Nasa canteen ang barkada ni Lyka at pasulyap-sulyap lang si Jeoff sa kanya. Si Lyka naman ay gustung-gusto ng sulyapan si Jeoff pero nahihiya siya. Ayaw niyang makita nitong tinitingnan niya ito.
“So kumusta naman kayo ni Lance, Star?” Tanong ni Valerie kay Lyka.
“Ok lang naman kami.” Nakangiting sagot naman ni Lyka. Kanina pa hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha niya dahil sa quote na ibinigay nito.
Mahilig si Lyka sa mga lalaking idinadaan sa quote, sulat o dedication ang panliligaw. Sa tatlong buwan na panliligaw ni Lance ay ngayon lang ito nagpadala ng quote. Kahit man sabihing badboy si Lance ay may pagkaromantiko pala ito pagdating sa panliligaw.
“Sinagot mo na ba?” Tanong naman ni Lizzette na hindi maiwasang mahawa sa kasiyahan ni Lyka.
“Hindi pa.”
“Eh bakit ka masaya dyan?” Napakunot ang noong tanong ni Cherry.
“Napakasweet pala talaga niya. Hindi ko aakalain na may itinatago pala siyang kasweetan.”
“Ano naman ang ginawa niya?”
Hindi na nagsalita pa si Lyka. Ipinakita na lang niya sa mga kaibigan ang note na natagpuan niya sa kanyang upuan.
“Wow! Ang ganda naman ng quote na iyan.” Wika ni Cherry pagkabasa sa quote. Nasaktan man siya ay hindi niya ipinahalata iyon sa kaibigan.
“Oo nga eh. Kilig talaga ako.” Saad naman ni Lyka.
“Kinikilig din ako sa inyong dalawa.” Sabi naman ni Lizzette na di maiwasang mapangiti ng malaki.
“So may pag-asa na si Lance sa’yo Star?” Sabat naman ni Valerie na ngingiti-ngiti.
“Hindi ko naman sinabi sa kanya na wala siyang pag-asa eh. I just want him to prove that he is worth it.” Sagot niya na di pa din maalis ang ngiti sa mga labi.
“That’s good! I think you are starting to like him.”
“I think so.” Parang nangangarap pa na sabi ni Lyka.
Pagkatapos ng klase nila ay sabay na naman silang apat na lumabas ng paaralan.
“Hi Princess, kumusta?” Sinalubong sila ni Kenneth sa may gate ng paaralan.
“Oh Kenneth. Hi! Anong ginagawa mo dito?” Bati naman ni Lyka rito na nagulat pa ng bahagya. Hindi niya inaasahang makikita niya si Ken doon. Isang beses lang dumalaw si Ken sa school nila. “Siyangapala, mga new friends ko. This is Valerie, Cherry and Lizzette. Stars this is my ‘kababata’, Kenneth, but most people call him Ken.”
“Nice to meet you!” Sabi ni Ken habang kinakamayan ang mga kaibigan ni Lyka. Halos hindi bitawan ni Valerie ang kamay ni Ken at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito.
“Mauuna na kami sa inyo.” Paalam ni Valerie sa kanilang dalawa. “Tayo na!” Baling naman nito kina Cherry at Lizzette.
“Bye! Kita na lang tayo bukas.” Pagpapaalam ni Lyka sa mga kaibigan.
“Bye sa inyo. Ingat!” Nagpaalam din si Kenneth sa mga kaibigan ni Lyka.
“Bakit ka nga pala napasyal dito?” Tanong ni Lyka ng makaalis na ang mga kaibigan.
“Sinusundo ka. Okay lang ba kung magsnack muna tayo bago ka umuwi?”
“Sure! Walang problema.”
“Ako na ang magdadrive ng motorsiklo mo.”
“Ok. Thanks!”
Papalabas ng gate sina Jeoff at Edgar ng biglang huminto si Jeoff sa paglalakad at hinarangan ang kaibigan.
“Bakit? May problema ba?” Takang tanong nito.
“Tingnan mo. Si Lyka at kasama niya iyong lalaking humalik sa kanya minsan sa CAT office.”
“Talaga?” Sabik itong napatingin sa direksiyong itinuturo ni Jeoff.
“Oy, ang sweet ah.” Nakita kasi nilang inalalayan ni Ken si Lyka sa pagsakay sa motorsiklo at ito na rin ang naglagay ng helmet nito. “Ang dami mo namang dapat bantayan Pre.” Dagdag nito.
“Sa tingin mo boyfriend niya kaya iyan?”
“Hindi ko masabi. Kung boyfriend niya iyan bakit nagpapaligaw pa siya kay Lance?”
“Kailangang tuklasin ko ang totoo.”
Samantala ay dumaan muna sina Valerie sa department store.
“Sino iyong Kenneth?” Tanong ni Valerie sa mga kaibigan. Hindi maipaliwanag ni Valerie ang sariling damdamin pero mukhang nagugustuhan niya si Ken.
“Ex boyfriend iyon ni Lyka. Dumalaw na iyon minsan sa school eh. Galing daw iyon ng Canada.” Sagot ni Cherry.
“Hindi ba nanliligaw iyon muli sa kanya?” Pagsisiguro ni Lizzette.
“Oo nanliligaw muli sa kanya pero sabi niya wala na daw siyang feelings doon eh.” Si Cherry ang pinakaclose ni Lyka sa kanilang tatlo kaya alam na alam nito ang nangyayari sa kanya.
“Ah ganun ba.” Patango-tangong sagot ni Valerie. Sa tingin niya he already found his Mr. Right!
“Maiba ako, kumusta naman iyong practice niyo ni Lyka? Doon sa gagawin niyong sayaw para piliin kung sino ang magpapatuloy na cheerleader the rest of the year?” Pag-iiba ni Cherry ng usapan.
“Okay naman.” Nagngingitngit ang kaloobang sagot ni Valerie pero nakangiti pa rin. Hindi niya maiwasang magalit kay Lyka dahil mukhang nagiging kaagaw na niya ito. Simula first year ay siya ang cheerleader. Walang ibang nagtangkang umagaw ng pwesto niya pero heto dumating lang si Lyka ay mukhang mapapalitan na siya. Nakita nga niyang ang daming kaibigan nito sa school at kasundo nito halos lahat ng estudyante.
Habang papauwi ay hindi maipaliwanag ni Jeoff ang sariling damdamin. Sa palagay niya ay nagseselos siya sa lalaking kasama ni Lyka na hinayaan pa nitong siyang magdrive ng motorsiklo niya. Minabuti niyang puntahan ang bahay nina Lyka at kausapin ang yaya nito.
“Yaya, matutulungan niyo po ba ako kay Lyka?”
“Oo. Di ba nangako na ako na tutulungan kita?”
“Promise iyan yaya ha.” Pagsisiguro niya. “May boyfriend po ba si Lyka?”
“Sa pagkakaalam ko wala.” Parang nabunutan si Jeoff ng tinik sa sinabi ng yaya ni Lyka.
“May iba pa po bang nanliligaw sa kanya bukod kay Lance?”
“Oo. Iyong kababata niya at ex-boyfriend niya na si Ken. Mahal na mahal ni Lyka iyon pero umalis kaya parang nawala na ang feelings niya para rito.” Pakiwari ni Jeoff ay gumaan ang pakiramdam niya sa isinagot nito. At least ngayon si Lance na lang ang makakalaban niya pagdating sa puso ni Lyka.
“Ya, bukas ng umaga pupunta ako rito ha. Maagang-maaga. Sosorpresahin ko si Lyka.”
“Ano namang plano mo?”
“Basta yaya. Maghanda ka lang.”
“Ok. Hihintayin kita!”
“Salamat po.”
Sa kabilang banda naman ay pinuntahan ni Valerie si Lance para icongratulate.
“Hello Lance. Bravo!” Pumapalakpak pa na sabi nito.
“Bakit naman parang ang saya mo dyan?” Nagtatakang tanong nito. Kasalukuyang nakahiga si Lance sa sofa at nanunuod ng tv sa kwarto niya.
“Kasi mukhang malapit ka ng sagutin ni Lyka. Sabi niya she is starting to like you.”
“Talaga?” Napabangon si Lance sa sinabi ni Valerie pero binawi din ang excitement sa mukha. Ayaw niyang ipahalata rito na higit pa sa kasunduan nila kaya niya nililigawan si Lyka.
“Yes Lance at pagkatapos ka niyang sagutin. I want you to dump her, iyong tipong masasaktan siya ng labis at magmumukmok. Iyong pagsisisihan niyang si Valerie ang kinalaban niya.” Nakataas ang kilay at seryosong saad ni Valerie kay Lance.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.