IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘Filipino Stories’

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 14

02.12.2009
17:47

Jerick’s Side:

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pinuntahan ko kaagad si Larry. Hindi ko alam bakit pero dinasal ko na sana walang nangyari sa kanila ni Kath kagabi. Hindi yata kakayanin ng puso ko kung sakaling magkwento siya. Pero sa isang banda naman alam kung hindi papayag si Kath na mauuna iyon sa kasal kaya may konting confidence ako.

Kumatok ako pero hindi pa din nila binubuksan makalipas ang ilang minuto kaya tinext ko si Larry. Sabi niya na bumili daw siya ng makakain namin sa palengke. Hindi na lang niya kami ginising dahil napakaaga pa daw. Sinabi ko na lang sa kanya na hihintayin ko siya sa loob ng kwarto nila ni Kath. Tulug na tulog pa din si Erika ng iwan ko siya sa kwarto namin.

Nang makapasok na ako ay mahimbing na natutulog si Kath. Napakasarap niyang pagmasdan habang natutulog. Napakapayapa na parang bata. Minsan ngumingiti-ngiti pa.

May nagrebelde sa pagkatao ko dahil hindi ko ginagawa kay Erika ang tingnan at purihin siya habang natutulog. Kay Kath lang talaga. Natutulog ang girlfriend ko sa kabilang kwarto pero heto ako pumupuri ng ibang babae. Feeling ko napakasama ko.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang mukha niya. Ngumiti ito na parang nakikiliti siya sa ginawa ko. I love you. Hiyaw ng puso ko.

Kath’s Side:

Nang magising ako ay nasa gilid ng kama si Jerick. Parang totoo yata ang panaginip ko na hinaplos niya ang mukha ko. Parang narinig ko pa nga na sinabi niyang mahal daw niya ako. Grabe naman ang panaginip ko parang totoong totoo.

Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya sa loob ng kwarto namin ni Larry. Mas lalo akong nagtaka dahil wala si Larry. Hindi kaya si Jerick ang katabi ko kagabi sa pagtulog?

Nagkatitigan kami. Nahiya pa nga ako dahil alam kong hindi ako maayos. Kagigising ko lang kaya.

Good morning Kath.” Bati niya sa akin. Tumikhim ako at tumayo. Ayokong maamoy niya ang morning breath ko nakakahiya.

Good morning din Jerick. Nasaan si Larry?” Tanong ko sa kanya.

May binili lang daw sa palengke. Hindi na niya tayo ginising dahil maaga pa daw.

Bakit di niya ako sinama?

Hindi ko alam e.

Nakakailang naman na kasama ko ito sa kwarto. Baka magselos si Larry nito a.

Nasaan si Erika?

Ayun, natutulog pa.” Sagot niya. Naubusan na ako ng itatanong. Ayoko namang magtanong ng non-sense baka matawa siya sa akin o kaya maging weird ako sa paningin niya. Nais ko pa ding magpaimpress sa kanya.

Pasensya ka na kung pumasok na ako ha.” Narinig kong nagsalita siya kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin. Ang ganda naman ng ngiti niya. MrCloseUp talaga.

Ok lang iyon. Wala naman tayong ginagawang masama e.” Biglang dumating si Larry.

Mhine, gising ka na pala.” Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako. Nakita kong napalingon si Jerick. Napakapassionate naman ni Larry. Hindi kasi tipong bastos o malaswang tingnan iyong mga pahalik-halik niya.

Oo. Ngayon-ngayon lang.

Pre, kami na pala ni Kath. Hindi ko pala nasabi ng pormal kahapon.” Habang payakap na nakahawak sa baywang ko.

Masaya ako para sa inyong dalawa. Alam ko namang dyan din ang punta niyo e.

Kung nakatapos lang ako ng school. Magpapakasal na siguro kami kaagad.

Ha? Grabe ka naman Mhine. Nagmamadali ka yata.” Natawa ako kay Larry.

Oo. Baka maagaw ka pa ng iba sa akin. Hindi ko kakayanin. I love you Mhine.

Huwag kang mag-alala ikaw lang Mhine. Kahit sandamukal pa na mga guys ang nasa paligid. Ikaw lang ang one and only Mhine ko.” Madali yata akong nasanay sa pagtawag sa kanya ng Mhine. Hmmmm!

Naku naiinggit na ako sa inyong dalawa. Puntahan ko muna si Erika baka gising na siya.” Paalam ni Jerick at lumabas na. Hindi pa din bumibitiw si Larry sa pagkakayakap sa baywang ko. Confident na kami sa isa’t isa dahil sa matagal-tagal na din naming pagkakaibigan. Maganda pala ang kalalabasan ng isang relasyon kung nagsimula sa pagkakaibigan. Nasaisip ko habang nakatingin sa kanya.

Jerick’s Side:

Hindi ko yata kaya ang makitang palaging napakasweet nina Larry at Kath. Mamamatay yata ang puso ko kung palaging ganito ang masasaksihan ko. Kath sorry kung hindi ko kayang sabihin sa’yo ang damdamin ko. Inaalala ko lang kasi ang bestfriend ko. Mahal na mahal ka kasi niya. Huwag mo sanang isipin na hindi ka mahalaga sa akin dahil ang totoo ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

Nang makabalik ako sa kwarto namin ni Erika ay gising na ito. Parang umiiyak siya.

Umiiyak ka ba hon?” Takang tanong ko sa kanya.

Hindi napuwing lang ako.” Sagot naman nito na kinusot pa ang mga mata niya.

Erika’s Side:

Nasasaktan talaga ako sa nakita kong paghaplos ni Jerick sa mukha ni Kath. Hindi kasi niya namalayan na sumunod ako sa kanya. Gugulatin ko sana sila sa kwarto nina Larry pero ako ang nagulat sa ginawa ni Jerick. Alam ko mahal pa din niya si Kath kahit pa sinasabi niyang ako ang mahal niya. Magpapakatanga ba ako sa relasyon na ito? Gising Erika! Hindi ikaw ang tipong nagpapakatanga sa pag-ibig. Tingnan natin Jerick kung sino ang magiging tanga sa relasyon na ito.

Kath’s Side:

Kinahapunan ay umuwi na kami. Ang saya-saya ko talaga. Nag-enjoy akong kasama si Larry at mas nag-enjoy ako nuong paggising ko ay si Jerick ang nasilayan ko. Kahit panaginip lang na sinabi niyang mahal niya ako at hinaplos niya ang mukha ko ay ok lang at least nakasama ko siya.

Parating ang foundation day ng school. Puspusan ang practice nina Larry dahil sa matindi na naman ang magiging kalaban nila. Nanduon lang ako nakasuporta sa kanya at palihim para kay Jerick.

Sa pagdaan ng mga araw ay napapansin namin na parang nagkakalabuan sina Jerick at Erika. Unti-unti kasing nagbago ang ugali ni Erika. Simula noong manalo siya bilang president sa SBO at madami ang nakakakilala sa kanya ay parang lumaki ang ulo niya. Madami kasi ang humahanga sa kanya hindi lang dahil sa magaling siyang mamuno kundi sa taglay niyang ganda. Kahit sinu-sinong lalaki ang sinasamahan niya. Naaawa na lang kami ni Larry kay Jerick dahil nagbubulag-bulagan lang ito sa nakikita. Sila pa din daw kasi kahit sa tingin namin ay parang naging syota ng bayan ang girlfriend niya.

Foundation day ng school. Kasalukuyang naglalaro ang team laban sa team ng Iligan na naman. Madalas kasing magkahamunan ang mga coach ng dalawang team. Magkaibigan kasi sila kaya laging nagpapagalingan.

Mhine, good luck ha.

Thank you Mhine. Mamasdan lang kita ay ok na. Dyan ka lang ha.” Sabi naman niya at pumunta na siya sa grupo nila.

Nanduon lang kami sa gilid ni Jessa. Todo suporta kami sa kanilang lahat lalong lalo na kay Larry at Jerick. Hindi ko maiwasang maawa kay Jerick. Naging martir kasi ito sa pagmamahal kay Erika. Siguro kung ako ang minahal niya never kung gagawin ang mga ginagawa ni Erika sa kanya. Dahil siguro kung ako ang gumawa noon sa kanya isang attempt ko pa lang hiniwalayan na niya ako kaagad.

Anong iniisip mo dyan?” Siniko pa ako ni Jessa. Hindi kasi ako nakapokus sa laro kundi sa pag-iisip kay Jerick.

Iniisip ko lang bakit kaya nagawa ni Erika kay Jerick ang ganun? Pinagmumukha niyang kawawa ang MrCloseUp ko.

Hoy may boyfriend kang tao iba ang iniisip mo.” Pinandilatan niya ako.

Hindi ko lang kasi maiwasang maawa sa kanya. Kung sana’y ako ang minahal niya hindi sana siya masasaktan ng ganyan.

Kath, pakinggan mo nga ang sinasabi mo. May boyfriend kang tao… Paano na si Larry? Mahal mo ba talaga si Larry?” Natakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko akalain na sasabihin ko iyon. Nadala talaga ako ng awa kay Jerick. Tama siya mahal ko nga ba talaga si Larry? Ang sabi ng isip ko mahal ko si Larry pero iyon ba talaga ang sinisigaw ng puso ko?

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 12

25.11.2009
03:45

Nagpunta na kami ni Larry sa Timuga. Nauna na sina Jerick dahil may tinapos pa ako na mga quiz papers.

Hiniram ni Larry ang motor ng kuya niya para hindi na kami magbus. Sabado din at walang pasok sa trabaho ito kaya pumayag na hiramin niya. Naiilang man akong hawakan siya ay ginawa ko na lang. Ayoko namang mahulog sa motor.

Napakabango naman ng lalaking ito. Hindi ko maiwasang maisip ng masinghot ko ang pabango niya.

Paminsan-minsan ay hinahawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa tiyan niya. Nahihiya tuloy ako minsan pero di ko na lang pinansin. Wala dapat akong maramdaman na hiya sa sarili ko dahil hindi ko mahal si Larry. Magkaibigan lang kami pero hindi iyon ang iniisip niya sa pasimpleng mga hawak niya sa akin kaya nalalagyan ko tuloy ng masamang meaning iyon.

Magtatanghali na nang makarating kami ng Timuga. Naliligo na sina Jerick at Erika. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan ni Jerick. Kahit payat siya ay may makikitang muscles sa mga braso niya. Ang sarap siguro kung yakap ako ng mga brasong iyon. Swerte mo naman Erika at ikaw ang mahal niya. Siguro kung ako ang minahal niya ay napakaswerte ko din. May panghihinayang na naisip ko.

Oy andyan na pala kayo. Halikayo dito.” Anyaya ni Erika sa amin sa cottage na inookupa nila. Binalutan pa ni Jerick ng tuwalya si Erika kaya nagseselos ako. Napakamaasikaso naman ni Jerick sa girlfriend niya. Kung sana’y ako na lang Jerick ay hindi ka din magsisisi dahil mamahalin kita ng lubos. May kirot sa dibdib na hiyaw ng isipan ko.

Halika na Kath.” Narinig kong sabi ni Larry. Humawak ito sa baywang ko habang palapit kami sa cottage nina Jerick.

Nagdala din kami ng mga prutas.” Inilapag pa ni Larry ang mga prutas na dala namin sa mesa.

Kumusta ang byahe niyo?” Tanong ni Jerick na nakatingin kay Larry.

Ok lang naman pare. Masaya!” Sagot naman ng nakangiting si Larry.

Sinagot mo na ba itong kaibigan ko Kath?” Bumaling siya ng pagtatanong sa akin. Busyng busy sa pagkain si Erika. Nagugutom na daw kasi siya.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Hindi pa dahil sa’yo. Gusto kong isagot bagkus sinabi ko na lang na darating din ang panahon na magiging kami din. Hindi naman kami nagmamadali at tsaka sa turingan namin ay daig pa namin ang magkasintahan. Sumang-ayon naman si Larry.

Totoo ang sinabi ko sa kanila. Daig pa namin ni Larry ang magkasintahan. Sa ipinapakita niyang concern sa akin at sa madalas naming paglabas na kaming dalawa lang ay hindi mo iisiping hindi kami mag-on. Tanggap siya ng mga magulang ko. Tanggap din naman ako sa bahay nila. Minsan kasi naaanyayahan ako na magpunta sa bahay nila kung may mahalagang okasyon sa kanila ni Larry.

Sinabi pa nga ng mommy niya sa akin na kapag kami daw ang magkakatuluyan ni Larry buong angkan nila ay payag na payag. Nahihiyang ngiti lang ang tinugon ko doon. Hindi ko kasi mahal si Larry pero di ko din siya kayang saktan. Anumang meron kami ngayon ay mahalaga sa akin iyon. Nasanay na din kasi ako na nandyan si Larry sa tabi ko. Matututunan ko din siguro siyang mahalin kagaya ng pagmamahal na inialay ko kay Jerick.

Maligo na tayo Kath.” Anyaya sa akin ni Larry.

Ang ginaw ng tubig.” Pahayag ko sa kanya ng testingin ko iyon sa mga paa ko.

Kapag nasa tubig ka na hindi mo na mararamdaman iyon. Mataas naman ang sikat ng araw.” Sagot naman niya. “Sige ka babasain kita.” Akmang sasabuyan niya ako ng tubig.

Huwag. Ano ba? Kapag ginawa mo iyan hindi na kita kakausapin.” Banta ko sa kanya.

Hindi ko naman gagawin iyon. Binibiro lang kita.” Natawa na lang kaming dalawa. Nasulyapan ko na naman na nakalublob sa tubig si Jerick habang kandong siya ni Erika na nakaupo sa gilid ng pool. Nakasandal ang mga siko niya sa mga hita ni Erika. Ang sakit-sakit ng nadarama ko. Bakit kaya kailangan pang andito ako? Pinapunta lang yata nila ako dito para pagdusahin. Halos maiyak na ako. Dumudugo na ang puso ko.

Lumusong na tayo Kath.” Pangungulit pa din ni Larry.

O sige na nga.” Hinubad ko ang t-shirt ko. Maikling short and suot ko at sleeveless na shirt na maikli. Kita ang pusod ko. Nakita kong napatingin si Jerick sa direksyon ko. Tumitig siya ng mga ilang segundo. Naconcious man ako ay hindi ko na pinansin. Mas pa kaya ang suot ng girlfriend niya na nakashorts at bra lang.

Hindi din naging lingid sa akin ang napapatulalang si Larry. First time na ganito ang suot ko sa harap niya. Pasimple man ang ginawa niyang paghagod ng tingin sa akin ay hindi iyon nakatakas sa pandama ko.

Akala ko ba maliligo na tayo?” Hindi pa din kasi ito kumikibo.

Oo. Halika na.” Lumusong na kami sa pool. Ang ginaw talaga. My gosh! Bakit ba ito ang sinuot ko? Dios ko hindi ko na kaya ang lamig.

Sinabuysabuyan pa ako ni Larry. Nakikipaglaro siya sa tubig. Nag-enjoy na din ako. Nakalimutan ko na ang lamig dahil sa kalikutan namin ni Larry.

Tama na ano ba?” Gumaganti din ako ng pagsaboy sa kanya. “Larry hindi ko na kaya. Tama na.” Pagrereklamo ko sa ginagawa nito na nakangiti naman. Enjoy na enjoy ako sa pagkukulitan namin ni Larry. Hindi namin pansin ang dalawang matang nakatitig sa amin.

Jerick’s Side:

May ipapakita din palang kaseksihan si Kath. Nasabi niya sa sarili habang nakatingin sa dalawa na patuloy pa din ang pagkukulitan. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nasasaktan siya na masaya si Kath na kasama ang bestfriend niya. Iwinaglit niya kaagad sa isipan ang naiisip. May girlfriend na siya at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi na siya dapat tumitingin pa sa ibang babae. Kath is past and Erika is the present and will be his future.

Ingatan mo siya Larry. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa. Iyon ang nahagilap niya na pampalubag loob sa sarili. Kapag pinagpatuloy niya ang pagmamahal kay Kath dalawang tao ang masasaktan niya. Una ay ang bestfriend niya na si Kath lang yata ang nagustuhang babae. Pangalawa ay ang girlfriend niya na sigurado siyang mahal na mahal siya. Titikisin ko na lang ang damdamin ko sa’yo Kath hanggang sa mawala ito.

Hon, bihis na tayo. Giniginaw na ako e.” Narinig niyang nagsalita si Erika kaya tumingala siya dito.

Tingnan mo ang dalawa. Parang mga batang nagkukulitan.” Nakangiti pang sagot niya sa sinabi ni Erika.

Oo nga e. Bagay talaga silang dalawa ano? Enjoy sila sa company ng isa’t isa. Ba’t di pa kaya sagutin ni Kath si Larry e parang mahal naman niya ito?

Hindi natin alam kung anong iniisip ni Kath. I love you.” Dagdag pa niya na ikinangiti ng kasintahan.

I love you too. Tayo na!

Nakita nilang napalingon sina Kath at Larry sa kanilang dalawa. Sumenyas si Jerick kay Larry na tutungo na sila sa kwarto. Tumango lang si Larry.

Larry at Kath:

Nag-enjoy ka bang kasama ako Kath?” Tanong ni Larry sa kanya habang nakahiga sila sa bangko at binibilad sa araw ang sarili para di ginawin.

Enjoy na enjoy akong kasama ka Larry. Maraming salamat!

Mahal na mahal kita Kath.

Nag-isip siya saglit. Ano kaya kung sagutin ko na si Larry? Masaya naman akong kasama siya. Bahala na nga baka maturuan niya akong mahalin siya kung sakali.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 8

19.11.2009
12:16

Mula nang manligaw si Jerick kay Erika ay naging close na sila. Hindi pa man siya sinasagot nito ay talagang parang sila na rin. Madalas silang magkasama, lalo na sa mga laro ng team. Madalas silang mamasyal na silang dalawa lang. Feeling ni Jerick ay tuluyan na siyang nahulog dito.

Dumaan ang mga araw at malapit nang mag election para sa SBO (Student Body Organization) ng school. Naudyok si Erika na tumakbo bilang president. Dahil nga sa laking Maynila ay napakaconfident nitong umoo. Todo suporta ang buong basketball team ng school. Tumulong din si Kath sa kandidatura niya dahil nagtuturingan din silang magkaibigan nito kahit pa nagdurusa si Kath na makita silang dalawa ni Jerick na palaging masayang magkasama.

Hindi na tumawag si Jerick kay Kath simula noong magkakilala sila ng personal. Ni hindi na nga nagchachat o kaya nag-iiwan ng email sa kanya. Hindi din sila nagpapansinan minsan kapag nagkakasalubong sila. Namiss man niya ito ay hindi na lang niya pinansin ang damdamin. Inokupa na lang niya ang sarili sa mga school activities.

Palagi din siyang busy dahil sa thesis nila. Palagi kasi silang naggogroup study at nag-oonline research. Kahit hindi siya ang leader ng thesis nila ay siya naman ang tumatayong leader/secretary nito. Sa kanya kasi umaasa ang kanilang leader kaya buong puso niyang itinuon ang oras sa thesis nila para lang makalimutan ang damdamin kay Jerick.

Palagi pa din siyang nanunuod ng mga laro nina Jerick. Nakasuporta lang siya kahit sa isang sulok lang. Hindi man nanliligaw sa kanya si Larry ay binibigyan naman siya nito ng atensyon na mas pa sa nanliligaw. Madalas ito sa bahay nila. Madalas siyang tulungan nito kapag madami siyang dapat iresearch o mga assignments. Kapag din madami siyang mga kailangang iwastong exam papers o quizzes nila ay andun si Larry bilang kanang kamay niya. Napakabait nito sa kanya pero hindi pa rin niya magawang magustuhan ito. Si Jerick lang talaga ang pinapangarap niya. Ang MrCloseUp ng buhay niya.

Isang araw ay nagkayayaan ang buong basketball team na magpunta sa video k bar at nag-udyok ang kanilang coach na magdala sila ng partner. Naisipan ni Larry na dalhin si Kath.

Hi Kath, kumusta ka na?

Ok lang naman. Ikaw ano nang balita?” Ganting bati naman niya sa kaibigan.

Heto. Ok lang din. Pwede bang anyayahan kitang pumunta sa video k bar mamayang gabi?

Ha? Bakit, anong meron?

Wala lang naman. Kantahan lang. Alam ko naman na magaling kang kumanta e kaya iniimbitahan kitang sumama sa akin.

Sinong kasama natin?

Ang buong team.

Nahihiya ako e.

Huwag ka nang mahiya. Hindi ka na naman iba sa akin… sa amin.

Buong team talaga ang pupunta?” Hindi pa din alam ni Larry hanggang ngayon ang tungkol kina Kath at Jerick noon.

Oo. Bakit?

Wala naman. O sige sama ako.

Sunduin kita sa inyo mamayang 7 ha.

Ok.

Hindi malaman ni Kath bakit siya pumayag na sumama kay Larry. Dahil ba sa andun si Jerick at pwede niyang pagselosin ito? O dahil gusto niyang magpakitang gilas kay Jerick na marunong siyang kumanta? Kahit anuman ang rason niya, pihadong kasama si Jerick doon.

Kinagabihan ay talagang naghanda siya ng husto. Gusto niyang magandang maganda siya sa harap ng mga kasama ni Larry lalong lalo na kay Jerick. Hindi man ito maging kanya pero at least man lang ay humanga ito sa ganda niya kung meron siya nuon.

Anak andyan na si Larry.” Sumilip sa pinto ng kwarto niya ang mama niya.

Mang, tingnan niyo po ang suot ko. Ok na ba?

Oo naman anak. Bagay na bagay sa’yo.

Salamat Mang.” Hinalikan niya sa may pisngi ang mama niya at pinuntahan na si Larry. May dala itong bulaklak. Naimpress siya sa kasimplehan ng pustura niya. Iyong tipong hindi nagpapaimpress dahil sa may gusto siya sa babae kundi ipinapakita talaga niya ang tunay na siya.

Tayo na Kath.

O sige. Tayo na.

Nang makarating sila sa video k bar ay andun na ang lahat. Kasama ni Jerick si Erick na talaga namang napakasweet nilang dalawa. Tiningnan lang si Kath ni Jerick na parang hindi siya kilala nito. Tumabi si Larry ng pag-upo kay Jerick kaya si Larry lang ang pagitan nina Kath at Jerick. Nasa kabilang side ni Jerick si Erika.

Hi Kath, hindi ko akalain may something pala sa inyo ni Larry?” Nagsalita si Erika.

Ha? Hindi naman. Kaibigan lang niya ako.

E hindi iyon ang sinasabi ni Larry sa amin e.” Unang beses na marinig niya si Jerick na magsalita at tumingin sa kanya. Natawa siya. Parang nahihiya din si Larry.

Wala namang sinasabi si Larry sa akin e. Baka binibiro niya lang kayo. Mahilig kasing magbiro itong si Larry e.

Totoo Kath. Maniwala ka sa amin. Alam naming lahat.” Sabi ni Paul. Feeling niya may lagnat siya sa init ng pisngi niya.

Akala ko ba magkakantahan tayo?” Sumabat si Larry dahil parang nahihiya din ito. Natatawa na lang si Coach Jim sa kanilang lahat.

Nauna nang tumayo si Coach Jim at nagsimulang kumanta. Palakpakan talaga ang lahat. Galing galing kasi nitong kumanta. Tsaka parang alam na alam talaga ang pasikot sikot sa boses para makascore ng malaki. Nagsimula nang mag-enjoy ang lahat.

Nahihiya pa si Kath kaya hindi muna nagpepresenta. Sanay na sanay naman talaga siyang humawak ng mikropono pero hindi niya magawa. Nanduon kasi si Jerick kaya di siya makakilos ng tama.

Tumayo na si Jerick at dinala nito si Erika. Inalayan ng kanta ni Jerick si Erika.

‘Gusto Kita… Sa puso koy ikaw lang ang mahalaga

Pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa

Parang alipin mo ang isip at damdamin ko

Gusto kita pagkat ang kilos moy ibang iba

Mahinhin at malambing pa

Katangiang di mo sadya

Pag-ibig kong ito ay hindi na magbabago pa’

Mapapaiyak na yata si Kath sa nakikita niyang pagiging sweet ng dalawa. Ang sakit sakit ng dibdib niya. Magkahawak kamay pa ang dalawa.

Natapos nang kumanta si Jerick kaya bumaba na si Erika. Nakayuko lang si Kath. Biglang tumugtog ang isang kanta. ‘Bakit Pa Ba? By Jay R’

Kath…” May naglahad ng kamay sa kanya. Nagulat siya ng magtaas siya ng tingin. Hindi ito ang inaasahan niyang may-ari ng kamay na iyon.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 14

12.11.2009
05:38

Siyempre may boyfriend ka. Sa ganda mong iyan. Nasa Pilipinas siya. Araw-araw nga kayong nagtatawagan.

Anong pangalan niya tita?

Si…” Biglang tumunog ang telepono kaya tumayo si Micea at sinagot iyon.

Hello

Hi Micea, this is Rian.

Hi, who are you?

This is Rian, your boyfriend.” Kinilig siya ng sobra. Bago pa lang nila pinag-usapan ang tungkol rito at heto tumatawag na.

Tita, it’s Rian my boyfriend.” Nagngitngit talaga si Gina sa sinabi ni Micea. Hindi talaga tumitigil ang papa niya na ilayo ang pamangkin sa lalaking mahal nito. Kumuha pa ng magpapanggap na boyfriend ni Micea.

Lumabas siya ng bahay dahil hindi na niya kayang makinig pa sa kasinungaling nilikha na naman ng papa niya. Masaya si Micea kaso lang mali talaga ang nangyayari.

Micea, namiss kita ng sobra. Kumusta ka na?

I miss you too?” Hindi siya sigurado kung namiss ba niya ito.

I understand. Kasi alam ko naman ang kalagayan mo.”

Thanks for understanding. How did we met?” Usisa kaagad niya rito. Gusto niyang malaman ang lahat ng detalye sa kanilang dalawa.

Bestfriend ng lolo mo ang daddy ko. Matagal na nakapag-asawa ang daddy ko kaya matanda lang ako ng konti sa’yo. Noong maliliit pa tayo ay lagi kitang tinutukso tapos naassign sa malayo ang daddy ko kaya hindi na tayo nagkita. Nuong minsang nagpunta ka ng Cebu ay umupa ka sa apartment namin. Doon tayo nagkahulugan ng loob.” Sa kwento ni Rian ay may nagflash back sa kanyang isipan. Naalala niya na may kasama siyang lalaki na nanunuod ng sunset sa may tabing dagat kaya nasiyahan siyang lalo. Medyo malabo ang mukha ng lalaki pero sigurado siya na si Rian iyon.

Micea, I love you very very much! Sana umuwi ka na dito.

I will come home for you Rian. I miss you.” Totoo na sa loob na sabi niya. Paniwalang-paniwala siya sa mga kwento nito.

October ng payagan si Micea ng doctor na magbiyahe kaya tuwang-tuwa sila ni Rian. Madalas na kasi silang magtawagan at kampante na si Micea sa kanya. Kahit hindi niya nakikita ito ay mahal na mahal na niya.

Pa, uuwi na kami ni Micea next week.” Tumawag si Gina sa kanyang papa para ipaalam ang pag-uwi nila.

Mabuti naman Gina. Maghahanda kami para sa pagdating ninyo.

Ok po pa. Handa na po ang lahat ng gamit namin tsaka didiretso po kami ng Bohol.

Mon’s Side:

Ilang buwan na ang lumipas hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Micea. Ano kayang nagawa kong masama sa kanya para saktan niya ng ganito? Kahit ilang beses mo akong saktan mahal na mahal pa rin kita.

Ipapadala na naman kaming dalawa ni Melet sa isang seminar sa Manila. Naiinis man akong pumunta ay ginawa ko na lang. Mag-eeroplano kami sa susunod na linggo patungong Cebu may pinapadaanan pa kasi sila. Masakit man ang pumunta sa lugar na iyon ay wala akong magagawa. Kailangang magpatuloy ang buhay.

Jun, ano nang balita kay Micea?

Wala pa rin pare e. Hindi naman nila sinasabi sa akin anong nangyayari.

Ano kayang posibleng nangyari sa kanya?

Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya dahil kung meron sigurado naman ako na ipapaalam nila sa’yo. Boyfriend ka niya.

Minsan naiisip ko baka itinago siya ng lolo mo sa akin dahil hindi niya ako gusto para kay Micea.

Hindi naman siguro. Di ba pinayagan na nila ang relasyon ninyo?

Oo nga pero parang ang lamig ng pakikitungo nila sa akin simula ng hindi na kumontak sa akin si Micea. Palagi na lang nilang sinasabi na busy sila at tatawagan na lang ako ni Micea. Hindi ko na kaya pang maghintay.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ni Micea iyan na lang ang isipin mo.

Iyon na lang talaga ang kinakapitan ko pare dahil mababaliw na ako sa kaiisip kung anong problema namin.

Kinagabihan ay naglasing na naman ako. Iyon lang ang karamay ko kapag nag-iisa na lang ako sa kwarto ko. Nangungulila ako kay Micea. Wala man lang gustong magsalita kung ano ang tunay na kalagayan niya. Pakiwari ko may hindi sila sinasabi sa akin.

Halos hindi ako makatayo sa kalasingan ng umuwi na ako. Nadatnan ko si Melet. Hindi pa pala natutulog ito.

Mon, lasing ka na naman?

Pakialam mo. Ano ba kita?

Kaibigan mo ako Mon. Nagmamalasakit din ako sa’yo.

Pabayaan mo ako.

Natumba ako buti na lang nasalo niya kung hindi bagsak ako sa semento. “Halika na nga sa kwarto mo. Bakit kasi naglalasing e.

Nang nasa kwarto na kami ay inalalayan niya ako pahiga sa kama ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagtatampo ko kay Micea. Buti pa si Melet nagmamalasakit sa akin.

Micea.. Nasaan ka na ba?” Para akong batang umiiyak. Niyakap ako ni Melet.

Mon tama na. Baka talagang sadyang hindi kayo para sa isa’t isa.

Mahal ko siya Melet.

Alam ko. Makakalimutan mo din siya. Tutulungan kita.

Gina and Micea:

Micea bilisan mo dyan baka matraffic tayo.

Opo

Umuwi na papuntang Pilipinas sina Gina at Micea. Excited si Micea dahil makikita na din niya ang boyfriend niya na ilang taon ding nawalay sa piling niya. Pauwi na ako Rian mahal ko. Naisip niya.

Lumapag na ang eroplano sa Cebu, Nagtatalak ang tita niya dahil sa daming taong kumukuha ng mga baggages nila. Nakatayo lang si Micea sa may gilid habang minamasdan ang mga tao sa paligid.

Mon’s Side:

Papunta na kami ng Cebu. Ang daming tao sa airport talaga kung saan kukunin ang mga baggages. May nakita akong isang babae na nakatalikod sa gilid ng airport. Masayang masaya itong nakamasid lang sa paligid. Nang lumingon ito sa direksyon namin. Micea…

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 13

10.11.2009
09:46

Halos madapa si Gina sa pagkuha ng sulat na malapit na malapit na talagang mabuksan nito.

It’s nobody.” Kinuha niya at inilagay sa bulsa ang sulat.

Why? Look at it, it’s a very special letter. Common tita. Lets read it together, please!

No. Sorry! It is not important. I’ll just throw it away.

What?” Hindi makapaniwalang sabi ni Micea sa tita niya. “No. If you don’t want it. Can I have it?

No. Sorry.” Tumalikod na ang tita niya. Naiwan si Micea na nagtataka kung bakit ganuon ang tita niya. Kaya siguro hindi ito nakapag-asawa dahil ni hindi man lang nagpapaligaw. Nalungkot siya na itatapon lang nito ang napakaspecial na sulat na iyon. Kung siya ang bibigyan noon pihadong magpapasalamat siya ng milyun-milyong beses.

Nang nasa kwarto na si Gina ay nilagay na lang niya sa box ni Micea ang sulat na iyon. Gusto din naman niyang mabasa ni Micea ang mga sulat pag naalala na nito ang lahat.

Hindi niya ipinadala lahat sa papa niya ang mga mahahalagang bagay para kay Micea. Alam niya na makakatulong ang kahon na iyon balang araw.

Mon’s Side:

Mon, hinay hinay lang dyan.” Sabi ni Rick sa kanya dahil tinungga niya ang isang bote ng malaking beer. Nasasaktan kasi siya ng sobra sa hindi na pagtawag ni Micea. Wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay lang sa tawag nito. Kahit si Jun ay hindi alam anong nangyayari sa pinsan nito.

Ngayon sana ang araw na uuwi ito pero hindi man lang ito tumawag na hindi siya makakauwi o madedelay ang pag-uwi nito. Nawala na lang itong parang bula. Ganuon lang kadali na kalimutan nito ang anim na taon nilang pagmamahalan. Itinapon na parang basura lang sa kalye.

Bayaan mo ako Rick.” Patuloy pa din ang pagtungga niya ng beer.

Hindi pa din ba tumatawag?” Seryosong tanong nito sa kanya. Alam kasi nito ang dinaramdam ng kaibigan.

Kung ayaw na niya sa akin sana sinabi niya. Hindi itong para akong tangang umaasa sa kanya. Hindi naman ako ganuon kasama para balewalain ng ganito lang. Hindi naman di ba Rick?

Pare, baka naman nagkaaberya lang.

Kilala ko si Micea. Hahanap iyon ng paraan para makontak ako. Hindi iyon titigil hangga’t hindi niya nasasabi sa akin ang kalagayan niya. Ang masakit pare, nangako siya na hindi niya ako kakalimutan pero heto nawalang parang bula.” Umupo na siya sa sahig na parang bata habang hawak pa rin ang beer.

Hindi naman malaman ni Rick kung ano ang ipapayo sa kaibigan. Wala pa din kasi siyang sineryosong babae katulad ng kaibigan. Talagang ang lakas ng tama nito kay Micea. Kung tutuusin nene ang tingin nila dito pero talagang mahal na mahal ng kaibigan.

Bohol:

Kumusta ka na inaanak?” Tinawagan ni Bernardo ang inaanak.

Ok lang po ninong. Kumusta po kayo?

Ok lang naman din ako. May ibabalita sana ako sa’yo.

Ano po iyon?

May sakit si Micea. Hindi na niya tayo naaalala kaya may hiling sana ako.

Bakit? Ano pong nangyari?” Nabahala si Rian ng sobra sa sinabi ng ninong niya.

Nabundol kasi siya ng sasakyan at nabagok ang ulo niya.

Ok na po ba siya? Nasaan po siya?

Nasa America pa sila. Mga dalawa hanggang tatlong buwan pa siya pwedeng umuwi dito.

Iyon pa rin po ba ang numero nila sa bahay? Gusto ko po siyang tawagan. Nag-aalala po ako ng sobra sa kanya.

Ok na siya Rian. May hiling sana ako.

Ano po iyon? Kahit ano po basta para kay Micea.

Gusto kong ikaw ang magpanggap na boyfriend niya. Noon pa man ay hindi ko na gusto iyong Mon.

Wala pong problema ninong. Noon pa man po mahal na mahal ko na si Micea.

Gagawa tayo ng paraan na makasal kayo bago pa man niya maalala ang lalaking iyon ng sa ganuon wala na silang magagawa.”

America:

Kasalukuyang kinukwentuhan ni Gina si Micea ng mga bagay tungkol sa kanilang pamilya. Tungkol sa mga experiences niya noon. Sa kurso niya at lahat lahat na sa tingin ni Gina ay importante para sa pamangkin.

So that’s grandpa? My mom and my dad?”Paniniguro ni Micea na natatandaan niya ang mga sinabi ng tiya niya.

Yes. See you look like your dad.

Yeah, I know… Tita I have a question.

Ano iyon?

Did you ever had a boyfriend?

Oo meron naman. Pero nakabuntis siya kaya nagparaya na lang ako. Kawawa naman kasi ang baby kung walang daddy.

Is he the only one you love?

Yeah. He is my one and only love.”

That is why you don’t accept guys that wanted to court you because of him?

Hindi naman Micea. Parang hindi na yata tumibok ang puso ko pagkatapos noon kaya nga ako nag-America para makalimot e.

How sad.

Was it nice to be in love?

Very nice. Parang hindi nakatapak sa lupa ang mga paa mo tapos kapag kasama mo iyong guy para ayaw mo nang tumakbo pa ang oras.

Really?” Namimilog pa ang mga mata sa kaexcitedan na tanong ni Micea.

Yeah. It is the most wonderful feeling a person can have… Pero ngayon wala na. Matanda na ako. Ibubuhos ko na lang sa pagtulong sa inyo ang panahon ko.

Nalungkot si Micea para sa kanyang tita. Kawawa naman ito. Tatandang mag-isa. Naisip niya kung nagkaboyfriend ba siya kaya tinanong niya ito. Ang tanong na matagal nang iniiwasan ni Gina.

Tita, did I ever had a boyfriend before?” Parang nabilaukan siya sa tanong nito. Naisip niya walang makakapigil sa kanya para sabihin rito ang totoo.

Oo, may boyfriend ka Micea.” Sasabihin na niya ang totoo rito. Wala na siyang pakialam anumang maging bunga noon.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 12

09.11.2009
12:37

Hello Gina, kumusta na dyan?” Tumawag si Bernardo sa anak niya.

Ok lang naman po. Wala pa din pong naaalala si Micea.

Gina, makinig kang mabuti sa sasabihin ko… Hinding hindi mo kailanman babanggitin ang tungkol kay Mon sa apo ko. Hindi niya dapat malaman na boyfriend niya ito. Maliwanag ba?

Pero pa baka makatulong po iyon na makaalala siya kaagad. Sabi po ng doctor mga masasayang alaala daw ang ikwento natin sa kanya. Alam ko po na masaya si Micea sa kanya.

Gina, huwag matigas ang ulo mo. Sundin mo na lang ang sinasabi ko.

Pero pa…

Gina, gusto mo bang magalit ako sa’yo?

Opo pa.

Gusto kong ipadala mo ang lahat ng mga bagay na makapagpapaalala kay Micea sa lalaking iyon. Gusto kong tuluyan na niya itong makalimutan.

Bakit naman po pati iyon?

Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko ayaw ko sa kanya para sa apo ko kaya ngayon dapat hindi siya makilala nito.

Pero pa darating po ang panahon na makikilala din ni Micea si Mon. Paano niyo ipapaliwanag iyan? Ayaw ko pong magsinungaling sa kanya.

Ako na ang bahala dun. Sige na. Sundin mo na lang ang mga sinabi ko. At inuulit ko lahat ng bagay na makapagpapaalala sa kanya. Kapag nalaman ko na sinuway mo ako alam mo na ang mangyayari sa’yo.

Opo.” Ayaw mang gawin ni Gina ay susundin na lang niya ang ama. Ayaw naman niyang itakwil siya nito. Kahit ganuon ang papa niya ay mahal na mahal niya ito. Napakatigas kasi nito. Kung itinakwil ka kahit lumuhod kang pabalik sa kanya hinding hindi ka na tatanggapin.

Makalipas ang limang araw ay pinayagan nang umuwi ng doctor si Micea. Mabilis kasi ang paggaling niya. Hiniling na lang ng doctor sa ante niya na magpahinga muna siya ng dalawa hanggang tatlong buwan bago magbiyahe. Ipinagpaalam na kasi ni Gina na sa Pilipinas magpapagaling si Micea.

Nang makauwi na sila ay tumunog ang telepono kaya kinuha ni Micea.

Hello loves, ikaw ba yan?” Hindi siya nakasagot. Binigay kaagad niya sa ante niya. Baka boyfriend ng ante niya. Ayaw niyang masabihang nagtrespass sa private life nito.

Sorry, wrong number. They moved out. I don’t know where.” Sabi ng ante niya na slang na slang ang pagkaenglish.

Mon’s Side:

Thank you very much” Sabi na lang ni Mon sa nakasagot ng telepono. Talagang nagtataka siya kung bakit hindi na nakatira doon sina Micea. Ano kayang nangyari? Hindi naman siguro lilipat sina Micea ng hindi niya nalalaman? Bakit kaya biglang nanlamig si Micea sa kanya? Hindi kaya dahil sa gusto niyang magkaanak sila kaagad. Pero hindi ganuon si Micea. Kapag may hindi ito nagustuhan ay dinidiscuss namin ng mabuti at hindi itong pagtataguan na lang niya ako.

Bohol:

Jun, apo may hihilingin sana ako sa’yo.” Tinawagan ni Bernardo ang apo na malapit na kaibigan ni Mon.

Ano naman po iyon lolo? Kahit ano po.” Sagot naman ni Jun. Minsan lang humingi ng pabor ang lolo niyang ito kaya ayaw niyang biguin ito.

May sakit ang pinsan mo na si Micea kaya kung pwede sana huwag mo nang babanggitin sa boyfriend niya.

Ano naman pong sakit ni Micea?” Nabahala siya ng sobra sa sinabi ng lolo niya. Mukhang napakaseryoso kasi ang pagkakasabi nito.

May amnesia siya. Hindi na niya tayo naaalala kaya kung pwede huwag mong banggitin kay Mon ang tungkol dito. Kung magtanong siya, ikaila mo na lang ang pinsan mo.

Opo lolo. Makakaasa po kayo.

Salamat apo.

Mon’s Side:

Jun, may balita ka ba sa pinsan mo?” Tumawag si Mon sa kanya kinahapunan.

Wala e. Bakit?

Hindi na siya tumatawag e. Tapos nuong tinawagan ko ang telepono nila iba na ang nakasagot. Lumipat ba sila ng bahay?

Hindi ko alam e. Bayaan mo itatanong ko kapag nakatawag ako sa Bohol.

Salamat pare. Nag-aalala talaga ako ng sobra sa kanya.” Naguiguilty talaga si Jun dahil ramdam niya ang pagdurusa ng kanyang kaibigan sa hindi na pagkakausap nila ng girlfriend nito pero susundin niya ang lolo niya.

Micea’s Side:

Tita, mail’s here.” Sabi niya sa kanyang tita Gina na nasa kusina. Nakita kasi niya ang sasakyan ng post office sa labas.

Ok. Please grab it for me.” Tumayo siya at tumalima sa utos ng tita niya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga sulat na nilagay ng driver sa mailbox. May isang sulat na talagang nakatawag ng pansin niya. Pinabanguhan ang envelope na iyon at may kiss pa. Wala namang pangalan kung para kanino. Nakalagay lang ‘my love’ kaya para sa ante siguro niya ito.

Nagtaka siya dahil parang lalaki ang may likha ng sulat na iyon. Hindi naman niya alam na may boyfriend pala ang tita niya. Naexcite siya na pumasok. Gusto niyang malaman kung ano ang laman ng sulat na iyon.

Tita, who’s Mon?” Hindi nakasagot ang tita niya kaagad. Paano nalaman ni Micea ang tungkol kay Mon? Sa isip ng tita niya.

You have a letter here. I will open and read it for you.” Pinunit na nito ang envelope at hawak ang nakatuping papel.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Ang Kwintas Chapter 44

09.11.2009
12:23

Dumalaw ako sa puntod niya kinabukasan. Nadatnan ko si Ram.

Pre, sabihin mo naman kay Gem na naghihintay lang ako at hindi ako magsasawang mahalin siya. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko at paglilingkuran ko ang baby Gem mo, maaasahan mo iyan.” Nagbuntung hininga muna ito bago nagsalitang muli. “Pre, maaassign na ako sa malayo, six months din pero pagbalik ko sana mahalin na ako ni Gem. Siya lang talaga ang minahal ko mula pa noong high school. Babalik ako para kay Gem pre.” Nakipagshake hands pa ito na para bang totoong tao ang kausap. Tumikhim ako kaya napalingon siya.

Gem… Andyan ka pala.

Oo. Dinadalaw ko lang si JC.

Nagpaalam lang ako kay JC. Sige Gem bye.

Ok bye!

Isang buwan na mula nang umalis si Ram. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang namiss ko siya. Siguro namiss ko lang siya dahil sa kakulitan nito at wala nang iba pa. Pakialam ko ba sa kanya.

Madalas kong pagalitan ang aking sarili dahil palagi kong naiisip si Ram. Si JC lang ang mahal ko at iyon ang lagi kong isinisiksik sa utak ko.

Gem, para sa’yo.” Tinawag ako ng mama ko isang hapon. Nagtaka pa nga ako kung sino itong tumatawag sa akin.

Hello

Gem, si Ram ito. Kumusta ka na?

Ok lang.” Nasiyahan ako ng sobra ng marinig ko ang boses nito pero hindi ko pa rin ipinakita sa kanya.

Namimiss na kita. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?

Wala naman. Trabaho lang, dalaw kay JC at ang baby ko. Alam mo na ang boring na buhay ko.

Hindi mo ba ako namimiss?

Bakit naman kita mamimiss? Kaano-ano ba kita?” Nagsisi ako sa nasabi ko. Talagang napakatigas ko kay Ram. Bigla itong nalungkot at nagpaalam na. Gusto ko sanang pigilan siya sa pagbaba ng telepono pero hindi na lang. Totoo naman ang sabi ko hindi kami magkaano-ano.

Naalala ko ang panaginip ko na parang pinipili ni JC si Ram pero hindi ako nakinig doon. Hindi alam ni JC kung ano ang muntik nang gawin ni Ram sa akin. Napakawalang hiya ni Ram. Ni hindi nga siya nagsorry sa akin sa nangyaring iyon. Nag-assume na lang siya na nakalimutan ko iyon.

Kung tutuusin nga mas bagay pa na si Jonas ang piliin ko kasi ito ang nagtanggol sa akin. Ito ang lalaking nagsalba ng pagkababae ko na muntik nang kunin ni Ram. Kung dapat isipin ko si Jonas ang dapat sagutin ko.

Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko ng sumunod na araw. Sinagot ko si Jonas kaya tuwang tuwa ito. Wala namang kilig akong nararamdaman sa kanya. Minsan nga kapag nararamdaman kong hahalik ito ay lumalayo ako. Napakatabang ng pakikitungo ko sa bagong boyfriend ko kuno.

Christmas party ng aming office ng dumating si Ram. May kasama itong babae. Ang sweet sweet nila. Nasasaktan ako sa nakikita ko pero binalewala ko iyon. Nasasaktan lang siguro ako dahil sa inaasahan ko na susuyuin ako nito. Inaasahan ko na pagbalik nito ay pupunta kaagad sa akin ito pero nagkamali ako.

Nagsayawan ang lahat ng mga kasama ko pero andun lang ako sa gilid. Sariwa pa rin sa akin ang panahon na magkasama kaming nagchristmas ni JC sa bahay namin. Sumali pa nga kami sa palaro ng baranggay. Pumatak na naman ang luha sa mga mata ko pero kaagad kong pinahid iyon.

Sayaw tayo Gem.” Lumapit sa akin si Ram.

Ayoko. Wala ako sa mood.

Lagi ka na lang wala sa mood.” Hinila niya ako.

Kahit kailan talaga mapilit ka.” Binigyan ko siya ng masamang titig.

Huwag kang mag-alala. Simula bukas hindi na kita pipilitin. Hindi mo na ako makikitang kinukulit ka.” Nagyaya na siyang umupo. Gusto ko na sanang maging mabuti kay Ram pero hindi ko kayang gawin. Napakabait kasi nito sa akin kaya inaabuso ko. Nasasaktan pa rin naman ako sa nangyari sa amin ni JC. Napapaluha pa rin ako lagi. Paano ako magmamahal ng ganito? Paano ako makakapagmove on kung nandito si JC sa puso ko lagi? Paano?

==> Bukas na po ang ending ng story na ito:) Salamat sa lahat ng sumubaybay at nakiiyak kasama si Gem…

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark
Powered by WordPress and Artsavius Theme