IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Tayo Hanggang Huli Chapter 39

10.12.2009
03:26

Micea’s Side:

Pinilit kong maalala ang lahat ng nangyari. Lahat tumigil sa araw ng mabundol ako ng sasakyan. Inisip ko na magpanggap na lang muna na wala akong naaalala para naman malaman ko kung ano ang nangyayari.

Wala pa po e. Ano po bang dapat kong maalala?

Ang nakaraan mo. Bago nangyari ang aksidente.

Wala po talaga e.

Ok lang iyan. Pero sigurado ako na malapit mo nang maalala ang lahat ng iyon.

Thank you po doctor.

Magpahinga ka na ulit para makabawi ka ng lakas.” Bilin nito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nanduon lang ang mga magulang ko, ang lolo’t lola ko, si tita Gina at si Rian.

Bakit po kayo nakatingin sa akin ng ganyan?” Titig na titig kasi silang lahat sa akin.

Siyangapala, anong buwan at taon na?

Akala kasi namin maaalala mo na kami. August 2009” Ang mama ko ang sumagot. Pinisil ko ang kamay niya. Gusto ko na talagang mayakap siya dahil sa totoo lang namiss ko silang dalawa ng papa ko pero nagtimpi muna ako. Kailangan ko ng mga impormasyon kung bakit ako ikakasal kay Rian at si Mon kay Melet.

August? Ibig sabihin expired na ang kasal namin. Kaya siguro magpapakasal na siya sa iba.

Biglang dumating sina Melet at Mon. Malapit akong maiyak ng makita ko siya. Ninais ko na wala silang lahat para mayakap at mahalikan ko na si Mon. Loves miss na miss na kita. Bakit kayo ni Melet? Akala ko ba mahal mo ako at hindi ka maghahanap ng iba?

Ok ka na ba Micea?” Tanong sa akin ni Melet.

Yes, I’m fine.” Matipid na sagot ko.

Nag-alala talaga ako ng sabihin sa akin ni Mon. Paano na lang ang wedding namin kung wala ka nang mag-aasikaso?Ha? Ako ang nag-aasikaso ng wedding nila? Hindi ko yata kayang gawin iyon. Tiningnan ko si Mon. Nababakas ko sa mga mata niya ang lungkot at pag-aalala. Mahal ko!

Maraming ikwenento si Melet na siyang nagpalinaw ng sa kanila ni Mon. Ang hindi lang malinaw ay kung paano naging libre si Mon para maging sila. Kailangan kong lumantad na. Hindi ito pwede. Akin si Mon Melet. Hindi ako papayag sa kasal niyo.

Pagkatapos ng dalawang araw ay pinayagan na akong umuwi. Doon daw muna ako sa bahay nina Rian. Habang nasa bahay nina Rian ay hindi ko naiwasang ipagtapat sa tita Gina ko ang lahat. Siya ang pinagkakatiwalaan ko sa kanilang lahat.

Hi tita! Can I talk to you?

Sure, what is it?

Can we talk in your bedroom? It is important.

Ok, halika!

Nagpunta na kami sa silid niya. Bago ako nagsalita ay niyakap ko siya. Nagtaka tuloy siya.

Bakit may problema ba?

Nope. I miss you very much.

Hindi pa din maalis ang pagkunot ng noo niya. “Where is the box I asked you to keep safe?

Micea!” Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Yumakap siya ng mahigpit sa akin. Iyong tanong lang na iyon ang nagbigay ng senyales na naaalala ko na ang lahat.

Naaalala mo na ang lahat?

Yes tita but I have to pretend para malaman ko ang sagot sa nagkabuhul-buhol na mga pangyayari. Bakit ako ikakasal? I never remembered being with Rian. Can you tell me everything?

Pinagpretend ni papa si Rian na boyfriend mo kaya ka ikakasal sa kanya.” Simulang kwento niya. Hindi ko maiwasang mapahagulhol sa lahat ng paglalaro na ginawa nila sa akin sa oras na wala akong naaalala. Ang hindi ko matanggap ay pinahirapan nila ang lalaking mahal ko. Poot at galit ang naramdaman ko sa lolo ko at kay Rian. Awa at paghihinagpis ang naramdaman ko para kay Mon. Hindi ko akalain na naghirap siya ng husto dahil hindi ko siya naaalala. Na mag-isa lang siyang lumaban para sa aming dalawa.

Mas pinili mo si Rian kaysa kay Mon Micea. Dinig ko nga halos gabi-gabi iyang naglalasing si Mon dahil sa pagtatakwil mo sa kanya.” Patuloy pa din ng tita Gina ko.

Pero bakit ni isa wala man lang nagsalita? Bakit sumang-ayon lang kayo?” Patuloy pa din ang pangingilid ng mga luha ko.

Kilala mo naman ang lolo mo di ba? Ikaw lang yata ang kayang sumuway sa kanya na hindi ka binabantaang itatakwil.

I hate him tita. I hate them both.

Ngayong nakakaalala ka na. Sabihin mo na lang kay Mon para maging masaya na kayo.

Humanda sa akin si Rian tita. Matitikman niya ang ganti ko.

Pero alam mo ba kahit hindi ka nakakaalala lihim pa rin kayong nagtatagpo ni Mon.

Ano? Paano?

Nagpunta kasi kayong dalawa ng Davao ni Mon. Mukhang doon kayo nagkabalikan. Kaya nga nangyari ang aksidente na siyang dahilan ng pagkakaalala mo ulit dahil nahuli kayo ni Rian at nagkagulo silang dalawa ni Mon.

Anong ginawa namin doon sa Davao?

Inasikaso niyo ang kasal nila ni Melet.

Isa pa iyan. Paano ako naging wedding coordinator nila?

Nagtatrabaho ka kasi as manager sa hotel. Tapos nagkita kayong muli dahil sa project nilang mall na si Rian ang may hawak kaya nang malaman nilang event organizer ka e, hinire ka na.

At pumayag si Rian?

Siya pa nga daw ang nagsuggest e.

Gusto kong makontak si Mon tita.

Umuwi ka na lang doon sa tinutuluyan mo baka pumunta siya doon para makausap mo ng sarilinan sakaling magpunta nga.

Ok po tita. Salamat po ng marami.

Kung may tanong ka Micea. Andito lang ako.

Huwag niyo po munang babanggitin sa kanila ang tungkol dito. Kung mas konti ang nakakaalam, mas konti ang posibilidad na mabulgar siya sa ngayon. Kailangan ko pang umisip ng paraan paano magagantihan si Rian. Kinasusuklaman ko siya.

Makakaasa kang wala akong pagsasabihan.

Nagpasalamat ako sa kalinawan ng isip na ibinigay sa akin ng tita Gina ko. Humanda ka sa ganti ko sa’yo Rian. Sana ako na lang ang sinaktan mo hindi si Mon. Ngayon makakatikim ka sa akin.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme