Ikaw Lamang Chapter 38
“Why do you have to do this Rian? Don’t you get that I don’t love you and I never will?”
“Hindi ako papayag na maging talunan Micea kaya gagawin ko ang lahat makuha lang kita kay Mon. I hold on to your promise na pakakasalan mo ako.”
“Because you threatened me. Kung di mo ako binantaan hindi ko sasabihin iyon. That was not a free will.”
“Free will man o hindi I believed on it.”
“Baliw ka na talaga.”
“Baliw na kung baliw basta akin kayo ni Raycea.” Pagtatapos nito at bumaling sa mga kasama na naghihintay sa may pintuan. “Boys” Sumenyas ito na kunin si Raycea.
“No. Hindi niyo makukuha ang anak ko. Over my dead body.”
“At sino naman ang nagsabi sa’yong si Raycea lang ang pakay namin?” Nakangising tanong ni Rian sa kanya at nilagyan nito ng tape ang bibig niya.
“No.” Papalag pa sana siya pero mabilis ang kilos ni Rian. Kahit gustong magsalita ni Micea ay wala na siyang mailabas. Nakita niyang may pumasok na dalawang lalaking nakasuot ng uniporme ng doctor at may higaan pa ng pasyente.
No. Please! Sigaw ng isip niya.
Sa kabilang dako ay inip na naghihintay si Mon sa may botika. Madaming bumibili sa mga panahong iyon. Nang siya na ang sumunod para mapagbilhan ng cashier ay bigla siyang kinabahan. Hindi niya malaman kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Huwag naman sanang may nangyaring masama kay Raycea. Usal niya sa sarili.
Halos patakbo siyang bumalik ng ospital. Hindi pa din mawala sa isip niya ang kabang nararamdaman.
Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan ng kwarto ni Raycea. Ayaw niyang maisturbo ang mag-ina niya kung sakaling natutulog ang mga ito. Laking-gulat niya ng walang tao ang silid na iyon.
Nasaan sina Micea at Raycea Jane? Natanong niya sa sarili. Dali-dali siyang pumunta ng front desk at nagtanong.
“Nurse napansin mo ba ang pasyente sa room I-12?” Tanong niya sa mga nagdadaldalan pang mga nurse.
“Hindi po sir eh. Baka nadischarge na po.” Sagot ng isa sa mga nurse.
“Hindi maaari dahil anak ko ang nandoon. Bumili lang ako ng gamot sandali.” Naalarma ang mga ito sa sinabi niya. Walang order sa kanila ng araw na iyon na may ililipat na pasyente ng kwarto.
Sabay-sabay silang pumunta sa silid na sinasabi ni Mon.
“Hindi ko po alam kung nasaan ang pasyente kasi wala naman pong sinabing ililipat siya.” Wika nito ng makompirmang wala nga si Raycea.
“Nasaan na kaya sila? Hindi naman maaaring magpadischarge ang asawa ko ng di ako hinihintay. At isa pa di pa pwedeng lumabas ang anak ko, di pa iyon lubusang magaling.”
“Hindi ko po alam ang sagot sir.”
Tumawag si Mon sa bahay nila para itanong kung umuwi ba ang asawa’t anak. Kahit nagdududa siyang di iyon magagawa ng asawa ay gusto pa din niyang makompirma.
“Ma, nandyan ba sina Micea?” Tanong kaagad niya ng marinig na ang ina ang nag-angat ng telepono.
“Di ba kayo ang magkasama? Nag-away na naman ba kayo?” Naguguluhang tanong nito.
“Hindi po kami nag-away Ma. Bumili lang po ako ng gamot sa botika pagbalik ko wala na po sila. Silang dalawa ni Raycea talaga MA ang nawawala.”
“Pati si Raycea nawawala?” Napatayo na ang mga kasama ng Mommy ni Mon sa narinig. “EH hindi pa magaling ang bata ah.”
“Iyon na nga po Ma eh. Hindi po iyon magagawa ni Micea na ilalayo niya si Raycea kung alam niyang ikapapahamak ito ng anak namin. Masama po ang kutob ko.”
“Sige anak pupunta na kami dyan ngayon din para maidulog na kaagad natin sa presento ang pagkawala ng mag-ina mo.”
“Salamat po Ma.”
Sinalubong ni Mon sa harap ng ospital ang kanyang mga magulang at iba pa. Halos naluluha na siya dahil hindi niya alam kung saan hahanapin ang kanyang mag-ina. Nag-aalala din siya dahil hindi pa ganap na magaling si Raycea para maglaho ng ganun-ganun lang.
Sa ibang dako naman ay nakarating na sina Rian sa isang liblib na lugar. Kung sisipatin mo ang lugar ng mabuti ay parang walang mabubuhay na tao roon.
Tinanggal ni Rian ang tape na nakalagay sa bibig ni Micea.
“I hate you!” Bungad kaagad ni Micea kay Rian at umupo siya sa upuan na nasa pinakasulok.
“Sweetheart kumain ka muna.”
“Ayoko. Mas mabuti pang mamatay na lang ako sa gutom kaysa makasama ka.”
“Gusto mong iwan si Raycea sa akin?” Napalingon si Micea sa tanong ni Rian. Hindi niya maaatim na sa mga kamay ni Rian lumaki ang anak.
“Gusto kong puntahan si Raycea.” Sagot na lang niya. Inihatid nila ang anak sa ospital sa may bayan para doon na tuluyang magpagaling.
“Hindi pwede. Dito muna tayo.”
“Ano bang plano mo? Kung gusto mo akong patayin gawin mo na.”
“Hinding-hindi ko kailanman sasaktan ang aking maybahay.”
“Hinding-hindi kailanman mangyayari iyan.”
“Nasa sa iyo na ang desisyon Micea basta hindi mo makikita si Raycea hangga’t hindi ka nagpapakita ng kabutihan sa akin.” Tumalikod na si Rian.
“Rian please!” Hinawakan niya ang kamay nito. “Gusto kong makita ang anak ko.”
“Saka na Micea. Kapag natutunan mo na akong mahalin.”
“Hindi ko kakayanin kapag di ko nakikita ang anak ko. Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo ipakita mo lang siya sa akin.”
“Masyado pang maaga para makita mo siya. We’ll see, baka magbago pa ang isip ko. Just be a nice girl.” Hinaplos pa nito ang mukha niya pero lumayo siya.
“Mahahanap kami ni Mon.”
“Kung hahanapin ka niya.” Nakangising sabi nito.
“Anong ibig mong sabihin?” Nagkibit-balikat lang ito at umalis na sa harapan niya.
“Rian, ano ba?” Pero di na ito nakinig. Tuluyan na itong lumabas.
Sa may hospital naman ay nalulungkot si Mon sa kung anong nangyayari at bakit biglang nawala ang anak at asawa niya.
“Ma, di kaya may kumidnap sa kanila?” Tanong ni Mon sa ina na nakayakap pa rito na parang bata. Nasa kwarto sila ni Raycea ng mga panahong iyon para tingnan ang mga bagay na makakapagturo kung nasaan sina Micea at Raycea Jane.
“Huwag naman sana.” Sagot lang nito.
“Iligpit na natin ang mga gamit at sa bahay na tayo maghintay ng tawag galing sa mga police. Maghihintay pa daw ng 24 hours bago nila simulan ang paghahanap.”
Habang nagliligpit ng mga gamit ay may nahulog na papel sa may unan ni Raycea kaya pinulot ito ni Mon at binasa.
‘Loves, I’m sorry! Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip kong may karelasyon ka at siya pa ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Raycea. Huwag mo na kaming hanapin. Saan man kami ngayon isipin mo lang na nasa mabuti kaming kalagayan. Mahal kita pero suko na ako.’
Micea Jane
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


