Ang Kwintas Chapter 45
Nang umuwi na ako mula sa party ay naghihintay si Jonas sa akin. Hindi ko nagustuhang makita ito.
“Bakit ka nandito?”
“Hon merry christmas.” May inabot siya sa akin na isang regalo.
“Hindi ko matatanggap iyan. Umuwi ka na.” Kahit sinagot ko na ito ay madalas kong ipagtabuyan ito. Hindi ko ipinaramdam dito ang pagmamahal na ibinigay ko kay JC noon. Sinagot ko lang siya para sabihing nakapagmove on na ako pero mas lalong lumala yata ang pagkalugmok ko sa alaala ni JC.
“Hon dapat masaya tayo ngayon. Bakit nararamdaman kong wala kang pakialam sa akin? Akala ko ba boyfriend mo ako?” Nagtatampo ang boses nito.
“Hindi kita mahal. Break na tayo!” Hindi man lang ako natouch sa pagtatampo niya.
“Gem, hindi pwede. Magmove on ka naman. 10 years na ang nakalipas. Wala na si JC. Hindi na siya babalik pa.”
“Andito lang si JC. Kahit isang libong taon pa ang lumipas Jonas hindi ko kakalimutan si JC.”
“Hindi ko naman sinabing kalimutan mo na siya. Ang hinihiling ko lang buksan mo ulit ang puso mo. Bigyan mo ako ng konting space. Kahit wala na si JC kahati ko pa rin siya sa’yo.”
“Umalis ka na!”
“Ganyan ka naman lagi Gem e. Iniiwasan mo ang ganitong pag-uusap kaya hindi ka nakakapagmove on.”
“Nakapagmove on na ako Jonas kaya huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi mo alam ang sinasabi mo.”
“Bahala ka na nga.”
Nang makita ko ulit si Jonas kinabukasan ay tinanggap na nito ang pakikipagbreak ko at sinabi niyang tanggap na niya na hindi kailanman magiging kami. Tanggap din niya na kailanman hindi niya mapapalitan si JC sa buhay ko. Tanggap niyang magkaibigan na lang kami at hanggang doon na lang iyon.
Masaya naman ako na tinanggap nito ang katotohanan na kailanman walang lalaking makakapalit kay JC sa buhay ko. Nagpapasalamat ako na hindi na nito pinilit pa ang pagiging kami. Nagpapasalamat ako na naiintindihan nito ang saloobin ko.
Dumalaw na naman ako sa puntod ni JC. Nadatnan ko na naman si Ram. Nakinig ako sa sinasabi niya kay JC.
“JC, kahit ilang beses pang sabihin ni Gem na wala siyang pakialam sa akin hindi pa din ako titigil na suyuin siya. Mahal na mahal ko si Gem. Tulungan mo naman ako sa kanya. Please pare… Ikaw lang ang malalapitan ko pagdating kay Gem. Malakas ka kasi sa kanya kaya inaasahan kong ikaw na ang gagawa ng paraan.”
Tumikhim ako. Nilingon niya ako at akmang aalis na pero pinigil ko siya.
“Ram, kung sakali bang ipagkakatiwala ko sa’yo ang puso ko maaasahan kong hindi mo ako iiwan?”
“Gem, maaasahan mong kailanman hindi kita iiwan. Mamahalin kita ng buong puso ko… Hindi ko pa ito nasasabi sa’yo pero humihingi ako ng tawad sa nangyari sa Acceptance. Hindi ko sinasadyang gawin iyon at pinagsisisihan ko na ang nagawa kong iyon.”
“Pinapatawad na kita Ram…”
“Tinatanggap na kita sa puso ko. Aasahan ko ang pangako mong hindi mo ako iiwan.”
Masayang niyakap namin ang isa’t isa. Nagpasalamat ako kay JC. Alam ko kasi na ito ang pumili kay Ram dahil alam niyang magiging maligaya ako kay Ram. Si Ram ang dahilan kung bakit nagkahulugan kami ng loob ni JC. Si Ram ang dahilan kung bakit tinutukso kami ng lahat. At sigurado ako sa sarili ko na si Ram ang huling lalaking mamahalin ko at makakasama ko habang ako’y buhay. Hindi man nito mapapalitan si JC pero ipinakita naman nito na hindi niya ako iiwan kahit ilang beses ko pang itaboy siya. Kahit ilang beses ko mang saktan siya.
Hindi man siya ang una pero siya ang huling lalaking pakamamahalin ko.
Isang buwan pagkatapos kung tanggapin si Ram ay nagyaya na itong magpakasal. Tinanggap ko kaagad. Ayokong mangyari ulit ang nangyari sa amin ni JC dahil sa pagmamatigas ko.
2 years after…
Birthday ni JC kaya napagkasunduan ng barkada na magkita sa puntod ni JC at icelebrate ang 28 birthday niya(sana). Sinabi kung susunod na lang ako sa kanila dahil may pupuntahan pa ako.
Masayang nagkakantahan ang barkada ng dumating ako. May nilagay sila na isang basong beer sa ibabaw ng puntod niya.
“Hindi umiinom si JC…” Seryosong sabi ko kaya kinuha ko ito at napatigil ang lahat sa pagkakantahan. Nagulat ang lahat sa naging reaction ko pati si Ram. Alam kasi nilang lahat na hindi na ako ganuon kadefensive pagdating kay JC pero heto ako ngayon. “Kaya ako na lang ang iinom nito.” Sinabayan ko pa ng tawa kaya natawa ang buong barkada. “Babe, happy birthday.”
Kinuha ko si Ram at nilagay ko ang kamay niya sa tiyan ko habang nakaharap kami sa puntod ni JC. “Babe, may maganda akong balita sa’yo…” Tumingin ako kay Ram. “Dear…” Hinimas ko muna ang pangalan ni JC. “Magkakababy na kami.” Tuwang-tuwa si Ram sa balita ko. Alam ko na natuwa din si JC sa binalita ko sa kanya saan man siya naroroon. Hinalikan ako ni Ram.
“Hoy tama na iyan. Naiinggit na kami dito.” Saway ng barkada kaya lumapit kami sa kanila.
Masayang-masaya ako sa piling ni Ram. Hindi man magkatulad sina Ram at JC pero pareho naman silang pinapaligaya ako. Araw-araw pinaparamdam sa akin ni Ram na ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Alam ko na hindi ako kailanman iiwan ni Ram.
Binalikan ni Jonas si Myra kaya sila na ulit ngayon. Huling dinig ko ay magpapakasal na sila next year. Sina Chris at Anne ay may dalawang anak na. Sa nangyari kay JC hindi na hinintay ni Anne na lumapit si Chris at magsorry, kusa na niyang ginawa ito. Pagkatapos ng graduation sa college nilang dalawa ay nagpakasal kaagad ang mga ito. Si May may boyfriend na din. Si Mark ewan ko kailan magkakagirlfriend iyan. Si Crystal ang bestfriend ni JC ay nag-abroad at may foreigner boyfriend na. Si Earl ang close friend ni JC ay may asawa na din. May kanya-kanya nang buhay ang iba pa naming kasamahan sa ROTC pero magbabarkada pa rin. Parang anak ng lahat si baby John Carlo. Hindi namin maiwasang ituring itong si JC dahil lahat ng kilos nito JC-ng JC.
‘Babe nasaan ka man ngayon huwag ka nang mag-alala sa akin. Okay na ako. I love you baby… Nagkaasawa man ako…Gem loves JC Forever!”
*Sana nagustuhan niyo po
Comments from other Site:
raselle
……..ayy,sobrang ganda ng ending,kht nawala c jc at least masaya c gem sa piling ni ram…



November 11th, 2009 at 12:00 am
of course nagustohan ko..
ganda talaga..
tnx po sa pag share ng story mo..
gud luck
November 11th, 2009 at 12:03 am
Hello Marsha,
Maraming salamat talaga sa walang sawang pagsubaybay ng story ko.. Mayron po akong bagong story ngayon.. Destiny ang title niya.. Exciting din at nakakakilig.. Sana subaybayan niyo po:)
God bless you po at ingat palagi!
November 19th, 2009 at 7:00 am
lam mu ngus2hn q un st0ry ks0 boto aq ky jonas!hnd q mxad0 kla2 c ram,prang wala aqng kilig s knya!pr0 gnun tlga mnsan hnd hpy endng!super cry aq nun nwala c jc!huhu..tc
November 19th, 2009 at 7:12 am
hi emily,
tnx sa pagsuporta ng mga stories ko ha. pati ako cry to the max dn ng isulat ko iyon.. hnd kinaya ng powers ko.. gagawan ko yata ng book II itong Kwentas dahil ang dami talagang nabitin sa love story nina Gem at Jonas… iuupdate ko po kau sakaling magawan ko…
ingat lagi po:)
November 28th, 2009 at 9:54 pm
hi! i liked the story.. naiyak din ako..pero katulad ni emily, mas boto ako kay jonas. mas marami kasing pinagdaanan cla jonas and gem.. d tulad ni ram na parang extra lang.. but still, i liked it..
November 28th, 2009 at 10:15 pm
wag po kayong mag-alala ginagawa na po ang book II ng story na ito… ang dami talagang nagrequest ng book II at ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan nila…
Salamat sa pagbasa ng stories ko po! Ingat po kayo…
November 30th, 2009 at 11:00 am
ahm..gnda tlga ng story nio nka2iyak foe sna nalive kau ng picture,,,
November 30th, 2009 at 11:02 am
sna c jc nkatuluyan muh,,huhu pero sv nga nila ndi lhat ng story my happy ending pero lhat my climax en dats the part dat i keep as my treasure…gudluck foe,,sna nglagay foe kau ng pix nyu
December 1st, 2009 at 11:04 am
hi crizmie,
salamat sa pagbasa po ng story ko… hindi po ako makakapaglagay ng pictures.. just for privacy purposes na lang po…sori po ah…
ingat po keu lagi!
December 2nd, 2009 at 3:57 am
npka ganda poh ng story moh nkakaiyak poh tlga
kaya nyo pohyan ng yari narin pohskn yan ung 2nd gf q na nd q prin pnapltan kht wla na hehe bata q pah dmi q na krnasan jan 13
December 2nd, 2009 at 4:17 am
hi Crish,
slmat sa pagbasa ng story ko pong ito.. suportahan niyo po ang iba pa naming story…
oo nga masakit talaga mawala ang minamahal lalo na’t alam mong kailanman di na siya babalik. hirap bumangon pero life must go on…
ingat po kayo!
December 8th, 2009 at 9:37 am
mgleng kdn poh vah mg advise
December 8th, 2009 at 4:45 pm
Hi Traviz,
Susubukan ko po sa abot ng aking makakaya.. Madami na po akong experiences kaya po maiseshare ko din po iyon sa inyo..
Salamat sa pagdaan sa blogsite ko po!
Ingat po kayo…
December 24th, 2009 at 5:53 am
nice story… kagabi ko lang nakita to at binasa….
kakatapos ko lang basahin…
ganda ng story….
*thumbs up*
December 24th, 2009 at 9:10 am
hi callocohan,
slmat po sa pagbabasa ng story ko po.. slmat din at nagus2han niyo po..
ingat po kayo palagi…
February 8th, 2010 at 8:21 am
hayyyyyyyyyyy!!!ayoko si jc lang dapatttttttt
waaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!hihi nice po un story
habang hinihintay ko po yung batcom ilove you binasa
ko muna to kakaiyak grabehhhhhhhhhhhh…salamat miss j!
missj sana pu bumilis na yung update nung batcom,,,,
February 8th, 2010 at 9:41 am
Hi youngirl,
Bukas ko po siya iuupdate kasi di ako nakauwi ng bahay eh dahil sa snow kaya di ako nakapagsulat..
Hay naku! Ang kapal-kapal ng snow..
Pasensya na po kayo ah..
Maraming salamt po sa pagbabasa ng story.
Ingat po!