Kung Sana’y Ako Na Lang Chapter 11
Kinabukasan ay maagang maaga akong pumasok. Hinanap ko kaagad si Jessa na nauna ng isang oras ang klase ngayong araw na ito.
“Bakit mukhang masaya ka?” Tanong kaagad nito. Dahil hindi ko talaga napigilan ang mapatili sa harap niya.
“Kinantahan niya ako kagabi tapos nagsnack pa kami sa dunkin donuts.” Pigil na pigil ko pa ang kaexcitedan sa boses ko.
“Ayyy.” Napatili na kaming dalawa. Kahit hindi ako magbanggit ng pangalan ay alam na alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Alam kasi niya ang damdamin ko kay Jerick.
“Paano nangyari?” Simulang usisa nito.
“Inanyayahan kasi ako ni Larry na sumama sa video k dahil nagyaya si Coach Jim ayun andun siya.” Kinikilig pa ding sabi ko kay Jessa.
“Hindi ba niya isinama si Erika?” Usisa pa din nito.
“Sinama niya. Pero hinatid kasi sila ni coach Jim tapos kami ni Larry hinatid ni Jerick gamit ang motor niya.”
“Oy baka may pagtingin sa’yo si Jerick. Bakit mas hinatid ka pa niya kaysa kay Erika?”
“E kasi magkapitbahay lang naman sina Erika at Coach kaya ganun.”
“Tapos anong feeling mo nuong kayong dalawa na lang? Anong sabi niya?” Mababakas pa din sa mga mukha namin ang ngiti.
“Sabi niya napakaespesyal ko daw para sa kanya. Sabi niya na ako daw iyong tipong hindi sinasaktan.”
“Oyyy…” Panunukso pa ni Jessa. “E si Larry, nanligaw na ba sa’yo?” Biglang nabawasan ang ngiti sa mukha ko ng maalala ko si Larry. Nagtapat na nga pala ng pag-ibig sa akin si Larry. Ni hindi ko man lang napagtuunan ng pansin dahil kay Jerick.
“Bakit tulala mode ka dyan?”
“Nagtapat na kasi si Larry sa akin kagabi. Kinantahan pa nga niya ako. Iyong Ordinary Song na sadya namang nakakatouch.”
“Anong plano mo ngayon?”
“Hindi ko alam e. Hindi ko naman siya mahal. Pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay for now.”
“Dahil nandyan si bestfriend ganun ba?”
“Huwag kang maingay baka may makarinig sa’yo.” Biglang dumaan si Jerick. Nashock ako sa kanya dahil parang hindi na naman ako kilala nito. Ni hindi nga ngumiti noong nginitian ko kaya nanlumo ako kasama na pati si Jessa na nakita din ang reaksiyon niya.
“Bakit ganun?” Tanong nito.
“Hindi ko nga din alam e. Akala ko friends na kami.”
“Ano ba naman iyang si MrCloseUp? Pabago-bago ng mood. Ok lang iyan friend ha. Huwag mo nang dibdibin.” Hinimas pa niya ang likod ko dahil alam niyang babaha na naman ng luha.
Dumaan ang mga araw. Palagi ko pa ring nakikitang masayang magkasama sina Jerick at Erika. Ang akala ko magkaibigan na kami pero hindi pala. Hindi na naman ako pinapansin nito. Tulad noong dati na parang hindi niya ako kilala.
Natapos na ang eleksiyon ng SBO at nanalo si Erika kaya tuwang tuwa ang lahat ng sumuporta sa kanya. Lalo naman si Jerick na dinig ko ay sinagot na niya. Sila na daw officially iyon ang nabanggit ni Larry sa akin na ikinamatay ng lahat ng ugat ng puso ko. Feeling ko nagluksa ang buong pagkatao ko sa balitang iyon. Kahit ganunman kailangang ipagpatuloy ang buhay. Kailangan kong magpakatatag. Pasasaan ba’t makakalimutan ko din si Jerick.
“Kath, nagyayaya sina Erika at Jerick na magpunta daw tayo sa Timuga. Third monthsary daw kasi nila. Gusto nilang icelebrate doon. Sama ka ha.”
“Naku, huwag na lang. Nahihiya ako e.”
“Tayong apat lang naman e. Hindi naman buong team ang inimbita nila. Kaibigan mo naman si Erika at kaibigan ko din si Jerick.”
“Kailan naman?”
“This Saturday tapos overnight tayo doon.”
“Overnight? Naku baka di payag si mama niyan?”
“Ako ang magpapaalam para sa iyo kung papayag ka.”
“Baka anong isipin nina mama kung magkasama tayo buong gabi.”
“Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?”
“Nagtitiwala naman pero alam mo na ang iisipin ng mga tao. Bakit ba kailangan pa tayong isama nina Jerick?” Naiinis na talaga ako dahil parang nananadya ang dalawa.
“Bestfriend niya ako remember? Bakit parang hindi ka masaya para sa kanilang dalawa?”
“Ay hindi naman sa ganun. Nakalimutan ko bestfriend ka nga pala. Sige punta ka sa bahay mamaya para magpaalam tayo.”
“Kath, gusto ko lang sanang tanungin kung ano na ang sagot mo doon sa ipinahiwatig kong pagmamahal sa’yo?”
“Tinitimbang ko pang mabuti Larry. Ayoko kasing mawala ang pagkakaibigan natin. Alam mo namang mahalagang mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin e. At ikaw Larry mahalaga ka sa akin. Nasanay na akong andyan ka sa tabi ko lagi.”
“Salamat kung ganun Kath. Kahit iyon man lang sa ngayon ay masaya na ako.”
Kinagabihan ay nagpunta si Larry sa bahay namin at magkasama kaming nagpaalam sa mama at papa ko na mag-oover night kami sa Timuga (Iligan Famous Resort) sa sabado.
“Sino bang kasama niyo?” Tanong ng papa ko.
“Apat po kaming pupunta. Iyong bestfriend ko po at ang girlfriend niya.” Sagot naman ni Larry.
“Matanong ko nga, Larry, Kath may relasyon ba kayong dalawa?” Usisa ng mama ko.
“Wala po ma. Magkaibigan lang po kami.” Sagot ko naman.
“Gusto ko kung magligawan kayo alam namin ng papa mo. Hindi naman kami tututol sa inyo e. Kilala ka na namin Larry at nagtitiwala kami sa’yo.”
“So payag kayo ma na punta kami sa Timuga?”
“Oo. Basta mag-iingat kayo lagi ha.”
“Salamat po tita.”
Natouch naman ako sa sinabi ng mama ko na boto daw sila kay Larry. Ano pa nga bang hinihintay ko? Mahalaga naman sa akin si Larry e. Matututunan ko naman siguro siyang mahalin sakaling sagutin ko siya.
“Buti naman pumayag ang mama at papa mo. Napakasaya ko na makakasama kita Kath.”
“Masaya din akong makasama ka Larry.”
“Mas masaya sana kung tayo na Kath.” Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala akong pagmamahal sa kanya at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Na hindi siya kundi ang bestfriend niya ang matagal ko nang pinapangarap na maging boyfriend.
<Previous Page <Home> Next Page>
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


