Treasure of Mine Chapter 15
“Dahil sa iyo” deretsong sagot nito na titig na titig sa kanya.
Hindi inaasahan ni Mika ang sagot na iyon mula sa binata.
“Ano?”
“Dahil sa iyo kaya hindi ako makatulog”
“Ano naman ang kinalaman ko dun?” kinakabahang tanong ng dalaga.
“Hindi ka kasi maalis sa isip ko.”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo? Ang mabuti pa’y umakyat na ako sa silid ko.
“Mika, pls. mag-uasp muna tayo” pakiusap ng binata.
“Wala tayong dapat pag-usapan Axel”
“Meron, marami. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas.”
Nagulat si Mika sa narinig niyang iyon.
“Ako? Bakit ako?” naguguluhang tanong niya.
“Unang kita ko pa lang sa larawan mo ay may naramdaman na akong kakaiba. Akala ko ay simpleng paghanga lang iyon, ngunit habang tumatagal ay lalong nagiging masidhi ang nararamdaman ko para sa iyo, kahit sabihin pang sa larawan lang kita nakita. Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman kong iyon. Nakipag date ako sa kung kani-kanino, ngunit sa tuwing tinititigan ko sila ay mukha mo ang aking nakikita. Hanggang isang araw ay nagising na lang ako na ikaw ang aking hinahanap-hanap at hindi ko na kakayanin ang isa pang araw na lumipas na hindi kita makita. At nung araw na iyon sa airport, walang pagsidlan sa galak ang puso ko ng ikaw ang sumundo sa akin.
“Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin?
“Dahil natatakot ako na baka hindi mo ako mahalin dahil sa nasaktan ka na ng isang lalaki.”
“Lalaki? Sinong tinutukoy mo?”
“Yong lalaking kinamumuhian mo. Kitang-kita ko sa mga mata mo kanina ang pagkamuhi at galit na nararamdaman mo. Hindi naman lahat ng lalaki ay katulad niya kaya bigyan mo sana ako ng pagkakataon na ipakita sa iyo kung gaano kita kamahal.”
Hindi makasagot si Mika nagtatalo ang isip at puso niya. Sinasabi ng isip niya na hindi niya maaring tugunin ang damdaming iniluluhog ng binata dahil nandiyan si Julie at ang nangyari sa kanyang ina. Samantalang ibinubulong naman ng puso niya na panahon na para palayain niya ang kanyang nararamdaman at maranasang lumigaya.
Ngunit paano ako liligaya kung alam kong may isang taong masasaktan ng lubusan…sagot niya sa kanyang puso.
“I’m sorry Axel, pero hindi ko kayang tugunin ang damdamin mo para sa akin”, at tuluyan na siyang tumakbo patungo sa kanyang silid.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


