IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Ikaw Lamang Chapter 26

05.02.2010
06:16

Hi Mon!” Bati ni Glenda kay Mon isang araw ng madatnan niya itong inaayos ang sarili. Inalis niya ang naramdamang inis dito nung huling mag-usap sila.

O Glenda, napadalaw ka.” Sagot naman ni Mon na nagulat pa ng bahagya.

Hindi ba pwede?

Hindi naman sa ganun pero paalis ako eh.

Saan ka pupunta?

Dadalawin ko si Micea.” Saka lang napansin ni Glenda ang isang kahon na napakaganda ng ribbon at tsokolate na branded at mamahalin na nakapatong sa mesa.

Ah ganun ba. OK!” Sagot nito. Hindi niya inaasahan ang reaction na iyon. Sa buong akala ni Mon ay magwawala na naman ito. “Can I stay here?

Sure. Sige alis na ako ha.

Sige! Ingat ka.” Sagot ni Glenda at isinara na ang pinto.

Makakaganti din ako sa’yo Mon. Makikita mo, iyang Micea mo papangarapin niyang di na lang niya kinalaban si Glenda Baromeda. May pagtangis na sabi ni Glenda sa sarili.

Nang makarating si Mon sa unit nila ay wala ang asawa kaya naghintay na lang siya sa loob nito. Hawak pa rin niya ang duplicate key kaya makakapasok siya kahit wala ang asawa.

Sir Rian, nakita ko pong nasa loob ng unit ni Miss Micea si Sir Mon. May tumawag kay Rian na isang empleyado ng hotel. Binabayaran niya ito para magmatyag sa unit ni Micea at ireport sa kanya lahat ng nangyayari doon.

Ok.” Maikling tugon niya. Kasalukuyang namimili sa grocery si Micea at sinusundan niya. Pagkatanggap ng tawag na iyon ay nagdesisyon siyang lumantad rito.

Hi Sweetheart! How are you?” Sarkastiko ang ngiting bati niya rito. Nakita niyang halos mabitiwan nito ang tinitingnang de lata.

Kung papatayin mo ‘ko, saksakin mo na lang ako mas madali pa.” Wika nito na hawak ang dibdib. Kaagad itong umiba ng direksyon.

Sweetheart naman! Gusto lang naman kitang samahan eh.

Ayokong makasama ka. Tantanan mo nga ako, pwede ba?

Bakit ba ayaw mo sa akin? Ano bang meron iyong Mon na iyon na wala ako?

Marami. Isa na iyong hindi niya ginugulo ang buhay ko.

Nagkakaganito lang naman ako dahil sa mahal kita.

Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo Rian dahil may asawa na ako.

Di ba pumayag ka na, na magpapakasal tayo pagkatapos ng annulment? Baka nakakalimutan mong hawak ko si Raycea? Hindi mo na siya makikita, kahit kailan kapag ako nagalit sa’yo.

Rian, huwag ang anak ko. Ako na lang please!

Well… It’s up to you to make your move. Binibigay ko sa’yo lahat ng choices.

Ano bang gusto mong gawin ko para ibalik mo na ang anak ko?

Hmmmm.” Nag-isip ito. “Okay, iuuwi ko sa’yo si Raycea bukas kung… kung pag-uwi natin mamaya sa unit mo, you will act that we are together. Just act Micea… Wala ng iba pa.

Pero Rian…

Gusto mo bang makita si Raycea? Sa unit mo lang naman Micea eh, walang ibang makakakita.

Bakit doon?

Wala lang. Siguro ayoko lang na may isipin ang ibang tao kung sa ibang lugar mo gawin.

Kahit nandidiri si Micea sa gustong ipagawa nito ay pumayag na lang siya basta iuwi lang nito ang anak niya.

Madilim-dilim ng konti ng mapansin ni Mon na bumukas ang pinto. Sasalubungin niya sana kaagad ang asawa ng makita niyang may kasama ito at masayang nakikipagkuwentuhan rito.

Sino kaya itong kasama niya? Tanong niya sa sarili. Dali-dali siyang pumunta sa silid ng anak na sa mga panahong iyon ay bukas ang pintuan. Nakinig lang siya sa pinag-uusapan ng dalawa.

Sumilip siyang konti ng maramdaman niyang tumahimik ang paligid. Pagkadismaya at pagkawasak ng damdamin ang naramdaman niya ng makita niyang hinalikan ng kasama nito ang asawa. Wala siyang narinig na kahit konting pagtutol mula sa asawa o kung anuman. Bakit Micea? Bakit? Paulit-ulit na tanong niya sa kawalan. Bakit kailangang saktan mo ‘ko ng ganito?

Nagulat ang mga ito ng bigla siyang lumantad. Kahit siya ay nagulat ng mapagsino ang kasama nito.

Loves?” Gulat na sambit ni Micea pero di na siya nagsalita. Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto.

Loves sandali! Magpapaliwanag ako.” Kahit anong tawag nito sa kanya ay di siya nakinig. Nasaktan siya ng labis sa nakitang pakikipaghalikan ng asawa sa lalaking akala niyang isinumpa nito.

Pagkarating ng unit ay nadatnan niyang nanunuod ng tv si Glenda.

Glenda, gusto mo bang maging nobya ko?” Napataas ang kilay ni Glenda sa tanong niya pero nasisiyahan din.

Oo naman. Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh.” Masayang sagot nito.

Simula ngayon magsyota na tayo!” Galit na deklarasyon niya na hindi pa din matanggal sa isip ang ginawa ng asawa. Hindi lang ikaw ang kayang maghanap ng iba Micea. Kaya ko din!

Punta tayo ng bar.” Anyaya niya kay Glenda.

Sure!” Masayang tumayo si Glenda at kumapit pa ito sa mga braso niya. Nakakapit ito sa kanya hanggang sa makarating sila ng bar.

Sa unit ni Micea ay hindi niya mapigilang umiyak.

Plinano mo ito Rian. Plinano mong magalit na naman sa akin si Mon. Napakasakim mo.

Hindi ko naman alam na nandito si Mon eh.” Pagpapainosenteng sagot ni Rian.

Huwag mo nga akong lokohin. Umalis ka na! Alis!

Sweetheart…

Sabing alis eh.” Walang nagawa si Rian kundi ang umalis na lang sa harapan nito. Ngingiti-ngiti siyang lumabas sa pinto ng unit nito.

Nasaktan ng labis si Micea na galit na naman ang asawa sa kanya. Hindi niya alam kung paano na ang pagsasama nila.

Isang linggo ang lumipas at kaarawan na ni Glenda. Hiniling niya kay Mon na ito ang maging escort niya sa gabing iyon. Kahit ayaw ni Mon ay wala na siyang magagawa. Nobyo kuno siya nito.

Halos hindi na makaupo si Micea sa dami ng inaasikaso. Isang oras na lang kasi at isa-isa ng magdadatingan ang mga bisita. Handa na naman talaga ang lahat pero dinodouble check niya para walang makitang di maganda ang mga bisita lalo na ang magdadaos ng kaarawan.

Micea, maayos na ang lahat. Don’t worry! Magpalit ka na.” Wika ng Mommy ni Glenda na napakagandang tingnan sa suot nito at kumikintab-kintab pa ang mga alahas nito.

Ayoko lang po kasing may masabi ang anak ninyo.

I’m sure she’ll love it. Parating na daw sila so mapakikilala ko din kayo sa isa’t isa bago magsimula ang party.

Sige po!” Tumalikod na si Micea at tinungo ang kwartong ibinigay ng mag-asawang Baromeda sa kanya.

Napakamisteryosa naman ng may kaarawan. Sino kaya siya at kahit kaarawan niya ang inaasikaso ko ay hindi man lang nagpakita ng interes sa gaganaping party? Naisip ni Micea habang nagbibihis.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme