Treasure of Mine Chapter 4
“Ang gwapo naman nito, parang artista! no wonder na napakaespesyal ng Axel na ito sa buhay ng kaibigan ko”, sabi niya habang titig na titig pa rin sa larawan.
“Ang swerte naman ng kaibigan ko, may kapatid kaya ito?” tanong niya sa sarili.
“di bale, tatanungin ko mamaya si Julie pag tumawag siya, hehehe”, napapatawa siya sa sinabi.
Eksaktong alas otso ay tumayo na si Mika upang abangan ang lalaking susunduin. Palipat lipat ang tingin niya sa larawang hawak at sa mga taong palabas na, gusto niyang makita kaagad ito.
Hindi naman siya nainip sa kahihintay, pagkalipas lamang ng ilang minuto ay lumabas na ang lalake. Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib ng makita ito. Kahit hindi niya na tingnan ulit ang larawang hawak ay siguradong sigurado siya na ito nga ang childhood sweetheart ng kaibigan. Napakagwapo talaga nito.
Napakaperpekto naman ng mukha niya. Tila sadyang inukit ito ng isang napakagaling na pintor. Saad ng isip niya habang sinisipat niya itong mabuti.
Tiyak na ako ang hinahanap niyan, hehehe, ng mapansin niyang panay ang linga nito. Ang swerte ko naman, buti na lang at pumayag akong, ako ang sumundo…mukhang naiinip na si pogi malapitan na nga... Sabi niya sa sarili sabay lapit dito.
“Hi”, bati ni Mika dito ng makalapit.
“Yes?” tugon nito na nakakunot ang noo.
“I’m Mika”, sabay lahad ng kanyang kamay. Ngunit tiningnan lamang nito ang kamay niya.
“You’re Axel right?” dugtong pa nito at pasimpleng inilagay ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon ng hindi ito tinanggap ng lalake. Napataas ang kilay niya sa inasal nito.
HAMBOG! Gwapo nga, ang yabang naman! Aba’t pasalamat siya at nakikipagkamay pa ako sa kanya. Inis niyang sambit sa sarili. Makaganti nga.
“Yeah” maikling tugon ng lalaki sa kanya,
“Then, follow me.”Saad niya dito at tumalikod.
“And why would I do that?” hindi pa rin ito natitinag sa kinatatayuan.
Hinarap niya ito at pinameywangan.
“Kung gusto mong makarating sa bahay nina Julie, sumunod ka. Pero kung gusto mong tumayo lang diyan na parang isang security guard, then suit yourself.” At tinalikuran niya na ito.
Nakakailang hakbang na si Mika ng tawagin siya nito.
“Wait!” sambit nito.
Nilingon niya ulit ito.
“What?” tanong niya na nakataas pa rin ang isang kilay.
“Where is your car?” tanong nito sa kanya.
“Andun” sabay turo sa pinakadulo ng mga naka park na kotse.
“What? Why did you park over there?” gilalas na sambit nito
“Eh sa wala na akong mapagparkingan kanina ng dumating ako eh, anong magagawa ko” pang-iinis niya dito.
Pilit itinatago ni Mika ang ngiting nais mamutawi sa kanyang mga labi.
Ang yabang mo kasi eh, di iyan ang napala mo, hehehe…pilyang saad niya sa sarili
Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagdating nila sa kotse ay sumakay kaagad ito sa tabi ng driver’s seat.
“Excuse me, pero hindi ka pwedeng umupo diyan, doon ka sa likod. Hindi ako nakakapag concentarate magdrive kapag may katabi ako.” Saad niya sa lalaki.
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.



December 4th, 2009 at 9:32 pm
Hi my name is Sabrina. I was surfing and found your blog, which I liked very much, which is quite pleasant to read. I return next week to read you again. Greetings Sabrina
December 5th, 2009 at 7:01 am
Thank you so much for reading my blog… I am happy that you liked it..
Take care always and God bless you!