Tayo Hanggang Huli Chapter 37
Kinabukasan ng gabi ay pinuntahan ni Micea si Rian pero wala ito dahil may importante daw na business meeting sabi ng mommy niya kaya hindi niya nasabi dito ang pakay niya. Umuwi na lang muna siya sa tinutuluyan. Nanduon na si Mon naghihintay sa kanya.
“Nasabi mo ba?” Tanong ni Mon kaagad sa kanya pagdating niya.
“Hindi e. Wala siya sa bahay nila. May dinaluhan daw na business meeting. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nahihiwalayan.”
“Sorry ha.”
“Bakit ka nagsosorry?”
“Kasi naduduwag pa akong aminin kay Melet ang sa atin. Ayoko kasing paghiwalayin na naman nila tayo.”
“Naman? Ibig-sabihin pinaghiwalay na nila tayo noon?”
“Naengage kasi ako sa kanya noon e pero ikaw ang gusto ko kaya ayun hindi pwedeng maging tayo. Mahal na kita noon pa.” Desidido na si Mon na ipagtapat ang lahat kay Micea.
“Mahal ba kita noon?”
“Oo. Palihim pa nga tayong nagtatagpo. Tulad ngayon.”
“Tama na Mon. Naguguluhan ako masyado.” Napahawak siya sa kanyang noo. Nataranta namang lumapit kaagad si Mon sa kanya.
“Sumasakit na naman ba ang ulo mo loves?”
“Hindi naman. Pinipilit ko lang maalala ang mga sinabi mo.”
“Huwag mo na munang isipin. Maaalala mo din lahat pagdating ng panahon.”
Rian’s Side:
Pagkatapos ng meeting sa mga kliyente ay nagpasya siyang dumalaw kay Micea. Sosorpresahin niya ang kasintahan. Binigyan din siya ng susi ng kasintahan sa unit nito kaya makakapasok siya.
Dahan-dahan siyang pumasok sa unit ni Micea para kung sakaling natutulog na ito ay hindi niya magigising. Dumiretso siya sa kwarto nito dahil wala nang gumagalaw sa paligid kaya tiyak niyang nasa silid na ito at nagpapahinga. Alas-onse na din kaya sigurado siyang natutulog na ito.
Pinihit niya ng marahan ang pintuan ng kwarto nito. Bumagsak ang mundo niya sa nasaksihan. Sina Mon at Micea mahimbing na natutulog. Magkayakap pa ang mga ito.
Totoo pala ang hinala ko. Nagkabalikan na kayong dalawa. Anong nagawa ko sa’yo Micea para pasakitan mo ng ganito? Hindi niya naramdamang may dumaloy na mga luha sa pisngi niya. Nagpasya siyang umuwi na lang. Hindi niya muna kokomprontahin ang kasintahan. Baka hiwalayan siya nito hindi niya kakayanin. Kahit pa kahati niya si Mon basta sa isip ni Micea siya ang boyfriend nito ay okay lang. Bibilisan ko na lang ang kasal namin ng sa gayun mas magiging may karapatan ako sa kanya kaysa kay Mon.
“O anak nakarating ka na pala?” Sinalubong siya ng mommy niya sa may pinto.
“Good evening ma.” Malungkot niyang bati sa ina.
“Nagpunta dito si Micea kanina hinahanap ka.”
“Ano po daw ang kailangan niya ma?”
“Hindi sinabi e. Sabi importante daw na makausap ka niya. Bakit parang matamlay ka?”
“Pagod lang po ako ma. Sige po. Magpapahinga na po ako.”
“Ok hijo. Good night.”
“Good night din po.” Humalik pa siya sa pisngi ng ina bago tuluyang pumasok na sa sariling silid.
Nang nasa sariling silid na siya ay halos ihagis niya ang larawan nilang dalawa ni Micea. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ng ganun ni Micea. Kaya pala gusto nitong lumipat ng tirahan ay para makapagsarilinan sila ni Mon.
Minahal naman kita Micea pero bakit ako di mo matutunang mahalin? Ano bang kulang sa akin? Ano bang meron si Mon na wala ako? Minahal kita ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ni Mon sa’yo kung iyon ang pag-uusapan. Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat kung hihilingin mo. Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa’yo.
Kinaumagahan ay tumawag kaagad siya sa ninong Bernardo niya.
“Ninong, pumunta na po kayo dito para maset na po natin ang kasal. Hindi ko na po patatagalin ang kasal namin baka maunahan pa po ako ng iba.”
“Ok Rian. Sa susunod na linggo pupunta na kami dyan. Huwag kang mag-alala.”
“Salamat po ninong.”
Tinawagan niya si Micea pagkababa ng telepono.
“Hi Sweetheart.” Kahit nagtatampo siya ay hindi niya ipinahalata iyon.
“O hi Sweetheart! Good morning.” Masayang bati din nito sa kanya. Kung pakikinggan mo parang wala talagang nangyayari.
“Nagpunta ka raw dito kagabi? Ba’t di mo man lang sinabi ng nakauwi sana ako ng maaga. Importante ba?” Nais niyang malaman kung ano ang plano ng kasintahan. Hinihiling niya na sana mali ang hinala na makikipaghiwalay na ito sa kanya.
“Wala. Namiss lang kita.” Nakahinga siya ng maluwag.
“Gusto mo puntahan kita dyan ngayon?”
“Ha? A e. Mamaya na lang.” Narinig ko sa boses nito na nagpanic ito kaya sigurado akong nanduon pa si Mon.
“Ok. Sige see you this afternoon. I miss you!” Pero ang plano ko ay sugurin na sila ngayon. Hindi ako magtitiis. Kailangan ko na silang komprontahin.
“Ok. I’ll wait for you this afternoon. I miss you too!”
“I love you very much sweetheart.”
“I love you very much also sweetheart!”
Mon and Micea:
“Loves, pagkatapos mong magbihis umuwi ka na ha.”
“Bakit?” Kalalabas lang nito mula sa shower.
“Kasi darating si Rian mamayang hapon baka magpang-abot kayo.”
“E di mabuti nang magkalinawan na.”
“Baka magkagulo kayo. Gusto kong ako muna ang kakausap sa kanya.”
“Sige! Bihis lang ako.”
Kasalukuyan silang kumakain ng may kumatok. Nagulat sila.
“Sino kaya iyan? Sana naman hindi si Rian.” Kabadong tinungo ni Micea ang pinto. Nakita nila ang nag-aapoy sa galit na si Rian habang nakatingin kay Mon na nasa mesa.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


