Tayo Hanggang Huli Prologue
(Bakit Ikaw Pa Book II ) Tayo Hanggang Huli
Masayang-masayang nagmamahalan sina Mon at Micea. Kahit pa hindi ito madalas magkita dahil nasa Davao si Mon at nasa Bohol naman si Micea ay palagi pa din itong nagtatawagan at nagpapadalahan ng mga love letters.
Dumating ang araw na kinatatakutan nina Mon at Micea, ang pag-alis ni Micea papuntang America. Ayaw mang tanggapin ng dalawa pero kailangan para sa kinabukasan din naman nilang dalawa ang planong iyon kapag nagkataon.
Kahit nasa malayo si Micea ay walang araw na hindi sila nag-uusap ni Mon. Panay ang tawagan nila sa isa’t isa. Nagpapadala din siya ng mga package kay Mon kapag mayroon siyang nagugustuhan para sa kasintahan at ganuon naman si Mon kay Micea.
Araw ng graduation ni Micea, excited na siya dahil niregaluhan siya ng Ante niya ng ticket pauwing Pilipinas. Sa wakas makikita na din niya si Mon. Nang papalabas na siya ng kanilang bahay ay isang malagim na trahedya ang nangyari. Nabundol si Micea ng isang sasakyan dahil tinakbo nito ang bata na siya sanang masasagasaan. Hindi naman ganuon kalakas ang impact pero nabagok ang ulo niya na siyang dahilan ng pagkakaamnesia niya. Nakalimutan niya ang lahat… kasama pati si Mon.
Hanggang saan aabot ang pagmamahal ni Mon kung hindi siya nakikilala ng kasintahan? Sila pa rin kaya hanggang huli kung si Rian ang iniisip ni Micea na mahal nito?
Chapters
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Copyright of FilipinoConnect! Please don’t repost to any site.



November 13th, 2009 at 6:30 am
hi,,grabe gnda ng story u…sna msundan n kagad un last chaptr n ngwa u!!!d n q mkpghintay…grbe!!!more power!!!!god bless!!!!
November 13th, 2009 at 7:08 am
Hi Emily, maraming salamat sa pagsubaybay ng mga stories ko… God bless din po at ingat kayo palagi…