Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 17
Maagang sinundo ni Larry si Kath. Masaya nilang sinalubong ang isa’t isa.
“Mhine, good morning.” Sabay halik kay Kath nang kumalas na ito ng yakap sa kanya.
“Nagtatampo talaga ako sa’yo kagabi. Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba sa’yo kagabi?” Kunot pa din ang noo nito.
“Wala naman Mhine. May ginawa lang ako bago kita tinawagan.”
“Hindi ka naman ganyan a. Inuuna mong mag-usap tayo kaysa sa mga homeworks.” Nagtatampo pa din ang boses nito.
“Kalimutan mo na iyon. Ikaw talaga napakamatampuhin mo. Sige ka papangit ka niyan.” Biro pa ni Larry pero hindi talaga ito ngumingiti.
“Sorry na. Hindi na mauulit. Tayo na baka ma-late ka pa.” Biglang may nagtext kay Kath.
- ‘G4d m7g!’
“May topak yata itong nagtext sa akin.”
“Bakit?”
“Tingnan mo. Ano kaya ito? Talaga naman o. Dumarami yata ako ng mga walang magawa sa buhay ngayon.” Natuwa si Larry dahil lumiwanag na ang mukha ng kasintahan.
“Burahin mo na lang.” Suhestiyon naman ni Larry.
“Ok.” Binura na niya ito pero nagsisi niya ng maalala si Jerick. Bakit ko binura? Kainis naman o. Dismayadong nasabi niya sa sarili. Baka si Jerick iyon pero ano naman ang ibig sabihin nun?
Nang nasa school na siya ay nakita niya si Erika kaya kinausap niya ito.
“Erika, pwede ka bang makausap kahit sandali lang?” Simulang sabi niya rito.
“Oo naman. Ano iyon Kath?” Walang pagtutol na sabi nito.
“Tungkol sana kay Jerick.” Diretsong sabi niya dito na ikinataas ng kilay nito.
“Huwag ka nang makialam sa amin Kath. Labas ka na dun.”
“Pero Erika nasasaktan mo ang boyfriend mo.” Tatalikod sana ito pero nagpahabol siya.
“Bakit? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan ha?” Pasigaw pa ang pagkakasabi nun.
“Kung nasasaktan ka bakit mo ginagawa ito?”
“Kath wala kang alam sa damdamin ko kaya pwede ba huwag ka na lang makialam. Problema namin ni Jerick to.”
“Huwag mo namang hiwalayan ang boyfriend mo o, nagmamakaawa ako.” Kahit masakit para sa kanyang gawin ay hiniling pa rin niya.
“Bakit ba ganyan na lang ang malasakit mo kay Jerick? Mahal mo ba siya?” Nabigla siya sa tanong nito pero bumawi kaagad siya.
“Hindi ko mahal si Jerick. Mahal ko kayong pareho at nasasaktan ako sa nakikita ko dahil nakita ko noon kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa. Anong nangyari? Bakit bigla-bigla na lang nawala ang pagmamahal mo sa kanya?”
“Dyan ka na nga. Wala kang kwentang kausap.”
“Erika… Sandali!” Hindi na talaga ito nagpapigil pa. Dire-diretso itong bumaba ng hagdan. Nasa room kasi sila sa klase nilang Filipino na nasa 5th floor.
Tumunog ulit ang cell niya.
- N6n k2a?
Nagtext na naman iyong hindi malaman kung nagkavirus ba ang cellphone.
- Si Jerick ito Kath.
Lumaki ang mata niya ng makita ang sumunod na text. Sinasabi ko na nga ba. Pero hindi ko naiintidihan mga messages niya.
- Hindi ko magets Jerick.
- Ganito lang iyan. Naisip ko na iyong first and last letter lang ilagay ng word tapos ang panggitna ay number of letters ng salitang iyon. Try mo nga ito.
- I1 m4s y3o (Bahagya niyang pinag-isipan ang huling text nito. I1 meaning nagsisimula sa I at iisang letra lang meaning I…tapos second word nagsisimula sa m nagtatapos sa s at apat na letra miss? Ang pangatlong letra ay nagsisimula sa y at nagtatapos sa o kaya ibig sabihin you? I miss you?)
- I miss you?
- I miss you too Kath. (Kapal nito ako pa ang napagbintangang namiss ko siya. Totoo naman e.)
- So yon ang meaning nung last text mo?
- Yes. So next time na gusto mo magtext sa akin gamitin mo lang ang code natin.
- Sure. Grabeh! Paano mo naman naisip ang ganyang concept? E paano kung magkamali ako ng interpretation?
- Basta na lang pumasok sa isip ko. We just say c for copy and nc for not copy kung d ka sigurado.
- Okay?
- Tingnan mo masasanay ka din pag lumaon.
- Mamayang gabi text tayo as practice. Okay ba?
- Sure.
- Sige pasok na’ko. Ingat ka Kath.
- Ingat din Jerick. (I miss you talaga pwera biro. Naexcite siya para mamayang gabi.)
Kinahapunan ay namasyal silang dalawa ni Larry. Half day lang ang klase nilang dalawa kaya nagpasya silang magbonding. Nagpunta sila ng mall, nanuod ng sine at kumain pa sa labas. Masayang masaya silang dalawa.
Nang maihatid na ni Larry si Kath ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya sinabi ng mama nito na sa bahay na lang nila matulog si Larry. Hindi naman tumutol si Kath dahil minsan na silang nagkasama sa pagtulog ng boyfriend. Kampante din naman ang mga magulang ni Kath kay Larry kaya hindi sila nagdadalawang isip kahit magkasama pa ang dalawa sa pagtulog.
“Ma, dito po ako magpapalipas ng gabi kina Kath kasi mukhang hindi titila ang ulan e.” Tinawagan niya ang ina para ipaalam na sa bahay siya ng nobya matutulog.
“Nag-aalala nga ako sa’yo kung may masasakyan ka bang pauwi. Mabuti naman at nandyan ka pala kina Kath. Akala ko saan ka na nagsuot.”
“Huwag po kayong mag-alala. Safe naman po ako. Dito na po ako matutulog.”
“O sige anak. Ingat ka palagi. Ikamusta mo na lang ako sa mga magulang ni Kath.”
“Opo mom.”
Ngayon sana kami magtetext ni Jerick pero paano kung andito si Larry. Bukas ko na lang siya itetext back baka makahalata si Larry. Alam kong maiintindihan din naman ni Jerick kapag ipinaliwanag ko sa kanya. Dismayadong sabi ni Kath sa sarili habang nakatingin kay Larry na nasa telepono.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



December 10th, 2009 at 9:03 am
tambay mode..hehe
p update po!!!
December 10th, 2009 at 7:10 pm
hello Emily,
Sorry kung hindi nakapag-update dito ah kasi tinatapos ko na ang Tayo Hanggang Huli… Tumitindi na kasi ang mga kaganapan doon e.. Heheheh…
Ingat po kayo lgi!
December 12th, 2009 at 2:57 am
hello po again. nandito na po ako ulit. haha. nakakabadtrip po ang palipat lipat ng page… pa request naman po… pwede po ba isend niyo nalang sa mail ko yun full length writing ng chapter one hanggang saan man po yun pwede niyo isend… please po… salamat po kung mapapaunlakan niyo ako. thanks po ulit.