“Kaya hayaan mo akong tulungan ka na gamutin ang sugat sa iyong puso.” Sabat ni Axel sa usapan ng dalawa.
“Anong ginagawa mo rito? Tanong ni Mika.
“Nandito ako para pawiin ang pighati na iyong nararamdaman.”
“Hindi mo kayang burahin ang galit ko sa aking ama.”
“Kaya ko kung hahayaan mo lang akong makapasok diyan sa puso mo. Kahit konting puwang lang ang ibigay mo para sa akin, gagawin ko ang lahat mapalitan lang ng pag-ibig ang nararamdaman mo.”
“Mahihirapan ka lang” pagmamatigas pa rin ng dalaga.
“Kaya kong tiisin gaano man ito kahirap.”
“Pero, hindi kita kayang mahalin”
Nilapitan ng binata ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito.
“Alam kong mahal mo ako Mika, nararamdaman ko, nitong puso ko” at dinala niya ang kamay ng dalaga sa kanyang dibdib.
Ramdam ni Mika ang tibok ng puso ng binata.
“Ngunit paano kita mamahalin kung ako mismo ay takot magmahal?” lumuluhang saad ng dalaga.
“Palayain mo ang sarili mo Mika, palayain mo ang puso mo. Huwag kang matakot masaktan, huwag kang matakot magmahal,, dahil natural lang sa isang umiibig ang nasasaktan.”
“Baka iwan mo rin ako tulad ng tatay ko. Ayokong matulad kay inay kaya takot akong magmahal” pag-amin niya sa kinatatakutan.
“Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Mika, hinding-hindi kita iiwan. At kahit na anong mangyari ay hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko.”
Hindi na napigilan ni Mika ang sarili. Niyakap niya ang binata. Hindi niya na kayang sikilin pa ang nararamdaman niya para dito. Panahon na siguro upang palayain niya ang sarili sa masasakit na pangyayaring nagdaan sa kanyang buhay. And this time she was going to open her heart…for good.
“Aheeermmm!” putol ni Julie sa masayang tagpong iyon. “Mukhang nakalimutan niyo na yata ako ah!”Kunwari’y pagtatampo nito.
Binalingan naman siya ng dalawa at sinugod siya ng yakap ni Mika.
“Thank you so much sis. Isa ka talagang tunay na kaibigan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito.” Naluluhang saad ni Mika.
“Basta ikaw Mika. And remember that you’re always be the dearest friend of mine.” tugon niya sa kaibigan.
Masaya silang bumalik ng Maynila. Pagdating nila doon ay agad na ipinakilala ni Mika sa ina ang nobyo. Buong puso naman siyang tinanggap ng ginang. Agad ding nagpaalam ang binata sa ina ng dalaga na gusto niyang pakasalan ang anak nito sa lalong madaling panahon. Hindi naman tumutol ang matanda, ibinigay niya ang kanyang basbas sa dalawang nagmamahalan.
“Thank you so much, love.” Wika ni Mika ng iwan na sila ng ina.
“For what?” sagot ng binata
“Thank you for loving me, for wanting to share the rest of your life with me. And most of all, thank you for teaching me how to love and to forgive.” Madamdaming saad ng dalaga.
“You don’t have to thank me. Having you here in my life is a big treasure of mine…”
Pagpasok ni Julie sa silid nila ni Mika ay nakita niya itong nakahiga patagilid. Hindi siya nito napansin. Nang kanya itong lapitan ay nakita niyang yumuyogyog ang mga balikat nito. Alam niyang umiiyak ang kaibigan. Kailangan niya na itong makausap ng masinsinan.
“Sis, umiiyak ka ba” tanong niya rito.
“Alam kong gising ka pa, kailangan nating mag-usap.” dugtong niya.
Napilitang bumangon si Mika. Mugtong-mugto na ang kanyang mata.
“Now tell me, ano ang problema mo?” tanong ni Julie.
“Wala, namimiss ko lang si nanay” pagsisinungaling niya.
“Hindi ako naniniwala.” Tugon ng kaibigan
“Julie naman eh, wala nga sabi…”
“Kaibigan mo ako Mika, matalik mong kaibigan, pero bakit tila may itinatago ka sa akin?”May pagdaramdam sa boses nito.
“Dahil ayokong masaktan ka. Tama nang ako na lang ang magdusa.”
“Anong sinasabi mong ayaw mo akong masaktan?”
“Julie pls., huwag mo akong piliting magsalita.”
“Dahil ba kay Axel?”
Hindi nakaimik si Mika.
“Mahal mo ba siya?” tanong ulit niya
Hindi na kayang magkaila pa ni Mika.
“I’m sorry, Julie, maniwala ka pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang mahalin, pero ayaw sumunod nitong puso ko. Alam kong nagkasala ako sa iyo. Sanay mapatawad mo ako.”humahagulgol na si Mika. Sobra siya na-guilty sa kanyang nararamdaman.
“Im really, really sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Huwag kang mag-alala, ako na ang lalayo. Ayokong maging hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa.” Pangako niya sa kaibigan.
“At bakit kailangan mong lumayo? Sinabi ko ba sa iyong galit ako dahil sa minahal mo si Axel? “Tugon niya ni Julie kay Mika.
“Hindi ka galit?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
“Hindi! At bakit naman ako magagalit”
“Sis, ano ka ba, paanong hindi ka magagalit sa akin eh minahal ko rin ang lalaking mahal mo?” naguguluhang tanong niya dito.
“Bakit naman ako magaglit ng dahil lang doon? Bakit sinabi ko ba sa’yong mahal ko si Axel?
“Hindi ba sabi mo eh napaka espesyal niya sa iyo?”
“Oo nga, minahal ko nga siya, pero sis, noon pa iyon nong mga bata pa kami. Ang tagal na nun at habang lumilipas ang panahon ay unti-unting nawawala ang damdamin kong iyon. Baka nga puppy love lang iyon eh, kaya ano ka ba. Ok lang na mahalin mo siya. mas matutuwa pa ako kung siya ang pipiliin mo.?
“Ngunit paano ka? “
“Huwag mo akong alalahanin, at bonggang-bongga ngayon ang love life ko. Alam mo bang may nakilala ako sa Cebu.”kinikilig na pagkukwento nito.
“Di ba nagkakaunawaan na kayo ni Axel. Ang sweet-sweet nyo pa nga eh, bakit mukhang may iba kang kinababaliwan diyan” saad niya sa kaibigan.
“Nagseselos ka no?”
“Hindi ah, ba’t naman ako magseselos?’
“Hay naku sis! Huwag ka nang magsinungaling dahil namumula na iyang ilong mo sa selos. Si Axel na ang magpapaliwanag ng tungkol doon.”
“Pero hindi ko pa rin siya pwedeng mahalin Julie?” malungkot na saad niya.
Hindi alam ni Julie kung paano sasabihin sa kaibigan ang balita. Ayaw niyang makita ang sakit sa mga mata nito. Ngunit hindi niya rin kayang biguin si Axel. Tandang-tanda niya pa kung paano ito magmakaawa sa kanya na tulungan niya para sa kaibigan.
“Ano ba iyong importante mong sasabihin at pinasunod mo kaagad ako dito sa Zamboanga?” bungad agad ni Julie kay Axel nang sunduin siya nito sa airport.
“Mamaya ko na sa daan sasabihin” tugon ng binata at kinuha agad ang dala niyang maleta.
“Pinapakaba mo naman ako eh, tungkol saan ba?”
“Basta”
“Hay naku hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon. Ang hilig-hilig mo pa ring mambitin.” Naiinis na sagot niya sa binata.
“Malapit na tayo sa kotse, doon ko na lang sasabihin sa iyo.” Sagot ng binata.
Nang makasakay na sila ay hindi talaga tinigilan ni Julie ang binata.
“O, ano nah?” pangungulit pa rin nito
“Tungkol saan ba?”
“Tungkol kay Mika.” Sagot ng binata
“Bakit? Napaano ang kaibigan ko? Anong nangyari sa kanya? Kaya ba hindi mo siya kasama dahil may nangyaring masama?” Sunod-sunod na tanong niya sa binata.
“Walang nangyaring masama kay Mika.”
“Hay, salamat naman, akala ko kung ano na ang nangyari doon.” Nakahinga ng maluwag si Julie.
“Mahal ko siya” narinig niyang sabi ng binata.
Nabigla si Julie sa narinig.
“Ano kamo? Pakiulit nga nang sinabi mo?”
“Ang sabi ko, mahal ko si Mika…mahal na mahal.”
Natawa ni Julie sa tinurang iyon ng kababata.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko?” saad ng binata.
“Wala, nakakatawa lang kasi ang mukha mo eh” turan ng dalaga
“Julie hindi ako nagbibiro talagang mahal na mahal ko si Mika.”
“O eh, anong problema doon, eh di sabihin mo sa kanya.”
“Sinabi ko na, pero hindi niya tinanggap.” Malungkot na wika ng binata.
“Baka naman binigla mo?”
“Hindi, para kasing may pumipigil sa kanya na magmahal. May nangyari bang masakit na pangyayari sa kanya?”usisa ng binata.
“Naku, baka iniisip noon na may pagtingin ako sa iyo. Sinabi ko kasi na espesyal ka sa akin eh.”
“Iyan lang ba? Parang may malalim pang dahilan eh, nakikita ko kasi sa mga mata niya ang poot at galit.” Turan ng binata.
“Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sa iyo ang tungkol dito.”
“Pls. Julie, kailangan kong malaman kung bakit punong-puno ng galit ang puso niya.” Pakiusap ng binata.
Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga ang dalaga. Pagkatapos ay isinalaysay sa binata ang ginawa ng ama ng kaibigan.
“Kaya pala! Julie, pwede bang humingi ng pabor?’ pagkatapos marinig ang storya ng buhay ng babaeng minamahal.
“Ano iyon?” tanong ng dalaga
“Pwede mo ba akong tulungang maghilom ang sugat sa kanyang puso?” pakiusap nito.
Matamang napatitig si Julie sa binata.
“Talagang mahal mo siya ano.” saad ni Julie.
“Mahal na mahal, at gagawin ko ang lahat mapasaya lamang siya.” sinserong sagot ng binata.
“Ano ba ng gusto mong gawin ko?”
“Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?” saad ng binata.
“Ano? Akala ko ba ay mahal mo ang kaibigan ko? Bakit ngayon ay gusto mong magpanggap na may relasyon tayo.”
“Ito lang ang tanging paraan para mapaamin natin siya sa tunay niyang damdamin.”
“So, gusto mong magselos siya?”
“Oo”
“Hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari.” Tutol niya rito. Nasa harap na sila ng silid ni Mika ng mga sandaling iyon.
“Please Julie. Nagmamakawa ako sa iyo.” Saad ni Axel at may narinig siyang mga yabag na galing sa silid ni Mika, papalapit na ito sa kanila.
Bigla niyang niyakap si Julie.
“Gising na siya” sabi niya sa dalaga at sakto namang pagbukas ni Mika ng pinto ng silid ay iyon ang kanyang nakita.
Kunwa’y napansin ni Julie ang kaibigan at niyakap niya ito at kinumusta. Sinabi niya kay Axel na sa silid ng kaibigan niya gustong manatili. At ng sumang ayon ang binata ay muli niya itong niyakap. Sabay bulong…
“May utang ka sa akin…” at hinila na niya papasok sa silid ang tulalang kaibigan.
Kapansin-pansin ang extra sweetness na ibinibigay ni Axel kay Julie. Lahat iyon ay nasaksihan ni Mika.
“Hon, gusto mo ng manggang hilaw, isusungkit kita?” tanong ni Axel kay Julie. Kasalukuyang silang nasa bakuran at nagpapahinga.
“Mas masarap sana kong may bagoong!” sagot naman ni Julie.
“Don’t worry hon, nagpabili na ako ng bagoong kay Leo. Alam ko kasing gustung-gusto mo ng mangga kapag isinasawsaw sa bagoong na may sili eh. O ano, magsusungkit na ako.”saad ng binata.
“O sige hon, ‘yong malalaki ha!”
Nakikinig lang si Mika sa pag-uusap na iyon ng dalawa. Pero nasasaktan siya sa tuwing naglalambingan ang mga ito sa harap niya.
“Hon, meron pa doon sa bandang itaas o!” sabay turo ni Julie.
“Huwag kang mag-alala, kukunin ko lahat iyan.”
Pasimpleng napatingin si Mika sa dalawa. Huling huli niyang matamis na nagkatitigan ang mga ito.
Hindi mo kasi siya ipinaglaban eh…sigaw ng puso niya.
Paano ko siya ipaglalaban eh, ginawa lang naman niya akong panakip butas habang wala si Julie… himutok niya sa puso niya.
Hindi iyan magtatapat ng pag-ibig sa iyo kung wala siyang nararamdaman…ayaw talagang magpatalo ng puso niya.
Ewan ko naguguluhan na ako.
Pero wala na rin akong magagawa, sila na ni Julie. Napakasama ko namang kaibigan kong aagawin ko si Axel sa kanya.
“Bakit? Tinanong mo na ba sila kung sila na nga? Hiyaw naman ng isip niya.
Kailangan pa bang itanong iyon? Halatang-halata naman sa kilos at pananalita nila eh.
“sis, halika dito!” tawag sa kanya ng kaibigan
“Andaming nakuhang mangga ni Axel oh, banatan na natin ito.” Dugtong pa nito
“Andiyan na.” sabay lapit niya sa dalawa.
“Hon, tikman mo ito,”sabay subo ni Axel kay Julie.
“Mmmm! Ang tamis” Hindi maipinta ang mukha ni Julie.
“Ganyan katamis ang pagmamahal ko sa iyo.” Sagot naman ng binata.
Gusto ng maiyak ni Mika sa tagpong iyon. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso.
“Sis, papasok muna ako ha! Nakalimutan kong tatawagan ko pa pala si nanay.” Pagdadahilan niya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito.
“Tama ba itong ginagawa natin?” tanong ni Julie kay Axel pagka alis ng kaibigan.
“Alam kong hindi, ngunit kung ito lang ang tanging paraan para maamin niya kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman. Kailangan nating gawin.” Sagot naman ng binata.
“Naawa na ako sa kaibigan ko, alam kong nasasaktan na siya.”
“Wala na tayong magagawa, kailangang matutunan niyang magmahal nang lubos nang sa gayon ay makalimutan niya ang kanyang nakaraan at mapatawad niya ang taong nagdulot ng sugat sa kanyang puso.”
“Paano kung hindi niya aaminin ang damdamin niya. Kilala ko ang kaibigan ko, Axel. Mas gugustuhin pa nun ang masaktan kaysa ako ang magdusa.”
“May naisip na akong paraan para mapaamin natin siya.”
“Ano iyon?” Tanong ni Julie.
At inilahad ni Axel kung ano ang kanilang gagawin.
”That’s too much, Axel!” salungat ng dalaga sa planong iyon ng binata.
“But we don’t have any choice…as much of me that I don’t have enough time! I’ll be going back to the State next week. Kaya kailangan ko ng gawin ang dapat kong gawin.” Paliwanag ng binata.
“Pero masyado siyang masasaktan sa gagawin nating ito. Alam kong mahal ka niya, kahit hindi niya pa sabihin sa akin, nararamdaman ko. Pero dahil mahal ko ang kaibigan ko, sige, pumapayag na ako, ngunit ipangako mo sa akin na ito na ang huli.”
“Salamat Julie, pangako ito na ang huli.” Sabay yakap niya sa dalaga.
Hindi alam ng dalawa na may mga matang nakamasid sa kanila. Kanina pa nakasilip si Mika mula sa bintana ng kanyang silid. Tahimik siyang lumuluha habang pinapanood ang dalawa.
Nagpasya si Mika na bumalik na lang sa kanyang silid pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Nahiga siya sa kanyang kama habang iniisip kung sino ang kaibigang pinuntahan ni Axel. Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iisip.
Mga boses na parang nagtatalo ang naulinigan ni Mika kaya siya nagising. Akala niya ay nanaginip lamang siya. Ngunit pagmulat ng kanyang mga mata ay narinig niya uli ang pagtatalong iyon. Parang nasa labas lang ng pinto ng silid niya.
Bumangon siya para tingnan kung ano iyon.
“Hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari?” narinig pa niyang sabi ng boses ng babae.
Parang boses iyon ni Julie ah…at nagmamadali na siyang makarating sa pintuan.
Hindi ng siya nagkamali ng sapantaha. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang niyayakap ni Axel si Julie. Nasaktan siya sa nasaksihan, kahit alam niyang wala siyang dahilan para masaktan. Pinipigil niyang huwag bumagsak ang mga luha sa mga mata.
“Sis!” nang makita siya ni Julie ay kumalas ito mula kay Axel at siya naman ang niyakap.
“Kumusta ka na? Nasorpresa ba kita?” saad ni Julie habang yakap siya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi na ngayon ang dating mo?” tanong niya rito.
“Ano ka ba! Eh, paano kita masosorpresa kung sinabi ko sa iyo. Surprise nga di ba?”
“Eh sinong sumundo sa ’iyo?”
“Si Axel, tinanong ko nga kanina kung bakit hindi ka niya kasama ang sabi eh, tulog ka pa raw ng umalis siya kaya hindi ka na lang daw niya ginising.”sagot naman nito.
“Honey, dito na lang ako sa kwarto ni Mika ha?” baling nito sa binata na matamang nakatitig sa kanya.
Honey? Anang ng isip ni Mika
“Ha, ah o sige.” Sagot ng binata
“Ang bait-bait talaga ng honey ko, kaya nga love na love kita eh” at niyakap nito ang binata.
Nakamasid lang si Mika sa dalawa.
“Tara na sis, at marami pa akong ikukwento sa iyo.” Hila ni Julie sa kaibigan papasok.
Parang robot lamang na sumunod si Mika sa kaibigan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Kagabi lamang ay nagtapat ng pag-ibig sa kanya ang binata ngunit bakit ngayon ay parang may unawaan na ito at ang kaibigan?
“Sis, nakikinig ka ba?” pukaw ni Julie sa kaibigan.
“Ha,ah, eh ano nga iyong sinasabi mo?”
“Sabi ko na nga ba eh at hindi ka nakikinig. Ano ba ng iniisip mo?” tanong ni Julie sa kanya ng mapansing tahimik lamang ito.
“Wala, may naalala lang ako.”pagdadahilan niya.
“Ano naman ang iniisip mo? O baka naman ang dapat kong itanong ay sino ang naalala mo?” tanong ng kaibigan.
“Ano ba yang mga pinagsasabi mo sis?, wala ha,”
“Hmmmm, defensive! Sige hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin, pero kung handa ka na, andito lang ako makikinig ako kahit ano pa iyon. Alam kong may bumabagabag sa iyo sis, kilala kita.” Saad pa nito.
“Ano ka ba? Nagpunta ka lang ng Cebu eh, nagkaganyan ka na. Huwag mo akong alalahanin at ok lang ako, wala akong problema, ok?”Ayaw niyang makahalata ang kaibigan.
Naiwang mag-isa si Axel habang sinusundan ng tanaw ang dalaga.
Andito lang ako Mika, papatunayan ko sa iyong tapat ang hangarin ko. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang panahong pwede mo na akong mahalin. Tutulungan kitang maghilom ang sugat sa iyong puso. Nasa tabi mo lang ako palagi at hinding-hindi kita iiwan. Pangako iyan… saad ng binata sa sarili.
Hindi mapigilan ni Mika ang mga luha na nag-uunahan sa kanyang pisngi. Alam niyang mahal niya rin ang binata, pero hindi niya ito pwedeng mahalin.
Kasalanan mo ito, itay…kasalanan mo…! Sisi niya sa hindi nakagisnang ama
Biglang tumunog ang kanyang cellphone, nakita niyang pangalan ni Julie ang tumatak sa screen ng kanyang cp.
“Hello’”sagot niya dito pagkatapos pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang mahalata ng kaibigan na umiiyak siya.
“Sis mabuti naman at gising ka pa,kumusta!” Masiglang bati ng nasa kabilang linya.
“Eto, mabuti, eh, ikaw? Kumusta ka na diyan?” Pilit niyang pinapasigla ang boses.
“Ok, lang ako. Sa wakas natapos na rin ang seminar. Si Axel kumusta naman?” tanong nito.
“Ok lang naman siya, kelan ka ba susunod dito?” tanong naman niya sa kaibigan.
“Relax ka lang sis, huwag kang mag-alala’t susunod kaagad ako diyan, ok? Basta, huwag mong papabayaan si Axel ha! O sige, sis, magpahinga ka na diyan at magmamadaling araw na. Tatawag na lang ulit ako. Sorry sa pang-iistorbo. Bye sis… see you when I get there!” Paalam ng kaibigan
“Bye, mag-iingat ka diyan ha!” paalam din niya.
“Don’t worry about me, sila dapat ang mag-ingat sa akin.” At nawala na ito sa linya.
Napabuntong hininga si Mika matapos makausap ang kaibigan. Napakabait ng kaibigan niya, kaya hinding hindi niya ito kayang saktan. Di bale na siya ang masaktan huwag lang si Julie. Alam niyang mahal nito ang binata, sa katunayan nga ay wala itong naging boyfriend kahit marami pa ang nanliligaw dito.
Tinanghali ng gising si Mika kinabukasan. Pagkatapos maligo ay dumeretso na siya sa komedor para mag agahan. Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa hardin. At naupo sa bench doon.
Ang sarap talaga ng hangin dito sa probinsiya. Saad niya sa sarili.
Hindi katulad sa Manila, wala ka ng malalanghap na sariwang hangin.
Nakita siya ng tiyahin ni Axel at nilapitan.
“Andito ka pala iha…” bati nito sa kanya.
“Opo, nagpapahangin lang po.” Magalang na sagot niya.
“Akala ko’y magkasama kayo ni Axel” wika ng ginang.
“Hindi po, medyo tinanghali po kasi ako ng gising eh,”nahihiyang tugon niya.
“Ganun ba” sagot naman nito.
“Eh, nasaan po ba siya?” tanong ni Mika.
“Aba’y ang sabi eh luluwas daw ng bayan at may kakatagpuing kaibigan” tugon nito.
“Ganuon po ba”,
“Eh, sige iha, maiwan muna kita rito at ako’y may aasikasuhin muna sa loob. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang magsabi.” Paalam nito sa kanya.
“Dahil sa iyo” deretsong sagot nito na titig na titig sa kanya.
Hindi inaasahan ni Mika ang sagot na iyon mula sa binata.
“Ano?”
“Dahil sa iyo kaya hindi ako makatulog”
“Ano naman ang kinalaman ko dun?” kinakabahang tanong ng dalaga.
“Hindi ka kasi maalis sa isip ko.”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo? Ang mabuti pa’y umakyat na ako sa silid ko.
“Mika, pls. mag-uasp muna tayo” pakiusap ng binata.
“Wala tayong dapat pag-usapan Axel”
“Meron, marami. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas.”
Nagulat si Mika sa narinig niyang iyon.
“Ako? Bakit ako?” naguguluhang tanong niya.
“Unang kita ko pa lang sa larawan mo ay may naramdaman na akong kakaiba. Akala ko ay simpleng paghanga lang iyon, ngunit habang tumatagal ay lalong nagiging masidhi ang nararamdaman ko para sa iyo, kahit sabihin pang sa larawan lang kita nakita. Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman kong iyon. Nakipag date ako sa kung kani-kanino, ngunit sa tuwing tinititigan ko sila ay mukha mo ang aking nakikita. Hanggang isang araw ay nagising na lang ako na ikaw ang aking hinahanap-hanap at hindi ko na kakayanin ang isa pang araw na lumipas na hindi kita makita. At nung araw na iyon sa airport, walang pagsidlan sa galak ang puso ko ng ikaw ang sumundo sa akin.
“Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin?
“Dahil natatakot ako na baka hindi mo ako mahalin dahil sa nasaktan ka na ng isang lalaki.”
“Lalaki? Sinong tinutukoy mo?”
“Yong lalaking kinamumuhian mo. Kitang-kita ko sa mga mata mo kanina ang pagkamuhi at galit na nararamdaman mo. Hindi naman lahat ng lalaki ay katulad niya kaya bigyan mo sana ako ng pagkakataon na ipakita sa iyo kung gaano kita kamahal.”
Hindi makasagot si Mika nagtatalo ang isip at puso niya. Sinasabi ng isip niya na hindi niya maaring tugunin ang damdaming iniluluhog ng binata dahil nandiyan si Julie at ang nangyari sa kanyang ina. Samantalang ibinubulong naman ng puso niya na panahon na para palayain niya ang kanyang nararamdaman at maranasang lumigaya.
Ngunit paano ako liligaya kung alam kong may isang taong masasaktan ng lubusan…sagot niya sa kanyang puso.
“I’m sorry Axel, pero hindi ko kayang tugunin ang damdamin mo para sa akin”, at tuluyan na siyang tumakbo patungo sa kanyang silid.
Hindi makatulog si Axel ng gabing iyon. Naaalala niya si Mika at ang mga sinabi nito.
Sino ang lalaking tinutukoy nito?
Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Wala namang nababanggit si Julie na may boyfriend o naging boyfriend si Mika.
Sa kabilang silid naman, ay kanina pa pabiling-biling sa kanyang higaan ang dalaga. Nararamdaman niya pa rin ang yakap na iyon ng binata.
Umiibig na ba ako sa kanya? Tanong niya sa sarili. Pero hindi pwede, masasaktan ko ang kaibigan ko at ayoko ring saktan ang sarili ko. Ayokong matulad sa inay ko. Tama na ang isang lalaki na nang-iwan sa amin.
Gulong-gulo na ang isip niya. Gusto niyang ipikit ang mga mata para wala na siyang maisip pa. Ngunit hindi talaga siya makatulog, tumayo siya at lumabas ng kwarto, dahan-dahan lang ang kanyang pagkilos, ayaw niyang makaistorbo sa pagtulog ng iba. Dumeretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas. Pagbukas niya ng ilaw sa kusina ay napasigaw pa siya ng makitang nanduon din si Axel.
Nagulat si Axel nang biglang lumiwanag at may sumigaw kaya nabitawan niya ang baso ng malamig na tubig. Nauuhaw kasi siya sa kakaisip sa dalaga kaya bumaba siya. Hindi na siya nagpailaw dahil kukuha lang naman siya ng inumin.
“My God Mika! Bakit ka ba sumisigaw?” saad niya sa dalaga ng makabawi sa pagkabigla. Yumuko siya at isa-isang pinulot ang nabasag na baso.
“At sino naman ang hindi matatakot kung pagbukas mo ng ilaw ay may tao. Bakit ba kasi hindi ka nagpailaw?” sagot naman ng dalaga lumapit ito at tinulungan ang binata sa pagkuha sa mga bubog.
“Akala ko kasi ako na lang ang gising, ako na lang nito mamaya niyan mabubog ka pa” may pag-aalala na sa tinig nito.
“Hindi, ako naman ang may kasalanan eh… array!” Hiyaw ni Mika at tiningnan ang daliri.
“Bakit?”Napansin niyang may tumutulong dugo mula sa daliri ng dalaga. At kinuha ang kamay nito.
”sabi ko na man sa iyo, ako na eh, ang tigas kasi ng ulo mo.”
“huwag kang malikot at tatanggalin ko ang bubog.”
Dahan-dahang tinatanggal ng binata ang dubog sa daliri nito. Kinagat naman ni Mika ang labi para hindi mapahiyaw sa sakit.
“O ayan wala na, halika linisin muna natin ito.”
Nasa sala na sila habang nililinis ng binata ang sugat ng dalaga.
“Maraming salamat ha!” Saad ni Mika pagkatapos malinis ang sugat.
“Wala iyon, teka, bakit nga ba gising ka pa?” tanong ng binata.
Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa iyo… sigaw ng puso niya.
“Hindi ako makatulog, kaya bumaba na lang ako para magtimpla sana ng gatas” sagot ng dalaga sa tanong ng binata.
“Eh, ikaw ba’t gising ka pa?” balik niya sa tanong nito.
“This is amazing!” bulalas ni Mika ng mahantad ang itinatagong kayamanan ng masukal na gubat.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang taas-taas ng falls at ang tubig nito ay kay linaw-linaw na animoy crystal. Ang gaganda pa ng mga bulaklak at mga halaman na nakapalibot sa lugar. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya ng mga sandaling iyon.
“Alam niyo ba na napakahiwaga ng lugar na ito?” maya-mayay narinig niyang nagkukwento na si Leo.
“Talaga?” sagot naman ni Axel.
“Oo, lahat ng nagpupunta dito at humihiling tungkol sa kanilang pag-ibig ay nagkakatotoo. Hindi lang iyon, lahat ng hinanakit mo, sama ng loob, at galit kapag isinigaw ay mawawala lahat.
Napalingon si Mika sa sinabing iyon ni Leo.
“Saan ako pwedeng sumigaw?” Tanong niya sa binata.
Gulat na napalingon ang dalawang binata sa kanya.
“Ha, ah eh… doon” sabay turo nito sa isang malaking bato.
Tinungo ni Mika ang batong itinuro ng binata.
Wala na mang mawawala sa akin kung maniniwala ako sa kanya. Sabi niya sa sarili habang nakatayo sa batong iyon.
Pumikit muna siya at makailang beses na huminga ng malalim.
Matamang naghihintay si Axel sa susunod na gagawin ng dalaga. Pinanonood niya ang bawat galaw nito. Napansin niyang bigla na lang yumuyugyog ang mga balikat nito habang itinakip ang mga kamay sa mukha. Nagmamadaling pinuntahan niya ito.
Napaiyak si Mika nang maalaala ang ginawa ng ama sa kanila ng kanyang ina. Akala niya ay kaya niyang isigaw sa lugar na iyon ang damdamin para sa amang nang-iwan. Hidi niya pala kayang pakawalan ang galit na matagal na niyang itinatago sa kanyang puso.
“Mika are you alright?” nag-aalalang tanong ng binata nang makalapit sa dalaga.
Iling lang ang isinagot nito sa kanya.
Hinapit siya ng binata at niyakap.
“It’s ok, if you’re not ready, then, don’t do it. There’s a right time for everything.”pang-aalo niya sa dalaga.
“Iiyak mo lang lahat iyan, I’m just here for you”
“I hate him!”sa pagitan ng pag-iyak ay narinig niyang wika ng dalaga.
“Hindi ko siya kayang patawarin” mababanaag sa boses nito ang matinding hinanakit.
“I’m listening.” Saad ni Axel dito.
Kumawala si Mika mula sa pagkakayakap ng binata at pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata.
“I don’t want to talk to him anymore” sabi ng dalaga sabay tayo.
Ngunit mabilis na napigilan ng binata ang kamay nito bago pa man ito umalis.
“Mika, just always remember that I am always here for you. Kung gusto mo ng may makakusap, lapitan mo lang ako, handa akong makinig kung anuman iyon.” Sinserong wika ng binata.
Simpleng puting bestida na may desinyong bulaklak ang isinuot ni Mika. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Hindi na siya naglagay ng kolorete sa mukha, nagpahid lang siya ng konting pulbos, at nilagyan ng lipgloss ang mapupula na niyang labi. Nang matapos ay nagwisik na siya ng konting pabango at nagpasyang sa sala na lang niya hihintayin si Axel.
Pagbukas niya ng pinto ng silid ay siya rin namang bukas ng katapat na silid at iniluwa no’n ang simpatikong binata. Kapwa sila natigilan at nagkatitigan. Nasa ganuon silang sitwasyon ng lumabas din sa isang silid ang pinsan ni Axel na si Leo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.
“Baka naman matunaw na kayo niyan pareho, aba’y hindi na tayo makakapamasyal nito” tudyo nito sa dalawa. Ito kasi ang magiging tour guide nila sa kanilang pamamasyal.
Parehong nahihiyang nagbawi ng tingin ang dalawa.
“O, tara na! Medyo may kalayuan pa naman iyong pupuntahan natin.” Excited na yaya ng pinsan ni Axel.
“Saan ba ang una nating punta ‘insan?” pagkuway tanong ni Axel sa pinsan.
“Pupuntahan natin ‘yong falls. Tiyak na magugustuhan niyo ang tanawin doon.” May pagmamalaking saad ni Leo.
“Kung gayon ay bilisan na natin,” saad ng binata.
Nagpasiuna na si Leo dahil ilalagay pa nito sa sasakyan ang mga dadalhin nila. Ipinaghanda kasi sila ng ina nito ng babaunin para hindi sila gutumin sa pamamasyal. Naiwan pa rin ang dalawa.
“Mauna ka na” saad ni Mika.
“Ikaw na, ladies first di ba?”
“hindi, ok lang, sige na” ayaw ni Mika na mauna siya dahil nako concious siya sa kaalamang nasa likod niya ang binata at malaya nitong mapapagmasdan ang paglakad niya.
“Ok, ang mabuti pa ay sabay na tayo, maluwang naman ang dadaanan natin eh,” pagsasuggest ng binata.
Mas mainam na iyon…saad ng isip ni Mika.
“O sige” tugon ng dalaga.
Parang may dumaloy na ilang libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan ng hawakan nito ang kanyang siko para alalayan siya habang pababa ng hagdan. Nagsisimula na siyang kabahan sa kanyang nararamdaman.
God help me, ayokong magkasala lalong lalo na sa kaibigan ko… dasal niya sa kanyang isip.
Tahimik lamang si Mika na nakikinig sa pag-uusap ng dalawang binata habang patungo na sila sa falls. Maraming ikinukwento si Leo tungkol sa lugar na iyon.
“Hanggang dito na lang tayo, hindi na makakapasok itong sasakyan sa loob” saad ni Leo nang marating nila ang dulo ng kalsada.
“’asan ang falls?” tanong ni Mika. Wala kasi siyang makita kundi isang masukal na gubat.
“Sa loob niyan” sabay turo ng binata sa gubat na nakikita ni Mika.
“Huwag kayong mag-alala safe ang lugar na iyan.” Dugtong pa nito ng makita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga.
Papasok na sila sa gubat ng maramdaman ni Mika na may humawak sa kamay niya.
“Huwag kang matakot, hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo.” Saad ni Axel habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.
Naramdaman ni Axel ang biglang panginginig ng kamay ng dalaga.
“Relax” nakangiting saad niya dito.
Paano ako makakapagrelax kung hawak-hawak mo ang kamay ko? Bulong ng puso niya.
Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip ng masama eh, gusto ka lang alalayan ng binata at wala ng iba, kaya huwag mo ng lagyan ng kulay. Hiyaw naman ng isip niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin sila sa falls.
Ang mabining simoy ng hangin ang nagpagising kay Mika kinaumagahan. Hindi siya nahirapang bumangon ng maaga dahil nakasanayan na niya iyon. Iniunat niya ang kanyang mga braso habang naghihikab at iyon ang nadatnan ni Axel nang pumasok siya sa silid ng dalaga.
“Good morning!” bati nito sa dalaga.
Nagulat ang dalaga ng makita si Axel. Mabilis nitong nahablot ang kumot sa kanyang paanan at ibinalot sa katawan.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba marunong kumatok?” ngali-ngali na niya itong batuhin ng unan.
“Hay, naku Miss na maganda, kumatok po ako, baka hindi mo lang narinig” sagot nito habang inilalapag sa harap niya ang isang tray na puno ng pagkain at prutas, may bulaklak pa ito na nasa vase.
“Ano yan?” kahit alam niyang pagkain ay tinanong niya pa rin ito.
“Pagkain” maikling tugon nito.
“Alam kong pagkain, pero ano ang ibig sabihin niyan? Bakit ka nagdala ng pagkain dito?” usisa niya sa binata.
“Breakfast in bed” nakangiting saad nito.
“Hindi ba ipinangako ko sa iyo na magiging memorable ang pag stay mo dito. Kaya heto, pinaghanda kita ng pagkain.”
Natouch si Mika sa ginawang iyon ng binata.
“Pwede namang sa kusina na lang ako kumain ah,”
“Hayaan mo na ako, gusto kong asikasuhin ka eh. Sige na kumain ka na at marami pa tayong papasyalan.”
“Huwag mo akong sasanayin sa ganito, baka hahanap-hanapin ko.”
“Iyon nga ang gusto ko…ang hanap-hanapin mo…”
Kung pwede lang sana…sabi ni Mika sa sarili.
Nakita ni Axel na biglang lumungkot ang mukha ng dalaga sa sinabi.
“O sige ubusin mo na iyan, ha, ako’y maghahanda na rin.” Pag iiba niya sa usapan, ayaw niyang mawala na naman sa mood ang dalaga kapag inusisa niya pa ito.
“Magbihis ka na rin pagkatapos mo diyan, babalikan kita rito after an hour” sabi nito sabay talikod.
“Ah, Axel” narinig niyang tawag ng dalaga.
“Yes?”
“Thank you”
“Don’t mention it, you’re my visitor here. And besides I promised to your mother that I would take good care of you.” At tuloy-tuloy na itong lumabas na kanyang silid.
Laglag ang balikat ni Mika pagkarinig ng sinabing iyon ni Axel.
Akala ko pa naman ay may nararamdaman na siya sa akin, dahil sa espesyal na treatment niya. Iyon pala ay dahil bisita niya ako at dahil sa pangako niya sa nanay ko…
Ano ba iyang pinagsasabi mo Mika? Sigaw ng isip niya.
Baka nakakalimutan mo nang si Axel ay para kay Julie?
Biglang natauhan si Mika nang marinig ang munting tinig na iyon. Muntik na niyang nakalimutan ang matalik na kaibigan. Nakokonsensiya siya sa iniisip. Naalala niya na tatawagan niya nga pala ito. Kinuha niya ang cellphone sa bag at idinayal ang number nito. Ngunit out of coverage area ang kaibigan. Sinubukan niya uli, ngunit ganun at ganun pa rin ang sinasagot ng operator.
Lowbat siguro or hindi kaya’y naka-off ang cellphone nito. Mamaya ko na lang ulit siya tatawagan. Sabi niya sa sarili. Nagpasya siyang maligo na lang at maghanda sa pamamasyal nila ni Axel.
Hindi maitago ni Mika ang takot at nerbiyos na nararamdaman ng lulan na sila ng eroplano. Kitang kita sa kanyang mukha, namumutla na siya ng magsimulang umangat ang eroplano sa himpapawid. Napakapit siya sa bisig ni Axel habang nakapikit.
Nagulat si Axel ng maramdaman niyang biglang napayakap ng mahigpit ang dalaga sa kanyang braso.
“Are you ok?”nag-aalalang tanong niya dito.
Iling lang ang isinagot ng dalaga dahil sobra na itong naliliyo.
“Ok, just relax, I’ll call for an assistance” at sinenyasan nito ang stewardees na nakita.
“Hindi ko na kaya” ang naghihinang wika ng dalaga habang tutop nito ang bibig.
“Wha…”hindi na naituloy ng binata ang sasabihin dahil nasukahan na siya ni Mika.
“Oh my…..”biglang napatayo ang binata..
Siya namang paglapit ng stewardees na tinawag.
“What happened sir?’ tanong nito.
“Nahihilo itong kasama ko at sumuka. Pls, take care of her… I’ll just clean up myself.” Sabi niya dito at tinungo na ang restroom para maglinis.
Pagbalik ni Axel sa upuan nila ni Mika ay naabutan pa rin niya ang stewardees, may ipanapaamoy ito na kung ano sa dalaga.
“Don’t worry about your girlfriend Sir, she will be alright. Pinainom ko na siya ng gamot para sa pagkaliyo at pinaamoy ko na rin siya ng white flower. Just let her rest.” Saad ng stewardees at magalang na itong nagpaalam sa kanya.
Napagkamalan pa kaming magnobyo… napangiti si Axel sa isiping iyon.
Walang ginawa si Axel sa buong byahe nila kundi ang titigan ang napakaamong mukha nito.
“My angel” bulong niya dito.
“Wake up sleepy head” mahinang pukaw ni Axel sa dalaga. Ayaw man niyang gambalain ito ay kailangan.
Unti-unti namang idinilat ni Mika ang kanyang mga mata. Napansin niyang nakayakap ang kamay ni Axel sa kanya, habang siya naman ay nasa dibdib nito.
Bigla siya napaupo ng tuwid.
“Nasa Zamboanga na ba tayo?”tanong niyang ngunit nanatitiling nakayuko. Nahihiya siya sa binata.
“Oo, tayo na nga lang ang natitira rito sa loob ng eroplano”. Saad nito
“Ha?”Gulat na sabi niya. Napalinga siya sa paligid, at nakitang wala na ngang naiwan doon maliban sa kanila.
“Ba’t hindi mo man lang ako ginising?” paninisi niya pa sa binata.
“Nakakahiya na man kasi kong gigisingin kita, para ka kasing anghel eh.” Saad nito
Namula ang dalaga sa sinabing iyon ng binata.
“Ang mabuti pa ay bumaba na tayo at siguradong nasa ibaba na ang sasalubong sa atin.” Yaya nito sa dalaga.
“Hanggang kailan ba tayo dito?” tanong ng dalaga ng makababa na sila
“Kadarating pa nga natin, ay iyan kaagad ang itinatanong mo” may pagtatampong sabi nito.
“Hindi naman sa ganun kaya lang…”wala siyang maisip na idadahilan.
“Kaya lang ay ano? Ang mabuti pa’y huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa, mag enjoy na lang tayo. Remember this is your vacation, hayaan mo, sisiguruhin kung magiging memorable sa iyo ang mga sandaling ilalagi mo dito. Pangako iyan,” seryosong wika nito sa kanya.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga.
“O anak, basta tandaan mo lage ang bilin ko, mag-iingat ka palagi doon. At tatawag ka pagdating na pagdating mo.” Ang bilin ng ina sa anak.
“Opo nay,” sagot niya sa ina.
“Bilisan mo na diyan at mag aalas singko na, baka maipit ka pa sa traffic.”
“Tapos na po ako nay, aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito palagi, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo”, ang bilin din niya sa ina, at humalik na siya sa pisngi nito.
“Huwag mo akong alalahanin dito, kaya kong alagaan ang sarili ko.” Sagot naman ng ina.
“O, siya halika na at ng hindi ka mahuli.” Dugtong pa ng ina.
Palabas na sila ng silid ng may marinig silang katok at nagpapataopo.
“Tao po…!”hiyaw ng nasa labas.
“Sandali,” sagot ng ina ni Mika at tinungo ang pintuan.
“Magandang araw po!” bati ng tao sa labas ng ito’y mapagbuksan.
“Magandang araw din naman! Ano pong maipaglilingkod ko?” magalang na tanong ng matanda.
“Eh, nandiyan po ba si Mika? susunduin ko po sana siya, nang sa gayon ay sabay na kaming pumunta ng airport.” tugon naman nito.
“Nay, sino po iyan?” tanong ni Mika sa ina, bitbit na nito ang mga gamit habang papalapit.
“Hi, Mika! susunduin sana kita.” Bati ng binata sa dalaga pagkakita dito.
“Kilala mo ba ire anak?” paninigurong tanong ng ina niya.
“Eh, opo ‘nay. Siya po iyong sasamahan ko sa probinsiya. Siya po si Axel. Nanay ko.” Pakilala niya sa dalawa.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala” pagbibigay galang ng binata.
“Ganun din ako iho, sana ay pag ingatan mo itong aking anak sa inyong pupuntahan. Huwag mo sana siyang pabayaan.”paghahabilin nito sa anak.
“Makakasa po kayo. At huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po papabayaan si Mika,” saad nito habang ang mga mata’y titig na titig sa dalaga.
Hindi naman mawari ni Mika ang nararamdaman. Dagli niyang binawi ang tingin mula sa pgtititigan nilang iyon ni Axel, para kasi siyang napapaso sa mga titig nito.
“Aasahan ko iyan iho.” Tugon ng matanda.
“O siya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan.” Pagtataboy ng matanda sa kanila.
“Sige po nay, tutuloy na po kami.” At niyakap niya na ang ina bilang pamamaalam.
Kinuha ni Axel mula sa kamay ni Mika ang bag na bitbit nito. Ayaw sana niya itong ibigay ngunit mabilis na itong nakapunta sa kotse.
“Sakay na” pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto katabi ng drivers seat.
“Dito na lang ako sa likod.” Tanggi niya.
“No, i want you to seat beside me.” Sagot naman nito.
Labag man sa loob ay napilitan ang dalaga na sa tabi nito maupo. Nakasimangot ito ng pumasok sa kotse.
“Ok, ready?”tanong ng binata ng makasakay na din
“I ready mong mukha mo?” lukot pa rin ang mukha ng dalaga. Hindi niya talaga mapigilang hindi mainis sa binata.
“Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong ng binata habang nagmamaneho, sa ginawi ng dalaga.
“Tinatanong pa ba iyon? hindi ka tumupad sa usapan natin…hindi ba sabi ko sa iyo sa airport na lang tayo magkita. At isa pa paano mo natunton itong bahay namin?”
“Oooopppss! Sandali, isa-isa lang, mahina ang kalaban” natatawang turan ng lalaki, itinaas pa nito ang isang kamay na animo’y sumusuko.
“Hindi ako nagbibiro kaya huwag mo akong pagtawanan…”naiinis na talaga siya.
“Naisip ko kasing sunduin ka na lang total, sa airport din lang naman pareho ang pupuntahan natin, eh, di mabuti pang sabay na lang tayo, nakakainip din naman kasing magbiyahe mag-isa. In that way, hindi na rin tayo maghahanapan. At isa pa madadaanan ko naman talaga ang bahay niyo di ba?” Paliwanag nito
“Paano mo natunton ang amin?” tanong pa rin niya.
“Sinundan kita kahapon” simpleng sagot nito.
“Ano? Bakit mo naman ako sinundan?”
“Ayaw mo kasing samahan kita.” Nakangising sagot nito.
“Nakakainis ka talaga!” ang nanggigil niyang sabi sa binata.
“Galit ka ba? Sorry na oh, promise hindi ko na uulitin.” Saad ng binata ng mapansin niyang hindi na kumikibo si Mika.
Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang ipinikit na nito ang mga mata tanda na ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Hindi niya alam kung ano talaga ang pumipigil sa dalaga para makipaglapit ito sa kanya. Alam niya meron, nararamdaman niya. Kung anuman iyon sisiguruhin niyang matatanggal ang harang na nakapagitan sa kanilang dalawa.
“Gusto niya kasing bisitahin ang mga kaanak niya bago man lang siya bumalik sa America. Tatlong linggo lang ang bakasyon niya. Naisip kong pasamahan siya sa iyo at nang sa ganun ay makapagbakasyon ka na rin. Aba mula ng maggraduate kayo ni Julie ay hindi ka na nakapagpahinga dahil nagtrabaho ka kaagad.” Dugtong pa ng ama ni Julie.
“Eh, Sir, hindi naman po ako nagrereklamo eh, ayos lang po sa akin kahit wala akong bakasyon. Nag-eenjoy naman po ako sa ginagawa ko.” Saad ni Mika.
“Alam ko iha, kaya nga kita pinagbabakasyon dahil you deserve it. Hindi ba sabi mo kanina hindi mo ako bibiguin sa hihilingin ko sa iyo?”
“Opo kaya lang po…di po ba si Julie dapat ang kasama niya sa pagpunta doon?” nag-aalangang tanong ni Mika.
“Hindi pwede si Julie kasi na extend ng limang araw ang stay niya sa Cebu. Pero sabi niya susunod siya sa inyo kaagad, kaya huwag kang mag-alala. O ano? Payag ka na?”
Walang magawa si Mika kung hindi ang pagbigyan ang matanda. Hindi niya pwedeng biguin ito.
“sige po, eh, kailan po ba ang alis namin?” Tanong naman niya
“Mamayang gabi ang alis niyo, kaya pwede ka nang umuwi ngayon ng sa gayon ay makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo.”
Nabigla man dahil agad-agad silang aalis, ay hindi na lang kumibo si Mika. Tumayo na siya at magalang na nagpaalam. Pagtalikod niya ay mas lalo pa siyang nabigla ng makitang nakadekuwatrong upo pa si Axel sa couch. Dere-deretso lang siya sa kanyang pag-alis na tila ba walang nakita. Nang makalabas na ay nagpaalam na din si Axel sa matanda at nagpasalamat. Sinundan niya si Mika hanggang sa pwesto nito.
“O ano, ready ka na? Tayo na at nang makapaghanda na tayo.” Excited na wika nito.
“Mauna ka na. May bibilhin pa ako.” Sagot niya ng hindi man lang ito tinitingnan. Kailangan niya pa kasing mamili ng mga gamit niya at ng grocery para sa kanyang ina.
“Eh di sasamahan kita.”
“Hindi ko kailangan ang chaperon”
“Eh di isipin mong bodyguard mo ako”
“Hindi ako mayaman para magkaroon ng bodyguard”
“Eh di isipin mo na lang na wala kang kasama” pamimilit pa rin nito.
“Pwede ba, pabayaan mo na lang ako. Hindi pa ba sapat na sasama na ako sa iyo kung saan mang lupalop iyon. Magkita na lang tayo sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala sisiputin kita. Marunong akong tumupad ng usapan.”pagtatapos niya sa usapng iyo.
“O sige kung ayaw mo talagang mgpasama e hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo mamaya. Alas 7 ang biyahe natin.” Sabi nito at umalis na.
“Iimbitahan sana kitang mag lunch” nakangiting saad ni Axel
“Im sorry pero marami pa akong gagawin eh” tanggi ni Mika
“I won’t take no for an answer, fix your things and I’ll wait for you here.” Nakahalukipkip na saad nito.
“Hindi ka rin naman demanding, ano?” nakataas ang kilay na sagot niya.
“Hindi naman masyado,” nakangisi pang sagot ni Axel
“Look Axel, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, hindi talaga ako pwedeng sumamang mag lunch dahil andami kong ginagawa sa taas. Im really sorry, but I have to go back to my work now.” Paalam niya rito.
Naiwang nag-iisa si Axel. Hindi talaga niya lubos maisip kung bakit napaka aloof ni Mika sa kanya.
Baka hindi pa niya ako napapatawad sa nangyari sa amin sa airport? Pero sabi naman niya ay kalimutan na daw namin iyon… naguguluhang tanong ni Axel sa sarili.
Kailangan magkalinawan kami tungkol doon… nang biglang may kumislap na idea sa kanyang isipan.
Samantala, sa kanyang lamesa ay hindi na makapagconcentrate sa kanyang trabaho si Mika. Hindi siya makapag-isip ng mabuti dahil kay Axel.
Bakit kailangan niya pa akong imbitahang mag lunch? Ang tagal naman kasing umuwi ni Julie eh, di sana’y siya ang kasama palagi ni Axel. Hindi iyong ako pa ang ginugulo, pati tuloy pag-iisip ko at lalong lalo na ang puso ko ay nagugulo na rin. Ayokong magkasala sa kaibigan ko. Kailangan kong makausap si Julie. Tatawagan ko siya mamaya pag-uwi ko.
“Mika, pinapatawag ka ni boss,” tawag kay Mika ng sekretarya ng ama ni Julie.
“Ha?, ah, eh sige, susunod na ako.”sagot ni mika.
Bakit kaya ako pinatawag ni tito?
Pagdating niya sa president’s office ay sinenyasan siya ng sekretarya na pumasok na, may kausap kasi ito sa phone. Kumatok muna siya bago pumasok.
“Come in”, narinig niyang wika ng nasa loob.
“Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” Sir ang tawag niya sa ama ni Julie kapag nasa affice sila. Hindi niya napansin na may isang tao pa bukod sa kanila sa opisinang iyon. Nakaupo kasi ito sa couch kaya hindi niya nakita.
“Yes iha, halika, maupo ka.” Anyaya ng matandang Sandoval.
“May hihilingin sana akong pabor sa iyo. Pwede mo ba akong pagbigyan?” tanong ng ama ni Julie.
“Kahit ano po sir, kaya ko pong gawin, hindi po kayo magdadalawang salita sa akin.” Sagot naman ni Mika. Kung anuman ang hihilingin nito lahat ay gagawin niya, gusto niya kasing tumanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong nito sa kanya.
“salamat iha, alam kong hindi mo ako bibiguin” napangiti ang matanda.
“Ano po ba iyon Sir?” tanong naman ni Mika.
“Gusto kong samahan mo si Axel sa Zamboanga.” Saad ni Mr. Sandoval.
Tatlong araw ng hindi pumupunta si Mika sa bahay ng mga Sandoval. Kahit pinapupunta siya ng mga magulang ni Julie ay magalang niya itong tinanggihan. Sinabi niyang marami siyang inaasikaso sa opisina na totoo naman. Ayaw niyang isipin ng ibang mga empleyado doon na sinasamantala niya ang kabaitan ng mga amo porke’t matalik niyang kaibigan ang anak ng may ari ng kompanya. Ayaw niyang may masabing masama laban sa kanya.
“Ayoko ring makita si Axel,” wika niya sa sarili.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi maalis sa kanyang isipan ang itsura ng lalake. Alam niyang hindi niya dapat ipagpatuloy kung ano mang damdamin ang unti-unti ng umuusbong sa kanya. Ayaw niyang magkasala sa kaibigan, kaya’t habang maaga pa ay kailangan niyang putulin ang nararamdaman. Kaya iiwas siya dito sa abot ng kanyang makakaya.
“Mika, may naghahanap sa iyo?” pukaw ng isa niyang kasamahan.
“Sino? Takang tanong niya dito. Wala siyang maisip na bibisita sa kanya. Hindi rin naman pumupunta ang nanay niya sa kanyang pinagtatrabahuan.
“Gwapo day!” Kinikilig na sabi nito. Para itong nakakita ng artista sa itsura.
“Axel ang pangalan niya. Ikaw ha! napakamalihim mo, may itinatago ka palang super delicious na fafa. Hindi mo man lang ipinakilala sa amin. Natatakot ka yatang mabaling sa akin ang atensiyon ni papalicious eh,” saad nito.
“Asan siya?” nalilitong tanong niya.
Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon dito…tanong niya sa sarili.
“Andun sa lobby. Pakilala mo naman ako oh, promise hindi ko aagawin ang lovey mo.” Pakiusap nito sa kanya.
“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya boyfriend noh,”sagot naman niya
Namilog ang mata nito sa narinig.
“Talaga? Hindi ka nagbibiro? Talagang hindi mo siya boyfriend? Kung ganun dapat mo talaga akong ipakilala sa kanya, sandali kailangan ko palang mag retouch” patalikod na sana ito ng magsalita ulit siya.
“Huwag ka ng mag aksaya ng panahon sa pagreretouch, hindi ko nga siya boyfriend pero may nagmamay ari na sa kanya.” Sabi ni Mika
“At sino naman?”nakataas pa ang kilay nito.
“Si Julie lang naman ,” saad niya.
“Si Ma’m Julie? Bakit hindi mo sinabi kaagad. Hindi naman talaga gwapo iyong lalaki eh, kahit hindi mo na ako ipakilala sa kanya, ok, lang hindi ko naman siya type, sige ha babalik na ako sa pwesto ko,at ikaw puntahan mo na iyon.” At nagmamadali na nga itong bumalik sa pwesto nito.
Natatawa na lang si Mika sa ginawi ng officemate. Sino nga ba naman ang kakaribal kay Julie? Sinipat niya muna ang sarili sa salamin. Inayos ang hindi naman nagulo niyang buhok, nagpahid ng face powder, nag apply ng konting lipstick at nagwisik ng pabango.
Iyan ba ang iiwas kay Axel? Eh bakit nagpapaganda ka diyan…kantyaw ng isip niya.
Hindi naman ako nagpapaganda ah, gusto ko lang maging presentable kapag hinarap ko siya…pagtatanggol niya sa sarili.
Pareho lang iyon, gusto mong maging maganda sa paningin niya…patuloy pa rin ng isip niya.
Bahala na nga! At pinuntahan na niya ang lalaking naghihintay sa kanya. Habang papuntang lobby ay hndi niya maiwasang mag-isip.
Naiinis man ay lumipat na lang si Axel sa passenger seat. Hindi niya ito masisi kung bakit naging ganuon ang pagtrato nito sa kanya. Sukat ba namang hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito kanina sa kanya. Hindi niya kasi napansin na iniabot na pala nito ang kamay, dahil naaliw kasi siyang pagmasdan ang napakaamong mukha nito.
Huli na nang mapansin niya ang kamay nito na nakabitin sa ire, tatanggapin na sana niya ito ngunit pasimple nang ibinulsa ni Mika ang kamay. Alam niyang nainsulto ito sa ginawa niya.
Mas maganda siya sa personal… saad niya sa sarili.
Namukhaan niya agad ito kanina ng lumapit ito sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit ito ang sumundo sa kanya, gayong nang huli silang mag-usap ni Julie ay sinabi nitong ito mismo ang susundo sa kanya. Kilala na niya si Mika base na rin sa mga pagkukuwento ni Julie. Tuwing nagkakausap kasi sila ay hindi pwedeng hindi ito banggitin ni Julie, sa tingin nga niya ay sobrang attached sa isa’t isa ang dalawa. Pati nga mga litrato na ipinapadala ni Julie sa kanya ay palaging nanduon ang larawan ni Mika, laging magkasama ang mga ito.
Ipinikit na lang ni Axel ang mga mata habang nasa byahe, ayaw niya munang makipag-usap kay Mika dahil baka lalo lamang lumaki ang gap sa pagitan nilang dalawa. Ayaw niyang lalo pa itong mainis sa kanya.
Aba’t tingnan mo nga ang lalaking ito, tinulugan pa ako… sambit ni Mika sa sarili ng mapasulyap siya sa salamin ng kotse at nakitang nakapikit na si Axel.
Tingnan natin, gusto mong matulog ha, eh, di sige matulog ka and enjoy the ride… saad niya at bigla na lang pinaharurot ng takbo ang kotse na animo ay nasa isang racing field. Mabuti na lang at wala masyadong mga sasakyan kaya pwede siyang magpatakbo ng mabilis.
Biglang napadilat si Axel dahil naramdaman niyang biglang bumilis ang takbo ng sasakyan.
“Pwede bang dahan-dahan naman sa pagmamaneho.” Sabi niya kay Mika.
”Sorry ha, nagmamadali kasi ako eh, may trabaho pa ako…” sagot naman nito sa kanya.
“At saka huwag kang mag-alala hindi kita ipapahamak, kaya matulog ka na lang ulit diyan.” Seryosong saad ni Mika.
Gusto na niyang matawa sa nakikitang hilatsa ng mukha ng lalake.
“Hindi bale na lang, magmamasid-masid na lang ako sa paligid.” Sagot naman nito.
Eh di nagising ka rin, hehehe… lihim na napapangiti si Mika.
Matiwasay naman silang nakarating sa bahay nina Julie. Sinalubong sila ng ina ng kaibigan, na tuwang-tuwa ng makita si Axel. Pagkatapos bumati dito ay nagpaalam na siya at sinabing may pupuntahan pa siyang iba. Hindi na man siya pinigilan ng butihing ginang at nagpasalamat na din ito sa ginawa niyang pagsundo sa binata. Ngiti at tango lang ang isinagot niya sa ginang na para niya na ring pangalawang ina. Patalikod na siya ng marinig niya ang boses ni Axel…
“Mika, maraming salamat sa pagsundo. I really appreciate it.”Sabi nito sa kanya. At iniabot ang kamay.
Ayaw sana niya iyong tanggapin ngunit nakitingin ang mama ni Julie sa kanila.
Napangiti si Axel ng tanggapin ni Mika ang kamay niya.
“Thank you, and Im so sorry sa nangyari kanina, I didn’t mean to do it.” Sinserong paghingi nito ng paumanhin.
“I’ts ok, just forget about it. Sige, mauna na ako.” Tanggap niya sa paghingi nito ng paumanhin.
“Tita I’ll go ahead.” Paalam niya ulit sa ginang.
“Sige iha, mag iingat ka.” Saad naman nito.
“Ah, Mika, ihatid na kita.”Alok ng binata
“Hindi na, nasa kabilang kalye lang naman ang sa amin, at saka baka kapag ihatid mo ako eh, maligaw ka pa pabalik, magpahinga ka na lang. alam kong napagod ka sa byahe mo.” Saad niya dito.
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Axel. Inaya na ito ng ginang na pumasok sa loob ng bahay nang sa gayon ay makapagpahinga.
“Ang gwapo naman nito, parang artista! no wonder na napakaespesyal ng Axel na ito sa buhay ng kaibigan ko”, sabi niya habang titig na titig pa rin sa larawan.
“Ang swerte naman ng kaibigan ko, may kapatid kaya ito?” tanong niya sa sarili.
“di bale, tatanungin ko mamaya si Julie pag tumawag siya, hehehe”, napapatawa siya sa sinabi.
Eksaktong alas otso ay tumayo na si Mika upang abangan ang lalaking susunduin. Palipat lipat ang tingin niya sa larawang hawak at sa mga taong palabas na, gusto niyang makita kaagad ito.
Hindi naman siya nainip sa kahihintay, pagkalipas lamang ng ilang minuto ay lumabas na ang lalake. Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib ng makita ito. Kahit hindi niya na tingnan ulit ang larawang hawak ay siguradong sigurado siya na ito nga ang childhood sweetheart ng kaibigan. Napakagwapo talaga nito.
Napakaperpekto naman ng mukha niya. Tila sadyang inukit ito ng isang napakagaling na pintor. Saad ng isip niya habang sinisipat niya itong mabuti.
Tiyak na ako ang hinahanap niyan, hehehe, ng mapansin niyang panay ang linga nito. Ang swerte ko naman, buti na lang at pumayag akong, ako ang sumundo…mukhang naiinip na si pogi malapitan na nga... Sabi niya sa sarili sabay lapit dito.
“Hi”, bati ni Mika dito ng makalapit.
“Yes?” tugon nito na nakakunot ang noo.
“I’m Mika”, sabay lahad ng kanyang kamay. Ngunit tiningnan lamang nito ang kamay niya.
“You’re Axel right?” dugtong pa nito at pasimpleng inilagay ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon ng hindi ito tinanggap ng lalake. Napataas ang kilay niya sa inasal nito.
HAMBOG! Gwapo nga, ang yabang naman! Aba’t pasalamat siya at nakikipagkamay pa ako sa kanya. Inis niyang sambit sa sarili. Makaganti nga.
“Yeah” maikling tugon ng lalaki sa kanya,
“Then, follow me.”Saad niya dito at tumalikod.
“And why would I do that?” hindi pa rin ito natitinag sa kinatatayuan.
Hinarap niya ito at pinameywangan.
“Kung gusto mong makarating sa bahay nina Julie, sumunod ka. Pero kung gusto mong tumayo lang diyan na parang isang security guard, then suit yourself.” At tinalikuran niya na ito.
Nakakailang hakbang na si Mika ng tawagin siya nito.
“Wait!” sambit nito.
Nilingon niya ulit ito.
“What?” tanong niya na nakataas pa rin ang isang kilay.
“Where is your car?” tanong nito sa kanya.
“Andun” sabay turo sa pinakadulo ng mga naka park na kotse.
“What? Why did you park over there?” gilalas na sambit nito
“Eh sa wala na akong mapagparkingan kanina ng dumating ako eh, anong magagawa ko” pang-iinis niya dito.
Pilit itinatago ni Mika ang ngiting nais mamutawi sa kanyang mga labi.
Ang yabang mo kasi eh, di iyan ang napala mo, hehehe…pilyang saad niya sa sarili
Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagdating nila sa kotse ay sumakay kaagad ito sa tabi ng driver’s seat.
“Excuse me, pero hindi ka pwedeng umupo diyan, doon ka sa likod. Hindi ako nakakapag concentarate magdrive kapag may katabi ako.” Saad niya sa lalaki.
“Ano? Eh bakit hindi na lang ang mga kamag-anak niya ang sumalubong? Hindi ko na man alam kong ano ang itsura ng taong iyon. Hindi niya rin ako kilala, paano kami magkakakilanlan, kung sakali” Tutol niya sa sinabi sa kanya ng kaibigan.
Darating kasi ang childhood sweetheart nito sa susunod na araw. Gusto ni Julie na siya ang sumundo dito dahil may seminar daw itong dadaluhan bukas sa Cebu at isang linggo ito doon.
“Nasa Zamboanga lahat ng mga kamag anakan niya. Sige na naman friend, alam mo naman kong gaano ka special sa akin si Axel, di ba? Hindi ba palagi akong nagpapadala ng picture sa kanya? Ang mga ipinapadala ko eh iyong mga pics na magkasama tayo palagi, at saka parati kitang nababanggit sa kanya tuwing nag uusap kami over the phone, kaya alam kong kilala ka na niya”, mahabang paliwanag ni Julie.
“Ganun! naibenta mo na pala ako sa kanya, o sige na nga! Naku kung hindi lang talaga kita mahal eh! Sandali, may trabaho nga pala ako sa araw na iyon” saad niya, sabado noon. Muntik niya nang makalimutan na may pasok nga pala siya pagka Lunes.
“Don’t worry about that sister, naipagpaalam na kita kay Daddy, you can take the day off”, sagot ng nakangisi niyang kaibigan. Nagtatrabaho kasi siya sa kompanya nila. Kinuha siya ng ama nito pagkagraduate nila ng college.
“Kung ganun eh nakaset na pala talaga ang lahat sa araw na iyon, at ang pag sang ayon ko na lang ang kulang?” hindi iyon isang tanong kundi isang kumpirmasyon.
“Hehehe…oo…alam ko namang hindi mo ako bibiguin eh, hehehe” nakatawang pag amin ng kaibigan.
“Ikaw talaga o”, napapailing na lang siya sa ginawi ng kaibigan.
Dumating ang araw ng lunes. Para makaiwas sa traffic, madaling araw pa lang ay nasa daan na si Mika, sakay ng isang sasakyan nina Julie. Marunong na rin naman siyang magmaneho ng kotse dahil sabay sila ni Julie na nag aral ng driving lesson, sa kagustuhan at pamimilit na rin ng kaibigan at ng mga magulang nito. Dahil sa nag-iisang anak si Julie ay anak na rin ang turing ng mga magulang ng kaibigan sa kanya. Ganoon din ang turing ng kanyang ina kay Julie.
Mag aalas syete na ng umaga ng makarating siya sa airport. Medyo malayo layo rin kasi ang pinanggalingan niya. Mabilis niyang naiparada ang sasakyan at dali daling bumaba ng kotse. Naupo siya sa isang upuan kung saan madali niyang makikita ang susunduin. Alas otso ang dating nito, at habang hinihintay ay kinuha niya sa kanyang bag ang larawan nito. Hindi niya pa ito natitingnan buhat ng ibigay ng kaibigan sa kanya pagkagaling nila sa simbahan. Nagmamadali kasi silang dalawa dahil pagkatapos nilang magsimba ay aalis din kaagad ang kaibigan patungong Cebu para sa seminar. Nawaglit na rin sa isipan niya ang tungkol sa larawan pagdating niya sa kanilang bahay.
Kanina pa pinagmamasdan ng batang si Julie ang bago nilang kaklase. Simula kasi ng ipinakilala ito kanina ng guro nila ay tahimik na itong naupo sa gilid. Kumibo’t hindi ito. Kahit kaninang recess ay hindi ito lumabas para bumili ng pagkain. Napansin niya lang na may dinukot ito sa kanyang bag na biscuit at ito na ang ipinang recess nito.
“Ano ba iyang suot niya, parang basahan”, narinig niyang wika ng isa niyang kaklase.
“Oo nga eh, at tingnan nyo, naka tsinelas lang siya, at bakit siya tinanggap dito eh pang mayaman ang school na ito ah.”, dugtong naman ng isa.
Nagpantig ang tenga ni Julie sa narinig. Oo nga’t maykaya ang mga ito, ngunit wala silang karapatang manlait ng kanilang kapwa. Iyon ang turo ng mga magulang niya sa kanya.
Hindi napigilan ni Julie na sugurin ang mga kaklase.
“Excuse me? Who do you think you are to humiliate her?”, pa-english na sabi niya sa mga klasmeyt na nanlalait at nakataas pa ang isang kilay niya.
Napalingon si Mika mula sa pagkakayuko. Kanina pa niya naririnig ang mga panlalait na iyon ng mga bagong kamag-aral. Hindi niya lang pinapansin dahil alam niyang totoo naman ang mga pinagsasabi nila.
“Hindi porke’t luma ang damit niya ay pwede niyo na siyang laitin, eh ano naman ngayon kung naka tsinelas lang siya, masama ba iyon? At sino ang nagsabi sa inyong pangmayaman lang ang school na ito?” mataray na wika ni Julie.
Biglang nagtatatakbo ang mga kaklase nilang iyon, natakot marahil kay Julie.
“Thank you ha” ang mahinang wika ni Mika na nakatayo na sa likuran ni Julie.
“Ay kabayo!” gulat na sigaw ni Julie.
“Ano ka ba naman, aatakihin ako sa iyo sa puso eh, bigla ka na lang sumusulpot.” dugtong pa nito na talagang nagulat kay Mika.
“Sorry ha, hindi ko na man sinasadyang gulatin ka, gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtatanggol sa akin kanina”, ang nahihiyang tugon ni Mika.
“Naku wala iyon, ako nga pala si Julie Anne Sandoval”, pakilala ni Julie sa sarili at inilahad ang kamay.
“Ako naman si Mika Andrades” sabay abot ng kamay ni Julie.
At doon nagsimula ang isang pagkakaibigan. Hindi naging hadlang ang estado ng kanilang buhay. Magkasundo sila sa lahat ng bagay.
Mula noon ay lagi nang magkasama ang dalawa. Hanggang sa magtapos sila ng elementarya, kung saan naging valedictorian si Mika at nabigyan pa ng full scholar sa high school. Tuwang-tuwa naman si Julie para sa kaibigan. Ganuon din ang nangyari ng magtapos sila sa high school. Iisang paaralan pa rin ang pinapasukan nila nang mag college, magkaiba nga lamang sila ng kursong kinuha. Nagtapos nang Business Administration si Mika, samantalang, Nursing naman ang natapos ni Julie.
Pepep! Peeeep! Napalingon si Mika sa tunog na iyon. Papunta kasi siya sa bahay nina Julie at dahil malapit nga lang ito eh nilalakad niya lang.
“Mika, sakay na!” tawag ni Julie sa kaibigan, ito pala ang bumubusina.
“Galing ka ba sa ospital?”, tanong ni Mika nang makasakay na sa sasakyan, nakasuot pa kasi ito ng uniform. Isa na itong registered nurse at kasalukuyang nagtatrabaho sa ospital na pagmamay ari rin ng pamilya nito.
“Oo, kulang kasi ng on dutyng nurse kagabi, sabay na nag nag-absent ang tatlo naming kasamahan, kinailangan ko tuloy mag overtime” paliwanag nito habang nagmamaneho.
“Ganun ba, eh ano ba yang mahalaga mong sasabihin sa akin?” tanong naman niya
“Sa loob ko na sasabihin” nakangiting saad nito. Nasa tapat na sila ng napakalaking bahay at bumubusina para mabuksan ang gate.
“Nay, punta po muna ako kina Julie”, paalam ni Mika Kay Aling Fe nang umagang iyon.
“ O sige anak, mag iingat ka lang sa daan”, paalaala lang ng ina.
“Opo”, tugon ni Mika.
Nasanay na si Mika na iyon at iyon ang laging ibinibilin sa kanya ng ina, kahit sabihin pang nasa kabilang kalye lang ang bahay nina Julie. Hindi niya rin naman ito masisisi dahil alam niyang iniingatan lang siya nito. Ito lang kasi ang tumatayong magulang niya simula ng iwan sila ng kanyang ama. Kapapanganak pa lang ng kanyang ina sa kanya nang umalis ang kanyang ama upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Noong unang taon nito doon ay palagi itong ngpapadala ng sulat at suporta sa kanilang mag-ina. Umuwi ito pagkalipas ng isang taon upang magbakasyon at muling bumalik pagkatapos ng isang buwan. Ngunit hindi na ito nagbalik magpahanggang ngayon. Dahil dito ay palagi siyang tinutukso ng mga kalaro at kaklase na putok sa buho daw siya. Matalino si Mika kaya sa murang edad ay alam niya kung ano ang ibig sabihin ng “putok sa buho”, at nasasaktan siya tuwing naririnig ito.
“Huhuhu! Nay, hindi po ba may tatay naman ako?nasaan na po ba siya?” tangis ng batang si Mika, minsang umuwi siya galing sa paaralan, grade one siya noon.
Naawa si Aling Fe sa itsura ng anak nang makita ito. Mula ng iwan sila ng “asawa” ay ngayon lang niya nakitang umiyak ang anak at nagtanong tungkol sa kanyang ama. Biglang bumangon ang galit at poot na nararamdaman niya sa “asawang” nang iwan sa kanila.
“Bakit anak, ano ba ang nangyari?” tanong niya sa anak.
“Ti..nutukso po kasi ako sa school, pu…putok sa buho daw po ako”, hikbing sagot ni Mika.
“Hindi totoo ‘yan anak, kay nanay ka maniwala at huwag sa kanila”, pang aalo ng ina sa anak.
“Kung ganun, nasaan na po si tatay? Bakit hindi pa siya umuuwi?, bakit tuwing birthday ko at Christmas ay wala siya?” sunod-sunod na tanong ng anak.
Napabuntong hininga si Aling Fe sa mga tanong na iyon ng anak.
“Panahon na siguro para malaman mo kung ano talaga ang nangyari”, sagot ni Aling Fe sa anak.
Isinalaysay ng ina kay Mika ang lahat, mula sa simula. Pilit niyang ipinapaintindi sa murang pag-iisip ng anak ang lahat, sa abot ng kanyang makakaya. Sinabi niya dito kung bakit lumaki siyang walang kinagisnang ama. Alam niyang matalino ang anak at maiintindihan siya nito. Ang hindi niya lang ikinuwento ay ang ginawa niyang pagmamakaawa sa “asawa” na huwag silang iwan, alang-alang man lang sa anak at ang pagmamatigas ng ama nito. Tama na para sa kanya na siya lang ang mamuhi dito. Ayaw niyang magkaroon ng sama ng loob ang anak sa ama, dahil kahit ano pa man ang nangyari ay ama niya pa rin ito.
Pilit itinatago ni Aling Fe ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata nang matapos niyang ilahad ang katotohanan sa anak. Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Gusto niyang ipakita dito na matatag siya. Ngunit hindi nalingid sa mga mapanuring mga mata ni Mika ang mga luhang iyon. Alam niyang talagang nasaktan ang ina sa ginawang iyon ng ama. Kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na babanggitin ang ama sa harap ng ina. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga paghihirap nito.
“Huwag kang mag alala anak, bukas na bukas din ay lilipat ka na ng paaralan, para wala nang tutukso sa iyo” ang sabi ng ina pagkatapos.
Simula pagkabata ay matalik ng magkaibigan sina Mika at Julie. Sabay na lumaki at nag- aral sa iisang paaralan mula elementarya hanggang college.
Hindi nga lang sila pareho ng kursong kinuha dahil magkaiba ang hilig ng dalawa. Nagtapos ng Business Administration si Mika, samantalang Nursing naman ang natapos ni Julie.
Dumating sa buhay nila si Axel, ang espesyal na lalaki sa buhay ni Julie.
Ngunit paano kung pati si Mika ay mahulog rin ang loob sa binata.
Kaya bang pawiin ng pag-ibig ang itinatagong galit sa puso ni Mika?
Kaya ba niyang palayain ang sarili alang-alang sa pagmamahal?