Treasure of Mine Chapter 5
Naiinis man ay lumipat na lang si Axel sa passenger seat. Hindi niya ito masisi kung bakit naging ganuon ang pagtrato nito sa kanya. Sukat ba namang hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito kanina sa kanya. Hindi niya kasi napansin na iniabot na pala nito ang kamay, dahil naaliw kasi siyang pagmasdan ang napakaamong mukha nito.
Huli na nang mapansin niya ang kamay nito na nakabitin sa ire, tatanggapin na sana niya ito ngunit pasimple nang ibinulsa ni Mika ang kamay. Alam niyang nainsulto ito sa ginawa niya.
Mas maganda siya sa personal… saad niya sa sarili.
Namukhaan niya agad ito kanina ng lumapit ito sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit ito ang sumundo sa kanya, gayong nang huli silang mag-usap ni Julie ay sinabi nitong ito mismo ang susundo sa kanya. Kilala na niya si Mika base na rin sa mga pagkukuwento ni Julie. Tuwing nagkakausap kasi sila ay hindi pwedeng hindi ito banggitin ni Julie, sa tingin nga niya ay sobrang attached sa isa’t isa ang dalawa. Pati nga mga litrato na ipinapadala ni Julie sa kanya ay palaging nanduon ang larawan ni Mika, laging magkasama ang mga ito.
Ipinikit na lang ni Axel ang mga mata habang nasa byahe, ayaw niya munang makipag-usap kay Mika dahil baka lalo lamang lumaki ang gap sa pagitan nilang dalawa. Ayaw niyang lalo pa itong mainis sa kanya.
Aba’t tingnan mo nga ang lalaking ito, tinulugan pa ako… sambit ni Mika sa sarili ng mapasulyap siya sa salamin ng kotse at nakitang nakapikit na si Axel.
Tingnan natin, gusto mong matulog ha, eh, di sige matulog ka and enjoy the ride… saad niya at bigla na lang pinaharurot ng takbo ang kotse na animo ay nasa isang racing field. Mabuti na lang at wala masyadong mga sasakyan kaya pwede siyang magpatakbo ng mabilis.
Biglang napadilat si Axel dahil naramdaman niyang biglang bumilis ang takbo ng sasakyan.
“Pwede bang dahan-dahan naman sa pagmamaneho.” Sabi niya kay Mika.
”Sorry ha, nagmamadali kasi ako eh, may trabaho pa ako…” sagot naman nito sa kanya.
“At saka huwag kang mag-alala hindi kita ipapahamak, kaya matulog ka na lang ulit diyan.” Seryosong saad ni Mika.
Gusto na niyang matawa sa nakikitang hilatsa ng mukha ng lalake.
“Hindi bale na lang, magmamasid-masid na lang ako sa paligid.” Sagot naman nito.
Eh di nagising ka rin, hehehe… lihim na napapangiti si Mika.
Matiwasay naman silang nakarating sa bahay nina Julie. Sinalubong sila ng ina ng kaibigan, na tuwang-tuwa ng makita si Axel. Pagkatapos bumati dito ay nagpaalam na siya at sinabing may pupuntahan pa siyang iba. Hindi na man siya pinigilan ng butihing ginang at nagpasalamat na din ito sa ginawa niyang pagsundo sa binata. Ngiti at tango lang ang isinagot niya sa ginang na para niya na ring pangalawang ina. Patalikod na siya ng marinig niya ang boses ni Axel…
“Mika, maraming salamat sa pagsundo. I really appreciate it.”Sabi nito sa kanya. At iniabot ang kamay.
Ayaw sana niya iyong tanggapin ngunit nakitingin ang mama ni Julie sa kanila.
Napangiti si Axel ng tanggapin ni Mika ang kamay niya.
“Thank you, and Im so sorry sa nangyari kanina, I didn’t mean to do it.” Sinserong paghingi nito ng paumanhin.
“I’ts ok, just forget about it. Sige, mauna na ako.” Tanggap niya sa paghingi nito ng paumanhin.
“Tita I’ll go ahead.” Paalam niya ulit sa ginang.
“Sige iha, mag iingat ka.” Saad naman nito.
“Ah, Mika, ihatid na kita.”Alok ng binata
“Hindi na, nasa kabilang kalye lang naman ang sa amin, at saka baka kapag ihatid mo ako eh, maligaw ka pa pabalik, magpahinga ka na lang. alam kong napagod ka sa byahe mo.” Saad niya dito.
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Axel. Inaya na ito ng ginang na pumasok sa loob ng bahay nang sa gayon ay makapagpahinga.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


