Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 13
“Larry… Ma…”
“Larry, Kath nagyayaya si Erika na pumunta daw tayo sa may palengke. Malapit lang naman. Bili tayo ng mga makakain para mamayang gabi.” Naputol ang sasabihin ko na sana kay Larry dahil biglang sumingit si Jerick.
“Bihis lang kami. Basang basa pa kami o.” Sagot naman ni Larry. Inalalayan niya akong tumayo at nagtungo na kami sa kwartong inookupa namin.
Sumunod si Jerick sa amin hanggang sa may kwarto. Nahiya ako dahil mga lalaki ang kasama ko sa kwarto tapos magbibihis ako.
“Pwedeng labas muna kayo kasi magbibihis lang ako.” Nilakasan ko na lang ang loob ko na sabihin sa kanilang dalawa dahil parang wala talaga silang balak na lumabas.
Habang nagbibihis ako ay iniisip ko na sagutin na si Larry. Kung hindi lang sana sumingit si Jerick nasabi ko na sana. Baka naman ayaw ng tadhana na magkaroon ako ng kasintahan para libre ako sakaling maging libre si Jerick. Pero nakikita ko kung gaano sila kasaya ni Erika. Siguro nalipasan na ako ng panahon hindi pa naghihiwalay ang dalawa.
“Kath, tapos ka na ba?” Sabi ni Larry habang kumakatok. Nakalimutan ko na kailangan din pala niyang magbihis. Sigurado akong ginaw na ginaw na siya.
“Oo. Pasok ka Larry.” Binuksan na nito ang pinto at pumasok na.
Nagkatitigan kaming dalawa. First time itong nasa loob kami ng isang kwarto na kaming dalawa lang. Nahihiya akong nagbawi ng tingin.
“Hintayin na lang kita sa labas.” Tatalikod na sana ako pero pinigil niya ako sabay hawak sa kamay ko.
“Mahal kita Kath. Mahal mo rin ba ako?” Tanong niya sa akin na hindi binibitiwan ang kamay ko. Hindi ko alam paano sasabihin. Nakapagdesisyon na naman ako. Kahit hindi pa ako ganuon kasure sa feelings ko sa kanya ay sasagutin ko na lang siya.
“Oo Larry. Sinasagot na kita.” Sa tuwa niya ay nabuhat niya ako. Napapasigaw tuloy ako. Nang ibinaba na niya ako ay sinalubong niya ako ng halik. Biglang bumukas ang pinto.
“Oppps sorry. May sumigaw kasi.” Nahihiyang isinara niyang muli ang pinto.
Sabay kaming napayuko at nagblush ni Larry. First kiss namin nasaksihan ni Jerick. Para akong kandilang nauupos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam paano ko pa haharapin si Jerick. Ang alam pa naman niya ay hindi pa kami.
Nagpunta na kami sa palengke. Hindi ko matingnan ng diretso si Jerick. Nahihiya pa din ako sa nakita niya kanina.
Hindi naman bumibitiw ng pagkakahawak sa kamay ko si Larry. Napakasaya daw kasi niya na sinagot ko na siya. Sabi pa nga niya na hindi ko daw pagsisisihan ang pagsagot ko sa kanya dahil paliligayahin daw niya ako sa paraang alam niya. Natouch naman ako ng todo.
“Kath.” Sabay sina Jerick at Larry na binigyan ako ng mangga. Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa cottage. Kapwa nila alam na may katakawan talaga ako pagdating sa mangga. Nasa bathroom si Erika at hinihintay naming lumabas siya. Binawi na lang ni Jerick ang binigay niya at tinanggap ko ang binigay ni Larry.
“Salamat.” Pasasalamat ko kay Larry.
Kinagabihan ay maagang nagyaya si Erika na matulog na dahil napagod daw siya sa kaliligo. Nang nasa kwarto na kaming dalawa ni Larry ay nahihiya na naman akong tumingin sa kanya. First time ko na naman kasing lalaki ang kasama kong matulog sa kwarto.
Hindi ganuon kalakas ang kilig dahil hindi ko naman siya ganun kamahal tulad ng kay Jerick. Kung si Jerick siguro ang kasama ko hihimatayin na ako sa kilig. Pinagalitan ko ang aking sarili. Boyfriend ko na si Larry pero si Jerick pa rin ang iniisip ko.
“Salamat Kath.” Narinig kong sabi ni Larry. Nakahiga na siya samantalang ako ay nagsusuklay ng buhok ko. Naniniwala kasi ako na kailangang suklayin ang buhok ng maraming beses para naman shiny at maayos tingnan.
“Para saan naman?” Nilingon ko siya.
“Dahil sa pagsagot mo sa akin. Dahil sa pagbigay mo ng chance sa akin na mahalin ka at alagaan.”
“Wala iyon Larry. Karapat-dapat ka namang bigyan ng pagpapahalaga din.”
Bumangon siya at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang buhok ko. Kinuha niya ang suklay at sinuklayan niya ako.
“Bango naman ng buhok mo Kath. Pwede bang tawagan natin mhine. Para sigurado akong akin ka sa tuwing tinatawag kita.”
“Ganda naman.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Sure.”
“Salamat mhine. I love you!” Habang sinusuklayan niya ako ay nagtitigan kami sa salamin.
“I love you too mhine.” Para akong kinilabutan sa sinabi ko. Kung si Jerick siguro ang sinabihan ko noon pihadong ang laki ng ngiti ko.
Nagyaya na siyang mahiga kaya parang nag-aalangan ako. First time ko na naman kasing lalaki ang katabi sa pagtulog. Ni minsan hindi pa ako nakatulog na kasama ang isang lalaki kahit kapatid ko pa. Nahalata yata niya na nagdadalawang isip ako.
“Huwag kang mag-alala mhine. Mapagkakatiwalaan mong hindi kita gagalawin. Nirerespeto kita.” Assure niya sa akin.
“Pasensya ka na ha. First time ko kasing lalaki ang kasama sa kwarto. Hindi ko alam paano kumilos ng tama.” Walang bahid ng kasinungalingang sabi ko sa kanya.
“Masaya akong ako ang first mo na makatabi sa pagtulog mhine. Ikaw din ang first ko lahat. First girlfriend, first kiss at first na babaeng katabi ko sa pagtulog sa iisang kama.”
Humiga na ako sa tabi ni Larry. Hindi naman ako natakot dahil alam kong wala siyang masamang gagawin. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya nga ako pumayag na sumama sa kanya.
“I love you mhine.” Narinig kong sabi niya.
“I love you too.” Nilingon ko siya. Siniil na naman niya ako ng halik. Ngayon ay ramdam ko na kung ano ang feeling ng kiss. Kanina kasi natabunan ng hiya dahil nakita kami ni Jerick. Ganito pala ang feeling. Pihadong hahanap-hanapin ko. Pilya akong ngumiti. Mukhang mahuhulog yata ako kay Larry nito a.
Sa kabilang sulok naman ng isip ko ay naisip ko si Jerick. Ano kayang ginagawa nila ni Erika ngayon? Tuloy napaisip ako. Ano kaya kung bulabugin ko sila? Magkunwaring gusto kong makipagkwentuhan? Huwag na lang. Behave na lang muna ako.
“Good night mhine.” Narinig kong sabi na naman ni Larry. Inilingkis pa niya ang kamay niya sa tiyan ko at pumikit na.
“Good night.” Hinalikan ko pa siya sa noo at pumikit na din ako. Napakacomfortable namang katabi ni Larry sa pagtulog. Sana tuluy-tuloy na ang damdamin kong ito para sa’yo Larry. Nakatulog na ako.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



December 1st, 2009 at 9:18 am
kelan po ang update nitong story nila jerick and kath?
can’t wait for the next chapter..cute ng story..
December 1st, 2009 at 11:03 am
mag-uupdate po ako bukas… salamat sa pagbasa po ng story kong ito… ingat po kayo!
December 9th, 2009 at 2:34 am
wow. sino po yun gumawa ng story na ito? grabe… i really i can meet this person. haha. super naaappreciate ko yun story.
very realistic. grabe… wala na akong masabi… super nagagandahan ako. i will be waiting for the next chapters… nakakagaan ng loob makabasa ng mga ganito…
haha. pakibigay na lang po yun ym nun gumawa sa ym ko. yun lang po. thanks. i promise to keep helping the site to be more visited. salamat at nadaanan ko po ang site ninyo…
bye na po.
next time ulit. hope more stories po ang mabasa ko.
—
bea.
December 9th, 2009 at 3:29 am
hi Bea,
Salamat sa pagbasa po ng story kong ito… ako po ang gumawa ng story.. please call me Miss_J.. hnd po kc ako nkkapag ym kc ang dami tlgang inaasikaso lalo p s pgsusulat s mga stories.. add niyo n lng po friendster account ng site… http://friendster.com/filipinoconnect..
thank u tlga s npkgndang message… mdami p po kming stories.. sna po subaybayan nio..
December 31st, 2009 at 5:06 pm
Good brief and this fill someone in on helped me alot in my college assignement. Thanks you for your information.