Ang Kwintas Chapter 31
Pagkatapos ng mga messages at kantahan ay nagkaroon ng sayawan. Umuwi na ang mga guro at umakyat na din sa taas ang mga magulang ni JC kaya kami na lang mga estudyante ang naiwan. Nag-enjoy talaga ang lahat. Paminsan minsan ay sweet music kaya nagsasayawan ang mga magkasintahan at magkakapareha.
“Gem, tagumpay ka. Hindi talaga nag-enjoy si Myra sa party ni JC. Hehehe” Natatawa pang sabi ni Anne sa akin ng umupo ako. Sumasayaw kasi sina JC at Crystal.
“Ikaw talaga. Iyon nga ang pakay ko pero naisip ko mas mahalaga si JC kaysa sa pagpapaselos ko kay Myra. Iyong kanina dahil mahal ko si JC at wala nang iba pa.”
“Tanggap na tanggap talaga kayo ng lahat. Nakakainggit naman kayo.”
“Sus, ikaw naman. Kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo kahit hindi kayo tanggap ng buong mundo.”
“Paano na si Jonas, Gem? Mahal na mahal ka niya.”
“Hindi ako naniniwala sa pagmamahal niya. Alam ko gusto lang niyang manggulo.”
“Sinabi niya sa akin na mahal ka daw niya.”
“Anne, mahal na mahal ko si JC. Naisip ko iyon noong nanduon ako sa Bohol. Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya ng tuluyan. Tinimbang kong mabuti kung sino ang mas nakakalamang sa puso ko at si JC talaga iyon Anne.”
“Matatanggap naman siguro ni Jonas iyon.”
“Sigurado akong maiintindihan niya iyon. Hindi ko pa siya nakikilala si JC na talaga.” Bigla kaming napahinto sa aming pag-uusap ng lumapit si Myra kay JC at nakipagsayaw ito. Tumingin si JC sa akin pero wala siyang magagawa. Ayaw naman niyang ipahiya si Myra sa harap ng maraming tao. Tinitigan ko sila ng matalim. Ayoko ding ipahiya si Myra kaya hinayaan ko na lang.
“Talagang ayaw tumigil ni Myra. Kiti-kiti talaga.” Sabi ni Anne ng makita ang ginawa nito.
“Hayaan mo na lang. Bigyan mo naman siya ng moment niya.” Natawa kaming dalawa ni Anne. Binalewala ko na lang ang ginawa nito dahil sigurado na ako ngayon sa aming dalawa ni JC at hindi ko hahayaan ang sinuman na sirain ito.
JC and Myra:
“Happy birthday again JC.” Bati muli ni Myra kay JC.
“Thank you.” Nagpasalamat si JC kahit pa hindi komportableng kasayaw ito dahil nanunuod ang girlfriend niya.
“Nag-enjoy ka ba?” Walang-gana nitong tanong.
“Oo naman. Lalo pang andito ang girlfriend ko, wala nang sasaya pa sa akin. Ikaw nag-enjoy ka ba?” Pagmamalaki pa ni JC. Totoo naman na ang saya-saya niyang andito si Gem.
“Oo naman. Salamat sa pag-imbita mo.”
“Naku kaibigan kaya kita.”
“Masaya ako para sa’yo”
“Salamat Myra. Makakakita ka din ng lalaking sadyang para sa’yo”
Gem’s Side:
“Tingnan mo kung makadikit si Myra kay JC parang kanya.” Hindi ko maiwasang magkomento sa nakikita ko.
“Bayaan mo na. Remember ang puso.” Biro pa nito na ikinatawa na naman naming dalawa. Lumapit sa akin si Ram at makikipagsayaw daw ito kaya hindi ko na hinindian. Kaibigan naman naming dalawa ni JC si Ram at matagal na naming kasa-kasama kaya wala nang malisya sa kanya.
“Alam mo Gem, ang swerte ni JC sa’yo.” Wika pa nito nang nasa dance floor na kami. Tumitingin sa amin si JC.
“Alam ko na iyon Ram, swerte din naman ako sa kanya. Mahal na mahal ko kaya iyon.” Masayang sabi ko naman sa kanya.
“Naunahan lang talaga ako ni JC tayo sana ngayon.” Napakaseryoso nito. Wala akong makitang biro sa mukha at tinig nito. Parang nabilaukan ako sa sinabi niya.
“Ikaw talaga Ram. Napakahilig mong magbiro. Sige ka baka maniwala ako niyan.” Biniro ko na lang siya.
“Totoo Gem, kaya nga lagi kitang tinutukso sa kanya para mapansin mo ako pero di ko inakalang magkakahulugan kayo ng loob. Nagsisisi ako.”
“Ram…” Mahinang nasambit ko.
“Sorry Gem, huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Kalimutan mo na iyon. Tayo na! Maupo na tayo.” Nagbuntung-hininga pa ito.
“Babe, ok ka lang? Napakaseryoso yata ninyo ni Ram ah.” Sabi ni JC ng ihatid na ako ni Ram sa upuan.
“Naku, binilin lang niya na mahalin kita at huwag kang sasaktan dahil mahal na mahal mo daw ako.” Ikinaila ko na lang ang tunay na sinabi ni Ram sa akin. Hindi ko talaga inakalang iyon ang motibo ni Ram sa panunukso nito. Sa lahat ng tuksuhan siya talaga ang nagpapasimuno.
“I love you babe.” Bumulong na naman si JC. Hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Ram. “Anong iniisip mo? Tulala ka yata?”
“Ha?” Nagulat pa ako sa kanya. “Wala naman. Naisip ko lang ang sa ating dalawa.”
“Ano naman ang naiisip mo?” Nakangiting tanong nito sa akin.
“Noong nasa Bohol ako naisip ko mahal na mahal pala kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin.”
“Talaga?”
“Oo. Masakit sa akin ang mawalay sa piling mo babe. Mahal na mahal kita ng sobra. Huwag mo sana akong ipagpapalit.”
“Hindi kita kailanman ipagpapalit Gem.” Seryoso ding sabi nito.
“Nag-enjoy ka yata sa pakikipagsayaw kay Myra.” Siniko ko pa siya.
“Hindi ah. Mas enjoy akong halikan ka.” Gumanti ito ng pagbibiro sa akin na ikinakilig ko naman.
“Baka may makarinig sa’yo ano ka ba?” Siniko ko na naman siya. Malakas nang konti ngayon napaaww tuloy siya.
“Gem, dito ka matulog ah. Madaling araw na ayaw pa yatang umuwi ng mga kolokoys.” Konti na lang ang mga naiwan. Kadalasan mga kasamahan namin sa RO na nag-eenjoy pa din sa pagkakantahan at pagsasayawan.
“Hoy JC, Gem maghiwalay naman kayo dyan. Sayaw tayo Gem” Hinila pa ako ni Earl. Kasamahan din namin sa RO na close friend ni JC.
“Oo na. Kayo talaga.” Nagsayawan kaming lahat. Parang walang kapaguran talaga ang mga ito.
Bandang 2 am ng magdesisyon silang umuwi na. Kinabahan ako dahil naalala ko na gusto ni JC na matulog ako sa bahay nila.



February 8th, 2010 at 5:35 am
Very Good Post. I add this post to my bookmarks.