IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Treasure of Mine Chapter 10

01.12.2009
02:45

Hindi maitago ni Mika ang takot at nerbiyos na nararamdaman ng lulan na sila ng eroplano. Kitang kita sa kanyang mukha, namumutla na siya ng magsimulang umangat ang eroplano sa himpapawid. Napakapit siya sa bisig ni Axel habang nakapikit.

Nagulat si Axel ng maramdaman niyang biglang napayakap ng mahigpit ang dalaga sa kanyang braso.

“Are you ok?”nag-aalalang tanong niya dito.

Iling lang ang isinagot ng dalaga dahil sobra na itong naliliyo.

“Ok, just relax, I’ll call for an assistance” at sinenyasan nito ang stewardees na nakita.

“Hindi ko na kaya” ang naghihinang wika ng dalaga habang tutop nito ang bibig.

“Wha…”hindi na naituloy ng binata ang sasabihin dahil nasukahan na siya ni Mika.

“Oh my…..”biglang napatayo ang binata..

Siya namang paglapit ng stewardees na tinawag.

“What happened sir?’ tanong nito.

“Nahihilo itong kasama ko at sumuka. Pls, take care of her… I’ll just clean up myself.” Sabi niya dito at tinungo na ang restroom para maglinis.

Pagbalik ni Axel sa upuan nila ni Mika ay naabutan pa rin niya ang stewardees, may ipanapaamoy ito na kung ano sa dalaga.

“Don’t worry about your girlfriend Sir, she will be alright. Pinainom ko na siya ng gamot para sa pagkaliyo at pinaamoy ko na rin siya ng white flower. Just let her rest.” Saad ng stewardees at magalang na itong nagpaalam sa kanya.

Napagkamalan pa kaming magnobyo… napangiti si Axel sa isiping iyon.

Walang ginawa si Axel sa buong byahe nila kundi ang titigan ang napakaamong mukha nito.

“My angel” bulong niya dito.

“Wake up sleepy head” mahinang pukaw ni Axel sa dalaga. Ayaw man niyang gambalain ito ay kailangan.

Unti-unti namang idinilat ni Mika ang kanyang mga mata. Napansin niyang nakayakap ang kamay ni Axel sa kanya, habang siya naman ay nasa dibdib nito.

Bigla siya napaupo ng tuwid.

“Nasa Zamboanga na ba tayo?”tanong niyang ngunit nanatitiling nakayuko. Nahihiya siya sa binata.

“Oo, tayo na nga lang ang natitira rito sa loob ng eroplano”. Saad nito

“Ha?”Gulat na sabi niya. Napalinga siya sa paligid, at nakitang wala na ngang naiwan doon maliban sa kanila.

“Ba’t hindi mo man lang ako ginising?” paninisi niya pa sa binata.

“Nakakahiya na man kasi kong gigisingin kita, para ka kasing anghel eh.” Saad nito

Namula ang dalaga sa sinabing iyon ng binata.

“Ang mabuti pa ay bumaba na tayo at siguradong nasa ibaba na ang sasalubong sa atin.” Yaya nito sa dalaga.

“Hanggang kailan ba tayo dito?” tanong ng dalaga ng makababa na sila

“Kadarating pa nga natin, ay iyan kaagad ang itinatanong mo” may pagtatampong sabi nito.

“Hindi naman sa ganun kaya lang…”wala siyang maisip na idadahilan.

“Kaya lang ay ano? Ang mabuti pa’y huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa, mag enjoy na lang tayo. Remember this is your vacation, hayaan mo, sisiguruhin kung magiging memorable sa iyo ang mga sandaling ilalagi mo dito. Pangako iyan,” seryosong wika nito sa kanya.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga.

“Sige na nga” anang ni Mika.

“That’s my girl” ang malakas na bulalas ni Axel.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme