Here in my Heart Chapter 15
Pagkalipas ng anim na buwan…
Mag iisang naglalakad si Eunice patungo sa harap ng altar. Parang kailan lang nang mangyari ang pinakamalaking dagok sa buhay niya. Hindi siya makapaniwalang nalampasan niya ang lahat ng iyon. At ngayon nga ay haharap na siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hinding hindi niya malilimutan ang lahat ng iyon, lalong lalo na ang isang pag ibig na inialay sa kanya.
I love you, the love of my life
I need you, our love is right,
I’ve found the one that my soul loves
No other love means so much
Love of My Life, ang kantang naririninig niyang kinakanta sa may bandang unahan ng simbahan.
I prayed to my God for a heart to keep
He gave me the one, He knew my needs,
Over and over this love is sweet
I recognize the joy that makes our love complete.
God gave you to me.
Naiiyak na naman siya. Naalala niya ang ginawang panghaharana sa kanya ni Philip noon.
You’re the one I prayed for long ago
Fearless trust I never thought I’d know
I’ve found the answers to my dreams
My eyes were opened to love’s mystery.
Gustng gusto niyang pinakikinggan ang kantang ito. Kahit siguro pumuti na ang buhok niya ay ito at itong kanta pa ring ito ang ipapaawit niya….
I prayed to my God for a heart to keep
He gave me the one, He knew my needs,
Over and over this love is sweet
I recognize the joy that makes our love complete.
God gave you to me
The love of my life…
Titig na titig ang groom sa kanyang bride habang papalapit na ito. Walang pagsidlan ng kanyang tuwa habang tinitingnan naman niya ang nakumbok nitong tiyan. Bagay bagay na pa rin dito ang wedding gown na suot nito. Ito na ang pinakamagandang bride at buntis na nakita niya.
I love you, the love of my life
I need you, our love is right,
I’ve found the one that my soul loves
No other heart means so much
God gave you to me…
Ang kinakanta ng groom habang nasa harap na niya ang kanyang magandang bride.
Samantala habang papalapit ng papalapit si Eunice sa harapan ng simbahan ay muling nagbalik ang alala ni Eunice sa huling nangyari sa ospital…..
Nagkaroon ng commotion sa loob ng silid ni Philip. Pinalabas silang lahat ng mga doctor. Tinakpan ng kurtina ang bintana nang sa gayon ay walang masilip ang nasa labas. Wala na mang tigil sa kakaiyak ang lahat. Hindi iyon nakayanan ni Eunice at ito’y hinimatay.
Nang bumalik ang kanyang kamalayan ay nasa isang piting silid na siya.
Inilibot niya ang mga mata sa silid at wala siyang makita ni isang tao a palibot. Bigla niyang naalala ang si Philip, bigla siyang bumangon at nagmamadaling tinungo ang ICU. Ngunit laking panlulumo niya ng makitang wala nang tao sa silid na iyon, ni bakas ni Philip ay hindi niya na nakita. At muli na naman siyang himatay sa isiping tuluyan na talaga siyang iniwan ni Philip.
You’re the one I love
You are the love of my life…
Habang kinakanta ang huling dalawang linya ay buong pagmamahal na kinuha ng groom ang kamay na babaing pinakamamahal at ito ay hinagkan, hinimas pa muna niya ang tiyan nito at inakay na ang kanyang bride na naluluha na, sa harap ng altar.
Kahit napapiyak dahil sa ganda ng awitin ay napangiti pa rin si Eunice sa ginawing iyon ng groom. Alam niyang magiging isang mabuting ama ito sa mga magiging anak.
At sinimulan agad ang seremonyas. Hindi pa man natatapos ang kasal ay makikitang panay ang pahid ng luha nga mga bisitang nandoon, hindi nila akalain na magaganap pa ang tagpong ito. At kahit ang mga ikinakasal ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari sa kanila…
Pamilyar na kay Eunice ang silid na kinaroroonan ng siya’y muling magkamalay, nasa sariling kuwarto na siya ng kanilang bahay. Napagawi ang tingin niya sa tokador, nakita niya ang larawan nila ni Philip na kuha noong high school, talagang iningat-ingatan niya iyon. Tumayo siya at ito’y kinuha, hinimas himas niya ito at kinausap…
“Ang daya-daya mo naman, sabi mo ay lalaban ka para sa akin, bakit ngayo’y iniwan mo na akong nag-iisa.” Ang sabi niya na sa larawan.
Hindi namalayan ni Eunice na may nakapasok nap ala sa kanyang silid.
“Bakit ang lupit ng tadhana sa atin? Lahat ng pagsasama natin ay sandali lang. hindi ko man lang naipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Alam kung nasa tabi ka na NIYA ngayon, pwede bang sabihin MO sa kanya na kunin na rin ako?” patuloy niyang pagtangis.
“Kung hindi man NIYA tayo binigyan ng pagkakataon na magkasama ng matagal dito sa lupa, baka diyan sa kinaroroonan mo ay pagbigyan NIYA tayong maging maligaya sa habang buhay…” saad niya dito habang patuloy na umiiyak.
“Hindi totoong hindi NIYA tayo pinagbigyan”, anas ng boses sa kanyang likuran.
Napalingon siya kung sino ang nagsasalita. Hindi siya makapaniwala kung sino ang taong kaharap niya. Namamalikmata lang ba siya dahil sa labis na pagmamahal niya sa lalaki ay nakikita niya na ito? Ipinikit ni Eunice ang mga mata dahil baka namamalikmata nga lamang siya. Ngunit pagdilat niya ay nasa harap niya pa rin ito. Kinurot…at sinampal niya pa rin ang sarili at baka nanaginipi lang siya at part eng kanyang panaginip ang nagaganap ngayon. Wala pa ring nangyari, nasa harap niya pa rin ang lalaking pinakamamahal at nakangisi pa.
“Huwag mo nang sakatan ang sarili mo, mahal ko, totoo ako at hindi ka nanaginip.”sabi nito na unti-unti ng nakakalapit sa kanya.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero may tinig na tumatawag sa akin, at ng lingunin ko kung sino iyon ay nakita kita na pilit inaabot ang aking mga kamay at umiiyak. Pagkatapos bigla ka na lang nawala. May boses uli ako na narinig ang sabi niya, kailangan ko daw bumalik dahil may isang taong labis labis na nasaktan ng akoy umalis. Iyon lang at hindi ko na narinig uli ang boses niya. At bigla na lang akong nagising na tila galing ako sa napakahabang pagtulog, nakita kong napalibutan ako ng mga taong mahal ko at umiiyak, ngunit ng hanapin kita ay wala ka dun.” Mahabang paliwang ni Philip sa kasintahang hindi pa ri makapaniwala.
“Buhay ka nga, at hindi mo ako iniwan”, sabay yakap ng umiiyak na si Eunice sa lalaking pinakamamahal.
“Hindi mahal ko, at kailanman ay hinding hindi kita iiwan.” Niyakap rin siya ni Philip ng mahigpit na mahigpit at hinalikan.
Ni hindi maipaliwanag ng siyensya ang nangyari kay Philip. itinuring nila itong isang himala dahil pati ang sakit nito sa puso ay naglaho rin na para bang hindi man lang ito nadapuan ng ganoong uri ng sakit.
“You may now kiss your wife…again.” sabi ng pari na siya ring nagkasal sa kanila sa ospital.
Buong pagmamahal na tinitigan ni Philip ang kanyang lumuluhang asawa
“ I have only one true love, here in my heart, and no matter what will happen that will never be change”, buong puso niyang saad kay Eunice bago ito hinalikan.
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga taong nanduon. Alam nila kahit ano pa mang pagsubok ang maranasan ng dalawang ito ay kaya nila itong malampasan dahil ang pag-ibig ng dalawa para sa isa’t isa ay hindi matatawaran ninuman. Isang pag-ibig na napakamakapangyarihan… dahil kahit ang tadhana ay kaya nilang kalabanin.
~The End~
———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.


