IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 18

11.12.2009
06:32

Maagang umuwi si Larry kinabukasan dahil maaga ang klase niya kaya tinext ko kaagad si Jerick.

  • ‘H2i! M5a k2a n2a?’ S5y k6i d4o n7g s2i L5y.’ (Hi! Musta ka na? Sorry kasi dito natulog si Larry.)
  • ‘A4m k2o n2a m3y d7n k4a d2i k2a n9y. I2 M4s y3o!’ (Alam ko na may dahilan kaya di ka nakareply. I miss you!)
  • ‘T6a? M4 m2o k2o?’ (Talaga? Miss mo ko?)
  • ‘O2o n5n K4h. I2 m4s y3o v4y m4h!’ (Oo naman Kath. I miss you very much!)
  • ‘B5t m2o s8i s2a a4n y3n? M3y g9d k2a.’ (Bakit mo sinasabi sa akin iyan? May girlfriend ka.)
  • ‘K4h m3y s9n s4a a3o s4o. h5g k4g m9a. I2 l4e y3o!’ (Kath may sasabihin sana ako sayo. Huwag kang mabibigla. I love you!)
  • ‘What? Ano ba iyang sinasabi mo?”
  • “Totoo Kath. H5i k2o n2a i8m a3g d8n k2o s4o. m5l k4a.’ (Hindi ko na ililihim ang damdamin ko sayo. Mahal kita.)
  • ‘Bakit mo sinasabi iyan? Alam mong may boyfriend na ako. Naglalaro ka ba? Huwag naman sana ako ang paglaruan mo.’
  • ‘Hindi ako naglalaro Kath. Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Pinilit kong mahalin si Erika pero hindi talaga sumunod ang puso ko. Naiwan ko ito sa mga kamay mo.’
  • ‘Jerick naman e. Tama na.’
  • ‘Maniwala ka naman sa akin o. Pinipigil ko lang ang damdamin ko dahil mahal ka ni Larry pero ngayon hindi ko na kayang pigilan pa. Paniwalaan mo sana ako. Hindi kita pinaglalaruan.’

Nasaktan ako sa mga sinasabi ni Jerick kaya hindi ko na sinagot pa ang mga sinasabi nito. Impossible namang nag-iiyak siya na huwag iwan ng girlfriend tapos hindi niya mahal ito. Grabe naman kung maglaro ang pag-ibig napakasakit! Oo gusto kong marinig na sabihin niya sa akin na mahal niya ako pero bakit di ko nagustuhan? Naguiguilty ako. Masasaktan ko si Larry kung tutugunin ko ang kabaliwan ni Jerick. Hindi pwede!

Anak para sa’yo.” Lumabas ako ng kwarto ng tawagin ako ng mama ko.

Sino daw po?” Tanong ko sa mama ko ng makalapit sa telepono.

Hindi sinabi e basta ikaw ang hinahanap.

Hello!

I love you Kath!” Sabi kaagad ng nasa kabilang linya.

Ano ba? Tama na! Nakakasakit ka na ng damdamin. Tantanan mo na ako. Pakiusap.” Tumulo na ang mga luha ko. Nasasaktan akong hindi ko matutugon ang damdamin niya kahit gustuhin ko man.

Sorry Kath kung nakakasakit ako ng damdamin pero hindi ko na kayang pigilan ang damdamin ko. Mahal na mahal kita Kath. May pagtingin na ako sa’yo noong una pa lang kitang makita pero mas binigyang importansya ko si Larry. Matagal ka na niyang mahal. Minsan lang kasi magmahal ang bestfriend ko e kaya nagparaya na lang ako. Akala ko mahahanap ko sa ibang babae ang kasiyahang hinahanap ko mula sa’yo pero hindi e. Ikaw pa din ang makakapagpasaya sa akin.

Pakiusap tama na.” Napakahina ng pagkakasabi ko nun. Hindi ko na kayang tanggapin ang mga sinasabi niya. Natutuwa akong malaman ang mga iyon at nagagalak akong marinig mula sa kanya pero napakasakit naman dahil hindi ko pwedeng tugunin ang mga iyon.

Naalala mo noong papunta tayong dunkin donuts? Hindi ko talaga napigilan ang sarili kong magpayakap sa’yo. Kahit man lang doon maramdaman ko ang mga yakap mo. Palagi kong hinihiling na makasama namin kayo ni Larry kapag lumalabas kami ni Erika para naman makasama kita. Para masilayan ko ang mga ngiti mo.” Lumuluhang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

Kath, ngayong alam mo na ang totoong damdamin ko sa’yo gusto ko sanang malaman kung may puwang ba ako dyan sa puso mo?” Hindi ko siya sinasagot. Tahimik lang akong lumuluha. Nakikinig lang siya. Pinapakinggan namin ang isa’t isa. Gusto ko sanang ibaba ang telepono pero hindi ko magawa. Kung siguro kaharap ko siya niyakap at hinalikan ko na siya. Oo Jerick. May puwang ka din sa puso ko. Napakalaki ng puwang mo sa puso ko. Ikaw lang ang laman ng puso ko. Ikaw lang ang mahal ko. Jerick mahal na mahal kita. Pero di ko magawang sambitin. Nanduon lang ako nakikinig sa kanya.

Mahal kita Kath!” Parang umiiyak na din ang boses niya.

Kailangan ko nang pumasok sa school. Bye!” Ibinaba ko kaagad ang telepono bago pa siya makasagot.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pumunta ako ng school at tinungo ang faculty. Pinuntahan ko kaagad si Maam Pepito.

Mother, may problema ako.” Bungad ko kaagad sa kanya na yumakap pa at nagsisimula nang maglabasan ang mga luha ko. Maaga pa kaya wala pa masyadong mga teachers.

Ano naman iyon Kath?” Sagot naman niya na hinimas himas pa ang likod ko.

Sabi niya mahal daw niya ako. Pero bakit ngayon pa? Ngayon pang may boyfriend na ako.

Seryoso ba ang pagkakasabi niya?

Ewan ko. Feeling ko oo. Hindi ko gustong saktan si Larry. Mahalaga sa akin si Larry mother.

Pero sino ang mahal mo talaga?

Si Jerick. Siya lang ang mahal. Alam mo naman iyon di ba, mother? Pinapagulo niya ang sitwasyon e. Akala ko si Erika ang mahal niya pero sabi niya ginawa lang daw niyang panakip butas si Erika. Akala daw niya na makakalimutan niya ako kung makipagrelasyon siya sa iba.

Bakit daw hindi niya sinabi kaagad na may pagtingin siya sa’yo?”

Kasi mahal daw ako ni Larry. Ayaw daw niyang masaktan si Larry dahil minsan lang daw itong magmahal.

Ikaw anong plano mo ngayon?

Naguguluhan ako e. Mahal na mahal ko si Jerick. Sa totoo nga niyan hindi ko maipaliwag ang tuwang nadarama ko ngayong alam kong tinugon niya ang pagmamahal na iyon pero hindi kaya ng konsensya ko na habang masaya kami nasasaktan si Larry. Hindi ko kayang gawin sa kanya iyon. Mahalagang-mahalaga siya sa buhay ko.

Kath wala akong ibang maipapayo sa’yo kundi gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay tama. Huwag mong gawin dahil lang sa tingin mo di ka nakakasakit ng damdamin. Darating ang panahon na sisingaw iyang kinikimkim mo at mas malaking damage ang lilikhain nito.

Pero kung aaminin ko kay Larry ang damdamin ko baka di niya matanggap. Bestfriend niya ang ipampapalit ko sa kanya. Baka magkagulo pa silang dalawa.

Pag-isipan mong mabuti. Sa ngayon magulo pa iyang isip mo. Pasasaan ba kapag naging mahinahon ka na ay maiisip mo rin ang tamang solusyon. Pero tandaan mo Kath sa sitwasyon mo anumang solusyon ang piliin mo may masasaktan. Dahil kapag pinili mong huwag saktan si Larry masasaktan mo naman ang damdamin mo at si Jerick. Kapag naman pinili mo ang kaligayahan mo masasaktan mo si Larry. Kaya timbangin mong mabuti.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme