Tayo Hanggang Huli Chapter 30
“Hi Micea.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Madali niyang pinatay ang apoy na dumaloy sa katawan niya dahil sa hawak na iyon.
“Have a seat.” Anyaya nito na nauna nang maupo.
Bago sila nagsimulang magdiscuss ay nag-order muna sila. Nakatitig lang siya sa babaeng kaharap. Wala siyang mahagilap na sasabihin. Binuksan na nito ang folder na dala at isa-isang ipinaliwanag ang idea niya sa gaganaping wedding. Patango-tango lang siya. Wala sa isip niya ang mga sinasabi nito kundi sa nakaraan nila. Ang mga araw na masaya silang magkasama. Ang mga araw na kailanman ay hindi na maibabalik pa.
“Do you agree with the color? Mon…” Parang ginigising pa siya nito. Nangangarap kasi siya na sana kasal nila ang pinag-uusapan nilang dalawa ngayon. Hindi iyong kasal niya sa ibang babae.
“Ha? Sorry. Ano nga iyong tanong mo?” Nagrehistro na din sa utak niya ang kasalukuyan.
“Sabi ko okay lang ba ang mga kulay na pinili ko?” Ulit nito sa tanong niya na dinahan-dahan pa ang pagkasabi para siguro maintindihan niya.
“Sure. Alam kong magaling kang pumili pagdating sa ganyan.”
“Thanks! How about the cake?”
“I like it simple. Hindi iyong masyadong madaming kolorete.”
“Alright. I will gather pictures of cake para makita niyo ni Melet.”
“Kumusta ka na?” Hindi mapigilan ni Mon ang sarili na kumustahin ang babaeng minamahal. Kimi itong ngumiti dahil siguro sa hindi nito inaasahan ang tanong niya.
“I’m doing great! Ikaw?”
“Ok lang din naman. Bakit di pa kayo nagpakasal ni Rian?” Usisa niya.
“I told them I am not ready yet. Gusto kong maalala muna si Rian bago ako magpatali sa kanya. It’s a bit awkward kasi kung makakasal ako sa lalaking hindi ko pa din lubusang kilala.”
“Tama nga naman.”
“Mabuti naman nagkabalikan na kayo ni Melet. Sinasabi ko na nga ba at mahal niyo pa din ang isa’t isa.”
Pinilit ko lang ang sarili ko para makalimutan ka loves. “Magkasama ba kayo ni Rian sa iisang bahay?” Hindi niya pinansin ang pahayag ni Micea. Wala siyang mahanap na sagot doon.
“Yeah but not in the same room. Baka iniisip mo…”
“Hindi ako nag-iisip ng ganun.” Putol niya sa sasabihin sana nito.
“By the way, gusto mo bang pumunta tayo ng mall? May titingnan lang ako na mga design ng give-aways.” Anyaya nito sa kanya. Tapos na din silang kumain.
“Sure.”
Nagpunta na sila ng mall. Lagi lang siyang nakatingin kay Micea na enjoy na enjoy sa pagkilatis ng mga give-aways. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa habang busyng-busy pa din sa pagtingin ng mga give-aways. Ang ganda-ganda mo naman loves. Sana maalala mo na ako para hindi matuloy ang kasalang ito.
Micea’s Side:
Pigil na pigil niya ang hininga sa pagkakasama nilang ito ni Mon. Ipinapakita man niyang parang wala lang sa kanya na magkasama sila pero sa loob-loob niya gusto nang bumigay nito. Mabuti naman at gumagana pa rin ang utak niya dahil kung hindi baka nasabi na niya rito na tumututol siya sa kasal nila ni Melet.
Napansin niya na tiningnan siya ni Mon mula ulo hanggang paa. Kaya kahit naconcious siya ay hindi niya ipinakita iyon. Nagpretend na lang siya na napakabusy niya sa ginagawang pagsusuri ng mga give-aways.
Napadaan sila sa department store kaya niyaya niya si Mon na pumasok muna sila doon. Minsan kung may nakikita siyang damit na bagay kay Mon ay itinabi-tabi pa niya ito sa katawan ng binata.
“Tingnan mo ito Mon, bagay ito sa’yo.” Itinabi na naman niya ang isang t-shirt sa katawan ni Mon.
“Sigurado ka ba?” Wala nang ibang maisip na sasabihin si Mon kaya iyon na lang ang nasabi niya. Sa isip kasi niya kailangan niyang magsalita hindi itong nakatitig lang siya lagi sa kasama. Kita naman niyang bagay sa kanya ang t-shirt at nasabing alam na alam pa din ng kasintahan ang mga tipo niyang damit.
“Oo naman. Sigurado ako. Mas lalong maiinlove si Melet sa’yo niyan.” Sabi ni Micea kay Mon. Bagay na ikinasakit ng dibdib niya. Wala nang pag-asa pang maging sila ng lalaking minamahal niya.
“Micea, pagkatapos natin dito punta tayo sa tabing-dagat. Kung ok lang sa’yo? Paborito ko kasing manuod ng sunset.”
“Talaga? That would be fun. Alright.” Masaya siyang sumang-ayon.
Pagkatapos nilang magbayad sa mga napili nila ay sumakay na sila ng taxi at nagtungo sa paborito nilang puntahan noon na tabing-dagat upang manood ng sunset.
“This is nice.” Habang nakamasid sa papalubog na araw ay nasabi ni Micea kay Mon. “Thanks.”
Bigla siyang inakbayan ni Mon kaya kahit nagulat ay hindi na lang siya tumutol. Wala namang ibang nakakakita.
“I know. Kaya nga kita dinala dito e dahil alam ko na magugustuhan mo.” Nakaakbay pa rin si Mon sa kanya hanggang sa naglaho na ang araw at dumilim na ng konti.
“Uwi na tayo.” Anyaya niya kay Mon.
“Magdinner muna tayo.”
“Hindi pa ako nagugutom e.” Tanggi niya dahil hindi na niya kayang pigilan ang damdamin kung makakasama pa niya ito kahit ilang minuto lang. Baka bumigay na siya at masabi niya na mahal niya ito.
“O sige pero payagan mo akong ihatid ka hanggang sa inyo.” Nais kasi niyang matunton kung saan nakatira ang kasintahan. Baka kasi lumipat sina Rian sa isip ni Mon.
“Naku huwag na. Magkasalungat naman ang direksyon ng bahay namin sa hotel na tinutuluyan mo.”
“Please!” Pamimilit niya rito.
“Pero…Sige na nga.” Nginitian niya ito. Ngumiti din ito sa kanya. Ganda mo talagang ngumiti Mon. Hayyyy!
Sumakay na sila ng taxi pauwi sa bahay nila. Magkatabi sila at tahimik lang sa likod na upuan ng taxi. Walang gustong magsalita. Habol ni Micea ang hininga kahit hindi niya nilalabas. Ninais niya na siya makarating na siya sa bahay nila. Napalingon siya sa kasama at bumilis ang pintig ng puso niya ng maramdamang kinapa ni Mon ang mga kamay niya at tahimik lang na hinawakan iyon.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


