IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Posts Tagged ‘filipino love stories’

Ikaw Lamang Chapter 38

10.03.2010
21:56

Why do you have to do this Rian? Don’t you get that I don’t love you and I never will?

Hindi ako papayag na maging talunan Micea kaya gagawin ko ang lahat makuha lang kita kay Mon. I hold on to your promise na pakakasalan mo ako.

Because you threatened me. Kung di mo ako binantaan hindi ko sasabihin iyon. That was not a free will.

Free will man o hindi I believed on it.

Baliw ka na talaga.

Baliw na kung baliw basta akin kayo ni Raycea.” Pagtatapos nito at bumaling sa mga kasama na naghihintay sa may pintuan. “Boys” Sumenyas ito na kunin si Raycea.

No. Hindi niyo makukuha ang anak ko. Over my dead body.

At sino naman ang nagsabi sa’yong si Raycea lang ang pakay namin?” Nakangising tanong ni Rian sa kanya at nilagyan nito ng tape ang bibig niya.

No.” Papalag pa sana siya pero mabilis ang kilos ni Rian. Kahit gustong magsalita ni Micea ay wala na siyang mailabas. Nakita niyang may pumasok na dalawang lalaking nakasuot ng uniporme ng doctor at may higaan pa ng pasyente.

No. Please! Sigaw ng isip niya.

Sa kabilang dako ay inip na naghihintay si Mon sa may botika. Madaming bumibili sa mga panahong iyon. Nang siya na ang sumunod para mapagbilhan ng cashier ay bigla siyang kinabahan. Hindi niya malaman kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Huwag naman sanang may nangyaring masama kay Raycea. Usal niya sa sarili.

Halos patakbo siyang bumalik ng ospital. Hindi pa din mawala sa isip niya ang kabang nararamdaman.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan ng kwarto ni Raycea. Ayaw niyang maisturbo ang mag-ina niya kung sakaling natutulog ang mga ito. Laking-gulat niya ng walang tao ang silid na iyon.

Nasaan sina Micea at Raycea Jane? Natanong niya sa sarili. Dali-dali siyang pumunta ng front desk at nagtanong.

Nurse napansin mo ba ang pasyente sa room I-12?” Tanong niya sa mga nagdadaldalan pang mga nurse.

Hindi po sir eh. Baka nadischarge na po.” Sagot ng isa sa mga nurse.

Hindi maaari dahil anak ko ang nandoon. Bumili lang ako ng gamot sandali.” Naalarma ang mga ito sa sinabi niya. Walang order sa kanila ng araw na iyon na may ililipat na pasyente ng kwarto.

Sabay-sabay silang pumunta sa silid na sinasabi ni Mon.

Hindi ko po alam kung nasaan ang pasyente kasi wala naman pong sinabing ililipat siya.” Wika nito ng makompirmang wala nga si Raycea.

Nasaan na kaya sila? Hindi naman maaaring magpadischarge ang asawa ko ng di ako hinihintay. At isa pa di pa pwedeng lumabas ang anak ko, di pa iyon lubusang magaling.

Hindi ko po alam ang sagot sir.

Tumawag si Mon sa bahay nila para itanong kung umuwi ba ang asawa’t anak. Kahit nagdududa siyang di iyon magagawa ng asawa ay gusto pa din niyang makompirma.

Ma, nandyan ba sina Micea?” Tanong kaagad niya ng marinig na ang ina ang nag-angat ng telepono.

Di ba kayo ang magkasama? Nag-away na naman ba kayo?” Naguguluhang tanong nito.

Hindi po kami nag-away Ma. Bumili lang po ako ng gamot sa botika pagbalik ko wala na po sila. Silang dalawa ni Raycea talaga MA ang nawawala.

Pati si Raycea nawawala?” Napatayo na ang mga kasama ng Mommy ni Mon sa narinig. “EH hindi pa magaling ang bata ah.”

Iyon na nga po Ma eh. Hindi po iyon magagawa ni Micea na ilalayo niya si Raycea kung alam niyang ikapapahamak ito ng anak namin. Masama po ang kutob ko.

Sige anak pupunta na kami dyan ngayon din para maidulog na kaagad natin sa presento ang pagkawala ng mag-ina mo.

Salamat po Ma.

Sinalubong ni Mon sa harap ng ospital ang kanyang mga magulang at iba pa. Halos naluluha na siya dahil hindi niya alam kung saan hahanapin ang kanyang mag-ina. Nag-aalala din siya dahil hindi pa ganap na magaling si Raycea para maglaho ng ganun-ganun lang.

Sa ibang dako naman ay nakarating na sina Rian sa isang liblib na lugar. Kung sisipatin mo ang lugar ng mabuti ay parang walang mabubuhay na tao roon.

Tinanggal ni Rian ang tape na nakalagay sa bibig ni Micea.

I hate you!” Bungad kaagad ni Micea kay Rian at umupo siya sa upuan na nasa pinakasulok.

Sweetheart kumain ka muna.

Ayoko. Mas mabuti pang mamatay na lang ako sa gutom kaysa makasama ka.

Gusto mong iwan si Raycea sa akin?” Napalingon si Micea sa tanong ni Rian. Hindi niya maaatim na sa mga kamay ni Rian lumaki ang anak.

Gusto kong puntahan si Raycea.” Sagot na lang niya. Inihatid nila ang anak sa ospital sa may bayan para doon na tuluyang magpagaling.

Hindi pwede. Dito muna tayo.

Ano bang plano mo? Kung gusto mo akong patayin gawin mo na.

Hinding-hindi ko kailanman sasaktan ang aking maybahay.

Hinding-hindi kailanman mangyayari iyan.

Nasa sa iyo na ang desisyon Micea basta hindi mo makikita si Raycea hangga’t hindi ka nagpapakita ng kabutihan sa akin.” Tumalikod na si Rian.

Rian please!” Hinawakan niya ang kamay nito. “Gusto kong makita ang anak ko.

Saka na Micea. Kapag natutunan mo na akong mahalin.

Hindi ko kakayanin kapag di ko nakikita ang anak ko. Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo ipakita mo lang siya sa akin.

Masyado pang maaga para makita mo siya. We’ll see, baka magbago pa ang isip ko. Just be a nice girl.” Hinaplos pa nito ang mukha niya pero lumayo siya.

Mahahanap kami ni Mon.

Kung hahanapin ka niya.” Nakangising sabi nito.

Anong ibig mong sabihin?” Nagkibit-balikat lang ito at umalis na sa harapan niya.

Rian, ano ba?” Pero di na ito nakinig. Tuluyan na itong lumabas.

Sa may hospital naman ay nalulungkot si Mon sa kung anong nangyayari at bakit biglang nawala ang anak at asawa niya.

Ma, di kaya may kumidnap sa kanila?” Tanong ni Mon sa ina na nakayakap pa rito na parang bata. Nasa kwarto sila ni Raycea ng mga panahong iyon para tingnan ang mga bagay na makakapagturo kung nasaan sina Micea at Raycea Jane.

Huwag naman sana.” Sagot lang nito.

Iligpit na natin ang mga gamit at sa bahay na tayo maghintay ng tawag galing sa mga police. Maghihintay pa daw ng 24 hours bago nila simulan ang paghahanap.

Habang nagliligpit ng mga gamit ay may nahulog na papel sa may unan ni Raycea kaya pinulot ito ni Mon at binasa.

‘Loves, I’m sorry! Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip kong may karelasyon ka at siya pa ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Raycea. Huwag mo na kaming hanapin. Saan man kami ngayon isipin mo lang na nasa mabuti kaming kalagayan. Mahal kita pero suko na ako.’

Micea Jane

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 14

04.12.2009
15:49

Hindi makatulog si Axel ng gabing iyon. Naaalala niya si Mika at ang mga sinabi nito.

Sino ang lalaking tinutukoy nito?

Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Wala namang nababanggit si Julie na may boyfriend o naging boyfriend si Mika.

Sa kabilang silid naman, ay kanina pa pabiling-biling sa kanyang higaan ang dalaga. Nararamdaman niya pa rin ang yakap na iyon ng binata.

Umiibig na ba ako sa kanya? Tanong niya sa sarili. Pero hindi pwede, masasaktan ko ang kaibigan ko at ayoko ring saktan ang sarili ko. Ayokong matulad sa inay ko. Tama na ang isang lalaki na nang-iwan sa amin.

Gulong-gulo na ang isip niya. Gusto niyang ipikit ang mga mata para wala na siyang maisip pa. Ngunit hindi talaga siya makatulog, tumayo siya at lumabas ng kwarto, dahan-dahan lang ang kanyang pagkilos, ayaw niyang makaistorbo sa pagtulog ng iba. Dumeretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas. Pagbukas niya ng ilaw sa kusina ay napasigaw pa siya ng makitang nanduon din si Axel.

Nagulat si Axel nang biglang lumiwanag at may sumigaw kaya nabitawan niya ang baso ng malamig na tubig. Nauuhaw kasi siya sa kakaisip sa dalaga kaya bumaba siya. Hindi na siya nagpailaw dahil kukuha lang naman siya ng inumin.

“My God Mika! Bakit ka ba sumisigaw?” saad niya sa dalaga ng makabawi sa pagkabigla. Yumuko siya at isa-isang pinulot ang nabasag na baso.

“At sino naman ang hindi matatakot kung pagbukas mo ng ilaw ay may tao. Bakit ba kasi hindi ka nagpailaw?” sagot naman ng dalaga lumapit ito at tinulungan ang binata sa pagkuha sa mga bubog.

“Akala ko kasi ako na lang ang gising, ako na lang nito mamaya niyan mabubog ka pa” may pag-aalala na sa tinig nito.

“Hindi, ako naman ang may kasalanan eh… array!” Hiyaw ni Mika at tiningnan ang daliri.

“Bakit?”Napansin niyang may tumutulong dugo mula sa daliri ng dalaga. At kinuha ang kamay nito.

”sabi ko na man sa iyo, ako na eh, ang tigas kasi ng ulo mo.”

“huwag kang malikot at tatanggalin ko ang bubog.”

Dahan-dahang tinatanggal ng binata ang dubog sa daliri nito. Kinagat naman ni Mika ang labi para hindi mapahiyaw sa sakit.

“O ayan wala na, halika linisin muna natin ito.”

Nasa sala na sila habang nililinis ng binata ang sugat ng dalaga.

“Maraming salamat ha!” Saad ni Mika pagkatapos malinis ang sugat.

“Wala iyon, teka, bakit nga ba gising ka pa?” tanong ng binata.

Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa iyo… sigaw ng puso niya.

“Hindi ako makatulog, kaya bumaba na lang ako para magtimpla sana ng gatas” sagot ng dalaga sa tanong ng binata.

“Eh, ikaw ba’t gising ka pa?” balik niya sa tanong nito.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 13

04.12.2009
15:46

“This is amazing!” bulalas ni Mika ng mahantad ang itinatagong kayamanan ng masukal na gubat.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita.  Ang taas-taas ng falls at ang tubig nito ay kay linaw-linaw na animoy crystal. Ang gaganda pa ng mga bulaklak at mga halaman na nakapalibot sa lugar. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya ng mga sandaling iyon.

“Alam niyo ba na napakahiwaga ng lugar na ito?” maya-mayay narinig niyang nagkukwento na si Leo.

“Talaga?” sagot naman ni Axel.

“Oo, lahat ng nagpupunta dito at humihiling tungkol sa kanilang pag-ibig ay nagkakatotoo. Hindi lang iyon, lahat ng hinanakit mo, sama ng loob, at galit kapag isinigaw ay mawawala lahat.

Napalingon si Mika sa sinabing iyon ni Leo.

“Saan ako pwedeng sumigaw?” Tanong niya sa binata.

Gulat na napalingon ang dalawang binata sa kanya.

“Ha, ah eh… doon” sabay turo nito sa isang malaking bato.

Tinungo ni Mika ang batong itinuro ng binata.

Wala na mang mawawala sa akin kung maniniwala ako sa kanya. Sabi niya sa sarili habang nakatayo sa batong iyon.

Pumikit muna siya at makailang beses na huminga ng malalim.

Matamang naghihintay si Axel sa susunod na gagawin ng dalaga. Pinanonood niya ang bawat galaw nito. Napansin niyang bigla na lang yumuyugyog ang mga balikat nito habang itinakip ang mga kamay sa mukha. Nagmamadaling pinuntahan niya ito.

Napaiyak si Mika nang maalaala ang ginawa ng ama sa kanila ng kanyang ina. Akala niya ay kaya niyang isigaw sa lugar na iyon ang damdamin para sa amang nang-iwan. Hidi niya pala kayang pakawalan ang galit na matagal na niyang itinatago sa kanyang puso.

“Mika are you alright?” nag-aalalang tanong ng binata nang makalapit sa dalaga.

Iling lang ang isinagot nito sa kanya.

Hinapit siya ng binata at niyakap.

“It’s ok, if you’re not ready, then, don’t do it. There’s a right time for everything.”pang-aalo niya sa dalaga.

“Iiyak mo lang lahat iyan, I’m just here for you”

“I hate him!”sa pagitan ng pag-iyak ay narinig niyang wika ng dalaga.

“Hindi ko siya kayang patawarin” mababanaag sa boses nito ang matinding hinanakit.

“I’m listening.” Saad ni Axel dito.

Kumawala si Mika mula sa pagkakayakap ng binata at pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata.

“I don’t want to talk to him anymore” sabi ng dalaga sabay tayo.

Ngunit mabilis na napigilan ng binata ang kamay nito bago pa man ito umalis.

“Mika, just always remember that I am always here for you. Kung gusto mo ng may makakusap, lapitan mo lang ako, handa akong makinig kung anuman iyon.” Sinserong wika ng binata.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 34

04.12.2009
15:19

Hindi naging tayo kundi tayo talaga dahil hindi naman tayo naghiwalay e.Huwag ka munang mag-isip loves baka sumakit ang ulo mo. Ang isipin mo tayo na ngayon. Iyon ang mahalaga. I love you!

Tama ka nga naman. I love you too.

Madami pa silang pinuntahan. Madali nilang tinapos ang mga dapat gawin para mabigyan nila ng atensyon ang isa’t isa. Ikaapat na araw pa lang na nanduon sila ay kumpleto na ang mga bagay na sadya nila sa Davao kaya kung tutuusin pwede na silang umuwi pero nagdesisyon silang manatili muna sa hotel at ienjoy ang company ng isa’t isa. Matagal ding hindi sila nagkasama kaya sinulit na lang nila. Kapag bumalik sila ng Cebu ay mapipilitan na naman silang pakisamahan ang mga nakatakdang ikasal sa kanila kahit pa wala na silang balak ituloy ang mga kasal na iyon.

Gusto ko mag-extend tayo kahit tatlong araw lang loves.” Hiling ni Mon sa kasintahan.

Ha? Baka magtaka sila.” May pag-aalangang sabi nito.

Dito muna tayo. Gusto ko kasing andito kasama ka. Kapag bumalik tayo ng Cebu hindi ko alam kailan kita masosolo at makakasama ng ganito muli.

Magagawan naman natin ng paraan iyan e.

Talaga? Payag ka na magkita tayo ng palihim doon?

Oo naman. Bakit naman hindi? Nais din naman kitang makasama e.

Mas lalo siyang nasiyahan na nais din pala nitong ipagpatuloy ang pagmamahalan nila sa Cebu kaya hindi na lang sila nag-extend. Pumayag na lang siya na umuwi sila para walang maamoy na kakaiba sina Rian at Melet.

Sinalubong sila nina Rian at Melet sa daungan ng barko ng makauwi na sila.

Hi sweetheart!” Masayang sinalubong ng yakap at halik ni Rian si Micea. Napalingon tuloy si Mon dahil hindi siya payag na nakikipaghalikan ang kasintahan niya sa iba pero wala siyang magagawa kailangan niyang magtimpi.

Hi hon, kumusta ang byahe niyo?” Tanong ni Melet habang nasa sasakyan silang apat.

Ok lang naman. Tulad ng gusto mo. Inasikaso namin iyong mga detalye ng kasal. Si Micea na ang maglalahad ng lahat sa’yo.” Walang kangiti-ngiting sagot naman ni Mon.

Sweetheart may pasalubong ako sa’yo.” Sabi naman ni Micea at ipinakita pa ang mga binili niya kay Rian noong nasa Davao pa sila.

Wow! Thank you sweetheart. Ang sweet talaga ng sweetheart ko.” Hinalikan na naman siya nito kaya naiinis talaga si Mon sa mga ginagawa panananching ni Rian.

Nakarating na ang sinasakyan nila sa bahay nina Rian kaya nagpaalam na sila sa isa’t isa.

Micea, kita na lang tayo bukas para sa presentation mo ha. Magpahinga ka na alam kong napagod ka. Thank you very much.” Bineso pa siya ni Melet.

You’re welcome Melet. Mon, thank you for coming with me, hindi ako masyadong nahirapan dahil sa tulong mo.” Inilahad pa niya ang kamay niya kay Mon. Tinanggap iyon ni Mon at may kahulugan silang nagkatitigan.

Walang anuman iyon. Para sa’yo walang problema.I love you! May kahulugan ang sagot na iyon ni Mon.

Umalis na sina Mon at Melet. Hindi niya maiwasang magselos na kasama ni Melet ang lalaking mahal niya samantalang siya ay palihim lang na nagmamahal dito. Gusto na talaga niyang ipagsigawan na mahal niya si Mon pero hindi pa pwede. Hindi pa daw handa si Mon. Kung siya lang ang masusunod hiniwalayan na niya si Rian kaagad.

Kumusta ang Davao Sweetheart?” Tanong ni Rian sa kanya na yumakap-yakap pa. Naiilang man siya dahil wala na siyang ganang makipaglapit dito ay hindi na lang siya nagreklamo.

Ok lang naman. Hindi naman ako naglakwatsa kaya wala ako masyadong makukwento.

E si Mon, kinulit ka ba?

Hindi naman siya nangulit. Actually he is fine. He helped me.” Totoo sa loob na sabi niya. Nagtangis si Rian sa sinabi niya.

Wala ba siyang kakaibang ipinapakita sa’yo habang nanduon kayo?

Wala naman. Kahit magpakita siya ng kung ano, you already know what I would do. I wanna rest now.

Ok. Pahinga kang mabuti.

Nang nasa kwarto na siya ay nakita niyang ang dami palang message sa cellphone niya. Vibrate mode kasi kaya di naririnig ni Rian na madaming text ang pumapasok sa cell niya.

Mon: ‘I love you loves…very much!’

Mon: ‘Gusto na kitang makita ulit… When pwede?’

Si Mon pala ang kanina pa nagtitext sa kanya. Nagtext sila back and forth.

Micea: I love you too. Ewan ko kailan. Ikaw? Kelan mo gusto?

Mon: Pakichange ang name ko sa cell mo to Bed and I will call you Pillow. Para di mahalata sakaling may makakita sa phone mo.

Micea: Alright my Bed… mwaaahhhh!

Mon: Kita tayo mamaya. Pwede ba? Please!

Micea: Hindi ka ba magpapahinga?

Mon: Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ka katabi.

Micea: Kelan mo ba gustong ipagtapat natin sa kanila? Kasi kung ako ang masusunod, hihiwalayan ko na si Rian para magpakasal na tayo kaagad.

Mon: Sorry loves, pinangako ko kasi kay Daddy ito. Hahanap ako ng tiyempo kasi baka masaktan siya di pa naman maganda ang kalagayan niya ngayon.

Micea: Ok (May halong pagtatampo siyang nararamdaman.)

Mon: Huwag kang mag-alala loves wala na sa isip ko ang ituloy pa ang kasal namin ni Melet. Ikaw lang ang idudulog ko sa altar. Pangako iyan.

Micea: Sabi mo e. Sige pahinga na ako. (Nasasaktan siyang baka matuloy ang kasal dahil para pala sa daddy nito kaya niya ginagawa ito. Hindi muna niya ititext back si Mon. Palipas muna siya ng tampo dito.)

Mon: Galit ka ba sa akin? (Ilang minuto ng naghintay siya sa reply ni Micea pero di na talaga ito nagreply sa kanya. Mukhang nagtatampo ito sa kanya.)

Kinagabihan ay nagtungo si Mon sa bahay nina Rian. Hindi nga lang siya pumasok. Nagmasid lang siya. Tinext niya si Micea.

Andito ako sa labas. Kausapin mo naman ako. Sinabayan pa niya ng miss call para siguraduhing open ang cell nito.

Hindi pa din ito nagreply sa kanya. Mukhang nagtatampo talaga. Mahigit nang isang oras siyang nanduon sa labas pero hindi pa din lumalabas ito. Napansin niyang mukhang tahimik na ang paligid ng bahay nina Rian kaya naisip niyang baka tulog na si Micea. Inisip niyang umuwi na dahil mukhang nagtatampo talaga si Micea sa kanya. Tatalikod na sana siya ng bumukas ang gate.

Loves…” Patakbo itong yumakap sa kanya. Natutuwa naman siyang tinugon ng yakap ito.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 14

02.12.2009
17:47

Jerick’s Side:

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pinuntahan ko kaagad si Larry. Hindi ko alam bakit pero dinasal ko na sana walang nangyari sa kanila ni Kath kagabi. Hindi yata kakayanin ng puso ko kung sakaling magkwento siya. Pero sa isang banda naman alam kung hindi papayag si Kath na mauuna iyon sa kasal kaya may konting confidence ako.

Kumatok ako pero hindi pa din nila binubuksan makalipas ang ilang minuto kaya tinext ko si Larry. Sabi niya na bumili daw siya ng makakain namin sa palengke. Hindi na lang niya kami ginising dahil napakaaga pa daw. Sinabi ko na lang sa kanya na hihintayin ko siya sa loob ng kwarto nila ni Kath. Tulug na tulog pa din si Erika ng iwan ko siya sa kwarto namin.

Nang makapasok na ako ay mahimbing na natutulog si Kath. Napakasarap niyang pagmasdan habang natutulog. Napakapayapa na parang bata. Minsan ngumingiti-ngiti pa.

May nagrebelde sa pagkatao ko dahil hindi ko ginagawa kay Erika ang tingnan at purihin siya habang natutulog. Kay Kath lang talaga. Natutulog ang girlfriend ko sa kabilang kwarto pero heto ako pumupuri ng ibang babae. Feeling ko napakasama ko.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang mukha niya. Ngumiti ito na parang nakikiliti siya sa ginawa ko. I love you. Hiyaw ng puso ko.

Kath’s Side:

Nang magising ako ay nasa gilid ng kama si Jerick. Parang totoo yata ang panaginip ko na hinaplos niya ang mukha ko. Parang narinig ko pa nga na sinabi niyang mahal daw niya ako. Grabe naman ang panaginip ko parang totoong totoo.

Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya sa loob ng kwarto namin ni Larry. Mas lalo akong nagtaka dahil wala si Larry. Hindi kaya si Jerick ang katabi ko kagabi sa pagtulog?

Nagkatitigan kami. Nahiya pa nga ako dahil alam kong hindi ako maayos. Kagigising ko lang kaya.

Good morning Kath.” Bati niya sa akin. Tumikhim ako at tumayo. Ayokong maamoy niya ang morning breath ko nakakahiya.

Good morning din Jerick. Nasaan si Larry?” Tanong ko sa kanya.

May binili lang daw sa palengke. Hindi na niya tayo ginising dahil maaga pa daw.

Bakit di niya ako sinama?

Hindi ko alam e.

Nakakailang naman na kasama ko ito sa kwarto. Baka magselos si Larry nito a.

Nasaan si Erika?

Ayun, natutulog pa.” Sagot niya. Naubusan na ako ng itatanong. Ayoko namang magtanong ng non-sense baka matawa siya sa akin o kaya maging weird ako sa paningin niya. Nais ko pa ding magpaimpress sa kanya.

Pasensya ka na kung pumasok na ako ha.” Narinig kong nagsalita siya kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin. Ang ganda naman ng ngiti niya. MrCloseUp talaga.

Ok lang iyon. Wala naman tayong ginagawang masama e.” Biglang dumating si Larry.

Mhine, gising ka na pala.” Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako. Nakita kong napalingon si Jerick. Napakapassionate naman ni Larry. Hindi kasi tipong bastos o malaswang tingnan iyong mga pahalik-halik niya.

Oo. Ngayon-ngayon lang.

Pre, kami na pala ni Kath. Hindi ko pala nasabi ng pormal kahapon.” Habang payakap na nakahawak sa baywang ko.

Masaya ako para sa inyong dalawa. Alam ko namang dyan din ang punta niyo e.

Kung nakatapos lang ako ng school. Magpapakasal na siguro kami kaagad.

Ha? Grabe ka naman Mhine. Nagmamadali ka yata.” Natawa ako kay Larry.

Oo. Baka maagaw ka pa ng iba sa akin. Hindi ko kakayanin. I love you Mhine.

Huwag kang mag-alala ikaw lang Mhine. Kahit sandamukal pa na mga guys ang nasa paligid. Ikaw lang ang one and only Mhine ko.” Madali yata akong nasanay sa pagtawag sa kanya ng Mhine. Hmmmm!

Naku naiinggit na ako sa inyong dalawa. Puntahan ko muna si Erika baka gising na siya.” Paalam ni Jerick at lumabas na. Hindi pa din bumibitiw si Larry sa pagkakayakap sa baywang ko. Confident na kami sa isa’t isa dahil sa matagal-tagal na din naming pagkakaibigan. Maganda pala ang kalalabasan ng isang relasyon kung nagsimula sa pagkakaibigan. Nasaisip ko habang nakatingin sa kanya.

Jerick’s Side:

Hindi ko yata kaya ang makitang palaging napakasweet nina Larry at Kath. Mamamatay yata ang puso ko kung palaging ganito ang masasaksihan ko. Kath sorry kung hindi ko kayang sabihin sa’yo ang damdamin ko. Inaalala ko lang kasi ang bestfriend ko. Mahal na mahal ka kasi niya. Huwag mo sanang isipin na hindi ka mahalaga sa akin dahil ang totoo ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

Nang makabalik ako sa kwarto namin ni Erika ay gising na ito. Parang umiiyak siya.

Umiiyak ka ba hon?” Takang tanong ko sa kanya.

Hindi napuwing lang ako.” Sagot naman nito na kinusot pa ang mga mata niya.

Erika’s Side:

Nasasaktan talaga ako sa nakita kong paghaplos ni Jerick sa mukha ni Kath. Hindi kasi niya namalayan na sumunod ako sa kanya. Gugulatin ko sana sila sa kwarto nina Larry pero ako ang nagulat sa ginawa ni Jerick. Alam ko mahal pa din niya si Kath kahit pa sinasabi niyang ako ang mahal niya. Magpapakatanga ba ako sa relasyon na ito? Gising Erika! Hindi ikaw ang tipong nagpapakatanga sa pag-ibig. Tingnan natin Jerick kung sino ang magiging tanga sa relasyon na ito.

Kath’s Side:

Kinahapunan ay umuwi na kami. Ang saya-saya ko talaga. Nag-enjoy akong kasama si Larry at mas nag-enjoy ako nuong paggising ko ay si Jerick ang nasilayan ko. Kahit panaginip lang na sinabi niyang mahal niya ako at hinaplos niya ang mukha ko ay ok lang at least nakasama ko siya.

Parating ang foundation day ng school. Puspusan ang practice nina Larry dahil sa matindi na naman ang magiging kalaban nila. Nanduon lang ako nakasuporta sa kanya at palihim para kay Jerick.

Sa pagdaan ng mga araw ay napapansin namin na parang nagkakalabuan sina Jerick at Erika. Unti-unti kasing nagbago ang ugali ni Erika. Simula noong manalo siya bilang president sa SBO at madami ang nakakakilala sa kanya ay parang lumaki ang ulo niya. Madami kasi ang humahanga sa kanya hindi lang dahil sa magaling siyang mamuno kundi sa taglay niyang ganda. Kahit sinu-sinong lalaki ang sinasamahan niya. Naaawa na lang kami ni Larry kay Jerick dahil nagbubulag-bulagan lang ito sa nakikita. Sila pa din daw kasi kahit sa tingin namin ay parang naging syota ng bayan ang girlfriend niya.

Foundation day ng school. Kasalukuyang naglalaro ang team laban sa team ng Iligan na naman. Madalas kasing magkahamunan ang mga coach ng dalawang team. Magkaibigan kasi sila kaya laging nagpapagalingan.

Mhine, good luck ha.

Thank you Mhine. Mamasdan lang kita ay ok na. Dyan ka lang ha.” Sabi naman niya at pumunta na siya sa grupo nila.

Nanduon lang kami sa gilid ni Jessa. Todo suporta kami sa kanilang lahat lalong lalo na kay Larry at Jerick. Hindi ko maiwasang maawa kay Jerick. Naging martir kasi ito sa pagmamahal kay Erika. Siguro kung ako ang minahal niya never kung gagawin ang mga ginagawa ni Erika sa kanya. Dahil siguro kung ako ang gumawa noon sa kanya isang attempt ko pa lang hiniwalayan na niya ako kaagad.

Anong iniisip mo dyan?” Siniko pa ako ni Jessa. Hindi kasi ako nakapokus sa laro kundi sa pag-iisip kay Jerick.

Iniisip ko lang bakit kaya nagawa ni Erika kay Jerick ang ganun? Pinagmumukha niyang kawawa ang MrCloseUp ko.

Hoy may boyfriend kang tao iba ang iniisip mo.” Pinandilatan niya ako.

Hindi ko lang kasi maiwasang maawa sa kanya. Kung sana’y ako ang minahal niya hindi sana siya masasaktan ng ganyan.

Kath, pakinggan mo nga ang sinasabi mo. May boyfriend kang tao… Paano na si Larry? Mahal mo ba talaga si Larry?” Natakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko akalain na sasabihin ko iyon. Nadala talaga ako ng awa kay Jerick. Tama siya mahal ko nga ba talaga si Larry? Ang sabi ng isip ko mahal ko si Larry pero iyon ba talaga ang sinisigaw ng puso ko?

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 33

02.12.2009
04:30

Mahal na mahal kita Micea.” Paulit ulit nitong sambit. Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya. Pilit niyang pinapagana ang isipan para tumutol dito. Wala siyang lakas para sabihin ditong hindi niya dapat ginagawa iyon dahil ikakasal na siya.

Sabihin mo lang na hindi mo ako mahal at titigil na ako sa pangungulit sa’yo. Sabihin mong ayaw mo sa akin at lalayo na ako sa’yo.” Nakayakap pa rin ito sa kanya. Gusto niyang sabihing hindi niya mahal ito at ayaw niyang makita na ito pero hindi niya kayang ilabas. Silang dalawa lang ngayon. Pwede niyang pagbigyan ang sariling damdamin kung nanaisin niya. Pwede niyang sabihin dito ang totoong laman ng puso niya. Huwag kang padalos-dalos ng desisyon Micea. Mag-isip ka. Sigaw ng utak niya. Mahal kita Mon. Tanging hiyaw ng puso niya.

Nanalo ang puso niya dahil hinawakan niya ang dalawang bisig nito na nakahawak sa kanya at niyakap ang mga iyon. Hudyat na gusto niyang higpitan pa nito ang yakap niya. Niyakap siya ng mahigpit nito. Pinaharap siya nito at inangkin ang mga labi niya.

Nagising siya kinabukasan dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Hindi muna niya sinagot dahil si Rian ang tumatawag. Naguiguilty pa siya dahil may nangyari sa kanila ni Mon. Baka hindi kaya ng konsensya niyang magsinungaling kay Rian at masaktan niya ito.

Nasulyapan niyang mahimbing pa ring natutulog si Mon kaya hinimas niya ang mukha nito. Habang nakatitig dito ay hindi niya maiwasang maisip kung bakit parang hindi unang karanasan niya ang nangyari sa kanila kagabi. Bakit parang naisuko na niya sa iba ang pagkababae niya? Pero kanino naman kaya?

Mahal kita Mon.Nagawa kong magkasala dahil sa pagmamahal na iyon. Dagdag pa ng isip niya. Nagising ito at ngumiti sa kanya. Niyakap siya nito.

Good morning. I love you loves.

Naguiguilty ako sa nangyari sa atin Mon. Hindi dapat. Mali iyong nangyari sa atin.” Sabi kaagad niya rito.

Kailanman hindi naging mali ang pagsunod mo sa sigaw ng puso mo.” Sagot naman nito.

Pero Mon ikakasal ka na. Ikakasal na din ako. Paano na ito?

Ililihim muna natin sa ngayon ang sa ating dalawa. Mas mahalaga ngayon na tayo na at walang makakapagpahiwalay sa atin kahit ang lolo mo pa. Sasabihin din naman natin sa kanila sa tamang panahon. Huwag kang mag-alala hanggat kasama mo ako walang mananakit sa’yo.” Napangiti siya sa sinabi nito. Nadama kasi niyang napakasafe niya sa mga bisig nito. Tinugon niya ang yakap nito na walang pag-aalinlangan. Hindi naman maiwasang maisip ni Mon na sa pangalawang pagkakataon ay dapat itago nila ni Micea ang relasyon nila. Bakit kaya sa tuwing naeengage siya kay Melet ay nagiging sila ni Micea? Naitanong niya sa sarili.

Mahal na mahal kita Mon.” Hindi nakaligtas kay Mon ang parang naguguluhang mga tingin niya.

May gumugulo ba sa’yo?

Nakakahiyang sabihin e.

Bakit naman? Ano ba iyon?

Nahihiya ako sa’yo. Akala ko kasi ikaw ang magiging unang lalaki sa buhay ko pero parang hindi yata.

Anong ibig mong sabihin?

Feeling ko hindi iyon ang unang karanasan ko ang nangyari sa atin kagabi.” Nagdalawang isip si Mon kung sasabihin ba niya rito na siya pa rin ang lalaking nakaangkin sa kanya noon. Ang kauna-unahang karanasan niya.

Walang problema sa akin. Tanggap kita ng buung-buo loves.” Hindi na lang niya sinabi. Ayaw niyang mag-isip ito at baka atakihin ito ng sakit ng ulo.

Mahal na mahal kita Micea. Hinding hindi kita kayang kalimutan.” Habang nakahiga pa rin sila ay nasabi niya rito.

Mahal na mahal din kita Mon. Wala man akong naaalala pero sigurado ako doon.” Sagot naman nito na ikinatuwa ni Mon ng labis. Alam kasi niyang hindi nagsisinungaling ang puso ng kasintahan niya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Micea kaya umupo ito at sinagot iyon. Bumangon din si Mon at yakap-yakap siya habang kausap si Rian.

Hello!

Sweetheart kumusta ka na dyan?

Ok lang ako dito. Ikaw anong balita dyan?

Wala naman. Namimiss na kita. Tinawagan kita kanina hindi mo nasagot bakit?

Napagod talaga ako kahapon. Sakit ng mga paa ko kaya hayun kahit narinig ko hindi ako nakabangon kaagad.” Pagdadahilan niya. Gusto niyang mapasinghap dahil hinahalikan siya ni Mon sa may leeg. “Nakahigh heels kasi ako kahapon tapos ang dami naming pinuntahan.

Ah ganun ba. Sige magpahinga ka na ulit. Mahal na mahal kita sweetheart.

Mahal din kita. Bye.” Hindi man lang niya magawang tawagin ito ng sweetheart. Nang ibaba na niya ang telepono ay hinarap niya si Mon at hinalikan kaagad siya nito.

Kailanman hindi ako nagsisising mahalin ka Mon. Napapasaya mo ako palagi.” Totoo sa loob na nasabi niya rito.

Mahal na mahal kita Micea. Ikaw ang bumubuo ng araw ko.”Totoo din sa loob na sabi ni Mon.

Kailangan na nating magbihis at ayusin ang mga dapat pang ayusin.” Tumayo na ito pero hinila siyang pabalik ni Mon.

Bukas na lang natin gawin iyon loves. Please!

Hindi pwede Mon. Baka makahalata si Melet kung wala akong irereport sa kanya kaya bumangon ka na dyan. Ayokong mabuko nila tayo Mon. Mali man pero gusto kong tayo.

Napangiti ang binata sa sinabi niya kaya ayaw mang gawin ni Mon ay ginawa na lang niya. Tama naman kasi si Micea baka makahalata sina Melet na may namamagitan na naman sa kanilang dalawa at magkagulo pa. Hindi pa siya handa para harapin silang lahat. Masyado siyang masaya para makipaglaban sa kanilang lahat. Ayaw din niyang maguluhan si Micea. Baka lumala ang sitwasyon nito.

Pumunta sila sa flower shop at isa-isang tiningnan ni Micea ang mga bulaklak doon. Gusto na sana niyang itigil ang ginagawa dahil sigurado siyang hindi na naman matutuloy ang kasalang ito. Hindi na siya papayag na makasal pa sa iba ang lalaking minamahal.

Mahal kita!” Habang kinukumpara niya ang mga kulay ng bulaklak ay bumubulung-bulong si Mon sa kanya.

Tama na iyan ano ba? Nakikiliti ako sa’yo. Tsaka baka may makakita.” Saway niya dito. Naguluhan siya dahil parang nangyari nang sinaway niya minsan si Mon nang halikan siya nito sa pisngi. Hindi niya maalala ang lugar na iyon pero parang nangyari na talaga.

Hindi nakatakas sa paningin ni Mon ang naguguluhan niyang mukha at nakakunot na noo.

Bakit loves? May problema ba?” Takang tanong nito.

Parang nangyari na kasi ito noon e. Iyong sinasaway kita palagi dahil sa mga pahalik-halik mo.

Madaming beses na naman talaga itong nangyari e. Noong dinadalaw-dalaw pa kita sa bahay niyo. Hindi napigilan ni Mon na maisagot kaya nagsisi siya.

Sa bahay namin? Saan?

Sa bahay ng lolo mo. Lagi kitang dinadalaw doon e.

Ah ganun ba. So it means naging tayo?

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 11

02.12.2009
04:03

Ang mabining simoy ng hangin ang nagpagising kay Mika kinaumagahan. Hindi siya nahirapang bumangon ng maaga dahil nakasanayan na niya iyon. Iniunat niya ang kanyang mga braso habang naghihikab at iyon ang nadatnan ni Axel nang pumasok siya sa silid ng dalaga.

“Good morning!” bati nito sa dalaga.

Nagulat ang dalaga ng makita si Axel. Mabilis nitong nahablot ang kumot sa kanyang paanan at ibinalot sa katawan.

“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba marunong kumatok?” ngali-ngali na niya itong batuhin ng unan.

“Hay, naku Miss na maganda, kumatok po ako, baka hindi mo lang narinig” sagot nito habang inilalapag sa harap niya ang isang tray na puno ng pagkain at prutas, may bulaklak pa ito na nasa vase.

“Ano yan?” kahit alam niyang pagkain ay tinanong niya pa rin ito.

“Pagkain” maikling tugon nito.

“Alam kong pagkain, pero ano ang ibig sabihin niyan? Bakit ka nagdala ng pagkain dito?” usisa niya sa binata.

“Breakfast in bed” nakangiting saad nito.

“Hindi ba ipinangako ko sa iyo na magiging memorable ang pag stay mo dito. Kaya heto, pinaghanda kita ng pagkain.”

Natouch si Mika sa ginawang iyon ng binata.

“Pwede namang sa kusina na lang ako kumain ah,”

“Hayaan mo na ako, gusto kong asikasuhin ka eh. Sige na kumain ka na at marami pa tayong papasyalan.”

“Huwag mo akong sasanayin sa ganito, baka hahanap-hanapin ko.”

“Iyon nga ang gusto ko…ang hanap-hanapin mo…”

Kung pwede lang sana…sabi ni Mika sa sarili.

Nakita ni Axel na biglang lumungkot ang mukha ng dalaga sa sinabi.

“O sige ubusin mo na iyan, ha, ako’y maghahanda na rin.” Pag iiba niya sa usapan, ayaw niyang mawala na naman sa mood ang dalaga kapag inusisa niya pa ito.

“Magbihis ka na rin pagkatapos mo diyan, babalikan kita rito after an hour” sabi nito sabay talikod.

“Ah, Axel” narinig niyang tawag ng dalaga.

“Yes?”

“Thank you”

“Don’t mention it, you’re my visitor here. And besides I promised to your mother that I would take good care of you.” At tuloy-tuloy na itong lumabas na kanyang silid.

Laglag ang balikat ni Mika pagkarinig ng sinabing iyon ni Axel.

Akala ko pa naman ay may nararamdaman na siya sa akin, dahil sa espesyal na treatment niya. Iyon pala ay dahil bisita niya ako at dahil sa pangako niya sa nanay ko…

Ano ba iyang pinagsasabi mo Mika? Sigaw ng isip niya.

Baka nakakalimutan mo nang si Axel ay para kay Julie?

Biglang natauhan si Mika nang marinig ang munting tinig na iyon. Muntik na niyang nakalimutan ang matalik na kaibigan. Nakokonsensiya siya sa iniisip. Naalala niya na tatawagan niya nga pala ito. Kinuha niya ang cellphone sa bag at idinayal ang number nito. Ngunit out of coverage area ang kaibigan. Sinubukan niya uli, ngunit ganun at ganun pa rin ang sinasagot ng operator.

Lowbat siguro or hindi kaya’y naka-off ang cellphone nito. Mamaya ko na lang ulit siya tatawagan. Sabi niya sa sarili. Nagpasya siyang maligo na lang at maghanda sa pamamasyal nila ni Axel.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Treasure of Mine Chapter 10

01.12.2009
02:45

Hindi maitago ni Mika ang takot at nerbiyos na nararamdaman ng lulan na sila ng eroplano. Kitang kita sa kanyang mukha, namumutla na siya ng magsimulang umangat ang eroplano sa himpapawid. Napakapit siya sa bisig ni Axel habang nakapikit.

Nagulat si Axel ng maramdaman niyang biglang napayakap ng mahigpit ang dalaga sa kanyang braso.

“Are you ok?”nag-aalalang tanong niya dito.

Iling lang ang isinagot ng dalaga dahil sobra na itong naliliyo.

“Ok, just relax, I’ll call for an assistance” at sinenyasan nito ang stewardees na nakita.

“Hindi ko na kaya” ang naghihinang wika ng dalaga habang tutop nito ang bibig.

“Wha…”hindi na naituloy ng binata ang sasabihin dahil nasukahan na siya ni Mika.

“Oh my…..”biglang napatayo ang binata..

Siya namang paglapit ng stewardees na tinawag.

“What happened sir?’ tanong nito.

“Nahihilo itong kasama ko at sumuka. Pls, take care of her… I’ll just clean up myself.” Sabi niya dito at tinungo na ang restroom para maglinis.

Pagbalik ni Axel sa upuan nila ni Mika ay naabutan pa rin niya ang stewardees, may ipanapaamoy ito na kung ano sa dalaga.

“Don’t worry about your girlfriend Sir, she will be alright. Pinainom ko na siya ng gamot para sa pagkaliyo at pinaamoy ko na rin siya ng white flower. Just let her rest.” Saad ng stewardees at magalang na itong nagpaalam sa kanya.

Napagkamalan pa kaming magnobyo… napangiti si Axel sa isiping iyon.

Walang ginawa si Axel sa buong byahe nila kundi ang titigan ang napakaamong mukha nito.

“My angel” bulong niya dito.

“Wake up sleepy head” mahinang pukaw ni Axel sa dalaga. Ayaw man niyang gambalain ito ay kailangan.

Unti-unti namang idinilat ni Mika ang kanyang mga mata. Napansin niyang nakayakap ang kamay ni Axel sa kanya, habang siya naman ay nasa dibdib nito.

Bigla siya napaupo ng tuwid.

“Nasa Zamboanga na ba tayo?”tanong niyang ngunit nanatitiling nakayuko. Nahihiya siya sa binata.

“Oo, tayo na nga lang ang natitira rito sa loob ng eroplano”. Saad nito

“Ha?”Gulat na sabi niya. Napalinga siya sa paligid, at nakitang wala na ngang naiwan doon maliban sa kanila.

“Ba’t hindi mo man lang ako ginising?” paninisi niya pa sa binata.

“Nakakahiya na man kasi kong gigisingin kita, para ka kasing anghel eh.” Saad nito

Namula ang dalaga sa sinabing iyon ng binata.

“Ang mabuti pa ay bumaba na tayo at siguradong nasa ibaba na ang sasalubong sa atin.” Yaya nito sa dalaga.

“Hanggang kailan ba tayo dito?” tanong ng dalaga ng makababa na sila

“Kadarating pa nga natin, ay iyan kaagad ang itinatanong mo” may pagtatampong sabi nito.

“Hindi naman sa ganun kaya lang…”wala siyang maisip na idadahilan.

“Kaya lang ay ano? Ang mabuti pa’y huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa, mag enjoy na lang tayo. Remember this is your vacation, hayaan mo, sisiguruhin kung magiging memorable sa iyo ang mga sandaling ilalagi mo dito. Pangako iyan,” seryosong wika nito sa kanya.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga.

“Sige na nga” anang ni Mika.

“That’s my girl” ang malakas na bulalas ni Axel.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 32

01.12.2009
01:08

Nasa Davao na sila. Kahit nagkakailangan ay hindi ipinakita ng dalawa. Ipinapakita pa rin nila na trabaho lang at walang personalan kung bakit sila magkasama.

Naghotel si Micea samantalang umuwi muna si Mon sa bahay nila. Makaraan ang isang araw ay naghotel na din si Mon. Lingid sa kaalaman ni Micea na kumuha din ng kwarto si Mon sa hotel na tinutuluyan niya. Gusto kasi ni Mon na palaging malapit dito.

Sino iyan?” Nagising siya dahil sa isang katok. Tiningnan niya ang orasan. Alas siyete pa. Sino naman kaya itong napakaaga e nambubulabog na?

Si Mon ito Micea.” Sagot naman nito.

What? Anong ginagawa niya rito ng napakaaga? Sandali. Hindi ako maayos e.” Nakanightie lang kasi siya na maikling maikli. Madali siyang nagtoothbrush at binilisan ang pagbibihis ng pajama. Hindi pa kasi niya feel ang magbihis ng normal na damit.

Bakit?” Tanong niya kaagad ng mabuksan niya ang pinto. “Pasok ka.

Sabay na tayong magbreakfast.” Nakangiti pang saad nito.

I am not really a morning person and I usually skip breakfast.” Nahihiya pa niyang tugon dito. Ayaw kasi niyang tanggihan pero hindi naman niya kayang paunlakan.

It’s ok. Samahan mo na lang ako.” Pasimpleng pamimilit ni Mon.

Mag-order ka na lang. Tinatamad ako e. Dito ka na lang kumain.” Sabi nito sabay punta sa kama niya at nahiga ulit.

Ok.” Dinial na nito ang front desk ng hotel at ikinonect siya sa restaurant. Pagkatapos mag-order ay umupo na din siya sa kabilang side ng kama ni Micea. Minamasdan niya ito. Napakaganda mo naman talaga loves kahit pa hindi ka mag-ayos.

Nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha nito. Bahagyang gumalaw ito. Nakiliti siguro sa paghaplos niya. Ilang minuto na niyang pinagmamasdan ang dalaga pero hindi pa rin siya nagsasawa. Sinuri niya ang kabuuan ng mukha nito at talagang lahat ng iyon ay napakasarap titigan. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at tumabi siya ng higa dito. Kinuha niya ang ulo nito ng dahan dahan at inilagay sa bisig niya habang hinihimas niya ang balikat nito. Bigla siyang niyakap nito kaya mas lalo siyang nasiyahan.

I love you’ Palagi niyang ibinubulong rito.

Biglang tumunog ang cellphone nito kaya napabalikwas ng bangon. Nagulat man ito sa posisyon nila ay mas binigyang atensyon nito ang pagsagot sa cellphone niya.

Hello!

Hi sweetheart kumusta ka na?

I’m very fine sweetheart. Ikaw? Miss na kita.” Paglalambing pa niya sa kasintahan.

Ok lang din ako sweetheart. Bilisan mo na dyan para makauwi ka na dito.

Oo nga. Hindi ako magsasayang ng oras. Gagawin ko na ang lahat ng mga kailangang ayusin tapos uuwi na din ako dyan. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita sa umaga.

Namimiss na din kita sweetheart.” Nagkiss pa ito.

Miss na miss na miss na missssssssss….na talaga kita.” At nagkiss back din siya dito.

Nakikinig lang si Mon sa kanila na basag na basag ang puso. Nagpasalamat ito ng ibaba na ni Micea ang cellphone niya. Hindi niya kakayanin pang marinig ang paglalambingan ng dalawa habang siya ay tahimik na nasasaktan.

Dumating na ang pagkain na inorder niya at kinain na niya ito.

Shower muna ako Mon para makaalis na tayo.” Paalam ni Micea sa kanya kaya naexcited tuloy siya. Tulad noong nagtanan sila ay dinalangin niya na sana lumabas itong nakatuwalya lang. Hindi siya nabigo dahil nang lumabas ito ay nakabalot lang talaga ng tuwalya ang katawan kaya mas lalong nagising ang pagkalalaki niya. Kung hindi siguro matatag ang isip niya ay sinugod na niya ito ng yakap at halik pero hindi dahil nirerespeto niya pa rin ang minamahal.

Kumuha ito ng mga damit at pumasok ulit sa bathroom at doon nagbihis. Nang lumabas ito ay hangang hanga talaga siya sa kaseksihan nito. Nakashorts lang kasi ito, nakasleeveless na blouse at nakahigh heels.

Tara na.” Anyaya nito at nauna nang lumabas.

Madami silang pinuntahan na lugar. Mga hotels, resorts at mga lugar na maaring magandang pagdausan ng reception. Sinuri-suri talaga ni Micea ang lahat ng lugar. Napakametikulusa talaga nito pagdating sa lugar. Dapat daw kasi ay romantic ang lugar at perfect dahil ang isang babae ay minsan lang kung ikasal kaya dapat ibuhos lahat ng atensyon hindi lang sa malalaki kundi sa maliliit at importanteng detalye.

Nagpunta din sila sa simbahang pagdadausan ng kasal. Tiningnan nito at plinano kung ano at paano gagawin ang decorasyon sa araw ng kasal. Para pa nga itong bride minsan na naglalakad-lakad pa at iniimagine kung paano at saan lulugar si Melet sa simbahan para makita ng lahat. Lahat ng detalye isinusulat din niya o minsan dinodrawing pa.

Gabi na kaya umuwi na sila. Masyadong napagod silang dalawa sa dami ng pinuntahan kaya paika ika kung maglakad si Micea sa pagpanhik sa kwarto niya. Naka high heels din kasi siya kaya sumakit ang paa niya sa kalalakad.

Papasok na silang dalawa sa kwarto niya ng matisod siya at matulak si Mon. Bumagsak silang dalawa sa sahig. Nadaganan ni Micea si Mon. Kahit nasaktan siya ay hindi niya pinansin. Tinitigan lang niya ang kasintahan na nakatitig din sa kanya. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha dito at hinawakan niya ang mukha nito. Hahalikan na niya sana pero tumayo ito.

Gusto ko nang magpahinga. Kita na lang tayo bukas.” Nakayukong sabi nito.

Ok.” Tanging nasabi niya at tumayo na. Dire-diretso ay lumabas siya ng kwarto nito. Mabigat ang loob na tinungo niya ang inookupang kwarto.

Gusto niya na sanang sabihin sa kasintahan ang pagmamahal niya rito at nang maangkin na niya ulit ito pero hindi pwede dahil ikakasal na siya. Pinangako niya ito sa daddy niya kaya pangangatawanan niya kahit pa nagdurusa siya. Naisip din niya kung siguro naaalala siya ni Micea sila sana ngayon at habang buhay na magkakasama. Kahit hindi siya naaalala ng kasintahan kung hindi lang sumingit at nagpanggap si Rian ay okay lang din sana. Unti-unti niyang maipapakita dito ang nakaraan nila.

Sa mahabang pag-iisip ay nahagilap niya ang sarili na pabalik sa kwarto ni Micea. Bukas ang pintuan ng pihitin niya ang door knob kaya pumasok na siya.

Micea’ Side:

Iniisip pa rin niya ang muntik nang paghalik ni Mon sa kanya. Kung mahina ang isip niya ewan na lang niya kung ano ang nangyari. Hindi dapat ako padadala, pareho kaming committed at ikakasal na kaya walang dapat mangyari sa amin. Andito ako para sa trabaho hindi para agawin ang groom.

Biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Napasinghap siya. Alam na alam niya kung kanino ang mga bisig na iyon. Hinawi nito ang buhok niya patungo sa kaliwang balikat niya at hinalik-hinalikan ang leeg niya.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


  • Share/Bookmark

Tayo Hanggang Huli Chapter 31

30.11.2009
00:08

Nagpaalam kaagad siya kay Mon ng makarating sa bahay nila. Napansin kasi niya na nasa labas na ang motorsiklo ni Rian kaya siguradong nakarating na ito. Ayaw niyang may ibang mahalata si Rian.

Naging madalas ang pagkikita nina Mon, Melet, Rian at Micea dahil sa project na hinahandle ni Rian. Palagi kasi siyang isinasama ni Rian kahit pa madalas siyang tumanggi rito ay hindi pa din siya nananalo. Panay din ang meeting nila para sa detalye ng wedding nina Mon at Melet. Inis at selos man ang palagi niyang nararamdaman sa tuwing magkasama silang tatlo ay ipinapakita pa rin niya na professional siya at hindi siya affected sa nakikita.

Hiniling ni Melet isang araw na pumunta si Micea sa Davao para naman maasikaso na niya ang simbahan at reception. Gusto kasi niya na doon na idaos ang kasal nila. Sa lugar ng lalaking mahal na mahal niya.

Ok lang naman Micea di ba?” Pagsisiguro pa nito. Kasalukuyang kumakain silang apat ng dinner.

Magpapaalam lang ako sa trabaho. Sana payagan nila ako. Madami kasi kaming inaasikaso ngayon e. Pero ok lang sa akin.

Sasamahan ka naman ni Mon e.

What?” Halos sabay na napatanong sina Micea, Mon at Rian.

Bakit anong problema doon?” Painosenteng tanong nito.

Bakit kasama ako? Paano na ang inaasikaso nating project dito?” Tutol ni Mon sa gustong ipagawa ni Melet.

Mon, I can manage it. Isang linggo lang naman tapos kailangang may mag-asikaso noong kasal natin. Di ba I gave you the wedding to manage?

Pero Melet. Mahalaga din ang ginagawa nating pagpapatayo ng mall.” Tutol pa din niya.

Mon, katulong ko naman si Rian e. Kailangan ni Micea ng makakatulong doon. Hindi naman pwedeng si Rian ang sumama sa kanya dahil kailangan ko siya dito.

But you never said it before Melet.” Ibinoses na ni Micea ang pagtutol.

I said it now.” Halos kainin na siya sa galit ni Mon. Nakita ni Micea na kinuyom na lang ni Mon ang kanyang kamao at nagtangis ang mga ngipin dahil sa galit.

Excuse me.” Tumayo si Melet. Sinundan siya ni Rian.

Melet at Rian:

Anong ginagawa mo Melet?” Galit na bungad kaagad ni Rian pagkalabas nila ng restaurant. “Anong gusto mong palabasin? Alam mo namang hindi pwedeng pagsamahin ang dalawang iyan di ba? Baka magkabalikan sila.

Rian, relax ka lang. Alam ko ang ginagawa ko. Masakit man sa akin pero kailangan kong gawin ito.

Bakit kailangan mong gawin ito?

Gusto kong masuri kung ano ang damdamin ni Mon sa akin bago pa kami makasal. Kung magkabalikan sila ibig sabihin ni minsan hindi nila tayo minahal. Payag ka bang makasal sa babaeng hindi ka kailanman minahal?

Wala akong pakialam kung mahal niya ako o hindi ang importante akin siya.

Kasakiman iyan Rian. Dahil ilang beses mo mang ilayo si Micea kay Mon kung mahal niya talaga ito wala tayong magagawa. Babalikan at babalikan nila ang isa’t isa.

Hindi ako makakapayag.

Nagtatrabaho sa akin si Micea kaya may obligasyon siya na sundin ang gusto ko payag ka man o hindi. Galit na umalis na lang si Rian sa harapan ni Melet.

Nasasaktan din naman siya ng labis sa ginagawa niyang paglalapit ng dalawa pero kailangan niyang gawin. Hindi siya dapat magbulag-bulagan sa katotohanan. Alam niyang mahal pa rin ng dalawa ang isa’t isa. Handa na siya anuman ang maging bunga ng ginagawa niyang ito.

Mon at Micea:

Micea, I’m sorry sa ginagawa ni Melet.” Hinging paumanhin ni Mon.

It’s alright Mon. Nabigla lang ako kanina. Trabaho lang ito walang personalan kaya ok lang.

Hindi ko alam anong pumasok sa utak niya at ginagawa niya ito.

Well, tama naman siya. Dapat isa sa inyo ang magiging katulong ko sa wedding ninyo.

Pero dapat siya iyon. Siya ang babae.

Ok lang Mon. Huwag na nating gawing problema kasi hindi naman talaga ito problema e. Hindi naman ako tutuloy sa bahay niyo kaya wala naman sigurong masama doon.

Let’s go Micea.” Galit na dumating si Rian sa mesa at hinila siya.

Bye Mon.” Hindi na siya nagtanong. Alam niya kung bakit nagagalit ito.

Rian at Micea:

Nakarating sila sa bahay nina Rian na hindi man lang kumikibo si Rian.

Sweetheart, ok lang iyon. Huwag ka nang magalit. Trabaho lang ito.

Hindi e. Sinasadya ni Melet ito.

Wala naman akong makitang dahilan para sadyain niyang paglapitin kami ng mapapangasawa niya. Anong rason niya?

Mahilig maglaro si Melet Micea. Hindi ako papayag na umalis ka kasama si Mon.

Rian, trabaho ko ito. Promise ikaw at ikaw lang… Matagal na ang relasyon natin nagdududa ka pa din ba sa akin? Na maghahanap ako ng iba?” Naguguluhang tanong niya kay Rian.

Hindi sa ganun Micea. Nagtitiwala ako sa’yo. Kay Mon wala akong tiwala doon.

Rian a relationship is composed of two people. If one doesn’t agree it is not considered a relationship. Kaya kahit anong gawin ni Mon kung ayaw ko wala ding silbi.

Pero Micea, ayokong mawala ka sa akin.

Hindi ako mawawala. Sa’yo lang ako Rian.

Mon at Melet:

Pagdating nila sa hotel na tinutuluyan nila ay kumuha ng isang kwarto si Mon at nagkulong doon. Hindi niya kayang kausapin si Melet. Halatang-halata ang ginagawa nitong paglalaro sa damdamin niya.

Kinabukasan ay kumatok si Melet kaya binuksan na lang niya ito. Kahit naiinis man siya sa ginagawa nito ay naisip niya na pabor sa kanila ni Micea iyon. Baka makaalala pa si Micea kapag madalas silang magkasama.

Hi hon, sorry kung hindi ko pinagpaalam sa’yo ang plano ko. Kung gusto mo ako na lang ang sasama kay Micea?” Pakumbabang sabi nito.

Huwag na. Ok lang kung ako ang sumama sa kanya. Wala na namang namamagitan sa amin e at trabaho lang niya iyon.” Walang ngiti sa labi na sagot niya.

Makalipas ang dalawang linggo ay papunta na sila ng Davao. Pinayagan kasi si Micea ng amo nito ng isang linggong bakasyon kahit hindi pa pagbabakasyon ang pakay nito. Hindi man nilabas ni Mon pero masayang masaya siyang makasamang muli ang kasintahan.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark
« Older Entries
Powered by WordPress and Artsavius Theme