Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 28
“Larry, kahit ayaw mo kailangan nating pag-usapan.” Pilit ko sa kanya.
“Bakit ba ang kulit-kulit mo?” Galit na sabi kaagad ni Larry.
“Dahil hindi ko hahayaan na patuloy tayong magkaroon ng relasyon kahit pareho nating alam na wala ng patutunguhan ito.”
“Gusto mo talagang lumaya ano? Para kay Jerick.”
“Hindi lang iyon ang rason kundi iyon ang tama.”
“Akin ka lang. Hindi ka maagaw ni Jerick sa akin. Magkamatayan na kami.”
“Huwag ka namang ganyan Larry. Pinapagulo mo lalo ang sitwasyon eh.”
“Ano bang nagawa kong kasalanan sa’yo Kath at sinasaktan mo ‘ko ng ganito?” Luhaan ng sabi nito.
“Wala kang kasalanan Larry. Ako ang may kasalanan ng lahat. Dapat sa simula pa lang nagpakatotoo na ako sa tunay kong damdamin.”
“Kath, matututunan mo din akong mahalin. Subukan mo lang. Please!”
“Sinubukan ko Larry pero hindi ako nagtagumpay. Si Jerick pa din ang nilalaman ng puso ko. I’m sorry pero iyon ang totoo.” Hindi ko na napigilan na pumatak din ang mga luha ko. “I’m very sorry Larry but we have to end this relationship. Sana matanggap mo iyon.”
“Ganun lang ba kadali iyon Kath?”
“Hindi ganun kadali sa akin ang gawin sa’yo to Larry dahil naging mabuti ka sa akin. Ni minsan hindi mo ‘ko sinaktan. Ni minsan hindi mo ‘ko niloko.”
“Kath.” Niyakap niya ako. “Huwag naman o. Kahit ako na lang ang magmahal sa’yo. Kahit hindi mo na lang suklian iyon ok lang sa’kin. Sapat na ang pagmamahal ko sa’yo para sa relasyong ito. Please Kath!”
“Larry, hindi pwede! Ayokong patuloy na lokohin ka.”
“Tinatanggap ko iyon Kath at wala akong pakialam.”
“I’m sorry Larry. Nakapagdesisyon na ako. Hindi pwede na patuloy kitang karelasyon samantalang iba ang gusto kong makasama.”
“Hindi ka liligaya Kath kasama si Jerick. Hindi! Isinusumpa ko iyan.”
“Larry naman.” Nilapitan ko siya para aluin pero lumayo siya.
“Hindi ko matatanggap ang desisyon mo. Hindi ako maiisahan ni Jerick.” Pagkasabi ay lumabas na ito ng bahay namin.
Larry I’m sorry! Pataghoy kong sabi.
Nang lumingon ako sa direksyon papunta sa kwarto ko ay nakita kong nakikinig pala ang mama ko.
“Anong nangyayari sa inyo Kath?” Simulang usisa nito.
“Gusto ko na pong makipaghiwalay kay Larry Ma.”
“Ang bait-bait nuong tao gaganyanin mo lang.”
“Hindi ko naman po kasi siya mahal eh at di ko mapipilit ang sarili ko na mahalin siya.” Magsasalita pa sana ang mama ko ng may magpapatao po kaya pinuntahan ko ang pintuan.
“Jerick, anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ko sa kanya. Nakita kong sumimangot ang mukha ng mama ko. Pagdakay pumasok na rin sa sariling silid.
“Dinadalaw ka.” Sagot naman nito.
“Para nga pala sa’yo.” Iniabot niya ang bulaklak na napakaganda ang pagkakaayos at tsokolate.
“Salamat ha. Halika! Pasok ka.” Pumasok na siya.
“Maupo ka.” Anyaya ko sa kanya at nauna ng maupo.
“Kumusta ka na nga pala?” Tanong niya pagkaupo.
“Ok lang ako Jerick. Ikaw? Kumusta ka na?”
“Pinuntahan ako ni Larry sa bahay. Ayun muntik na kaming magsapakan kung di ko lang pinigilan ang sarili ko. Alam kong wala akong karapatan na magalit dahil ako ang nagiging dahilan ng gulo.”
“Hindi ko aakalain na hahantung ang lahat sa ganito.”
“Ako nga din eh pero Kath huwag ka sanang sumuko ha. Magiging maayos din ang lahat.”
“Hindi ako susuko. Pangako iyan!”
Kinabukasan ay nagpunta na ako ng school. Last day ng intrams at may pakulo ang school na send a message to your special someone kaya dinagsa ang Student Center ng mga estudyanteng gustong magpabasa ng mga messages para sa kanilang mga nagugustuhan.
“Kath, hindi ka ba magsesend ng message kay MrCloseUp?” Tanong ni Jessa na may kasamang tukso. Hindi ko pa naikukwento sa kanya ang nangyari na natuklasan na ni Larry ang lihim na pagkagusto ko kay Jerick.
“Hindi na lang.” Matamlay kong sabi sa kanya.
“Himala yata.”
“Anong himala doon? Ikaw talaga. Tayo na nga sa gym.”
Papalabas na sana kami ng gate para pumunta sa gym ng marinig namin ang pangalan ko na tinawag ng announcer.
“Katherine Dela Cruz, kung nakikinig ka may mensahe para sa’yo si MrCloseUp.” Narinig namin na sabi nito mula sa speaker.
“Si Jerick Kath.” Nanlaki ang mga matang sambit ni Jessa.
“Personal niyang sasabihin ang kanyang mensahe para sa’yo Katherine Dela Cruz.” Nagsalita ulit ang lalaking iyon.
“Personal pa. Grabe talaga ang tama ni Jerick sa’yo.”
“Pakinggan na lang natin.”
“Para sa’yo ang kantang ito Kath:”
Sa buhay natin mayroong isang mamahalin sasambahin
Sa buhay natin mayroong isang bukod tangi sa lahat at iibigin ng tapat
Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon At para bang ika’y nilalaro ng panahon
May ibang makikilala at sa unang pagkikita may tunay na pag-ibig na madarama
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y malaya pa
At hindi ngayong ang puso ko’y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y nag-iisa
Sino ang iibigin? Ikaw sana
Di mo napapansin sa bawat araw na kasama mo siya kapiling ka niya
Bawat sandali punung puno ng ligaya’t saya damdamin ay iba
At di sinasadyang pagkakataon at para bang ika’y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap mga labi niyo’y naglapat ang inyong matay nagtatanong at nangangarap
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y malaya pa
At hindi ngayong ang puso ko’y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y nag-iisa
Sino ang iibigin? Ikaw sana
Ikaw SANA
“Mahal na mahal kita Kath. Huwag kang sumuko kakayanin natin ito!” Pagtatapos na sabi nito nang matapos na siyang kumanta.
Halos maluha ako sa kanta niya pero dahil sa madaming tao ay pinigilan ko na lang. Mahal na mahal din kita Jerick!
Nagpalakpakan ang lahat ng nakikinig.
“Ang sweet mo MrCloseUp.” Sigaw ng ilang nakarinig na estudyante.Mayron ding napapatili nung kumakanta siya.
Di nakatakas sa pandinig ni Erika ang ginawa ni Jerick kaya nainis siya ng sobra. Nakita niyang nakatayo sina Kath at Jessa malapit sa may gate kaya pinuntahan niya ang mga ito.
“Hindi talaga kayo titigil na dalawa?” Galit na sabi kaagad niya rito. Napalingon ang mga estudyanteng nasa malapit lang.
“Hoy Erika, huwag ka ngang mag-iskandalo dito?” Pagtatanggol kaagad ni Jessa kay Kath.
“Huwag ka ngang makialam Jessa. Hindi ikaw ang kausap ko.” Sasagot pa sana si Jessa pero pinigilan siya ni Kath.
“Tayo na Jessa.” Hinila niya ito. Hindi na lang niya papatulan si Erika.
“Bakit Kath? Nahihiya kang malaman ng mga schoolmate natin kung gaano ka kalandi?” Napalingon siya rito.
“Erika, I’m begging you! Don’t do this. Please!” Ayaw ni Kath na mabad record sa school.
“May natitira ka pa palang hiya akala ko wala na.”
“Kung gusto mo sa ibang lugar na lang. Di kita uurungan.”Nagtitimping sabi niya.
“Sisiguraduhin ko iyan. Kapag nagkasalubong tayo sa labas ng paaralan, hindi kita palalampasin.”
“Hindi ako natatakot sa’yo at di kita uurungan.” Sabi niya at iniwan na ito.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.