasyon dahil you deserve it. Hindi ba sabi mo kanina hindi mo ako bibiguin sa hihilingin ko sa iyo?”

“Opo kaya lang po…di po ba si Julie dapat ang kasama niya sa pagpunta doon?” nag-aalangang tanong ni Mika.

“Hindi pwede si Julie kasi na extend ng limang araw ang stay niya sa Cebu. Pero sabi niya susunod siya sa inyo kaagad, kaya huwag kang mag-alala. O ano? Payag ka na?”

Walang magawa si Mika kung hindi ang pagbigyan ang matanda. Hindi niya pwedeng biguin ito.

“sige po, eh, kailan po ba ang alis namin?” Tanong naman niya

“Mamayang gabi ang alis niyo, kaya pwede ka nang umuwi ngayon ng sa gayon ay makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo.”

Nabigla man dahil agad-agad silang aalis, ay hindi na lang kumibo si Mika. Tumayo na siya at magalang na nagpaalam. Pagtalikod niya ay mas lalo pa siyang nabigla ng makitang nakadekuwatrong upo pa si Axel sa couch. Dere-deretso lang siya sa kanyang pag-alis na tila ba walang nakita. Nang makalabas na ay nagpaalam na din si Axel sa matanda at nagpasalamat. Sinundan niya si Mika hanggang sa pwesto nito.

“O ano, ready ka na? Tayo na at nang makapaghanda na tayo.” Excited na wika nito.

“Mauna ka na. May bibilhin pa ako.” Sagot niya ng hindi man lang ito tinitingnan. Kailangan niya pa kasing mamili ng mga gamit niya at ng grocery para sa kanyang ina.

“Eh di sasamahan kita.”

“Hindi ko kailangan ang chaperon”

“Eh di isipin mong bodyguard mo ako”

“Hindi ako mayaman para magkaroon ng bodyguard”

“Eh di isipin mo na lang na wala kang kasama” pamimilit pa rin nito.

“Pwede ba, pabayaan mo na lang ako.  Hindi pa ba sapat na sasama na ako sa iyo kung saan mang lupalop iyon. Magkita na lang tayo sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala sisiputin kita. Marunong akong tumupad ng usapan.”pagtatapos niya sa usapng iyo.

“O sige kung ayaw mo talagang mgpasama e hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo mamaya. Alas 7 ang biyahe natin.” Sabi nito at umalis na.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark
Powered by WordPress and Artsavius Theme