IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Tayo Hanggang Huli Chapter 26

23.11.2009
22:13

I’m sorry. I thought it’s mine. I’ll never trespass like that again.” Ibinigay niya sa tita niya ang nakatuping papel na iyon ng hindi man lang binubuksan ito.

It’s alright bunso.

Wala po ba akong mga journal or diary noon na pwede kong basa-basahin para naman may maalala akong konti habang basa ang mga ito.

Wala e.” Pagkakaila na naman ni Gina. Sa totoo lang ang mga nagkalat na papel sa sahig na hindi binigyang pansin ni Micea ay maituturing na diary niya dahil halos yata araw-araw na sulat ni Mon ito sa kanya.

Huwag ka nang mag-alala bunso. Ok lang iyan. Pasasaan ba’t makakaalala ka din.

Nahihirapan na po kasi ako dahil kung nakakaalala lang ako ngayon siguro si Mon ang ipaglalaban ko. Siya ang mamahalin ko. Siya po kasi ang sigaw ng puso ko e.” Parang batang sumbong niya sa tita niya.

Mon’s Side:

Kanina pa umuwi ang mga barkada niya pero hindi pa din siya tumitigil sa pag-inom. Hindi na siya makatayo sa kalasingan. Kanina pa siya sinasaway ng mga ito pero hindi siya nakikinig. Naaalala pa din niya si Micea kaya nasasaktan pa rin siya ng labis. Nilapitan siya ni Melet.

Mon, punta ka na sa kwarto mo. Tama na iyan.

Matulog ka na Melet. Kaya ko na ang sarili ko.

Hindi ka na nga makatayo dyan tapos sasabihin mo na kaya mo?

Sinabing kaya ko e.” Itinayo siya ni Melet at inalalayan patungo sa kwarto niya. Inihiga siya nito sa kama niya.

Micea…” Hinaplos niya ang mukha ni Melet at si Micea ang nakikita niya. “Mahal kita.” Sabay halik dito.

Micea’s Side:

Nasa kwarto na siya at nagpapahinga ng kumatok si Rian. Pinapasok niya ito.

Kumusta ka na?

Ok lang ako.

Ba’t di ka sumabay sa aming kumain kanina? Masama ba ang pakiramdam mo?

No. I’m just not hungry.

Something’s bothering you Micea?

Wala naman. Bakit mo naman naitanong?” Ngumiti siya ng pilit dito.

Nahahalata ko lang kasi na kanina ka pa wala sa mood na makipag-usap kahit kanino. Kung may problema ka huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa’kin. Andito lang akong dadamay sa’yo.

Ang problema nga Rian hindi na kita mahal. Gusto sana niyang isagot pero ayaw niyang saktan ang kasintahan. Pitong taon din silang magkasama nito at itatapon lang niya dahil may lalaking nanggugulo sa isip niya. Hindi siya ganun kasama.

I definitely will.

Lumapit ito at hahalik sana sa kanya pero lumayo siya at nagkunwaring inaantok na kaya lumabas na lang si Rian at hinayaan siyang mapag-isa.

Mon’s Side:

Napakabigat ng kanyang pakiramdam ng magising siya. Ang sakit-sakit ng ulo niya. Nabigla siya ng may maramdamang ibang tao sa kama niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pilit niyang inalala kung ano ang nangyari kagabi pero wala talaga siyang maalala.

Bumangon siya. Nahagilap niya ang sarili na wala pala siyang damit. May nangyari kaya sa amin ng babaeng kasama ko? Pero wala talaga siyang maalala. Gumalaw ito at humarap sa kanya.

Melet…

Micea’s Side:

Maaga siyang nagising. Nagpunta kaagad siya ng tabing-dagat. Gusto niyang mapag-isa. Nasasaktan pa din siya sa ginawa ni Mon kahapon na paggive up sa pagmamahal sa kanya. Hindi niya dapat maramdaman pero heto at damang dama niya.

Hello Mesh” Nabigla man siya ay nabawi kaagad niya ang kanyang expression.

Kuya Jun, andito ka.

Oo. Nagpapahangin lang. Kumusta ka na?

Ok lang naman kuya. Ikaw?

Ok lang din. Madalas pa bang sumakit ang ulo mo?

Hindi na. Kuya, hindi ka naman magsisinungaling sa akin di ba?

Oo naman. Ba’t naman ako magsisinungaling sa’yo?

Kilala ko ba dati si Mon? Minahal ko ba siya?” Hindi nakasagot kaagad si Jun. Hindi niya akalain na mag-uusisa pa din si Micea pagkatapos ng ginawa ni Mon.

Magbabarkada tayo noon e. Ganyan lang talaga si Mon, mahilig magbiro na girlfriend niya ang isang babae.

Pero sabi niya mahal niya ako e. Nakikita ko sa kilos niya na hindi ito bago sa kanya.

Oo dahil lahat yata ng barkada inaangkin niya na girlfriend pero biro lang naman.

So ibig mong sabihin hindi siya seryoso sa akin?

Hindi ko alam ang sagot e. Hindi niya nababanggit.” Nasaktan na naman si Micea sa nalaman. May posibilidad pala na naglalaro lang si Mon sa kanya tulad ng sabi ng kanyang kuya Jun na lahat ng babaeng barkada ay inaangkin na girlfriend nito. “Huwag mo na lang alalahanin si Mon, ang isipin mo si Rian dahil ikakasal na kayo.

Oo nga e.

Mahal na mahal ka niya at alam kong mahal mo din siya. Magiging maligaya ka din sa piling niya.

Alam ko kuya. Salamat!

Mon’s Side:

Melet, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?

Hindi mo natatandaan ang nangyari kagabi?

Ha? Anong nangyari kagabi?

Next Chapter:

“Kahit isang segundo lang na hindi kita nakikita ay namimiss na kaagad kita.”

“Ikaw talaga. Kumusta ang trabaho?”

“Ok lang naman. May bago kaming kliyente. Taga-Davao tapos mall ang pinapatayo.”

“Talaga. Wow!” Naisip niya na taga-Davao si Mon. Grabeng paglalaro na ng tadhana kung kasama si Mon sa mga kliyente nina Rian. Pahiwatig ng isip niya.

“Kung gusto mong suklian iyon Mon, pakasalan mo si Melet. Kapag nakasal kayo magiging sigurado na ako na magiging maganda din ang buhay mo.”

“Dad hindi ko na po mahal si Melet.”

“Mon, matutunan mo din siyang mahalin ulit. Kapag nagpakasal kayo ni Melet hindi na ako mamomroblema pa sa’yo. Alam kong magiging secure ang future niyo. Pag-isipan mo sana anak.”

Pagkatapos kong makausap ang daddy ko ay pumunta na ako ng kwarto. Gulung-gulo ang isip ko. Malaya na akong magpakasal ulit dahil expired na ang marriage contract namin ni Micea pero hindi ko kayang makasal sa iba. Si Micea lang talaga ang gusto kong kasalo sa lahat ng bagay - sa lungkot at saya, sa hirap at sa ligaya. Siya lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Siya lang lahat.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–

Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Leave a Reply

Powered by WordPress and Artsavius Theme