Mon’s Side:
“Hello po Dad” Bati ko sa daddy ko ng makarating na kami sa bahay. Naghihintay kasi ito sa may salas.
“Raymond, you disappointed me. How could you do that?” Napakaseryosong salubong ng daddy ko.
“Dad, I love Micea.”
“Melet’s the girl for you. Not Micea. We are arranging your engagement with Melet. Two weeks from now we will all go to Bohol at isasabay ang engagement niyo sa birthday ni Melet.” Maawtoridad na wika nito.
“But Dad, ayoko. Hindi ko na po mahal si Melet.” Mapapaluhod na yata ako nito maawa lang ito sa akin.
“You will do what I say. Para ito sa kabutihan mo.” Pagtatapos ng daddy ko at umalis na ito.
Hindi ko talaga maatim na maengage kay Melet. Hindi ko na siya mahal pero kapag ang daddy ko ang nagsabi iyon dapat ang masunod. Mabuting ama ang daddy ko kaya hindi ko siya kayang suwayin. Pero paano na ito ngayong ang ipinapagawa niya sa akin ay sangkot ang habang buhay na kaligayahan ko?
Micea’s Side:
“Hi Micea” Bati ni Melet sa akin.
“Hi Melet! Buti naman at pinapasok ka ng lolo ko.” Nasa salas kasi ako at nakatingin lang sa bintana.
“Wala naman akong gagawing masama sa iyo. Siyanga pala, birthday ko next week. Invitation mo. Punta ka ha.” Sabay bigay ng invitation card niya.
“Naku, baka hindi ako makapunta. Ayaw ng lolo ko na lumabas ako.”
“Imbitado ang lahat ng pamilya mo kaya siguro naman pwede kang lumabas. Aasahan kita ha.” Sabi nito at umalis na.
Tinitingnan ko ang invitation niya. Wala akong balak pumunta doon. Wala naman kasi akong gagawin kung saka-sakali.
“Anak, sumama ka sa amin ng ante mo. Punta tayong Tagbilaran.” Anyaya sa akin ng mama ko.
“Ano pong gagawin natin doon?”
“Bibili tayo ng isusuot mo sa birthday ni Melet. Wala ka namang dalang formal dress eh sabi ni Melet formal daw.”
“Wala po akong balak pumunta sa party ma. Wala naman po akong gagawin doon.”
“Anong hindi ka pupunta? Maiging pumunta ka doon para naman malibang ka. Magbihis ka na at aalis na tayo.”
Kahit ayaw ko man ay sumama na rin ako. Mga isang linggo na rin na nasa bahay lang ako. Nasa kwarto lang ako palagi. Ni hindi nga ako sumasabay sa kanila sa hapag-kainan. Hindi ko dinamdam ang parusa ng lolo ko. Namimiss ko lang talaga si Mon.
Gusto ko mang magliwaliw ay hindi ko pa rin kayang gawin. Nalulungkot ako at hindi ko maalis si Mon sa isip ko. Gusto ko na siyang makita. Ang nakakabaliw niyang mga ngiti ay hindi maalis sa isip ko. Lagi ko din siyang napapanaginipan.
“Hi Micea” Nang makauwi na kami ay mayroon palang naghihintay na bisita. Natuwa ako ng makita ko siya.
“Hi Rian, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya na niyakap ko pa siya.
“Hiniling ko kay dad na bigyan ako ng two weeks vacation kaya heto nakapasyal.” Sagot naman nito.
“Mabuti nandito ka Rian. May makakasama ako sa party ni Melet.” Nag-aalangan kasi akong pumunta doon ng mag-isa. Baka kasi pagtawanan nila ako sa nangyari sa amin ni Mon.
“Sure, sasamahan kita.”
Niyaya ko si Rian sa tabing-dagat. Siya ang nagpaalam sa lolo ko na mamamasyal muna kami. May tiwala kasi ang lolo ko sa kanya kaya pumayag ito.
“Ok ka na ba?” Tanong ni Rian ng nasa tabing-dagat na kami. Tinatanaw ko ang dagat. Ilang linggo na din na hindi ako nakapasyal sa may tabing-dagat. Naalala ko na naman si Mon. Iyong time na magkasama kaming nanuod sa papalubog na araw. Iyong time na magkasama kaming naliligo sa may dagat. Lalong-lalo na iyong panahong nakasakay kami sa motorsiklo na yakap-yakap ko siya. Naiyak na naman ako.
“Huwag mo nang sagutin, alam ko na ang sagot. Pasasaan ba’t malilimutan mo din siya.”
“Oo naman.” Nginitian ko siya at pinahid ang mga luha ko. Hindi kami nandito para maalala si Mon kundi para magsaya.
“Kumusta ka na pala?” Tanong ko kay Rian. “Alam mo ang laki ng pinagbago mo. Gwapo-gwapo mo na ngayon.”
Natawa si Rian sa sinabi ko. “Ang galing mong mambola ah.”
“Totoo ang sabi ko. Swerte ang babaeng mamahalin mo dahil sigurado ako hindi mo siya iiwan.”
“Hindi talaga at ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.” Naging seryoso ang usapan namin. Kakaiba naman ang mga tingin ni Rian sa akin sa tingin ni Mon. Kay Mon kasi kahit minsan walang expression ang mukha ay nakakabighani ito pero ang tingin ni Rian ay napakamahiwaga. Na dapat ay may tuklasin ako sa likod nito.
Nang magdapit hapon na ay umuwi na kami. Nakasalubong namin si Melet.
“Hi Melet” Bati ko sa kanya.
“Hi Micea, kumusta na?”
“Ok lang ako. Ito nga pala si Rian, inaanak ng lolo ko. Rian siyangapala si Melet. Birthday niya iyong sinasabi ko na malaking party sa susunod na linggo. Melet isasama ko si Rian sa party mo ah.” Tumango lang si Rian bilang pagbati kay Melet at kumaway si Melet dito.
“Sure. Oo naman. Sige punta muna ako kina Bebs. Bye.”
“Ok bye.”
Mabilis na lumipas ang mga araw. Bukas ay birthday na ni Melet. Halos lahat ay naghahanda sa birthday niya. Lahat yata ng tao sa lugar namin ay imbitado sa birthday niya. Hindi pa ako nakakadalo sa birthday ni Melet, kadalasan kasi ay nakakauwi na kami sa Mindanao bago pa niya idaos ang birthday niya.
Mon’s Side:
Bukas ay birthday na ni Melet kaya heto kami papunta na sa Bohol. Sumama na ang daddy ko this time. Maghohotel muna kami sa Tagbilaran at bukas na lang daw kami pupunta sa bahay nina Melet. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Melet. Iniisip ko rin paano kaya ang buhay namin kapag kinasal na kami. Miserable siguro.
Nasaan na kaya si Micea? Iniisip kaya niya ako? Miss na miss na kita Micea. Kahit hindi dapat ay hiniling ko na sana makita ko si Micea sa birthday ni Melet.
Kinabukasan ng hapon ay tumungo na kami sa bahay nina Melet. Palingon-lingon ako habang nasa sasakyan kami nagbabakasakali ako na makita ko si Micea.
“Hi tito, hi tita!” Humalik pa si Melet sa mga magulang ko. Nagbatian silang lahat pero kumaway lang ako. Hindi ko gustong makihalubilo sa kanilang lahat. Gusto kong pumunta sa tabing-dagat, gusto kong maalala ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Micea, iyon man lang ay masaya na ako.
“Hi Mon! Kumusta ka na?” Bati ni Melet sa akin.
“Hello. Ok lang.” Malapit nang bitayin. Nais kong idagdag sa kanya.
“I’m happy to see you.” Yumakap pa ito sa akin at humalik sa pisngi.
I’m not. “Sige, punta muna ako sa basketball court.”
“Naku huwag. I mean samahan mo muna ako sa parlor. Magpapamanicure ako. Please.”
“Samahan mo na hijo,”Sabat naman ng mommy ko.
“Ok.”
<Previous Page <Home> Next Page>