Batcom I Love You Phase 15
Friendship
Naging magkaibigan sina Edgar at Cherry pero hindi iyon ipinapakita ni Cherry sa school nila. Ayaw niyang sabihing may nanliligaw o napapalapit sa kanyang lalaki. Si Lance ang lihim na minamahal niya. Taliwas sa mga sinasabi niya sa kanyang mga kaibigan.
Una pa lang na kita ni Cherry kay Lance ay talagang nahulog ang loob niya rito pero wala man lang siyang makitang may kahit na konting interes ito sa kanya.
“Lance, kumusta?” Isang araw ay binati niya ito.
“Ano naman ang kailangan mo sa akin Cherry?” Sagot kaagad nito.
“Wala naman. Nangungumusta lang naman iyong tao.” Para siyang sinaksak sa sinagot nito. Nais niyang mapalapit sila pero parang bakal ito kung makitungo sa kanya.
“Hindi ako interesado sa’yo okay? So stop flirting.” Halos maluha siya sa sinabi nito pero tinatagan niya ang sarili.
“What? Are you out of your mind? Me? Sa dami ng nanliligaw sa akin, ikaw pa ang pipiliin ko na hambog at babaero.”
“Well… then, stop talking to me!”
“Napakahambog mo talaga…” Magsasalita pa sana siya pero tumalikod na ito. Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? Isang walang-hiyang kagaya mo ang nagmamay-ari pa ng puso ko.
Simula nang pag-uusap na iyon ay isinumpa ni Cherry na hindi na niya kailanman kakausapin si Lance. Kahit ang tingnan ito ay hindi niya gagawin. Hindi siya magmamakaawang mahalin nito. Manhid ang mga kagaya niya Cherry. Masasaktan ka lang kaya kalimutan mo na siya. Parati niyang pangungumbinsi sa sarili.
Pilit na iniiwasan at nilalayuan ni Cherry si Lance pero para itong magnet na parati siyang hinihilang pabalik.
Isa si Lance sa dancers ng school. Kapag may performance ang mga ito ay hindi maiwasan ni Cherry ang patuloy na pangarapin ito. Kahit naiinis siya sa sariling damdamin ay hindi niya makayang kalimutan ito. Kahit man lang ang iwaglit itong panandalian sa isip niya ay di niya kayang gawin.
Sumali si Cherry sa band nila at ipinakita din niyang may itinatago siyang galing hindi lang sa paghawak ng baton kundi sa pagsayaw. Plus sa points niya bilang membro ng STAR Group.
“Hi Cherry!” Ito naman ang bumati sa kanya isang araw.
“Anong kailangan mo?” Galit kaagad na sagot niya rito.
“Wala naman. Gusto ko lang samahan mo akong kumain sa labas.” Ngumiti pa ito na siyang tumunaw sa puso ni Cherry. Nahepnotize yata siya dahil napa-oo kaagad siya rito.
“Anong nakain mo?” Tanong niya ng nasa restaurant sila.
“Narealize ko lang na I was wrong na pinakitunguhan kita ng ganun noong unang mag-usap tayo.”
“Kung iniisip mong makukuha mo ‘ko sa pacharming mo, think again!” Sagot niya na hindi ipinahalatang napakasaya niya.
“Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na maging magkaibigan tayo.”
“Wala namang masama doon.” Nagkibit-balikat siya. “Fine!”
“Thanks Cherry.” Wika ni Lance na hinawakan pa ang kamay niya.
“Friends don’t hold hands like that.” Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. Ayaw niyang mahalata nitong nanginginig siya sa hawak na iyon.
“I’m sorry!”
“That’s okay.”
Dumating na ang pagkain nila kaya kumain na sila. Pigil na pigil niya ang paghinga habang kumakain sila.
Talagang napakagwapo mo Lance. Sana mahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sa’yo! Naiisip niya habang kumakain.
Pagkauwi niya ay naghihintay si Edgar sa kanya sa may sala nila.
“Hi Edgar! Anong atin?” Bati niya rito. Nakita niyang may dala itong bulaklak at regalo.
“Hi Cherry. I want to formally court you.” Nagulat si Cherry sa sadya nito. Pakikipagkaibigan lang ang kaya niyang ibigay kay Edgar. Nakalaan na kay Lance ang puso niya.
“I thought we are just friends.” Kunot-noong pahayag niya.
“Kahit ako man akala ko ay pakikipagkaibigan lang ang pakay ko but I realized na mahal kita higit pa sa kaibigan.”
“But Edgar…”
“Bakit? May mahal ka bang iba?”
“Sorry to tell you but yes at ayokong umasa ka. We are friends and friends don’t hurt each other.”
“It’s okay Cherry. Naiintindihan ko.”
“Salamat sa pag-iintindi mo Edgar. Ayoko lang kasing lumalim ang nararamdaman mo para sa akin. Mas mabuting maaga pa lang ay alam mo na ang damdamin ko sa’yo.”
“Thank you for letting me know right away but please do remember I am here waiting for you.”
“Thank you Edgar. It’s a pleasure na mahalin ng mga katulad mo. Makakahanap ka din ng babaeng magmamahal sa’yo ng lubos. Friends pa rin tayo ha.”
“Yes Cherry. Friends pa rin tayo!”
Napabuntung-hininga si Edgar habang iniisip ang nakaraan.
“Hindi ko akalain na may lihim ka palang minamahal at si Yellow STAR pa.” Tinapik ni Jeoff ang kanyang balikat bilang pagpapakita ng suporta dito.
“Oo. Hindi ko na lang sinabi, basted eh kaya makabubuting itago na lang. Alam mo ba kung sino ang mahal niya?” Malungkot na tanong ni Edgar na bumaling pa kay Jeoff.
“Sino?”
“Si Lance.”
“What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jeoff. Hindi niya aakalaing bumalandra na naman ang pangalan ni Lance. Si Lance ang dahilan kung bakit isinumpa niya ang magmahal ng mga katulad ni Lyka. Si Lance ang kinaiinisan niya dahil pumapapel sa tuwing lumalapit siya kay Lyka at ngayon naman si Lance ang dahilan ng pagdurusa ng kaibigan niya.
“Ano ba talagang meron ang lalaking iyan?” Hindi maiwasang naitanong ni Jeoff.
“Hindi ko din alam eh pero napakaswerte niyang mahal siya ng babaeng mahal ko.”
“Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Nakakabad trip. Uwi na tayo!”
“O sige.”
Pagkalabas nila ng pinto sa office ng CAT ay nakasalubong nila sina Valerie, Cherry at Lizzette. Napatitig si Jeoff kay Valerie habang si Edgar naman kay Cherry. Nagpalipat-lipat ng tingin si Lizzette sa kanilang apat.
“Ano bang nangyayari dito? Is it titigan game? Daya! Wala akong kapartner.” May pagkaarte pang sabi ni Lizzette. May konting biro iyon dahil alam ni Lizzette na inis si Valerie kay Jeoff. Alam din niya na nanligaw si Edgar kay Cherry.
“Tumabi nga kayong dalawa.” Galit na wika ni Valerie at nilampasan na sina Jeoff at Edgar. Bahagyang yumuko si Cherry ng lampasan niya si Edgar habang si Lizzette ay ngingiti-ngiti.
Napapailing na lang sina Jeoff at Edgar at kahit wala si Lyka ay siya ang iniisip ni Jeoff.
“Bakit naman kasi ang ganda niya?” Natanong ni Edgar kay Jeoff.
“Oo nga eh. Ang ganda-ganda talaga ni Lyka!” Nasabi ni Jeoff na parang wala sa sarili.
“Lyka?” Kaagad na napalingon si Edgar ng marinig ang sinabi ni Jeoff.
Previous Page <Home> Next Page
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


