Treasure of Mine Chapter 9
“O anak, basta tandaan mo lage ang bilin ko, mag-iingat ka palagi doon. At tatawag ka pagdating na pagdating mo.” Ang bilin ng ina sa anak.
“Opo nay,” sagot niya sa ina.
“Bilisan mo na diyan at mag aalas singko na, baka maipit ka pa sa traffic.”
“Tapos na po ako nay, aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito palagi, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo”, ang bilin din niya sa ina, at humalik na siya sa pisngi nito.
“Huwag mo akong alalahanin dito, kaya kong alagaan ang sarili ko.” Sagot naman ng ina.
“O, siya halika na at ng hindi ka mahuli.” Dugtong pa ng ina.
Palabas na sila ng silid ng may marinig silang katok at nagpapataopo.
“Tao po…!”hiyaw ng nasa labas.
“Sandali,” sagot ng ina ni Mika at tinungo ang pintuan.
“Magandang araw po!” bati ng tao sa labas ng ito’y mapagbuksan.
“Magandang araw din naman! Ano pong maipaglilingkod ko?” magalang na tanong ng matanda.
“Eh, nandiyan po ba si Mika? susunduin ko po sana siya, nang sa gayon ay sabay na kaming pumunta ng airport.” tugon naman nito.
“Nay, sino po iyan?” tanong ni Mika sa ina, bitbit na nito ang mga gamit habang papalapit.
“Hi, Mika! susunduin sana kita.” Bati ng binata sa dalaga pagkakita dito.
“Kilala mo ba ire anak?” paninigurong tanong ng ina niya.
“Eh, opo ‘nay. Siya po iyong sasamahan ko sa probinsiya. Siya po si Axel. Nanay ko.” Pakilala niya sa dalawa.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala” pagbibigay galang ng binata.
“Ganun din ako iho, sana ay pag ingatan mo itong aking anak sa inyong pupuntahan. Huwag mo sana siyang pabayaan.”paghahabilin nito sa anak.
“Makakasa po kayo. At huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po papabayaan si Mika,” saad nito habang ang mga mata’y titig na titig sa dalaga.
Hindi naman mawari ni Mika ang nararamdaman. Dagli niyang binawi ang tingin mula sa pgtititigan nilang iyon ni Axel, para kasi siyang napapaso sa mga titig nito.
“Aasahan ko iyan iho.” Tugon ng matanda.
“O siya, lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan.” Pagtataboy ng matanda sa kanila.
“Sige po nay, tutuloy na po kami.” At niyakap niya na ang ina bilang pamamaalam.
Kinuha ni Axel mula sa kamay ni Mika ang bag na bitbit nito. Ayaw sana niya itong ibigay ngunit mabilis na itong nakapunta sa kotse.
“Sakay na” pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto katabi ng drivers seat.
“Dito na lang ako sa likod.” Tanggi niya.
“No, i want you to seat beside me.” Sagot naman nito.
Labag man sa loob ay napilitan ang dalaga na sa tabi nito maupo. Nakasimangot ito ng pumasok sa kotse.
“Ok, ready?”tanong ng binata ng makasakay na din
“I ready mong mukha mo?” lukot pa rin ang mukha ng dalaga. Hindi niya talaga mapigilang hindi mainis sa binata.
“Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong ng binata habang nagmamaneho, sa ginawi ng dalaga.
“Tinatanong pa ba iyon? hindi ka tumupad sa usapan natin…hindi ba sabi ko sa iyo sa airport na lang tayo magkita. At isa pa paano mo natunton itong bahay namin?”
“Oooopppss! Sandali, isa-isa lang, mahina ang kalaban” natatawang turan ng lalaki, itinaas pa nito ang isang kamay na animo’y sumusuko.
“Hindi ako nagbibiro kaya huwag mo akong pagtawanan…”naiinis na talaga siya.
“Naisip ko kasing sunduin ka na lang total, sa airport din lang naman pareho ang pupuntahan natin, eh, di mabuti pang sabay na lang tayo, nakakainip din naman kasing magbiyahe mag-isa. In that way, hindi na rin tayo maghahanapan. At isa pa madadaanan ko naman talaga ang bahay niyo di ba?” Paliwanag nito
“Paano mo natunton ang amin?” tanong pa rin niya.
“Sinundan kita kahapon” simpleng sagot nito.
“Ano? Bakit mo naman ako sinundan?”
“Ayaw mo kasing samahan kita.” Nakangising sagot nito.
“Nakakainis ka talaga!” ang nanggigil niyang sabi sa binata.
“Galit ka ba? Sorry na oh, promise hindi ko na uulitin.” Saad ng binata ng mapansin niyang hindi na kumikibo si Mika.
Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang ipinikit na nito ang mga mata tanda na ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Hindi niya alam kung ano talaga ang pumipigil sa dalaga para makipaglapit ito sa kanya. Alam niya meron, nararamdaman niya. Kung anuman iyon sisiguruhin niyang matatanggal ang harang na nakapagitan sa kanilang dalawa.


