Tayo Hanggang Huli Chapter 50
Nasa Bohol na sina Micea. Parang nagbalik lahat sa alaala niya ang masasaya at ang masasakit na pangyayari sa lugar na iyon. Hindi niya maiwasang mapaluha. Kasalukuyang nasa unit niya sila na nasa likod bahay.
“May problema ba loves?” Nag-aalala kaagad na tanong ni Mon.
“Wala. Naalala ko lang noong unang magkita tayo. Noong itinulak mo ako.” Napangiti silang dalawa sa naalala.
“Hoy” Tinulak ba naman ako.
“Aba? Bakit mo ako itinulak?” Galit akong humarap sa tumulak sa akin.
“Kasi po, basketball court ito. Naglalaro kami, kaya tumabi ka dyan.” Pang-aasar na sabi ng tumulak sa akin.
“Pwede niyo namang gamitin iyong isang court lang bakit dalawa pa. Akala mo naman ang gagaling. Pwee.” Balik kong pang-aasar sa kanya pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
“Mahal na prinsesa pasensiya na po, ang tingin ko kasi dito ay basketball court hindi palasyo niyo kaya hindi po ninyo kami mapagsasabihan kung saan kami pwedeng maglaro.” Patuloy niyang pang-aasar sa akin at nag-aper pa sila nung kasama niya.
Isang malutong na sampal ang tumugon duon.
“Isa pa at hindi na kita palalampasin. Gusto mong makita kung ano ang bastos? Heto…” Hinawakan niya nang mahigpit ang mga balikat ko. Galit na galit ang mga mapupungay niyang mata at nakakatunaw ang mga titig niya. Ang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako.
“Tama. Sakit mo ngang manampal e. Dalawang beses pa.” Napapahalakhak na silang dalawa.
“E hahalikan mo ba naman ako. Hindi pa yata ako nakakahalik tapos nanakawin mo lang.”
“Pero ginawad mo din naman sa akin ang unang halik na iyon nang hindi lumaon ah.”
“Mon, natatakot ako.”
“Huwag kang matakot. Makakaya natin ito kung magkasama tayo. Sige na!”
At hinalikan niya ako. Kahit hindi matagal iyon ay sapat na para umo-o ako. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko na siya. Yumakap din siya sa akin.
“Oo naman. Pakitaan mo ba naman ako nang pagkamodel mo sino ba namang hindi bibigay…” Halos maluha na sa katatawang sabi nito. Naalala niya nung magtanan sila at naka brief lang itong nakaharap sa kanya pagkalabas ng shower.
“Gusto mo magshower Mon? Tapos na ako.”
“Oo, tapusin ko lang itong palabas.”
“Ok.”
Nang lumabas na si Mon sa shower ay nagulat ako. Nakabrief lang ito. Maputi ito kaya hindi sagwang tingnan. Sexy pa nga ito. Kinikilig talaga ako ng sobra.
My gosh! Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na makontrol na mapangiti.
“Matagal ko ding tinikis ang damdamin ko sa’yo dahil sa takot na iwan at saktan mo ako pero hindi ako nagsisisi loves na ikaw ang pinili ng puso ko. Alam na alam niya na hindi mo siya sasaktan at paluluhain.” Naging seryoso siya.
“Pakinggan mo na muna ang paliwanag ko Micea. Please” Pagsusumamo ni Mon.
Humarap ako kay Mon at diretso ang tinging sinabi ko:
“Mon, hindi kita mahal. Wala akong nararamdaman sa iyo kahit konti. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo. Kaya sige na, umalis ka na.”
“Dahil kahit ilang beses mo akong ipinagtabuyan noon alam ko kung di ako susuko magiging tayo din.”
“Gusto kong mag-usap tayo. Gusto kong magpaliwanag sa iyo kung ano ang nangyari.”
“Micea mahal kita. Patawarin mo ako kung iniwan man kita.”
“Hindi naging tayo at kailanman hindi magiging tayo. Sumama lang ako sa iyo para makalayo sa lolo ko. Kalimutan mo na ang nangyari, kabaliwan lang iyon.”
“Kahit kailan ay hindi kita minahal. Akala ko matututunan kitang mahalin kung sumama ako sa’yo pero wala talaga.”
Hinalikan niya ang babaeng minamahal. Dumikit ang mga katawan nila sa isa’t isa. Bumaba ang mga halik ni Mon sa leeg nito.
“Aray.” Naramdaman niyang napalakas ang paggalaw ng baby nila. Hinawakan pa niya ang tiyan at hinimas iyon. Pansin na ang pag-umbok nito kahit hindi pa ganun kalaki.
“Baby, gising ka pala. Sorry ah.” Natatawang hinalikan din ni Mon ang tiyan niya. “Tulog ka na ulit. Akin muna si Mommy ngayon.” Kahit natatawa ay seryosong sabi ni Mon habang hinihimas ang tiyan ni Micea.
Inangkin niyang muli ang labi ng kasintahan. Nang ihiga na niya ito ay nakita niya ang pag-aalinlangan nito.
“Ok lang loves. Makakapaghintay ako.” Madamdaming sabi niya sa kasintahan.
“Hindi loves. Handa na ako.” Madamdaming ding tugon nito. Naisip niyang kakalimutan na niya ng tuluyan ang nangyari sa kanila ni Rian. Hindi na siya magpapatalo sa mga bangungot na iyon para lumigaya na sila ng lalaking mahal niya.
Iyon ang kauna-unahang inangking muli ni Mon ang kasintahan matapos ang nangyaring kabaliwan ni Rian.
Nabalitaan nina Mon na inilipat sa mental hospital si Rian. Nakita kasi ng mga pulis ang senyales na nababaliw na ito. Palagi nitong tinatawag si Micea at ang anak daw nila. Malimit pa nga daw nitong idrawing si Micea. Nagsasalita at tumatawang din itong mag-isa. Minsan nga ay nanghihinayang ang mga pulis dahil matalino ito at magaling na engineer pero nabaliw lang dahil sa pagmamahal sa isang babae. Kahit nahahabag sila sa balitang iyon ay hindi dinalaw ng mga ito ni minsan si Rian. Hindi na hahayaan ni Mon na makita pa ni Micea ang lalaking naglikha ng malaking takot sa buhay nito.
Kinahapunan ay nagpaalam si Mon kay Micea na maglalaro sila ng basketball ng mga kaibigan pero ang totooy hindi iyon ang pakay niya. Pinuntahan niya ang mga kaibigan para ihanda ang proposal para sa kasintahan. Gusto niyang magpakasal na sila sa simbahan. Pinagtulung-tulungan nilang magkaibigan ang proposal na iyon.
“Micea, sama ka sa’kin sa tabing dagat.” Anyaya sa kanya ni Bebs.
“Ha? Anong meron?”
“Wala naman. Pasyal lang tayo. Namiss na kitang makasama.” Hinaplos pa nito ang tiyan niya.
“O sige.” Hindi naman nagduda si Micea sa imbitasyon ng kaibigan.
Pagdating nila sa tabing dagat ay sumalubong ang napakagandang tanawin sa kanya. Iginuhit sa buhangin ang isang puso na may mga bulaklak na nakapalibot dito. Sa gitna noon ay nakatayo si Mon. May tatlong bangka din na may nakasulat na ‘Marry’ ‘Me’ ‘Loves’. At higit sa lahat ay papalubog na ang araw ng mga sandaling iyon, bagay na madalas nilang sadyain ng kasintahan sa tabing dagat na iyon.
Nanduon ang lahat ng barkada nila pati si Melet. Tinanggap na rin ng matiwasay ni Melet ang relasyon ng dalawa. Naging masaya na lang siya para sa kanila. Binigyan din siya ni Micea ng tunay na pampaslim bawi nito sa nagawa niyang paglalaro sa pagpapasexy nito.
Laking tuwa niya at hindi niya napigilan ang mapaiyak sa tanawing kanyang tinitingnan. Nakita niyang nakangiti sa kanya ang lalaking minamahal. Pinuntahan niya ito sa loob ng pusong iyon.
“Marry me loves.” Sabi ni Mon sa kanya habang isinusuot ang bracelet sa kanya. Hindi singsing kundi bracelet ang ibinigay ni Mon sa kasintahan. Mahalaga ang bracelet na iyon sa kanilang dalawa ng kasintahan. Nakita daw ni Leah na itinapon ng lolo niya sa basurahan ang bracelet na iyon kaya itinago niya ito at ibinalik kay Mon noong magkita sila.
“Paano napunta sa’yo to?” Nakita niyang iyon ang bracelet na ibinigay ni Mon sa kanya noon. Ang kauna-unahang regalo ng kasintahan sa kanya kahit hindi pa sila magkasintahan. Binasa niya ang nakasulat doon. ‘Mon will always love you’. Naluha na siya ng sobra sa nabasa niya. Iyon ang pangakong pinanghahawakan niya sa buong buhay niya simula ng makilala niya si Mon. Ngumiti lang ang kasintahan sa tanong niya.
“You know I will marry you Mr. Raymond Alda.”
“Thank you Ms. Micea Jane Castillo… I love you so much loves.”
“I love you so much also my loves.” Nagyakap sila at nagpalakpakan ang lahat.
Pagkatapos ng proposal ni Mon ay nagkantahan pa sila at nagsayawan. Hindi din nawala ang kainan. Naging napakasaya nilang lahat.
Kinantahan ni Mon si Micea. Iyong kantang kinanta niya para kay Micea sa stage at palaging laan niya para sa kasintahan – ang Mahal Pa Rin Kita by Rockstar.
Kumanta din si Micea. Hindi man niya sinabi na iniaalay niya kay Mon ang kantang ito noon pero tanging si Mon ang dahilan kung bakit gusto at naging paborito niya ang kantang iyon – ang Maniniwala Ba Ako by Roselle Nava.
Isang buwan pagkatapos ng proposal ni Mon ay handa na ang lahat. Minadali nila ang kasal para hindi masyadong mahirapan si Micea para sa gaganaping kasal kung hindi pa ganun kalaki ang tiyan niya.
Excited na ang lahat na naghihintay sa tabing-dagat. Dumating na si Mon at hinihintay na lang nila si Micea. Nang makarating na si Micea ay excited na nagmarcha ang lahat. Kahit si Mon ay nanlalamig sa excitement. Masaya siyang nakatingin sa babaeng mapapangasawa habang palapit ito sa kanya. Maluha-luha din niyang pinagmamasdan ang dinadala nitong bunga ng pagmamahalan nila. Sa wakas loves magiging tunay na mag-asawa na din tayo. Hindi sa mata ng Diyos lang kundi sa mata ng buong mundo.
Napakaganda ng pagkakadecorate ng tabing-dagat. Ang isle ay may napakaraming bulaklak at nakasabit ang mga sulat nila sa isa’t isa. Libreng basahin iyon ng kahit na sinong bisita para malaman ng lahat ng dumalo sa kasal nila kung gaano kalalim ang pagmamahal meron sila sa isa’t isa kahit pa pinaglayo ng pagkakataon.
Hi Love,
I know you’d look for me in the morning my love kaya iniwan ko na lang ito dahil parang hindi ka pa gising pagdaan ko.
Sige my Love.. I love you.. I love you.. I love you!
Mon will always love you…
Ginawa nilang altar ang malaking bato kung saan una silang lihim na nagtagpo at inamin niya ang damdamin sa lalaking minamahal.
“Hindi si Rian kung hindi ikaw lang Mon.”
“Mahal kita Micea, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala ka.”
“Mahal na mahal din kita Mon. Sumpa man ikaw lang.”
May mga bangka din para bigyang alaala ang tagpo kung saan unang gustong aminin ni Mon ang damdamin niya para kay Micea.
“Micea,” Tumigil siya sa pagsasalita.
“Ha?” Napalingon ako sa kanya.
Napabuntong-hininga siya bago sumagot. “Kung sakali bang sabihin ko sa iyo na… ay wala.” At nilaro-laro ng mga paa niya ang dagat.
Hindi ko na naman tinanong sa kanya kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. “Ok”
Kahit natatakot si Micea sa mga star fish ay pinalibutan nito ang buong venue para ipaalala ang tagpo kung saan naging dahilan para buhatin siya ni Mon patungo sa bangka. Lahat yata ng dekorasyon sa lugar na iyon ay may hindi makakalimutang alaala sa kanilang relasyon.
“Mon, sa totoo lang natatakot ako sa star fish. Nakita mo, ang dami nila.” Hiya kong pag-amin sa kanya.
“Ok lang yan. Halika! Kargahin na lang kita papunta sa bangka. Di ka naman mabigat di ba?” Sagot niya.
Kinarga niya ako hanggang sa may bangka. Nakakahiya talaga.
‘Sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko kung walang ikaw hindi ko yata kakayanin. Kung sa lahat ng luhang papatak sa mga mata ko kung hindi ikaw ang dahilan balewala rin. At kung sa lahat ng tawa ko kung wala ang ikaw na nagpapalutong nito hindi ko na lang gugustuhin. Dahil sa pagkakaalam ko…. Ikaw at ikaw lang loves ang bumubuo ng puso ko.’ - Mon
‘Mahal kita… Madaling sabihin, madaling bigkasin, mahirap unawain… masakit kalabanin… pero ang hirap at sakripisyo para lang patunayan ang lalim ng ibig ipahiwatig ng salitang ito ay nagawa na nating abutin. Sa lahat ng napagdaanan natin at sa mga pangyayaring nalampasan na natin masasabi kong: kumapit ka lang loves walang hindi natin kakayanin.’ - Micea
Naluha ang lahat sa vows nila para sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ang init ng pagmamahalan nila.
“You are now Mr Raymond and Mrs Micea Jane Alda.” Deklarasyon ng nagkasal sa kanila. “You may now kiss the bride.”
Halos hindi bitiwan ni Mon sa paghalik ang asawa. Gusto niyang ipakita sa lahat ng nanduon na ganuon katindi ang pagmamahal niya sa asawa. Naluha na silang pareho. Sa wakas ay wala nang makakapaghiwalay sa kanila. Kahit pa dumating ang napakaraming pagsubok sa buhay nila ay taas noo nilang sasabihin sa isa’t isa na ‘Tayo Hanggang Huli’.
Click here for more stories.
~The End~
Maluha-luha po akong isinulat ang huling episode. Mamimiss ko ang pagsulat ng storyang ito. Naging parte na po kasi siya sa araw-araw na pagsusulat ko. This story is dedicated to Momon (Raymond) of Bukidnon. Nasaan ka man ngayon. Naaalala ko pa din ang lahat ng nangyari sa atin sa Bohol at hinding hindi ko makakalimutan iyon kahit kailan. Sana po nagustuhan ninyo!
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.