IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Tayo Hanggang Huli Chapter 35

05.12.2009
07:27

Loves, buti naman naisipan mong lumabas.” Masayang nasabi ni Mon sa kasintahan.

Hinintay ko lang na matulog sila.

Akala ko nagtatampo ka pa rin sa akin.

Natatakot lang kasi ako baka matuloy ang kasal niyo ni Melet. Hindi ako papayag.

Hindi iyon matutuloy loves pangako. Siyangapala, sama ka sa akin.

Hindi pwede baka mahalata ni Rian na wala ako. Minsan pa naman chinecheck niya ako sa kwarto ko. Bukas na lang magkita tayo.

Ok. Sige bukas magkita tayo. Miss na kita.” Hahalik sana ito sa kanya pero lumayo siya.

Huwag. Baka may makakita. Umalis ka na bago pa mahalata ni Rian na lumabas ako.

O sige. Itetext na lang kita saan tayo magkikita bukas.

Ok, ikaw ang pumili ng lugar.” Smack lang ang iginawad niya dito at dali-dali nang pumasok. Natatakot kasi siyang baka mahalata ni Rian na lumabas siya. Madali pa naman itong magduda.

Kinabukasan ay napromote siya sa trabaho. Six months na din siya sa trabaho at iyon ang patakaran ng hotel kapag maganda ang performance pagdating ng six months ay pihadong promote kaagad.

Head manager na siya ng lahat ng hotel na pag-aari ng kumpanyang pinapasukan niya. Dahil sa uri ng magiging trabaho at responsibilidad niya sa lahat ng hotel ay binigyan siya ng sariling unit nito sa main hotel ng kumpanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na tinanggap iyon. Naisip niyang makakabuti iyon sa relasyon nila ni Mon.

Bakit mo tinanggap? Ayaw mo na bang tumira dito?” Galit na sabi kaagad ni Rian ng malaman ang balita.

Rian, hindi naman sa ayaw ko nang tumira dito. Parte ng trabaho ko iyon na dapat andun ako palagi para maasikaso ang lahat ng mga bagay-bagay.

Pero Micea, pwede ka namang umuwi dito gabi-gabi e. Hindi naman ganun kalayo ang bahay natin sa pinapasukan mo.

Nakapagdesisyon na ako Rian.

Hindi mo na ba ako mahal Micea?

Bakit mo ba ipinapasok lagi iyan kapag may desisyon akong ginagawa para sa buhay ko?

Dahil iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit ka lilipat.

No. Hindi totoo iyan. Lilipat ako dahil sa trabaho at wala nang iba pa. Bakit ba wala kang tiwala sa akin? Sinasakal mo ako Rian.

Mahal na mahal lang talaga kita kaya gusto kong nasa tabi mo palagi.” Lumapit ito at yumakap sa kanya.

Mahal din naman kita Rian kaya huwag ka nang magduda ok?

Paano kung makahanap ka ng iba sweetheart?

Rian naman. Ganun ba talaga kadesperada ang tingin mo sa akin na kahit na sino na lang papatulan ko?” Naiinis siya sa pagkawalang-tiwala nito. May point nga ito dahil kay Mon kaya siya nagdesisyon na lumipat pero kahit noong hindi pa naging sila ni Mon ay ganun ito palagi. Isang milyong beses siguro niyang kinumbinsi na magtatrabaho siya pero iyon ang palaging sinasabi nito na baka makahanap siya ng iba o baka ipagpalit niya ito. Sa huli ay napapayag niya pero naiinis pa rin siya sa inaasal nito.

Sakal na sakal talaga siya sa pagiging seloso nito at napakamaduda. Ayaw niya ng ganuong relasyon. Walang tiwala sa isa’t isa.

Hindi naman sa ganun sweetheart. Takot lang ako.

Bakit ka natatakot? Ni minsan ba niloko kita? Sa tagal ng relasyon natin hindi ka pa din nagtitiwala sa akin.

May tiwala ako sa’yo. Sa mga lalaki sa paligid wala.

Ipinaliwanag ko na sa’yo iyan e. Sige mag-iimpake na ako.

Aalis ka kaagad?

Bukas.

Bakit naman ang dali?

Kasi sabi ng boss ko na kailangan magreport na ako sa main hotel bukas kaya lilipat na ako kaagad. Pwede ka namang dumalaw sa akin kahit kailan mo gusto e.

O sige. Payag na ako. Dadalawin kita ng madalas. Dumalaw ka din dito ha.

Oo naman.” Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya. Naiwan si Rian na nasasaktan sa kakaibang pakikitungo ni Micea sa kanya. Minsan sumasagi sa isip niya na baka nagkabalikan na sina Micea at Mon kaya ang tabang ng pakikitungo ng girlfriend niya sa kanya. Baka nangyari iyon sa Davao. Kailangan niyang magmasid.

Itinext ni Micea si Mon para ipaalam dito ang magandang balita. Makikipagkita sana siya sa kasintahan pero hindi na lang kasi kailangan niyang mag-impake. Inisip na lang niya na imbitahan ito na doon matulog kinabukasan sa lilipatan niya.

Mon: Talaga loves, ang galing a.

Micea: Oo e. Hindi nga ako makapaniwala na mapopromote ako. Hindi ko inaasahan talaga.

Mon: Payag ka ba kung madalas akong matulog sa unit mo?

Micea: Oo naman. Kahit gabi-gabi pa basta bago ka pumunta kailangang kumontak ka baka magpang-abot kayo ni Rian at mahuli niya tayo.”

Mon: Oo pangako! Hindi ako susulpot na lang bigla. I love you.

Micea: I love you too. Mwaaaaaaaahhhh..

Kinabukasan ay naghahanda na siyang lumipat sa unit na ibinigay sa kanya ng kumpanya. Naluluhang pinigilan siya ng mommy ni Rian pero wala na silang magagawa dahil desidido na siya sa gagawing paglipat. Pinangako na lang niya ang madalas na pagdalaw sa bahay ng mga ito.

Heto po ang magiging kwarto ninyo.” Sabi ng assistant manager ng hotel na iyon. Siya kasi ang magiging manager sa main hotel.

Napakaganda naman! Tanging naibulalas niya ng makita ang unit niya. Hindi ordinaryong hotel room ito. May sala, kitchen, one bedroom at tsaka may terrace pa na hindi maliit kundi may patio furniture pa. Para talagang bahay ang unit na ibinigay sa kanya.

Loves papunta na ako.

Nagtext si Mon kaya excited niyang hinintay ang kasintahan. Habang naghihintay ay inayos muna niya ang mga gamit. Namiss na niya ang kasintahan.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme