“Vince,” tawag ni Miguel sa binatang nakaupo sa sofa.
Agad namang tumayo si Vince pagkakita kay Miguel.
“Maupo ka” saad ni Miguel sa binata ng nasa harapan na siya nito.
“Alam kong naguguluhan ka sa mga pangyayari, pero may gusto muna akong hilingin sa iyo.” dugtong ng ama ni Gia.
“Ano po iyon tito?”
“Sana kung ano man ang malalaman mo ngayon, gusto ko ay sa pagitan lang natin itong dalawa. Sa madaling salita, gusto kong ilihim mo lalo na sa pamilya ko ang lahat ng maririnig mo.” seryosong saad ni Miguel.
“Makakaasa po kayo tito.” Pangako naman ng binata.
“Salamat Vince, hindi naman sa gusto kong itago itong lihim kong ito sa kanila. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon.’
“Asahan niyo pong wala silang maririnig o malalaman mula sa akin.”
Nakahinga ng malalim si Miguel ng marinig ang sinabing iyon ng binata.
“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako nandito at kung ano ang kaugnayan ko sa buhay ni Gia. Narinig mo naman kanina na tinawag ko siyang anak di ba?” saad ni Miguel.
Tango lang ang naging sagot ni Vince.
“Tama ang narinig mo Vince. Anak ko nga si Gia, bunsong anak. Nagkaroon kami ng relasyon ng kanyang ina bago pa kami ikinasal ni Margie. Naputol lamang ang relasyon naming iyon ng siya ay bawian ng buhay.” Pagkukwento ni Miguel sa binata.
“At hanggang ngayon nga ay hindi alam nina Margie , mama lalo na ni Louise ang tungkol kay Gia.”
Hindi makapagsalita si Vince sa narinig. Hindi siya lubos makapaniwala na ang isang tulad ni Miguel ay may itinatago palang isang lihim.
“Alam kong nabigla ka sa iyong narinig, pero sana ay tutuparin mo ang binitawan mong pangako sa akin.”
“Totoo pong nabigla ako sa aking nalaman tito, pero huwag po kayong mag-alala, marunong po akong tumupad sa mga salitang aking binitawan.”
“Maraming salamat Vince.” Saad ni Miguel sa binata.
“Pa, handa na po ako, aalis na po ba tayo.” Wika ni Gia sa ama ng makababa siya ng hagdan. Sabay na palingon si Vince at Miguel kay Gia.
“Ah, oo anak. Aalis na tayo.” Tugon ni Miguel sa anak.
“Sige po Tito, Gia magpapaalam na rin ako. may ihahatid pa kasi akong supplies sa kabilang barangay.” Saad naman ni Vince.
“Sige Vince. Mag-iingat ka.” Tugon ng ama ng dalaga.
“Salamat nga pala sa pag-aasikaso mo sa akin kanina Vince ha.” wika naman ni Gia.
“Wala iyon. Babalik din kaagad ako bukas. Dederetso na lang kami ni Manong Boy doon sa burol ng lola mo.” sagot ni Vince.
“Sige, ikaw ang bahala kung hindi ba makakaabala sa iyo eh.” Turan ni Gia.
“O siya, sabay-sabay na tayong lumabas ng bahay. Nasa labas na si Beng at hinihintay tayo.” Ani ni Miguel at nauna na sa dalawa.
“Sige po.” Wika ni Vince at sabay na silang lumabas ni Gia.
“Larry, kahit ayaw mo kailangan nating pag-usapan.” Pilit ko sa kanya.
“Bakit ba ang kulit-kulit mo?” Galit na sabi kaagad ni Larry.
“Dahil hindi ko hahayaan na patuloy tayong magkaroon ng relasyon kahit pareho nating alam na wala ng patutunguhan ito.”
“Gusto mo talagang lumaya ano? Para kay Jerick.”
“Hindi lang iyon ang rason kundi iyon ang tama.”
“Akin ka lang. Hindi ka maagaw ni Jerick sa akin. Magkamatayan na kami.”
“Huwag ka namang ganyan Larry. Pinapagulo mo lalo ang sitwasyon eh.”
“Ano bang nagawa kong kasalanan sa’yo Kath at sinasaktan mo ‘ko ng ganito?” Luhaan ng sabi nito.
“Wala kang kasalanan Larry. Ako ang may kasalanan ng lahat. Dapat sa simula pa lang nagpakatotoo na ako sa tunay kong damdamin.”
“Kath, matututunan mo din akong mahalin. Subukan mo lang. Please!”
“Sinubukan ko Larry pero hindi ako nagtagumpay. Si Jerick pa din ang nilalaman ng puso ko. I’m sorry pero iyon ang totoo.” Hindi ko na napigilan na pumatak din ang mga luha ko. “I’m very sorry Larry but we have to end this relationship. Sana matanggap mo iyon.”
“Ganun lang ba kadali iyon Kath?”
“Hindi ganun kadali sa akin ang gawin sa’yo to Larry dahil naging mabuti ka sa akin. Ni minsan hindi mo ‘ko sinaktan. Ni minsan hindi mo ‘ko niloko.”
“Kath.” Niyakap niya ako. “Huwag naman o. Kahit ako na lang ang magmahal sa’yo. Kahit hindi mo na lang suklian iyon ok lang sa’kin. Sapat na ang pagmamahal ko sa’yo para sa relasyong ito. Please Kath!”
“Larry, hindi pwede! Ayokong patuloy na lokohin ka.”
“Tinatanggap ko iyon Kath at wala akong pakialam.”
“I’m sorry Larry. Nakapagdesisyon na ako. Hindi pwede na patuloy kitang karelasyon samantalang iba ang gusto kong makasama.”
“Hindi ka liligaya Kath kasama si Jerick. Hindi! Isinusumpa ko iyan.”
“Larry naman.” Nilapitan ko siya para aluin pero lumayo siya.
“Hindi ko matatanggap ang desisyon mo. Hindi ako maiisahan ni Jerick.” Pagkasabi ay lumabas na ito ng bahay namin.
Larry I’m sorry!Pataghoy kong sabi.
Nang lumingon ako sa direksyon papunta sa kwarto ko ay nakita kong nakikinig pala ang mama ko.
“Anong nangyayari sa inyo Kath?” Simulang usisa nito.
“Gusto ko na pong makipaghiwalay kay Larry Ma.”
“Ang bait-bait nuong tao gaganyanin mo lang.”
“Hindi ko naman po kasi siya mahal eh at di ko mapipilit ang sarili ko na mahalin siya.” Magsasalita pa sana ang mama ko ng may magpapatao po kaya pinuntahan ko ang pintuan.
“Jerick, anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ko sa kanya. Nakita kong sumimangot ang mukha ng mama ko. Pagdakay pumasok na rin sa sariling silid.
“Dinadalaw ka.” Sagot naman nito.
“Para nga pala sa’yo.” Iniabot niya ang bulaklak na napakaganda ang pagkakaayos at tsokolate.
“Salamat ha. Halika! Pasok ka.” Pumasok na siya.
“Maupo ka.” Anyaya ko sa kanya at nauna ng maupo.
“Kumusta ka na nga pala?” Tanong niya pagkaupo.
“Ok lang ako Jerick. Ikaw? Kumusta ka na?”
“Pinuntahan ako ni Larry sa bahay. Ayun muntik na kaming magsapakan kung di ko lang pinigilan ang sarili ko. Alam kong wala akong karapatan na magalit dahil ako ang nagiging dahilan ng gulo.”
“Hindi ko aakalain na hahantung ang lahat sa ganito.”
“Ako nga din eh pero Kath huwag ka sanang sumuko ha. Magiging maayos din ang lahat.”
“Hindi ako susuko. Pangako iyan!”
Kinabukasan ay nagpunta na ako ng school. Last day ng intrams at may pakulo ang school na send a message to your special someone kaya dinagsa ang Student Center ng mga estudyanteng gustong magpabasa ng mga messages para sa kanilang mga nagugustuhan.
“Kath, hindi ka ba magsesend ng message kay MrCloseUp?” Tanong ni Jessa na may kasamang tukso. Hindi ko pa naikukwento sa kanya ang nangyari na natuklasan na ni Larry ang lihim na pagkagusto ko kay Jerick.
“Hindi na lang.” Matamlay kong sabi sa kanya.
“Himala yata.”
“Anong himala doon? Ikaw talaga. Tayo na nga sa gym.”
Papalabas na sana kami ng gate para pumunta sa gym ng marinig namin ang pangalan ko na tinawag ng announcer.
“Katherine Dela Cruz, kung nakikinig ka may mensahe para sa’yo si MrCloseUp.” Narinig namin na sabi nito mula sa speaker.
“Si Jerick Kath.” Nanlaki ang mga matang sambit ni Jessa.
“Personal niyang sasabihin ang kanyang mensahe para sa’yo Katherine Dela Cruz.” Nagsalita ulit ang lalaking iyon.
“Personal pa. Grabe talaga ang tama ni Jerick sa’yo.”
“Pakinggan na lang natin.”
“Para sa’yo ang kantang ito Kath:”
Sa buhay natin mayroong isang mamahalin sasambahin
Sa buhay natin mayroong isang bukod tangi sa lahat at iibigin ng tapat
Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon At para bang ika’y nilalaro ng panahon
May ibang makikilala at sa unang pagkikita may tunay na pag-ibig na madarama
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y malaya pa
At hindi ngayong ang puso ko’y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y nag-iisa
Sino ang iibigin? Ikaw sana
Di mo napapansin sa bawat araw na kasama mo siya kapiling ka niya
Bawat sandali punung puno ng ligaya’t saya damdamin ay iba
At di sinasadyang pagkakataon at para bang ika’y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap mga labi niyo’y naglapat ang inyong matay nagtatanong at nangangarap
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y malaya pa
At hindi ngayong ang puso ko’y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako’y nag-iisa
Sino ang iibigin? Ikaw sana
Ikaw SANA
“Mahal na mahal kita Kath. Huwag kang sumuko kakayanin natin ito!” Pagtatapos na sabi nito nang matapos na siyang kumanta.
Halos maluha ako sa kanta niya pero dahil sa madaming tao ay pinigilan ko na lang. Mahal na mahal din kita Jerick!
Nagpalakpakan ang lahat ng nakikinig.
“Ang sweet mo MrCloseUp.” Sigaw ng ilang nakarinig na estudyante.Mayron ding napapatili nung kumakanta siya.
Di nakatakas sa pandinig ni Erika ang ginawa ni Jerick kaya nainis siya ng sobra. Nakita niyang nakatayo sina Kath at Jessa malapit sa may gate kaya pinuntahan niya ang mga ito.
“Hindi talaga kayo titigil na dalawa?” Galit na sabi kaagad niya rito. Napalingon ang mga estudyanteng nasa malapit lang.
“Hoy Erika, huwag ka ngang mag-iskandalo dito?” Pagtatanggol kaagad ni Jessa kay Kath.
“Huwag ka ngang makialam Jessa. Hindi ikaw ang kausap ko.” Sasagot pa sana si Jessa pero pinigilan siya ni Kath.
“Tayo na Jessa.” Hinila niya ito. Hindi na lang niya papatulan si Erika.
“Bakit Kath? Nahihiya kang malaman ng mga schoolmate natin kung gaano ka kalandi?” Napalingon siya rito.
“Erika, I’m begging you! Don’t do this. Please!” Ayaw ni Kath na mabad record sa school.
“May natitira ka pa palang hiya akala ko wala na.”
“Kung gusto mo sa ibang lugar na lang. Di kita uurungan.”Nagtitimping sabi niya.
“Sisiguraduhin ko iyan. Kapag nagkasalubong tayo sa labas ng paaralan, hindi kita palalampasin.”
“Hindi ako natatakot sa’yo at di kita uurungan.” Sabi niya at iniwan na ito.
———————————– Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.
Ano ang ginagawa ni Tito Miguel dito? At bakit niya tinawag na anak si Gia? Takang tanong ni Vince sa sarili.
“Vince? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Gia.” Nagulat din si Miguel nang makilala ang binata. Hindi niya alam na magkakilala pala ito at ang bunso niya. Diyata’t malalahad na ang pinakakaingatan niyang lihim.
“Pa, kilala mo si Vince?” tanong ni Gia sa ama.
“Oo anak. Vince, mauna ka na sa baba at may dapat tayong pag-usapan.” Utos ng ama ni Gia sa binatang alam niyang nalilito sa mga pangyayari. Agad naman itong tumalima sa kanyang sinabi.
“Pa, bakit mo kilala si Vince?” tanong pa rin ng dalaga sa ama.
“Mamaya ko na sasabihin sa iyo anak, matagal na ba kayong magkakilala ni Vince? Bakit hindi mo nababanggit sa akin?”
“Bago ko lang po siya nakilala, ‘pa. Sila po iyong organisasyong nasulatan ko para maging donor sa mga gamit ng mga bata sa center.” Paliwanag ng dalaga. Hindi na niya binanggit dito na ang binata rin ang nakabunggo sa kanya dahil baka ano pa ang maging reaksiyon ng ama.
“Ganun ba. E, anak, mayroon bang namamagitan sa inyo ngayon?” gustong makasiguro ni Miguel na hindi magiging magkaribal ang kanyang mga anak pagdating kay Vince.
“Naku wala po pa!” namula si Gia sa tanong na iyon ng ama.
“Mabuti naman kung ganun.”
“Pero may nararamdaman na po akong kakaiba para sa kanya.” Nahihiyang amin ng dalaga.
Hindi nakaimik si Miguel.
“Bakit po ‘pa? Kung saka-sakali po ba ay ayaw niyong magkaroon kami ng relasyon ni Vince.”
Hindi malaman ni Miguel kung ano ang isasagot sa anak. Hindi pa niya dapat sabihin dito na si Vince ang nobyo ni Louise. Nagdadalamhati pa ang kanyang anak sa pagkawala ng kanyang lola.
“’Pa?’” pukaw ni Gia sa ama.
“Saka na lang natin iyan pag-usapan anak, hindi ito ang tamang panahon para sa bagay na iyan. Pupuntahan ko muna si Vince. Siyanga pala, sabay na tayong pumunta sa burol ng lola mo, sa baba na kita hihintayin.” Saad ng ama bago ito lumabas ng silid niya.
“Papaalis na din ako. Sige ha!” Sabi kaagad ni Mon ng makita si Micea.
“Hindi naman kailangang mag-iwasan tayo eh. Pwede naman tayong maging magkaibigan. Tulad nuong dati. Ayaw mo ba akong maging kaibigan?”
“Hindi naman sa ganun kaya lang…”
“Kaya lang ano?”
“Wala. Friends?” Inilahad pa ni Mon ang kamay sa kanya.
“Friends.” Nginitian niya ang asawa.
“Halika! Maupo ka dito.” Itinuro pa ni Mon ang tabi niya.
“Salamat!” Sagot naman niya at tumabi na ng upo sa asawa. “Ang ganda ng dagat ‘no? Parang walang problema.”
Bumuntung-hininga ito bago nagsalita. “Oo nga eh.” Sagot naman ni Mon. Hindi niya naiwasang maalala ang lahat ng mga pangyayari sa tabing-dagat na iyon. Ang tabing-dagat na naging saksi ng tunay na pagmamahal sa asawa. Naging saksi din ang tabing-dagat na iyon sa paulit-ulit na pagkadurog ng puso niya.
“Kumusta ka na nga pala?” Narinig niyang tanong ni Micea.
“Ok lang ako. Moving on!”
“Mon, tanong ko lang. Hindi mo ba talaga nararamdamang anak mo si Raycea?”
“Iyon na nga ang masakit Micea eh dahil damang-dama ko na anak ko siya pero ang DNA sinasabing si Rian. Naiintindihan mo naman sigurong ayokong makihalubilo ang lalaking iyon. Kung di lang ako pinilit ng barkada hindi naman talaga ako pupunta dito eh.”
“Ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?”
“Ano ang mararamdaman mo kung malaman mong may anak ako sa labas? At kay Glenda pa?”
Hindi nakasagot kaagad si Micea. Hindi niya siguro kakayanin kung magkaanak ang asawa sa ibang babae. Lalo pa kay Glenda na kinaiinisan niya.
“Kung ano iyong mararamdaman mo kung saka-sakali ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam pero matatanggap ko pa siguro kung naging anak si Raycea ng ibang lalaki. Pero kay Rian, hinding hindi ko kayang tanggapin.”
“Loves, nag-appeal na si attorney para ireconsider ang kaso at mapaDNA kayo ulit. Mali iyong naging resulta.”
“Huwag mo na akong paasahin Micea. Nadurog na ng husto ang puso ko huwag mo ng dagdagan pa.”
“Pero Loves…”
“Tama na itong magkaibigan na tayo. Let’s be happy of what we are.”
“Ok. Friends!”
Kinagabihan ay nagtungo ang barkada nila sa may stage. May palatuntunan kasi kaya nagkasama na naman silang lahat. Tulad noon ay hiniling na naman ng lahat na kumanta si Mon kaya wala itong nagawa kundi ang pagbigyan silang lahat.
Halos maiyak si Micea sa kinanta ng asawa. Kinanta na naman nito ang kantang Mahal Pa Rin Kita by Rockstar na siyang nagpaalala sa kanya ng nakaraan. Ang lahat-lahat ng nangyari. Ang masasaya at malulungkot na alaala nila ng asawa. Sayang! Hindi ko aakalain na hahantong lang sa ganito ang lahat ng iyon Loves. Napakasayang! Dismayadong nasabi ng isip niya habang nakatingin rito.
Biglang bumaba ng stage si Mon. Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay nito. Nagsigawan ang lahat kaya kahit kinabahan siya ay pinagbigyan niya ito.
‘Ikaw pa rin ang nais ko
Damang dama ng puso ko
Mahirap na dayain
Ang isipa’t damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli’t muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita o Giliw ko’
Pagkatapos kumanta ni Mon ay iginiya siya nito sa may pinakalikod na bahagi ng stage. Malapit na sa may simbahan.
“Wala ka pa ding kupas Mon. Magaling na magaling ka pa din.” Puri niya rito.
“Salamat Loves!” Napalingon siya sa sinagot nito. Nakita niyang nakangiti ito. “Masaya akong magkaibigan na tayo.”
“Masaya din akong magkaibigan na tayo.”
Pagkatapos ng palatuntunan ay inihatid pa ni Mon si Micea sa unit nito.
“Good night Mon.”
“Good night Micea.” Nagkatitigan silang dalawa. Unti-unting nilalapit ni Mon ang mukha niya sa asawa. Pareho silang napasinghap ng maglapat ang mga labi nila. Tumulo na ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Micea sa may stage.
Naging matagal at masuyo ang mga halik na iyon.
“Sige. Alis na ako.”
“Sige. Ingat ka.”
Pagkaalis ni Mon ay pumasok kaagad si Micea sa unit niya. Hinaplos niya ang mga labi niya.
“Miss na miss na kita Loves. Sana hindi masira ng tuluyan ang pagsasama natin. Ilalaban ko si Raycea para sa ating dalawa hanggang sa huli. Pangako ko sa’yo Loves na Ikaw Lamang.”
Naging masaya ang bakasyon nina Mon at Micea. Kahit hindi sila nagsasama sa iisang bubong ay parati namang dumadalaw ang asawa sa kanya. Minsan ay namamasyal din sila na silang dalawa lang. Iniiwan na lang nila ang anak kay Leah.
Magkasama silang umuwi ng Cebu. Hindi nila maipaliwanag ang saya sa kanilang mga puso. Nang makarating na sila sa unit ni Micea ay nanduon si Rian naghihintay.
“Bakit kayo magkasama?” Tanong kaagad ni Rian na parang asawa siya ni Micea.
“Eh kung magkasama kami, anong problema?” Sagot naman ni Mon na nagtitimpi. “Asawa ko si Micea. Kahit pa saan ko siya dalhin may karapatan ako.”
“Micea, anong ibig sabihin nito?” Bumaling ito kay Micea.
“Rian, tama si Mon. Mag-asawa pa rin kami kaya pwede kaming umalis ng hindi nagpapaalam sa’yo.”
“Ginagalit mo ba ako?” Nag-aapoy na sa galit ang mga mata nito.
“Rian, wala kang karapatan kay Micea. Kay Raycea lang kaya huwag kang makialam sa mga desisyon niya.”
“Mon, huwag mo akong gagalitin. Alam mo kung paano ako magalit.”
“Sa tingin mo natatakot ako sa’yo? Tama ng sinira mo ang pagsasama namin. Hindi mo masisira ang pagkakaibigan namin.”
“Gusto mo talagang subukan ko Micea?” Nagbabantang sabi nito.
“Rian naman.”
“Akala ko ba wala na kayo ng lalaking ito Micea? Bakit sumasama ka pa rin sa kanya?”
“Nagbakasyon lang kami. Wala namang masama doon.”
“Gusto mo ng laro Micea. Ibibigay ko sa inyo ang larong gusto niyo.” Banta nito at umalis na.
“Bunso, kakain na tayo.” Napatigil siya sa pag-iisip at pinahid ang mga luha ng marinig niyang tinawag siya ng ate Leah niya.
“Susunod na po ako Te Leah.” Sagot niya rito.
“Hindi pwede bunso. Hinahanap ka nilang lahat. Huwag ka namang magmukmok dyan.” Binuksan na nito ang pinto at pumasok.
“Pero Te Leah…”
“Alam kong ayaw mong harapin si Mon pero kahit man lang para sa barkada bunso gawin mo.”
“Sige na nga po! Mauna na po kayo. Magbibihis lang ako.”
“O sige. Basta sumunod ka ha.”
“Promise. Susunod ako.”
Kasalukuyang nagkukwentuhan at nagkakamustahan ang lahat sa may kusina ng makarating si Micea. Napatingin ang lahat sa kanya kasama pati si Mon.
“Hi everyone!” Bati niya sa mga ito na hindi natitinag sa kinatatayuan nila. “What’s up?” Pabiro pa niyang tanong sa mga ito kaya parang natauhan ang mga ito.
“Ok naman kami.” Halos sabay ang lahat sa pagsagot sa kanya at isa-isang lumapit sa kanya para humalik sa pisngi.
“Kain na tayo. I am hungry.” Saad niya at nauna nang umupo sa mesa.
Nakatitig lang si Mon sa kanya. Ni hindi ito nagsasalita.
“Hindi mo ba babatiin?” Bulong ni Rick kay Mon ng mapansin nitong nakatingin lang siya rito.
“Nag-usap na kami kanina. Nabati ko na siya.” Sagot naman ni Mon sa kaibigan.
“Iba iyong kanina, iba ang ngayon.” Pamimilit pa rin nito pero hindi nagpadala si Mon.
Isa-isa nang umupo ang lahat. Sinadya nilang ibakante ang upuang katabi ni Raycea para iyon ang maupuan ni Mon. Kahit ayaw ni Mon na maupo sa tabi ng anak ay wala na siyang magagawa. Wala ng bakanteng upuan.
Umusal ng panalangin ang lola ni Micea at pagkatapos ay kanya-kanya ng kuha ng pagkain. Nasa gitna nina Micea at Mon ang anak kaya palagi itong humihiling kay Mon na abutin ang mga pagkaing hindi niya maabot. Kahit mabigat sa loob ni Mon ay inaasikaso na lang niya ang anak lalo pa’t kaharap niya ang lolo ni Micea.
“Kumusta na kayong dalawa?” Napatingin silang dalawa ni Micea sa lolo niya ng magsalita ito.
“Ok lang po ako Lolo.” Sagot naman ni Micea.
“Eh kayong dalawa? Ano nang lagay niyo? Maghihiwalay na ba talaga kayo?”
Walang nakasagot kina Mon at Micea. Kahit ang mga nagdadaldalan na mga kaibigan nila ay napatigil at nakinig sa isasagot ng dalawa.
“Napag-usapan na po namin iyan Lolo. Palalayain na po namin ang isa’t isa.” Malungkot na sagot ni Micea.
“Iyan ba talaga ang gusto niyong dalawa?”
Tango lang ang isinagot nila.
“Gusto niyo bang ako ang magfile?” Hamon ng Lolo ni Micea sa dalawa. Alam niyang kahit sinabi nilang gusto na nilang maghiwalay ay wala namang gustong magfile ng annulment.
“Lo?” Nasambit ni Micea at napalingon naman si Mon sa matanda.
“O bakit? Maghihiwalay na kayo di ba? Pabor na iyong ibinibigay ko sa inyo. Di na kayo mapapagod pa tapos alam kong busy kayo kaya ako na ang nagmamagandang loob.”
“Ako na lang po ang magpafile Lo.” Mahinang sagot ni Micea sa sinabi ng Lolo niya.
“Dahil hindi niyo kayang magfile? Dahil mahal niyo pa ang isa’t isa? Dahil kahit ayaw niyong maghiwalay eh sige pa rin ang pataasan ng pride. Ganun naman iyon e.”
“Hindi po sa ganun Lo.”
“Bakit ayaw mong magsalita Mon? Naduduwag ka na ba? Akala ko kaya mong ipaglaban ang apo ko kahit kanino bakit ngayon hahayaan mo na lang na magkahiwalay kayo?” Bumaling si Bernardo sa tahimik na si Mon.
“Ito po ang makakabuti sa sitwasyon namin Lo. Patawarin niyo po ako pero hindi ko po kayang tanggapin na anak ni Rian si Raycea.” Tumayo na siya. “Sige po. Mauuna na po ako. Maraming salamat po sa pag-iimbenta sa akin!” Tatalikod na sana siya pero nagpahabol ang Lolo ni Micea.
“Kung tuluyan kang lumabas ng pintuang iyan hinding-hindi na ako makakapayag na magkabalikan pa kayo ng apo ko. Ilalayo ko na siya ng tuluyan sa’yo pati ang anak mo.”
Napabuntung-hininga si Mon. Nag-isip siya. Kilala niya ang Lolo ni Micea. Gagawin nito ang kanyang sinabi. Kaya ba niyang malayo ng tuluyan sa mag-ina niya?
“At tsaka kung mag-aalok si Rian na pakasalan ang apo ko hindi ako magdadalawang isip na ipakasal sila sa lalong madaling panahon. Kaya mamili ka Mon, ang pride mo o ang mag-ina mo?”
“I’m sorry po Lolo. Nakapagdesisyon na po ako. Pasensya na po.” Sagot niya at tuluyan ng lumabas sa bahay ng mga Castillo.
Napaiyak si Micea sa katigasan na ipinakita ni Mon.
“Excuse me.” Patakbo siyang bumalik ng unit niya.
Walang nakaimik sa mga naiwan. Dismayado sila na wala na talagang pag-asang magkabalikan ang dalawa. Ang pag-iibigang natuklasan nilang sinubok ng panahon ay matatapos lang ng ganun-ganun lang.
Pagkagaling sa bahay nina Micea ay pumunta si Mon sa tabing-dagat. Doon siya magpapalipas ng sama ng loob. Masakit sa kanya ang ginawa niyang desisyon. Masakit sa kanya ang posibilidad na hindi na niya makikita ang asawa’t anak pero inisip niyang iyon ang makakabuti sa sitwasyon nila. Iyon lang ang bagay na magagawa niya para maging matiwasay ang lahat. Hindi niya kayang makaharap si Rian parati. Hindi niya kaya kahit man lang ang pakitunguhan ito ng mabuti alang-alang kay Raycea. Mahal na mahal kita Loves. Patawarin mo sana ako!
Nang mahimasmasan si Micea mula sa kanyang pag-iyak ay nagdesisyon siyang magpunta ng tabing-dagat. Doon siya magpapalipas ng sama ng loob. Doon niya ibubuhos ang lahat ng hinanakit niya sa nangyayari sa kanila ng asawa.
Papalapit na siya sa may malaking bato ng may napansin siyang nakaupo doon.
“Bakit hindi ako pwedeng sumama?” Narinig ng barkada ni Mon na galit na sabi ni Glenda.
“Kailangan ko lang mag-isip, kailangan kong mapag-isa.” Katwiran naman ni Mon. Hindi naman talaga siya nag-eenjoy kapag nasa paligid si Glenda.
“Hindi naman kita guguluhin eh. I just want to meet the people that are important to you.” Paglalambing ni Glenda na para bang girlfriend siya ni Mon.
“I’m sorry Glenda but my decision is final. Dalawang linggo lang naman eh. You can just spend your Christmas and New Year with your family.”
Wala ng nagawa si Glenda. Galit itong umalis ng condo niya.
Pagkatapos ng dalawang araw ay tumulak na ang mga babae papuntang Bohol. Hindi sila nagsabay dahil baka magkita ang dalawa. Dapat sa Bohol na ito magkita at magkausap.
Nasa Bohol na silang lahat. Inanyayahan ni Paul ang mga barkada niya kasama si Mon na magvideo-k sa bahay nila.
Nang makarating si Mon sa bahay nina Paul ay dismayado siyang napatingin sa loob nito.
Naaalala niya ang lahat ng masasayang alaala nila ng asawa. Ang madalas na pagnanakaw niya ng halik rito habang nanunuod sila ng palabas. Ang halakhakan nilang dalawa na kahit walang katuturan ang mga pinag-uusapan ay napakasaya nila.
Naalala din niya ang mga panahong nagdadalang-tao ito. Napakaganda nitong pagmasdan habang dala-dala ang anak niya. Ang bunga ng pagmamahalan nila pero kasinungalingan pala ang lahat ng kasiyahan niyang iyon dahil hindi kanya ang batang dinadala nito.
“Okay ka lang pare?” Tinapik pa ni Rick ang balikat niya.
“Oo naman. Simulan na ang tagay na iyan.” Biro pa niya sa mga kaibigan. Nanduon ang lahat ng barkada nila. Si Micea lang ang wala dahil mas gusto daw nitong magpinta.
Nagsimula na silang magkantahan. Narinig ni Micea ang isang pamilyar na boses. Gustung-gusto na niyang lumabas ng unit para siguraduhin kung tama siya pero sinabi ng mga kaibigan na mas pinili ni Mon na magbakasyon sa Palawan kasama si Glenda kaysa ang sumama sa kanila kaya ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawang pagpipinta.
Hindi niya maiwasan ang maluha habang nakikinig sa kantang iyon. Paborito kasi ng asawa ang tugtog. Bakit kaya napakasakit pa rin sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nakaraan? Bakit kaya napakadali lang na itinapon ni Mon ang lahat ng sa amin? Ganun lang pala kababaw ang pagmamahal niya sa akin. Sayang! Luhaang sambit ni Micea habang isinusulat ang pangalan ng asawa sa dinodrawing niya.
Habang kumakanta si Mon ay hindi niya maiwasang bumalik ang lahat ng nakaraan sa diwa niya. Mahal na mahal pa rin kita Micea Jane. Kahit pa pinili mong sumama kay Rian kaysa ang makita ako ay hinahanap pa rin kita. Sa lahat ng nangyari at pinagdaanan nating dalawa hindi ko aakalain na hahantong lang sa ganito.
“Daddy!” Nakita ni Raycea si Mon nang pumunta ito ng sala. Agad nitong tinakbo at niyakap si Mon.
“Mabuti naman po at nandito kayo Daddy.” Napatigil ang lahat sa pagdadaldalan at minasdan ang magiging reaction ni Mon.
Dahil sa nasa paligid ang mga kaibigan ay hindi magawang magpakita ni Mon ng kung anong hindi maganda sa bata.
“Oo. Nagbabakasyon din si Daddy.” Sagot na lang ni Mon.
“Halina po kayo sa kwarto ni Mommy Daddy. Nagpipinta po kasi siya eh.” Hinila pa siya ng anak kaya napasunod na lang siya.
“Mommy!” Tawag kaagad ni Raycea pagkabukas ng pinto kaya napalingon si Micea sa pinto. Hindi niya inaasahan ang kasama nito.
“Andito po si Daddy.” Pagbabalita nito.
“Napansin ko nga baby.” Sagot naman niya habang nililigpit ang ipininta.
“Maiwan ko po muna kayo.” Sabi nito at tumakbo ng palabas ng unit nila.
Ilang minuto na silang nandoon sa unit niya pero wala pa ding nagsasalita.
“Sit down!” Alok ni Micea dahil hindi natitinag ang asawa. Nakatayo lang ito malapit sa may pinto.
Tahimik lang itong umupo.
Napabuntung-hininga ito. Napabuntung-hininga din siya.
“Akala ko…” Sabay nilang sabi sa isa’t isa kaya napahinto sila ng pagsasalita.
“Go ahead” Sabi ni Mon.
“No. Ikaw muna.” Nahihiyang sabi naman ni Micea.
Nakakatitig lang ang asawa sa kanya. Napabuntung hininga na naman ito.
“What happened Mon?” Tanong niya rito. “Di ba ang saya-saya natin? Bakit humantong sa ganito?” May bahid na ng luha ang mga matang tanong niya sa asawa.
“Hindi ko matatanggap na hindi akin si Raycea o kahit ang maging kahati si Rian sa kanya ay hindi pwede kaya mas maigi na ang ganito Micea.”
“Pero Mon, anak mo si Raycea. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo para maniwala ka.”
“Micea matibay na ebidensya ang DNA result kaya huwag mo na akong pahirapan. Tanggapin mo na lang na wala na talaga tayo. Na hindi na maibabalik pa ang lahat.”
“Hindi mo na ba ako mahal?”
“Sige. Baka hinihintay na nila ako.” Pagpapaalam nito na di pinansin ang tanong niya.
“Bakit ayaw mo akong sagutin? Kung sasabihin mong di mo na ako mahal, ibibigay ko ang kalayaan mo.”
“Hindi na importanteng sagutin ko ang tanong mo. Wala ng patutunguhan pa ang pag-uusap na ito.” Tatalikod na sana ito pero hinabol niya at niyakap mula sa likuran.
“Mahal na mahal kita Loves. Sana naman hindi pa nawawala ang pagmamahal mo sa akin.” Lumuluhang wika niya rito. Kahit si Mon ay nahahabag sa asawa. “Kailangan kita sa buhay ko loves. Please umuwi ka na sa atin!”
“I’m sorry!” Pilit na tinanggal ni Mon ang pagkakayakap ni Micea. “Ito ang makakabuti para sa atin. Hindi kaya ng sikmura ko na makita at makasama parati si Rian.”
“Loves…”
“Paalam Micea!”
“Huwag Loves. Hindi pwede!”
I love you Loves! Goodbye. Malungkot na naisip ni Mon. “Sige! Inaantay na nila ako.” Tuluyan na itong lumabas ng kanilang unit.
Naiwan siyang luhaan. Inisip niyang ifile na ang annulment nila. Alam niyang iyon ang makakapagpasaya sa asawa. Siguro iniisip na nito na pakasalan na si Glenda.
Natutuwa man siya na narito ang asawa niya pero mukhang kailangan na niyang tapusin ang sa kanilang dalawa. Wala na siyang magagawa. Umayaw na ang asawa niya sa pagmamahalan nila. Hindi na niya mapipilit ito. Paalam Loves. Mahal na mahal kita!
“Umalis ka na. Ayoko nang makitang pumunta ka pa dito kung ganyan lang din ang iaasal mo. I would rather have no man in my life than to have someone that doesn’t respect me. Tama ka Mon, dapat magkanya-kanya na tayo. Masyado nang nakakasakal ang relasyon na ito. Better end it.” Galit na sabi ni Micea. Kahit masakit sa kanya ang ginawa niyang deklarasyon ay iyon ang makakabuti sa kanila. Hindi magiging mabuti kung parati na lang silang nagbabangayan sa tuwing nagkakasama o nagkakausap.
“Is that what you want?” Seryosong saad ni Mon.
“Yes I want freedom from you.” Matatag na deklarasyon ni Micea.
“Para magpakasal na kayo ni Rian ganun ba?”
“Wala ka nang pakialam kung ano ang gagawin ko kapag malaya na ako. Let’s just end this marriage for once.”
“Ok kung iyan ang gusto mo.”
“Are we clear now? Then you can get out now.” Sa totoo lang mamimiss niya ng sobra ang asawa. Hinihiling niya na sana magkanya-kanya lang sila ng bahay. Sana hindi ito magfile ng annulment o legal separation dahil ayaw niyang kumawala sa pagkakatali sa asawa.
“Yes.” Pagkasabi ay lumabas na si Mon ng unit nila. Mamimiss kita loves. Sumakit din ang dibdib ni Mon sa sinabi ng asawa. Ayaw man niyang gawin pero kailangan. Sisimulan na niyang kalimutan ng tuluyan ang babaeng kailanman ay hindi umaalis sa puso’t isip niya.
Pagkauwi ni Mon sa condo niya ay nanduon na si Glenda naghihintay. Hindi na niya inusisa kung paano ito nakapasok. Dire-diretso siya sa kusina at kumuha ng alak. Hindi na siya kumuha ng baso. Tinungga niya ang bote ng alak na iyon.
“Mon, may problema ka ba?” Usisa ni Glenda sa kanya.
“Pabayaan mo ako Glenda. Tuluyan nang wala na kami ng asawa ko. Baka bukas na bukas din magpafile na iyon ng annulment eh.” Sumbong ni Mon at inihagis ang bote ng alak kaya dinig sa buong condo niya ang pag-alingawngaw ng pagkabasag nito.
“Baka iyon ang makakabuti sa sitwasyon niyo Mon.” Sagot ni Glenda na nasisiyahan. May pag-asa na siya na maging kanya si Mon. Sa oras na matapos ang annulment nila ng asawa nito ay pakakasalan kaagad niya ito.
“Siguro nga iyon ang makakabuti para sa amin pero nasasaktan ako. Alam kong sa oras na malaman ni Rian na malaya na ang asawa ko, nasisiguro kong pakakasalan kaagad niya ito. Kapag nakasal ang dalawa, iyon ang bagay na ikamamatay ko. Isipin ko ngang may anak na sila ay unti-unti akong pinapatay nito.” Luhaan nang sabi ni Mon.
“Huwag kang mag-alala Mon. Baka nga hindi kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa na magsama habang buhay. Baka may ibang taong nakalaan para sa’yo.”
“Hindi Glenda. Micea Jane is just the only girl for me. Siya lamang at wala ng iba pa ang magmamay-ari nitong puso ko.” Nasaktan konti si Glenda sa sinagot ni Mon pero wala siyang pakialam. Pasasaan ba’t matututunan din siyang mahalin nito.
Sa unit naman na tinutuluyan ni Micea ay walang tigil ang kanyang pag-iyak. I’ll miss you loves. Hindi niya matatanggap kung sakaling tuluyan ng masira ang relasyon nila ng asawa. Sa dinami-dami ng napagdaanan nila ay nagawa pa ding pagbuwagin sila ng tadhana. Hindi na niya alam kung may tsansa pa bang magkabalikan sila ng asawa.
“Ma…” Luhaang sambit niya ng tumawag siya sa bahay nila.
“O anak, may problema na naman kayo?” Madidinig sa boses ng ina ang pagpipigil ng pag-iyak nito. Alam ng pamilya niya kung ano ang nangyayari sa kanila ni Mon at hindi maiwasan ng mga ito ang malungkot para sa kanya.
“Maghihiwalay na po kami ni Mon. Baka bukas na bukas din ay magpafile na iyon ng annulment.” Humihikbi nang sabi niya sa Mama niya.
“Huwag naman sana anak. Paano na si Raycea? Hindi magiging maganda ang epekto niyan sa kanya. Walang magandang naidudulot sa anak ang pagiging broken family.”
“Pero iyon po ang kagustuhan ni Mon Ma. Wala na po tayong magagawa doon.”
“Ipagdasal na lang natin na hindi niya itutuloy anak ng sa gayun ay may pag-asa pa kayong magkabalikan. Naaawa ako sa apo ko.”
“Sana nga po Ma. Hindi ko po kakayanin kung magpakasal siya sa iba.”
“Alam kong hindi magagawa ni Mon iyan. Saksi kaming lahat na mahal ka niya.”
“Oo nga po pero nagbago na po siya Ma. Hindi na po siya iyong Mon na kilala at minahal ko.”
“Baka hindi pa niya matanggap ang naging resulta anak kaya nagkakaganyan siya. Di ba humihingi ng reconsideration ang abogado mo sa kaso?”
“Oo Ma pero matatagalan pa daw po eh. Kasi titimbangin pa daw ng mabuti ng judge kung may rason ba para mareconsider.”
“Sana naman pagbigyan ng judge para mapaDNA ulit silang tatlo at lumabas ang totoo.”
“Sana nga po Ma.”
Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw. Unti-unti nang natatanggap ni Micea na hindi talaga sila ang nakalaan ni Mon para sa isa’t isa na magsama habang buhay. Sana masaya ka Loves saan ka man naroroon.
Samantala ay tumira na si Glenda sa condo ni Mon. Hindi naman ito mapaalis ni Mon dahil wala siyang mahagilap na rason. Sa tuwing inuumpisahan niya ang diskusyon para dumako sila na papaalisin niya ito ay palaging nakakahanap ito ng palusot kaya hanggang ngayon naroon pa din si Glenda sa condo niya.
Gumaganap na parang maybahay ni Mon si Glenda. Siya ang gumagawa sa lahat ng gawaing-bahay. Kumuha din siya ng kursong culinary para matuto siyang magluto. Lahat ng pag-aasikaso ay ginagawa niya kay Mon kahit pa madalas siyang sabihan nito na di niya kailangang gawin iyon. O kaya naman ay sinasabi nitong nahihiya na ito sa mga pag-aasikaso niya at di siya karapat-dapat sa mga iyon.
Nagresign si Glenda sa trabaho. Si Mon lang ang dahilan kung bakit niya piniling magtrabaho roon kaya ngayong nasa iisang bahay na lang sila ay hindi na niya kailangang magpanggap na gustong magtrabaho doon.
Palapit na ang pasko at tulad ng parating ginagawa ay magbabakasyon ng dalawang linggo ang barkada nina Mon at Micea. Dinaanan ng mga babae si Micea at ang mga lalaki naman ang kumumbinsi kay Mon. Alam ng mga ito na hindi uuwi ang dalawa dahil sa gulong nangyari sa kanila kaya may plano na sila.
“Hi Micea!” Bati ng mga kaibigan at nagyakap sila ng pagbuksan niya ang pinto.
“Napasugod kayo. Anong atin?” Tanong nito ng makapasok na silang lahat.
“Nandito kami para sunduin ka. Ikaw naman. Nakalimutan mong malapit na ang pasko kaya sige na kumuha ka na ng dalawang linggong bakasyon.”
“Sa susunod na taon na lang. Masyadong busy ang hotel ngayon eh.”
“Micea, sinong niloko mo kami? Gusto mo lang yatang iwasan si Mon eh. Huwag kang mag-alala nanggaling na kami sa kanya. Hindi namin napilit ang loko kaya di kayo magpapang-abot doon. Magbabakasyon daw kasama nung Glenda ba yun.” Disappointed si Micea sa narinig. Gusto pa naman sana niyang makita doon ang asawa. Nainis din siya dahil mas pinili nitong makasama si Glenda kaysa ang posibilidad na magkita sila.
“O ano na? Sumama na kayo ni Raycea sa amin.”
“Sige na nga. Ang kukulit niyo.”
Sa condo ni Mon ay siya naman ang kinukumbinsi ng mga kaibigang lalaki habang nag-iinuman sila kinagabihan.
“Bakit naman ayaw mong sumama sa aming magbakasyon? Nakagawian na kaya natin iyan.” Usisa ni Rick sa paghindi ni Mon.
“Kasi madami akong ginagawa sa banko eh. Alam niyo namang disyembre ngayon madaming dapat asikasuhin.” Pagdadahilan ni Mon.
“Kahit naman gaano kadami ang inaasikaso mo noon nakakauwi pa rin naman kayong mag-asawa ah. Huwag kang mag-alala nanggaling na kami sa kanya. Magbabakasyon daw sila ni Rian sa Boracay.” Pagkakaila ni Paul. Kilala niya si Mon. Magagalit ito kung gagamitin niya si Rian.
Hindi nakatakas sa kanila ang pagngalit ni Mon sa tinuran ni Paul.
“Sige na nga sasama na ako sa inyo pero isasama ko si Glenda.”
“Nope. You can’t do that. Hindi pa kabilang si Glenda sa barkadahan. Mag-isa kang sasama sa amin.” Tutol naman ni Jun sa sinabi niya.
“Pero…”
“Anong pero ang sasabihin mo sana? Hindi mo pa naman syota iyon eh kaya okay lang. Magdahilan ka. Kaya mo iyan.” Sulsol naman ni Paul. Masisira ang plano nila kung isa kina Rian at Glenda ang sasama.
“Sige na nga. Mahihindian ko ba ang kakulitan niyo.” Pilit na natatawang sabi ni Mon at nagtoss sila.
Inihatid pa ni Jeoff si Miraluna sa bahay nila pagkatapos nilang mag-usap. Hindi niya alam paano aaluin ito o pagagaanin ang pakiramdam. Una palang na mahagilap niyang mahal niya si Lyka ay alam na niyang masasaktan niya si Miraluna pero talagang hindi niya nakontrol ang sitwasyon lalong lalo na ang puso niya. Kusa na lang itong bumigay sa clumsyness ni Lyka o baka dahil napakaganda naman talaga nito. Kahit hindi niya aminin talagang maganda si Lyka. Parang anghel ito sa paningin niya.
Matamlay na umuwi si Jeoff sa bahay nila at napansin iyon ng Mommy niya.
“Anak, matamlay ka yata.” Tanong ng Mommy niya.
“Ma, napakasama ko.” Maikling tugon niya.
“Huwag mong sabihin iyan. Bakit naman?”
“Sinaktan ko si Miraluna Mom. Ang sama-sama ko.”
“Bakit mo naman nasaktan si Miraluna?”
“Sinabi ko kasi sa kanya na may iba na akong mahal. Hindi ko naman po sinasadyang mahalin ang babaeng iyon Mom. Kahit ako ay hindi lubos maisip na magugustuhan ko din siya.”
“Ipinaliwanag mo bang mabuti?”
“Opo. Sabi niya naiintindihan daw niya pero alam kong nasaktan ko siya.”
“Dumarating talaga ang mga panahong nawawala ang damdamin ng tao sa isang tao kaya nga kadalasang reklamo ng mga nagmamahal ay ang sakit-sakit nito pero kakabit na iyan ng pagmamahal anak. Kung walang pagmamahal walang sakit. Kung walang sakit ibig sabihin wala talaga ang pagmamahal. Kahit nga mahal ka ng isang tao nasasaktan ka pa din kaya huwag ka ng malungkot dyan. Magiging maayos din ang lahat.”
“Sana nga po Mom dahil napakabait pa naman ni Miraluna.”
“Alam kong nasasaktan si Miraluna ngayon pero darating ang panahon na maghihilom din iyon. Bigyan mo lang siya ng space pero huwag mo ding iwasan. Pakiramdaman mo lang ang paligid.”
“Opo Mom. Salamat!” Niyakap pa niya ang ina sa kalinawan ng isip na ibinigay nito.
Tanghali ng sumunod na araw ay kasalukuyang nasa canteen sina Lyka. May napansin siyang isang lalaki na mukhang ginagawang katuwaan ng mga barkada ni Lance. Wala si Lance ng mga panahong iyon.
Hindi naiwasan ni Lyka ang mainis sa mga ito. Kahit pinigilan siya nina Valerie ay hindi siya nagpapigil. Pinuntahan niya ang mesa ng mga ito.
“Hoy, anong ginagawa niyo sa kanya?” Galit na tanong kaagad ni Lyka sa tatlong kaibigan ni Lance. Kinuha kasi ng mga ito ang bag ng lalaking iyon at pinagpapasa-pasahan. Tinulak-tulak din nila ang lalaking iyon kapag lumalapit sa kanila para kunin ang bag nito.
Mukhang nerd ang lalaki. Nakajumper ito at nakasalamin. May braces din ang ngipin. Ang buhok nito ay madudulas ang langaw sa kakintaban. Kahit sino ang makakakita nito ay pagtatawanan talaga ito pero hindi sa kanya.
Pinapaalala ng Mommy niya pati ng Yaya niya na mali ang mang-api ng kapwa. Hindi dapat pagtawanan na porke maganda ka at may kaya sa buhay ay kaya mo nang mang-api ng kapwa.
Galit si Lyka sa mga taong ginagawang katatawanan ang deprensiya ng iba. Hindi siya makakapayag na may nakikitang naaapi kaya kahit popular sa school nila dati ay kaibigan din siya ng lahat. Siya ang tagapagtanggol kapag may tinutukso o inaapi.
“Pink Star, huwag ka na ngang makialam.” Sabi ng isang kaibigan ni Lance ng makuha niya ang bag ng lalaking iyon. Nilapitan niya ang huli at iniabot ang bag nito.
“Ok ka lang ba?” Tanong ni Lyka sa lalaking iyon. Hindi niya muna pinansin ang kaibigan ni Lance.
“Ok lang ako. Salamat Lyka.” Nahihiya pang sagot ng lalaking kaharap.
“Huwag kang mag-alala. Wala ng aapi sa’yo mula ngayon. Hangga’t nandito ako hindi ka nila malalapitan. Sige ha.”
“Salamat uli.” Pagkatapos magpasalamat ay tumakbo na ang lalaki palabas ng canteen.
“Bakit mo ginawa iyon? Sabi ko sa’yo huwag ka nang makialam.” Galit na sabi ulit ng kaibigan ni Lance.
“Anong huwag? Sa tingin niyo tama ang ginagawa niyo?” Nilapitan ni Lyka ang lalaking iyon at binatukan. Kakapasok lang ni Jeoff ng canteen at iyon ang bumungad sa kanya. Napalingon na ang lahat sa dakong kinaroroonan nila.
“Huwag mong sabihing babae ka at pinopormahan ka ni Lance eh hindi kita papatulan.” Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Lyka. Lalapitan na sana sila ni Jeoff pero may biglang nagsalita.
“Tama na iyan.” Napalingon ang lahat sa kung sinuman ang nagsalita. Nakita nilang si Lance iyon.
“Bitiwan mo na si Princess.” Mahinahon ang pagkakasabi pero pigil na pigil ang galit sa boses na saad ni Lance.
“Lance nakikiaalam eh.” Sagot naman ng lalaking iyon.
“Sabi kong bitiwan mo na si Princess.” May konting galit na sa tono ng boses ni Lance.
“May araw ka rin sa akin.” Wika nito at padabog na umupo.
“Anong tinitingin niyo?” Baling ni Lance sa lahat ng mga estudyante na nasa canteen ng mga panahong iyon kaya kiming napabalik ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Inis na lumabas na lang ng canteen si Jeoff. Siya na naman ang naging knight in shinning armor ni Princess. Kainis!
“Are you alright?” May pag-aalalang tanong ni Lance ng makaupo na sila. Iginiya siya nito sa isang upuan sa isang sulok.
“I am fine. Kayang-kaya ko naman iyong kaibigan mo eh.” Sagot niya na hinimas pa ang brasong may latay ng mga daliri ng lalaking iyon. “Ganyan ba talaga kayo? Mapang-api?”
“I’m sorry! Ipinapangako ko na hindi ko na gagawin iyon at hindi na din nila gagawin iyon. Para sa’yo magbabago na ako.”
“Hindi mo naman kailangang gawin iyan eh. Just don’t treat people the way you are doing now. It’s not good.”
“I promise I will not do it anymore. Siyangapala, for you.” Dinukot ni Lance ang isang maliit na kahon sa bag niya at isang pink na rose.
“Para san?” Tanong ni Lyka habang nakatingin sa kahon.
“My gift for my Princess.” Nagtuksuhan na naman ang lahat ng nakakita sa kanila.
Tinanggap ni Lyka ang regalong iyon ni Lance. Pagkatapos ay may dumating na lalaking may dala ng isang dosenang rosas. Napahanga si Lyka sa ginawang iyon ni Lance. He’s sweet!
Napangiti din si Valerie sa nasaksihan niya.
“Mukhang gusto ni Lance si Lyka ah.” Puna ni Lizzette.
“Mukha nga. Bagay naman sila eh. A hunky guy na si Lance magiging karelasyon si Pink Star Lyka. Perfect!” Hindi mabura-bura ang ngiti sa mukha na sabi ni Valerie.
“Hindi pa rin ako boto sa kanya para kay Lyka. Kilala naman natin iyan eh.” Sabat naman ni Cherry.
“Magtigil ka nga Cherry. Baka type mo si Lance.” Sagot naman ni Valerie sa pahayag nito.
“Not in a hundred years. Babaero eh.”
“Pero aminin mo gwapo!” Kinikilig na sabi pa ni Lizzette.
Sa kinaroroonan naman nina Lance at Lyka ay lumapit si Edgar.
“Private Montes, pinapatawag ka sa office ng CAT.”
Nang magising si Gia ay nasa sariling silid na siya. Dahan-dahan siyang bumangon, dahil sumasakit ang ulo niya.
Kailangan ko nang pumunta sa burol ni lola…saad niya sa sarili.
Sakto namang nakatayo siya ay bumukas ang pinto ng silid. Nagulat siya ng makitang pumasok si Vince at may dalang tray na may lamang pagkain.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa binata.
“Gising ka na pala, tamang-tama ng makakain ka na.” hindi nito sinagot ang tanong niya at inilagay ang pagkain sa gilid ng kama niya
“Wala akong ganang kumain,” tugon ng dalaga.
“Kailangan mong kumain. Ang sabi sa akin ni Beng ay hindi ka raw kumakain magmula pa kahapon. Baka magkasakit ka na niyan. Ang mabuti pa ay maupo ka na lang at susubuan kita.” saad ni Vince at inalalayan ang dalaga na maupo. Pinasandal niya ito sa headboard ng kama at nilagyan ng unan ang likod nito para maging komportable.
Walang nagawa si Gia kung hindi ang sumunod na lang. Wala rin naman siyang sapat na lakas para tumutol.
“Ahhh!” saad ni Vince sa kanya na ininganga pa ang bibig para gayahin niya at nagsimula na itong subuan siya.
Para siyang batang pinapakain ni Vince. Kahit naghihina pa ay kinikilig naman si Gia. Hindi niya sukat akalain na mangyayari na sinusubuan siya ni Vince. Sayang nga lang at sa ganitong klaseng sitwasyon pa naganap kung saan ay kasalukuyan pa siyang nagluluksa sa kanyang lola, sana’y naging lubos ang nadarama niyang kasiyahan.
“Ubusin mo ‘to ha, ng sa gayon ay bumalik kaagad ang lakas mo. kakailanganin mo iyon para sa lamay ng lola mo.” saad ni Vince habang patuloy sa pagsubo sa dalaga.
“Maraming salamat Vince, hindi mo naman kailangang gawin ito eh, kaya ko naman ang sarili ko.” Nahihiyang sagot niya.
“Beng, nasaan si Gia?” tanong ni Miguel ng makarating siya sa bahay ng anak.
“Nasa taas po Tito at nagpapahinga.” Sagot ni Beng. Kinakabahan siya at baka pumunta ito sa silid ni Gia.
Nakupo! Huwag naman po sana…piping dasal niya. Baka makita niya si Vince dun, lagot na…
“Sige pupuntahan ko muna.” Tugon naman nito.
“Ah, tito halina po muna kayo sa kusina at may inihanda po akong pagkain. Mamaya niyo na lang po puntahan si Gia at siguradong tulog pa po iyon.” Saad ni Beng.
“Salamat Beng, pero mamaya na lang ako kakain pagkagising ni Gia, sabay na lang kami. Sisilipin ko muna ang anak ko.” Sagot nito at dere-deretso ng umakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng tahanan.
Lagot! Paano ito?tiyak na magtataka iyon kung bakit may lalaki sa kwarto ng anak niya…litong tanong niya sa sarili habang nagmamadaling sumunod dito.
Nakita ni Miguel na bukas ang silid ng anak kaya naisip niya na baka gising na ito. Ngunit laking gulat niya ng makapasok siya ay may nakita siyang lalaking nakaupo patalikod sa pinto kaya hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito sa anak niya.
“Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa silid ng anak ko?” dumadagundong ang boses ni Miguel sa silid ng anak.
Sabay na napatingin sa pinto sina Gia at Vince.
Napakunot ang noo ni Vince nang makilala kung sino ang may ari ng boses na iyon.
Kinabukasan pagkapasok ni Lance ay sinalubong kaagad niya si Lyka ng isang dosenang rosas.
“What for?” Tanong nito sa kanya ng iabot niya ang mga bulaklak. Nakita niyang nakangiti si Valerie sa isang gilid.
“I like you Princess. I want to court you if you will allow me.” Diretso niyang sagot.
Napansin sila ng mga kaklase kaya nagtuksuhan ang lahat. Napapangiti na lang silang dalawa ni Lyka.
“Will you allow me Princess to be your guy?” Tanong niya ulit kay Lyka na hindi pinapansin ang mga nanunukso.
“I will give you a chance to prove to me that you worth it.” Sagot naman ni Lyka sa kanya.
“Thank you. You’ll never regret it.” Makahulugang sagot naman niya.
Sa di kalayuan ay nakita nina Jeoff at Edgar ang mga pangyayari.
“Mukhang nagliligawan ang mga royalty ah.” Sabi ni Edgar sa hindi pa din nagsasalitang si Jeoff kahit anong biro niya rito. “Bagay naman silang dalawa. Mr Hunky Popular at si Ms Pink Star Princess, match na match.” Dagdag pa niya.
“Dyan ka nga. Punta na ako sa room natin.”
“Sandali. May problema ka ba?” Kunot ang noong tanong ni Edgar. Nahihiwagaan siya dahil kanina lang ang sigla ng kasama niya ngayon ay parang nabad trip yata. May nahalata siyang kakaiba sa kaibigan.
“Gusto mo ba si Lyka?” Diretsong tanong nito sa kanya.
“Whaaat?” Nagugulat-gulatan niyang tanong sa kaibigan. “In your dreams.” Sagot niya na natatawa kunyari.
“Oh ok. Akala ko lang kasi kaya ka nabad trip.”
“Dahil kay Lance kaya ako nabadtrip hindi dahil may feelings ako kay Lyka.” Pagdadahilan na lang niya dahil alam niyang hindi na titigil ang kaibigan sa pagdududa. Alam ng kaibigan ang mga nangyari noong nasa first year pa siya kaya hindi na ito nagtanong kung bakit siya bad trip kay Lance.
Kinahapunan ay may dumalaw na mga artista sa school nila kaya halos hindi magkamaliw ang mga estudyante sa pagsisiksikan sa may stage para lang makita ang mga artista habang nagpeperform ang mga ito.
Nakita ni Jeoff si Lyka na nahihirapang makasilip sa mga artista. Pinagmasdan lang niya ito. Hindi niya napigilan ang sarili. Nilapitan niya ito at kahit siya ay nagulat sa sumunod na ginawa niya.
Binuhat niya si Lyka sa pamamagitan ng paghawak sa baywang nito.
Gulat itong napalingon kung sino ang gumawa noon.
“What are you doing? Nakakahiya. Ibaba mo ako.” Buti na lang busyng busy pa din ang lahat sa kakapanuod ng mga artista at nasa pinakalikod sila kaya wala masyadong nakapansin sa ginawa niya.
“Nakikita mo na sila di ba?” Kitang-kita ni Jeoff ang mga nagpeperform dahil sa katangkaran niya.
“Yeah. I do.” Kimi itong sumagot. Nataas konti ang saya nito sa pagkakabuhat niya kaya hinawi nito itong pababa.
“E di bubuhatin kita hanggang sa matapos sila.” Seryosong saad niya at nagkatitigan na naman sila.
“Pero baka may makapansin. Ibaba mo na lang ako.” Naaamoy niya ang pabango nito at nagustuhan niya iyon. Pati ang likod ng dalaga ay ramdam na ramdam niya. Hindi niya talaga mawari ang kakaibang damdamin.
“E ano ngayon kung may makapansin?” Sagot niya rito. Kahit nakukuryente siya sa pagkakahawak niya sa baywang ng dalaga ay hindi pa din niya magawang ibaba ito.
Tumikhim ito. “Ok lang naman kung konti lang ang makita ko. Pwede mo na akong ibaba.”
Halos hindi makagalaw silang dalawa ng makita nilang nakita sila ni Miraluna.
Tumakbo si Miraluna palayo sa kanilang dalawa. Dali-dali siyang ibinaba ni Jeoff at hinabol nito si Miraluna.
“Mir sandali lang.” Nahabol ni Jeoff si Miraluna at hinawakan niya ang kamay nito. Luhaan itong lumingon sa kanya.
“Do you like her Scott?” Malungkot na tanong nito sa kanya na ikinahabag niya rito.
“I didn’t mean to…” Hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin. Alam niyang masasaktan niya si Miraluna kung ipagtatapat niya rito ang umuusbong niyang damdamin kay Lyka. “I’m sorry Mir. I think I do.”
“Akala ko ba ako?”
“Hindi ko nga din alam kung paano nangyari e. Naramdaman ko na lang isang araw na may feelings na ako sa kanya. But Mir, it doesn’t mean I don’t care for you because I do… a lot.” Madamdamin niyang saad kay Miraluna at niyakap niya ito. “I’m very sorry.”
“Ok lang Jeoff. Kasalanan ko naman eh.”
“Hindi mo kasalanan Mir. Ako ang may kasalanan.”
“Kung tinanggap ko lang sana na magkaroon tayo ng relasyon hindi ka sana hahanap ng iba.”
“I’m very sorry Mir. Hindi ko sinasadyang mangyari ito.”
“Kailan mo pa siya natutunang mahalin Jeoff?”
“Hindi ko alam eh. Nagising na lang ako na parang may kakaibang damdamin na ako sa kanya. Pinilit kong patayin ang damdaming iyon pero sa tuwing nandyan siya sumisidhi eh.”
“Okay lang Jeoff. Makakapagmove-on din siguro ako.”
“Huwag kang magagalit sa akin Mir. Huwag mo sana akong iwasan.”
“Hindi ko gagawin iyon. Tinatanggap kong may iba ka ng mahal.” Napaluha na naman ito kaya nahabag ng husto si Jeoff. Wala na talaga siyang mahagilap na damdamin para sa dalagang kaharap. Niyakap na lang ito ni Jeoff pagpaparamdam ng pagdamay niya.
Samantala ay sinalubong kaagad si Lyka ng yaya niya pagkauwi niya.
“Mukhang masaya ka yata Princess. Niligawan ka na ba nung Jeoff o nung Lance?” Nanlalaki ang mga matang tanong ng yaya niya. Hindi din nito maiwasang mapatili ng ipasok ng driver nila ang mga gamit niya kasama ang isang dosenang bulaklak.
“Manliligaw na daw sa akin si Lance.” Nakangiting sagot naman niya.
“Ayeee!” Parang batang tukso ng yaya niya. “Sabi ko na nga ba gusto ka din ng gwaping na iyon eh. Akin na lang iyong isa ha. Jeoff ba un?”
“Anong sayo? Iyon kaya ang original ko.” Sabay naman niya sa panunukso ng yaya niya.
“Ang daya naman nito. May Ken ka na nga, may umeekstra pang Lance tapos pati si Fafalicious Jeoff ayaw pang ihati sa’kin?” Nagtatampo kunyari na sabi ng yaya niya pero hindi niya sinakyan iyon. Naging seryoso siya.
“Si Jeoff ang mahal ko eh.”
“Ha? Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Paano nangyari?”
“Hindi ko nga masabi kung paano eh basta bigla na lang na nagkaroon ako ng kakaibang bugso ng damdamin para sa kanya.”
“Paano si Ken?”
“Wala na naman kami ni Ken eh. May karapatan naman siguro akong magmove on.”
“Oo pero sa madalas na pagtawag ni Ken alam kong mahal ka pa niya. Kung nandito lang si Ken alam kong liligawan ka ulit noon.”
Hindi na siya nakasagot. Wala na talaga siyang nararamdaman para rito. Paano nga ba nawala? Akala niya si Ken lang at wala ng iba pang lalaki ang mamahalin niya.