IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Sa’yo Lamang Chapter 2

06.02.2010
07:07

PART 9

“Vince, anong ginagawa ni Sir Miguel sa bahay nina Gia?” tanong kaagad ni Manong Boy sa alaga pagkasakay nito sa kotse. Kanina pa niya ito nakita at talagang nagulat siya ng makita ito.

“Huwag niyo na lang po akong tanungin tungkol diyan Manong. Nangako po akong walang sasabihin kahit kanino man. Kaya ang mabuti pa ay ihatid na natin iyong mga supplies para sa mga bata sa kabilang barangay.” Tugon ni Vince.

“Hindi kita pipilitin kung hindi mo pala pwedeng sabihin. Alam kong may mabigat na rason kung bakit, dahil kung hindi ay kanina mo pa iyon naikwento at marahil ay hindi ko na kailangan pang itanong kung anuman iyon.” Saad naman ni Manong Boy.

“Ganun na nga po.”

Hindi na nga nag-usisa pa si Manong Boy. Iginagalang niya anuman ang sabihin ng alaga.

Nang matapos na nilang ihatid ang mga supplies ay umuwi na kaagad sila sa bahay ng binata. Gustong makapagpahinga kaagad ni Vince nang sa gayon ay may sapat siyang lakas para sa pagpunta niya sa burol sa lola ni Gia kinabukasan.

Papasok na sana siya sa kanyang silid ng narinig niyang tinawag siya ng kanyang ama.

“Vince,”

“Bakit po dad?”

“Ano ‘tong nalaman ko na hiniwalayan mo na raw si Louise dahil may nagugustuhan ka nang ibang babae?” tanong ng ama.

“Nakapagsumbong na pala sila sa iyo.” sagot ni vince sa ama. nag-eexpect na siya na mangyari ito.

“ Totoo ba iyon?”medyo mataas na ang boses nito.

“Totoo po dad.”

“Tanga ka ba? Bakit mo naman pakakawalan ang isang kagaya ni Louise, ha! nasa kanya na ang lahat at wala ka ng hahanapin pa!” hindi na mapigilan ni Alejandro ang galit sa anak.

“Hindi ko po mahal si Louise.”

“Natutunan ang pagmamahal, ang mahalaga ay nagkakaintindihan, kaya sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Loiuse.”

“C’mon dad, hindi niyo ako mapipilit sa isang bagay lalo na at hindi ko gusto.” Tugon ni Vince sa ama.

“Hindi mo ako maaring suwayin Vince! Dahi naitakda na namin ni Margie ang kasal niyo ni Louise at hindi na mababago ‘yon. Kaya tigilan mo na ang pakikipagkita sa kung sino mang babaeng iyan dahil nakakompromiso ka na sa iba!”

“Ano to? Arrange marriage? Hindi ko akalain na uso pa pala ito ngayon.”

“Huwag mo akong pipilosopohin Vince! ‘yan ba ang impluwensiya sa iyo ng babae mo? anong klaseng babae ba iyan?”

“Huwag niyo pong hamakin si Gia. Disenteng babae po siya kahit sabihin pang wala siyang kayamanan.”

“So, mahirap pala ang babaeng iyan, eh di lalong hindi ko siya magugustuhan para sa iyo.”

“Hindi sukatan ang pera sa pag-ibig dad. At hindi ko naman po hinihingi ang basbas niyo para gustuhin ko si Gia dahil kung saka-sakali ay hindi naman po kayo ang magsasama kung hindi kaming dalawa. Kaya pasensiya na lang po dad, pero hinding-hindi po ako magpapakasal kay Louise.”

“Hindi mo ako…” hindi na naituloy pa ni Alejandro kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil biglang nanikip ang kanyang dibdib.

“Dad!, dad! anong nangyayari sa inyo dad!” tarantang saad ni Vince nang makitang tutop ng ama ang dibdib at nahihirapan itong huminga.

“Tulungan niyo kami! Manong Boy, tulong!” sigaw ni Vince sa mga kasambahay.

Nagtatakbo namang lumapit ang mga ito.

“Tumawag kayo sa hospital sabihin niyo ipahanda ang ER.” Utos niya sa isang katulong. May sarili kasi silang hospital.

“Manong, tulungan niyo po akong maisakay si Daddy sa kotse at nang madala po natin kaagad siya sa ospital. Bilisan po natin Manong..!” nagmamadaling saad ni Vince.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme