Tayo Hanggang Huli Chapter 38
“Sweetheart!” Hahalik sana siya sa pisngi nito pero itinulak siya nito at galit na lumapit kay Mon na nakatayo na. Sinuntok kaagad ito ni Rian.
“Tama na Rian.” Gaganti sana si Mon pero pumagitna na siya sa kanilang dalawa.
“Bakit siya nandito Micea? Anong meron kayo?” Pabulyaw ang pagkakasabi ni Rian sa kanya.
“Mahal ko si Mon Rian.”
“Pero bakit di mo ko dineretso? Bakit ginagawa mo akong tanga?”
“Bakit kung sasabihin ba ni Micea sa’yo na kami na papayag ka?” Galit ding sabi ni Mon kay Rian.
“Huwag ka ngang makialam Mon.” Susugurin na naman sana ni Rian si Mon pero niyakap ito ni Micea. Bagay na ikinasakit ng dibdib ni Rian.
“Ako na lang ang saktan mo Rian, huwag na si Mon. Tutal ako naman ang nagkasala sa’yo.” Luhaang sabi niya.
Hindi nagpakita ng pagkahabag si Rian sa sinabi ni Micea bagkus parahas niyang hinablot ito mula sa pagkakayakap kay Mon. Natapon si Micea sa sofa. Nagkagulo sina Mon at Rian. Pilit silang inaawat ni Micea pero talagang ang lakas-lakas ng dalawa.
“Tama na! Rian, Mon. Tumigil na kayo.” Nasiko ni Rian si Micea at tumama ito sa gilid ng mesa. Napatigil sila ng makitang nawalan ito ng malay.
“Loves…”
“Micea..”
“Ikaw kasi!” Sabay na paninisi nila sa isa’t isa. Nakapa ni Mon na duguan ang ulo ng kasintahan kaya dali-dali niyang binuhat ito at magkasama sila ni Rian na isinugod ito sa hospital.
“Kapag may nangyaring masama kay Micea Rian hindi kita mapapatawad.” Galit na sabi ni Mon habang naghihintay sila sa labas ng emergency room. Kapwa sila palakad-lakad at hindi mapakali.
“Ikaw ang may kasalanan nito. Kung hindi ka umextra di sana okay lang siya ngayon.”
“Nagpapanggap ka lang na boyfriend niya Rian. Hindi ka ba kinikilabutan na nagsisinungaling ka sa kanya?”
“Kung kapalit noon ay maging akin siya ng tuluyan. Hindi!”
“Malalaman at malalaman din ni Micea ang totoo.”
“Kung kasal na kami wala na siyang magagawa.”
“Sakim ka talaga Rian. Pag gising niya hindi na ako natatakot na sabihin sa kanya ang lahat.”
Dumating ang mga magulang ni Rian.
“Parating na ang mga magulang ni Micea pati ang lolo’t lola niya.” Naghintay lang silang lahat sa labas ng emergency room. Nasa gilid lang si Mon. Lihim na nagdadasal para sa kasintahan.
‘Loves, lumaban ka ha. Huwag kang bibitiw para sa akin. Mahal na mahal kita alam kong alam mo iyan’
Biglang lumabas ang doctor. Sinalubong kaagad nila ito.
“Sino po ba ang malapit na kamag-anak?” Tanong ng doctor.
“Sa amin po nakatira ang batang iyan. Parating na po ang mga magulang niya.” Sagot naman ng mommy ni Rian.
“Dati bang maysakit ang pasyente?”
“Opo! May amnesia po kasi siya.” Si Rian na ang sumagot.
“Baka dahil sa aksidente ay makaalala na siya. 50-50 pa ang chances. Pero oobserbahan namin siya, sa ngayon she is out of danger.”
Nabuhayan ng konti ang loob ni Mon sa narinig. Ibig sabihin kung magising ito may chance na siya ang maaalala nitong boyfriend niya at hindi si Rian. Sana naman loves para hindi na tayo mahirapan pa.
Kinahapunan ay dumating na ang mga magulang ni Micea. Hindi naglaon ay nakarating na din si Gina pati ang lolo’t lola ni Micea.
“Ano ba ang nangyari Rian?” Tanong ng Lolo ni Micea kay Rian.
“Itanong niyo sa lalaking iyan?” Galit na itinuro ni Rian si Mon. “Nahuli ko po silang dalawa na magkasama sa unit ni Micea.”
“Mon, alam mo namang magpapakasal na sina Rian at Micea. Bakit kayo magkasama?”
“Senior, mahal ko po si Micea at mahal din niya ako.”
“Hindi niya alam na mahal ka niya dahil wala naman siyang naaalala. Kay Rian siya magpapakasal. Umalis ka na.”
“Pero ayoko po! Gusto ko pong nandito ako sakaling gumising siya.”
“Huwag nang matigas ang ulo mo Mon. Sige na.”
Napilitang umalis si Mon ng hospital kahit ayaw niya. Labis siyang nalungkot na hindi na niya masisilayan pag gumising ang kasintahan.
Hatinggabi ng bahagyang gumalaw si Micea. Walang nakapansin sa kanya dahil natutulog ang lola, mama at tita Gina niya. May narinig siya na nag-uusap. Ang lolo at si Rian. Nasaan kaya ako? Ang sakit ng ulo ko! Bakit parang nasa hospital ako? Anong nangyari sa akin? Huling naaalala ko ay papunta ako ng graduation.
“Huwag kang mag-alala. Magpapakasal kayo kaagad paggising niya. Hindi na natin siya bibigyan pa ng pagkakataon na humindi.” Paggising? Ibig sabihin ako ang ipapakasal ni Lolo kay Rian? Kailan pa naging kami ni Rian? Nasaan kaya si Mon? Loves, miss na kita. Nasaan ka ba? Parang nasa Pilipinas na ako ah. Paano ako napunta dito?
“Baka tumutol na naman po si Mon?”
“Ako na ang bahala kay Mon.”
“Kung kinakailangang sabihin natin sa mapapangasawa niyang si Melet ang lahat ay gagawin ko para lang huwag siyang maging hadlang sa kasal niyo.” What? Magpapakasal si Mon kay Melet? Hindi pwede. Kasal na kami ni Mon. Anong nangyayari? Bakit parang ang gulo-gulo ng lahat. Ako ikakasal kay Rian samantalang si Mon kay Melet? Hindi ko natatandaang naghiwalay kami. Hindi ko din naaalalang naging boyfriend ko si Rian. Aray ang sakit ng ulo ko! Pakikiramdaman ko muna ang paligid. Gusto kong malaman ano ang nangyayari. Masyadong magulo.
Napansin siya ng dalawa.
“Kumusta na ang pakiramdam mo Sweetheart.” Sweetheart? Bakit kampante siyang tawagin akong sweetheart? Kainis hindi ko natatandaang naging boyfriend ko siya. Sa mga kilos at salita niya parang kami nga.
Biglang dumating ang doctor.
“Hi Micea. Ok ka na ba? Sa tingin mo may naaalala ka na?” Naaalala? Anong ibig sabihin ng doctor na may naaalala? Bakit?
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Nagkaamnesia ka kasi. Gusto naming malaman kong may naaalala ka na sa nakaraan mo?” Ano? Kaya pala hindi ko matandaan kung naging kami ba ni Rian? Hiniwalayan ko kaya si Mon? Sana naman hindi. Mahal ko nandito na ako.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


