Ikaw Lamang Chapter 27
“Hi Mom, Hi Dad!” Bati ni Glenda ng makarating na sila ni Mon sa bahay nila.
“Hija, buti naman nandito ka na. Akala ko di mo sisiputin ang sarili mong party eh.” Nabunutan ng tinik na wika ng Mommy niya.
“Mommy naman ang daming inaalala. I told you I will come, so here I am. By the way, this is Mon my boyfriend.” Pormal na pagpapakilala ni Glenda kay Mon sa kanyang ina. Siya namang paglabas ng kanyang ama mula sa silid nila.
“Nice to meet you Mrs. Baromeda.” Kinamayan pa ni Mon ang Ginang.
“I’m glad to meet you Mon.” Nakangiti namang sagot ng Mommy ni Glenda.
“Hello Mr. Baromeda, my name is Raymond Alda. Please call me Mon.” Pormal na pagpapakilala ni Mon sa sarili ng tuluyang lumapit ang ama ni Glenda sa kanila.
“Daddy, this is my boyfriend.” Masayang wika ni Glenda sa ama na mababakas sa boses ang tuwa at pagmamalaki.
“Hello Mon. Pleasure to meet you!” Wika naman nito at inabot ang kamay na inilahad ni Mon. “Are you in some way related to Miss Micea Jane Alda? Empleyado ko kasi iyon eh.”
Nagkatinginan sina Mon at Glenda. Hindi inakala ni Mon na kilala ni Mr. Baromeda ang asawa. Hindi niya alam na sina Glenda pala ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan ng asawa.
Si Glenda naman ay biglang nagkaroon ng duda na baka si Micea ang nag-ayos ng party niya. Kung nalaman lang niya na si Micea pala ang mag-aayos ng party niya ay sana pinahirapan niya ito.
“Ito na pala siya eh.” Saad ng Mommy ni Glenda ng makitang papalapit si Micea sa kanila. Nakatalikod sina Mon at Glenda sa direksiyon ng pinanggalingan niya kaya di pa niya napagsino ang mga ito.
Bahagyang napatigil si Micea sa paglalakad ng makita kung sino ang mga kausap ng mag-asawang Baromeda. Gayunman ay hindi siya nagpahalata. Ipinakita pa rin niyang professional siya at hindi siya gagawa ng eksena.
“Micea, this is my daughter Glenda. Hija, this is Micea Jane – she is the one who organized your party.” Pagpapakilala ng Ginang kina Glenda at Micea.
“Hello Glenda!” Bati ni Micea na kinamayan pa ito. Masamang titig ang nakuha niya sa pekeng ngiting ibinigay niya rito.
“At last we met.” Sarkastikong sabi ni Glenda. “I heard a lot about you! Let’s see if you met my standards.”
“Of course hija. Micea Jane is very good on arranging parties and occasions. We have a lot of clients who really liked her and her work.”
“Well, iba ako sa mga client na iyon Mommy. Well see!” Nilingon ni Glenda si Mon na sa panahong iyon ay di na inaalis ang tingin sa asawa.
“Micea, this is my boyfriend Mon. Mon, this is my party’s organizer, Micea Jane.” Pang-iinis pa na pagpapakilala ni Glenda sa mag-asawa.
Halos bumagsak si Micea sa nalaman. Hindi niya aakalain na magkarelasyon na pala talaga ang dalawa. Napakasakit ng dibdib niya na nakumpirma niyang may relasyon nga ang mga ito. Bakit Loves? Bakit siya pa? Himutok ng isip ni Micea habang nakatingin sa asawa.
Kinamayan ni Mon ang asawa. Ramdam nilang pareho ang tensyon sa pagitan nilang tatlo.
“I think this will be my best party ever!” Pagtatapos nito at tinalikuran na sila habang nakakapit sa siko ni Mon.
Sumunod na din ang mag-asawang Baromeda at si Micea papuntang garden kung saan idadaos ang kaarawan ni Glenda. Nakita nilang marami-rami nang mga tao ang nanduon.
Panay ang lingon ni Mon sa asawa. Hindi niya aakalain na ang mga Baromeda ang mga amo nito. Hindi din niya inakala na ang asawa ang nag-aayos ng party ni Glenda.
Nagsimula na ang programa. Sayawan, kantahan at pagbati sa may kaarawan ang kadalasan sa programang iyon. Hiniling ng Mommy ni Glenda na may sayaw na parang 18 roses kapag may debut kaya kahit 28 na ito ay isinayaw pa din ito na parang debutante ng mga malalapit sa kanya.
Unang sumayaw sina Glenda at ang ama nito. Sumunod si Mon na siyang ikinawasak ng excitement ni Micea sa gabing iyon. Kahit madaming tao ay magkayakap na sumasayaw ang dalawa. Kung pwede lang binato na niya ng kanyang sapatos ang dalawa sa kalandian ng mga ito.
Pumunta siya sa corner ng mga alak at humingi ng alak doon. Para siyang babaeng sanay uminom ng alak. Tinungga niya ang isang baso na parang tubig ito. Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Mon.
Nanunuod lang si Micea. Wala siyang balak na makisaya sa party. Hindi niya namamalayan na may lalaking kanina pa nakatingin sa kanya.
“Hi! May I join you?” Tanong ng isang lalaki at simpatikong ngumiti ito sa kanya.
“Sure!” Sagot ni Micea na bahagya lang tumingin dito at tumungga na naman ng alak.
“What’s your name? By the way, I am Jordan!” Pagpapakilala nito. Inilahad nito ang kamay niya pero tiningnan lang niya iyon.
“Hi Jordan! My name is Micea Jane Alda. Call me Mesh.” Hindi alam ni Micea ano ang pumasok sa isip niya at ginamit niya ang palayaw na iyon. Madalang na lang siyang tawagin ng palayaw na iyon.
Nagsimula ng umikot ang paligid niya pero sige pa din siya sa pag-inom.
Napaisip si Jordan. Kaanu-ano kaya niya iyong iniimbestigahan kung si Raymond Alda? “Pleasure to meet you Mesh! Naglalasing ka ba?” Tanong nito ng makitang halos hindi niya tigilan ang pag-inom ng alak.
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa baso ng alak.
“It’s alright Mesh. I will be glad to join you!” Wika nito na napakalaki ng ngiti.
“Kaanu-ano mo ang may kaarawan?” Tanong niya rito.
“She is my cousin.” Sagot naman nito at tumungga na din ng alak.
“Close ba kayo?”
“Yeah we are. Para na kaming magkapatid niyan eh. Kapag may problema iyon o may pinapahanap ako ang nilalapitan.” Kampanteng sagot niya.
“What do you mean pinapahanap?” Kunot-noong tanong niya.
“I am a private investegator. Detective kung tawagin.”
“Wow! Galing ah.” Wika ni Micea na hindi na kayang idilat ang mga mata. Napasandal siya sa mesa. Parang tinamaan na siya sa ininom na alak.
Biglang lumapit si Mon sa kanila.
“Micea, iuuwi na kita. Mukhang lasing ka na.” Sabi kaagad ni Mon ng makita si Jordan. Napansin niya sa mga mata ng lalaking kaharap na interesado ito sa asawa. Hindi siya makakapayag na may dumagdag na naman sa mga makakaengkwentro niya pagdating sa asawa.
“Kakasimula pa lang ng party ‘pre.” Tutol ni Jordan.
“Hindi mo ba nakikita? Lasing na itong kausap mo.” May konting galit sa boses ni Mon.
“Mon, okay lang ako. Sarap kausap ni detective eh. Di ba detective?” Boses lasing na sabi ni Micea. “Pabayaan mo na kami. Si detective na maghahatid sa’kin sa bahay ko.” Saad ni Micea na ipinagngitngit ni Mon.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


