IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Archive for December, 2009

Together Forever Chapter 1

31.12.2009
18:05

Happy Moments

Part II

“O kayong dalawa, kailan ba kayo magpapakasal?” Baling naman ni Troy kay Tyrone at Ashiel.

Nagkatitigan sina Tyrone at Ashiel. “Gusto ko na nga din e para magkaroon na kami ng Andrew sa buhay namin, hindi iyong nanghihiram lang kami.” Sagot naman ni Tyrone. “Pero naghihintay lang ako ng tamang panahon.”

“Huwag muna Tyrone, hintayin mo munang magkagirlfriend ako kasi mas lalo akong mapag-iiwanan niyan e.” Pabirong tutol ni Andree sa sinabi ng kaibigan.

“Hindi pa namin pinag-uusapan ang magsettle in kaya huwag kang mag-alala Andree baka maunahan mo pa kami.” Wika naman ni Ashiel.

Madami pa silang napagkukwentuhan. Nadako sa mga panahong iniwan ni Liz si Troy. Sinabi ng mga kaibigan kung gaano nasaktan si Troy noong iniwan niya ito. Inamin din ni Liz kung gaano kasakit sa kanya ang gawin kay Troy iyon dahil mahal na mahal niya ito.

Nadako kay Andree at sa babaeng mahal nito. Kahit anong pilit nilang ipaamin rito kung sino iyon talagang napakatigas nito. Nadako din sa mga girls na iba-iba nitong kasama gabi gabi.

Naging seryoso ang pagkukwento nina Tyrone at Ashiel ng mapadako noong panahong unang nakilala nila ang isa’t isa.

- Nagkakilala sina Tyrone at Ashiel noong minsang magperform sila sa Mall of Asia. Nagmamadali si Ashiel ng araw na iyon. Napansin ni Tyrone na nahulog ang panyo ni Ashiel sa pagmamadali kaya pinulot niya ito. Makailang beses na niya itong tinawag pero di siya narinig nito kaya sinundan niya.

Nagpunta si Ashiel sa basement ng isang gusali dahil doon pala nakaparada ang kotse niya. Madilim-dilim kaya hindi niya agad nakilala si Tyrone na siya iyong dancer at artistang si Tyrone Cristobal, tuloy sinabihan niyang manyak at nagsisisigaw siya.

“Anong gagawin mo sa akin? Tulong! Tulong!” Takot na sigaw ni Ashiel ng makita ang papalapit na si Tyrone. “Huwag kang magkakamali kundi ipapupulis kita. Manyak!”

“Anong manyak? Hoy, huwag kang feeling ha. Nalaglag mo lang itong panyo mo. Napakadesperada mo.” Pang-aasar ni Tyrone sa kanya.

“Aba! Ako desperada? Hoy kahit wala pa akong boyfriend sa edad kong ito hindi ako desperada noh. Swerte lang ng guy na pagkakalooban ko ng pureness ko.” Inis na hinawakan pa ni Ashiel ang puso niya.

Nang-aasar na tumawa si Tyrone bagay na lalong ikinainis ng dalaga.

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?”

“Bakit masama bang tumawa? Heto na nga ang panyo mo.” Pahagis na ibinigay ito ni Tyrone sa kanya. May dumaang kotse kaya nailawan ang mukha nilang pareho at tumambad sa mga mata nila.

“Tyrone Cristobal?” Maang na sabi ni Ashiel.

“Yes, ako lang naman.” Pagmamalaking sabi ni Tyrone. “Dyan ka na nga, sakit mong magsalita. Sa buong buhay ko wala pang nagsabi sa akin ng salitang manyak, isang desperada lang na katulad mo ang nakayang magsabi sa’kin noon.” Tumalikod na si Tyrone pero hinabol siya ni Ashiel.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Hinawakan pa ni Ashiel ang siko niya.

“Sa susunod, huwag kang masyadong feeling. Madilim lang e feeling mo na kaaagad na may gagawing masama sa’yo…” Nagpatuloy sila ng paglalakad hanggang sa nakalabas sila ng gusali. Napatigil si Tyrone sa paglalakad ng tuluyan niyang nasilayan ang mukha ng dalagang kaharap.

“O bakit? Huwag mong sabihing sa maliwanag mo gagawin?” Nang-aasar na sabi ni Ashiel kay Tyrone ng makitang natigilan ito at nakatitig lang sa kanya.

“Desperada talaga.” Kunwaring sabi ni Tyrone pero talagang natuwa siya sa gandang taglay ng babaeng kaharap. “O siya sige, since kanina pa tayo nagdadaldalan anong name mo?” Pasimpleng pagpapakilala ni Tyrone. Hindi siya nagpahalatang gusto niya itong makilala.

“Bakit ko naman sasabihin sa’yo ang name ko?” Kunwari ay ayaw ibigay ni Ashiel ang name niya pero kinikilig na siya ng husto. Isa siya sa mga fans ng lalaking kaharap. Gustung-gusto niyang nagpeperform ang tatlo. Kaya nga nandun siya sa mall of Asia kanina para lang panoorin sila. Tinawagan siya ng mommy niya na umuwi kaya nagmamadali siyang umalis pagkatapos na pagkatapos ng performance nila.

Hindi niya aakalain na makakatagpo at makakausap ang isang hinahangaan niyang Tyrone John Cristobal.

“Feeling mo talaga. Dyan ka na nga.” Tatalikod na sana si Tyrone ng isigaw niya ang pangalan niya.

“Ashieeel!”

“Anong name mo?” Humarap ulit ito sa kanya.

“Sinabi ko na hindi ko na uulitin.” Pang-iinis niya rito pero sumeryoso ito at tumitig sa kanya.

“My name is Tyrone. Anong name mo?” Inilahad pa ni Tyrone ang kamay niya. Kinakabahan ng husto si Ashiel. Natutunaw siya sa mga titig na iyon ni Tyrone. Parang may kumikiliti sa puso niya. Kahit ganun ang pakiramdam ay hindi niya ipinahalata sa binatang kaharap.

“Ashiel Salvador. Call me Ashiel.” Sagot niya na tinanggap ang kamay ng binata.

“Nice to meet you Ashiel.”

“Same to you.”

“Saan ka ngayon?”

“Uuwi na ako kasi tumawag mom ko, pinapauwi ako.”

“Ah ganun ba. Hatid na kita.”

“Huwag na kasi dala ko ang kotse namin.”

“Ok. Pwede mahingi ang cellphone number mo?”

“Sure.” At nagpalitan sila ng cellphone number.

Hindi malaman ni Tyrone ang sariling damdamin pero that was the first time na nakipagkilala siya na bumilos ang tibok ng puso niya. Ito na kaya iyong sinasabi ni Troy na kakaibang feeling nung nakita niya ulit si Liz? Siya na kaya ang magpapa-one man-woman sa akin? Ashiel! Naiisip niya habang papaalis ang babaeng kakakilala lang.

Habang nasa kotse ay hindi maiwasan ni Ashiel ang kiligin ng sobra. Hindi niya talaga inakalang makikilala niya ang matagal na niyang pinapangarap na si Tyrone. Biglang nagbeep ang cellphone niya.

Take care. Sana makita pa kita ulit. – Tyrone

Gusto na talagang lumabas ng puso ni Ashiel sa text na iyon ni Tyrone. Makailang beses niyang ginising ang sarili dahil baka nananaginip siya. Sinampal-sampal pa niya ang pisngi, nasasaktan siya kaya ibig sabihin totoo. Ayeee! Parang teenager at kinikilig niyang sambit sa sarili.

Pakanta-kanta pa si Ashiel habang papasok sa bahay nila.

“Mom, alam mo ang ganda-ganda niyo at nagpapasalamat akong nagmana ako sa inyo.” Parang nakalutang pa sa alapaap na sabi ni Ashiel habang hinahalikan ang ina.

“Anong nakain mo?” Nakangiting tanong naman ng mommy niya.

“Wala lang po.” Nakangiti pa rin niyang sagot.

“Naku maam galing po iyan ng mall of asia. Nanuod na naman po iyan ng performance nina Troy, Andree at Tyrone.” Sabat ng katulong nilang si Raquel na kaedad at close niya. “Gwapo ba talaga si Troy? Sa harap ka di ba? Nahawakan mo ba ang katawan?” Kinikilig pa na sunud-sunod na tanong nito.

“Magtigil nga kayong dalawa dyan. Hanggang pangarap ka na lang talaga sa tatlong iyon Ashiel dahil kahit kailan hindi kami papayag na magkarelasyon ka ng isang artista.” Sabi ng mommy niya na ikinatahimik nilang dalawa ni Raquel.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Together Forever Chapter 1

31.12.2009
18:02

Happy Moments

Part I

Kasalukuyang binyag ng anak nina Troy at Liz. Magkasama na naman ang barkada nila. Tulad ng inaasahan kinuha ng mga ito na ninong sina Andree at Tyrone samantalang ninang naman si Ashiel. Mas excited pa nga ang mga ito kaysa sa mag-asawa sa binyag ng anak nila. Liban sa tatlo ay napakarami pang ninong at ninang ang kinuha nila.

“Gurl, kumpleto na ba ang mga gamit ni baby Andrew?” Tanong ni Ashiel kay Liz ng papalabas na sila ng bahay.

“Dy, inilagay mo naman lahat iyong inilapag ko sa kama di ba? Lahat ng iyon kailangan ni baby Andrew.” Baling naman nito kay Troy.

“Oo nilagay ko lahat My. Chineck ko na ang checklist ng mga kailangan niya para sakaling matagalan tayo ng uwi e may mga extra clothes, diaper at gatas si baby.” Sagot naman nito.

Sumakay na sila sa kotse at tinungo na nila ang simbahan. Habang papunta ng simbahan ay tumatawag si Tyrone kay Ashiel.

“Babes papunta na kami.” Sabi kaagad ni Ashiel sa nobyo.

“Bilisan niyo kasi miss na kita baby.” Naglalambing na sabi naman ni Tyrone.

“Asus, ito talaga. Nagkita naman tayo bago ako pumunta dito ah. Bolero ka talaga babes.” Natatawang sabi naman ni Ashiel.

“E totoo namang namimiss na kita. Alam mo namang isang minuto lang na hindi kita nakikita, e miss ko na kaagad na masilayan ang kagandahan mo.”

“Naku talaga. Napakalaki na ng puso ko sa mga papuring iyan.”

“I love you babes. Love you, love you!”

“I love you too babes. Malapit na kami ok?”

“Yehey.” Parang bata pa itong nasiyahan. Natatawa na lang si Ashiel sa boyfriend niya. Ganun talaga ito. Kahit sandali lang na hindi sila magkita ay tumatawag at chinicheck siya kaagad. Lagi naman siyang kinikilig sa nobyo dahil sa pinapakita nitong pagmamahal sa kanya.

Mahal na mahal din naman niya ang nobyo. Sigurado siya sa sarili niya na si Tyrone ang pakakasalan niya sa tamang panahon.

“Ano naman ang kailangan ng loko?” Natatawang tanong kaagad ni Troy ng maibaba niya ang telepono.

“Nagloloko.” Natatawa niyang sagot.

“Loko talaga iyon e.” Pabirong sabi pa rin ni Troy.

“Kahit ganun iyon, mahal na mahal ko iyon.” Napapangiting sagot naman niya.

“Tama ka Ashiel kahit maloko itong magbarkadang ito talagang nabihag tayo.” Biro naman ni Liz. “Naman kasi e. Ang gugwapo. Tapos lakas mang-akit.” Napapatawa nang sabi ni Liz.

“Naku! Depensa sa aming mga lalaki, totoo iyong gwapo kami pero di naman kami nagloloko. Totoo kaming magmahal.”

“Mas totoo kaming magmahal noh… Kapag si Tyrone nagloko hindi ko talaga siya tatanggapin. Manigas siya.” Pag-iiba ni Ashiel.

“Sabi mo lang iyan pero kapag sinuyo ka na ng husto. Bibigay ka din. Lalo pang mahal mo, hindi mo mapipigil iyan. Ilang beses mang magkasala sa’yo tatanggapin at tatanggapin mo siya. Tulad nitong Daddy ko.” Pahayag naman ni Liz na hinaplos pa ang mukha ng asawa. “Gwapo mo talaga Daddy ko.”

Bumaling naman si Troy sa kanya. “I love you My.” Hinalikan pa niya ang asawa sa pisngi at niyakap. Nasa likod silang mag-asawa sa kotseng sinasakyan. Nasa harap si Ashiel bitbit ang baby nila.

“I love you too Dy.”

“Tama na iyan. Kinakagat na ako ng mga langgam dito.” Natatawang saway ni Ashiel sa kasweetan ng mga kaibigan.

Ilang sandali pa’y nakarating na sila ng simbahan. Sinalubong sila nina Tyrone at Andree. Kinarga kaagad ni Tyrone si baby Andrew. Sanay na sanay na ito sa bata dahil halos sa tuwing umuuwi ito ng Mindanao ay nanduon sa bahay nina Troy. Natutuwa nga si Liz dahil minsan silang tatlo nina Troy, Andree at Tyrone ang nag-aalaga ng bata samantalang sila ni Ashiel ay nagdadaldalan. Alam na ni Liz kung dumumi ang bata dahil nag-uunahan na silang tatlo sa pagtatakipan ng mga ilong at nagtutulakan kung sino ang magbibihis sa baby. Kadalasan nagbabato-pick pa ang tatlo pero kahit sinong nananalo ang ama pa din ang natuturong magbihis sa anak. Nasusuka kasi ang dalawa kaya tuloy umiiyak na ang bata ng malakas di pa natatapos bihisan. Napakacute nilang tingnan sabi pa ni Liz.

Kumapit kaagad si Ashiel sa siko ng nobyo habang karga nito si baby Andrew kaya para tuloy anak nila si baby Andrew tingnan.

Madalas nilang hiramin ang anak nina Troy at Liz sa tuwing nagdedate sila kapag umuuwi si Tyrone ng Mindanao at sumasama si Ashiel dito. Natutuwa naman silang dalawa dahil feeling nila kapag dala nila si baby Andrew ay kumpleto sila. Daddy at Mommy din ang gusto nilang ipatawag sa bata.

“I love you!” Pasimpleng humalik si Tyrone sa pisngi ng girlfriend sabay akbay rito.

“I love you too!” Madamdamin niyang saad dito at humawak sa baywang nito.

Pumasok na silang lahat sa simbahan at sinimulan na ang binyag. Magkahawak kamay pa sila ng nobyo habang ginagawa ang binyag. Pinisil-pisil pa ni Tyrone ang kamay niya paminsan-minsan kaya nagkakatinginan sila ng makahulugan.

Nang matapos na ang binyag ay kumain ang lahat ng dumalo sa isang restaurant.

Nasa iisang mesa silang lima at nagkukwentuhan. Nasa nanay ni Liz ang anak kaya nakaakbay si Troy sa asawa at halos walang distansya ang katawan ng mga ito sa pagkakadikit.

Sina Tyrone at Ashiel ay hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa isa’t isa. Napakasweet din ng dalawa. Paminsan-minsan ay hinahalikan pa ni Tyrone ang kamay ng girlfriend habang nagkukwentuhan silang lahat.

“Nagseselos na talaga ako sa inyo. Kailangan ko na talagang makahanap ng girlfriend para naman hindi ako solo flight palagi.” Wika ni Andree na sinusulyapan pa ang napakasweet na mga kaibigan. “Talagang nilalanggam na ang mesa natin sa sobrang kasweetan niyo.” Natatawa pang dagdag nito.

“Ikaw naman kasi, bakit hindi mo pa ligawan si Carlene o kaya naman si Kayla. Halata naman na naghihintay lang sila na ligawan mo.” Sagot naman ni Tyrone.

“Oo nga Andree. Pakipot ka pa kasi.” Dagdag naman ni Liz. “Sino ba naman iyong girl na minamahal mo at di mo makalimutan, sabihin mo para mabatukan na namin ng matauhan na.” Nakangiti pang sabi ni Liz na ikinatitig niya rito. Natawa na din ang mga kasama. “O, huwag mo akong titigan ng ganyan biro lang iyon.”

“Tama na iyang pang-aasar mo kay Andree My baka mapikon iyan. Alam mo namang sensitive iyan pagdating sa babaeng iyon e.” Natatawang awat naman ni Troy.

“Si Andree na naman napag-initan natin kasi naman napakapihikan. Iba din ang pagkapihikan nitong si Andree kasi gabi-gabi iba ang kasamang babae. Iyan ang playboy na pihikan.” Natatawa ding sabi ni Ashiel.

“Ano ba kayo? Kesyo ang gaganda na ng takbo ng lovelife niyo e inaapi niyo na ako?” Nagtatampo kunwari si Andree.

“Hindi bagay sa’yo hoy!” Binatukan pa siya ng mahina ni Tyrone na siyang dahilan ng napakalakas na tawanan nilang lahat.

<Prologue <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 7

31.12.2009
09:12

Pinatawag si Rian ng head nila sa kulungan isang araw.

Maganda ang pinapakita mo habang nasa loob ka. Isa ka sa mga inererekomenda kong bigyan ng parole ngayong taon. Sa susunod na buwan na igagawad iyon,baka ikaw ang mapili kaya maghanda ka na. Malapit ka nang makalaya.

Salamat naman po Chief kung ganun.

Kilala ko din naman si Maj. Carl Baltimore, ang daddy mo at madami siyang naitulong sa akin kaya konting tumbas lang ito sa mga tulong na iyon.

Ikinagagalak ko pong malaman iyan. Salamat talaga!

Matagal nang nakalaya ang mommy at daddy ni Rian. Hindi naman ganun kabigat ang kaso nila kaya madali lang ang naging parusa sa kanila.

Malapit na tayong magkita Micea. Hintayin mo ako sweetheart!” Napapangiting sabi ni Rian sa sarili habang pabalik sa selda niya.

Sa kabilang banda ay dinalaw ni Glenda ang kaibigan niya na nagtatrabaho sa isang banko.

Hello Glends, himalang napadalaw ka?” Salubong na sabi ng kaibigan niya.

Alam mo naman kapag in love ang kaibigan mo, ikaw ang nilalapitan di ba Mars?” Sagot naman nito sa kaibigan.

Sino naman ang malas na lalaking iyon?” Pagbibiro nito sa kanya pero totoo naman sa loob na sabi ng kaibigan.

Iba kung mainlove si Glenda. Kung hindi nagiging stalker ay humahanap ng paraan para maging kanya ang guy. Kahit pa may nasisira itong relasyon o isang pamilya ay wala siyang pakialam basta maging kanya lang ang lalaking napupusuan.

Napakaspoiled ni Glenda. Galing kasi sa isang may kayang pamilya kaya lahat ng gusto ay nakukuha niya. Nakasanayan niyang makuha ang lahat kaya kahit pagdating sa lalaki ay natutulad niya ito sa mga bagay sa paligid na madali niyang makuha.

Maricar, pwede bang pakitawagan naman ang kliyente na kakatagpuin ko mamaya na hindi ako pwede kasi may importante akong pupuntahan.” Wika ng boss ni Maricar - ang kaibigan ni Glenda. “At tsaka pakiorder naman ng bulaklak at mga balloons para sa akin. Iyong pinakamahal at pinakamaganda ha. Pakisabi na lagyan nila ng note ang bulaklak, nito.” At may inabot si Mon na papel rito. “Ipadeliver na lang sa hotel na tinutuluyan ko. Heto nga pala ang phone number ng hotel, pakitawagan naman at sabihin mo sa receptionist na ipasok na ang mga bulaklak sa unit namin. Thank you Maricar.” Kinindatan pa ni Mon ito.

Yes sir. Basta kayo po anytime.” Nakangiting sagot naman ni Maricar.

Natigilan si Glenda ng mapagsino ang boss ni Maricar. Hindi niya akalain na ang matagal na niyang pinapaimbestigahang lalaki ay ang head ng kaibigan. Napansin iyon ni Maricar kaya sinita niya ito ng makaalis si Mon sa harap nila. Ni hindi man lang naalala ni Mon si Glenda.

Hoy, huwag mong pangarapin iyon. May asawa at anak na iyon.

Talaga? Pero bakit parang buung-buo pa rin kung tingnan?

Ikaw talaga. Loka-loka. Huwag kang magkakamali. Ganda kaya ng asawa nun. Matangkad at tsaka ang puti-puti. Kahit may anak na ay dalagang-dalaga pa rin tingnan.

Maganda din naman ako a at maputi din. Hindi lang dalagang tingnan kundi dalaga talaga. Fresh na fresh ako para sa kanya.” Pagbubuhat ni Glenda ng sariling bangko.

Mas mabuting banggain mo na lang ang pader kaysa ang pagmamahalan ng dalawa ang babanggain mo. Nanduon ako sa kasal at hindi naiwasang mapag-usapan ang mga napagdaanan nila at talagang against all odds.” Pagkukwento pa ni Maricar.

Kaya kong tapatan iyan. Ilang taon na ba ang sir mo?

31 na yata si sir.

Ayaw niya ng bata pa sa kanya ng dalawang taon. Mas fresh sa asawa niya.” Pagmamalaki pa ni Glenda.

Dyan ka nagkakamali dahil mas bata ng tatlong taon ang asawa ni sir sa kanya.

Ha? Paano nangyari iyon?” Hindi nasagot ng kaibigan ang tanong ni Glenda dahil biglang dumaan si Micea. Ngumiti lang ito kay Maricar at tuluy-tuloy na sa opisina ng asawa. Hindi nakita ni Glenda ang mukha ni Micea dahil nakaharap siya sa kaibigan ng dumaan ito.

Kadaraan lang ng asawa ni Sir.” Pabulong na sabi ni Maricar kaya napalingon si Glenda pero tuluyan ng nakapasok si Micea sa opisina ni Mon.

Madalas siya rito?

Hindi naman. Minsan lang kapag may lakad sila ng asawa. Kaya siguro pinapacancel ni Sir Mon ang appointment niya dahil may lakad sila.

Nang nasa loob na ng opisina ni Mon si Micea ay malambing na hinalikan niya ang asawa. Six years anniversary nila sa araw na iyon mula ng ikasal sila sa simbahan kaya napagkasunduan nilang magliwaliw kahit half day lang. Kung bibilangin ang taon ng kanilang relasyon ay malapit na itong mag fourteen years.

Nagpass na si Mon ng note na half day lang siya sa araw na iyon. Ibinilin din nila ang anak sa isang kaibigan para makapagdate sila na silang dalawa lang.

Kumusta ang araw mo loves?” Tanong ni Micea kay Mon habang nakakandong pa rito.

Ok naman so far. Mas magiging okay kung alam mo na… masundan na natin si Raycea.” Biro ni Mon sa kanya.

Ewan ko loves. Parang si Raycea lang yata ang gusto kong baby natin. Masyado akong nasanay sa kanya.” Seryosong sagot niya.

Ako din loves wala na akong ibang mahihiling pa dahil talagang napakabait niyang bata. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Hindi ko yata kakayanin kung isa man lang sa inyo ay mawala sa buhay ko.” Seryosong saad din nito.

Ako din loves. Ikamamatay ko yata kung mawawala ka o si Raycea. Masyado akong nasanay na nasa tabi ko kayong dalawa.

Pangako hinding-hindi ko kayo iiwan. Nandito ako para sa inyong dalawa palagi. I love you very much loves.

Salamat loves. Pangako ko rin na hinding hindi ko kayo iiwan at mananatili ako sa tabi niyong dalawa. Paglilingkuran ko kayo sa abot ng aking makakaya. I love you too loves.” Ginawaran nila ng halik ang isa’t isa.

Matapos mailigpit ni Mon ang mga gamit ay lumabas na sila. Naisipan nilang manuod ng sine. Naalala kasi nila na nanuod sila ng sine noong panahong nagtanan sila kaya iyon ang ginawa nila bilang alaala. Tulad noon ay hindi din naiwasan ni Mon na akbayan ang asawa habang nanunuod sila ng palabas.

Pagkatapos nilang manuod ng sine ay kumain pa sila sa labas. Nang matapos silang kumain ay nag-anyaya si Mon na manuod sila ng sunset.

Masayang-masaya ako loves sa araw na ito. Maraming salamat!” Madamdaming saad ni Micea kay Mon.

Masayang-masaya din ako loves. Mamasdan lang kita at si Raycea araw-araw ay wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na ang buhay ko. Kinumpleto niyo ako.

Basta kahit anupang pagsubok ang dumating walang bibitiw ha.

Pangako loves. Ipangako mo din na di ka bibitiw para sa ating dalawa ha.”

Pinapangako ko loves at ipinapangako ko din na ikaw lamang.

Pinapangako ko din sa’yo loves na ikaw lamang.

Previous <Home> Next Page

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Sa’yo Lamang Chapter 1

31.12.2009
06:30

Part 4

“Love, sino iyong kausap mo?” tanong ni Louise sa nobyong si Vince. Iniwan niya kasi ito saglit dahil may dumating siyang bisita, at pagbalik nga niya ay nakita niyang may kausap ito sa phone.

“Ah, iyong volunteer doon sa bahay ampunan, pinafollow up iyong request letter nila.” sagot ni Vince sa nobya.

“Ano ba iyan, hanggang dito ba naman ay trabaho pa rin ang inaatupag mo? remember this is my nineteenth birthday and were supposed to be having fun here.”

“Huwag ka nang magtampo diyan, alam mo naman kung gaano ka toxic ang trabaho ngayon eh, sandali, my kakilala ka bang kamag-anak niyo na Chris Gianna Fuentabella?”

“Chris Gianna Fuentabella? Ahmm, hindi ko pa naririnig ang pangalang iyan sa pamilya namin, bakit?” sagot ni Louise sa nobyo.

“Iyon kasi ang panagalan nung kausap ko ngayon at kapareho mo pa ng apelyedo”

“Love, kahit naman Fuentabella ang family name nun, e malabo namang maging kamag-anak namin iyon, ang dami kayang may apelyidong Fuentabella sa Pilipinas. And besides kilala ko lahat ng kamag-anak ko ano”

“Kung sabagay, baka pareho nga lang kayo ng family name.”

“Alam mo let’s just drop this nonsense topic and let’s enjoy the party, ok.”

“Hi Princess, happy birthday!”

“Dad! Akala koy hindi niyo sisiputin itong birthday ko.” Saad ni Louise, nang lingunan niya kung sino ang bumati sa kanya. Humalik at yumakap kaagad siya dito.

“Hinding-hindi mangyayari iyon anak, nahuli lang ako dahil galing pa ako sa Nueve Ecija. May kaunting problema kasi ang factory natin doon, kailangan ng presensiya ko. Anyway, ang mahalaga ay nandito na ako, at here’s my gift for my princess.”sabay aboy sa bitibit nitong regalo.

“thank you so much dad!” saad ni Louise.

“Won’t you open it?” tanong ng daddy niya sa anak.

“Later na dad, after the party, I know it is special so, mamaya ko na lang bubuksan.”

“Ok, as you wish princess, by the way, where is your mom, kanina ko pa siya hinahanap e,” tanong ng ama niya.

“A, andun po sa may bandang fountain kasama si granny.” Turo niya sa kinaroroonan ng ina.

“Ok pupuntahan ko muna sila, enjoy your party princess and happy birthday.” Humalik uli ang ama niya bago sila nito iniwan.

“Miguel sa’n ka ba galing at muntik munang hindi maabutan ang birthday ng anak mo?” tanong ni Donya Isabel sa anak, hindi pa nga ito tuluyang nakaklapit sa kanila.

Humalik muna siya sa ina at pagkatapos ay sa asawa niyang si Margie.

“Ma, galing po ako sa Nueva Ecija, may inasikaso lang akong kunting problema doon” paliwanag niya sa ina at sa asawang alam niyang naghihintay din ng paliwanag.

“Hindi ba pwedeng ipagpabukas iyan? Alam mo namang ngayon ang kaarawan ng anak natin di ba?” wika ni Margie.

“O di kaya’y ‘yong iba nating tauhan, bakit kailangang ikaw pa ang pumunta doon Miguel.” Dugtong pa nito.

“Hon, ang presensiya ko ang kinakailangan doon. kaya ako ang pumunta, kung kaya lang ng tauhan natin ay hindi na ako mag-aaksaya ng panahong pumunta doon, ngunit hindi e,” pilit niyang pagpapaliwanag sa dalawa.

“Baka naman iba na iyang ipinupunta mo doon, napapansin ko, nagiging madalas yata ang pagbisita mo sa factory.” May pagdududang tanong ng asawa.

“Hindi ba pinapasama naman kita kapag pumupunta ako doon, ikaw lang naman itong ayaw e, di sana’y hindi ka nag-iisip ng kung ano-anu diyan.”sagot niya sa asawa sabay tungga ng hawak na kopita na may lamang alak.

“Siguraduhin mo lang ang mga sinasabi mo Miguel, iba ako kung magalit.” Banta ng asawa.

“Hay naku umandar na naman iyang walang katuturang pagseselos mo. Mag-aaway ba tayo sa birthday ng anak mo?”

“Tumigil nga kayong dalawa diyan! Hindi na kayo nahiyang magsagutan diyan. Ikaw Miguel kung ayaw mong magselos ang asawa  mo ay ayos-ayusin mo iyang kilos mo at ikaw naman Margie, kung magbubunganga ka sa asawa mo gawin mo dun sa silid niyo, hindi dito sa labas. Mabuti na lang at wala masyadong bisita ang nagagawi sa lugar na ito, kung hindi ay baka napahiya na ang anak niyo dahil sa kagagawan niyong dalawa.” Sermon ng donya sa dalawa.

<Previous Page <Home> Next Page>

Comment from other Site:

Nikka
Friday, 1. January 2010

mganda po yung story… it’s about sa magkapatid na iibig sa iisang lalake…

mhrap po ung situation nila pero I find it inspirational ksi.. nakakarelate ako sa problem ni Gia..

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


  • Share/Bookmark

Batcom I Love You Phase 6

30.12.2009
06:55

Missing Part

First anniversary ng kanilang relasyon ng magtapat si Ken na aalis na sila papuntang Canada. Approved na daw kasi ang papers nila.

Hindi inaasahan ni Lyka iyon kaya imbes na masaya nilang ididiwang ang anniversary ay naging malungkot iyon. Hindi napigilan ni Lyka ang magtampo kay Ken lalo pa nang malaman niyang isang linggo na lang ay aalis na ito. Sa kanyang nalaman ay walang pagdadalawang isip na tinapos niya ang relasyon nila. Hindi man pumayag si Ken ay nakapagdesisyon na si Lyka. Ayaw niya ng long distance relationship.

It is just a total waste of time Ken.” Naalala pa niyang sabi niya rito. Sinabi kasi nito na may mga nagtagumpay daw na long distance relationship at alam niyang mapagtatagumpayan nila iyon pero hindi naniniwala si Lyka doon. Sa tingin niya nagsasayang lang ng panahon ang nagpipilit na iwork out ang ganuong klase ng relasyon. Hindi siya maghihirap na maghintay tapos mauuwi lang sa wala dahil nakahanap ng iba or whatever stupid reasons there will be.

I miss you Princess.” Narinig niyang sabi nito.

How are you?” Hindi niya tinugon ang pahayag na iyon ni Ken. Masaya na siya. Unti-unti na niyang nakakalimutan ang sa kanilang dalawa tapos ngayon tatawag-tawag ito at sasabihin ang mga ganuong bagay. Hindi maaari!

I’m doing great. Ikaw?

Never better.” Mapagmataas niyang sabi rito.

Are you still mad at me?

Who wouldn’t be? Pagkatapos mong sorpresang sabihin sa akin ang pag-alis niyo ay umaasa kang ok lang iyon sa akin?

But Princess I have my reasons.

Whatever reasons you have Ken it doesn’t matter. You have choices. You could have told me earlier than one week from your departure time but you choose not to.

Because I don’t want to hurt you. I don’t wanna see you cry.

Oh you expected me to laugh when you told me that you’re leaving? On our anniversary day? Seven days before you leave? Sorry Ken but this conversation is useless. I have to go.

Wait… May importante akong sasabihin kaya ako tumawag.” Pero narinig na niya ang dial tone. Ibig sabihin ibinaba na ni Lyka ang phone. “Uuwi na ako dyan Princess.” Kahit wala nang kausap ay idinagdag niya.

Hindi napigilan ni Lyka ang tumulo ang mga luha niya sa pag-uusap nila ni Ken. Apektado pa rin siya sa kanilang dalawa. Alam niya sa sarili niya na mahal pa din niya ito. Akala niya nakapagmove on na siya at kaya na niyang magmahal ng iba pero hindi pala. She realized that Ken is still the guy she wants to be with the whole time.

Why do you have to call me?” Naluluha niyang sabi habang tinitingnan ang litrato nilang dalawa ni Ken. Kuha iyon nuong grumaduate sila sa elementary. Ang araw kung kailan nagtapat ng pag-ibig si Ken sa kanya.

I am happy without you in my life.” Humihikbi nang sabi niya.

Princess, ok ka lang ba?” Pumasok na ang yaya niya sa kwarto niya.

Hindi yayz e. Bakit ba kailangan pa niyang tumawag?” Yumakap na siya sa yaya niya. Kampante siyang hingahan ito ng loob. Parating wala ang mommy niya kaya sa kanyang yaya na lang siya naglalabas ng sakit ng loob.

Baka naman may kailangan siyang importante kaya napatawag siya.” Hinihimas pa nito ang likod niya.

Anuman ang kailangan niya wala akong pakialam.

Paano kung bumalik sila dito sa Pilipinas hindi mo pa rin ba siya kakausapin?

Kahit pa dito na sila tumira hindi ko na siya pakikitunguhan ng mabuti. Tama na iyong sinaktan at iniwan niya ako dati. Baka maging kampante na naman ako sa kanya tapos iiwan niya ulit ako.

Paano kung gusto niyang magkabalikan kayo?

Kahit mahal ko siya ay hindi ko na siya babalikan pa.

Kenneth’s Side:

Naging madalas ang pagtawag niya kay Lyka. Kahit pa madalas siyang bagsakan ng telepono nito ay tinatanggap niya. Alam niyang kasalanan niya kaya nagagalit ito sa kanya. Gustung-gusto na niyang sabihin rito na uuwi na sila at hindi na siya aalis pa kahit kailan pero hindi niya masabi-sabi. Natatakot siyang sabihin nito na may mahal na itong iba at kahit pa umuwi siya at doon na manirahan ay wala nang chance ang sa kanilang dalawa.

I love you and I always does Princess.” Madalas niyang sabihin sa sarili.

Bata pa lang siya ay mahal na niya si Lyka. Madalas niya itong kasama at kalaro. Kahit kasi kikay si Lyka ay may side din ito na boyish. Nakikipaglaro ito sa kanya ng basketball bagay na hinding-hindi mo aasahan kung titingnan mo ang pustura nito. Natutuwa siya dahil kahit nakapalda ito ay madalas siyang matalo nito. Madalas niyang sabihin na pinagbibigyan niya ito pero ang totoo ay magaling talaga si Lyka sa sports na iyon dahil na din sa turo niya.

Sinabi niya sa sarili na si Lyka ang babaeng dadalhin niya sa altar at wala nang iba pa. Nang makatapos sila ng elementary ay nagpasya siyang gawing pormal ang sa kanilang dalawa. Kahit hindi mag-aminan ng damdamin ay alam nilang mahal nila ang isa’t isa. Nagbibigayan sila ng mga regalo sa lahat ng okasyon. Palagi din silang nagkakasama sa lahat ng okasyon. Mapahouse occasion man or any other occasions lalo na kapag sa trabaho ng mga Daddy nila ay sila ang magkakapareha.

He adores Lyka so much. An adoration of a servant to a Princess. Kahit kailan hindi siya tumingin sa ibang girls. Si Lyka lang ang nakikita niya. Si Lyka lang ang pinupuri niya. At si Lyka lang ang minamahal niya.

Something’s bothering you son?” Napansin siya ng Dad niya na wala sa sarili habang kumakain sila.

Lyka is still mad at me.” Malungkot na pahayag niya sa daddy niya.

Did you ever tried to explain or told her that we are coming back?

I tried but she doesn’t want to listen.

Don’t worry. I know Lyka loves you. Siguro kapag nandun na tayo at makita ka niya ay makakalimutan niya ang ginawa nating pag-alis. We’ll help you explain everything.

I hope so Dad. I badly want her back. Thanks!” Tinapik lang ng daddy niya ang balikat niya habang ang mommy niya ay nakikinig lang sa kanilang dalawa. Hinayaan lang ng mommy niya ang daddy niya dahil sa mga ganitong bagay ay he needs his dad’s views and opinion.

Lyka’s Side:

Napalingon na naman ang lahat ng pumasok sila sa gym. Hindi na naman maiwasan ng lahat na mapahanga at mapatulala sa pustura nilang apat.

Nakashorts silang apat at white shirt. White ang mga sneakers shoes nila na may shade ng kung anong kulay ang star nila. Si Lyka, pink ang headband niya, pink ang knee at wrist bands, pink ang kulay ng bangle na hikaw niya, at nakatali ang mahaba niyang buhok. Sina Valerie ay ganun din ang ayos pero purple lang sa kanya, yellow ang kay Cherry at sky blue ang kay Lizzette.

Iisang class lang ang fourth year kaya magkaklase silang lahat kasama na sina Jeoff, Edgar at Lance. First section sina Lyka, samantalang nasa second section sina Jeoff, Edgar at Lance.

Nagsimula na silang maglaro. Basketball ang sa mga lalaki at volleyball ang sa mga babae. Si Jeoff ang pinakamagaling sa larangan ng basketball at si Valerie naman ang sa volleyball. Hindi mahilig si Lyka sa volleyball kaya di niya maipakita ang galing at hindi nakapagpakitang gilas.

Previous Page <Home> Next Page

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 6

30.12.2009
05:32

Five years later:

Loves bilisan mo na dyan baka maipit tayo sa traffic at ma-late si Raycea.” Pag-aapura ni Micea kay Mon dahil iika-ika ito sa araw na iyon. Napuyat kasi ito sa mga trabahong dinala nito sa bahay nila nang nagdaang gabi.

Oo loves. Eto na.” Nagmamadali na silang lumabas ng hotel.

Inihatid na nila ang anak sa eskwelahang pinapasukan nito. Kahit magsisix years old pa lang ay nasa grade two na ito. Maaga kasi nilang pinapasok sa school at dahil nung nasa nursery pa ito ay nakitaan ng katalinuhan ay nirekomenda ng guro na ipasok na sa kindergarten. As proud parents ay sinunod naman nilang mag-asawa.

Palaging inihahatid nina Mon at Micea ang anak sa eskwela. Kahit pa hindi na kailangang dumayo ni Micea para sa trabaho ay sumasama pa rin siya sa paghahatid sa anak. Nagtataxi na lang siya kadalasan pauwi para lang masamahan ang anak. Hindi naman pwede na ihatid siyang pauwi parati ni Mon dahil si Mon naman ang male-late sa trabaho.

Sobrang attached si Raycea sa kanilang dalawa. Hindi nakakatulog ang bata kapag hindi nila pinapatulog ito. Magkatulong din sila sa pagpapaligo nito at sa lahat na yata ng bagay ay dapat silang dalawa ang gumagawa kapag ang anak na ang pinag-uusapan.

Napakalambing na bata ni Raycea. Kapag may gusto ito ay alam na alam nito kung paano lambingin ang ama. Si Mon ang palagi nitong nilalapitan dahil mahina si Mon pagdating sa anak. Hindi niya kayang hindian ang anak pero kumukonsulta naman siya kay Micea.

Makikitang mahal na mahal ni Raycea ang Daddy at Mommy niya. Walang mas sa Daddy at Mommy niya kundi silang dalawa ay mahal na mahal niya. Madalas lang siyang maglambing sa ama dahil kapag mommy niya ay madaming payo muna bago ibigay ang gusto niya. Kapag sa ama kasi oo kaagad ito. Spoiled siya sa ama pero hindi sa ina. Kahit pa gustong ibigay ni Micea ang lahat ng gusto nito ay ayaw naman niyang maging spoiled ang anak kaya madalas ay pinagsasabihan muna niya sa mga gusto nito.

Loves, daan ka naman sa grocery mamaya o. Tinamad kasi ako e. May ipapabili lang ako.” Tinawagan ni Micea si Mon habang nasa trabaho siya.

Oo loves. Kuha muna ako ng pen para maisulat ko ang mga gusto mong ipabili.” Isa isa nang inilista ni Mon ang mga gusto ng asawa.

Pagkalabas sa trabaho ay nagtungo kaagad siya sa grocery store. Si Micea na ang sumundo sa anak nila.

Nabili na niya ang lahat ng dapat bilhin ng may makabangga siyang babae.

Sorry Miss.” Hinging pasensya ni Mon at isa-isang pinulot ang mga natapon na pinamili niya na nasa grocery basket. Tinulungan din niyang pulutin ang mga pinamili ng babae. Nagkatitigan silang dalawa habang pinupulot ang huling bagay na nasa sahig.

Hi, my name is Glenda Baromeda. Please call me Glenda.” Pagpapakilala nito kay Mon na inilahad pa ang kamay.

Hello, Raymond Alda. Call me Mon.” Sagot naman ni Mon at tinanggap ang kamay nito. “Sige, alis na ako ah. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na ulit.

Ok lang iyon Mon. Ok. Bye!” Nakaalis na si Mon pero hindi pa rin natitinag si Glenda. Siya ang lalaking magdudulog sa akin sa altar. Nasabi nito sa sarili kaya naisipan niyang sundan ito. Nahagilap niya ito sa may counter at nagkunwaring doon din siya magbabayad sa counter na iyon.

Saglit lang na ngumiti si Mon ng mapansin nito si Glenda. Nang mabayaran na ang lahat ng pinamili ay umalis kaagad si Mon pero sinundan siya nito.

Mon, sandali!” Tawag ni Glenda kay Mon. Hindi na lang muna niya binayaran ang mga pinamili para makausap si Mon. “Pwede ka bang anyayahang magdinner?

I’m sorry. Hindi ako pwede. Kailangan kong umuwi ng maaga.” Simpleng tanggi ni Mon sa imbitasyon ni Glenda.

Oh ok. Sige bye.” Hindi na lang nagpumilit si Glenda. Pero nang makaalis si Mon ay sinundan niya ito hanggang sa tinutuluyan nito. Nakita niyang nakatira ito sa isang hotel na pamilyar sa kanya.

Jordan may papaimbestigahan akong isang tao. I need your help.” Sabi nito sa kausap sa telepono. “Meet me at home.

Naghihintay na kay Glenda ang tinawagan nito sa telepono ng makarating siya sa bahay nila.

I want you to investigate and know everything about the guy named Raymond Alda. Gusto kong malaman saan siya nagtatrabaho, anong ginagawa niya sa umaga, anong paborito niyang pagkain, lahat-lahat Jordan, tungkol sa kanya. Magagawa mo ba?

Oo naman. Wala ka bang bilib sa detective mong pinsan?

Bilib na bilib kaya nga ako lumapit sa’yo e. Thank you.

Sandali. Sino ba itong Raymond na pinapahanap mo?

Siya ang lalaking mapapangasawa ko.

Asus, tinamaan lang e. Pinapahanap na kaagad.” Biro pa ng pinsan niya.

Gawin mo na lang ang hinihiling ko. Please!

Makakaasa ka pinsan.

Samantala ay nakauwi na si Mon sa unit nila.

Daddy!” Tuwang tuwa na yumakap at humalik si Raycea sa daddy niya.

Loves, nandito ka na pala.” Yumakap at humalik din si Micea sa kanya. “Nabili mo ba lahat?

Oo loves. Nandyan lahat ang pinapabili mo.” Sabay lapag sa mga pinamili niya. “Dumaan na din ako sa Jollibee para makakain na tayo kaagad.” Bumaling ito sa anak. “Hulaan mo baby girl anong dala ni Daddy para sa beauty niya?

Chocolate?” Masiglang sagot ng anak.

Nope. Kisses and hugs.” Pinupog nito ng halik ang anak habang kiniliti ito. Napapatawa na lang ng malakas si Raycea sa pagkikiliti ng ama sa kanya. Natutuwang nakamasid na lang si Micea sa mag-ama niya habang inihahanda ang pagkain nila.

Previous <Home> Next Page

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Together Forever

29.12.2009
17:47

(Tyrone and Ashiel Love Story)

Sina Tyrone at Ashiel ay totoong pagmamahal ang nararamdaman sa isa’t isa. Nagsumpaang sila habang panahon. Matutupad kaya nila ang sumpaang iyon kung susubukin ang tatag ng pagmamahalan nila?

Si Tyrone, wagas na pagmamahal ang iniaalay sa girlfriend niyang si Ashiel. Ni minsan ng naging sila na ni Ashiel ay hindi na ito tumingin sa iba. Naging napakafaithful niya bilang isang boyfriend ngunit hindi siya gusto ng mga magulang ni Ashiel para sa dalaga dahil sa pagiging artista niya. Kadalasan daw kasi sa mga artista ay madaling nagpapalit ng karelasyon o kahit ng asawa. Kahit anong patunay ni Tyrone na mahal niya si Ashiel ay di siya magustu-gustuhan ng mga ito. Ano ang kayang gawin ni Tyrone sa ngalan ng pag-ibig niya kay Ashiel?

Si Ashiel, kahit hindi gusto ng kanyang mga magulang si Tyrone ay ipinaglalaban niya ang binata. Inalok siya ng kasal nito pero tumanggi siya dahil hindi pa siya handa bagay na ipinagtampo ni Tyrone sa kanya.

Ano ang kahihinatnan ng kanilang relasyon kung isang araw malalaman na lang ni Ashiel na may iba na si Tyrone? Paano na lang ang sumpaang sila habang panahon kung magpapatali na ito sa iba? Ipaglalaban pa rin ba ni Ashiel ang boyfriend sa kabila ng sitwasyon nito?

Chapters:

I {Part 1} {Part 2} {Part 3} {Part 4} {Part 5}

II {Part 1} {Part 2}

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ikaw Lamang Chapter 5

29.12.2009
00:24

Natutulog pa din si Micea ng balikan ni Mon. Umuwi muna ang mga magulang niya, mga magulang ni Micea at ang iba pa sa unit nila. Habang nakamasid sa asawa ay dinadalaw ng antok si Mon at matinding sakit ng katawan. Feeling niya ay siya din ang naglabor kaya hindi niya namamalayan na unti-unti na siyang pumipikit.

Isang iyak ng sanggol ang nagpagising sa kanya. Nang tuluyang maidilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang asawa na tinuturuan ng nurse kung paano ang tamang pagpapabreastfeed. Kakaibang tuwa ang nadarama niya habang minamasdan ang asawa at ang anak nila.

Ang hirap naman. Tsaka masakit e.” Narinig niyang reklamo ni Micea sa nurse.

Ganyan lang po talaga sa umpisa pero kapag naging komportable na kayong dalawa ni baby sa isa’t isa magiging madali na lang po iyan. Mainam po kasi sa baby ang first milk ng mommy niya kasi full of antibodies po iyon. Nakakatulong sa health ni baby.” Pagpapaliwanag ng nurse.

Ganun ba.” Sinubukan ulit ni Micea at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siyang mabreastfeed ang baby kahit hindi pa ganun kakomportable dahil nasasaktan pa rin siya.

Masasanay din po kayo Mrs. Alda.

Salamat sa tulong mo ah.

Walang anuman po. Mamaya pong konti babalik po ako para subukan naman natin ulit.” Paalam nito at lumabas na ng kwarto.

Loves, gising ka na pala. Halika! Tingnan mo si baby, kamukha mo.” Napansin siya ni Micea.

Masaya siyang tumayo at nilapitan ang mag-ina niya. Minasdan nilang dalawa ng asawa ang anak nila. Walang pagsidlan ng kanilang kaligayahan. Kinakausap pa nila ito.

Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na si Micea. Sa unang gabi ay halos hindi sila makatulog. Natatakot silang baka hindi makahinga ang baby o kaya matabunan ng unan ang mukha nito kaya nanduon lang sila nakamasid rito. Every two hours ay umiiyak ito at humihingi ng pagkain. Mix ang ginawa ni Micea. Bottlefeed at breastfeed.

Si Mon ang madalas na magtimpla ng gatas nito sa gabi. Kahit ilang araw pa lang na kasama nila ang baby ay sanay na sanay na siyang asikasuhin ang baby nila. Marunong na din siyang magpalit ng diaper nito at bihisan ito.

Ang takaw talaga ng baby namin.” Minsan ay pabirong sabi ni Micea habang pinupupog ng halik ang anak nila.

Ok lang iyan mommy. Kailangan para lumaki ako.” Si Mon ang sumagot doon at pinupog din ng halik ang anak. “Ganda talaga ng anak ko, manang-mana sa daddy.

Mana kaya sa akin si baby.” Pabirong salungat naman ni Micea.

Hindi! Mana sa akin.” Ganting biro naman ni Mon.

Nagtampo kunyari si Micea kaya nilapitan niya ito at niyakap. “Kamukha nating dalawa si baby. Binibiro lang kita. Loves ko talaga o.

Hmmmp.” Pabirong inirapan siya nito. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa kaya parang naipit ang anak nila at isang impit na iyak ang narinig nila. “Naku, inipit mo si baby. Hala!

Sorry baby. Mommy mo kasi.

Sinisi pa ako.” Natatawang sabi niya.

Pakiss nga dyan Loves. Mmmmm.” At hinalikan niya ang asawa.

Makalipas ang isang buwan ay pinabinyagan na nila ito. Kadalasan sa mga ninong at ninang ay mga barkada nila. Meron ding mga kasamahan nilang dalawa sa trabaho.

Lumilipas ang mga araw at lumalaki ang anak nina Mon at Micea. Lumaki nga itong nagmamana kay Mon pero makikita pa din sa kanya si Micea kung tititigan ng maigi ang bata.

Kung gaano kamahal nina Mon at Micea ang isa’t isa ay dobleng pagmamahal at pag-aaruga ang ibinibigay nila sa anak nila. Sobrang attached sila sa bata.

First birthday ng anak nila. Napakalaki ng handaan. Inimbita nila ang lahat ng barkada at mga kamag-anak nila.

Happy birthday baby.” Bati nina Mon at Micea sa anak nila pagkagising kaagad nito. Kinantahan pa nila ito. May dala silang cake at regalo sa anak. Gusto nilang icelebrate ang birthday ng anak na silang tatlo lang muna. Baka maging busy sila mamaya sa pag-eentertain sa mga bisita kaya maigi ng naidiwang na nila ito.

Kinahapunan ay ang dami-daming bisita na. Napakaganda ni Raycea Jane sa damit nito. Hindi maiwasan ng lahat ang humanga sa taglay na ganda ng bata. Manang-mana talaga ito sa ama.

Kinakantahan ng lahat si Raycea habang hawak-hawak nina Mon at Micea na nakaharap sa may cake. Pinapahipan na nila ang kandila pero di pa din nakuha ng bata kaya hinipan na lang ni Mon ito. Nagpalakpakan ang lahat at isa isa nang nagpakuha ng litrato sa kanilang tatlo.

Mon, pare, laki na ng inaanak ko ah.” Sabi ni Rick ng mapadako si Mon sa mga kumakaing barkada sa isang mesa. Bitbit niya si Raycea. Pinagmano pa ito ni Mon sa mga ninong na barkada niya.

Oo nga e. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw.

Kumusta naman kayo dito?” Tanong ulit nito.

Mabuti naman kami. Heto si Raycea laging nagbibigay aliw sa amin ni Mrs.” Sinulyapan pa niya si Micea na nakikipagdaldalan sa mga barkada nilang babae.

Galing ah. Isip may asawa na talaga.” Natatawang sabi naman ni Jun.

Natutuwa akong wala nang nanggugulo sa inyo. At least maayos na ang lahat. Balita namin ibinalik na sa kulungan si Rian. Tumino na daw e.” Pagbabalita ni Paul kay Mon.

Mabuti naman. Doon siya nababagay.” Walang ngiting sagot ni Mon.

Dy, Dy… My” Bulol na sabi ni Raycea sa kanya. Naintindihan naman niyang gusto nitong pumunta kay Micea kaya nagpaalam muna siya sa mga kaibigan at nilapitan ang asawa.

Loves, hanap ka ni Raycea.” At binigay niya ang anak kay Micea. Kinarga naman kaagad ni Micea ito.

Loves, kumain ka na ba?” Tanong nito sa kanya.

Hindi pa e. Ikaw?

Hindi pa din.

O sige kuha na kita ng pagkain.” Iginiya pa ni Mon ang asawa at anak sa isang bakanteng mesa.

Miss Micea, may tawag po kayo sa line 1.” Sabi ng receptionist sa kanya habang nakaupo siya sa mesa.

Sinabi ba kung sino?” Takang tanong niya.

Hindi po e pero lalaki.

O sige, sandali.” Pinuntahan niya si Mon na kasalukuyang kumukuha ng pagkain at nagpaalam rito. Ibinigay din niya ang anak rito.

Bumaba na siya at sinagot ang telepono.

Hello!

Kailanman hindi kayo liligaya. Babalikan kita at kukunin ko ang anak ko.” Sabay baba nito sa telepono. Natuliro si Micea. Alam niyang si Rian ang tumawag. Napakalakas ng kaba ng dibdib niya. Napasandal na siya sa malapit na upuan habang habol ang hininga niya.

Previous <Home> Next Page

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

I Belong To You

28.12.2009
17:35

Preview:

Jessel Andrada - Mahinhin. Tambouine dancer at singer. Membro ng banda sa church nila.

- Nasa edad na para magmahal pero ang napili niyang lalaki ay hindi niya pwedeng mahalin dahil may masasaktang menor de edad na nagmamahal sa kanya – si Brent.

Brent Galea – Bata ng limang taon kay Jessel. Bestfriend niya ang kapatid ni Jessel. Drummer at singer. Kasama ni Jessel sa simbahan.

- Nagustuhan kaagad niya si Jessel ng makita at makilala niya ito. Sinasabi niyang si Jessel ang first love niya at ito lang ang babaeng mamahalin niya.

Ian Costarico – Kasing-edad ni Jessel. Magiging close kay Jessel. Bass guitar player at singer. Membro ng sister church nina Jessel.

- Mahuhulog ang loob niya kay Jessel pero piniling magparaya para kay Brent.

May pag-asa pa kaya para kay Ian at Jessel? Paano nila lalabanan ang bugso ng damdamin sa tawag ng tungkulin? Hanggang kailan nila kayang tikisin ang kani-kanilang damdamin?

* Isa na naman pong kakaibang storya na magtuturo sa atin kung gaano kahiwaga ang pag-ibig. Sana po subaybayan niyong lahat!

Chapters:

1
———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

I Won’t Give You Up Finale Chapter

28.12.2009
17:30

I’m Forever Yours

Troy’s Side:

Dy, sunduin mo naman ako. Gusto kong makausap ka muna! Pagkabasa ng note ay dali-dali siyang lumabas ng simbahan. Narinig pa nga niyang nagbulungan ang mga tao habang palabas siya. Walang sabi-sabi ay ginamit niya ang motorsiklo ni Andree na siyang gamit nito sa pagpunta sa simbahan at pinuntahan sa parsonage ang asawa kung saan ito naghahanda. Nakagawian nilang magkaibigan na ilagay sa isang secret compartment ang susi kaya di na niya kailangang balikan ito at kunin ang susi rito.

“Andree, pakalmahin mo muna ang mga tao. Sabihin mong babalik ako kaagad. Isarado niyo ang pinto ng simbahan. Titimbrehan na lang kita kung parating na kami.” Bilin niya sa kaibigan sa telepono. Sinunod naman ito ng huli.

Liz’s Side:

Nagmuni-muni siya habang naghihintay sa asawa. Hinimas niya ang kanyang wedding gown. Simple lang ito. Hindi iyong masyadong madaming kailangang bitbitin. Pwede pa nga siyang tumakbo kung gugustuhin niya ng walang sasabit. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at hindi maiwasang maalala ang mga nangyari sa huling anim na buwan.

“Eliza, patawarin mo sana ako sa nagawa ko sa anak niyo ni Troy. Hindi ko sinasadya iyon.” Humihikbing lumapit sa kanya ang nanay ni Troy isang araw. Hindi naman siya nagmatigas. Nanay ito ng asawa niya kaya walang dalawang salitang niyakap niya ito. Nag-iyakan sila at nagkapatawaran. Simula noon ay naging kasundo na niya ito sa lahat ng bagay at parang naging pangalawang ina pa.

Lumapit din si Abby sa kanya at humihingi ng tawad sa naging kasakiman nito. Kinalimutan na lang niya ang galit sa kaibigan at pinatawad ito. Hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng anak nila kung ipagpapatuloy niya ang pagkamuhi dito. Kinuha pa nga niyang isa ito sa mga bridesmaids niya.

Sina Abby, Ashiel, Carlene at Kayla ang mga bridesmaids niya. Si Ria ang maid of honor. Ibibitin siyang patiwarik ng kaibigan kung kukuha siya ng ibang maid of honor. Kinuha din nilang bestman si Andree. Ang groomsmen naman ay ang sumunod na kapatid niyang lalaki na 18 years old, si Tyrone, ang drummer nila sa church at isa pang kabarkada ni Troy.

Nabigla man ay natanggap din ni Carlene ang sa kanila ni Troy. Hindi man nito inakala ang sitwasyon nilang dalawa pero sinuportahan pa rin ng kaibigan ang relasyon nila. Makakapagmove-on naman daw siya.

Dahil sa nalaman ay ibinaling nina Carlene at Kayla kay Andree ang kanilang pagiging celebrity addict. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa ni Andree kung sino sa dalawa ang liligawan niya. Hindi pa din daw kasi siya handa. Mahal na mahal pa din daw niya ang babaeng may minamahal nang iba. Ilang beses man nilang tanungin kung sino iyon ay hindi talaga ito nagsasalita. Palagi na lang niyang sinasabi na masaya siyang masaya na din ito sa piling ng lalaking totoong mahal nito. Minsan nga nagtataka sila dahil nagpapasalamat si Troy sa kanya ng walang dahilan kapag nabubuksan ang topic na iyon pero hindi na lang nila binigyan ng ibang kahulugan dahil madami din namang naitulong si Andree sa relasyon nila.

Madami silang inimbitahan. Napakalaki ng wedding nila taliwas doon sa civil wedding na naganap almost 1 ½ years ago. Pinili niyang date ng kasal nila ay ang araw na ipinahiya siya ni Troy. Ginawa nila iyon para matabunan nito ang sakit na dala ng araw na iyon.

“My, may problema ba?” Narinig niyang wika ng asawa na humihingal pa. Ramdam niyang nagmadali itong sunduin siya. Sinalubong niya ng yakap ito.

“Mahal na mahal kita Dy! Subukin mang muli ang tatag ng pagsasama natin ng ilang unos at bagyo tandaan mong ‘I won’t give you up’. Tama na iyong dalawang beses na bumitiw ako at naduwag sa pagmamahal sa’yo. Ngayon, I’m forever yours!” Luhaang sabi niya sa asawa. Hinaplos naman ang puso ng asawa sa sinabi niya.

“Ito lang ang masasabi ko My at matagal ko nang ipinangako ito sa’yo kahit hindi ka kaharap. I’ll give up my career, I’ll give up everything I have…. but not you Liz. I won’t give you up. I will never give you up. Bata pa lang tayo Eliza alam kong akin ka na!” Nag-iyakan silang dalawa. Wala siyang pakialam masira man ang make-up niya. Madali lang iretouch iyon pero ang kasiyahang dala ng pagmamahalan nila ng asawa sa puso niya kailanman hindi madaling mabubura at di pwedeng iretouch.

“Tayo na! Naghihintay na ang mga bisita.”

“May isa pa akong importanteng sasabihin sa’yo Dy.”

“Ano iyon?”

“Magiging Daddy ka na ulit.” Nakita niyang nasiyahan ng labis ang asawa.

“Talaga? Kailan mo lang nalaman?”

“Kahapon. 6 Weeks na daw sabi ng doctor.” Hindi na napigilan ni Troy na angkinin ang mga labi niya. Nasiyahan ito ng labis sa balita niya. Sa wakas, ngayon mabubuo na din ang pamilya nila at sigurado siyang wala nang magtatangkang buwagin iyon. Kung meron man alam niyang hindi nila bibitiwan ng asawa ang isa’t isa.

Sumakay na sila sa motorsiklong dala ng asawa. Buti na lang simple lang ang damit niya kaya ok lang na sumakay siya doon. Nagtitinginan pa nga ang mga taong nadaraanan nila. Ayos din siya kasi hindi bridal car ang ginamit kundi motorsiklo. Naalala kasi niya ang unang beses na sumakay siya sa motorsiklo nito. Halos hindi niya bitiwan sa pagkakayakap ito noon kahit pa sinasabi niya ritong hindi niya kailanman mamahalin ito.

“Andree parating na kami. Ihanda niyo na ang lahat.”

Naghanda na ang lahat at inanouce na ni Andree ang pagdating nila.

“Please welcome Mr Troy Andrew and Mrs Eliza Silva!” Binuksan nito ang pintuan ng simbahan at sakto ang pagdating nila ng tuluyang bumukas ito.

Lumingon ang lahat ng nakangiti. Malalaking ngiti din ang ibinigay nilang dalawa ng asawa sa mga panauhin. Nagpalakpakan ang lahat. Unang nagmarcha si Troy at pinatugtog ang kanta niya para rito na Para Lang Sa’yo by Aiza Seguerra.

Kinakabahan pa rin siyang nagmarcha kasabay ang tugtog na Sana’y Ako na Lang by 6part Invention. Ang kantang iniaalay ng asawa para sa kanya. Tumigil siya sa gitna ng simbahan at nakangiting tumingin sa asawa. Nakuha naman ni Troy ang gusto niyang ipahiwatig. Naglakad itong palapit sa kanya habang pinatutugtog ang kantang Destiny by Jim Bricksman. Nagpalakpakan ang lahat ng abutin niya ang sikong inilahad ng asawa. Sabay na silang nagmarcha patungo sa altar.

“Girl, kumakain ka na naman?” Tanong ni Ria sa kanya dahil busyng busy siya sa pagkain nang datnan siya sa bahay nila. 7 months after the wedding. Malapit na siyang pumutok ika nga.

“Gutom ako e.”

“Sige ka maghahanap si Troy ng iba niyan kung lumubo ka ng husto.” Biro pa ng kaibigan.

“Kahit ang Mommy ko pa ang pinakamatabang babae sa buong mundo never akong titingin sa iba.” Natatawa ding sabi nito. Narinig pala ni Troy ang sinabi ng kaibigan. “I love you My!” Lumapit ito at humalik sa kanya sabay himas ng tiyan niya.

“Baby huwag mong pahirapan si mommy pag lumabas ka na ha. I love you baby!” Dagdag pa nito.

Kagagaling lang nito sa opisina. Hindi na ito bumalik pa sa pag-aartista. Tama na daw iyong naexperience niya ang buhay artista and it was fun. Komento nito palagi. Ilang beses mang humiling si Ms Rog ay talagang nakapagdesisyon na ito.

Sina Andree, Ashiel at Tyrone na lang ang nag-aasikaso ng negosyo nila na nasimulan sa Manila. Investment na lang ang condo nila. Hindi nila ito kayang bitawan. Naging malaking bahagi iyon ng kanilang pagsasama. Paminsan-minsan ay nagbabakasyon na lang sila doon.

Kumakanta pa din si Troy paminsan-minsan pero ginamit na nito ang natapos na kursong Accounting at nagtatrabaho sa public accountant office.

Pagkaraan ng dalawang linggo ay iniluwal na niya ang baby nila ni Troy. Baby boy. Mukhang susunod sa yapak ng ama sa kagwapuhan. Napakapink nito kaya tantiya ng lahat maputi paglaki. Halos ayaw ipakarga ni Troy sa iba. Gusto niyang siya lang lagi ang may hawak sa baby nila.

Natatawa na lang ang lahat sa kanilang mag-asawa. Sabi ni Liz dapat kamukha ni Troy. Sabi ni Troy dapat kamukha ni Liz. Ganun naman daw kasi gusto mo magiging kamukha ng mahal mo ang anak mo.

Kung kukuha ka ng idea sa lahat sasabihin nilang hati sa dalawa. Nakuha kasi nito ang shape ng mukha ni Liz at ang pagkasingkit ng mata niya. Ang matatangos na ilong at ang mga labi ay galing naman sa ama. Mahal nga nila ang isa’t isa. Kitang kita sa kabuuan ng anak nila.

“My, heto na si baby.” May pagmamalaking sabi ni Troy ng puntahan niya si Liz sa kwarto nito. Walang pagsidlan ng kanilang kaligayahan habang nakamasid sa anak nila. Hindi nila napigilang mapaluha.

“Mahal na mahal kita Eliza and forever I won’t give you up!” Masayang sabi ni Troy at ginawaran ng halik ang asawa habang bitbit ang anak nila. Masayang niyakap nila ang anak na sa simula pa lang ay kanila ng pinangarap.

~ The End ~

Previous <Home>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


  • Share/Bookmark
« Older Entries
Powered by WordPress and Artsavius Theme