Tayo Hanggang Huli Chapter 43
“Anong ibig mong sabihin?”
“Anong ibig kong sabihin? Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Sa tingin mo ako pa rin si Micea na walang naaalala. Well your wrong because I am back Melet. At kayo na pinaglaruan ang isip ko ay makakatikim sa akin. Simula pa lang iyan. Patuloy pang eepekto ang gamot na ininom mo. So, enjoy!”
“Walang hiya ka!” Sasampalin niya sana ako pero naging maagap si Mon sa pagsalo dito.
“Loves… totoo ba?” Naguguluhan ang mga matang tanong niya.
“Yes loves. Ako na ito.”
“Paano? Kailan?”
“Iyong nag-away kayo ni Rian. Pagkagising ko naaalala ko na ang lahat. Sasabihin ko na naman sana sa’yo kung di lang dumating ang babaeng ito.” Pumapalag si Melet at pinipilit na kumawala sa pagkakahawak ni Mon.
“Kaya kung ako ikaw Melet hindi na ako magwawala dyan dahil kahit anong gawin mong pagwawala hindi na kayo ikakasal ni Mon.”
“Ahhh.” Hinampas-hampas niya ang wedding gown.
“Halika na Loves, may isa pa tayong dapat asikasuhin.” Hinawakan ko ang kamay niya at magkahawak kamay kaming umalis.
“Makakaganti din ako sa’yo Micea. Tandaan mo. Gagantihan kita.” Sigaw niya habang palayo kami ni Mon. Narinig kong pinagpupunit niya ang wedding gown na iyon.
“Loves sandali!” Tumigil kami sa may hagdan ng hotel kung saan sila tumutuloy ni Melet.
“Bakit?” Nilingon ko siya at isang halik ang sumalubong sa akin. Ang halik na alam naming pareho na hindi ko na makakalimutan at habang buhay kong maaalala kahit tumanda pa ako. Naging matagal iyon. Napaiyak na ako.
“Alam mo namang mahal na mahal kita di ba loves?” Pinahid niya ang mga luha ko. “Pasensya ka na sana kung naging kami ni Melet. Hindi ko sinasadyang…”
“Sssshh. Alam ko.” Nilagay ko pa ang daliri ko sa mga labi niya. “Alam kong hindi ka maghahanap ng iba. Pinanghahawakan ko ang pangako mo na hindi ka hahanap ng iba at naniniwala ako doon. Mahal na mahal kita Mon kaya nagpapasalamat ako sa hindi mo pagbitiw para sa ating dalawa. Sigurado ako sa sarili ko na tayo hanggang huli. Dumaan man ang napakaraming bagyo. Humadlang man ang buong mundo sa pagmamahalan natin ay alam kong mananalo tayo at wala akong duda na tayo lang hanggang sa huli.” Walang tigil ang pangingilid ng mga luha ko habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon. Matagal ding hindi kami nakakapag-usap ni Mon ng ganito.
“Ang pagmamahal mo ang nagpapatibay sa akin loves dahil alam ko na kung naaalala mo lang ako ipaglalaban mo din ang sa ating dalawa. Alam ko din sa sarili ko kung mapagtatagumpayan ko ang pagsubok na ibinigay sa akin ng langit ay wala nang makakapaghiwalay sa atin. Sumuko man ako dahil alam kong iyon ang makakatulong sa’yo sa mga panahong iyon pero kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko lalong lalo na sa puso ko.”
“Pasensya ka na sana loves kung nahirapan ka. Pasensya ka na kung nagdusa ka sa mga panahong hindi kita naaalala pero gusto kong malaman mo na kahit hindi kita naaalala, hindi ka niya nakalimutan.” Inilagay ko pa sa puso ko ang kamay niya.
“Alam ko. I love you very very much Micea Jane Alda.” Hinaplos na talaga ang puso ko.
“I love you very very much also… Halika na loves. May isa pa tayong dapat sorpresahin.”
“Daan muna tayo sa unit mo. Namiss kita ng sobra.” Naglolokong ngiti ang nakikita ko sa kanya.
“Sira ka talaga! Paano mo ako namiss e palagi tayong magkasama?” Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kanya. Nagbalik na ang lalaking minahal ko. Ang malokong si Mon. Noon kasi malungkot siya lagi kapag kasama ko pero ngayon ay may nakikita akong kakaibang ningning sa mga mata niya.
“Sige na pagbigyan mo na ako. Iba kasi ngayon dahil sigurado akong ikaw na yan e.” Nagtantalizing eye pa siya.
“O sige na nga. May oras pa naman tayo.”
“Yes!” Nakaakbay siya sa akin habang palabas kami ng hotel.
“Matagal ko ding inasam ang tagpong ito loves. Pitong taon din ang lumipas. Pitong taon din ang pinagtiis ko para lang makasama ka muli pero ngayon nandito ka na kaya ang saya-saya ko. Sana naman hindi ka na aalis.” Nang nasa unit na kami ay sinabi ni Mon sa akin.
“Hindi na talaga ako aalis. Pangako ko iyan sa’yo… Loves, pakasalan mo naman ako o.” Nahiya man ako dahil ako na babae ang humihiling ay hindi ko na pinansin iyon. Mabuti nang malaman niya ang gusto kong mangyari nang makasal kami kaagad ulit.
“Oo naman. Kahit ngayon kaagad kung gugustuhin mo… Napag-isipan mo na ba ang hiniling ko sa’yo noong huling mag-usap tayo nung nasa America ka pa?” Bigla kong naalala ang paghiling niya na magkaanak kami kaagad sakaling magsama na kami bilang mag-asawa.
“About having a kid?”
“Oo. Gusto ko na sanang magkaanak tayo Micea. Iyon ang makakabuo sa pamilya natin.”
“I’m not sure yet.” Sagot ko naman sa kanya. Naguguluhan pa ako sa gusto niyang magkaanak kami kaagad.
“Anong plano mo? Dito pa rin tayo sa Cebu titira?”
“Oo. Bukas na bukas din hahanap ako ng bahay na matitirhan natin.”
“Loves, hindi na kailangan. Pwede naman tayong tumira dito e. Para di na ako dumayo pa para sa trabaho ko. Malaki naman ito kasya na tayo dito.”
“Pero loves gusto kong ako ang kumayod para sa pamilya natin.”
“Loves, maging practical na lang tayo. I don’t mind. Ok?” Malambing na hinaplos ko pa ang mga labi niya.
“Ok sige. Aayusin ko lang ang mga naiwan ko sa Davao at haharapin ko silang lahat dahil sigurado akong nag-aapoy na sa galit ang mga iyon. Pagkatapos kong maisaayos ang magulong mundo ko ay magsasama na tayo bilang mag-asawa. Magpapakasal din tayo sa simbahan. Matagal ko nang pinag-ipunan iyon at ni minsan hindi ko ginalaw ang perang iyon. Nakalaan iyon para sa’yo Micea Jane.”
“Salamat! Nandito lang ako loves. Palaging naghihintay para sa’yo… Halika na! Bihis na tayo. Kailangan nating puntahan si Rian sa simbahan. Alam kong naghihintay na ang groom ko.”
Nang makarating na kami ng simbahan ay napakaraming tao na. Napatingin sa aming dalawa ni Mon ang lahat. Magkawak-kamay pa kami kaya kunot noong nakatingin sa amin si Rian habang papalapit kami sa altar kung saan siya nakatayo. Hiniling ko kasi sa lahat na ako lang ang mag-aayos sa sarili ko kaya nagawa ko ang lahat ng bagay na ginawa ko kanina.
“Anong ibig-sabihin nito Micea?” Umuusok sa galit na tanong ni Rian. Hindi ako natakot sa galit niya dahil handa na ako.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


