Tayo Hanggang Huli Chapter 40
Kinabukasan ay bumalik kaagad ako sa tinutuluyan ko. Ayaw man ni Rian ay hindi ako nagpapigil.
Nasa patio ako ng mamataang may taong nakapasok sa unit ko. Sino kaya ito? Bakit siya nakapasok e inilock ko ang pinto? Sinilip ko muna para mapagsino ang nasa loob. Aba walang hiya pumasok sa kwarto ko. Baka may gawin itong masama sa akin. Kailangang maging handa ako. Nasa kwarto pa naman ang cellphone ko.
Kinuha ko ang walis at dahan-dahang pumunta sa kwarto. Sinilip ko muna bago tuluyan akong pumasok. Mon? Nakita kong nakaupo siya sa kama.
“Mon…” May luhang tawag ko sa kanya.
“Loves. Buti naman at okay ka lang.” Niyakap niya ako. Napahagulhol na ako habang yakap niya.
“I love you loves!” Hinalikan niya ako. Ang halik na matagal kong inasam.
“I love you very very much loves.” Buong puso kong sabi sa kanya. Patuloy pa din ang pag-iyak ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Namiss ko siya ng husto. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Ilan taon ding hindi ko nasilayan ang lahat sa kanya.
“I miss you so much loves.. so so much!” Patuloy kong sabi kasabay ng mga hikbi.
“I miss you too loves.”
“Itutuloy mo pa rin ba ang pakikipaghiwalay kay Rian?” Binalak ko palang makipaghiwalay kay Rian.
“E kayo ni Melet? Anong plano mo?” Hindi ko talaga napigilan ang aking sarili. Gusto kong maghiwalay din sila.
“Maghihintay lang ako ng tamang tiyempo loves. Nangako ako sa iyo na hindi ko itutuloy ang kasal kaya tutuparin ko iyon.”
“Salamat!” Natuwa ako dahil ibig sabihin wala pala talaga siyang planong ituloy ang kasal nila. Kailangang sabihin ko na kay Mon ang totoo.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko si Rian ang tumatawag kaya tahimik lang si Mon habang kausap ko siya.
“Hi Sweetheart.”
“Yes, anong kailangan mo?”
“Nakapag-usap na ang mama at papa mo pati sina mommy at daddy along with ninong sa petsa ng kasal natin. Susunduin kita dyan para dito tayo magdinner mamayang gabi sa bahay as celebration.”
Celebrationin mong mukha mo. “Sure. What time?”
“Pupunta na ako ngayon din dyan so we can spend some time alone. The dinner will be at 8.”
Kinilabutan ako sa sinabi niyang mag spend time alone with him. Kahit nga ang isiping nahalikan ko siya ay hindi ko maiwasang magtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Umalsa na naman ang galit ko sa kanya sa pagkakausap namin.
“By the way Rian, can you let me handle the wedding?”
“Really?”
“Bakit parang nagulat ka na gusto kong ihandle ang wedding?”
“You never presented before kaya nagtataka lang ako.”
“Napag-isip-isip ko kasi na kasal ko iyan kaya dapat hands on ako. Hinahandle ko nga ang kasal ng iba sarili kong kasal hindi ko magawang imanage?”
“That’s great news sweetheart. Sasabihin ko sa kanilang lahat iyan. Pihadong matutuwa sila.”
“Good. Thank’s sweetheart.” Eww talaga ng sweetheart.
“No problem sweetheart. I love you.”
“Mwaaah. Bye!” Hindi ko kayang sabihin sa kanyang I love him dahil hindi naman talaga.
“Bye sweetheart.” Ibinaba ko na kaagad pagkapaalam niya.
Melet’s Side:
Walang hiya ka Mon. Hindi naman bar iyang pinupuntahan mo. Hotel iyan e at hindi ako nagkakamaling dyan nakatira at nagtatrabaho si Micea.
Naghihinala na ako sa mga ikinikilos ni Mon kaya nagpasya akong sundan siya ngayong gabi. Hindi ako nagkamali sa hinala ko. May ginagawa nga siyang kabulastugan. Hindi pa rin kayo nagbabagong dalawa. Nagtatagpo pa rin kayo ng palihim.
“Hi, good evening!” Bati ko sa receptionist.
“Hi po maam.”
“May bakante ba kayong kwarto?”
“Yes po maam.”
“Ok. One night lang.”
“Heto po ang room key niyo maam. Sa 2nd floor po ang room ninyo.”
“Thank you!… Sandali nasaan ang manager niyo?”
“Nasa unit po niya maam.”
“Saang floor ang unit niya?”
“Nasa fifth floor po.”
“Ok. Thank you!”
Dumiretso kaagad ako sa fifth floor. Siguro naman malalaman ko kung alin ang kwarto ni Micea. Humanda kayong dalawa sa akin ngayon.
Micea’s Side:
“Mon, may sasabihin sana ako sa’yo.”
“Ano naman iyon?”
Sasabihin ko na sana na naaalala ko na ang lahat ng may kumatok sa pinto. Naalarma kaming dalawa.
“Melet? Anong ginagawa mo dito?”
“Nasaan si Mon? Ilabas mo siya!”
Napalulon ako bago nakapagsalitang muli.
“Nasa loob. Halika! Pasok…” Hindi pa man ako nakakatapos ng sasabihin ay isang malutong na sampal ang dumapo sa mga pisngi ko. Nag-init ang dugo ko sa ginawa niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Humanda ka Melet. Darating ang araw na magagantihan din kita.
“Bakit ako sinampal?” Maang-maangan at painosente ang pagkakasabi noon.
“Bakit kayo magkasama? Bakit siya nagpunta dito?”
“E kung magpunta ako dito Melet may problema ba duon?” Sumagot na si Mon na lumabas galing sa banyo na malapit sa sala.
“Walang hiya ka. Akala ko ba kakalimutan mo na si Micea. Niloko mo ako.” Pilit na umiilag si Mon sa mga sampal ni Melet. Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bumaling siya sa akin at sinampal niya ulit ako. Gusto ko sanang gumanti pero hindi na lang. Bumuo na lang ako ng plano kung saan magagantihan ko siya kasama si Rian.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


