IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Tayo Hanggang Huli Chapter 27

25.11.2009
04:03

Nagawa ko iyon sa’yo? Sorry Melet hindi ko…

Huwag kang mag-alala Mon. Hindi naman kita pipikutin dahil lang may nangyari sa atin.” Tumayo na ito at nagbihis.

Nasapol niya ang kanyang noo sa nagawa niya. Kailangan niyang pangatawanan si Melet pero paano kung kasal na siya kay Micea?

Natapos ang dalawang linggong bakasyon nina Mon at nang barkada niya kaya umuwi na sila sa Davao. Nagpatuloy ang buhay nina Mon at Melet na hindi pinag-uusapan ang nangyari sa kanila isang gabi noong nasa Bohol sila.

Umuwi din ng Cebu si Rian at sinama nito si Micea. Sinabi kasi ng lolo niya na mas maigi na andun siya nang malibang naman siya. Nakakuha ng trabaho si Micea bilang manager ng isang hotel at paminsan-minsan ay naaanyayahang magmanage ng catering kapag may kasal o espesyal na okasyon. Gustung gusto siya ng pamunuan ng hotel dahil napakasipag sa trabaho at talaga namang ipinapamalas niya ang galing sa pag-aayos ng mga events.

Si Rian naman ay nagtatrabaho na bilang isang engineer. Noon kasi ay ang apartment lang nila ang pinamamahalaan niya pero isang araw ay may nakilala siyang engineer na siyang nagtulak sa kanya para naman gamitin niya ang nalalaman. Pinalad naman na makapagtrabaho siya sa isang magandang kompanya.

Ipinagpaliban muna ang kasal nina Rian at Micea dahil nga sa hindi pa makakasal si Micea. Hinihintay pa nila na maexpire ang kasal na iyon kahit lingid sa kaalaman ni Micea.

Sa kabilang banda ay nagpatuloy ang buhay ni Mon na wala si Micea. Ilang beses man niyang binalak na magpakalayo-layo na ay hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya. Malapit na ding itayo ang mall sa Cebu. Nakakita na nga daw sila ng company na maghahandle ng project kaya baka mapilitan siyang magresign at iyon na ang asikasuhin niya. Gabi-gabi pa din siyang umiinom. Naaalala pa din niya si Micea. Ilang beses nang idinikta ni Mon sa isip na kakalimutan na niya si Micea pero ayaw namang sumunod nito lalo ng puso niya.

Hi Sweetheart.” Tumawag si Rian sa kanya habang busyng busy siya sa pagcheck ng mga rooms. Gusto kasi niya na maayos lahat para kung sakaling may magcheck in ay hindi ma rate ng negative ang hotel nila.

O, may problema ba?” Usisa kaagad niya sa kasintahan dahil alam niyang busyng busy din ito.

Wala naman. Namiss ko lang ang boses mo.

Ito talaga. Nasa iisang bahay lang naman tayo a.” Napangiti siya sa sinabi nito.

Kahit isang segundo lang na hindi kita nakikita ay namimiss na kaagad kita.

Ikaw talaga. Kumusta ang trabaho?

Ok lang naman. May bago kaming kliyente. Taga-Davao tapos mall ang pinapatayo.

Talaga. Wow!” Naisip niya na taga-Davao si Mon. Grabeng paglalaro na ng tadhana kung kasama si Mon sa mga kliyente nina Rian. Pahiwatig ng isip niya.

Malaking project ito para sa amin. By the way, labas tayo mamaya ha.

Sure. O sige balik na ako sa trabaho.

I love you sweetheart… Very much!

I love you very much also. Bye

Naisip na naman niya si Mon ng mapag-usapan nila ang Davao. Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging kliyente nina Rian doon pa sila galing sa lugar na gusto kong kalimutan na?

Mon’s Side:

Nasa trabaho siya at iniisip ang expiration date ng contract nila ni Micea ng tumawag ang mommy niya. Isang linggo na lang kasi at maeexpire na ito.

Yes ma.

Mon, andito kami sa hospital. Naaksidente ang daddy mo. Pumunta ka na dito ngayon din kailangan tayo ng daddy mo.

What? What happened?” Hindi na niya hinintay na sumagot ang mommy niya. Ibinaba kaagad niya ang telepono at maagang nagpaalam sa trabaho. Dali-dali siyang nagpunta sa hospital kung saan sinabi ng mommy niya na dinala ang daddy niya. Kahit madalas silang mag-away ng daddy niya ay ayaw pa din niyang mawala ito. Ang daddy niya ang sandalan ng pamilya nila kahit pa sinasabing may kanya kanyang buhay na sila.

Nang makarating siya ng hospital ay sinabi ng mommy niya na isinasalba pa ang daddy niya. Nanduon ang kuya niya at asawa nito. Nanduon din si Melet.

Ano pong nangyari ma?

Nawalan yata ng preno ang kotse ng daddy mo e. Kaya hayun nabangga niya ang kasalubong na trak.

May iba po bang nasaktan?” Lumabas na ang doctor kaya kabadong nakinig ang lahat. Dinadalangin na sana maganda ang balita ng doctor.

Ligtas na po ang pasyente pero may masamang balita ako sa inyo. Napuruhan ang dalawang binti niya kaya baka may posibilidad na hindi na siya makalakad. Gagawin pa din namin ang lahat para hindi na kailangang putulin ang dalawang paa niya.” Hinimatay ang mommy ni Mon ng marinig ang sinabi ng doctor. Hindi din nila matanggap ang balita.

Sinalukluluhan nina Mon at Melet ang mommy niya habang pumunta naman ang kuya niya at asawa nito sa kwarto ng daddy nila. Sobrang nalungkot si Mon sa trahedyang naganap sa pamilya niya. Bakit kailangan pang mangyari ito sa’yo dad? Mabuti naman po kayong tao e. Wala kayong sinasagasaan. Matulungin kayo sa lahat pero bakit?

Nang mahimasmasan ang mommy niya ay pumunta na sila sa kwarto ng daddy niya. Walang tigil ang pag-iyak ng mommy niya sa nakikitang kalagayan ng daddy niya.

Hon, magpagaling ka ha. Huwag mo kaming iiwan. Hindi namin kakayanin.” Habang hawak ang kamay ng daddy niya ay patuloy na sambit nito.

Umuwi muna sina Mon at Melet para kumuha ng mga gamit ng daddy niya.

Mon, I’m sorry.” Napaiyak na siya habang yakap si Melet.

Bakit kailangang mangyari kay Dad ito Melet? Hindi ko alam kung kakayanin ba namin kung mawala siya.

Magpakatatag ka lang Mon. Andito lang kami na dadamay sa inyo.”

Habang kumukuha ng mga dadalhin sa hospital ay naisip niya si Micea. Loves kailangan kita ngayon. Nasaan ka na ba? Namimiss na kita.

Si Micea lang ang makakapagbigay aliw sa kanya ngayon. Iyon ang naisip niya. Kung magkasama lang sana sila ay kaya niyang lampasan lahat. Kung magkasama lang sana sila ay hindi niya madaramang nag-iisa siya sa mga panahong ganito. Mahal na mahal pa rin kita loves.

Makalipas ang dalawang linggo ay nakauwi na ang daddy niya sa bahay nila. Hindi nga pinutol ang mga paa nito pero hindi na daw ito makakalakad pa. Nakawheelchair na lang ito.

Awang-awa siya sa nakikitang kalagayan ng daddy niya. Palagi na lang itong malungkot, hindi kumikibo sa harap ng pagkain, naging bugnutin din at higit sa lahat walang sinasanto kahit pa mommy niya ay parating sinisigawan nito. Gusto niyang makatulong sa sitwasyon pero hindi niya alam paano.

Isang araw ay kinausap niya ito.

Dad, kumusta ka na?” Galing kasi siyang trabaho kaya iyon ang naging pambungad niya. Hindi ito sumagot.

Dad, magpakatatag po kayo. Kaya natin ‘to.” Pampalubag loob na sabi niya.

Mon, inutil na ang daddy mo. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa atin.” Unti-unti na kasing nauubos ang pera nila dahil hindi na ganun kaaktibo ang daddy niya sa negosyo nila.

Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Magagawan naman po natin ng paraan iyon e.

Gusto kong maganda ang buhay mo kapag nag-kaaasawa ka na. Gusto kong magandang buhay pa rin ang tatamasahin ng mga anak niyo ng kuya mo. Kumayod ako ng husto dahil ayokong maghirap kayong magkapatid.

Pinagpapasalamat namin iyon dad kaya ngayon hayaan niyo po kaming suklian iyon.

Kung gusto mong suklian iyon Mon, pakasalan mo si Melet. Kapag nakasal kayo magiging sigurado na ako na magiging maganda din ang buhay mo.

Pero dad…

Mon, naging kayo naman ni Melet di ba? Hindi na ganun kahirap pa na ibalik ang nakaraan niyo.

Dad hindi ko na po mahal si Melet.

Mon, matutunan mo din siyang mahalin ulit. Kapag nagpakasal kayo ni Melet hindi na ako mamomroblema pa sa’yo. Alam kong magiging secure ang future niyo. Pag-isipan mo sana anak.

Pagkatapos kong makausap ang daddy ko ay pumunta na ako ng kwarto. Gulung-gulo ang isip ko. Malaya na akong magpakasal ulit dahil expired na ang marriage contract namin ni Micea pero hindi ko kayang makasal sa iba. Si Micea lang talaga ang gusto kong kasalo sa lahat ng bagay - sa lungkot at saya, sa hirap at sa ligaya. Siya lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Siya lang lahat.

***

Next Chapter:

“Anong meron Mon?” Hindi na nakatiis at nagtanong ito.

“Gusto ko sanang magsimula tayong muli. Gusto kong bigyan ng chance ang sa ating dalawa Melet.”

“Talaga?” Hindi pa din maalis ang pagtataka sa mukha nito.

“Oo Melet. Tulungan mo ako na makalimutan si Micea.” Napangiti si Melet sa sinabi niya. “Gusto ko sanang… magpakasal tayo.” Halos hindi niya masambit ang huling salita. May ibinigay siya na singsing kay Melet at tuwang-tuwang umoo ito.

“Hi, my name is Raymond Alda, this is my fiancée Melet Grace Martinez.” Nagkamayan kaming anim. May mga kasama din kasing partner ang dalawang engineer.

“Hinihintay na lang natin ang isa pa naming kasama na siyang may dala ng plano. Maupo kayo.” Pahayag ng isang engineer.

“Andito na pala sila.” Sabay kaming napalingon lahat.

“Micea…” Tanging nasambit ko sa nakangiting babae na paparating na nakakapit pa sa kasama niya.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme