Tayo Hanggang Huli Chapter 29
Micea’s Side:
Gusto nang mawala ng ngiti sa labi niya ng mapagsino ang mga kinatagpong kliyente ni Rian pero hindi niya ginawa. Kailangan niyang magpretend na hindi siya sa apektado sa nakikita niya kahit ang totooy namiss niya ng sobra ang lalaking kaharap niya ng silya ngayon.
“Rian, this is Raymond Alda and his fiancée Melet Grace Martinez.” Pagpapakilala ng isang engineer.
“Magkakilala na kami. Hindi ko nga akalain e.” Nakangiti pang sabi ni Rian. Alam ni Micea na nagpretend din ito na hindi apektado ng mapagsino ang mga kliyente. Hindi kasi sinabi sa kanya kung sino sino ang kakatagpuin. Hindi na din naman siya nag-usisa basta ginawa na lang niya ang ipinapagawa ng boss niya.
“Oh that’s great then. Makakapagtrabaho kayo ng maayos because you knew each other already.” Sabat naman noong isang engineer na boss ni Rian.
“By the way, this is my fiancée Micea Jane Castillo.” Pagpapakilala ni Rian kay Micea sa mga kasama niyang engineer at mga partners nito.
“Pleasure to meet you.” Saad naman ni Micea habang kinakamayan silang lahat. Kinamayan din siya ni Mon. Talagang gusto na niyang bumagsak sa kinatatayuan pero pinilit niyang maging matatag.
Umupo na sila at napagpasyahan nang mag-order. Pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa kanilang lahat na nag-uusap tungkol sa planong building. Minsan sinusulyapan siya ni Mon pero kadalasan ay masamang titig ni Melet ang nakakasalubong niya.
“Hindi pa ba kayo nagpakasal Rian?” Tanong ni Melet ng mapagkasunduan na ng lahat ang mga detalye ng building.
Kimi siyang ngumiti sa mga kasama. “Hindi pa. Hindi naman kami nagmamadali e.” Sagot naman ni Rian na hinawakan pa ang kamay niya.
“We are getting married.” Dagdag pa nito. Halos mabulunan si Micea sa sariling laway ng marinig ang balita. Kaya pala kanina pa sweet na sweet ang dalawa dahil sila na pala. Sinasabi ko na nga ba na hindi mahirap ibalik ang nakaraan. Tanging nasabi niya sa sarili.
“Talaga? Wow! Alam niyo ba iyan ang trabaho ni Micea ngayon, hotel manager at the same time event organizer. I’m sure she can manage your wedding perfectly.” Pagmamayabang pa ni Rian.
“Rian…” Gusto niyang tumutol. Ayaw niyang maging bahagi ng kasal na iyon.
“Really Micea? You can help me?” Tanong nito sa kanya na nakataas ang kilay.
“Ahmmm…” Tumikhim pa siya. “I don’t know if I am able to make it the way you wanted it.”
“Well we can plan. Right hon?”
“Ha?…” Parang nagulat pa si Mon ng tanungin siya ni Melet. Nakatitig lang kasi siya sa babaeng kaharap. Sayang loves, akala ko pa naman tayo hanggang huli. Nasa isip niya lagi habang tinititigan ito. “Sure. Ikaw ang bahala.”
“So… I am hiring you to be our wedding planner Micea Jane Castillo.” May pang-iinis pa sa boses ni Melet.
“Ok.” Maikling sang-ayon niya kahit ang buong pagkatao niya ay tumututol.
Nang papauwi na sila ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Mon. Hindi pa rin nagbabago ang lalaking iyon. Gwapong gwapo pa din. Ilang buwan na ang lumipas ng huli kitang makita pero heto minamahal pa rin kita. Akala ko nakalimutan ko na ang kabaliwan ko sa’yo pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin pala kita Mon.
Mon’s Side:
Hindi niya inakalang makikita si Micea sa meeting na iyon. Wala man lang nagtanong ni isa sa kanila ni Melet kung sino ang engineer na hahawak sa project na iyon. Kung nalaman lang niya ay mapaghahandaan niya ang pagkikita nilang muli ng babaeng laging laman ng isip at puso niya. Kahit pa sinasabing ikakasal na siya ay hindi pa rin mawaglit ni minsan sa diwa niya ang babaeng bumihag ng puso niya at patuloy na nagmamay-ari nito.
“Hon, hindi ka pa ba inaantok?” Tanong ni Melet sa kanya dahil nasa maliit na terrace siya ng hotel nakatingin lang sa mga sasakyan at mga building sa ibaba. Nasa 10th floor kasi sila.
“Hindi pa e.” Sagot niya na hindi man lang tiningnan si Melet.
“Hindi ko inakalang si Rian pala ang hahawak ng project natin…”
“Ayoko nang pag-usapan pa. Andyan na iyan e. Bakit mo nga pala kinuha si Micea na wedding planner?” Dismayado siya sa naging desisyon ni Melet. Ayaw niyang mapalapit siya kay Micea dahil sigurado siya na hindi niya mapipigilan ang sarili. Baka umurong pa siya sa kasal.
“Wala ka na namang damdamin sa kanya di ba?”
“Wala na pero alam mo naman ang nakaraan namin di ba?”
“Bakit ba apektado ka?” May halong pagkainis sa boses ni Melet.
“Hindi ako apektado. Gusto mo bang matuloy ang kasal na ito?” Mataas na ang boses ni Mon.
“Hon, oo naman. Sorry na. Bukas na bukas din ay sasabihin kong nakahanap na tayo ng ibang wedding planner.” Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya.
“Huwag na. Baka mag-isip sila na apektado pa rin tayo lalo na si Rian. Ituloy mo na lang, wala na naman akong pakialam e. Sige tulog na ako.” Iniwan na niya ito at patapon na humiga sa kama.
Alam niya na may binabalak si Melet. Baka nga paglaruan pa silang dalawa ni Micea para masigurong hindi na siya apektado dito. Alam niya ang takbo ng utak ni Melet. Mahilig itong maglaro ng mga bagay na hindi nakakatuwa.
Micea’s Side:
Nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Hindi niya akalaing tanghali na pala. Maaga siyang nagigising pero ngayon talagang wala siyang balak bumangon. Sabado kasi at walang pasok sa trabaho. Ngayon napagkasunduan na imemeet niya sina Mon at Melet para pag-usapan ang plano sa gagawing wedding nila. May plano na siyang idrinaft pero talagang ayaw na ayaw niyang si Melet ang bride. Ako dapat ang bride ni Mon. Pabuntung-hiningang sabi niya sa sarili.
“Hello.”
“Hi Micea. Kumusta ka na?”
“Ok lang naman. Good morning.” Bati niya sa kausap. Alam niyang si Melet ang kausap.
“I can’t make it today kaya pwede ba kayo na lang ni Mon ang magkita. Imemeet ko kasi ang friend ko na galing sa States e. Pwede ba?”
“Pero… dapat andun ka. Mahalaga na iyong mga pananaw mo ang kukunan ko ng idea because the wedding will be all about you as the bride.”
“I know Micea. Promise ngayon lang talaga ako hindi makakaattend. Tapos alam na alam naman ni Mon ang gusto ko e. Marunong namang pumili iyang si Mon. Maganda ang taste niyan kahit lalaki pagdating sa mga decorations and such.”
“Ok.” Sumang-ayon na lang siya kahit gusto niyang magbigay pa ng palusot. Alam niyang hindi siya mananalo magbigay man siya ng isang milyong dahilan.
“O sige Micea. Bye.”
“Bye.”
Melet’s Side:
Gusto niyang iset up sina Mon at Micea para bago sila makasal ay masigurado niya na wala nang nararamdaman si Mon sa dating kasintahan. Nasasaktan man siya pero kailangan niyang makita iyon dahil hindi siya patatali kay Mon kung ginagawa lang siyang panakip butas nito.
“Hon, kailangan ko talagang imeet si Miriam. Alam mo naman na matagal na kaming hindi nagkita di ba?” Paliwanag niya kay Mon dahil kagaya ni Micea nag-aalangan din itong silang dalawa lang ang magkikita.
Totoo naman na imemeet niya ang kaibigang si Miriam. Barkada nila ito ni Mon na nasa States na nagtatrabaho. Hindi naman talaga niya mamimiss ang meeting. Ginawa lang niyang rason para paglapitin muli ang dalawa at itest ang tunay na damdamin ng mapapangasawa.
“Partial pa lang naman ang ipepresent ni Micea e. Kaya mo na iyan.” Patuloy pa din niyang pangungumbinsi.
“Melet, why are you doing this?” Pabulyaw na ang pagkakasabi ni Mon.
“What do you mean?”
“E alam mo palang di ka makakarating bakit nagset ka pa ng meeting. Nakakahiya kay Micea na hindi ka pupunta. Ikaw ang babae. Ikaw dapat ang nakikipagmeet sa kanya.”
“Hon, I trust your taste kaya sigurado ako kahit ikaw man ang maghandle kasama si Micea ay alam kong magiging maganda ang wedding. Please.. For me!” Wala nang nagawa si Mon kundi ang umoo sa kakulitan ni Melet. Padabog siyang nagpunta sa shower at naghanda na para sa pagkikita nila ni Micea.
Lihim ding nasasaktan at humihiling si Melet na sana mali siya. Sana wala na talagang nararamdaman si Mon para kay Micea.
Mon’s Side:
“Hello!” Nakangiting salubong ni Micea na inilahad pa ang kamay sa kanya. Naghihintay na ito sa restaurant na pagkikitaan nila.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


