Tayo Hanggang Huli Chapter 31
Nagpaalam kaagad siya kay Mon ng makarating sa bahay nila. Napansin kasi niya na nasa labas na ang motorsiklo ni Rian kaya siguradong nakarating na ito. Ayaw niyang may ibang mahalata si Rian.
Naging madalas ang pagkikita nina Mon, Melet, Rian at Micea dahil sa project na hinahandle ni Rian. Palagi kasi siyang isinasama ni Rian kahit pa madalas siyang tumanggi rito ay hindi pa din siya nananalo. Panay din ang meeting nila para sa detalye ng wedding nina Mon at Melet. Inis at selos man ang palagi niyang nararamdaman sa tuwing magkasama silang tatlo ay ipinapakita pa rin niya na professional siya at hindi siya affected sa nakikita.
Hiniling ni Melet isang araw na pumunta si Micea sa Davao para naman maasikaso na niya ang simbahan at reception. Gusto kasi niya na doon na idaos ang kasal nila. Sa lugar ng lalaking mahal na mahal niya.
“Ok lang naman Micea di ba?” Pagsisiguro pa nito. Kasalukuyang kumakain silang apat ng dinner.
“Magpapaalam lang ako sa trabaho. Sana payagan nila ako. Madami kasi kaming inaasikaso ngayon e. Pero ok lang sa akin.”
“Sasamahan ka naman ni Mon e.”
“What?” Halos sabay na napatanong sina Micea, Mon at Rian.
“Bakit anong problema doon?” Painosenteng tanong nito.
“Bakit kasama ako? Paano na ang inaasikaso nating project dito?” Tutol ni Mon sa gustong ipagawa ni Melet.
“Mon, I can manage it. Isang linggo lang naman tapos kailangang may mag-asikaso noong kasal natin. Di ba I gave you the wedding to manage?”
“Pero Melet. Mahalaga din ang ginagawa nating pagpapatayo ng mall.” Tutol pa din niya.
“Mon, katulong ko naman si Rian e. Kailangan ni Micea ng makakatulong doon. Hindi naman pwedeng si Rian ang sumama sa kanya dahil kailangan ko siya dito.”
“But you never said it before Melet.” Ibinoses na ni Micea ang pagtutol.
“I said it now.” Halos kainin na siya sa galit ni Mon. Nakita ni Micea na kinuyom na lang ni Mon ang kanyang kamao at nagtangis ang mga ngipin dahil sa galit.
“Excuse me.” Tumayo si Melet. Sinundan siya ni Rian.
Melet at Rian:
“Anong ginagawa mo Melet?” Galit na bungad kaagad ni Rian pagkalabas nila ng restaurant. “Anong gusto mong palabasin? Alam mo namang hindi pwedeng pagsamahin ang dalawang iyan di ba? Baka magkabalikan sila.”
“Rian, relax ka lang. Alam ko ang ginagawa ko. Masakit man sa akin pero kailangan kong gawin ito.”
“Bakit kailangan mong gawin ito?”
“Gusto kong masuri kung ano ang damdamin ni Mon sa akin bago pa kami makasal. Kung magkabalikan sila ibig sabihin ni minsan hindi nila tayo minahal. Payag ka bang makasal sa babaeng hindi ka kailanman minahal?”
“Wala akong pakialam kung mahal niya ako o hindi ang importante akin siya.”
“Kasakiman iyan Rian. Dahil ilang beses mo mang ilayo si Micea kay Mon kung mahal niya talaga ito wala tayong magagawa. Babalikan at babalikan nila ang isa’t isa.”
“Hindi ako makakapayag.”
“Nagtatrabaho sa akin si Micea kaya may obligasyon siya na sundin ang gusto ko payag ka man o hindi.” Galit na umalis na lang si Rian sa harapan ni Melet.
Nasasaktan din naman siya ng labis sa ginagawa niyang paglalapit ng dalawa pero kailangan niyang gawin. Hindi siya dapat magbulag-bulagan sa katotohanan. Alam niyang mahal pa rin ng dalawa ang isa’t isa. Handa na siya anuman ang maging bunga ng ginagawa niyang ito.
Mon at Micea:
“Micea, I’m sorry sa ginagawa ni Melet.” Hinging paumanhin ni Mon.
“It’s alright Mon. Nabigla lang ako kanina. Trabaho lang ito walang personalan kaya ok lang.”
“Hindi ko alam anong pumasok sa utak niya at ginagawa niya ito.”
“Well, tama naman siya. Dapat isa sa inyo ang magiging katulong ko sa wedding ninyo.”
“Pero dapat siya iyon. Siya ang babae.”
“Ok lang Mon. Huwag na nating gawing problema kasi hindi naman talaga ito problema e. Hindi naman ako tutuloy sa bahay niyo kaya wala naman sigurong masama doon.”
“Let’s go Micea.” Galit na dumating si Rian sa mesa at hinila siya.
“Bye Mon.” Hindi na siya nagtanong. Alam niya kung bakit nagagalit ito.
Rian at Micea:
Nakarating sila sa bahay nina Rian na hindi man lang kumikibo si Rian.
“Sweetheart, ok lang iyon. Huwag ka nang magalit. Trabaho lang ito.”
“Hindi e. Sinasadya ni Melet ito.”
“Wala naman akong makitang dahilan para sadyain niyang paglapitin kami ng mapapangasawa niya. Anong rason niya?”
“Mahilig maglaro si Melet Micea. Hindi ako papayag na umalis ka kasama si Mon.”
“Rian, trabaho ko ito. Promise ikaw at ikaw lang… Matagal na ang relasyon natin nagdududa ka pa din ba sa akin? Na maghahanap ako ng iba?” Naguguluhang tanong niya kay Rian.
“Hindi sa ganun Micea. Nagtitiwala ako sa’yo. Kay Mon wala akong tiwala doon.”
“Rian a relationship is composed of two people. If one doesn’t agree it is not considered a relationship. Kaya kahit anong gawin ni Mon kung ayaw ko wala ding silbi.”
“Pero Micea, ayokong mawala ka sa akin.”
“Hindi ako mawawala. Sa’yo lang ako Rian.”
Mon at Melet:
Pagdating nila sa hotel na tinutuluyan nila ay kumuha ng isang kwarto si Mon at nagkulong doon. Hindi niya kayang kausapin si Melet. Halatang-halata ang ginagawa nitong paglalaro sa damdamin niya.
Kinabukasan ay kumatok si Melet kaya binuksan na lang niya ito. Kahit naiinis man siya sa ginagawa nito ay naisip niya na pabor sa kanila ni Micea iyon. Baka makaalala pa si Micea kapag madalas silang magkasama.
“Hi hon, sorry kung hindi ko pinagpaalam sa’yo ang plano ko. Kung gusto mo ako na lang ang sasama kay Micea?” Pakumbabang sabi nito.
“Huwag na. Ok lang kung ako ang sumama sa kanya. Wala na namang namamagitan sa amin e at trabaho lang niya iyon.” Walang ngiti sa labi na sagot niya.
Makalipas ang dalawang linggo ay papunta na sila ng Davao. Pinayagan kasi si Micea ng amo nito ng isang linggong bakasyon kahit hindi pa pagbabakasyon ang pakay nito. Hindi man nilabas ni Mon pero masayang masaya siyang makasamang muli ang kasintahan.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


