Batcom I Love You Phase 16
Loving You Hurts
“Linawin mo nga ang narinig ko Jeoff? Did you say Lyka?” Ulit na tanong ni Edgar kay Jeoff.
Natutop ni Jeoff ang sariling bibig. Hindi niya aakalain na masasambit niya iyon. Ganun na ba talaga katindi ang tama niya rito at kahit sariling mga labi ay ipinagkakanulo siya?
“Do you like her?” Usisa pa din ni Edgar sa kaibigan. Kilala na niya ito. Kung hindi ito dedepensa kaagad ay may tama nga ito.
“Yes. I like her very much!” Sagot niya kasabay ng isang buntong-hininga.
“Akala ko ba you don’t like girls like her? Di ba isinumpa mo na ang mga kagaya niya simula nung nangyari sa inyo ni Valerie?”
“Iyon na nga eh. Napakabilis niya kaya hindi na ako nakaporma para ilagan ito.”
“Paano na iyan ngayon?”
“Dalawa na tayong sawi sa pag-ibig. Mukhang boyfriend niya iyong kanina eh. Tapos aali-aligid pa si Lance sa kanya.”
“Won’t you try? Baka naman mali ang mga iniisip mo.”
“Hindi na. Halata namang she doesn’t have anything for me.”
Sabay silang napabuntung-hininga ni Edgar. Dama nilang magkaibigan ang kabiguan ng kanilang mga puso. Magkaibigan nga sila. Kahit ang mga puso nila ay nagkakasundo.
Loving you Princess hurts and it’s killing me. Dismayadong sabi ni Jeoff sa sarili ng magpaalam sila ni Edgar sa isa’t isa.
“So how are you baby?” Tanong ni Ken ng nasa restaurant na sila ni Lyka.
“I’m doing fine. Ikaw?” Kiming sagot niya. Naiilang siya rito. Matagal ding hindi niya nasilayan ang lalaking minahal niya simula pagkabata.
“I’m very happy to see you again Princess.” Sagot nito na hinawakan pa ang kamay niya na nakapatong sa mesa.
“I am happy to see you too. Hindi ko lang inaasahan. Sa dalas ng pagtawag mo, ni hindi mo man lang binanggit that you already had a plan to come home.”
“I’m sorry! I want to surprise you.”
“Ok.”
“Princess, hindi na ako aalis. We can start over. I still love and I always does.”
“Ken, ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Hindi ko alam kung mababalik pa iyong sa atin noon.”
“Don’t you love me anymore?”
“Hindi iyon e.”
“E ano?” Malungkot na tanong nito.
Bumuntung-hininga siya. “Hindi ko maipaliwanag e. Hindi ko din alam.”
“Please Princess, I am begging you to love me back. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin.”
“But Ken, hindi ganun kadali ang hinihingi mo. I believed I already moved on. Three years after ng biglang pag-alis mo hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagbabalik mong ito.”
“Wala na ba talaga kahit konti Princess?”
“Seriously hindi ko talaga alam eh. Masyadong magulo.”
“Bakit ka naguguluhan? May iba ka na bang mahal?”
“I think I do pero parang hindi naman niya ako mahal eh.” Malungkot niyang sagot rito.
“How can you love somebody that doesn’t love you back? Masasaktan ka lang Princess.”
“Ganun nga talaga siguro. May mga pagkakataong hindi ka mamahalin ng taong pinili ng puso mo.”
Dinalaw ni Lance si Cherry sa bahay nila.
“Anong ginagawa mo dito?” Kahit nagulat ay marahan ang pagkakatanong ni Cherry.
“Mukhang tinamaan ako sa kaibigan mo Cherry.” Kumpisal ni Lance kaagad rito.
“Sino? Si Lyka?” Tanong niya na ipinagdurugo ng puso niya.
“Oo. Ngayon ko lang yata naramdaman ang mahulog sa isang babae. Tulungan mo naman ako sa kanya.”
“Bakit? Basted ka ba?”
“Hindi naman pero nakita ko kanina may humalik sa kanya sa CAT Office eh.”
Sinundan ni Lance si Lyka nang ipatawag ito ni Jeoff sa CAT Office. Ayaw kasi niyang maunahan siya ni Jeoff pero laking gulat niya ng makitang hindi si Jeoff ang naghihintay kay Lyka doon kundi isang lalaking porma pa lang ay hindi na mamaliitin ng kahit na sino. Hindi naman siya insecure pero nakita niyang napaiyak si Lyka ng makita ang lalaking iyon. Ibig sabihin may something sa kanilang dalawa. Nakumpirma niya iyon ng halikan nito si Lyka sa labi.
“Baka friendly kiss lang iyon?”
“I’m pretty sure hindi iyon friendly. Sa labi eh. Masakit pala!”
Napabuntung-hininga si Cherry bago sumagot. Naaawa siya sa lalaking mahal niya. Kung gaano kasakit sa’yo na may mahal siyang iba, doble sa akin ang makitang nagmamahal ng iba ang lalaking mahal ko. Nais isagot ni Cherry pero wala siyang lakas ng loob.
“Alam kong masakit. Napagdaanan ko na din iyan pero hindi ka pa naman basted eh. Subukan mo lang. Ipakita mo sa kanya na karapat-dapat ka niyang mahalin.”
“Gagawin ko ang lahat mapasa’kin lang ang puso niya Cherry.”
Pagkatapos kumain ay inihatid pa ni Ken si Lyka sa bahay nila. Nagkunwari siyang masakit ang ulo kaya hindi nagtagal si Ken sa bahay nila.
Nang nasa sariling silid na ay naguguluhan siya masyado sa nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay niyang damdamin.
Kinikilig siya sa mga pagpaparamdam ni Lance. Napapangiti siya sa kasweetan nito at sa pagtatanggol nito sa kanya sa mga katropa nito. Hindi ito nahihiyang magpakita ng nararamdaman kahit sa school. Nagpapakita din ito ng concern sa kanya parati. Bagay na ikinahulog ng loob niya kay Ken.
Si Ken naman ay halos lumabas ang puso niya sa kaba ng masilayan niyang muli ito. Ang lalaking gabi-gabi niyang pinangarap na makikitang muli. Ngayong nakita na niya ito ay parang may nag-iba sa damdamin niya. Dahil ba kay Jeoff kaya parang may nag-iba?
Si Jeoff, napakasuplado nito sa kanya. Pinapahirapan siya palagi pero bakit gusto pa din niyang makasama ito? Bakit parang si Jeoff ang gusto niyang nanliligaw sa kanya ngayon? Bakit parang si Jeoff na walang pagmamahal sa kanya ang feeling niyang pinaglalaanan ng puso niya? Ang sakit palang magmahal. Loving you Jeoff hurts me! Halos maluhang saad niya sa sarili.
“Princess may bisita ka?” Sabi ng kanyang yaya na sumilip lang sa may pinto.
“Wala po ako sa mood yayz.” Sagot naman niya.
“Gugustuhin mong makausap ito, maniwala ka sa akin.” Pamimilit nito.
“Sino naman po iyan?”
“Si Jeoff.”
“Si Jeoff?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Previous Page <Home> Next Page
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



February 12th, 2010 at 8:30 am
ay ate ang tagal…..wahhh!!!~_~ T_T
February 17th, 2010 at 5:58 am
Sorry po kung natagalan…