Tayo Hanggang Huli Chapter 44
Bago siya sumagot kay Rian ay tinungo niya ang mikropono at inanounce na wala nang kasalang magaganap.
“The wedding is off. Sorry po kung naabala namin kayong lahat. Hindi po ako pwedeng magpakasal kay Rian dahil matagal na po akong ikinasal kay Mon.” Nagulat ang lahat sa sinabi niya at nagbulungan ang mga ito. Sa mga nakakaalam ng nangyari sa kanya ay napagtanto nilang baka naaalala na niya ang lahat.
“Micea, what are you doing?” Kaharap na niya ang lolo niya at si Rian. Pati ang mga magulang niya at mga magulang ni Rian ay naghihintay ng sagot.
Mataas ang tingin ay pinuntahan muna niya si Mon na nasa gilid lang at hinawakan ang kamay nito.
“Tama ang narinig niyo hindi ako pwedeng magpakasal kay Rian dahil ikinasal na ako kay Mon.”
“At sino namang nagsabi sa’yo niyan? Si Mon?” Galit na sagot naman ni Rian.
“Hindi naman kailangang sabihin niya sa akin e. Sa tingin mo hindi ko maaalala ang lahat Rian?”
“Anong…?”
“Yes Rian. Naaalala ko na ang lahat sa’yo. Naaalala ko na ang lahat lahat. Ang tungkol sa amin ni Mon at ang pagmamahalan namin.”
“Hindi maaari iyan Micea. Pakakasalan mo ako. Hindi ko matatanggap na ipahiya mo ako sa lahat.” Bigla siyang hinablot ni Rian kaya napahiwalay ang kamay niya sa pagkakahawak kay Mon. Binuhat siya nito. Pipigilan sana ni Mon si Rian pero hinawakan siya ng Daddy ni Rian at Lolo ni Micea.
“Ano ba bitiwan mo ako Rian. Bitiwan mo ako.” Sigaw niya habang pinagsusuntok niya ang likod ni Rian. Napatulala ang mga tao.
“Rian, bitiwan mo si Micea. Ibalik mo siya dito.” Sigaw ni Mon habang pilit na kumakawala sa pagkakawak ng Lolo ni Micea at Daddy ni Rian. Pero kahit anong sigaw niya ay parang walang naririnig si Rian at hindi siya makawala sa hawak ng dalawa kahit anong gawin niyang pagpumiglas.
“Loves, tulungan mo ako. Lolo, Papa, Kuya Jun, tulungan niyo po ako. Ayoko pong sumama kay Rian.” Hinging saklolo ni Micea pero walang magawa si Mon. Hindi siya makawala sa mga nakahawak sa kanya. Umiiyak na ito pero patuloy pa din ang pagbuhat ni Rian sa kanya palabas ng simbahan. Wala man lang isang nagtangkang pigilan si Rian. Narinig na lang ng lahat ng paharurutin ni Rian ang isa sa mga sasakyan doon at ang sumisigaw ng tulong na si Micea.
Mabilis na tumakbo si Mon palabas ng simbahan ng bitawan siya ng lolo ni Micea at daddy ni Rian para sakali ay mahabol pa niya ang mga ito pero wala na siyang makitang kahit anino ng sasakyan.
“Micea…” Malungkot niyang sabi. “Hahanapin kita loves huwag kang mag-alala.”
Sa sasakyan naman kung saan sapilitang isinakay ni Rian si Micea ay patuloy pa din ang panlalaban nito.
“Ibalik mo na ako Rian, ano ba? Baliw ka talaga.”
“Baliw na kung baliw Micea basta akin ka.”
“Hindi kita mahal kaya pwede ba ibalik mo na ako.”
“Hindi pwede. Magsasama tayo bilang mag-asawa, magkakaanak at mamumuhay ng tahimik. Iyong buhay na wala si Mon.” Matatag na sabi nito.
“Saan mo ako dadalhin?”
“Sa lugar kung saan ikaw at ako lang. Kung saan kahit alaala ni Mon ay wala.” Hinaplos pa nito ang mukha niya pero lumayo siya. “Akin ka lang.” Nakangiti pang sabi nito sa kanya.
“Hindi ako sasama sa’yo. Ayoko sa’yo.” Pinagsusuntok niya si Rian pero parang manhid itong hindi man lang nagpakita na nasasaktan ito.
“Kahit ano pang gawin mo hindi na kita ibabalik sa kanya.”
“Ayoko nga sabi sa’yo e. Hindi kita mahal at kailanman hindi kita mamahalin. Nasusuka ako sa pagmumukha mo.”
“Ihanda mo na ang sarili mo dahil habang-buhay mo na akong makakasama.”
“Hahanapin ako ni Mon at sigurado akong mahahanap niya tayo kaya humanda ka.”
“Bakit sa tingin mo ba buo pa ang mukha ni Mon ngayon sa ginawa niyo?” Nakangisi pang sabi nito. Bigla niyang naalala si Mon. Baka ano nang ginawa ng lolo niya rito ngayon.
“Loves…” Pinipilit niyang buksan ang pinto ng kotse. Wala na siyang pakialam anuman ang mangyari sa kanya pero iwinawaksi ni Rian ang kamay niya sa tuwing hinahawakan niya ang lock at pinipilit na buksan iyon.
“Rian maawa ka naman sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa’yo a. Bakit mo ako ginaganito?” Umiiyak nang sabi niya kay Rian. Alam niyang hindi ito makukuha kung magagalit siya dito kaya nagmakaawa na lang siya. Inaalala niya si Mon. Hindi niya maaatim na sasaktan ng kahit na sino ang kasintahan.
“Ganyan nga Micea. Magmakaawa ka sa harap ko.” Sabi nito habang hinahaplos ang mukha niya. Inilayo niya ang mukha niya rito. Nandidiri siya sa mga hawak nito.
“Umayos ka Micea kung hindi baka mababalitaan mo na lang na wala na ang lalaking mahal mo. Kayang-kaya kong gawin iyon. Isang tawag ko lang.” Ipinakita pa nito ang cellphone niya. Mas lalong kinabahan si Micea sa sinabi nito. Baka makaya nga nitong gawin iyon kay Mon. Nakikita niyang parang nababaliw na ito. Tulungan niyo po ako Dios ko. Sana po walang mangyaring masama kay Mon. Hindi ko po kakayanin. Taimtim niyang dasal.
Sa simbahan kung saan nanduon si Mon ay sinalubong niya ang galit ng mga magulang ni Rian at ng Lolo ni Micea.
“Hindi mo talaga titigilan ang apo ko. Alam mo namang ikakasal na siya di ba?” Galit na sabi kaagad ng lolo ni Micea sa kanya.
“Matagal na po kaming ikinasal Senior kaya mas may karapatan ako sa kanya kaysa kay Rian. Ako po ang boyfriend niya hindi po si Rian.”
“Pero sa anak ko nababagay si Micea. Sila ang nakatakda para sa isa’t isa.” Sabi naman ng mommy ni Rian.
“Kahit kailan hindi minahal ni Micea si Rian kaya hindi totoong sila ang nakatakda para sa isa’t isa.” Patuloy pa din niyang argument sa mga ito.
“Boys” Sinenyasan ng Daddy ni Rian ang mga tauhan na nasa kotse. Nakita ni Mon na naglabasan ang tatlong lalaki. Walang sabi-sabi ay pinagsusuntok siya ng mga ito.
Nakarating na sina Rian at Micea sa isang lugar kung saan parang walang katao-tao. May maliit na kubo siyang nakikita. May nakasinding ilaw na gas ang gamit.
“Nandito na tayo sweetheart.” Narinig niyang sabi nito. Bumaba ito ng sasakyan at binuksan ang pinto. Bubuhatin na naman sana siya nito pero nanlaban siya.
“Micea, huwag mo akong gagalitin.” Dinial nito ang telepono at naririnig niya ang nahihirapang si Mon. Napaiyak na siya.
Binuhat siya ni Rian at hindi na niya nakuhang manlaban pa. Nanghina siya sa narinig. Alam niyang sinasaktan ng mga tauhan nina Rian si Mon. Nang makapasok na sila ay hinalikan siya ni Rian pero sinampal niya ito.
“Walang-hiya ka!”
Nakita niyang nagalit ito at pinunit ang blouse niya. Pinaghahalikan siya nito.
“Huwag Rian. Ayoko! Maawa ka naman sa akin.” Pagmamakaawa niya rito pero parang bingi itong hindi natitinag.
“Loves…” Sabay nilang sambit sa isa’t isa kahit pa hindi magkaharap - si Mon habang binubugbog ng mga tauhan nina Rian at si Micea habang sapilitang inaangkin ni Rian.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



December 15th, 2009 at 4:03 pm
omg!!!!!! bakit po ganun? may twist na naman?? kawawa si mOn at Micea,,,, akala ko matatapos na at happy ending na..,,,, waaaaaaaaaaaa wala man lang tumulong kay Micea,, grabe ang daming tao sa simbahan, wala silang nagawa,,, ano ba un,,, haizzztttt kainis yung lolo at si Rian grrrrrrrrr =(
December 15th, 2009 at 4:49 pm
opo patapos na po siya… sorry po kung nahabaan ng konti may mga nagsuggest lang po na bigyan ng room na maipagtanggol naman siya ng mga kamag-anak niya lalong lalo na ng papa at mama niya sa lolo niya… malapit na malapit na po talaga ang ending niya.
December 15th, 2009 at 7:41 pm
ah ganun po ba,,, sabagay maganda po kung ganun,,,, more power otor!!
December 15th, 2009 at 8:21 pm
slmat sa pgsuporta cute_mortal… oo ksi nging thimik lng ang lht s gngawa ng lolo nya lalo na ang papa’t mama niya… mkbawi mn lng sila! hehehe….
December 15th, 2009 at 10:03 pm
oo nga po hayyy,, i wondered din po kung bkt hindi na nabanggit ung mga kapatid ni Micea,.. ano po nangyari sa kanila?,, sana po mahaba ung last chapter hehehe
maganda po ung story!
December 15th, 2009 at 10:48 pm
until chapter 50 pa po cya… may konting suspense at action din po ang magiging ending ng story.. ung mga kapatid niya po ay nawala na sa scene dahil nasa Lanao lang po sila nasa pangangalaga ng mga ante niya. Di na nabanggit sa kwento… ang kadalasan kasi sa mga pangyayari ay Bohol, Davao at Cebu kaya hindi nababanggit ang mga ito..