IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Treasure of Mine Chapter 18

08.12.2009
07:13

Kapansin-pansin ang extra sweetness na ibinibigay ni Axel kay Julie. Lahat iyon ay nasaksihan ni Mika.
“Hon, gusto mo ng manggang hilaw, isusungkit kita?” tanong ni Axel kay Julie. Kasalukuyang silang nasa bakuran at nagpapahinga.

“Mas masarap sana kong may bagoong!” sagot naman ni Julie.

“Don’t worry hon, nagpabili na ako ng bagoong kay Leo. Alam ko kasing gustung-gusto mo ng mangga kapag isinasawsaw sa bagoong na may sili eh. O ano, magsusungkit na ako.”saad ng binata.

“O sige hon, ‘yong malalaki ha!”

Nakikinig lang si Mika sa pag-uusap na iyon ng dalawa. Pero nasasaktan siya sa tuwing naglalambingan ang mga ito sa harap niya.

“Hon, meron pa doon sa bandang itaas o!” sabay turo ni Julie.

“Huwag kang mag-alala, kukunin ko lahat iyan.”

Pasimpleng napatingin si Mika sa dalawa. Huling huli niyang matamis na nagkatitigan ang mga ito.

Hindi mo kasi siya ipinaglaban eh…sigaw ng puso niya.

Paano ko siya ipaglalaban eh, ginawa lang naman niya akong panakip butas habang wala si Julie… himutok niya sa puso niya.

Hindi iyan magtatapat ng pag-ibig sa iyo kung wala siyang nararamdaman…ayaw talagang magpatalo ng puso niya.

Ewan ko naguguluhan na ako.

Pero wala na rin akong magagawa, sila na ni Julie. Napakasama ko namang kaibigan kong aagawin ko si Axel sa kanya.

“Bakit? Tinanong mo na ba sila kung sila na nga? Hiyaw naman ng isip niya.

Kailangan pa bang itanong iyon? Halatang-halata naman sa kilos at pananalita nila eh.

“sis, halika dito!” tawag sa kanya ng kaibigan

“Andaming nakuhang mangga ni Axel oh, banatan na natin ito.” Dugtong pa nito

“Andiyan na.” sabay lapit niya sa dalawa.

“Hon, tikman mo ito,”sabay subo ni Axel kay Julie.

“Mmmm! Ang tamis” Hindi maipinta ang mukha ni Julie.

“Ganyan katamis ang pagmamahal ko sa iyo.” Sagot naman ng binata.

Gusto ng maiyak ni Mika sa tagpong iyon. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso.

“Sis, papasok muna ako ha! Nakalimutan kong tatawagan ko pa pala si nanay.” Pagdadahilan niya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito.

“Tama ba itong ginagawa natin?” tanong ni Julie kay Axel pagka alis ng kaibigan.

“Alam kong hindi, ngunit kung ito lang ang tanging paraan para maamin niya kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman. Kailangan nating gawin.” Sagot naman ng binata.

“Naawa na ako sa kaibigan ko, alam kong nasasaktan na siya.”

“Wala na tayong magagawa, kailangang matutunan niyang magmahal nang lubos nang sa gayon ay makalimutan niya ang kanyang nakaraan at mapatawad niya ang taong nagdulot ng sugat sa kanyang puso.”

“Paano kung hindi niya aaminin ang damdamin niya. Kilala ko ang kaibigan ko, Axel. Mas gugustuhin pa nun ang masaktan kaysa ako ang magdusa.”

“May naisip na akong paraan para mapaamin natin siya.”

“Ano iyon?” Tanong ni Julie.

At inilahad ni Axel kung ano ang kanilang gagawin.

”That’s too much, Axel!” salungat ng dalaga sa planong iyon ng binata.

“But we don’t have any choice…as much of me that I don’t have enough time! I’ll be going back to the State next week. Kaya kailangan ko ng gawin ang dapat kong gawin.” Paliwanag ng binata.

“Pero masyado siyang masasaktan sa gagawin nating ito. Alam kong mahal ka niya, kahit hindi niya pa sabihin sa akin, nararamdaman ko. Pero dahil mahal ko ang kaibigan ko, sige, pumapayag na ako, ngunit ipangako mo sa akin na ito na ang huli.”

“Salamat Julie, pangako ito na ang huli.” Sabay yakap niya sa dalaga.

Hindi alam ng dalawa na may mga matang nakamasid sa kanila. Kanina pa nakasilip si Mika mula sa bintana ng kanyang silid. Tahimik siyang lumuluha habang pinapanood ang dalawa.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme