Ang Kwintas Chapter 36
Walang hiya talaga ang Ram na iyon. Hindi ko siya mapapalampas sa ginawa niyang ito. Pero sino itong lalaking nagligtas sa akin? Kung si JC ito nagsalita na ito kanina pa. Hindi kaya si Jonas ito? Nagbakasakali ako kaya tinawag ko ito nang tumalikod na siya.
“Jonas?” Lumingon siya kaya nakompirma ko. “Salamat.” Nagpatuloy na ito sa paglakad.
Mula ng gawin sa akin ni Ram iyon ay hindi ko na ito pinansin pa. Ni hindi ko ito nginingitian o kahit makipagplastikan sa kanya ay hindi ko ginawa. Kahit nagtaka ang mga kasama namin sa RO ay binalewala ko sila. Hindi nila alam kung ano ang muntik ng gawin ni Ram sa akin.
Lumipas ang mga araw at mas lalo pa kaming napapalapit ni JC sa isa’t isa. Minsan ay natutulog ako sa bahay nila at every Saturday and Sunday ay nanduon lang siya sa bahay namin. Para na ngang anak ang turing ng mga magulang ko sa kanya. Kahit hindi sanay sa gawaing bahay ay tumutulong pa rin siya sa bahay namin.
Dahil sa madalas na pagkakasama namin ni JC ay hindi napigilan isang gabi ang may mangyari sa amin. Nilabag namin ang ipinangako namin sa mga magulang namin. Nabahala kami sa nangyari pero magpagayunman ay hindi ko pinagsisisihan ang nangyari.
“Ano nang gagawin natin ngayon?” Tanong ko kay JC kinabukasan.
“Magpakasal tayo Gem para sakaling magbunga ang nangyari sa atin…” Sagot niya pero hindi ko na siya pinatuloy ng kanyang sasabihin.
“Ano? Ayoko nga. Hindi pa ako handa noh. Marami pa akong plano sa buhay ko.”
“Pero Gem, ayoko namang pag-usapan ka ng mga tao dahil sa nabuntis ka na walang asawa.”
“Hindi mo naman ako pababayaan di ba?”
“Hinding-hindi kita iiwan. Dadamayan kita.”
JC’s Side:
“Dad, Mom may sasabihin sana ako pero huwag po sana kayong magagalit sa akin.” Pagpapakumbaba kong sabi sa mga magulang ko.
“Ano naman iyon? Bakit kabado ka?” Tanong ng Daddy ko.
“May nangyari po sa amin ni Gem. Gusto ko pong panagutan siya.”
“Sinasabi ko na nga ba. Dapat talaga hindi namin kayo pinagkatiwalaan.” Naiiling na sabi naman ng mommy ko.
“Wala pa kayo sa hustong edad anak. Alam na ba ito ng mga magulang ni Gem?”
“Hindi pa po Dad. Gusto ko po sanang mamanhikan tayo sa kanila. Kahit magpirmahan lang tayo na magpapakasal kami sa tamang panahon.”
“Sigurado ka na ba dyan? Baka pagsisihan mo sa bandang huli ang desisyon mo.”
“Kailanman hindi ko pagsisisihan ang makasal kay Gem. Mahal na mahal ko po siya.”
“O sige. Pupunta tayo sa kanila this Saturday.”
“Thanks po Dad, Mom.” Niyakap ko silang dalawa at pumasok na sa aking kwarto.
Hindi ko muna ipinagtapat ang balak naming pamamanhikan kay Gem dahil alam ko hindi siya papayag. Umaasa ako na makukumbinsi din siya ng mga magulang namin.
Gem’s Side:
“Gem, musta ka na?” Sinalubong ako ni Anne. Mukhang malungkot ito.
“Ok lang. Anong nangyari sa’yo?” Nababahalang tanong ko sa kanya.
“Nagalit talaga ako kay Chris. Alam mo ba, narinig ko na nag-uusap sina Chris at Jonas. Pinagpustahan lang pala nila tayo kung sino ang unang mapasagot siya ang pwedeng manligaw kay Myra. Buti na lang talaga hindi ka naniwala kay Jonas.”
“Ha? Talaga. Walang-hiya.” Paligtas-ligtas pa siya sa akin pero may ibang motibo pala. Kaya pala madalas kong makitang mag-usap sila ni Myra. Buti na lang talaga hindi ako naniwala sa kanya.
“Huwag mo nang alalahanin iyon Anne. Hindi sila karapat-dapat na bigyang pansin.” Nalungkot pa rin ako sa nalaman ko. Akala ko mahal talaga ako ni Jonas. Natouch pa nga ako sa nangyari sa Acceptance, sa alay na kanta nito pero malalaman ko na lang na nakaplano ang lahat ng iyon.
Sabado ng gabi. Namiss ko si JC dahil hindi ito nagpunta sa bahay namin ngayon kaya nasa bintana lang ako naghihintay sa kanya. Kumakain kami ng may kumatok kaya binuksan ng kapatid ko. Nagulat ako dahil dala ni JC ang mga magulang niya at may dala pa silang mga pagkain.
“Anong ibig-sabihin nito JC?” Tanong ko kaagad sa kanya.
“Gem, pananagutan kita.” Sagot nito.
“Anong sinasabi niya Gem?” Tanong ng papa ko.
“Pa, Ma, sorry po. May nangyari na po sa amin ni JC. Pero hindi po namin sinasadya iyon.” Naiyak ako sa pagsabi ko.
“Kaya kami nandito dahil mamamanhikan kami. Kahit magpirmahan lang tayo na ikakasal sina Gem pagdating nila ng 18.” Sabat naman ng Daddy ni JC.
“Tingnan mo itong pinasok mo Gem. Paano na lang ang kinabukasan mo? Hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo?” Galit na ang papa ko.
“Hindi po ako magpapakasal kay JC pa. Isang beses lang iyon at hindi na mauulit.”
“Tapos ngayon ipapahiya mo kami dahil hindi ka magpapakasal kay JC?”
“Pa, ayoko pa po.”
“Bakit mo pinasok kung ayaw mo pa? Hindi ka talaga nag-iisip. Lumabas muna kayo ni JC. Mag-uusap muna kami ng mga magulang niya.”
“Bakit ka ba nagpupumilit JC?” Galit na baling ko kaagad sa kanya ng nasa likod bahay na kami.
“Gem, ayoko lang mapahiya ka.”
“Sabing ayoko kaya respetuhin mo iyon.”
“Hindi Gem, may kasalanan ako kaya sana naman pumayag ka na.”
“Kung gusto mong kausapin pa kita, itigil mo ito.” Tinawag kami ng kapatid ko na pinapapasok na daw nila kami.
“Gem, napagkasunduan namin na ipakasal kayo ni JC. Sa judge muna at pagtuntong niyo ng 18 ay pipirma kayo para maging legal ito.”
“Pa, ayoko. Hindi niyo ako mapipilit.” Iniwan ko na silang lahat. Sumunod si JC pero sinampa ko ang pintuan sa mukha niya.
“Kakausapin ko na lang si Gem. Pasasaan ba’t mapapapayag ko din ito.” Naririnig ko pa rin sila sa may sala.
“Salamat kumpadre.” Wika ng daddy ni JC.
“Walang anuman iyon. Para din naman sa dangal ng anak ko iyon kaya gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mapahiya.”
“Sige, kumare, kumpare alis na kami.”
“Sige.”
Next Chapters
Makaya kaya ni Gem kung mawawala si JC?


