IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Archive for February, 2010

Ikaw Lamang Chapter 33

28.02.2010
11:44

Nagpunta na ng Davao sina Micea. Masaya silang sinalubong ng pamilya ni Mon.

Hello po Mommy, Daddy.” Bati Ni Micea sa mga magulang ni Mon.

Hi Lola, hello po Lolo.” Bati naman ni Raycea sa mga ito na nagmano pa’t yumakap sa mga ito.

Halikayo sa loob ng makapagkwentuhan at makapagmeryenda na rin.” Yaya ng Mommy ni Mon sa kanilang lahat. Sumunod naman kaagad sila papasok sa loob ng bahay.

Kumusta kayo ni Baby Girl?” Tanong ng Mommy ni Mon kay Micea ng makaupo na sila sa sala.

Ok lang po kami Mom. Matataas po ang grades ng baby namin. Di ba baby?” Baling ni Micea sa anak na nakakandong pa kay Mon.

Opo” Masayang sagot naman ni Raycea. Nakikinig lang si Mon sa usapan.

Madami ang nagalit kay Mon ng hindi maganda ang ipinakita niyang pagtrato sa bata kaya sa tuwing madaming tao sa paligid ay hindi niya ipinapakita ang damdamin. Nasasaktan pa rin siya sa isiping si Rian ang ama ni Raycea.

Nag-aagaw ang kanyang isip at damdamin kung maniniwala sa resulta ng DNA. Sabi ng puso niya siya ang ama ni Raycea pero base sa narinig si Rian ang ama ni Raycea. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Rian dahil winasak na naman nito ang masaya nilang samahan ng babaeng pinakamamahal niya.

Nakatulala ka dyan. Anong iniisip mo?” Napansin siya ng Kuya Drew niya na parang wala sa sarili at hindi nakikisali sa kwentuhan.

Wala naman kuya.” Pagkakaila niya.

O sige. Ilagay na natin sa silid ni Mon ang mga gamit mo Micea Jane.

Po?” Maang na tanong ni Micea.

Bakit? May problema ba?” Nagtatakang tanong ng Mommy ni Mon.

Wala naman po.

Ah. Akala ko meron. Wala na kasing bakanteng kwarto eh. Dito kasi muna pansamantala sina Drew at mga bata tsaka si Raycea sa kwarto na lang namin matutulog.” Hindi alam nina Mon at Micea na sinadya ng pamilya na pag-isahin sila ng kwarto para makapag-usap sila at maayos ang kanilang pagsasama.

Naiayos na sa kwarto ni Mon ang mga gamit ni Micea kaya lumabas na ang mommy nito. Naiilang si Micea sa mga titig ng asawa.

Labas muna ako, magpapahangin lang.” Kaila ni Micea. Hindi na niya kaya pang salubungin ang nakakapasong tingin ng asawa.

May aircon naman eh. Di mo na kailangang lumabas.” Simpleng pigil ni Mon dahil alam niyang gusto lang umiwas ng asawa sa kanya.

Iba pa rin iyong sariwang hangin ang nalalanghap mo.” Argumento niya.

Eh di sasamahan na kita para makalanghap naman ako ng sariwang hangin.

Huwag na!

Mukhang iiwas ka lang sa akin eh kaya ka lalabas.

Bakit naman kita iiwasan?

Malay ko. Baka di mo kayang tingnan ang matipuno kong katawan at naaakit ka.” Pilyong sagot nito.

Kapal mo naman Loves.” Napakagat-labi siya sa nasambit. “Sige labas na ako.” Mabilis niyang tinungo ang pintuan pero mas mabilis na humarang si Mon.

Hindi ka pwedeng lumabas.

Bakit naman? Kailan naging bawal ang lumabas at magpahangin?

Ngayon lang.” Hinawakan nito ang baba niya at masuyong hinalikan.

I love you!” Sa gitna ng mga halik na iyon ay sinasambit ni Mon.

I love you too!” Gumaganti na din si Micea sa mga halik ng asawa.

Mommy, punta daw tayong grocery sabi ni Lola.” Nagitla at napatigil sila sa sunud-sunod na katok na ginawa ng anak.

Ano iyon baby?” Tanong ni Micea ng pagbuksan ang anak.

Punta daw tayong grocery sabi ni Lola.” Excited na turan ng anak.

O sige baby. Sabihin mo kay Lola susunod na si Mommy.

Opo Mommy.” Tumatakbo itong umalis sa harapan niya.

Alis muna kami.” Pagpapaalam niya. Di sumagot si Mon kaya tumalikod na siya.

Sandali Loves.” Pigil nito kaya napalingon siya. Sinalubong ulit siya ng halik nito. “I love you very much!

Ngumiti lang siya at lumabas na.

Nakaalis na si Micea kaya naisipan ni Mon na humiga at magpahinga. Inisip niya ang mga nangyari at kung ano ang dapat niyang gawin. Naisip niyang makipagbalikan na sa asawa at ipaglaban si Raycea kay Rian. Binalak niya na ituloy na ang appeal na ipinatigil ng asawa para siguraduhin kung tama iyong naging resulta ng DNA. Ihahanda na niya ang sarili anuman ang maging resulta. Ang mahalaga ay mahal at kinikilala siyang ama ng bata. Iyon ang pinakaimportante sa lahat at wala ng iba pa.

Napatayo siya ng may narinig siyang kumatok.

Glenda? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na nasambit ni Mon ng makita si Glenda sa loob ng bahay nila.

Ikaw naman love o para kang nakakita ng multo. Dinadalaw lang naman kita. Huwag kang mag-alala di ako dadalo sa birthday ng anak ni Micea.

Baka makita ka ng Mommy at Daddy ko.

Malaki ka na kaya kayang-kaya mo na akong ipagtanggol.

Glenda, ipinaliwanag ko na sa’yo iyan di ba?

Isang pilyang ngiti lang ang isinagot ni Glenda at tuluyan ng pumasok sa kwarto ni Mon.

Samantala ay nasa supermarket na sina Micea, Mommy ni Mon, asawa ni Drew at Raycea Jane. Nagkukwentuhan sila habang namimili.

Micea, sino ba iyong si Glenda?” Tanong ng Mommy ni Mon.

Sa kasawiang-palad po ay anak siya ng mga amo ko. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Baromeda.” Sagot ni Micea.

Paano sila nagkakilala ng anak ko?

Hindi ko po alam eh. Kasi nung birthday ni Glenda na ako ang umayos ay magkasama iyang dalawa. Di ko na lang po pinakialaman. Desisyon ni Mon iyon kaya malaya siyang gawin anuman ang naisin niya.

Pero natatapakan ka.

Hindi ko na lang po iniisip iyon. Konsensiya na lang po niya iyon.

Sasabunutan ko ang babaeng iyan ‘pag nakita ko.” Sabat naman ng asawa ni Drew.

Huwag na ‘te. Tayo ang lalabas na mababa niyan eh. Bahala na lang siyang magpakacheap at pumapatol sa lalaking may asawa.

Umuwi kaagad sila pagkatapos bilhin ang mga kakailanganin nila sa salu-salong gaganapin kinagabihan. Ganun ang pamilya nila kapag nagpapaang-abot, kahit walang okasyon ay naghahanda ng malaking dinner.

Pagkarating nila ng bahay ay patakbo kaagad na pumunta si Raycea Jane sa kwarto ng ama.

Kabado pa din si Mon na baka maabutan si Glenda ng Mommy niya. Hindi niya alam paano ito paaalisin na hindi nasasaktan ang damdamin nito.

Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Promise di ako gagawa ng eksena.” Paglalambing ni Glenda at hinalikan pa nito ni Mon.

Siyang pagbukas ng pinto at nasaksihan ni Raycea ang halik na iyon.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sa’yo Lamang Chapter 3

27.02.2010
09:11

PART 5

“Sabihin mong nagbibiro ka lang Miguel!” pigil ang mga luhang saad ni Margie. Parang bombang sumabog sa harapan nila ang sinabing iyon ng asawa.

“Dapat ko bang ipagbiro ang mga ganitong bagay?” mahinang tanong ni Miguel. Alam niyang mahirap tanggapin ang kanyang mga sinabi pero wala siyang magagawa.

“Paano niyo po ito nagawa sa amin dad?” puno ng hinanakit ang tinig ni Louise.”

“Patawarin niyo ako, kung nagkasala man ako sa inyo.” Tanging naisagot ng ama.

“Hindi ko matatanggap ang bastardang iyan, at lalong hindi ako makakapayag na tumira siya sa bahay!” galit na saad ni Margie.

“Unawain niyo sana ako. Hindi ko maaaring pabayaang mag-isa ngayon si Gia. Higit kailanman ay ngayon niya ako kailangan. At ayokong ipagkait sa kanya iyon.” Tugon ni Miguel.

“Hindi! Kapag pinatira mo sa bahay ang bastarda mo ay kami ng anak mo ang aalis! Kaya mamili ka! Kami ng anak mo o ang babaeng iyon?” hamon ni Margie sa asawa.

“Huwag niyo naman akong pahirapan ng ganito. Alam mong wala akong kahit isa man na pipiliin sa inyo. Pareho ko kayong pamilya at pareho ko kayong mahal.” Nahihirapan na si Miguel sa pagkukumbinsi sa asawa.

“Tama na iyan!” wika ni Donya Isabel na kanina pa tahimik at nakikinig.

“Wala na tayong magagawa, kahit anupaman ang gawin natin ay nandito na ito. Tanggapin na lang natin ng maluwag sa dibdib. Hindi rin naman natin hindi pwedeng tanggapin si…ano nga ang pangalan niya.?” Hindi naituloy ng donya ang sasabihin at bumaling sa anak.

“Gia po.”sagot ni Miguel.

“Oo, si Gia, hindi pwedeng hindi natin siya tanggapin dahil may dugo rin siyang Fuentabella.” Dugtong nito sa naputol niyang sinabi kanina.

“Ma, ganun-ganun na lang natin siya tatanggapain? Na para bang walang nangyari? Hindi ako makakapayag ma.” Kontra pa rin ni Margie.

“Margie, alam kong mahirap para sa inyo ni Louise ang mga nangyayari ngayon, at naiintindihan ko ang nararamdaman niyo lalo na ikaw. Hindi madaling tanggapin ang isang tao lalo na’t alam mo na ito ay bunga ng isang kamalian…ng isang kataksilan…Ngunit tao lang si Miguel, nagkakamali, nagkakasala rin. Kailangan nating tanggapin ang lahat ng ito dahil andito na ito.” Madiplomasyang pahayag ng Donya.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nilang lahat. Maya-maya lang ay nagsalita si Margie.

“O sige, pumapayag na akong tumira dito ang anak mo. Pero huwag mong aasahan aasikasuhin ko siyang mabuti, na magiging maganda ang pagtanggap ko sa kanya. Hindi naman madali sa akin ang basta ko na lang siyang tanggapin with wide arms open.” Saad ni Margie bago tumayo at walang sabi-sabing lumabas ng silid na iyon. Hila-hila nito ang anak.

Susundan sana ni Miguel ang asawa ngunit pinigilan siya ng ina.

“Hayaan mo na lang muna siya Miguel. Alam kong masakit sa loob niya ang ginawang pagpayag na tumira dito si Gia. Huyaan mo muna siyang makapag isip-isip nang sa gayon ay gumaan anuman ang nararamdaman niya ngayon.” Payo ng ina sa anak. “ Ang mas mabuting gawin mo ngayon ay sunduin mo na ang apo ko ng makita at makilala na namin siya.”

“Yes mom, at mom? Salamat sa pag-uunawa niyo sa akin.” Wika ni Miguel sa ina.

“Tungkulin ko ang unawain at intindihin ka Miguel. Medyo nagtatampo lang ako sa iyo dahil nakuha mong ilihim sa akin ang tungkol sa isa ko pang apo.”

“I’m sorry po ma, kung nagawa ko mang itago ito sa inyo ng matagal na panahon. Hindi ko lang po kasi alam kung paano ito sasabihin sa inyo na hindi kayo masyadong masasaktan.”

“Sino ba ang hindi masasaktan sa ginawa mo, ako ok lang sa akin. Pero ang anak at asawa mo ang masyadong apektado sa sitwasyong ito. Sila ang mas nasaktan. Ipagdasal na lang natin na matatanggap din nila kaagad si Gia nang natapos na ang problemang ito.”

“Sana nga po ‘ma. Sana nga po.”

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 32

27.02.2010
08:59

Pinagbuksan ni Mon ng pintuan ng kotse ang asawa. Dinala ni Micea ang kotse nila at si Mon ang nagdadrive ng mga panahong iyon. “What kiss?” Pagkukunwari ni Micea ng makapasok na si Mon sa loob ng kotse.

Stop pretending that you did not remember.

That was just a greeting kiss. It doesn’t mean anything.

Don’t lie to me. I know you miss that too.” Hinaplos ni Mon ang mukha ng asawa kaya napalingon siya.

No. I didn’t!” Hindi niya aakalain na ang lapit na pala ng mukha ng asawa sa mukha niya. Ilang sandali pa’y his lips touches hers. Tumagal ng ilang minuto.

Tama ka loves. I miss it too… Very much! Saad ng isip ni Micea. Hindi na siya magsisinungaling pa sa sariling damdamin. Namiss niya ang asawa aminin man niya o hindi. Biglang tumunog ang cellphone niya.

Excuse me.” Sabi niya kay Mon at sinagot ang telepono.

Where are you?” Tanong kaagad ng nasa kabilang linya. Kahit hindi ito magpakilala ay alam na alam niyang si Rian ito. “Kasama mo na naman si Mon ano?

Walang masama kung magkasama kami. Dumalaw lang ang Mommy niya kaya sinamahan namin at inihatid sa pier.

Ginagalit mo talaga ako Micea. Humanda ka! Sinabi ko na sa’yong layuan mo ang lalaking iyan pero hindi ka nakinig. Pwes ngayon, ipapatikim ko sa inyo ang galit ko!” Pagkasabi ay ibinaba kaagad nito ang telepono. Biglang kinabahan si Micea sa banta ni Rian. Kilala niya si Rian at alam niya kung gaano kabaliw ito.

Si Rian iyon ano?

Oo at binantaan niya ako.

Huwag kang matakot Loves. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan.” Napayakap si Micea sa asawa sa sobrang takot. Alam niyang ang anak na naman nila ang mapapahamak sa bantang iyon.

Sa isang linggo na ang kaarawan ni Raycea Jane kaya kumuha ng bakasyon silang mag-asawa sa kani-kanilang mga trabaho. Ipinagpaalam din nila ang anak sa eskwelahan nito.

Bakit hindi mo ako isasama?” Galit na galit na sabi ni Glenda ng sabihin ni Mon na di siya pwedeng sumama.

Glenda please understand. Birthday ng anak ko iyon. Hindi kita pwedeng isama kasi tayo ang pag-uusapan ng lahat.

Ikinakahiya mo nga talaga ako Mon? Sabihin mo nang nahihiya ka na ako ang girlfriend mo hindi iyong ginagawa mo pang rason ang asawa mo. Siya nga lang ang nakakaalam sa relasyon natin tapos ngayon may pahiya-hiya ka pa. Huwag mo akong gaguhin at huwag na huwag mo akong gawing tanga.

I’m sorry Glenda. My decision is final. Hindi kita kayang iharap sa lahat habang kasal ako kay Micea. Dito ka na lang.” Pagtatapos ni Mon ng usapan.

Lumabas na si Mon ng condo niya bitbit ang mga bagahe. Sinundan siya ni Glenda.

Habang nasa taxi ay tumunog ang telepono niya.

Hello Mon, mauna ka na lang sa Davao ha kasi mayroong napakaimportanteng seminar ang idadaos sa hotel. Biglaan eh kaya hiniling ni Mr. Baromeda na asikasuhin ko muna bago ako umalis.

Ganun ba? Gusto mo bang isama ko na lang si Raycea para di ka na mahirapan?

Huwag na. Susunod naman kami bukas eh.

O sige. Hintayin ko na lang kayo doon.

Sige. Salamat! Bye.” Nagmamadaling ibinaba ni Micea ang telepono.

I love you!” Hindi na narinig ni Micea ang sinabi niya dahil naibaba na nito ang telepono.

Nakarating na si Mon ng Davao at masaya siyang sinalubong ng pamilya niya.

Kumusta sa Cebu ‘tol?” Tanong ng Kuya Drew niya ng nasa hapag-kainan na sila.

Ok lang naman Kuya. Heto parating madaming trabaho. Eh kayo rito kumusta? Kumusta ang mga pamangkin ko?

Ok lang naman kami rito. Kumusta ang mag-ina mo?” Ang Daddy naman niya ang nagtanong.

Ok lang naman sila Dad.

Eh ano itong nababalitaan kong girlfriend mo?

Wala po iyon Dad. Di naman po ako seryoso doon eh. I’m sorry po.

Huwag ka sa akin humingi ng paumanhin. Doon sa asawa mo. Tinatapakan mo siya sa pagkakaroon mo ng karelasyon. May anak ka pa naman. Gusto mo bang iyan ang masunod ni Raycea na ugali sa’yo?

Hindi na po mauulit Dad. Pangako!

Dapat lang dahil walang ginagawang masama ang asawa mo para lokohin mo ng ganyan.” Nakikinig lang ang lahat sa usapan ng mag-ama. Kapag ang Daddy ni Mon ang nagsalita wala ng sumasabat dahil minsan lang itong makialam.

Inaamin ko pong kasalanan ko.

Kailan mo ba babalikan si Micea? Halata namang mahal na mahal mo pa ang asawa mo eh bakit tinitikis mo?

Umaaligid pa rin po si Rian sa kanya eh.

Bakit? Si Rian ba ang asawa at ikaw ang umaatras?

Pero si Rian po ang ama ni Raycea.

Bakit di mo na ba mahal ang anak mo at ipinagtutulukan mo kay Rian? Bakit di mo ipaglaban ang mag-ina mo?

Dad wala akong laban kay Rian pagdating kay Raycea kaya ako na lang ang lumalayo. Pasensya na po kayo pero hindi ko po kayang makihati lalo na kay Rian.

So okay lang sa’yo na si Rian ang kilalaning ama ni Raycea at kalimutan ka ng tuluyan? Ganun ba?

Dad saka na lang po natin pag-usapan ito. Nandito po ako para sa kaarawan ni Raycea. Sapat na pong patunay iyon na mahal na mahal ko ang anak ko.

Huwag mo sanang pagsisihan ang mga desisyon mo sa buhay. Hindi ko kayang tingnang may isa sa inyong magsisi sa bandang huli.” Pagtatapos ng Daddy ni Mon at hiniling na sa kanyang ina na gusto na nitong magpahinga.

Napaisip si Mon sa lahat ng tanong na ibinato sa kanya ng ama niya. Alam niya sa sarili niyang hinding-hindi niya kakayanin kapag dumating ang araw na di siya kilalanin ni Raycea bilang ama. Higit sa lahat di niya makakayang tanggapin kung mapupunta ang asawa sa lalaking sa simula’t sapol pa lang ay naging karibal na niya.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

My Cheerleader Princess Phase 4

27.02.2010
07:54

Secret Feelings

Maagang nagising ang yaya ni Lyka at ginawa kaagad nito ang mga kinakailangang gawin sa bahay bago pa magising ang mga amo. Kasalukuyan siyang nagtatapon ng basura ng may tumawag sa kanya. Malapit tuloy siyang mapatili dahil madilim-dilim pa.

Jeoff, ano bang ginagawa mo dito bata ka? Ikaw yata ang papatay sa akin eh.” Saad nito na hawak-hawak pa ang dibdib.

Pasensya na po kayo yaya. Gusto ko lang naman po kayong makausap eh.” Sagot naman ni Jeoff na hinimas-himas pa ang likod ng yaya ni Lyka.

Eh ano bang gusto mong sabihin at ang aga-aga eh nandito ka?

Gusto ko lang po kasing makausap kayo ng palihim para hindi malaman ni Lyka. Hihingi lang po sana ako ng tulong.

Anong tulong?

Gusto ko pong iparamdam kay Lyka na mahal ko siya pero di pa po ako handang lumantad sa kanya. Nasabi ko na pong mahal ko siya pero parang ayaw naman po niya sa akin eh. Mukhang si Lance po ang gusto niya.

So, anong gusto mong gawin natin?

Tulungan niyo po akong iparamdam kay Lyka na mahal ko siya.

Paano?

Basta yaya. Sasabihin ko po sa inyo kapag may plano na ako. Pumapayag po ba kayo? Tutulungan niyo po ba ako?

Eh ano pa nga bang magagawa ko eh malakas ka sa akin. Pumapayag ako basta hindi lang mapapahamak ang alaga ko.

Pangako po yaya. Hindi po mapapahamak si Lyka at kailanman hindi ko siya ipapahamak.

Sandali nga lang, bakit ka nga pala biglang umalis?

Ayoko nga po eh pero wala po akong nagawa. Ayaw po akong iwan ng Mommy at Daddy ko rito sa Pilipinas. Bata pa raw po ako at walang mag-aalaga sa akin.

Anong dahilan at biglaan naman yata?

Nagkasakit po kasi ang Uncle ko kaya biglang napauwi kaming mag-anak sa States. Nag-iisang kamag-anak na lang po iyon ng Dad ko eh kaya sobra-sobra na lang ang pag-aalala namin.

Ah ganun ba. Akala ko talaga di ka na babalik.

Hindi na naman po talaga ako babalik. Siguro padalaw-dalaw lang pero talagang hindi ko kaya eh. Ayun napagdesisyunan nina Mommy na pabalikin na lang ako dito.

Ngayon naintindihan ko na.

Yayz!” Narinig nilang tawag ni Lyka mula sa garahe.

Yaya. Alis na ako baka makita pa ako ni Lyka. Bye.” Mabilis na umalis si Jeoff sa harapan ng yaya ni Lyka.

Bye.

Sinong kausap mo?

Wala naman.

Anong wala eh may narinig ako.

Baka naalimpungatan ka lang. Kagigising mo lang kaya.

Yaya talaga. Gising na gising na kaya ako.

Halika na nga sa loob. Kung anu-ano na ang naririnig mo.

Nagdududa pa rin ako sa’yo yayz.” Hinila si Lyka ng Yaya niya papasok.

Habang kumakain sina Lyka ng agahan ay napansin niyang napakasaya yata ng yaya niya. Pasipol-sipol pa ito habang nagpupunas ng mga muwebles.

Yayz, bakit parang ang saya mo yata?” Hindi na napigilan ni Lyka na usisain ang yaya niya.

Wala naman Princess.” Sagot nito na napakalaki ng ngiti kaya mas lalong napakunot ang noo niya.

May wala ba na ang laki ng ngiti? Siguro nanliligaw na sa’yo si Kuya noh?” Ang tinutukoy ni Lyka ay ang driver nilang gustung-gusto ng yaya niya.

Hindi pa nga eh.” Sumimangot ito.

Magkwento ka naman Yayz. Nahihiwagaan ako sa’yo.

Secret.” Sumigla na naman ito at nagpatuloy sa ginagawa. Tinapos na lang niya ang pagkain at inisip na usisain ito kapag nagkukwentuhan sila. Alam niyang may malalim na dahilan kung bakit masaya ito.

Nang makapasok si Lyka sa eskwelahan ay nanduon na si Lance sa room nila naghihintay. May dala itong mga bulaklak at balloons. Kahit kasi nasa paaralan sila ay sinusuyo ni Lance si Lyka kaya alam ng lahat na nanliligaw si Lance. Nasaksihan iyon ni Jeoff.

Salamat Lance. Mukhang flower shop na ang kwarto ko sa araw-araw na pagbibigay mo ng bulaklak.” Wika ni Lyka ng tanggapin niya ang mga bulaklak.

Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang gawin ito araw-araw para patunayan sa’yo na tapat ang damdamin ko.

Nararamdaman ko naman Lance.

Maghihintay pa rin ako sa araw na matutunan mong mahalin ako.

Salamat Lance. Sige pasok na ako.” Pumasok na siya sa room nila.

Sige.” Pumunta na rin si Lance sa room nila.

Uupo na sana si Lyka sa kanyang upuan ng may mapansin siyang isang stationary. Nakalagay ang pangalan niya. Binuksan niya ito at nabasa niya ang mga katagang:

what if the person you secretly love tells you that he already found the one he wants to spend forever with, would you be brave enough to ask who it is or just bear the pain not knowing it’s you after all???

Ito talagang si Lance may panote-note na ngayon. Nakakatouch naman ang quote na ito. I wasn’t brave enough to ask Jeoff if who was the one he love. I wasn’t. Napabuntung-hininga siya.

Sa kabilang banda ay nakatingin lang si Jeoff sa bintana ng room nina Lyka. Sinigurado niyang si Lyka ang makakabasa ng note na iniwan niya sa upuan nito noong wala pang tao ang classroom nito.

I love you Princess’ Wika niya habang nakatingin rito.

Anong sinisilip mo dyan?” Napansin siya ni Edgar.

Si Lyka. Pasok na tayo.” Pumasok na silang dalawa sa kanilang silid-aralan.

Sinisimulan ko ng magparamdam sa kanya. Hindi ko pa kayang marinig ang sagot niya kaya palihim muna sa ngayon.” Saad ni Jeoff kay Edgar ng makaupo na sila. “Sinalubong kasi siya ni Lance kanina eh. Naduwag tuloy akong lumapit.

Okay lang iyan at least kahit palihim ay mararamdaman niya may nagmamahal sa kanya.”

Oo nga. Salamat ah!

Nandito lang ako sa likod mo Pre.

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 31

26.02.2010
07:12

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Micea ng makitang sumimangot si Glenda. Hinawakan kasi ni Mon ang baywang niya at pasimpleng gumanti ito.

Hello Loves.” Ganting-bati naman ni Mon sa kanya. “Buti naman napadalaw ka!

Hi Mom!” Lumapit si Mon sa ina at humalik sa pisngi. “Napasugod po kayong bigla. May problema po ba?” May konting pag-aalala sa boses ni Mon.

Hello anak! Huwag kang mag-alala. Wala namang problema.” Sagot ng Mommy ni Mon para mawala ang pangamba ng anak. “Teka sandali, sino siya? Dalawa ang sekretarya mo?” Napataas ng konti ang kilay ni Glenda sa tinuran ng ina ni Mon. Naiinis siyang napagkamalan siyang sekretarya ni Mon.

Siya po si Glenda!” Pagpapakilala ni Mon. “Dumalaw lang po siya.” Dugtong ni Mon na ikinainis ni Glenda. Buong akala niya ay ipapakilala siya nitong girlfriend sa ina nito.

Ah ok. May importante akong sadya sa inyong mag-asawa. Can we talk about it over lunch?

Opo Mom. Sandali po, aayusin ko lang po ang mga gamit ko.” Mabilis na tugon ni Mon.

Pwede ba akong sumama love?” Naglalambing na tanong ni Glenda na kumapit pa sa siko ni Mon. Si Micea naman ang napataas ang kilay. Ang landi talaga! Napataas din ang kilay ng Mommy ni Mon.

I’m sorry Glenda. It is family matters.

Bakit hindi mo ba ako family? I am your girlfriend!

Girlfriend? May girlfriend ka Mon?” Maang na tanong ng Mommy niya. Walang nakakaalam na may karelasyon si Mon kundi si Micea lang.

Opo. Matagal na po kami.” Salo ni Glenda sa tanong ng Mommy ni Mon.

Hindi ikaw ang tinatanong ko. Masyado kang cheap.” Pagtataray nito kay Glenda.

I’ll explain everything Mom.

You should. And I need a valid one.” Mataray na sabi ng Mommy ni Mon. Hindi niya nagustuhan na kaya pala hindi umuuwi ang anak sa asawa dahil may ibang karelasyon ito.

For your information hindi ako che…” Balik ding pagtataray ni Glenda pero pinigil siya ni Mon.

Glenda stop it! Don’t forget she is my Mom.” Pagtatanggol ni Mon sa ina kaya tumahimik na lang si Glenda.

Tayo na Micea. Sumunod ka na lang.” Nauna nang lumabas ang Mommy ni Mon.

Opo!” Sagot ni Micea at lumabas na din ng opisina ni Mon.

Bakit di mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ‘ko?” Tanong kaagad ni Glenda pagkalabas ni Micea.

Anong gusto mong gawin ko na ipagkalat sa buong mundo na may karelasyon ako kahit may asawa akong tao? Buti nga pinapabayaan ako ni Micea eh. Hindi niya ako idenemanda ng adultery.

Gusto ko lang namang huwag mo akong ikahiya.

Glenda I’m sorry kung iyon ang dating sa’yo pero hindi ko kayang ipagmalaki ang relasyon natin habang kasal ako kay Micea. Di tama iyon!

Pero di ba may iba na din si Micea?

Hindi ako sigurado doon. Kaya sana naman Glenda, tigilan mo na ang pagkakalat ng relasyong ito dahil wala itong patutunguhan. Alam mong may-asawa akong tao at may anak pa ako.

Hindi mo naman anak ang batang iyon eh.

Anak ko si Raycea Jane. Nararamdaman ko iyon.

Binubulag ka ng damdamin mo Mon. Niloloko ka na nga ni Micea sa pagpapaangkin ng batang iyon eh patuloy ka pa ding umaasa. Tutulungan naman kitang makalimutan sila eh kung papayag ka.

Let’s talk about this later. Naghihintay na sina Mommy sa’kin.” Pagkasabi ay lumabas kaagad si Mon ng kanyang opisina. Naiwang nagngingitngit si Glenda. Kahit kailan Micea pumapapel ka! Inuubos mo ang pasensya ko.

Mom, kumusta naman po sa atin?” Pagsisimula ni Mon ng nasa may restaurant na sila. Hindi pa din kumikibo ang Mommy niya. Alam niyang nagagalit ito sa nalaman.

It’s fine. Frankly I don’t like that girl.” Simula nitong sabi. “Hindi ka na dapat nakikipagrelasyon pa sa iba. Paano na lang ang mag-ina mo? I thought you love Micea Jane and Baby Girl.

Mahal ko naman po ang mag-ina ko Mom. That was just a total mistake and I don’t know how to get out of it.

Do you want me to make the move?” Tanong ng Mommy ni Mon. Nakikinig lang si Micea sa usapan ng mag-ina.

Let me just do it Mom.

If you need some help with that girl I am willing to do it. Hindi ko gusto ang mga babaeng pumapatol sa mga may-asawa. Napakacheap!

Micea, bakit hinahayaan mong gawin ni Mon iyan?” Baling nito kay Micea.

Wala naman po akong magagawa Mom. Kagustuhan niya iyan kaya di ko siya mapipigilan.

By the way Mom, ano po ang sadya niyo rito at kailangan niyo pang sadyain kaming dalawa ni Micea ng personal?

Malapit ko na tuloy makalimutan iyong sadya ko dahil sa babaeng iyon. You still owe me and your dad an explanation. We don’t want that girl near us.

Makakaasa po kayo Mom at makikipaghiwalay na po ako sa kanya.

Birthday ni Baby Girl next month at napag-usapan namin na doon na idaos ang birthday niya sa Davao. May plano na kami.

Let’s ask Micea.” Lumingon siya sa asawa.

Micea already said yes kaya ikaw ang tatanungin ko ngayon. Pumapayag ka ba? You have to be there.

Opo. Walang problema sa akin at darating po ako.” Mabilis niyang sagot.

Salamat anak! Aasahan namin kayong tatlo.” Tuwang-tuwang nasambit ng Mommy ni Mon.

Pagkatapos nilang kumain ay ipinasyal pa nilang mag-asawa ang ina ni Mon. Sinabi nitong hindi siya magtatagal sa Cebu at uuwi din siyang Davao kaagad. Wala daw mag-aasikaso sa Daddy ni Mon kaya kahit gusto nilang manatili muna ng ilang araw ang Mommy ni Mon ay di na nila ito pinilit pa.

Gusto mong magdinner muna Loves?” Tanong ni Mon ng maihatid na nila ang nanay nito sa may pier. Napalingon si Micea sa tawag ni Mon sa kanya at nakita niyang nakangiti ito. “I miss that kiss!” Malokong ngiti ang nakikita ni Micea sa mukha ng asawa.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 30

25.02.2010
07:29

Bumaba kaagad si Micea ng stage pagkatapos nilang kumanta at tinungo ang mag-asawang Baromeda. Binalak niya na umuwi na para di na niya nakikita ang asawa. Ayaw na din niyang bigyan ng pagkakataon si Glenda na paglaruan siya o ang inisin siya.

Sandali Micea!” Hinabol siya ni Mon.

Bakit?” Nakakunot ang noo at may konting pagtataray sa boses niya.

Do you wanna go home now?” Seryosong tanong nito.

Not with you.” Mataray niyang sagot.

Ano ka ba naman Loves? Iuuwi na kita. Hindi ko gustong nakikipag-usap ka sa Jordan na iyon at may karapatan pa din ako na pagbawalan ka. You are still married to me.” Ipinakita pa ni Mon ang wedding ring niya. Sobrang natouch si Micea na suot pa din iyon ng asawa.

Huh! At sa tingin mo makukumbinse mo ako sa ganyan. You are still married to me pero may girlfriend ka? What is that?

I’m sorry! Hindi ko naman talaga ginusto iyon eh. I was just very upset seeing you kissing Rian.

Well… Whatever! Dyan ka na nga.” Iniwan na niya ang asawa.

Tinungo na niya ang mag-asawang Baromeda. Makakauwi siya ng maaga dahil may nakaassign na, na crew na siyang maglilinis pagkatapos ng party. Pumayag naman ang mag-asawa ng magpaalam siya lalo na ng gamitin niya ang anak na rason.

Kahit anong pilit ni Jordan ay hindi siya pumayag na magpahatid. Hindi nga siya pumayag na ihatid ng asawa, si Jordan pa na kakakilala lang niya.

Pagdating niya sa kanyang unit ay naghihintay si Rian sa may pintuan na parang tatay niya. Nakita niyang palakad-lakad pa ito sa hallway.

Saan ka galing? At bakit parang nakainom ka?” Salubong kaagad na tanong nito.

Sa birthday party ng anak ng may-ari ng hotel na ito.” Iyon lang ang isinagot niya. Kung gugustuhin niya ay pwede siyang hindi magpaliwanag dito. Hindi niya kaanu-ano si Rian. Kahit pa inaangkin nito ang anak nila ni Mon ay wala pa din itong karapatang magalit sa kanya.

Talagang doon ka galing? Eh bakit parang nakainom ka?” May dudang tanong nito.

Yes. Ako ang umayos ng party and they invited me personally. It’s a party Rian, you can’t avoid drinking alright?” May konting inis na sa boses na sagot niya.

Nanduon ba si Mon?

Yes. Andun siya. Walang masama kung magkita kami ni Mon.

Sa iyo wala pero sa akin meron. Pinagbabawalan na kitang makipagkita kay Mon simula ngayon.

Ano? Kaanu-ano ba kita para pagbawalan mo ako ng ganyan? You are not my boyfriend especially you are not related to me by any means.” Ipinakita na niya ang inis na kanina pa pinipigil.

You promised me na pakakasalan mo ako and I am holding onto that promise.

Yeah right! Gustong isagot ni Micea. “Dyan ka na nga!” Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng unit niya. Sumunod si Rian. Sinilip niya ang kwarto ng anak at nakita niya natutulog na ito at ang iniwanan niyang magbabantay rito.

Magpapahinga na ako.” Pasimpleng pagtataboy niya kay Rian.

Okay. I will come back tomorrow.” Humalik pa ito sa pisngi niya.

Okay.” Inilock na niya ang pintuan pagkalabas ni Rian. I will never marry you Rian kahit pa patayin mo ‘ko! Nasabi niya sa sarili.

Kinabukasan ay day off niya. Pagkahatid sa anak ay humiga ulit siya. Iniisip niya ang mga bagay na nangyari sa kanila ng asawa. Loves sana magkabalikan na tayo. Namimiss na kita.

Habang nag-iisip ay may narinig siyang kumakatok. Bumangon siya at tinungo ang pintuan.

Pagkabukas niya ay nakita niyang ang Mommy pala ni Mon ang bisitang iyon.

Hello po Mommy!

Hello Micea.” Humalik pa siya sa pisngi ng manugang.

Napadalaw po kayo? Tuloy po kayo!” Binuksan niya ng maluwang ang pintuan para makapasok ang ina ni Mon.

Upo po kayo!” Anyaya niya ng nasa salas na sila.

Next month na ang birthday ni Baby Girl. Napag-usapan naming doon na idadaos ang party niya sa Davao. May plano na kami ng pamilya kung ano ang gagawin.

But Mom… Hindi ko po alam kung magugustuhan ba ni Mon ang planong iyan. Nakausap niyo na po ba siya?

Hindi pa. Ikaw muna ang pinuntahan ko para kausapin. Madali lang namang kumbinsihin iyon kung napapayag na kita.

Eh baka di po pumayag Mom kasi alam niyo naman pong iniisip pa rin niyang di niya anak si Raycea.

But I know Mon loves Raycea Jane kaya makukumbinsi natin iyon lalo pa kung ang Daddy niya ang pakukumbinsihin natin sa kanya.

Sige po Mom. Pumapayag po ako.

Salamat hija!

Sandali po Mom kukuha lang po ako ng snack natin. Maiwan ko po muna kayo.

Okay hija.

Nang makabalik si Micea sa sala ay pinag-usapan nila ang mga detalye ng birthday party ng anak. Hindi niya maiwasang maging excited dahil makikita na naman niya ang asawa at magkakasama na naman ang mag-ama niya.

Pupuntahan ko si Mon ngayon sa opisina niya, gusto mong sumama?

Hindi po ba nakakahiya iyon? Ayoko ko pong isipin niyang ginagamit ko po kayo para magkabalikan kami.

Hindi naman di ba? At tsaka asawa ka niya Micea pwede mo siyang puntahan kahit anong oras. Hangga’t hindi pa nagiging null and void ang kasal niyo ay may karapatan ka sa kanya, gustuhin man niya o hindi.

Napangiti si Micea sa sinabi ng manugang. Tama naman ang nanay ni Mon. Kung gugustuhin niya ay pwede niyang pakialaman si Mon. Pwede niyang buwagin ang relasyon nito kay Glenda. Pwede niyang idemand dito na bumalik na sa bahay nila. Pwedeng pwede niyang gawin ang lahat ng iyon pero di niya ginagawa dahil ginagamit niya ang pride niya. Masyado kang mapride Micea. Mahal mo naman si Mon pero tinitikis mo. Saad ng isip niya.

Halos hindi makaupo si Mon sa dami ng trabaho sa office. Isang araw lang siyang umabsent sa trabaho ay halos hindi na siya makahinga sa dami ng dapat gawin. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Glenda.

Hi Love, sabay na tayong maglunch!” Malambing na wika nito na humalik pa sa kanya at kumapit sa leeg niya.

I can’t. Ang dami kong dapat tapusin. I am so behind with all these.” Ipinakita niya ang mga papel na nakapatong sa mesa niya.

Sandali lang naman eh.

I’m sorry! Next time na lang.

Sir, andito po si Miss Micea at ang Mommy niyo po. Papapasukin ko po ba?” Wika ng sekretarya ni Mon na sumilip lang sa may pintuan niya.

What is she doing here?” Galit kaagad na sabi ni Glenda kahit hindi pa nakakasagot si Mon.

Yes Mela, papasukin mo.” Sagot niya sa sekretarya. “I don’t know but for sure it is important. Sige kita na lang tayo sa bahay.” Pagtataboy ni Mon rito.

No. I am your girlfriend kaya may karapatan ako to hear what she wanted to say.

Bahala ka na nga.

Pumasok na sina Micea at ang Mommy ni Mon. Nakita kaagad ni Micea ang matalim na titig ni Glenda kaya naisip niyang pagselosin ito.

Hi Loves!” Bati niya rito na humalik pa sa labi ng asawa.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sa’yo Lamang Chapter 3

24.02.2010
10:33

PART 4

“Dad!” masayang sinalubong ni Louise ang ama  ng makita niya itong papasok ng bahay.

“How was your trip?” tanong pa nito. Ang pagkakaalam kasi ng pamilya niya ay nagpunta siya ng Singapore para sa isang conference. Iyon ang paalam niya sa mga ito ng umalis siya para damayan ang anak na naulila.

“It’s ok.” Hindi makatingin ng deretso sa anak si Miguel.

“Where is you’re mom and grandma?” tanong niya kay Louise.

“Umalis po si Lola, si Mommy naman nasa taas.” Tugon ng anak.

“Ganun ba? Teka bakit mukhang masaya yata ang princess ko ngayon?” tanong ni Miguel ng mapansing abot tenga ang ngiti ng anak.

“Guess what dad?” nagniningning ang mga matang pasuspense na tanong ni Louise.

“What is it? C’mon princess don’t prolong the agony.”

“I’m getting married!!!!!” tiling saad ng dalaga.

Hindi nakapag react si Miguel sa narinig mula sa anak.

“Dad, dad! Did you hear what I’ve said?”

“Huh? yes princess, nagulat lamang ako sa sinabi mo. Totoo ba iyong narinig ko? Ikakasal ka na talaga?” hindi pa rin makapaniwala si Miguel sa sinabi ng anak.

“Yes dad! Vince and I are getting married!” bulalas ng dalaga.

“But your still young and you haven’t finish your studies either.” Tugon niya sa anak.

“Dad don’t tell me na ikaw pa ang tututol sa kasalang ito. You don’t even know the reason why we have to get married, because you’re not always here. Hindi mo rin alam na hiniwalayan ako ni Vince dahil may nagugustuhan na siyang ibang babae, at ‘yon ay dahil wala ka. And now your telling me those nonsense reasons. Pwede ko namang ipagpatuloy ang pag-aaral ko kahit may asawa na ako ah!” panunumbat ni Louise sa ama.

“No Princess, you got me wrong. What I am trying to imply is that your still young, and I’m just worried that you might not be able to handle the life of being married.” Paliwanag nito sa anak. May kutob siya kung sino ang babaeng tinutukoy ng anak na nagugustuhan ni Vince.

“But if you really want to be with Vince for the rest of your life, I will support you all the way.” Dugtong pa niya para pawiin ang pagdaramdam ng anak.

“Akala ko po ay tututol kayo, I’m sorry daddy.” Saad ni Louise at yumakap sa ama.

“Of course not! Ayoko namang hadlangan ang kaligayahan ng aking prinsesa.”

“Thank you so much dad! and  I love you” wika ni Louise

“I love you too princess.” At hinalikan pa niya ang buhok ng anak habang yakap ito.

“Let’s go upstairs dad, alam ko pong pagod kayo mula sa byahe niyo kaya magpahinga na muna kayo.” Maya-maya’y saad ni Louise ng kumalas siya mula sa pagkakayakap sa ama.

“Ok, siyanga pala princess, puntahan mo ako sa silid namin pagdating ng lola mo ha at may napakahalaga akong sasabihin sa inyong tatlo ng mommy mo.” paalaala ni Miguel sa anak.

“Ano po ba iyon dad? “ curious na tanong ni Louise.

“Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo, ok?”

“Ok.” Ang naisagot na lang ni Louise. At patuloy na silang umakyat sa silid nito.

Pagdating sa kwarto niya ay naabutan ni Miguel ang asawa na nagsisimula pa lang mag-ayos.

“Hon you’re here. How was your trip?” Saad ni Margie at sinalubong ang asawa.

“It all went well. May lakad ka ba?”

“Yes hon. May usapan kami ng mga kaibigan ko ngayon, may lunchdate kami.’ Sagot ni Margie at ipinagpatuloy na ang ginagawang pag-aayos.

“Pwede bang ipagpaliban mo muna iyan? May sasabihin kasi ako sa inyong tatlo mamaya pagdating ni mama.” Wika ni Miguel sa asawa.

“Hindi pwede hon, nakakompromiso na ako sa kanila and besides mukha namang pwede pang ipagpabukas iyang sasabihin mo eh, kaya bukas na lang hon,” sagot naman ni Margie.

“Hindi ito pwedeng ipagpabukas pa, seryosong bagay ang sasabihin kung ito dahil sangkot ang buong pamilya, lalo na kayong dalawa ni Louise.” Deretsong saad ni Miguel. Hindi na niya kaya pang ipagpaliban ang sasabihin.

“Ganuon kaimportante?”tanong ng asawa

“Oo” sagot naman ni Miguel.

Hindi na sumagot pa si Margie pero nagsisimula na siyang kabahan. Hindi pa nangyayari ang ganitong magkakaroon sila ng family meeting. Kadalasan kapag may gustong sabihin sa kanila si Miguel ay sinasabi nito over dinner. Ngunit ngayon ay kakaiba at naninibago siya sa iginagawi ng asawa.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

My Cheerleader Princess Phase 3

24.02.2010
10:22

I’m Here

Napadilat si Lyka at nabalik siya sa kasalukuyan. Hindi niya aakalaing makikita niya kanina ang lalaking dumurog na naman ng batang puso niya. Ang lalaking sa akala niya ay di niya mamahalin katulad ng pagmamahal niya kay Ken. Ang lalaking hindi man lang binigyan ng pagpapahalaga ang puso niya at basta na lang umalis ng walang pasabi. Buti na lang si Ken kahit masakit sa kanya ay nagpaalam ito. Buti na lang si Ken ay sinabihan siyang aalis na ito. Pero si Jeoff walang pakialam sa mararamdaman niya. Walang pakialam kung masasaktan ba siya. Walang pakialam sa damdamin niya.

Tapos na siyang kumanta kaya bumalik na siya sa mesa nilang magkaibigan.

Ang galing mo palang kumanta Star! Napabilib mo kami ah.” Puri ni Lizzette ng makaupo na siya.

Salamat. Bata pa lang ako hilig ko na ang kumanta.

Hindi man lang namin napansin.” Pahayag naman ni Cherry. Napansin niyang hindi kumikibo si Valerie.

Excuse me! Para daw po sa inyo.” May inilapag na pink lemonade ang waiter sa harapan ni Lyka at itinuro ang mesa sa di kalayuan. May note pa ito na ‘I Miss You

Napalingon silang apat sa kung sino ang nagpapabigay ng lemonade na iyon. Napanganga sila ng makitang si Jeoff iyon. Pasimpleng ngumiti pa ito sa kanya.

Sabihin mo salamat!

Opo!

Pagkaalis ng waiter ay nakita niyang tumayo sina Jeoff at Edgar. Palapit ito sa mesa nilang apat.

Biglang naging sentimental ang paligid at tumugtog ang isang sweet music.

May I have this dance?” Tanong ni Jeoff kay Lyka.

Sure!” Sagot niya sabay tayo.

Nang nasa dance floor na sila ay hindi inaalis ni Jeoff ang tingin kay Lyka.

Madami akong gustong sabihin sa’yo Princess pero di ko lang masabi. Pinangungunahan ako ng takot at pangamba.

Ano naman ang sasabihin mo? At bakit ka pinangungunahan ng takot?

Bumuga muna si Jeoff ng maraming hangin bago nagsalitang muli. “Do you know that you are the most beautiful girl I know?” Seryosong saad ni Jeoff na nagpatulala kay Lyka.

Si Jeoff ba talaga itong kaharap ko? Natanong niya sa sarili. Hindi kaya nananaginip lang ako. Gising Lyka! Gising! Sobra na iyang panaginip mo baka humantong iyan sa bangungot.

Is this some kind of a joke?” Kunot-noo at inis na tanong niya rito.

No. I am not kidding. Bumalik ako dahil sa’yo.

So it is my fault na nandito ka?” Mataas nang konti ang boses niya.

That’s not what I meant. What I meant was bumalik ako para sabihin sa’yo ang tunay na damdamin ko. Bumalik ako para sa’yo. Dahil…” Napatid na naman ang dila ni Jeoff.

Dahil ano?” Galit na tanong ni Lyka. Kahit pigil na pigil niyang mapalakas ang boses ay damang-dama naman ang galit sa tono nito.

Dahil mahal kita! Mahal na mahal kita Princess Lyka Montes.” Nakahinga ng maluwag si Jeoff dahil nasambit na din niya sa babaeng minamahal ang mga katagang iyon. “Can you please love me back?” May pagsusumamo sa boses nito.

You got to be kidding me.” Kumalas siya sa pagkakahawak sa balikat ni Jeoff at tuluy-tuloy papunta sa pinto ng gusaling iyon. Napaiyak na siya. Hindi pwedeng mahalin kita Jeoff. Hindi pwede the second time around you that will let me fall for you and then leave me. Hindi ako papayag.

Hinabol ni Jeoff si Lyka. Nangamba siya noon sa magiging reaksiyon nito. Tama nga ang pangamba niya. Hindi siya mahal ni Lyka. They were just friends. Friends lang kayo Jeoff. She never cared for you! Masakit sa dibdib na pag-amin niya sa sarili.

Lyka, I’m sorry!” Nahabol niya ito sa may pintuan.

Bitiwan mo nga ako.” Iwinaksi ni Lyka ang kamay niya. Tuluyan na silang nakalabas ng pinto.

Hindi ko sinasadyang maoffend ka. Hindi ko man inamin sa’yo ang totoo noon dahil natakot lang ako na ireject mo but believe me or not. I care for you more than my friend.

Hindi nakasagot si Lyka sa sinabi ni Jeoff dahil dumating si Lance. Nagkatinginan ang dalawa.

Princess, sinabi sa akin ni Yaya na nandito daw kayo kaya sumunod ako.” Sabi kaagad ni Lance na lumapit pa kay Lyka. Nakita niyang parang umiiyak ito. “Are you alright?

Yes, I am fine. Tayo na sa loob.” Nilampasan nina Lance at Lyka si Jeoff.

Princess sandali…” Nilingon lang siya ni Lyka at tuluy-tuloy na pumasok na nakakapit pa sa siko ni Lance.

Nakasalubong nina Lance at Lyka si Edgar. Pagkalabas nito ng pinto ay lumapit kaagad ito kay Jeoff.

Anong nangyari?

She doesn’t care kung mahal ko siya. Sila ba ni Lance?

Hindi ko alam pero talagang sobra-sobra ang pagpaparamdam niyang si Lance noong nasa America ka pa.

Sa tingin mo sila kaya?

Hindi ko masasagot iyan. Ito lang maipapayo ko sa’yo ha. Huwag kang sumuko. Kapag sinabi na ni Lyka na tigilan mo na ang pagsuyo sa kanya dahil may mahal na siyang iba doon mo lang tigilan. Hangga’t hindi pa eh di ipagpatuloy mo ang planong panliligaw sa kanya.

Paano kung patuloy niya akong ireject?

Eh di ang gawin mo, huwag mong sabihin sa kanya. Parang mystery guy o kaya naman secret admirer. At kapag kaya mo ng marinig ang sagot niya eh di doon mo ireveal ang sarili mo.

Napaisip si Jeoff. Tama nga si Edgar. Dapat maramdaman ni Lyka na tapat at totoo ang hangarin niya rito. Dapat malaman mong nandito lang ako Princess, patuloy na nagmamahal sa’yo!

Previous Page <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 29

24.02.2010
07:05

Hindi na pwede Jordan. I am married. Though we decided to go on in separate ways but I am still married to him.

You are married? Really?” Hindi makapaniwalang sambit ni Jordan. Hindi niya aakalaing may asawa ito. Sa tindig at pustura ni Micea Jane, ni sa hinagap ay hindi mo aakalaing may asawa ito. Kahit nga pagdudahang may asawa ito ay hindi mo iisipin.

Yes I am married. Six years na kaming kasal. Sad to say but something happened that he had to leave me. It wasn’t my fault neither his but things happen that is out of our control.” Halos maluha na si Micea sa pagkukwento. Naalala niya na napakasaya nilang mag-asawa. Kung hindi lang bumalik si Rian masaya pa rin sana sila ni Mon.

Who is he? Do I know him? Guest not.” Napabuntung-hininga si Jordan. “But Micea, wala na kayo di ba? Why not give yourself a chance to be happy? I am here to make you happy and whatever will happen in the future I promise you I will never ever leave you like what your husband did.

I’m sorry Jordan. It will be unfair to you kung tatanggapin ko ang panliligaw mo pero wala din naman akong planong makipagrelasyon. Mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko.

It’s okay Micea but would you allow me to be your friend?

Yes Jordan. We can be friends.

Salamat!

Hindi na nakalapit pa si Mon sa asawa dahil bantay sarado na siya ni Glenda. Selos na selos siya sa nakikitang pakikipag-usap nito sa pinsan ni Glenda. Kung pwede lang ay hinatak na niyang pauwi ang asawa. Ang ganda-ganda mo naman kasi loves eh kaya hindi maiiwasang may mahumaling sa’yo kaagad. Mahal na mahal pa rin kita!

Love, anong iniisip mo?” Paglalambing na tanong ni Glenda ng makitang malalim ang iniisip niya.

Nothing. Pagod na kasi ako. Gusto ko na sanang magpahinga.

Mamaya na love. Madami pa akong gustong ipakilala sa’yo. Alam mo namang I am so proud to be your girlfriend di ba?

Napabuntung-hininga muna siya bago sumagot kay Glenda. “Ok!

Lahat yata ng bisita ni Glenda ay ipinapakilala siyang nobyo nito. Nakikipagplastikan na nga lang siya at ipinapakitang masaya siya kahit ang kalahating isip niya ay nasa asawa at sa kausap nitong si Jordan. Ayaw na ayaw niyang may nakikipag-usap sa asawa. Nandyan na nga si Rian na habol ng habol sa asawa niya, heto at dadadag pa ang pinsan ni Glenda na kung makatingin sa asawa niya ay pinagnanasahan ito.

Bakit parang kanina ko pa napapansin na wala ka sa mood?” Usisa nito.

Anong wala sa mood? Kinakausap ko nga ang mga bisita mo di ba? Wala pa sa mood iyon?” Napakunot-noong sagot naman niya.

Napapansin ko lang na parang napipilitan kang pakitunguhan sila.

Ang dami mo namang napapansin Glenda. Would you just enjoy your party? Pabayaan mo na lang ako. Pagod lang ako.” Seryosong sagot niya.

Alright!” Maikling tugon nito. “Pwede ba alayan mo ako ng kanta. Please!” Paglalambing nito.

Hindi ako nakapaghanda eh.” Tanggi niya.

Kahit naman hindi ka maghanda eh kayang-kaya mo pa ding kumanta na walang sablay. Please Love!

Pagbibigyan kita pero gusto kong makaduet si Micea.

What?” Halos mapasigaw ito sa sinabi niya.

Yes, gusto ko siyang makaduet.

But Mon…

You want me to sing right? Then that’s my demand.

Wala nang nagawa si Glenda. Inensert na sa program ang pagkanta ni Mon. Ayaw naman niyang mapahiya na tatanggihan siya ng sariling nobyo sa party niya. Pagbabayaran mo ito Micea. Galit na sabi niya sa sarili.

Okay fine!

Tinawag na si Mon para kumanta at nagulat si Micea na tinawag din siya. Napakunot ang kanyang noo na napatingin sa may bandang stage. What kind of joke is this Glenda? Kahit kailan talaga! Inis na nasabi ng isip niya.

Kahit napipilitan ay umakyat na lang si Micea. Hindi siya magpapatalo kay Glenda. Kung gusto siyang ipahiya nito ay hindi niya ito pahihintulutan.

Iniabot ni Mon sa asawa ang isang mikropono. Nagsimula ng tumugtog ang kanta. Paborito nilang dalawa ng asawa ang pinatutugtog. Konti na lang at maiiyak na siya. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa kanila ng asawa. Bakit kailangan pang makaduet kita? Masakit sa dibdib na tanong niya.

Kinanta nila ang kantang ‘I Will Take You Forever‘ by Kris Lawrence Feat. Denise Laurel.

Mon:

I was a man who always played around in love

So quick to take but so afraid to give enough

But now I’ve found the one and heaven will only know

What only my eyes can say and time can’t take away

Micea:

I was a girl who trusted no one with my heart

And the dreams that young girls dream were just vanishing in the dark

But now I’ve found the one and heaven will only know

What only my eyes can say, they say

Mon and Micea:

That I will take you forever

And there will never be anyone else in my heart but you

And I will take you forever

And there will never be anyone else but you

Anyone else but you

Titig na titig si Mon sa asawa habang kumakanta sila. Napapansin niyang pasimple siyang iniiwasang tingnan ng asawa. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang makaduet siya sa party ng girlfriend niya ‘kuno’. I love you loves. Very much! I will take you forever and ever here in my heart. There’s no one else but you Loves. There will never be anyone else but you! Naiisip ni Mon habang kumakanta.

Inis na inis si Micea habang kumakanta. Mas lalo siyang naiinis dahil kanina pa nakatitig ang asawa. Hindi niya maiwasang maalala ang lahat. Ang masayang buhay na kasama niya ang lalaking kaharap. Ang mga masasayang sandali, ang halakhakan nila at ang pangako sa isa’t isa na hindi nila hahayaang may sumira sa kanila. Nasaan na ang lahat ng pangako mo na ako lamang at wala ng iba Mon? Nasaan na ang lahat ng pangako mo na hindi mo ako iiwan kahit kailan? That you will take me forever and that there will be no one else but me! Malungkot na saad ng isip niya. Kahit anong himutok ko Mon, you are still the one for me! I love you Loves and there will be no one else but you Forever!

And I will take you forever!” Pagtatapos nila ng kanta na titig na titig sa isa’t isa.

Previous <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

My Cheerleader Princess Phase 2

22.02.2010
06:24

Trying

Habang kumakanta ay nagbalik tanaw si Lyka sa nakaraan.

Three months ago…

Disappointed at hindi matanggap ni Lyka ang balitang kasasagap lang niya. Hindi niya aakalain na aalis din si Jeoff. Tulad ni Ken ay iniwan din siya nito. Dinagdag pa ni Edgar na baka di na ito bumalik ng Pilipinas kaya impossible nang magkita pa sila.

Bakit kailangang mahalin pa kita? Bakit?” Tanong niya sa sarili habang umiiyak. “Wala ka namang pakialam sa akin Jeoff eh pero bakit minamahal pa rin kita.

Princess!” Mahinang tawag ng yaya niya. Nakita kasi nitong umiiyak siya. “Okay ka lang ba?

Hindi po. Umalis na po si Jeoff. Baka di na daw po bumalik eh.” Nakasubsob na siya sa dibdib ng yaya niya.

Baka naman iyon ang sadya niya nuong magpunta siya kahapon.

Pero bakit di po niya sinabi nuong magkasama kami nuong isang araw? May balak na pala silang umalis bakit di niya ako tinapat?

Hindi ko alam Princess. Baka biglaan.

Paano pong magiging biglaan kung di na po sila babalik?” Humihikbing tanong niya sa yaya niya. Napakabigat ng kanyang nararamdaman. Parang sasabog na ang puso niya. Pakiramdam niya ay mas masakit ang ginawang pang-iiwan ni Jeoff sa kanya kaysa kay Ken.

Bakit di mo kausapin iyong bestfriend ni Jeoff? Baka alam niya ang contact number nina Jeoff. Tawagan mo kaya ng malinawan na ang isip mo.” Suhestiyon ng yaya niya.

Hindi na po importante. Alam kong wala namang nararamdaman sa akin si Jeoff eh. Umaasa lang ako sa wala kaya maigi na ang ganito. Kakalimutan ko na lang siya.

Kaya mo bang kalimutan siya?

Kakayanin ko.

Naging malungkutin si Lyka sa paaralan nila. Kahit nakangiti siya ay mababakas sa mga mata niya ang lumbay at lungkot. Di iyon nakatakas sa pandama ni Lance.

Princess, may problema ka ba?” Puna nito ng nasa may canteen sila isang hapon.

Wala naman.

Napapansin ko kasing parang malungkot ka.

Huwag mo na akong pansinin.

Pwede mo namang sabihin sa akin eh. Makikinig ako.

Okay lang ako Lance. Sige ha!” Tumayo na siya at pinuntahan ang mga kaibigan na nasa kabilang mesa.

Star, dinig ko ay magpapatransfer ka daw sa band? Pagbibigyan ka naman ba ni Sir Commandant?” Tanong ni Valerie ng makaupo na siya.

Iniisip ko ngang lumapit sa Daddy ko eh. Magkakilala yata sila ni Sir Commandant.” Sagot naman niya.

Eh di convince mo Dad mo para magkasama na tayo sa band. Siyangapala, iyong training mo sa motorcycle how is it?” Sabi naman ni Cherry.

Ok lang. Marunong na marunong na ako. License na lang ang kulang, makakasabay na ako sa inyo.

That’s good news Star.” Wika din ni Lizzette. “At least ngayon sabay-sabay na tayong apat na sasakay ng motorsiklo pagpasok sa school.

Balita ko bumalik ng US ang family ni Jeoff.” Pag-iiba ni Valerie ng usapan na siyang ikinalungkot niya. “For good na daw ang pagbalik nila doon.

Alam mo ba ang reason?” Tanong naman ni Cherry.

Hindi eh. Iyon lang narinig ko sa mga teachers.

Sayang ang gwapo pa naman ni Jeoff. Napakasarap pagpantasiyahan lagi.” Sambit naman ni Lizzette. “Star, bakit nakatunganga ka dyan?” Sinamid pa ng konti nito ang balikat niya.

Ha? Wala naman. May iniisip lang ako.

At ano naman iyon?

Hindi naman importante. Uwi na tayo! Gusto kong maagang umuwi para maabutan ko ang Daddy ko at makausap na. Gusto ko ng malipat sa banda.

O sige. Tayo!” Sang-ayon naman ng mga kaibigan at tumayo na.

Pagkauwi niya ng bahay ay nadatnan niyang nasa beranda ang Daddy niya kaya kinausap niya ito tungkol sa planong pagpapalipat sa banda. Buti na lang at pumayag itong makialam sa school rules nila.

Kinagabihan ay kasalukuyan silang kumakain ng dumating si Lance. May dala itong bulaklak at tsokolate. Napakagwapo din ng porma nito na siyang nagpakilig ng husto kay Lyka at sa yaya niya.

Lance napadalaw ka.

Hi Princess. Hello po sir!” Bati nito.

Hello din.

Lance Christopher Mondragon po pala. Nice to meet you sir.” Pormal na pagpapakilala ni Lance sa Daddy ni Lyka na inilahad pa ang kamay.

Nice to meet you too. O sige, maiwan ko na kayo.” Pagpapaalam nito. “Goodnight Princess.” Humalik pa ito sa pisngi ng anak.

Good night Dad.” Sagot naman ni Lyka sa ama.

Good night po Sir!

Good night din.” Pagkasabi ay umalis na ito sa harapan nilang dalawa.

For you Princess.

Thank you Lance. Halika! Doon tayo sa may sala.” Anyaya niya rito at tinanggap ang bulaklak at tsokolate. “Yayz, pakidalhan naman po ng maiinom si Lance. Sa may sala po kami.

Oo Princess.” Sagot nito na di itinago ang kilig na nararamdaman.

Maupo ka!” Simpleng anyaya niya rito ng nasa may sala na sila. “Ano nga pala ang sadya mo?

Alam kong hindi kaila sa’yo that I like you right? I just want to formally court you. Kung papayag ka.” Simula nito.

Bakit naman hindi? I don’t have a boyfriend right now at tsaka di naman ako pinipigilan ng parents ko eh.” Sagot naman niya. “Pero how sure are you that you really like me? Hindi ako ang tipong laruan Lance. I know the kind of guy you are.” Pagtatapat niya rito.

Princess, paniwalaan mong I will change my bad habits for you. Hindi kita sasaktan. Kung sasagutin mo ako di na ako titingin sa iba. Kahit pa ang makipag-usap ay di ko gagawin kung iyon ang makakabuti para sa ating dalawa.

Paano naman ako makakasiguro na you will not hurt me?” Pagsisiguro niya.

Hindi ako mangangako pero I will try all my best para maramdaman mong sincere ako sa pagmamahal sa’yo. Bigyan mo sana ako ng chance na ipakita sa’yo na deserving ako sa pagmamahal mo.

I will give you a chance Lance to show me you deserve my yes.” Matatag na saad niya. Naisip niyang hindi sa pangatlong pagkakataon ay masasaktan siya sa isang lalaki. Susuriin niyang mabuti ang kanyang damdamin at ang hangarin ng lalaking kaharap ng sa gayun ay di na siya umasa sa wala at masaktan sa huli.

Thank you Princess. Kahit iyon man lang sa ngayon ay sapat na sa akin.

Previous Page <Home> Next Page

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark
« Older Entries
Powered by WordPress and Artsavius Theme