IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Treasure of Mine Chapter 8

27.11.2009
02:04

Parang nabingi si Mika sa narinig.

“Gusto niya kasing bisitahin ang mga kaanak niya bago man lang siya bumalik sa America. Tatlong linggo lang ang bakasyon niya. Naisip kong pasamahan siya sa iyo at nang sa ganun ay makapagbakasyon ka na rin. Aba mula ng maggraduate kayo ni Julie ay hindi ka na nakapagpahinga dahil nagtrabaho ka kaagad.” Dugtong pa ng ama ni Julie.

“Eh, Sir, hindi naman po ako nagrereklamo eh, ayos lang po sa akin kahit wala akong bakasyon. Nag-eenjoy naman po ako sa ginagawa ko.” Saad ni Mika.

“Alam ko iha, kaya nga kita pinagbabakasyon dahil you deserve it. Hindi ba sabi mo kanina hindi mo ako bibiguin sa hihilingin ko sa iyo?”

“Opo kaya lang po…di po ba si Julie dapat ang kasama niya sa pagpunta doon?” nag-aalangang tanong ni Mika.

“Hindi pwede si Julie kasi na extend ng limang araw ang stay niya sa Cebu. Pero sabi niya susunod siya sa inyo kaagad, kaya huwag kang mag-alala. O ano? Payag ka na?”

Walang magawa si Mika kung hindi ang pagbigyan ang matanda. Hindi niya pwedeng biguin ito.

“sige po, eh, kailan po ba ang alis namin?” Tanong naman niya

“Mamayang gabi ang alis niyo, kaya pwede ka nang umuwi ngayon ng sa gayon ay makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo.”

Nabigla man dahil agad-agad silang aalis, ay hindi na lang kumibo si Mika. Tumayo na siya at magalang na nagpaalam. Pagtalikod niya ay mas lalo pa siyang nabigla ng makitang nakadekuwatrong upo pa si Axel sa couch. Dere-deretso lang siya sa kanyang pag-alis na tila ba walang nakita. Nang makalabas na ay nagpaalam na din si Axel sa matanda at nagpasalamat. Sinundan niya si Mika hanggang sa pwesto nito.

“O ano, ready ka na? Tayo na at nang makapaghanda na tayo.” Excited na wika nito.

“Mauna ka na. May bibilhin pa ako.” Sagot niya ng hindi man lang ito tinitingnan. Kailangan niya pa kasing mamili ng mga gamit niya at ng grocery para sa kanyang ina.

“Eh di sasamahan kita.”

“Hindi ko kailangan ang chaperon”

“Eh di isipin mong bodyguard mo ako”

“Hindi ako mayaman para magkaroon ng bodyguard”

“Eh di isipin mo na lang na wala kang kasama” pamimilit pa rin nito.

“Pwede ba, pabayaan mo na lang ako.  Hindi pa ba sapat na sasama na ako sa iyo kung saan mang lupalop iyon. Magkita na lang tayo sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala sisiputin kita. Marunong akong tumupad ng usapan.”pagtatapos niya sa usapng iyo.

“O sige kung ayaw mo talagang mgpasama e hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo mamaya. Alas 7 ang biyahe natin.” Sabi nito at umalis na.

<Previous <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme