Batcom I Love You Phase 11
He Cares?
“Baka matunaw na ako niyan.” Dagdag na biro pa nito na mas lalong ikinapula ng mga pisngi niya. Yuyuko sana siya para itago rito ang pamumula niya pero naunahan siya nitong haplusin ang mukha niya.
“Biro lang iyon. Ikaw naman.” Sasagutin niya sana iyon para di mahalata na umurong na ang dila niya sa kilig pero dumating na ang medics na may dalang ice. Maya-maya pa’y dumating na din ang nurse.
Sinuri-suri nito ang paa niya at nang makitang wala namang problema ay pinauwi na siya. Binilin na lang nito na lagyan niya ng ice parati para humupa ang pamamaga.
Gaya ng sinabi ni Jeoff ay hinatid siya nito sa bahay nila. Halos himatayin siya sa kilig ng ilapag siya nito sa sariling kama. Hindi muna umalis si Jeoff pagkalapag sa kanya. Inalagaan muna siya nito.
“Saan ako kukuha ng ice?” Tanong nito sa kanya na siya namang pagpasok ng yaya niya.
“Yayz, pakidalhan naman kami ng ice dito. Kailangan kong lagyan ang paa ko e.” Pakiusap niya sa yaya niya na halos tumili sa kilig ng makita ang lalaking kasama niya. Dinilatan niya ito tanda na huwag magpapahalata.
Sumunod si Jeoff sa yaya niya para tulungan ito.
“Nasaan po ang mga magulang ni Lyka?” Tanong ni Jeoff ng nasa may kusina na sila. Napansin kasi niyang parang napakatahimik ng bahay nila.
“Nasa ibang bansa may dinaluhang business conference.”
“Talaga? E di mag-isa lang siya dito?”
“Hindi naman. Nandito naman kami na mga katulong nila.”
Kawawa naman pala siya. “Paano po kung magkasakit siya, sino pong mag-aalaga sa kanya?”
“Andito naman kami. Hindi naman namin pinababayaan si Princess.”
Bumalik na si Jeoff sa kwarto ni Lyka. Nadatnan niyang nakatulog na ito. Nahabag siyang nakatingin rito. Hinawi niya ang buhok nito para mapagmasdan ang kabuuan ng mukha nito.
Kawawa ka naman pala. Kahit nakukuha mo ang lahat ng gusto mo iba pa rin kung nasa tabi mo palagi ang mga magulang mo. I want to be your knight Princess but I can’t be. I already have Miraluna in my life. Ingatan mo na lang lagi ang sarili mo ha. Darating din ang right knight para sa’yo at alam kong aalagaan ka niya bilang isang prinsesa. Sabi ni Jeoff habang nakatingin kay Lyka.
Gumalaw ito kaya nagkunwari siyang nilalagyan niya ng ice ang paa nito. Mukhang nalamigan ito kaya nagising.
“Jeoff, nandito ka pa?” Gulat na tanong nito.
“Oo. I hadn’t said I’m going yet.”
“Yeah. But…” Namula na naman siya. Alam niyang nakatulog siya sa harap ni Jeoff.
“Ok lang. Kung nahihiya ka dahil nakita kitang nakatulog ka. Ayos lang iyon. Ang ganda-ganda mo ngang pagmasdan e. Para kang baby.” Mas lalo siyang namula sa sinabi nito.
“Gusto ko lang kasing personal na alagaan ka Princess lalo pa ngayong alam kong wala rito ang mga magulang mo.”
“Anong tawag mo sa akin?”
“Princess. Hindi ba pwede?”
“Ok lang pero naninibago lang kasi ako sa’yo. Bakit parang ang bait-bait mo sa akin?”
“Because I care for you.” Diretsong sagot nito na siyang dahilan para umurong ang dila niya. Magsasalita pa sana siya pero talagang napipi na siya sa sinabi nito.
Gusto na talagang magtititili at magsisisigaw ni Lyka sa sobrang kilig na nararamdaman niya sa sinabi ni Jeoff. Kung hindi lang niya kaharap ang binata ay kanina pa sana niya ginawa.
“How do you feel now?” Narinig niyang nagtanong ito.
“I feel ok na.” Sagot naman niya.
“Sige uuwi na ako.” Tumayo na ito.
“Wait…” Hinawakan niya ang kamay nito. Binitawan kaagad niya dahil sa kuryenteng taglay nito na dumaloy hanggang sa kaibuturan ng puso niya. “Gusto ko sanang sabayan mo akong kumain, if you like lang naman. Nagugutom na kasi ako e.” Pasimple niyang pag-iimbita rito.
“Sure. Kasi mukhang mag-isa ka lang namang kakain e. Maigi nang may kasabay ka.” Kahit araw-arawin ko pa. Gustong idagdag ni Jeoff.
“Thank you sir ha. Sumusobra na yata ako sa kabaitan mo.”
“Princess my name is Jeoffrey, you can call me Jeoff.”
“Ok. Thank you Jeoff..rey” Nahiya siya kasi di pa sila close kaya dinugtungan niya.
Tahimik silang kumain. Ni walang gustong magsalita. Kanina pa niya pinipigil ang paghinga dahil kahit sa panaginip ay hindi niya aakalain na pauunlakan siya nitong sabayan siya sa pagkain. Ano kayang nangyari sa kanya at bumait sa akin? Naguilty lang siguro siya dahil nasaktan ako sa training. Hindi naman pala siya masungit gaya ng iniisip ko. Marunong naman pala siyang magpakita ng concern sa kapwa.
Hinawakan ni Jeoff ang kamay niya kaya napatigil siya sa mga iniisip.
“Can we be friends?” Tanong ni Jeoff sa kanya na ikinagulat niyang lalo.
“Are we not?” Balik niyang tanong rito. Akala pa naman niya ay friends na sila.
“Formally I want to.” Sagot naman nito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Naisip ni Jeoff na hindi na lang niya pahihirapan si Lyka dahil kung gagawin niya iyon baka mas mahuhulog siya rito kaya ibang tactic ang naisip niya. Reverse psychology! Baka makalimutan pa niya ang dalaga kapag ginawa niya iyon.
Nginitian ni Lyka si Jeoff hudyat ng pagiging magkaibigan na nila.
Samantala ay kakauwi lang ni Lance mula sa kanyang date ng madatnan niya si Valerie sa bahay nila.
“I want you to court Lyka.” Bungad kaagad nito sa kanya.
“What? I thought you don’t want me to court your group member?” Kunot noong tanong ni Lance. Kahit gusto niya ay hindi niya ipinahalata ditong interesado siya kay Lyka.
“She is a threat to my popularity Lance and I want you to hurt her. Iyong tipong pagsisisihan niyang pumasok pa siya sa school natin.”
“But Valerie, walang ginagawa si Lyka sa’yo.”
“For now wala. But I know soon enough she will.”
Pinaniwala na lang ni Lance si Valerie na umo-o siya sa kagustuhan nito pero ang totoo kahit hindi pa hilingin ni Valerie ay may balak na siyang ligawan si Lyka.
Previous Page <Home> Next Page
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



January 20th, 2010 at 7:42 pm
hi.. excited na ako sa next phase ng batcom i love you..
you have nice stories..
January 26th, 2010 at 2:51 am
Hi Jane,
Kapangalan ah. Hehheheh…
Salamat po sa pagsubaybay ng mga stories ko po!
Ingat palagi…
February 1st, 2010 at 7:28 am
kelan ung phase 14 ng batcom i love u…?
nice po kasi un story weh.ghe po ingat
February 1st, 2010 at 8:03 am
Hi youngirl,
Susubukan ko po siyang iupdate ngayon..
Maraming salamat po ah!
Ingat po…
February 2nd, 2010 at 6:34 am
GEH PO XENXIA NA PO SA PANG GUGULO……..
February 2nd, 2010 at 6:42 am
Hi youngirl,
Sorry ha may trabaho na kasi ako at nagkatrangkaso pa kaya di ako nakapagsulat. Promise ko po na dadamihan ko ang update kapag nagkaroon ng time.. Definitely tonight or tomorrow morning!
Salamat sa pag-aabang…
Ingat po!
February 3rd, 2010 at 9:04 am
ty po miss-j….
February 3rd, 2010 at 9:53 am
walang anuman un youngirl,
salamat sa pag-aabang ng story ko po!
Ingat po kayo…